You are on page 1of 12

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Panimula

“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito
multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na
sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa
kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o
wala. Allowed ang erasures.”

― Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!

Isang misteryo ang pangalang “Bob Ong” sa mga Pilipino sa kasulukuyang

panahon. Para sa iba, isa lamang siyang manunulat na naghahangad ng pagbali sa

nakagisnang estilo ng pagsulat. Para sa kaniyang mga tagahanga, isa siyang henyo na

handang gumamit ng inobasyon sa kaniyang mga likha.

Ayon sa libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPLAKo?!" ito daw ang kanyang

pinagmulan:

“Ipinanganak si Bob Ong sa lungsod ng Quezon dalawampu't isang


dekada at tatlumpu't isang linggo matapos ang Palaris Revolt. Siya'y naging
student #3910256, teacher, writer, web developer at jay walker bago naging
webmaster ng bobongpinoycom. Nakapagsulat na s'ya para sa iba't-ibang dyaryo,
magazine, website, at sa upuan ng bus. Nagkukuta s'ya ngayon sa isang bahay
tatlong sakay mula sa Quezon City Hall”

Walang kongkretong basehan ang talambuhay ni Bob Ong. May mga haka-

hakang iisa lamang si Bob Ong at Charlson Ong ngunit batay sa aklat ni Bob Ong na

Stainless Longganisa, hindi Filipino-Chinese ang batikang manunulat. Kinunsidera rin ng

madla maging ang manunula at isa sa mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas na si

Paolo Manalo. Hindi rin pinalagpas ang isa sa mga propesor sa Unibersidad ng Santo

1
Tomas at isang Carlos Palanca Memorial Awardee for Literature na si Eros Atalia, sa

kadahilanang may pagkakatulad ang estilo ng kanilang pagsulat. Isa sa mga kilalang akda

ni Eros Atalia ang Ligo na u, Lapit na me at Peksman Mamatay ka Man,

Nagsisinungaling Ako.

Mula sa isang Pilipinong kritiko;

" Biling-bili ng mga Pinoy ang mga akda ni Bob Ong dahil may halo mang
pagpapatawa ang karamihan sa kanyang mga libro, ito ay prinisinta sa paraang
nagrereplika pa rin ng kultura at gawing Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung
kaya't ang kanyang mga naunang inilathalang libro - pati ang mga susunod pa, ay
matuturing na ring totoong Pinoy classics."

“Kung gusto mong magsulat, magsulat ka. Simple” Ganito ang pagkakalarawan

ni Bob Ong sa kanyang kaparaanan sa pagsulat. Ang kapayakan sa paggamit ng mga

salita, praktikal na lohika ng mga ideya at wikang naaabot ang antas ng ‘karaniwang tao’

ang siyang naging kalibre at dahilan kung bakit patok ang kuwentong Bob Ong sa

anumang uri ng tao sa lipunan. Kung gayon, masasabing tinitimplahan at nilalasahan ng

laboratoryo ng masa ang Bob Ong pormula. Niluluto sa mundo ng kasiya-siya, katawa-

tawa, kapana-panabik at mala-teleseryeng buhay ng isang Pilipino na karaniwang

nabubuhay upang humaharap sa karaniwang takbo ng buhay.

Pangalawang tahanan na kung ituring ng mga estudyante ang kanilang mga

paaralan. Tinatayang nasa anim hanggang walong oras kada araw at humigit kumulang

dalawang dekada ang ginugugol sa pag-aaral ng mga estudyante kung saan mas

maraming oras pa ang ginugugol ng mga estudyante sa paaralan kaysa sa sariling

tahanan. Marahil ito ang dahilan kung kaya’t naging popular sa madla ang

ABNKKBSNPLAKo?!

2
ABNKKBSNPLAKo?! ang pinakatanyag at kauna-unahang nobela ni Bob Ong. Sa

kabuuan, may siyam na nobela na ang nailathala na ni Bob Ong; ABNKKKBSNPLAKo?!

