Professional Documents
Culture Documents
ALJOHN Module 5
ALJOHN Module 5
DELOS SANTOS
MODULE 5
7 SAKRAMENTO
1.Binyag
2.Banal na Eukaristiya
3.Kumpil
4.Kumpisal
5.Kasal
6.Banal na orden o ang pagtatalaga sa mga pari.
7.Pagpapahid ng santo olyo o banal na langis sa maysakit
MGA DASAL
Ama namin
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.
Sumasampalataya
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyayari sa lahat.
Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa Banal na Simbahang Katolika;
sa kasamahan ng mga Banal;
Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao,
At sa buhay na walang-hanggan.
Amen.
Pagsisisi
Panginoon kong HesuKristo,
Ako’y nagkasala laban sa Iyong Kabutihan walang hanggan.
Ako’y nagsisisi at nagtitika ng buong puso,
At nangangako na hindi na muling magkakasala,
Sa tulong ng Iyong mahal na grasya.
Amen.