You are on page 1of 7

Navotas Polytechnic College

Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

SOSYEDAD AT LITERATURA

PINAL NA PAGSUSULIT

PAALALA:
1. Siguraduhing pasok sa oras at petsa ng pagpasa ng pagsusulit na ito.
2. Siguraduhing buong ingat ninyong sinuri ay nagparaphrase sa mga bahagi ng pagsusulit na ito upang
hindi maCOPYRIGHT.

Pangalan: Jobilyn P. Guerta Iskor:


Kurso at Pangkat: BSBA HR 2-F Propesor: G. Cristopher S. Sobremesana

A. Buod  May isang pamilya na nangangamba sa lumalaganap na sakit sa buong


mundo at ito ay tinatawag na "virus". At may isang bata sa isang
komunidad na mahilig magtanong sa mga bagay-bagay at ito ay ang
anak ng mag asawang Cruz. Si John ay nagtanong sa kanyang ama at
ina ukol dito sa "virus" na lumalaganap, nang maipaliwanag na ng
kanyang mga magulang ukol dito, ito ay nag-isip agad upang masupil
ito. Dahil sa katangiang matulungin ng bata gusto niya tumulong
upang masupil ang "virus". Gusto niyang gawin ang lahat ng kanyang
makakaya upang makatulong. Nais niyang maging isang kabalyero
upang masupil ang virus. At ito ay maraming katanungang sa kanyang
isipan katulad na lamang ng mga, ano ang maari niyang gawin upang
patigilin ang virus? Kailangan niya bang aralin ang pagtumbling sa
hangin? Kailangan niya bang ayusing mabuti ang kanyang iskedyul?
Napasagot na lamang siya sa kanyang isipan na “ Salamat sa Diyos at
hindi ko naman kailangang gawin iyon! Kailangan ko lang manatili sa
bahay hangga’t maaari; at gayundin ikaw, pati ang iyong mga kaibigan
at pamilya. Kung kailangang bumili ng pagkain, dapat panatilihin ang
1.5 na metrong distansya mula sa isa’t isa. Kung ito ay magagawa ng
lahat, mapipigilan natin ang paglalakbay ng virus.” Ngunit siya ay
nalungkot din sapagkat mamimiss niya ang kanyang mga kalaro sa
labas gayundin ang kanyang ibang pamilya. Ngunit kailangan niya
itong gawin upang makatulong sa komunidad gayundin sa buong
mundo, dahil ganon niya kamahal ang mga tao, kanyang
bansa/komunidad. At pinaghambing din niya ang pagmamahal niya
kaysa sa mararating ng virus.
B. Elementong Pampanitikan
 Ang elementong pampanitikan ay isang nasasakupan ng lahat ng mga
Batay sa Dulog Formalistiko
gawa ng salaysay kathang-isip. Isang kinakailangang tampok ng
pagsasalita sa pagsasalita na matatagpuan sa anumang nakasulat o
pasalitang salaysay. Nakikilala ito sa kanila mga diskarteng
pampanitikan, o di-unibersal na tampok ng panitikan na kasama ng
pagbuo ng isang partikular na akda kaysa sa pagbuo ng mahahalagang
katangian ng lahat ng salaysay.
Navotas Polytechnic College
Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

