You are on page 1of 31

5

MAPEH
(Health)
Ikatlong Markahan

Mga Gawaing Pagkatuto

1
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheets in MAPEH – Health
(Grade V)

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior
approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum
and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for educational purposes and the
source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an
enhancement of supplementary work are permitted provided all original works are acknowledged and
the copyright is attributed. No work may be derived from this material for commercial purposes and
profit.

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, PhD, CESO V
Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, EdD, CESO V
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
OIC, Schools Division Superintendent : EDUARDO C. ESCORPISO JR., EdD, CESO IV
OIC, Assistant Schools Division Superintendent : GEORGIANN G. CARIASO, CESE
OIC, Chief Education Supervisor : MARCIAL Y. NOGUERA

Development Team
Writers: ELVIRA AGUAS, T-III (MES), CAROL L. TOMAS, T-I (BNSHS), JOSEPH M.
BATUYONG, T-II (BNSHS), JOYCE L. BATA, T-II (MES), SIENA F. BALLES, T-I (INHS)

Content Editors: PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH, JAMES RICHARD C. CABUGAO, Principal I,


BENCIO V. ENGAY, Principal II
Language Editors: (DES), JOELITO E. BODINO, Principal I (CES), EULALIA R. GORDO, HT3 (BNSHS)

Illustrators: DONALD C. BATIN, T-II (BNSHS


Layout Artists: ERIC JOHN B. VALONES, ITO (BNSHS)

Regional Quality Assurance Team: BENCIO V. ENGAY (PII-TES, SDO Cagayan

Focal Persons: PRECIOSA G. RIVERA, EPS-MAPEH


EVANGELINE D. CASTILLO, EPS- Learning Resource Management
RONNIE T. TEJANO, Education Program Supervisor-MAPEH, CLMD
RIZALINO G. CARONAN, EPS- Learning Resource Management, CLMD

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City
Table of Contents
Page
Compentency
number
Explains the concept of gateway drugs H5SU-llla-7
Identifies products with caffeine H5SU-lllb-8
..................... Page 3 – 8
Describes the general effects of the use and abuse of
caffeine, tobacco, and alcohol
H5SU-IIIde-10 ..................... Page 8 – 13

Analyzes how the use and abuse of caffeine, tobacco, and ..................... Page 14 – 19
alcohol can negatively impact the health of the individual,
the family, and the community H5SU-IIIfg-11

Demonstrates life skills in keeping healthy through the


non - use of gateway drugs. H5SU – lllh - 12

..................... Page 19 - 23
Follow school policies and national laws related to the
sale of tobacco and alcohol. H5SU – lllij - 13

..................... Page 23 - 28

Practice Personal Hygiene protocols at all times. ii


HEALTH 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: __________
Pangkat: ___________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Mga Katangian ng Drogang Gateway: Caffeine, Tabako at Alkohol

Panimula (Susing Konsepto)


Madalas tayong makarinig ng mga babala tungkol sa mga masamang epekto sa kalusugan
ng paninigarilyo at pag-inom ng sobrang kape at incoming may alcohol o alak. Ayon sa mga pag-
aaral, maaaring dahilan nito ang makakahalinang epekto ng caffeine, tabako at alcohol na kinikilala
bilang gateway drugs.
Ang caffeine ay nakakapagdulot ng karagdagang enerhiya subalit kung labis ang paggamit
nito ay nakakasama sa katwan. Ito ay madaling malagom o matanggap ng ating katawan. Mabilis
at direkta ang epekto nito sa utak, pag-iisip at hini naiipon sa dugo o naitatago sa katawan ng tao.
Ngunit, mabilis din itong lumabasa sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi pagkatapos ng ilang
oras na pag-inom o paggamit nito.
Ang nicotine sa tabako ay isang kilalang alkaloid na matatgpuan sa halamang tabako na
tinatawag na Nicotiana Tabacum. Ang nikotina ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang
produktong tabako. Ang bawat piraso ng sigarilyo ay tinatayang may 1 mg nicotine. Ito ay
mapanganib sapagkat kapag hahanap-hanapin na ng isang tao kapag nasubukan niya itong gamitin
hanggang sa hindi niya namamalayan ang pagkalulong sa bisyo ng paninigarilyo.
Ang alcohol ay isang inuming may ethanol. Napabibilang ditto ang beer, alak, tuba, basi
ar lamabanog. Madalas nagsisimulag uminom anf tao dahil sa tulak nang nakapaligid sa lipunan.
Ang iba naman ay sinusubukang uminom upang panandaliang makalimutan ang mga problema.
Ang mga patalastas na ipinapakita sa telebisyon ay nagsisilbi ring panghikayat sa mga kabataan o
nakatatanda sa subukang bilhin ang produkto at gamitin.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
1. Explains the concept of gateway drugs
H5SU-llla-7
2. Identifies products with caffeine
H5SU-lllb-8

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 1


Gawain 1
Panuto: Ayusin ang mga letra sa loob ng panaklong upang makabuo ng salita ayon sa
inilalarawan ng parirala. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ang _______ (epka) ay may mataas ng sangkap ng caffeine.