(2001), Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2002), Ang Paboritong

Libro ni Hudas (2003), Alamat ng Gubat (2004), Stainless Longganisa (2005),

Macarthur (2007), Kapitan Sino (2009), Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (2010),

Lumayo ka nga sa Akin (2011) at Si (2014). Bagama’t pinaniniwalaan na hango sa buhay

ni Bob Ong ang ABNKKKBSNPLAKo?! at Si taglay pa rin ng dalawa, kabilang ang mga

natirang nobela, ang katangiang piksyunal at ang kawili-wiling pagkakahabi nito sa mga

kapana-panabik na kabanata.

Tungkol ang aklat sa pagkabata ni Bob Ong, magmula sa kaniyang unang

pagtapak sa paaralan, hanggang sa mga unang taon ng pagtatrabaho. Naglalaman ito ng

135 na pahina at nailimbag nitong 2001 sa tulong ng Visual Print Enterprises.

Maituturing na isa itong hit sa kadahilanang nakabenta ito ng 500 na kopya ng

first run. Nagkaroon rin ito ng re-publish nitong 2013, kasabay ng ika-labindalawang

anibersaryo ng pagkakalimbag ng aklat. Tinatayang 240,000 na kopya ang naibenta ng

taon na ito. Marahil na rin sa mainit na pagtingkilik muli ng masa sa aklat, nagkaroon ito

ng pagkakataon na maisapelikula sa tulong VIVA Films nitong 2014 na

pinangungunahan nila Jericho Rosales bilang Bob Ong, Andi Eigenmann bilang special

someone, Meg Imperial bilang Portia at Vandolph Quizon bilang Ulo.

Sa nilalaman ng aklat, naipapakita ang mga iba’t ibang karanasan sa buhay ng

isang estudyante, ang mga nakakahiya, nakakatawa, nakakalungkot, nakakakaba, ang

3
pakiramdam na ma-in love, at ang mga desisyon na pwedeng makapagbago sa buhay ng

isang tao.

Pinakamasayang parte ng pag-aaral ang hayskul. Sa hayskul, nabubuo ang mga

matitibay na samahan, mga karanasang hindi madaling makalimutan, at kuryosidad. Sa

hayskul, nagagawa ng isang tao ang gusto niya ng may kalayaan; mag-cutting, um-

absent, ma-late, gumimik, mangopya, mandaya, magmahal, masaktan, umasa, magpaasa,

maging totoo, magpatawa, magyabang, magsipag, magpakumbaba, mang-api, magpa-api

at may mga nananatili na lamang sa upuan.

Nagiging daan ang hayskul upang mailahad ang mga totoong ugali at nakagawian

ng bawat estudyante. Nakadepende sa estudyante kung masama bang kaugalian o mabuti

ang kaniyang ipinapakita.

Isang sipi ang matatagpuan sa aklat na sumasalamin sa mga estudyante ng

hayskul. Ayon kay Bob Ong, sa tulong na rin ng kaniyang malikhaing pag-iisip, may

isang dosenang klase ng mga estudyante sa hayskul. Isang dosenang may baryasyon ng -

pag-uugali. Natatangi ang bawat klase ng high school student at matatagpuan ang mga ito

sa bawat klase sa paaralan. Pinamagatan itong “Isang Dosenang Klase ng High School

Student”

Salamin ng kultura ang panitikan ng isang bansa, at isa sa mga bahagi nito ang

mga nobela na nakatatak na sa mga Pilipino. Sa paglipas ng maraming panahon, marami

ng pagbabagong umusbong sa estilo ng pagsusulat ng mga nobela at isa sa patunay nito

ang mga nobelang inilathala ng premiyadong manunulat na si Bob Ong. Masasalamin sa

4
kanyang “Isang Dosenang Klase ng High School Student” ang mga nagiging pagbabago

sa ugali ng mga mag-aaral sa kanilang pagtungtong sa mataas na paaralan.