 PALIWANAG: Ang lahat ng mga gawa ng salaysay na katha ay


naglalaman ng isang aspeto ng panitikan. Isang katangian ng
pagsasalaysay sa pagsasalita na maaaring matagpuan sa anumang
nakasulat o sinasalitang kwento. Ito ay nakikilala sa kanila mula sa
mga diskarte sa panitikan, na kung saan ay hindi pang-unibersal na
aspeto ng panitikan na sinamahan ng pagbuo ng isang tiyak na gawain
kaysa sa pagbuo ng mahahalagang katangian ng lahat ng mga kwento.
 Ang Dulog Formalistiko ay ang sistematikong pagaaral
ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Mayroong
iba't ibang dulog para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa
kagandahan ang mababakas sa dulog na ito. Kahit sino, ano mang
bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o
paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o
realidad.
 PALIWANAG: Ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga
paraan ng pagsusuri ng panitikan ay kilala bilang dulog formalistiko.
Ang pananaliksik na ito ay maaaring gamitan ng iba't ibang mga
paraan. Sa pamamaraang ito, makikilala ang katotohanan sa halip na
kagandahan. Ang paglalarawan o pagtatanghal ng sinuman, anuman, o
lipunan ay dapat na tumpak. Ipinapahiwatig din nito ang pagtanggap
ng katotohanan o katotohanan.
1. Uri ng Genre  Kwento ng Katatawanan - Ito naman ay isang uri na ang diin niya ay
magpatawa at bigyang aliw at saya ang mga mambabasa ng kwentong
ito.
 EBIDENSYA: “ Nais niyang maging isang kabalyero upang masupil
ang virus. At ito ay maraming katanungang sa kanyang isipan katulad
na lamang ng mga, ano ang maari niyang gawin upang patigilin ang
virus? Kailangan niya bang aralin ang pagtumbling sa hangin?
Kailangan niya bang ayusing mabuti ang kanyang iskedyul? “
 PALIWANAG: Para sa akin kaya ito kwento ng katatawanan
sapagkat ang nabasa ko na ebidensya sa kwento ay nakakaaliw lalo na
ang mga katanungan na nasa isip ng isang bata na gustong supilin ang
virus, dahil sa panahon ngayon iilan na lang siguro ang mga bata na
kagaya ng nasa kwento na gagawen ang lahat upang makatulong
mawala ang malaking problema ng bansa.
2. Paksang- Diwa o Tema  Ang paksang diwa ay ang pangunahing tema ng isang kwento o kung
anumang panitikan ito. Ito ang madalas na tinatalakay o inilalarawan
sa isang kasulatan. Isang pangkalahatang uri ng argumento na pinag
aaralan at pinaguusapan. Tinawag itong pinaka kaluluwa ng maikling
kwento sapagkat ditonakapaloob ang kabuuan ng tema at kahulugan ng
isang kwento.
 EBIDENSYA: “ Nais niyang maging isang kabalyero upang masupil
ang virus. “
 PALIWANAG: Para sa akin, ang paksang diwa o tema ng maikling
kwento na ito ay umiikot lamang sa isang bata na gustong maalis o
Navotas Polytechnic College
Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

mawala sa mundo ang isang kinakatakutan na sakit at ito ay ang “ virus


“.
3. Banghay  Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakabuo ng mga pangyayari sa
isang kuwento o akda.
 PALIWANAG: Ang pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa
isang maikling kuwento ay tumutukoy sa banghay. Ito ay kadalasang
may anim na bahagi: simula, suliranin, papataas na aksyon,
kasukdulan, pababang aksyon, at wakas. Ang simula ang naglalahad o
naglalarawan ng mga tauhan, tagpuan, at suliranin sa kuwento. Ang
suliranin ang esensya ng kuwento. Hindi dadaloy at magiging kapana -
panabik ang kuwento kung wala ito. Ang papataas na aksyon ay ang
pagtugon ng mga karakter sa suliranin sa kuwento. Ang kasukdulan
ang bahaging pinaka kapana - panabik sa kuwento. Ang pababang
aksyon ay ang nagtataglay ng kakalasan ng kuwento. Dito nilalapat
ang solusyon sa suliranin sa kuwento. Ang wakas ang huling bahagi ng
kuwento na maaring masaya, malungkot, o nag - iiwan ng palaisipan sa
mga mambabasa.
3.1. Simula  Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin
kadalasang pinapakilala ang iba sa mga tauhan ng kwento .
 EBIDENSYA: “May isang virus na pinag-uusapan ng lahat.
Naglalakbay ito sa buong mundo, nagbibigay ng sakit sa mga tao, at
naghahasik ng takot at pangamba. Mula sa isang tao, napakabilis na
lumilipat ng virus na ito patungo sa susunod na tao. At ang pamilya
Cruz ay nangangamba dahil sa paglaganap ng sakit na ito. At si John
na anak ng mag-asawang Cruz ay nagtanong ukol sa sakit na ito, at
ipinaliwanag naman iyon ng maayos kay John.”
 PALIWANAG: Para sa akin ito ang simula ng kwento sapagkat
nakapaloob dito ang pangunahing tauhan ng kwento at nakapaloob din
dito ang kawiwilihan ng mambabasa at ito ay ang ukol sa virus na
lumalaganap sa buong mundo.
3.2. Suliranin  Ang suliranin ay maaari nating tawagin na mga pagsubok. Kasing
kahulugan nito ang salitang problema. Sa ating buhay, marami tayong
mga suliraning makikita at mararanasan.
 EBIDENSYA: “ Nais niyang maging isang kabalyero upang masupil
ang virus. At ito ay maraming katanungang sa kanyang isipan katulad
na lamang ng mga, ano ang maari niyang gawin upang patigilin ang
virus? Kailangan niya bang aralin ang pagtumbling sa hangin?
Kailangan niya bang ayusing mabuti ang kanyang iskedyul? “
 PALIWANAG: Para sa akin ito ang suliranin na nasa kwento
sapagkat nakapaloob rito ang pagsubok o problema at ito ay ang paano
niya masusupil ang virus kung saan isa sa malaking problema ngayon
ng buong mundo.
3.3. Tunggalian  Ang tunggalian ay mayroong apat na uri. Ito ay ang mga:
 Tao Laban Sa Tao- Ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng
laban ng tauhan at iba pang tauhan.
Navotas Polytechnic College
Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

