You are on page 1of 6

ANO ANG KAMALAYANG

NASYONALISMO?
GALYON-isang malaking barko na dumadala
ng produkto pang-kalakalan (trade)
Ang kamalayang nasyonalismo ay
pagmamahal sa ating bansa at kapwa na may
isang hangarin.

PAGBUKAS NG SUEZ CANAL


Noong unang panahon, ang galyon ay
ginagamit sa paglalakbay ng mundo. Isang
galyon mula Seville, Europa ang dadaan sa
Cuba, Veracruz, Mexico, Acapulco at tatawid
sa Karagatang Pasipiko upang dalhin ang mga
produkto mula sa Europa sa Maynila. Ngunit,
ito ay may layong 19,800 kilometro at
umaabot ng hanggang tatlong (3) buwan.
Subalit, nagbago ito nang buksan ang Suez
Canal. Ang Suez Canal ay binuksan sa Egypt
noong Nobyembre 17, 1869. Nang ito ay
nabuksan, ang distansya na kailangan upang
makarating sa Maynila ay napaikli. Ang
19,800 kilometro ay napaikli sa 11,600
kilometro sa isang (1) buwan. Dahil sa
pagbubukas ng Suez Canal, bumuti ang buhay
ng maraming Pilipino, at maraming Pilipino
ang namulat at nakapag-aral sa Europa.

PAGLAGANAP NG KAISIPANG
LIBERALISMO
Noong nakapagaral ang mga ilustradong
Pilipino sa Europe,marami silang natuto sa
usapin ng kalayaan at pagkapantay-pantay ng
mga tao.Noong sinakop kasi tayo ng
espanyol,mababa ang tingin nila sa atin at
tinatawag tayong 'indio'. Dito napalaganap
ang kaisipang liberalismo ng dala ng

nakapagaral na Pilipino sa kanilang bansa.Ito


ay ang nagmulat ang mata sa kanila ang tunay
ng kalagayan ng Pilipino. Si Dr. Jose Rizal,
isang ilustradong Pilipino, at isang miyembro
ng grupong Intelligensia, ay isa sa nagbukas
ng isip at damdamin ng mga Pilipino para
ipag-laban natin ang ating kalayaan at ang
ating bansa.

SEKULARISASYON NG MGA
PAROKYA
Ang mga Paring regular ay nagsanib sa
mga Paring sekular para maitulong ang
kanilang layunin na ipalaganap ang
relihiyong Catholico sa ibang bansa.Pero
hindi kabilang ang mga Paring sekular sa
kanilang orden dahil sila ay mga Pilipino at
mababa ang tingin nila sa atin.Ngunit,hindi
nang sang-ayon ang mga Paring sekular dito,
kaya binuo ni Pari Pedro Pelaez ang Kilusang
sekularisasyon para may pantay-pantay na
karapatan ang Paring sekular at Paring
regular. Ang Cavite Mutiny ay isang pag-aklas
ng mga Pilipinong sundali at dumala rin
silang maggagawa ng mga arsenal. Madali ito
nasugpo ng mga Espanyol, ngunit ito ay
makasaysayan sa pangkat ito ang naging
batayan upang isakdal ang tatlong pari kung
tawagin ay GOMBURZA. Pero ito ang pinaka
malaking pagkakamali ng mga espanyol kasi
dahil dito, napalakas ang damdamin at
nasyonalismo ng mga Pilipino para sa
kanilang bansa.

PAMUMUNO NI
GOBERNADOR HENERAL
CARLOS MARIA DE LA TORRE
Isang salik sa paglakas ng damdamin at
pagmamahal para sa sariling bansa ng mga
Pilipino ay ang pampatibay loob at
pananampalataya ni Gob. Hen. Carlos Maria
de la Torre sa mga plano ng mga Pilipino. Si
Gobernador heneral Carlos Maria de la Torre
namuno noong 1869 hanggang 1871. Itinuring
siya isang liberal na gobernador heneral dahil
naniniwala siya ang mga Paring sekular
magsama sa mga orden at sila'y mamahala sa
mga parokya. Kahit maikli lamang ang
namuno si Gobernador heneral Carlos Maria
de la Torre,malaki ang naging epekto para sa
mga Pilipino na dapat nilang sundin ang
kanilang mga plano para sa kalayaan.
PAGBUKAS NG ISIP NG MGA
FILIPINO
Noong sinakop tayo ng mga Espanyol, may
mga taong sumusunod sa mga batas ng
Espanyol dahil sa takot na mahuli sila ng mga
Espanyol at mapatay. Ngunit nang malaman
ng mga ilustrado ang tungkol sa kalayaan at
pantay na karapatan mula sa ibang mga
ilustrado mula sa ibang bansa, napagtanto
nilang hindi tama ang ginawa ng mga Kastila
sa ating bansa at dapat itong baguhin. Kaya
gumawa sila ng paraan para magkaroon ng
pantay na karapatan ang mga Pilipino at
Kastila na huwag pumatay. Kaysa gamitin nila
ay laban para manalo, gagamit sila ng
kanilang utak. Kaya gumawa sila ng grupo na
tinawag ng 'Intelligensia', kung saan sila
magplano kung paano makamit nila ang
kanilang layunin. Mga ibang miyembro ng
intelligensia katulad ni Jośe Rizal,Graciano
lopez Jaena at si Marcelo H. Del Pilar ay
sumulat ng mga libro/pahayagan na
pinapakita ang tutuong layunin ng mga
espanyol at nong nabasa ito ng mga tao, sila'y
nagalit at nabukas ng isip ng mga Pilipino.

You might also like