2. Ang sigarilyo ay may _______ (ktiionan) na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan.
3. Ang _______ (icenffae) ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya subalit kung labis
ang paggamit nito ay nakakasama sa kalusugan.
4. Ang alcohol ay likidong may _______ (eahntlo). Or, Ang inuming alcohol ay may taglay
na sangkap na ________ (eahntlo).
5. Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang _____ (akaobt).

Gawain 2

Panuto: Hanapin ang mga produktong may sangkap na caffeine at mga inuming alcohol na may
ethanol. Isulat sa kuwaderno ang mga mahahanap na salita.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 2


Gawain 3

Panuto: Punan ng tama o mali ang patlang upang makabuo ng angkop na pangungusap.
1. Ang pag-inom ng inuming may sangkap na caffeine ay ________ at nakakabuti sa ating
kalusugan
2. _________ ang pagkonsumo ng higit sa 100 mg na caffeine sa araw-araw.
3. _________ na magpakonsulta sa doctor kung sakaling may nararamdamang kakaibang
reaksyon sa katawan dulot ng pagkonsumo ng mga pagkaing may caffeine
4. _________ na suriin ang dami ng caffeine o anomang taglay na sangakp ang pagkain o
inumin.
5. _________ na maging maingat sa pagpili ng pagkain lalo na at may mga taglay na gamot
tulad ng caffeine.

Gawain 4

Panuto: Sagutan ang crossword puzzle gamit ang mga naibigay na hint.

Pahalang:
1. Kilala din sa tawag na Soduim Carbonate na sangkap sa mga inuming matatamis o
softdrinks
2. Tulad ng itim na tsaa na mainam inumin pampapayat

Pababa:
2. Bungang butil na pinapatuyo at ginigiling at karaniwang pampagising sa umaga
3. Naproprosesong produkto na nagmula sa tropikal na halamang kakaw
5. Energy drink na karaniwang nabibili sa tindahan

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 3


Gawain 5

Panuto: Magsulat ng mga produktong matatagpuan sa loob ng bahay na may sangkap na


caffeine, alkohol at nicotine. Gamitin ang talahayan sa ibaba.

Caffeine Alkohol Nicotine


1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos.

RUBRIC
1. Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas.
2. Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas.
3. Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas.
4. Nakapagtala ng apat gawain sa bawat antas.
5. Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas.

Gawain 6

Panuto: Magbigay ng paraan upang maiwasan ang mga dahilan bakit umiinom ng alcohol ang
isang tao. Isulat ang sagot sa kolumn b.

Kolum A Kolum B
(Mga Dahilan Bakit Umiinom ng Alkohol (Mga Paraan upang Maiwasan ang Pag-
ang Isang tao) inom ng Alkohol)
1. Tulak ng mga taong nakapaligid o peer
pressure.
2. Para panandaliang makalimutan ang
problema.
3. Para madaling mapabilang sa grupo o
tanggapin ng mga taong nakapaligid sa
kanya.
4. Naaakit dahil sa patalastas sa telebisyon.
5. Kawalan ng pagpigil sa sarili o self-
control

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 4


Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos.

RUBRIC
1. Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas.
2. Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas.
3. Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas.
4. Nakapagtala ng apat gawain sa bawat antas.
5. Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas.

Repleksyon

Panuto: Punan ang patlang upang makabuo ng pangungusap.


1. Ang gateway drug ay __________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Ang mga produktong nagtataglay ng sangkap na caffeine _____________________
__________________________________________________________________.
3. Dumarami ang mga naniniragilyo sapagkat ________________________________
___________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos.

RUBRIC
1. Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas.
2. Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas.
3. Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas.
4. Nakapagtala ng apat gawain sa bawat antas.
5. Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 5


Sanggunian para sa mga nag-aaral

Gatchalian H.G, et.al Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, pp. 181 – 185

Susi sa pagwawasto

Gawain 1
1. Kape
2. Nikotina
3. Caffeine
4. Ethanol
5. Tabako

Gawain 2
1. Kape
2. Tsaa
3. Coke
4. Tsokolate
5. Syrup
6. Chewing Gum
7. Beer
8. Tuba
9. Basi
10. Lambanog
11. Alak

Gawain 3
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama

Gawain 4
1. Soda
2. Kape
3. Tsokolate
4. Green Tea
5. Cobra

Inihanda ni:

JOSEPH M. BATUYONG
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 6


HEALTH 5
Pangalan: ______________________________________ Lebel: _________
Pangkat: _________________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Epekto ng Sobrang Paggamit ng mga Drogang Gateway

Panimula (Susing Konsepto)

Alam mo na ba kung ano ang tinatawag na drogang gateway (gateway drugs)? Ano ba ang
tinatawag na caffeine? May maganda ba itong naidudulot sa iyong katawan? Bakit maraming tao
ang nalululong sa paninigarilyo? Bakit may mga kabataang gumagamit na ng sigarilyo? Ano – ano
ang maidudulot ng sobrang pag-inom ng inuming may alcohol?

Madalas nating marinig at mapanood ang masasamang epekto ng paninigarilyo at pag –


inom ng inuming may alcohol. Sa mismong pakete ng sigarilyo ay may nakatatak na babala
tungkol sa masamang epekto nito sa kalusugan. Gayunpaman, bakit maraming tao ang patuloy na
gumagamit nito? Bakit maraming kabataan ang natutuksong subukan ito upang at sa kalauna’y
malulong sa masamang bisyo na ito? Maging ang masamang dulot ng paglalasing ay madalas
makikita sa mga balita at iba pang palabas. Subalit, bakit marami pa ring taong patuloy na
tumatangkilik sa mga produktong alak?

