You are on page 1of 2

GAWAIN 2

Basahin ang “Tungkol kay Angel Locsin” p. 101-107, at “Pangmomolestiya sa Pabrika”


p. 113-116 mula sa Peryodismo sa Bingit: Mga Naratibong Ulat sa Panahon ng
Digmaan at Krisis ni Kennenth Roland A. Guda, at sagutin ang mga sumusunod na
tanong:

1. Suriin ang mga tekstong binasa sa pamamagitan ng mga katangian nito.

Tungkol kay Angel Locsin

Ang tektstong ‘Tungkol kay Angel Locsin’ ay nalalahad ng mga impormasyon


patungkol sa buhay, mga ginagawa, at organisasyon na kinabibilangan ng
artista. Ito ay inilahad ng may-akda na nagsilbing boses ng teksto at kasa-
kasama lagi ni Angel sa kaniyang mga lakad. May tono itong nagkukwento at
para ding isang panayam dahil sa mga siping kasama na mula sa mga taong
kabilang at nabanggit sa tekso. Kaugnay sa pagpapakilala kung sino at anong
buhay mayroon si Angel Locsin, ang tekso ay naglalaman rin ng iba’t – ibang
katotohanan sa realidad ng buhay na kung saan ang ilan sa mga tao ay hindi ito
nalalaman o nararanasan. Naglalaman ito ng mga impormasyon patungkol sa
importansya ng kababaihan, ng mga kabataan at maging kahirapan at kurapsyon
na mayroon sa dumpsite ng Payatas. Kung babasahing maigi, ang teksto ay
tungkol sa ‘surreal’ na Sabado ng may-akda. Ibinahagi at inilarawan niya kung
ano-ano ang mga nangyari sa kaniyang Sabado gamit ang paggamit ng isang
kilalang tao bilang sentro ng paksa at siya bilang isang narrator na
nagkukuwento ng kaniyang akda.

Pangmomolestiya sa Pabrika

Gaya ng Tungkol kay Angel Locsin, ang Pangmomolestiya sa Pabrika ay


isa ring tekstong binosesan ng may-akda. Mayroon itong tonong nagkukuwento
at nagsisiwalat patungkol sa kadugyotang mayroon ang boss ng mga
kababaihang nagtatrabaho sa BMMC at kung paano sila tratuhin ng
management ng kumpanya. Binigyang diin ng teksto ang pang-aabuso ng amo
sa kaniyang kapangyarihan, kung bakit nagbabalak magtayo ng unyon ang mga
nagtatrabaho dito, at mga kaganapan pagkatapos nilang magsampa ng kaso, na
hindi makakailang nangyayari rin ito sa iba pang mga kumpanya sa lipunan na
tila ba isa na itong normal na kaganapan. Para sa akda, nais niyang imulat ang
mata ng ilan sa mga isyung tila ba normal na at pawang naging bahagi na ng
kultura. Sa kaniyang sulat nais niyang ipakita ang panig ng mga nakararanas nito
at ipahiwatig na may magagawa sila at kaya nilang labanan ang mga karahasan.

2. Ano ang impak ng mga teksto sa iyo bilang mambabasa?

Para sa aking, ang dalawang tekstong aking nabasa ay puno ng mga


impormasyong makapupulutan ng aral. Ang mga aral na ito ay hindi lamang
patungkol sa katotohanan at realidad ng buhay. Napansin ko ang iba’t-ibang
estilo ng pagsusulat ng bawat akda na nakakamangha kung mabibigyang pansin
ng ilan. Kagaya na lamang kung papaano isunulat ng unang may-akda ang
kaniyang kwento sa kaniyang sabado sa pamamagitan ng paggamit ng ibang tao
bilang sentro o pang-akit habang binibigyang tuon ang paksa. Para bang naging
pangatlong persona siya sa teksto kahit na sa katunayan ang lahat ng
kaganapang iyon, bukod sa mga karagdagang impormasyon, ay tungkol sa
kaniya.

Sa kabuuan, napakalaki ang naging impluwensiya ng mga akdang ito sa


akin, sa aking mga perspektibo sa buhay, sa mga pananaw, na hindi lahat ng
bagay ay madali at maganda. Nagampanan ng wasto ng mga akda ang kanilang
tungkulin na imulat ang mga mata ng mga mambabasa sa realidad at nais nitong
ihatid. Gaya nang aking nais ipahiwatig kanina pa, ang mga akdang ito ay
napakainam o sulit kumbaga, mula pagkakagawa nito hanggang sa mga
impormasyong laman na tiyak na makakapupulutan ng aral.

You might also like