You are on page 1of 8

GAWAING PAGKATUTO

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Kakayahang Pragmatiko
&
Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay
(Ikalawang Kwarter- Linggo 6)

Pangalan: ______________________________________
Lebel: Baitang 11 _____________________________
Strand/Track: ______________________________________
Petsa: Pebrero 08-12, 2021_(Unang Sesyon)________
_____________________________________________________________________________________
A. Panimula
Ang araling ito ay pumapatungkol sa Kakayahang lingguwistiko at kakayahang komunikatibo
ng mga Filipino.
B. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita F11WG II f 88
Nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng paggamit ng wika ng iba’t
ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas F11EP-IIf-34
Layunin:
a. Natutukoy ang kahulugan ng sitwasyong sinasabi (berbal) at ikinikilos ng táong
kausap (di-berbal) upang mahinuha ang layunin nitó
b. Nagagamit ang berbal at di-berbal na pagpapahayag sa isang makabuluhang
diyalogo
c. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagsulat ng kritikal na sanaysay para sa sarili
at sa mambabasa
d. Nakasusulat ng isang kritikal na sanaysay gámit ang wika sa iba’t ibang grupong
sosyal
C. Panuto
Inaasahan na ang mga mag-aaral ay isasagawa ang mga sumusunod:
1. Basahin at unawain ang bawat panuto upang masagutan nang maayos ang
gawain.
2. Gamitin ang gawaing pagkatuto nang may pag-iingat
3. Tapusin ang bawat gawain at itala ang puntos na maaaring makuha sa bawat
gawain.
4. Gumamit ng sagutang papel.
5. Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa guro sa pamamagitan ng
text, tawag o chat.
D. Pamamaraan
Sa loob ng isang linggo o apat na oras, kailangang maunawaan ng mga mag-aaral ang
kakayahang komunikatibo ganun na rin ang kakayang lingguwistiko.
Panimula
Panimulang Kaalaman

Kakayahang Pragmatiko
Ang Kakayahang Pragmatiko ay tumutukoy sa mabisang paggamit ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin,
natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng usapan, kung gayon ang pagsusuri sa
kahulugan ng mga salita sa kantang “Upuan” ni Gloc-9 ay magpapaliwanag tungkol sa dito.

Sipi mula sa kantang


“Upuan” ni Gloc-9

Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng


malaking bahay at malawak na bakuran
Mataas na pader pinapaligiran
At naka pilang mga mamahaling sasakyan
Mga bantay na laging bulong ng bulong
Wala namang kasal pero marami ang naka barong
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong
At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon
At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan
Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan
Kaya naman hindi niya pinakakawalan
Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan
Kayo po na naka upo,
Subukan nyo namang tumayo,
At baka matanaw, at baka matanaw na nyo
Ang tunay na kalagayan ko.

Pahiwatig Literal na Kahulugan


Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng malaking Ang tinutukoy ay opisina o lugar kung saan
bahay at malawak na bakuran. nagtatrabaho ang mga politiko, maaaring munisipyo,
kapitolyo, o Palasyo ng Malacañan
Wala namang kasal pero marami ang naka barong Mga guwardiya na ang suot ay barong

Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong Mga magaganda o mamahaling kagamitan sa ibang
salita ay pangmayaman

Ang kakayahang magbigay ng wastong kahulugan sa gámit ng salita at paraan kung paano
unawain ang konteksto nitó sa pahayag ay ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko.

Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang makapagpahayag


ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan at gayundin, natutukoy ang
ipinahihiwatig ng sinasabi (berbal), di-sinasabi (di-berbal) at ikinikilos ng usapan. Ito’y kasanayan sa
pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at
pagpapadaloy ng usapan.
Ayon kay Jocson (2016), ang bawat pahayag o pangungusap ay nagtataglay ng dalawang bahagi:
kung ano ang sinasabi at kung ano ang ipinahihiwatig (implied o implicative).
Halimbawa:
1. “Ay naku, naiwan pala ang wallet ko”
Pagsusuri: May kahulugang pragmatiko na gustong magpalibre o mangungutang
2. Dinampot ang bulaklak sa mesa, bahagyang inamoy, binása ang nakasulat sa maliit na papel, at
napangiti.
Pagsusuri: May kahulugang pragmatiko na nagustuhan ang nagbigay at ang ibinigay.

