You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO

Ni Madeleine P. Esguerra
(GRADE 1-EMERALD)

Wikang Filipino ang wikang kinagisnan ko


Ito’y pamana ng ninuno ko.
Maraming nagtatangka na ito ay mabago
Sila’y di nagtagumpay pagkat pinaglaban ito.

Tayo’y Pilipino may sariling wika.


Dapat na ipagtanggol at pagkamahalin.
Hindi lang sa salita, bagkus sa isip at gawa.
Tayong Pilipino’y lubhang kahanga-hanga.

Katulad na lamang sa pandemya’y sinubok


Katatagan ng puso at maging isip
Tayong Pilipino’y matatag na lahi
Sa pagtutulungan bawat isa’y nakikibahagi.

Sinubok ang tatag n’yaring ating lahi


Sa pananalangin kaligtasa’y mithi
Ang bawat isa sa Diyos ay lumapit
Iyan tayong Filipino matatag na lipi.

You might also like