 Tao laban sa sarili- Ito’y uri ng tunggalian na nangyayari sa


loob mismo ng tauhan. Dito, ang kanyang pangunahing
kalaban ay ang kanyang sarili at ang mga problemang
internal. Ito’y kadalasan na makikita kapag ang mga tauhan ay
mayroong “internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga
desisyon.
 Tao laban sa lipunan- Dito, ang ating mga pangunahing
tauhan ay lumalaban sa lipunan.
 Tao laban sa kapaligiran o kalikasan- Ang pangunahing
tauhan ay naapektuhan ng mga pwersa ng kalikasan.
 EBIDENSYA: “ito ay maraming katanungang sa kanyang isipan
katulad na lamang ng mga, ano ang maari niyang gawin upang
patigilin ang virus? Kailangan niya bang aralin ang pagtumbling sa
hangin? Kailangan niya bang ayusing mabuti ang kanyang iskedyul?”
 PALIWANAG: Para sa akin ito ay “ tao laban sa sarili” sapagkat
nakapaloob sa ebidensya na nahihirapan ang tauhan kung paano niya
malulutas ang isang problema na kung saan ay ang paano niya
susupilin ang virus. At pinapakita dito na nahihirapan siya sa pag-iisip
o pagdedesisyon kung paano ang kanyang mga gagawin.
3.4. Kasukdulan  Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
 EBIDENSYA: “ Kailangan ko lang manatili sa bahay hangga’t
maaari; at gayundin ikaw, pati ang iyong mga kaibigan at pamilya.
Kung kailangang bumili ng pagkain, dapat panatilihin ang 1.5 na
metrong distansya mula sa isa’t isa. Kung ito ay magagawa ng lahat,
mapipigilan natin ang paglalakbay ng virus.”
 PALIWANAG: Para sa akin, ito ang kasukdulan sapagkat nakapaloob
sa ebidensya ang kahulugan ng kasukdulan at ito ay ang katuparan o
kasawain ng kanyang ipinaglalaban. Ayon sa kwento ito lamang ang
dapat gawin upang masupil ang kinakatakutan ng mga tao sa panahon
ngayon.
3.5. Kakalasan  Ito ang tulay sa wakas ng kwento.
 EBIDENSYA: “Marami siyang bagay na mami-miss. Ngunit naisip
niya kung gaano niya kamahal ang mga miyembro ng kanyang
pamilya. Naisip niya kung gaano niya kamahal ang mga tao sa
kanyang distrito, komunidad, at bansa.”
 PALIWANAG: Para sa akin ito ang kakalasan ng kwento, sapagkat
nakapaloob sa ebidensya ang kahulugan ng kakalasan. Ayon sa aking
nabasa sa kwento ito lamang ang tulay sa wakas ng kwento.
3.6. Wakas  Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kwento.
 EBIDENSYA: “Ibabahagi niya ang kanyang pagmamahal sa lahat ng
tao sa mundo. Makikita niyo! Mas malayo ang mararating ng
pagmamahal niya kaysa sa virus. “
 PALIWANAG: Para sa akin ito ang wakas, sapagkat batay sa aking
pagsusuri ito ang naging resolusyon ng kwento.
Navotas Polytechnic College
Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

