You are on page 1of 25

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 3:
Mga Salik Na Nakaaapekto Sa
Pananagutan Ng Tao Sa
Kahihinatnan Ng Kilos At Pasiya
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao
Unang Edisyon, 2020 sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Robert C. Doria
Editor: Phelma O. Camacho, Herbert Delgado
Tagasuri: Remedios A. Loque, Catalina B. Baccali
Tagaguhit: Donn E. Manguilimotan
Tagalapat: Angelica M. Mendoza
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao City


Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan–Modyul 3:
Mga Salik Na Nakaaapekto Sa
Pananagutan Ng Tao Sa
Kahihinatnan Ng Kilos At Pasiya
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi
ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin Natin

Ang modyul na ito ay isinulat para sa iyo upang matugunan mo ang iba’t ibang
paraan ng pagkatuto. Hangad ng modyul na ito na maunawaan mong lubos ang mga
salik na nakaaapekto sa makataong kilos. Ang saklaw ng araling napapaloob sa
modyul na ito ay gagabay sa iyo upang makilala ang iyong mga kahinaan sa
pagpapasiya at makagawa ng kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga
kahinaang ito.

Ang modyul na ito ay may dalawang Kasanayang Pampagkatuto:

1. Naipaliliwanag ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao


sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya. (EsP10MK-IIc-6.1)

2. Nakapagsusuri ng isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos


dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at
gawi. (EsP10MK-IIc-6.2)

Subukin Natin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.


Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang mo ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Nararamdaman natin ang mabagsik na epekto ng COVID-19, ipinahihiwatig


nito ang pabago-bago ng panahon na nagpalala sa virus. Anong salik ang
nakaapekto sa paggawa ng makataong kilos bilang isang kabataang tulad mo?
a. Kamangmangan c. Takot
b. Karahasan d. Gawi

2. Ano ang tawag sa salik na kung saan ay nagkakaroon ng panlabas na puwersa


upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang
kilos-loob at pagkukusa?
a. Kamangmangan
b. Masidhing damdamin
c. Karahasan
d. Takot

2
3. Alin sa mga kilos na ito ang bunga ng masidhing damdamin?
a. Hinuli ng pulis ang inaakalang magnanakaw
b. Muntikang natumba si Piolo nang naitulak siya ni Angel nang dumaan
ang crush nito.
c. Mahilig magbasa ng pocket book si Connie. Naglalaan siya ng isang
oras araw-araw para dito.
d. Hindi isinumbong ni Mary ang pagnanakaw ng kapatid dahil sab anta
nito sa kaniya.

4. Namaga ang mukha ng bata dahil sa allergy nito sa antibiotic na binigay sa


kaniya ng nars. Anong salik ang nakakaapekto sa sitwasyon?
a. Takot c. karahasan
b. Kamangmangan d. masidhing damdamin

5. si Gene ay isang espesyalistang doctor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay


kung anong gamut ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doctor na
hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang maidudulot.
Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
a. Karahasan c. takot
b. Kamangmangan d. masidhing damdamin

3
Aralin Natin

Gawain:

Panuto:

1. Suriing mabuti ang mga larawan.

2. Tukuyin mo kung anong salik ang nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa


kahinatnan ng kilos at pasiya nito at ipaliwanag.

3. Ang mga salik ay kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at


gawi.

Mga Larawan Salik Paliwanag

1.

2.

4
3.

4.

5.

5
Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at
Pasiya

Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauuwi sa pagiging


isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik
ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos
lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. May limang salik na nakaaapekto sa makataong
kilos: kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. (Batayang
Aklat ng EsP 10 pahina 99-102)

1. Kamangmangan –ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat


taglayin ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig (vincible) – ang kawalan ng
kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama at magkaroon ng tamang
kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito; at hindi
nadaraig (invincible) – ang kamangmangang ito ay maaaring dahil sa kawalan ng
kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman, o kaya naman ay
walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayanan o
sa kakayanan man ng iba.

2. Masidhing Damdamin – Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang


bagay o kilos (tendency) o damdamin. Ito ay may malakas na utos ng sense appetite
na maabot ang kaniyang layunin. Halimbawa nito ay ang pag-ibig, pagkamuhi,
katuwaan, pighati, pagnanais, pagkasindak, pagkasuklam, pagnanasa, despresyon,
kapangahasan, pangamba at galit.

3. Takot – isang halimbawa ng silakbo ng damdamin na magpababagabag ng isip ng


tao na humarap sa anomang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa
buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap
upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban.