Binibigyang-halaga ng pag-aaral na ito ang iba’t-ibang klase ng pag-uugali na

ipinapakita ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan lalo na ng mga Senior High base sa

akda ni “Isang Dosenang Klase ng High School Student” ni Bob Ong na halaw sa

kanyang librong “ABNKKBSNPLAko?!”. Naglalayon ito na malaman kung bakit

nagkakaroon ng iba’t-ibang pag-uugali ang mga kabataan lalo na sa loob ng paaralan at

kung anu-anong pag-uugali ng mag-aaral ang matatagpuan sa Central Luzon State

University, Layunin din nito na magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan at

makapaglahad ng maayos at malinaw na impormasyon sa mga tao sa lipunan hinggil sa

makabagong takbo ng pag-uugali o asal ng mga kabataan upang maunawaan nila ito ng

husto.

5
Teoretikal na Balangkas

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nababago at naiiba ang pag-uugali ng isang

tao dahil sa iba’t-ibang mga salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng personalidad ng

bawat indibidwal. Sinasabi sa social cognitive theory ni Aldert Bandura, isang sikologo,

naiimpluwensyahan ng interaksyon ng tatlong mga tiyak na dahilan ang pag-uugali ng

isang tao. Ayon dito, personal factors ang unang salik na nakakaimpluwensya sa pag-

uugali ng isang tao. Tinutukoy nito ang lebel ng pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang

sariling pag-uugali na kinapapalooban ng kanyang pag-iisip, dadamdamin at mga

pangyayaring naganap sa kanyang buhay. Sinundan ito ng behavioral factors na

tumutukoy sa mga tugon na natatanggap ng isang tao matapos niyang gawin ang isang

kilos. Ikahuli sa mga salik ang environmental factors na tumutukoy naman sa kapaligiran

at lipunang kinabibilangan ng isang indibidwal na nag-iimpluwensya sa kakayahan ng

indibidwal upang matagumpay na makumpleto ang isang pag-uugali.

BEHAVIOR

PERSONAL FACTORS ENVIRONMENTAL


(cognitive, affective & FACTORS
biological events)

Larawan 1. Batayang Konseptwal ng Pag-aaral

6
Kinasasangkutan ng paniniwala at kakayahan ang interaksyon sa pagitan ng tao at

kanyang kapaligiran na maaaring buuin at baguhin ng mga tao sa lipunan.

Naiimpluwensya naman ng mga saloobin at aksyon ng mga tao sa paligid ang

interaksyon sa pagitan ng tao at pag-uugali. At panghuli, kinasasangkutan naman ng

mismong pag-uugali ng isang tao na tumutukoy sa kung anong kapaligiran mayroon siya

ang interaksyon sa pagitan ng pag-uugali at kapaligiran na syang bumubuo sa paghubog

at pagkakabuo ng pag-uugali ng isang tao.

7
Paradaym ng Pag-aaral

Mga himno ng Pagsusuri sa mga Isang tesis na


nakalap na himno ng naglalaman ng sinuring
lungsod at bayan mga himno ng iba’t
iba’t ibang lungsod at
sa Nueva Ecija bayan sa Nueva Ecija ibang lungsod at bayan
sa Nueva Ecija

Larawan 2. Paradaym ng Pag-aaral

Ipinapakita sa larawan sa itaas ang istruktura ng pag-aaral kung saan nakapaloob

sa input ang baryabol na mga himno ng iba’t ibang lungsod at bayan sa Nueva Ecija.

Kaugnay sa pagsasagawa ng pag-aaral, masusing pinag-aralan at sinuri ng mga

mananaliksik ang bawat isang himno ng bayan o lungsod sa Nueva Ecija. Kabilang rin sa

mga naging proseso nito ay ang pagtukoy sa ugat na pinagmulan ng mga himno at kung

paano ito nabuo at naisa awitin. Nagsilbing midyum ang pagsusuri upang mabuo ng mga

mananaliksik ang isang tesis na naglalaman ng mga sinuring himno ng iba’t ibang

lungsod at bayan sa Nueva Ecija kalakip ang pinagmulan nito.

