You are on page 1of 2

Kapitalismo: Pambansa o Pansariling Kaunlaran?

Nina Lenard Ingalla, Vanessa Buenconsejo, Angelic Ciolo, Abbygail Depuco,


Avegail Delos Reyes, Annelle Sombise, Khim Tadiosa

Ano nga ba ang sistemang kapitalismo? Dapat nga ba itong ipairal sa bansa?
Dulot nga ba nito ay kaunlaran? O baka naman kasakiman?

Ang kapitalismo ay isang uri ng sistemang pang ekonomiya na siyang nagtatakda


kung paano ang mga tao ay kumikita sa kani kanilang mga negosyo. Ang mga resources
na ginagamit sa paggawa ng mga produkto ay pagmamay ari ng mga pribadong
institusyon. Ang produksyon ay para sa kita. Sa sistemang ito, ang mga indibidwal ay
may kalayaang magsagawa ng negosyo habang malaya rin nilang pakinabangan ang
kanilang kita. Ang pamahalaan ay walang kontrol sa kung paano patatakbuhin ng mga
negosyante ang kanilang negosyo at kung paano nila gagamitin ang kanilang kita.
Maganda sana ang dulot ng kapitalismo sa isang bansa. Kapag pinairal ang sistemang
kapitalismo, maraming mga negosyante ang maeengganyo na magtayo ng kanilang
negosyo dahil na rin sa malaya silang pamahalaan ito. At dahil dito maraming trabaho
ang malilikha na magreresulta sa pagbaba ng kahirapan sa isang bansa. Ngunit bakit
kabaligtaran ang nangyayari? Dahil paunti unti,nagiging pansariling hangarin ang
kapitalismo. Masyado ng nasisilaw sa pera ang mga negosyante sa ngayon. Imbes na
hilahin nila pataas ang mga mahihirap na nagsusumikap magtrabaho,ay tinutulak pa nila
ito pababa. Hin di na nila pinahahalagahan ang hirap ng bawat empleyado,bagkus ang
nakikita na lamang nila ay kung paano pa sila mas yayaman. Kaya ang nagyayari,pilit
nilang pinipiga ang kanilang mga empleyado na magtrabaho para mas kumita pa sila ng
mas maraming pera. Tanging mga negosyante na lamang ang nakikinabang sa
kapitalismo,sila na lamang ang umaangat. Naiiwan at mas humihiral ang mga mahihirap
na empleyado. Walang pag unlad na nangyayari sa bansa

Hindi pwedeng "business as usual" na lamang ang isang bansa. Ang kapitalismo
sa ngayon ay nagdudulot ng kasakiman ng mga mas nakaka angat. Hindi uunlad ang
isang bansa kung pansariling hangarin ang uunahin. Hindi aangat ang mga nasa ibaba
kung patuloy silang hihilahin pababa. Hindi mababawasan ang kahirapan kung patuloy
silang pahihirapan. Dapat matuto ang mga mas nakaka angat na isantabi ang personal na
hangarin. Dapat din nilang isipin na kung paano matutulungang iaangat ang mga nasa
ibaba. Dapat nilang isipin kung paano matutumbasan ang hirap ng bawat empleyado para
lamang mapataas pa lalo ang kita ng negosyo nila. Dahil sa paraang yun lamang natin
makakamit ang pambansang kaunlaran.

You might also like