You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

JOSE RIZAL HIGH SCHOOL


Gov. W.  Pascual Ave., Malabon City
Tel/fax: 921-27-44
Kagawaran ng Senior High School

Banghay Aralin sa Filipino sa Larangan ng Tech-Voc


UNANG SEMESTRE
S.Y. 2021-2022

Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Tech. Voc.

I.Paksa: Pagsulat ng Panimula

Core Values: Kakayahan


II.Layunin: 
a. Naisasagawa ang kaalaman at kasanayan sa wasto at angkop na pagsulat ng
pilinganyo ng sulatin.
b. Nakakapagsagawa ng demo sa piniling anyo bilang pagsasakatuparan ng
nabuong sulatin.

III.Sanggunian
      Filipino sa Piling Larangan Tech-Voc (Rex Publishing) 
Pahina 36

IV.Pamamaraan
      a. Panimulang Gawain
1. Panalanagin
2. Pagbati
3. Pagtala ng liban

      b. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng isang imahe patungkol sa memorandum.

                  c. Paglalahad
a.Gawain

Pangalan: Petsa:
Sekyon: Iskor:
Konsepto Bilang 12

I. Paksa : Pagsulat ng Panimula

II. Konsepto

1. Ipakilala ang suliranin o siyu sa panimulang bahagi. Bigyan ang kinauukulan ng


pahapyaw o pasilip na konteksto sa likod ng aksiyong nais ipagawa sa kanila. Ito
ang thesis statement ng isang memo,na siyang nagtataglay ng paksa at
naglalahad kung bakit ito mahalaga.
2. Ilagay lamang ang impormasyong kailangan. Hindi ito dapat maging mahaba.
Maging mapanghikayat tungkol sa ipinapaliwanag na probelma upang maniwala
at makumbinsi ang mambabasa.
3. Karaniwang ang haba ng panimula ay nasa ¼ ng kabuuang haba ng
memorandum.

Pagsulat ng Buod

Ang ibinubuod sa isang memorandum ay ang pangunahing aksying nais ipagawa


ng nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay ito ng ilang ebidensya bilang
pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng nagpapadala. Sa isang
napaikling memo, hindi na kinakailangan ang buod; isinasama na ito sa
pagtatalakay na nasa gitnang bahagi nito.

III. Katanungan
1. Bakit kailangan na madali lamang panimula sa isang
paksa?
2. Bakit kailangang gawan ng buod ang isang aksyon na
nangyari

b. Pagsusuri
   Bakit kailangan na mayroon tayong paksa?

c.Paglalapat
Ang panimula ang siyang nagbibigay gabay sa atin kung
paano natin magagawa ang isang memo. Ito an gating magiging introduksyon hingil sa
isang paksa. Ang buod naman ang nagpapakita ng mga aksiyong dapat gawin hinggil
sa isang pangyayari.

Gawain Bilang 14
Gumawa ng isang memorandum gamit ang panimula at buod.

V. Takdang Aralin
1. Aralin ang Konsepto 12 hanggang 13

You might also like