Ang kakayahang pragmatiko ay maaring:


a. Berbal – sinasabi gámit ang mga salita sa pagpapahayag at pangunahing paraan upang manatili
ang pakikipag-uganayan.
Halimbawa: “Naiinis ako sa sinabi niya,”ayoko munang makipag-usap
b. Di-berbal- di ginagamitan ang salita at sa halip ay ipinakikitasa ekspresyon ng mukha ,kumpas at
galaw ng kamay, kulay maging simbolo ang paraan ng pagpapahayag.
Halimbawa. Umirap siya sa sinabi at biglang tumalikod sa kausap.

Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap.


1. Isa ang insulin, sa kinikilalang pinakadakilang imbensiyon ng tao.
2. May 188 kinatawan ang lumagda sa reklamong impeachment ni Renato Corona.
3. Magandang kuhanin ng mga kabataang nangangarap na maging tagapagbalita ang
kursong jornalism (peryodismo).
4. Mga 80 porsiyento ng komersiyo ng gulay sa ngayon ay mababa ang presyo.
5. Marami sa ating mga kabataanang mas pamilyar sa Google kaysa sa ebanghelyo, mas
sanay sa internet kaysa inspirasyon, at mas subsob sa Facebook kaysa pag-aaral.

Ano ang napansin mo sa mga salitang may salunguhit? Sa tulong ng kolum sa ibaba ay
mauunawan mo ang mga register ng wika na ginagamit ng ilang grupong sosyal na ginamit naman
sa pagbuo ng mga pangungusap sa isang sanaysay at iba pang uri ng panitikan.

Bilang Register Gumagamit na Grupong Sosyal


1 insulin ginagamit ng mga doctor sa mga táong may diabetes
2 impeachment ginagamit ng mga abogado sa korte sa mga táong
inaakusan ng mga paglabag sa batas
3 jornalism Ginagamit ng angkor para magbigaymensahe at maghatid
ng impormasyon
4 komersiyo Ginagamit ng mga negosyante kaugnay ng
kalakalan/negosyo o palitan ng produkto
5 Google, internet at Ginagamit ng mga millennial sa social media upang kumuha
Facebook ng impormasyon
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan malayang naipahahayag ng may-akda ang
kanyang saloobin, pananaw, kuro-kuro, damdamin, reaksiyon at repleksiyon tungkol sa isang paksa. May
layunin itong magbigay-kabatiran, impormasyon, mang-aliw o magpatawa.
Kasama sa katangian ng isang kritkal na sanaysay ang magaan natono, malaya at personal na
pagtalakay ng awtor ng anumang paksang nais niyang talakayin na parang ang kanyang kausap o kaharap
ay ang mga mambabasá.
Ayon kay Jocson (2016) ang dapat isalang-alang sa pagsulat ng kritikal na sanaysay ay ang
sumusunod:
1. kaisahan ng tono;
2. maayos na pagkakabuo;
3. matalinong pagpapakahulugan;
4. tema at nilalaman;
5. anyo at estruktura;
6. wika at estilo; at
7. gumagamit ng wika sa bawat sosyal at kultural na pangkat.
Mahalaga sa lahat, kung ang isusulat na sanaysay ay tungkol sa iba’t ibang wika ng mga grupong
sosyal at kultural sa Pilipinas, kinakailangang may sapat na kaalaman at kasanayan sa salita/pahayag na
ginagamit na batayan ay ang lugar, panahon, layunin, pinag-uusapan, at grupong kinabibilangan ng mga
naguusap.
Pagpapaunlad

Gawain Bilang 1: Tsek o Ekis


Layyan ng () tsek sa tapat ng pahayag na naglalarawan o tumutukoy sa Kakayahang Pragmatik, at
ekis (×) kung ang pahayag ay walang kinalaman dito.