Mahalagang bahagi ng araling ito ang mga gawain na naglalayong mapalalim ang pang –
unawa ng mga mag-aaral sa mga masamang epekto ng gateway drugs. Ipapakita sa mga
susmusunod na gawain ang mga dahilan kung bakit madaling mahahalina ang mga sumusubok sa
mga ito at nalululong sa bisyo., Tatalakayin din ang mga masasamang epekto ng bawat isa.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Describes the general effects of the use and abuse of caffeine, tobacco, and alcohol
(H5SU-IIIde-10)

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 7


Gawain 1
Panuto: Turingan ang bawat aytem bilang EC kung ang tinutukoy ay epekto ng caffeine, EA kung
epekto ng alcohol, at EN kung epekto ng nikotina.

1. Sobrang sakit ng ulo


2. Pagkalagas ng buhok
3. Insomnia
4. Kanser sa baga at bibig
5. Sakit sa atay
6. Sakit sa lapay
7. Pagiging nerbiyoso
8. Pangungulubot ng balat
9. Pagkasira ng brain cells
10. Panginginig ng kalamnan

Gawain 2
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga maaaring maging epekto ng mga sumusunod na
sitwasyon.

1. Minsan ay nadatnan ni Camille ang mga batang pinsan na naninigarilyo nang patago.
Hindi siya pumayag nang niyaya siyang subukan din ito. Ngunit lagi naman siyang
sumasama sa kanila.

2. Pinagbigyan ni Mario ang kanyang kaibigan na sumama sa isang inuman.

3. Imbes na tubig, soft drinks ang iniinom ni Mang Cardo araw – araw.

4. Nagkaroon ng sakit sa atay si Marco dahil malakas uminom ng alak. Ang kapatid din niya
ay malakas ding uminom.

5. Lasing si Mia dahil galing siya sa kaarawan ng kaibigan niya ngunit pinilit pa rin niya ang
kaniyang sarili na magmaneho ng kaniyang sasakyan.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)

RUBRIK
1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas

2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas


3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 8


Gawain 3
Panuto: Magtala sa kolum ng mga epektong hatid ng gateway drugs sa katawan ng tao.

Epekto ng Gateway Drugs


Caffeine Nicotine Alcohol

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)

RUBRIK
1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas

2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas


3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Gawain 4
Panuto: Hanapin ang mga salitang nasa loob ng kahon na may kaugnayan sa gateway drugs
na matatagpuan sa puzzle. Bilugan ang mga ito.

nikotina tabako smoking alcohol


nervous system Caffeine cigar kanser
Pancreas Bronchitis blood puso
Constipate liver dementia

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 9


A D C F G H O P R S T B U V B
L N I K O T I N A G B L A W R
K A G B C D F E G N H O I B O
O J A K L M N R O I P O C D N
H Q R S K T U V X K Y D Z A C
O A B C A D E O F O G H J I H
L K L M N L O U P M Q R U T I
V W X Y S I Z S Y S T E M N T
A B C D E V E F G H A I J E I
P A N C R E A S K L B M N M S
O P Q R S R T U V W A X Y E B
Z A B C D E F G H I K J K D A
P U S O L M N O P Q O R S O Z
T U V W X C O N S T I P A T E
C A F F E I N E Y Z A B C W Y

Gawain 5
Panuto: Isulat ang sanhi, bunga at solusyon sa bawat problema sa paggamit ng gateway
drugs.

Problema Sanhi Bunga Solusyon

Pagkahilig sa mga
produktong may
caffeine

Madalas na
paninigarilyo

Paglalasing

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 10


Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)

RUBRIK
1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas

2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas


3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Repleksiyon

Bagaman nakakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan ang labis na paggamit ng mga


drogang gateway ay mapanganib sa kalusugan ng tao at nakakapagdudulot ito ng iba’t- ibang
karamdaman.

Mga Sanggunian
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan| Batayang Aklat 5
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-3-lms.html

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1

1. EC
2. EN
3. EC
4. EN
5. EA
6. EA
7. EC
8. EN
9. EA
10. EC

Gawain 2: Gamitin ang Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos

Gawain 3: Gamitin ang Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 11


Gawain 4

A D C F G H O P R S T B U V B
L N I K O T I N A G B L A W R
K A G B C D F E G N H O I B O
O J A K L M N R O I P O C D N
H Q R S K T U V X K Y D Z A C
O A B C A D E O F O G H J I H
L K L M N L O U P M Q R U T I
V W X Y S I Z S Y S T E M N T
A B C D E V E F G H A I J E I
P A N C R E A S K L B M N M S
O P Q R S R T U V W A X Y E B
Z A B C D E F G H I K J K D A
P U S O L M N O P Q O R S O Z
T U V W X C O N S T I P A T E
C A F F E I N E Y Z A B C W Y

Gawain 5: Gamitin ang Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos

Inihanda ni:

CAROL L. TOMAS
Manunulat

HEALTH 5
Practice Personal Hygiene protocols at all times. 12
Pangalan: ______________________________________ Lebel: _________
Pangkat: _________________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Kahihinatnan ng Paggamit at Pag-abuso sa Drogang Gateway

Panimula (Susing Konsepto)

Ano ang kahihinatnan ng taong sobra ang paggamit at pang-abuso sa drogang gateway
gaya ng caffeine, tabako, at l alcohol sa kanyang sarili, pamilya, at lipunan? Bakit itinuturing na
gateway drug ang alak at sigarilyo? Paano nakakaapekto ang gateway drugs sa pamumuhay ng
isang indibidwal, pamilya, at komunidad?