4. Karahasan – Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang


isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa.
Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.

5. Gawi – ito ay mga gawaing paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng


sistema ng buhay na araw-araw ay itinuturing na gawi (habits) kung ang isang gawi o
kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao at hindi ito
nawawala.

Dahil dito, ikaw ay patuloy na nahaharap sa pakikipagtunggali sa pagitan ng


kabutihan at kasamaan; patuloy kang nasusubok sa iyong kabutihan; patuloy kang
nagpupunyagi na maiwasan ang kapahamakan; at patuloy mong maitutuwid ang
iyong hangarin.

6
Kaya, mahalaga ang pagiging alerto dahil may mga di-inaasahang pangyayari
na magdudulot ng masidhing damdamin. Maaari ring unti-unti ang pagsulpot ng mga
salik na makaiimpluwensiya sa iyong pagpapasiya at pagkilos kung kaya’t kailangan
mong hubugin ang iyong karakter o pag-uugali upang maging sandata mo sa
pagharap ng mga hamon ng pagbabago.

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok kung iyong


naunawaan ang paksa, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
Gawin mong gabay ang graphic organizer na nakalaan sa ibaba.

1. 2.

Bakit kaya ang mga


ito nagging
salik

na mo sa
nakaaapekto kahihinatnan
sa ng iyong
pananagutan kilos at
pasiya

3. 4.

7
Gawin Natin
A. Panuto: Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba at tukuyin ang mga salik na
nakaaapekto sa sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya. Isulat mo
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Sitwasyon Salik Kahihinatnan ng Pananagutan ng


kilos/pasya kilos/pasya
1. Si Jill ay isang
espesyalistang doctor
sa nakakahawang mga
sakit tulad ng COVID-
19. Siya ay maingat sa
pagbibigay ng gamot na
nararapat sa pasyente
dahil alam niya lahat ng
gamot ay mayroong side
effects. Alin sa mga salik
na nag-uugnay sa
makataong kilos na
ipinakita ni Jill?
2. Ipinatawag si Angel ng
kaniyang punongguro
ng dahil hindi siya
nakilahok sa ginawang
health & safety protocols
drill ng paaralan.
3. Nakasanayan n ani Kim
ang matulog sa loob ng
klase. Isang araw,
nagalit ang kaniyang
guro dahil napalakas
ang pag-unat niya
habang nagtuturo ito.
4. Si Cara ay isang
dalagang guro na
naglalakad papauwi.
Tinangkang kunin ng
isnatser ang Huawei 7i
cellphone niya. Hindi
niya ito binigay,
nanlaban at humingi ng
saklolo habang
nakikipag-agawan rito.

8
5. Si Cardo ay hinarang ng
mga istambay at
sapilitang kinuha ang
kaniyang pera. Sa
sobrang nerbiyos ay
naibigay niya ang perang
nasingil mula sa
Registration fee ng
kanilang stage play.

B. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Para sa iyo, paano nakahahadlang ang mga salik na ito sa iyong pag-unlad
bilang isang kabataan?

9
Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10) (8) (6) (4)

Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang


Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos (Malaki
(60%) pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag ang
(buo at pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan,
maliwanag) kamalian ang nagpapakita ng
pagpapaliwanag kaunting
kaalaman)

Sanayin Natin
Ipaliwanag mo! Bumuo ka ng pangunahing pag-unawa tungkol sa mga salik na
nakaaapekto sa pananagutan ng tao at sa kahihinatnan ng pasiya at kilos at
ipaliwanag kung bakit ito nakaaapekto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawing gabay ang pormat sa ibaba.

SALIK PANANAGUTAN KAHIHINATNAN

1.

2.

3.

4.

5.
Pamantayan sa Pagwawasto

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10) (8) (6) (4)

Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang


Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos (Malaki
(60%) pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag ang
(buo at pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan,
maliwanag) kamalian ang nagpapakita ng
pagpapaliwanag kaunting
kaalaman)

10
Tandaan Natin

Panuto: Mula sa naging talakayan, kompletuhin mo ang mahalagang konsepto tungkol


sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at
pasiya. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.

direktang gawi isip


karahasan kamangmangan kilos-loob

makataong kilos masidhing damdamin takot

Ang mga salik ay ________________ nakaaapekto o nakapagpapabago ng

kalikasan ng isang _________________ lalo na sa papel ng _____________

at _____________.

Nakaaapekto ang _______________________, _____________________,

____________________, _________________,___________________ sa

pananagutan mo at sa kalabasan ng iyong mga pasiya at kilos dahil sa

maaaring mawala ang pagkukusa ng iyong pagkilos.