4. Paglalarawang-Tauhan  Tinitukoy rito ang katangian ng tauhan sa isang kwento o storya.


 EBIDENSYA: “ Labis na natuwa si John dahil mahilig siyang
tumulong.”
 PALIWANAG: Ayon sa aking pagsusuri ito ang katangian mayroon
ang tauhan o pangunahing tauhan sa kwento, ito ay ang pagiging
matulungin.
5. Tagpuan  Tagpuan ang tawag sa lugar na pinangyarihan ng isang kwento.
 EBIDENSYA: “Sa isang komunidad may isang pamilya ang
nangangamba dahil sa paglaganap ng sakit na ito.”
 PALIWANAG: Para sa akin ito ang tagpuan sa kuwento, dahil ayon
sa aking pagsusuri dito lamang ang lugar na kung saan pinangyarihan
ng kwento na ito.
6. Simbolismo o Sagisag  Ang simbolismo ay isang tatak o isang pagkakakilanlan ng isang
bagay, tao, lugar, o hayop na ginamit upang siya ay makilala at
matandaan.
 EBIDENSYA: “Nais niyang maging isang kabalyero upang masupil
ang virus. “
 PALIWANAG: Para sa akin ang simbolismo ng tauhan sa kwento na
ito ay isang bayani, dahil ayon sa nakuha kong ebidensya, gagawin
niya ang lahat upang makatulong sa bansa o sa komunidad nila at
kayang isugal ang buhay na parang isang bayani na gagawin din ang
lahat upang makawala sa paghihirap.
7. Estilo  Ang Estilo ay masusuri sa pamamagitan ng kanyang mga salita at
pariralang ginamit sa pagpapahayag ng kanyang sarili at kanyang
napiling paksa.
 EBIDENSYA: “Nais niyang maging isang kabalyero upang masupil
ang virus. “
 PALIWANAG: Para sa akin ang estilo ng manunulat sa kwento na ito
ay may mga malalim na salita na kung saan kakailanganin mong
intindihin ng maayos at ito ay ayon sa ebidensya na nakuha sa kwento,
maayos din ang daloy ng kwento gayundin sa napiling paksa.
C. Pagpapahalagang  Ang pagpapahalagang pangkatauhan o human value sa Ingles, ay isa sa
Pangkatauhan pinaka mahalagang aspeto ng ating pagkatao. Dahil nga, tayo rin
mismo ay mga tao, kailangan rin nating matuto kung paano ang
pagpapahalaga sa ating sarili at sa ating kapwa.
 PALIWANAG: Ayon sa isang artikulo galing sa HRkatha, ang
pagpapahalagang pangkatauhan ay makukuha sa pamamagitan ng
“nature at nurture”. Kapag sinabi nating nurture, ito ang ating mga
pagpapahalagang pangkatauhan ay nakuha natin sa ating paligid o sa
ibang tao. Samantala, ang nature naman ay ang pagpapahalagang
pangkatauhan na ating nakukuha galing sa ating sariling kalooban.
Kung baga, Ito ang ating natural na pagkatao. Mahalaga matutunan ito
dahil sa pamamagitan ng mga human values, mas nagiging klaro ang
ating kailangan gawin upang magkaroon ng buhay na ating gusto.
Lahat ng tao ay may iba’t-ibang pagpapahalagang pangkatauhan.
Kapag ating na laman kung ano ito, mas magkakaroon ng katuparan
Navotas Polytechnic College
Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

ang ating buhay.