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Analyzes how the use and abuse of caffeine, tobacco, and alcohol can negatively impact the health
of the individual, the family, and the community (H5SU-IIIfg-11)

Gawain 1

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung hindi wasto.

_______1. Nakatutulog nang mahimbing ang taong mahilig uminom ng kape.

_______2. Walang naidudulot na maganda sa katawan ng tao ang paninigarilyo.

_______3. Ang sobrang paggamit ng mga produktong may sangkap na caffeine ay nagdudulot ng
karamdaman sa katawan ng tao.

_______4. Ang sigarilyo ay nagtataglay ng protina na kailangan ng tao.

_______5. Nakalulutas ng problema ang pag-inom ng inuming may alcohol.

Gawain 2

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga isyung nakalahad. Suriin kung ang epekto ng gateway
drugs ay sa indibidwal, sa pamilya at kumunidad. Sabihin kung ito ay epekto ng caffeine,
alcohol at tobacco. Lagyan ng tsek (✓) ang napiling kasagutan. Maaaring pumili ng maraming
kasagutan.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 13


Kumunidad
Indibidwal

Tobacco
Caffeine
Pamilya

Alcohol
Isyung Pangkalusugan

1. Si Pedro ay mahilig uminom ng kape at madalas


uminit ang ulo niya sa opisina na nagiging dahilan ng
mga hindi pagkakaunawaan sa kanyang pamilya at
katrabaho. (Mabait has to be deleted as the second clause
is contradictory to it.)
2. Laging umuuwing lasing ang aking tatay at inaaway
ang aking nanay. Ako ay natatakot sa kanya at nahihiya
na sa aming mga kapitbahay na madalas ding madamay
sa kanilang away.
3. Mahilig sa energy drink si Richard dahil sa kanyang
trabaho bilang isang bagger sa isang Supermarket. Sa
kasalukuyan, madalas siyang nagagalit sa kanyang mga
anak kahit sa isang maliit na kadahilanan.
4. Ayon sa isang doktor, madalas daw silang magkaroon
ng mga pasyenteng may sakit na kanser na isa sa
pinakamagastos at pinakamamatay na mga sakit sa
kasalukuyan.
5. Nagtataka at nalulungkot ang aking pinsan kung bakit
nagkasakit ng lung cancer ang kanyang tatay na walang
anomang bisyo at hindi katulad ng kanyang mga kapatid
na mahilig sa sigarilyo.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)

RUBRIK
1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas

2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas


3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 14


Gawain 3
Panuto: Magtala sa kolumn ng mga epektong hatid ng gateway drugs sa katawan ng tao.

Epekto ng Gateway Drugs


Caffeine Nicotine Alcohol

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)

RUBRIK
1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas

2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas


3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Gawain 4: Tayo’y Magpangkat at Magpasikat!

Panuto: Bumuo ng tatlong (3) pangkat at magkaroon ng dayalogo ukol sa nagiging negatibong
epekto ng gateway drugs sa indibidwal, pamilya at komunidad.

• Ang bawat pangkat ay may 5 minuto upang pag-usapan ang paksang ibinigay ng guro.
• Ang bawat miyembro ay magbabahagi ng kanilang kaalaman/karanasan sa
pangungunang lider.
• Itala ang sagot sa manila paper.
• May dalawang (2) minute ang lider ng bawat pangkat upang iulat ang sagot sa klase.
Unang Pangkat – Caffeine – Indibidwal
Ikalawang Pangkat – Tobacco – Pamilya
Ikatlong Pangkat – Alcohol - Komunidad

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 15


RUBRIK
Katergorya 4 3 2 1
Nilalaman Mahusay na Ang iyong Ang awtput ay Ang awtput
trabaho! Nag- awtput ay nasa- medyo off- ay ganap na
alok ka ng mga paksa, ngunit topic. Bigyang- naka-off-
bagong bagong nawawala ang pansin ang mga topic, na
pananaw sa ilang direksyon sa parang hindi
paksa! pagkamalikhain susunod! pa basahin ng
at pananaw. iyong grupo
ang mga
direksyon.
Mga Papel Napakahusay Ang bawat isa sa Para sa Ang iyong
na trabaho! iyong pangkat ay karamihan, ang grupo ay
Ang bawat nanatili sa iyong pangkat nabigong
miyembro ng pagkatao, ngunit ay nanatili sa manatili sa
iyong pangkat ang ilang mga pagkatao. Sa pagkatao, at
ay nanatili sa miyembro ay susunod, mukhang
pagkatao, at hindi mukhang gumugol ng mas hindi ka
malinaw na tunay na "sa" maraming oras naghanda
sineseryoso mo kung ano ang sa paghahanda para sa kung
ang iyong mga kanilang para sa kung paano
tungkulin. ginagawa. paano maaaring maaaring
isipin o kumilos isipin o
ang mga kumilos ang
character. mga
character.
Paghahanda Ang iyong Ang iyong Ang iyong Tila ginamit
pangkat ay pangkat ay pangkat ay ng iyong
gumawa ng malinaw na kailangang pangkat ang
isang mahusay gumugol ng ilang gumugol ng mas oras ng
na trabaho sa oras sa maraming oras paghahanda
paghahanda at paghahanda para sa paghahanda para sa iba
pag-eensayo sa sa pag-play ng para sa pag-play pa.
iyong papel, ngunit ang ng papel. Ang
paglalaro, at ilang pagsasanay mga linya ng
ipinapakita - ay maaaring pagbasa mula sa
ang lahat ay makatulong sa isang script ay
napunta nang mga bagay na isang
maayos. tumakbo nang siguradong pag-
mas maayos. sign na hindi ka
handa.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 16