____1. Ito ay kakayahang tukuyin ang kahulugan ng sitwasyong sinasabi. di- sinasabi, at
ikinikilos ng táong kausap.
____2. Ito ay kasanayan sa pagtukoy sa mga pakiusap, magalang na pagtugon sa mga
papuri o paumanhin, pagkilala sa mga biro, at pagpapadaloy ng usapan.
___3. Ang Kakayahang Pragmatiko ay mabisang paggamit ng yaman ng wika upang
makapagpahayag ng mga intensiyon at kahulugang naaayon sa konteksto ng usapan
at gayundin, natutukoy ang ipinahihiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng
usapan.
____4. Ito ay isang kakayahang bigyan ng interpetasyon ang isang serye ng mga sinasabi
upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan.
___5. Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik, natutukoy nitó ang kahulugan ng
mensaheng sinasabi at di-sinasabi, batay sa ikinikilos ng táong kausap.

Gawain Bilang 2: Suriin Mo!


Basahin ang sanaysay na gumagamit ng ilang piling salita na nakarehistro sa ilang grupong sosyal
at kultural sa bansa. Tukuyin at punan ang kahon sa ibaba.

Guro ng Bagong Siglo


Ang pagiging guro ay mahirap na propesyon. Laging dala ay lesson, sa klasrum siya’y maghápon.
Sa bigat ng tungkulin, sarili’y di na pinapansin kayâ minsan kung mamalasin, pneumonia at high
blood laging kapiling. Ang kaniyang suweldo’y pílit na pagkakasiyahin at minsan ang bangko’y
kaniya ring dadalawin. Iba-ibang bisnes lahat ay gagawin, magkaroon lamang ng kaunting kikitahin.
Masaklap pa nitó ang batang sisitahin, pati hukuman kaniya ring mararating. Nakalulungkot pa,
laman ka ng Facebook nila, pati sa Messenger ikaw pa rin ang bida. Dakila ka talaga, guro ka ng
milenya dahil ga’no man kalayo ng inyong distansiya sa kanila, nagbibigay ka ng hustisya
magkaroon lang sila ng kita sa leksiyong iyong itinitinda. Malayo na nga talaga sila, dahil ang mga
kabataan, wala ng pagkilala, kayâ dapat na maging sentensiya, ay turuan sila ng mataas na
disiplina, sa mga gurong pag-asa ng eskuwela, at kahit ano pa ang sabihin nila, hindi mabubura ang
katotohan ang anumang paghihirap ng guro, laging may panahon sa ikatututo ng eskuwela at ang
dedikasyon at pasyon ay laging buháy saanmang panahon at henerasyon. Mabuhay ang mga guro
sa bágong bersiyon.
Salitang may salangguhit (Grupong Sosyal/kultural
Lesson
Pneumonia at high blood
Bisnes
Hukuman
Facebook at Messenger
Distansiya
Hustisya
kita

Pakikipagpalihan

Gawain Bilang 3: Suriin Mo!


Panuto: Basahina at suriin ang mga salita at paraan ng paggamit ng salita sa awit, upang
mahinuha ang kahulugan nito. Gawin ang gawain at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Paru-parong Bukid
Paru-parong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papaga-pagaspas Isang
bara ang tapis Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad

May payneta pa siya


May suklay pa man din
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar
At mananalamin
At tsaka lalakad nang pakendeng-kendeng

Paru-parong bukid na lilipad-lipad


Sa gitna ng daan papaga-pagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
a. Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang paruparong bukid sa una, ikalawa at ikatlong
stanza?
Mga Salitang Naglalarawan sa Nabuong Imahen batay sa Pagkakagamit ng Salita
Paruparo
Unang Stanza:

Ikalawang Stanza:

Ikatlong Stanza:

b. Ano ang layunin ng mga salitang ginamit sa awit?