Ang _____________ ay tumutukoy sa pagpataw ng puwersa gaya ng

pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag

sa kaniyang kalooban.

11
Suriin Natin
A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang katanungan.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang mo ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Nararamdaman natin ang mabagsik na epekto ng COVID-19, ipinahihiwa-tig nito


ang pabago-bago ng panahon na nagpalala sa virus. Anong salik ang nakaaapekto
sa paggawa ng makataong kilos bilang isang kabataang tulad mo?

A. Kamangmangan B. Karahasan C. Takot D. Gawi

2. Ano ang tawag sa salik na kung saan ay nagkakaroon ng panlabas na puwersa


upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-
loob at pagkukusa?
A. Kamangmangan
B. Masidhing Damdamin
C. Karahasan
D. Takot

3. Alin sa mga kilos na ito ang bunga ng masidhing damdamin?


A. Hinuli ng pulis ang inaakalang magnanakaw.
B. Muntikang natumba si Piolo nang naitulak siya ni Angel nang dumaan ang
crush nito.
C. Mahilig magbasa ng pocket book si Connie. Naglalaan siya ng isang oras
araw-araw para dito.
D. Hindi isinumbong ni Mary ang pagnanakaw ng kapatid dahil sa banta nito sa
kaniya.

4. Namaga ang mukha ng bata dahil sa allergy nito sa antibiotic na binigay sa


kaniya ng nars. Anong salik ang nakakaapekto sa sitwasyon?
A. Takot C. Karahasan
B. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin

5. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay


kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na
hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang maidudulot. Alin
sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
A. Karahasan C. Takot
B. Kamangmangan D. Masidhing Damdamin

12
B. Gumawa ng isang tula na may apat na saknong at may apat na taludtod tungkol
sa iyong karanasan sa isa sa mga salik na nakaaapekto sa paggawa mo ng
makataong kilos. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawing gabay ang pormat
sa ibaba.

• Mga gabay na tanong sa pagbuo ng iyong tula:

o Ano ang iyong masasabi sa mga/iyong karanasan tungkol sa salik?


o Bakit ito ang naging salik na nakaaapekto sa iyo?
o Paano nakahahadlang ang mga salik na ito sa iyo?
o Ano ang kahinatnan at pananagutan nito sa iyo?

______________________________________________________________

Pamagat ng Tula

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

13
Pamantayan sa Pagwawasto (Suriin Natin B)

Mensahe Kaayusan Sukat at Kabuuan


Tugma
Batayan
10 puntos 10 puntos 10 puntos 30 puntos

Payabungin Natin
Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan sa modyul na ito PUMILI ka ng isang salik na
nakaaapekto sa iyong pananagutan sa kahihinatnan ng iyong kilos o pasiya at ilahad
mo ang iyong karanasan sa pamamagitan ng isang awit, graphic organizer, venn
diagram, rap, pagguhit, sanaysay o fliptop. Huwag kalimutang bumuo ng pamagat ng
iyong karanasan. (Pumili lamang ng isang paglalahad ng iyong karanasan). Isulat ito
sa sagutang papel.

Halimbawa: Kamangmangan: Hadlang sa Sariling Pag-unlad

____________________________________
Pamagat

14
Pamantayan sa Pagwawasto – Graphic Organizer

Kraytirya 4 3 2 1
Mahusay na Maayos ang Masyadong Hindi
inorganisa. Ang pagkakalapat mahaba at maayos ang
pagkakaayos at ng nilalaman maligoy ang pagkaka-
istraktura ng at ang daloy ng organisa at
Organisasyon impormasyon impormasyon impormasyon. daloy ng
ay ay dumadaloy impormasyon.
mapanghikayat ng maayos.
at dumadaloy
nang maayos.
Makahulugan May 1-2 salita May 3 o Hindi
at puno ng na hindi mahigit pang nabibigyan
impormasyon maipaliwanag salitang ng
ang ang tunay na ginamit na kahulugan o
Nilalaman pagkakalahad kahulugan. hindi paliwanag
ng nilalaman maipaliwanag ang mga
ng graphic ang tunay na impormasyon
organizer. kahulugan. sagraphic
organizer.
Pagka- Nakita ang Nakita ang Hindi nakita Hindi
malikhain pagkamalikhai pagkamalikha ang pagka- nakagawa ng
n sa kabuuan in ngunit hindi malikhain sa malikhaing
at tunay na gaanong ginawang graphic
nakapupukaw nakapupukaw graphic organizer.
ng pansin ang ng pansin ang organizer.
nabuong nabuong
graphic graphic
organizer. organizer.