Pangkalahatang Magaling! Ang Mabuti! Ang Patuloy na Inaasahan ko
Impresyon iyong iyong magtrabaho! ang mas
pagtatanghal pagtatanghal, Huwag mahusay na
ay nakakaaliw habang kalimutan na, trabaho mula
at nagbibigay- nakakatuwang kahit na ang sa iyo sa
kaalaman! panoorin, ay proseso ay susunod.
maaaring maging nakakaaliw,
mas lumalim ang dapat mo ring
kaalaman. malaman ang
isang bagay
mula dito.

Repleksiyon

Ang pagakakaroon ng bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak ay


nakapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng tao, sa kapaligiran at sa pamayanan.
Ang pag-aabuso gamit ang mga ito ay maaari ring ikamatay ng tao.

Maging ang pagkahilig sa mga produktong may sangkap na caffeine ay nagkakaroon


din ng masamang epekto sa kalusugan ng tao. Kung kaya’t nararapat lamang na habang maaga
pa ay iwasan na maparami sa mga produktong ito. Ugaliin ang pagkain ng masusustansyang
pagkain upang lumaking malusog ang pangangatawan.

Iwasan at itigil na ang bisyo tulad ng paninigarilyo at pagkalulong sa alak. Iligtas ang
ating buhay sapagkat iisa lamang ito.

Mga Sanggunian
Masigla at Malusog na Katawan at Isipan| Batayang Aklat 5
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-3-lms.html
http://rubistar.4teachers.org/index.php?screen=ShowRubric&rubric_id=1175361&&skin=es&lang=e

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

11. MALI
12. TAMA
13. TAMA
14. MALI
15. MALI

Gawain 2: Gamitin ang Rubrik sa pagbibigay ng puntos


Practice Personal Hygiene protocols at all times. 17
Gawain 3: Gamitin ang Rubrik sa pagbibigay ng puntos

Gawain 4: Gamitin ang Rubrik sa pagbibigay ng puntos

Inihanda ni:

CAROL L. TOMAS
Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 18


HEALTH 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagpigil at Pag-iwas sa Pang-aabuso ng Drogang Gateway

Panimula (Susing Konsepto)


Ang buhay ay mahalaga ito ang pinakamahalagang kaloob sa atin ng Diyos. Ang ating
mga sarili ay kumakatawan sa templo ng diyos sapagkat siya ang lumikha nito. Dapat nating
pahalagahan at huwag sayangin. Iwanan at iwaksi ang mga gawaing nakasanayang gawin kung
ito naman ay nakakasira sa ating katawan at pagkatao.

Ugaliin nating gawin sa ating sarili ang sumusunod na kasanayan makaiwas sa paggamit
at pag-abuso ng gateway drugs at magkaroon ng maganda at masiglang pangangatawan.
1. Magkaroon ng disiplina sa sarili
2. Suriin ang mga pagkaing dapat ihain sa hapag-kainan.
3. Iwasang gumamit ng mga produktong may caffeine, alcohol at tobacco.
4. Magdesisyon ng tama at ayon sa kabutihan at hindi nagpapadala o
nagpapaimpluwensiya sa mga sinasabi ng iba o mga kaibigan at barkada.
5. Magkaroon ng regular na pakikipag-usap o komunikasyon sa bawat miyembro ng
pamilya.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Demonstrates life skills in keeping healthy through the non - use of gateway drugs.
(H5SU – lllh – 12)

Gawain 1
Panuto: Alamin kung anong kasanayan sa buhay ang isinasaad ng bawat sitwasyon. Isulat sa
sagutang papel ang A – kung Pagtutol, B – Pagpapasya, C – Komunikasyon, at D – kung
Pamimilit.

1. Pagpapahayag ng sariling karapatan at ninanais sa buhay.


2. Pag-iwas sa masasamang gawain na walang maidudulot na maganda sa inyong sarili at sa
nakakarami.
3. Pagpapadala o pagtanggap ng mensahe.
4. Pagtanggi sa drogang gateway.
5. Paggawa ng desisyong nakabubuti sa sarili, pamilya, at sa kapwa.
6. Paghihikayat sa mga kabataan na iwasan ang drogang gateway.
7. Pag-iwas sa masasamag bisyo.
8. Pagtanggi sa paghihikayat na subukan ang gateway drug.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 19


9. Pagpapaliwanag ng masamang idudulot ng drogang gateway sa mga kabataan.
10. Pagpilit sa mga barkada na subukan ang drogang gateway.