1. Maka-Diyos  Ang makaDiyos ay pananalig,paggawa ng mabuting gawain,pagtulong


sa kapwa ng bukal sa loob at pagtupad sa responsibilidad natin sa
panginoong may taas.
 EBIDENSYA: “Salamat sa Diyos at hindi ko naman kailangang gawin
iyon! Kailangan ko lang manatili sa bahay hangga’t maaari; at
gayundin ikaw, pati ang iyong mga kaibigan at pamilya. Kung
kailangang bumili ng pagkain, dapat panatilihin ang 1.5 na metrong
distansya mula sa isa’t isa. Kung ito ay magagawa ng lahat,
mapipigilan natin ang paglalakbay ng virus.”
 PALIWANAG: Para sa akin, ang ebidensya na nakuha ko ay isang
pagiging maka-diyos ng pangunahing tauhan sa kwento sapagkat ukol
sa depinisyon nito ito ay may pananalig at ito ay ginawa ng tauhan na
si John na nagpasalamat siya sa Diyos na may pananalig.
2. Makatao  Ang makatao ay ang pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa
kapwa. 
 EBIDENSYA: “Marami siyang bagay na mami-miss. Ngunit naisip
niya kung gaano niya kamahal ang mga miyembro ng kanyang
pamilya.”
 PALIWANAG: Para sa akin, ang ebidensya na nakuha ko sa kwento,
ito ay isang pagiging makatao, sapagkat ayon sa depinisyon nito ito ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa na ayon sa kwento ay ginawa
ito ng pangunahing tauhan na si John kung saan kailangan niyang
magsakripisyo o magtiis upang makatulong sa pagsupil ng virus at
iniisip niya ang miyembro ng kanyang pamilya upang hindi ito
magkaroon ng virus na nagpapakita ng pagmamahal.
3. Makabayan  Ang makabayan ay tumutukoy sa pagmamahal na mayroon tayo sa
ating bayan. Ito ay maaaring makita sa pamamagitan ng nasyonalismo
o patriotismo ng isang tao. Inuuna natin lagi ang kabutihan ng bayan
kaysa pansariling interes.
 EBIDENSYA: “Naisip niya kung gaano niya kamahal ang kanyang
distrito, komunidad, at bansa.”
 PALIWANAG: Para sa akin, ang ebidensya na nakuha ko sa kwento,
ito ay isang pagiging makabayan sapagkat ayon sa depinisyon, ang
pagiging makabayan ay tumutukoy sa pagmamahal na mayroon tayo sa
ating bayan, ngunit sa ebidensya na aking nakuha ay isang pagpapakita
ng pagmamahal sa kanyang distrito, komunidad at bansa na kailangan
niya magsakpripisyo at sumunod sa patakaran na mayroon ang isang
bansa upang hindi pa kumalat ang virus sa bansa at ito ay nagpapakita
ng pagmamahal sa bayan.
4. Makakalikasan  Ang kahulugan ng pagiging makakalikasan ay pagmamahal, pag-
aalaga, at pagbibigay ng importansya sa ating kalikasan.
 PALIWANAG: Ayon sa aking pagsusuri walang makakalikasan sa
kwento kaya’t wala itong ebidensya. Ngunit ako ay may halimbawa
Navotas Polytechnic College
Bangus St., Corner Apahap St., NBBS, City of Navotas

ukol dito, katulad na lamang ng pagwawalis at pag tatapon ng basura


sa tamang tapunan at pagtatanim o pag-aalaga ng mga halaman upang
ang hangin na ating nalalanghap ay sariwa.
D. Pagsusuri Batay sa Kaukulang  Ay makikita sa bawat pahayag at nilalaman ng mismong akda.
Pananaw ng Pampanitikan  REALISMO- Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao at lipunan sa
isang makatotohanang pamamaraan.
 EBIDENSYA: “May isang virus na pinag-uusapan ng lahat.
Naglalakbay ito sa buong mundo, nagbibigay ng sakit sa mga tao, at
naghahasik ng takot at pangamba.”
 PALIWANAG: Ayon sa aking pagsusuri ito ay isang dulog ng
realismo, sapagkat ayon sa depinisyon nito ay nagpapakita ng
karanasan ng tao at lipunan sa isang makakatotohanang pamamaraan
na kung saan ay nangyayari sa totoong buhay katulad na lamang
ngayong panahon. At ang ebidensya na nakuha ko sa kwento ay isang
makakatotohanang nangyayari ngayon na kung saan ay ang
nagpapahirap sa buong mundo at sa mga tao.
E. Larawang Sosyo-Kultural ng  Ito ay ang pamumuhay ng isang tao ay karaniwang nakikita sa kung
Pamumuhay paano niya dalhin ang sarili tungo sa pakikipag-kapwa. Ang ugaling ito
ay malalaman sa kinikilos o gawi.
 EBIDENSYA: “Labis na natuwa si John dahil mahilig siyang
tumulong.”
 PALIWANAG: Para sa akin ang ebidensya na nakuha ko ukol sa
larawang sosyo-kultural ng pamumuhay ay ang ugaling mayroon ang
pangunahing tauhan na si John na kung saan ginagamit niya kung
paano siya makipagkapwa sa tao.

Paalala: Ang lahat ng ginamit at paraan ng pagsusuri na narito ay gawa ko at walang kinuhang
intelektuwal na kaalaman na hindi nagpaalam sa manunulat o may-akda. Nalalaman ko ang batas
hinggil sa Intellectual Property Rights o katumbas na batas hinggil sa pangongopya ng gawa ng ibang
indibidwal. Kaya naman, pinatutunayan ng aking e-signature ang pahayag na ito.

Sumuri:

Christine Joy V. Dorotan


Mag-aaral

You might also like