You are on page 1of 2

Pangalan:__________________________

Distrito:___________________________

GAWAIN PARA SA MASINOP NA PAGSULAT: APLIKASYON NG MGA SIMBOLO

Pagbalik-tanaw sa Kasaysayan ng Filipinas [1565]: pagkilala sa Kapangyarihan ng Espanya sa Lungsod ng Cebu.

Sa 333 taong pananakop ng mga espanyos sa ating bansa, nakatatak na sa ating kasaysayan ang

kanilang mga naiambag pagdating sa kristiyanismo, pamumuno at gayundin ang mga babasahing

pangkabatiran na nagging lunsaran natin sa hinaharap.Kung muli nating babalikan at aalalahanin ang mga

pangyayari sa panahon ng 1565 masasabi nating na isa ang petsang Hunyo 4, 1565 na pinakamahalagang tala

sa ating kasaysayan kung pag-uusapan ang ideyalismong hangarin sa usaping pagkakasundo sa isang layunin.

Sa panahon ng Espanyol at sa pagpunta ni Miguel Lopez de Legaspi sa Cebu noong 1565, ang hari

naman ng espanya na si Phillip ay naitalaga noon sa katungkulang bilang kauna-unahang gobernadora-heneral

ng bansang Filipinas at upang pormal na paghandan ang kolonisasyon. Itinatag niya ang pamumuno sa

panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa pamahalaan ng Maynila.

Ang Espanyol Heneral na si Legaspi at Rajah Sikatuna ay nagsagawa ng pag-iisang dugo o blood

compact sa Bohol noong Marso 1565, ito ay simbolismo ng pangkapayapaang pagkakasundo.

Sa pagpirma ng kauna-unahang pangkapayapaan ng Filipinas noong Hunyo 4, 1565 ito ay

pinangunahan nina Rajah Tupas at Heneral Legaspi. Sa ganitong senaryo, nasa ilalim ngpangkapayapaang

pagkakasundo. Ayon kay Dela Fuente noong 1932, sa kanyang artikulo hinggil sa pamamahala ng mga

Espanyol ay binibigyang pagkilala nila ang pamamahala sa ating bansa gayundin ang proteksiyon ng Lungsod

ng Cebu sa oras ng digmaan.

Kung ating babalikan ang naiambag ng mga Espanyol hinggil sa relihiyon, ang simbahan ng kumbento

ng Sto, Nino ang unang katolikong simbahan sa Filipinas na itinayo sa Cebu. Naging malaking kapakinabangan

ang pagyakap ng mga Pilipino sa relihiyon ng panahon na iyon. Pinangunahan ni Rev. Father Andres de

Urdaneta at sinabi na ito ay nagpapaalala ng simulain ng katolosismo sa ating bansa na sinundan ng ilang mga

pari sa panahon ng pananakop ng Espanyol upang magbigay ng mga inaasahang pagbabago ang bansa sa ilalim

ng kanilang pamamahala.

Inihanda ni:

KLAIM G. DUMAICOS

You might also like