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang iyong desisyon o pananaw sa mga sumusunod na pangyayari o sitwasyon.

1. May nakita kayong inumin na nakakalasing sa inyong refrigerator. Sinabihan ka ng iyong


kapatid na subukan niyo itong inumin.
2. Nasa isang Café Restaurant kayo ng iyong kabigan. Siya ay uhaw na uhaw at gustong
umorder ng isang malaking baso ng kape.
3. Maraming masasarap at mamahaling pasalubong para sa iyo ang iyong pinsan na galing
sa ibang bansa. Ngunit karamihan dito ay masama sa iyong kalusugan. Ano ang
nararapat mong gawin?
4. Ang iyong kapitbahay ay nag-alok sa iyo ng isang pirasong sigarilyo. Sinabi niya na
subukan mo itong gamitin at normal lang ito sa iyong paglaki.
5. Napadaan ka sa mga barkada mong nag-iinuman nang pauwi ka na galing sa paaralan at
niyaya ka nila na tumagay lang ng isang baso. Ano ang nararapat mong gawin?

Gawain 3
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TUMPAK kung tama ang ipinapahayag na kasanayan at
DI-TUMPAK kung mali.

_______1. Ugaliing suriin muna ang mga nilalaman o content ng ating mga binibiling
pagkain o inumin bago ito pagpasyahang bilhin.
_______2. Dapat magkaroon tayo ng disiplina sa ating mga kinakain at iniinom upang
mapanatili ang malusog at masiglang pangangatawan.
_______3. Maaring uminom ng alak o manigarilyo araw-araw lalo na pag may okasyon o
selebrasyon
_______4. Makakaiwas ka lamang sa anomang sakit kung hindi ka gagamit ng sigarilyo o
anomang gateway drugs.
_______5. Mahalagang magkaroon ng bukas na komunikasyon sa pamilya lalo na sa mga
usaping pangkalusugan.
_______6. Makipag-ugnayan sa otoridad kapag may nakikita kang hindi sumusunod sa mga
alituntunin.
_______7. Patuloy ang paggamit ng sigarilyo dahil ito ang iyong nakasanayan.
_______8. Gumamit ng mga bitamina para lalong mapalakas ang resistensiya ng ating
pangangatawan.
_______9. Pinapayagang manigarilyo sa mga pampublikong lugar.
_______10. Pinapayagang bumili ng sigarilyo ang mga kabataan sa tindahan.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 20


Gawain 4
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay kung paano mo maiiwasan ang paggamit ng caffeine,
alcohol o alak at tabacco o paninigarilyo upang mapanatili ang magandang kalusugan ng iyong
katawan.

Repleksiyon
** Bilang isang mag – aaral, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan at mapigalan
ang sarili na malulong sa mga hindi magagandang gawain. Ilista sa kahon ang iyong sagot.

Mga Sangguinian

• modyul ng mag - aaral


• https://www.google.com/search?client=ms-android-samsung-gj-
rev1&sxsrf=ALeKk01LFgxnWyA_9id76ILylHh75FA2mQ%3A1591410642422&ei=0v
_aXqajGduFr7wPou6HOA&q=deped+cabanatuan+health+5&oq=&gs_lcp=ChNtb2JpbG
UtZ3dzLXdpei1zZXJwEAEYADIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHC
CMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCM
Q6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6
gIQJzIHCCMQ6gIQJzoECAAQRzoECCMQJzoFCAAQkQI6BwgAEIMBEEM6BQgA
ELEDOgUIABCDAToFCC4QgwE6AggAUKoXWPEjYK4qaARwAXgAgAHOAogBz
QSSAQUyLTEuMZgBAKABAbABDw&sclient=mobile-gws-wiz-serp
• Slideshare.net/mobile/lhoralight

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 21


Susi sa pagwawasto

Gawain 1:
1. C 6. C
2. B 7. C
3. C 8. A
4. A 9. C
5. B 10. D

Gawain 2:
1. Ako ay tatanggi at sabihan siya na huwag nang subukang gawin ang kaniyang binabalak
baka pareho silang papagalitan ng kanilang magulang.
2. Sasabihan ang kaibigan na imbes na kape ang kanyang iinumin ay magtubig nalang mas
maganda pa ito sa katawan
3. Tatanggapin at hinay – hinay nalang sa pagkain. Kung ito ay sobra ipamigay nalang sa
ibang kamag – anak.
4. Bilang tao na nakakaalam sa masamang idududlot nito sa tao ay marapat na sumusnod
nalang.
5. Sabihan nalang sila na may mas mahalaga pang gagawin kaysa sa pag – inom. Bigyan din
silang mga impormasyon tungkol sa dulot nito sa ating katawan kung ito ay kanilang
ginagawa araw – araw.