_______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
c. Mula sa iyong kasagutan, ano ang tinatawag na Kakayahang Pragmatiko?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Paglalapat
Gawain Bilang 4: Komiks Iskrip!
Panuto: Bumuo ng isang kritikal na sanaysay sa tulong ng sumusunod na sitwasyon, wika
ng isang sosyal/kultural na pangkat. Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka. Isulat ang
sanaysay sa isang malinis na bond paper.

Paksa: New Normal


Sitwasyon: Kalagayan ng edukasyon ngayong panahon ng pandemya
Pangkat ng tao: Mag-aaral, magulang at guro

Mga salita: new normal, COVID 19, modalities, face-to-face, internet, WiFi, online, distance
learning, blended learning, modyul, transit pass, social distancing, sabon, kinabukasan, pangarap,
kumpol-kumpol, alcohol, P.E, shuttle, laptap, cellphone, ZOOM, Google class, TV, radyo, at iba pa.

E. Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang TAMA kung nagpapahayag ng tama
at MALI naman kung mali.

______1. Nagsisimula ang kritikal na sanaysay sa paglalahad ng mga pangunahing kaisipan


______2. Sa katawan ng sanaysay ay dapat makita ang mga ebidensiya na susuporta sa
pangunahing kaisipan.
______3. Isaalang-alang lámang ang mga sariling pananaw.
______4. Sa hulíng bahagi ng kritikal na sanaysay ay makikita ang iyong kongklusyon at
paninindigan.
______5. Suriin lámang ang sanaysay kung ito’y kinakailangan lámang
F. Rubrik sa Pagmamarka

Napakahusay Mahusay Katamtam Paunlarin Nangangailan Kabuoa


Kraytirya 5 4 an 2 gan ng Gabay ng
3 1 Marka
Naisulat
ang
sanaysay
May
sa
Makahusa papaunladn
Paglalahad Napakahusay katamtama Nangangailang
y at ak
ng at malikhaing ng ang paunlarin
malikhaing asanayans
kritikalnakai nailahad ang pamamara ang
nailahad apa gsulat
sipa n/ mga pahayag an at may kasanayan sa
ang mga ng
pahayag pagtatangk pagsulat
pahayag kritikalnasa
a sa
nay say
pagiging
malikhain
nitó
Nakabuo ng
mga pahayag Nakapagla Nakapagla Nakapagla
na ha d ng had ng had ng mga kapaglahad ng
NIlalaman sumusuporta dalawang isang idea magkakaib paksa sa
sa mga idea idea ukol ukol sa ang nilalaman
sa kabuoan sa paksa paksa pahayag
ng sanaysay
Hindi
Nakagamit Nakagamit Nangangailang
Nakagamit ng nakagamit
ng mahigit ng an ng gabay
mahigit sa ng
Kaangkupan sa apat na dalawang sa paggamit
limang anumang
ng gámit ng rehistro ng rehistro ng ng rehistro ng
rehistro ng rehistro ng
salita wika wika wika sa iba’t
wika kaugnay wika
kaugnay kaugnay sa ibang
sa paksa kaugnay sa
sa paksa paksa sitwasyon
paksa
Nakapagbi Nalimitaha Nalimitahan
ga y ng n ang ang
Nakapagbigay Walang
Pagigging katamtama pagbibigay pagbibigay
ng kabuoang naibigay na
makabuluha ng ng ng
kaisipan/mens kaisipan/
n ng kaisipan/p kaisipan/m kaisipan/m
ahe sa kongklusyon
pagbubuo aha -yag ens ahe sa ens ahe sa
sanaysay ukol sa paksa
sa pagbuo ng pagbuo ng
sanaysay sanaysay sanaysay
G. Sanggunian

 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan-


Modyul 11: Kakayahang Pragmatiko

 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Ikalawang Markahan-


Modyul 12: Pagsulat ng Kritikal na Sanaysay

Inihanda nina:

JHONA F. SINAPILO LYDEL R. OLAN


Guro 1 Guro I

Pinansin nina:

EDZEL M. LEOPANGO
Ulongguro 1

ELMER G. SAMARITA
Punungguro 1

You might also like