15
Pamantayan sa Pagwawasto – Venn Diagram

Kraytirya 3 2 1
Nakabatay sa Nakabatay sa Walang
Makatotohanan sariling karanasan ng karanasang
ang inilahad karanasan ang iba ang inilahad. inilahad.
inilahad.
Hindi Nakalilito ang Hindi akma ang
masyadong pagkasunud- venn diagram.
Malinaw at malinaw at sunod ng venn
maayos ang venn maayos ang diagram.
diagram. pagkasunud-
sunod ng venn
diagram.

Pamantayan sa Pagwawasto – Rap/fliptop

Napakagaling Magaling Katamtaman


(10) (8) (6)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may lalim
makahulugan ang makahulugan ang ang kabuuan ng rap.
kabuuan ng rap. kabuuan ng rap.

Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2


simbolismo o simbolismo o simbolismo na
pahiwatig. pahiwatig. nakakalito. Ang salita
ay di gaanong pili.

16
Pamantayan sa Pagwawasto – Pagguhit

Mga Kraytirya 5 4 3
Lubos na Naging Hindi gaanong
nagpamalas ng malikhain sa naging
Pagkamalikhain pagkamalikhain paghahanda. malikhain sa
sa paghahanda. paghahanda.

Buo ang May kaisahanat Konsistent, may


kaisipan, may sapat na kaisahan at
konsistent, detalye at hindi gaanong
Organisasyon
kumpleto at malinaw na malinaw ang
malinaw. intensyon. intension.

Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang mga Hindi gaanong


Paksa angkop ang mga larawan sa angkop ang mga
larawan sa paksa. larawan sa
paksa. paksa.

17
Pamantayan sa Pagwawasto – Sanaysay

Kraytirya 5 4 3 2
Mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang
ang debelopment pagkakaayos patunay na
pagkaka- ng mga talata ng mga talata organisado
Organisasyon sunud- subalit hindi subalit ang ang
ng mga Ideya sunod ng makinis ang mga ideya ay pagkaka-
mga ideya. pagkakalahad. hindi ganap lahad ng
na nadebelop. sanaysay.

Walang Halos walang Maraming Napakarami


pagkakama pagkakamali pagkakamali at
li sa mga sa mga sa mga nakagugulo
bantas, bantas, bantas, ang mga
kapita- kapita- kapitalisasyon bantas,
Mekaniks
lisasyon at lisasyonat at kapita-
pag- pagbabaybay. pagbabaybay. lisasyon at
babaybay. pag-
babaybay.

Walang Halos walang Maraming Napakarami


pag- pagkakamali pagkakamali at
kakamali sa istruktura sa istruktura nakagugulo
sa ng mga ng mga ang pag-
istruktura pangungusap pangungusap kakamali sa
Gamit ng mga at gamit ng at gamit ng istruktura
pangungusap mga salita. mga salita. ng mga
at gamit ng pangungusap
mga salita. at gamit nga
mga salita.

18
Pagnilayan Natin
Panuto: Pagnilayan mo ang tanong na nasa kahon at isulat mo ang iyong sagot sa
sagutang papel. Gawing gabay ang pormat sa ibaba.

Ano ang mga paraan na maaari kong gawin upang hindi ako
maapektuhan ng mga salik ng makataong kilos?

Pamantayan sa Pagwawasto (Pagnilayan Natin)

Kaangkupan Impormasyong Kaayusan ng Kabuuang


(10 points) pampaloob Balangkas sa Dating
(10 points) pagsulat (10 points)
(10 points)

19
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin Suriin Natin

1. C 1. C
2. C 2. C
3. B 3. B
4. B 4. B
5. C 5. C

Suriin Natin

1. Direktang
2. Makataong kilos
3. Isip
4. Kilos-loob
5. Kamangmangan
6. Masidhing
damdamin
7. Takot
8. Karahasan
9. Gawi
10. Takot

20
Sanggunian

• Caberio, S.T. et.al. (2015). Pagpapakatao. Rex Book Store. Sampaloc,


Manila

• Dela Cruz, I. P. et. al. (2018). Edukasyon sa Pagpapakatao, Vibal Group,


Inc. Ikalawang Edisyon. Quezon City

• Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos. Edukasyon sa


Pagpapakatao (Modyul 10 para sa Mag-aaral). Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas, Pahina 99-102.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

You might also like