You are on page 1of 20

1.

Pangngalan
• Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop o pangyayari.

• Dalawang uri ng PANGNGALAN:

1. Pangngalang Pambalana

• Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari

• Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon



2. PANGHALIP
Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit
sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa
pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Uri at Halimbawa:
1. Panao - ako, siya, sila
2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin
3. Pananong - sino, ano, kailan
4. Pamatlig - dito, doon
5. Pamilang - ilan, marami
6. Panaklaw - madla, pangkat
3. PANDIWA
• Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

Uri ng Pandiwa:

1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno.


Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral.

2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon


Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena.

3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.


Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
4. PANGATNIG
• Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga
na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng
isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa
pangungusap.

Uri ng Pangatnig at halimbawa:

1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan


ay nagkakasalungatan.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay
mananatiling buhay.
2. Pananhi. Ito ay ginagamit upang makatugon sa mga tanong na bakit o upang 
maipakilala ang mga kadahilanan ng isang pangyayari at ng anumang iniisip o 
niloloob.

Halimbawa: Ang kanyang prinsipyo ay mananatiling buhay sapagkat nariyan si Jun 
na magpapatuloy ng kanyang naudlot na gawain.

3. Pamukod. Ito ay ginagamit upang ihiwalay, itangi, o itakwil ang isa sa ilang 
bagay o isipan.

Halimbawa: Maging ang mga kasamahan niya’y nagpupuyos ang kalooban.

4. Panlinaw. Ito ay ginagamit upang dagdagan o susugan ang kalinawan ng mga 
nasabi na.
5. Panubali. Nagsasaad ito ng pagkukurong di-ganap at nangangailangan ng 
ibang diwa o pangungusap upang mabuo ang kahulugan.

Halimbawa: Sakaling hindi ibigay, magpapatuloy ang welga.

6. Panapos. Nagsasaad ito ng wakas ng pagsasalita.

Halimbawa: At sa wakas naibigay rin ang kanilang sahod.

7. Panulad. Nagpapahayag ito ng paghahambing ng mga gawa o pangyayari.

Halimbawa: Kung ano ang utang, siya ring kabayaran.



5. PANG-UKOL
Ang PANG-UKOL ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, 
panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, 
balak o layon.

• Dalawang pangkat ng Pang-ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, 
ayon sa, tungkol sa, para sa. 

Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bonus
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.
• 2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para 
lamang sa ngalan ng tao tulad ng: ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, 
ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
6. PANG-ANGKOP
• Ang  PANG-ANGKOP  ay  mga  katagang  nag-uugnay  sa 
magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging 
madulas  o  magaan  ang  pagbigkas  ng  mga  ito. 
Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang 
mga  panuring  at  ang  mga  salitang  binibigyang  turing 
nito.
• Uri ng PANG-ANGKOP
1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan
ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat
ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos


sa mga patinig (a, e, i, o u).

Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa
titik i na isang patinig.
• Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang
magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa
katinig na n.
• Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng
salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at
hindi g ang ginamit.

Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.

3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan ay


nagtatapos sa titik na n.

7. PANG-URI
Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas
partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan
o panghalip.

• Halimbawa:
– Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.
– Napakaganda nga ng bistidang iyan!
– Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
– Ang sasakyan ay kulay pula.
– Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.
8. PANG- ABAY
• Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay.
• Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.

Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang


isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:
- Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap
ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

Halimbawa:
- Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.

3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong


isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.

Halimbawa:
- Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.

4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang


katiyakan.
5. Pang-abay na Panggaano – tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng 
pandiwa.  Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan.
Halimbawa:
- Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo.

6. Pang-abay na Panang-ayon – ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon.
Halimbawa:
- Opo, mahusay sumayaw si Gabby.

7. Pang-abay na Pananggi – nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon.
Halimbawa:
- Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao.

8. Pang-abay na Panulad – ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay.
Halimbawa:
- Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

9. PANTUKOY
Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o 
pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri.

1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
     ang, ang mga, mga
• ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga        
   nasasakupan.

• ang mga (maramihan)
Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

• mga (maramihan)
Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina
- si (isahan)
Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.

- sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.

- ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa     
oras.

- nina (maramihan)
Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis.

- kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.

- kina (maramihan)
Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.
10. PANGAWING
•  Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng 
pangungusap.

• ang  AY  ay  palatandaan  ng  ayos  ng  pangungusap.  Ibinabadya  nito  ang 
karaniwang  ayos  pangungusap.  Ang  una  ang  panag-uri  sa  paksa  ay 
nilalagyan  ng  pagbabago.  Palataandaan  ito  na  inilipat  ng  posisyon  ang 
bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap 
na di-karaniwang ayos

• Halimabawa:
- Ako ay galing sa banyo.

You might also like