8
Paglalahad ng Suliranin

Naglalayong suriin ng pag-aaral na ito ang mga himno ng iba’t ibang lungsod at

bayan sa Nueva Ecija. Nais din ng mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Anu-ano ang mga himno ng iba’t ibang lungsod at bayan sa Nueva Ecija?

2. Anu-ano salik ang dapat ikonsidera sa pagbuo ng himno ng isang bayan o

lungsod?

3. Anu-anong damdamin ang masasalamin sa mga himno ng mga bayan at lungsod

sa Nueva Ecija?

4. Paano nabubuo ang himno ng isang lugar?

5. Bakit kinakailangan na magkaroon ng himno ang isang lugar?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naglalaman ang bahaging ito ng pag-aaral kung kanino magiging mahalaga at

kapaki-pakinabang ang isinagawang pag-aaral.

Kahalagahan sa mga Mag-aaral

Magkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa himno ng kanilang

sariling lugar gayon na din sa buong Nueva Ecija, at matutuklasan nila ang pinagmulan

ng mga ito

9
Kahalagahan sa mga Guro

Bilang tagapagturo ng karunungan sa mga mag-aaral, mas lalawak ang kanilang

kaalaman tungkol sa mga himno ng iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija na maaari nilang

maibahagi sa kanilang mga estudyante.

Kahalagahan sa mga Tao sa Komunidad

Higit na lalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa himno ng kanilang

pamayanan at kanilang mauunawaan ang nilalaman ng bawat liriko na nandito.

Kahalagan sa mga susunod na mananaliksik

Magsisilbing basehan ang pag-aaral na ito at maaaring mapupunan ang mga

kakulangan ng mananaliksik at mas mapaganda ang ginawang pagsusuri at pag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral.

Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang mga himno ng iba’t ibang lungsod at bayan

sa Nueva Ecija. Ang mga mananaliksik ay kumuha ng kopya ng mga himno sa silid-

aklatan. Saklaw ng pag-aaral na ito ang pagtukoy sa mga damdaming napapaloob sa

bawat himno ng bawat lugar, ang kahalagahan ng pagkakaroon nito, gayundin ang

proseso ng pagbuo sa mga ito.

10
Depenisyon ng mga Termino

Ang mga sumusunod ay mga terminong binibigyang-kahulugan ng mga

mananaliksik.

 ABNKKBSNPLAko?!. It is a 2001 autobiography by Filipino author Bob

Ong — his first and most popular work. The title is meant to be read phonetically

as "Aba, nakakabasa na pala ako?!", which can be roughly translated as "Wow, I

can actually read now?!" The novel details what are supposedly the childhood

memories of the author, from his earliest days as a student until his first few years

at work.

 Bob Ong. Siya ay ang sagisag panulat ng isang kontemporaryong Pilipinong

manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng

nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino.

 Excerpt. Isang sipi na pinili mula sa isang buong akda.

 Konteksto.Tema o kahulugan ng isang kanta.

 Nobela. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga

pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang

pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako

at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng

maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

11
 Senior High. .Mga mag-aaral na sakop ng huling dalawang taon ng programang

K-12 na binubuo ng ika-labing isa at ikalabing dalawang baitang.

 Social cognitive theory (SCT). It is used in psychology, education, and

communication, holds that portions of an individual's knowledge acquisition can

be directly related to observing others within the context of social interactions,

experiences, and outside media influences.

 Panitikan.  ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang

tao

 Panitikang Popular. Panitikang nakabatay o tumatalakay sa kasalukuyang

kalagayan ng lipunan.

 Pag-uugali. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga disiplinang nagsusuri sa mga

gawi at ugnayan ng mga organismo sa kalikasan

12

You might also like