Gawain 3
1. TUMPAK 6. TUMPAK
2. TUMPAK 7. DI – TUMPAK
3. DI – TUMPAK 8. TUMPAK
4. DI – TUMPAK 9. DI – TUMPAK
5. TUMPAK 10. DI – TUMPAK

Gawain 4

Inihanda ni:

Siena Fajardo Balles


Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 22


HEALTH 5
Pangalan: ________________________________ Lebel: ___________
Seksiyon: _________________________________ Petsa: ____________

GAWAING PAGKATUTO
Pagsunod sa mga Panuntunang Pampaaralan ukol sa Gateway Drugs at Batas Pambansa
9211 (Tobacco Regulation of 2003)

Panimula (Susing Konsepto)


Ang Batas Republika 9211 ay ipinagtitibay upang isulong ang pagkakaroon ng isang
kapaligirang nakabubuti sa kalusugan, palaganapin ang impormasyon tungkol sa masamang
epekto ng paninigarilyo, ilayo ang kabataan sa bisyong paninigarilyo at iba pa.

Bilang isang mag-aaral sa isang institusyon, dapat sumunod tayo sa mga ipinatutupad na
batas. Ang mga polisiya at mga batas ay ginawa upang ipaiwas ang mga kabataan sa mga
masasamang gawain. Dapat nating alamin ang mga ito upang maipabahagi natin sa ating mga
kapwa mag-aaral lalo na sa panahon ngayon na madali nang mapasunod ang mga kabataan sa hindi
magandang gawain gaya ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Dapat malaman ng mga mag-aaral ang tamang impormasyon upang lalo silang sumunod
at hindi gumaya sa ibang tao. Ipaunawa sa kanila kung ano ang mabuti at di-mabuti sa kanilang
kalusugan. Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang pangalagaan at hindi upang sirain.
Pahalagahan ang bawat isa at maging bukas sa komunikasyon sa pamilya at sa taong nakapalibot
sa mundong ating ginagalawan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

1. Follow school policies and national laws related to the sale of tobacco and
alcohol. H5SU – lllij - 13

Gawain 1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Ilahad ang iyong sariling opinyon.

1. Mahalaga bang sundin ng bawat isa ang tuntunin sa paaralan? Bakit?


2. Ano ang nilalaman ng RA 9211?
3. Dapat bang sundin ang mga nakalahad sa batas na ito? Bakit?
4. Paano mo maipapakita na ikaw ay sumusunod sa alintuntunin ng iyong paaralan?
5. Nasusunod mo bang lahat ng ang alintuntunin ng iyong paaralan? Magbigay ng
patunay.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 23


Gawain 2
Panuto: Taglay mo na ba ang mga sumusunod na mga katangian at kaalaman? Lagyan ng
check ( ∕ ) ang thumbs up icon kung taglay mo ito o thumbs down icon kung hindi pa.

Katangian/Kaalaman
1. Nalalaman ang o nabibigyang impormasyon sa mga panuntunang
pangkalusugan sa paaralan.
2. Nakasususnod sa mga panuntunang pangkalusugan sa paaralan na
nauukol sa pagbebenta at paggamit ng sigarilyo at pag-inom ng alak.
3. Naisasagawa ang mga kasanayan sa pagpapanatili ng malusog na
katawan sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng gateway drugs.
4. Nalalaman ang tungkol sa RA 9211 o The Tobacco Act of 2003.
5. Naisasagawa o napapahalagahan ang pagsunod sa RA 9211.

Gawain 3
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang KOREK kung tama ang pahayag at EKIS naman kung
mali.
1. Ang pagdadala o paggamit ng gateway drug gaya ng alak at sigarilyo sa loob ng paaralan
ay may karampatang parusa ayon sa tuntunin ng paaralan.
2. Maaaring manigarilyo ang sinoman sa paaralan maliban ang mga mag-aaral anomang
oras at araw.
3. Ang pag-inom ng alak ay dapat ginagawa sa labas ng paaralan.
4. Dapat ipaalam sa guro o sa kinauukulan kung may nakikita kayong hindi sumusunod o
lumalabag sa panuntunan ng paaralan.
5. Ipinagbabawal ang pagtitinda ng alak at sigarilyo malapit sa paaralan.
6. Pinapayagan sa komunidad ang pagbebenta sa mga menor de edad ng alak at sigarilyo.
7. Lahat ng pumapasok ng nakainom sa paaralan ay may karampatang parusa na makukuha.
8. Binibigyan ng impormasyon ang mga magulang ng mga mag-aaral upang malaman nila
ang mga dapat at hindi dapat gawin ng kanilang mga anak sa loob ng paaralan.
9. Pinapayagan ang lahat ng mag-aaral na magdala ng sigarilyo sa paaralan.
10. Lahat ng mga mag-aaral ay binibigayan ng konsiderasyon sa lahat ng pagkakamaling
nagawa nila.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 24


Gawain 4
Panuto: Piliin ang pinakamabuting sagot sa mga dapat isaalang -alang sa pagsunod sa RA 9211
(Tobacco Act of 2003).

1. Ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar gaya ng paaralan, gas


station, at simbahan dahil ___________.
a. maaring makaapekto ito sa kalusugan ng iba
b. maeenganyo ang mga tao na makisali o makigaya
c. mapapabuti ang kanilang kalusugan
d. hindi magandang makita ng mga tao

2. Sino ang naglagda sa RA 9211 na mas kilalang Tobacco Regulation Act of 2003?
a. Manuel Roxas c. Manuel Quezon
b. Gloria Macapagal Arroyo d. Emilio Aguinaldo

3. May nagbigay o nagpatikim sa iyo ng sigarilyo nang walang bayad ngunit wala ka pa sa
tamang edad. Ano ang gagawin mo?
a. Susubukan kong gamitin dahil libre naman ito.
b. Pagbibigyan ko dahil nakakahiyang tanggihan.
c. Tatanggihan ko ito at lalayo ako na sa nagbibigay dahil ito ay hindi tamang
gawin.
d. Titikman ko nang palihim at hindi ko sasabihin kanino man.

4. Ang mga ito ay posibleng sakit na makukuha sa paninigarilyo maliban sa isa.


a. Cancer sa baga b. arthritis c. sakit sa puso d. Stroke

5. Ang sinomang napatunayang lumabag sa Batas Pambansaa 9211 ay maaaring


__________.
a. magmulta ng mula P500 hanggang P400,000 c. bibigayan ng palugit
b. pagsasabihan lamang d. hahayaan nalang

6. Magkano ang nagastos ng Department of Health ng dahil sa sakit na dulot ng


paninigarilyo? (Please give data on what year)
a. 1 bilyon b. 25 bilyon c. 35 bilyon d. 42 bilyon

7. Ang mga manufacturer ng sigarilyo ay pinagbabawalan sa anomang gawaing


makakaimpluwensiya sa mga kabataan maliban sa isa. Alin ito?
a. pagpapatalastas sa telebisyon, radio, o sinehan.
b. magbenta ng sigarilyo sa mga taong may edad 18 pataas
c. paggamit sa mga menor de edad bilang modelo ng kanilang produkto.
d. magsponsor ng anomang aktibidad gaya ng sport.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 25


8. Dapat bang magkaroong ng sign na “Smoking Area” at “No Smoking Area” sa mga
pampublikong lugar?
a. Oo, para maiwasan ang pagkakaroon ng trahedya dulot na paninigarilyo.
b. Oo, para Makita ng mga ninigarilyo
c. Hindi, dahil kahit saan man nila ginagawa ang paninigarilyo
d. Hindi dahil hindi naman nila sinusunod.

9. Ikaw ay may nakitang tao na naninigarilyo sa isang pampublikong lugar na nasa tama at
nakalaang smoking area. Ano ang gagawin mo?
a. pipigilan o babawalan siya dahil makakasama sa kalusugan niya at ng mga taong
nakapaligid sa kanya.
b. hahayaan nalang ito dahil nasa tama siyang lugar para manigarilyo at hindi
makakaapekto sa iba.
c. isusumbong sa mga owtoridad o sa mga kinauukulan dahil sa ginagawa niyang
paglabag.
d. manahimik nalang upang makaiwas sa posibleng pagkakagulo dahil sa
pakikialam.

10. Ano ang tinutukoy na Batas Republika 9211?


a. Dangerous Drug Act c. Tobacco Regulation Act of 2003
b. Smoking Act of 2008 d. Anti – Criminality of 2017

Gawain 5
Panuto: Sumulat ng isang talata kung bakit nararapat sundin ang mga alituntunin ng paaralan at
ang Batas Pambansa.

Gawain 6
Panuto: Gumawa ng isang SLOGAN tungkol sa pagsuporta at pagsunod mo sa mga
panuntunang pangkalusugan sa paaralan laban sa paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 26


Repleksiyon
**Paano mo maipapakita na ikaw ay sumusunod sa alituntunin ng iyong paaralan. Isulat
sa hugis bahay ang sagot.

Mga Sanggunian

• modyul ng mag - aaral


• www.Seasite.niu.edu/tagalog/new_intermediate_tagalog/Reading_Lessons/LESSONS/ba
gong_batas_ukol_sa_paninigarl.htm
• Lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-3-lms.html
• https://www.google.com/search?client=ms-android-samsung-gj-
rev1&sxsrf=ALeKk01LFgxnWyA_9id76ILylHh75FA2mQ%3A1591410642422&ei=0v
_aXqajGduFr7wPou6HOA&q=deped+cabanatuan+health+5&oq=&gs_lcp=ChNtb2JpbG
UtZ3dzLXdpei1zZXJwEAEYADIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHC
CMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCM
Q6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6gIQJzIHCCMQ6
gIQJzIHCCMQ6gIQJzoECAAQRzoECCMQJzoFCAAQkQI6BwgAEIMBEEM6BQgA
ELEDOgUIABCDAToFCC4QgwE6AggAUKoXWPEjYK4qaARwAXgAgAHOAogBz
QSSAQUyLTEuMZgBAKABAbABDw&sclient=mobile-gws-wiz-serp
• Slideshare.net/mobile/lhoralight

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 27


Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Mga Posibleng Sagot


1. Oo, dahil ginawa o binuo sa layuning kailangang sundin para sa ikabubuti ng
nakararami. Dapat nagpapakita na tayo ay isang disiplinadong tao at may pakialam sa
kapwa.
2. Tobacco Regulation Act na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga publikong lugar,
pagregulate sa paggamit ng tobacco products at ganoon din ang.pag-aadvertise.

3. Oo, dahil para ito sa kabutihan ng nakararami at upang maiwasan ang mga panganib
na pwedeng maidulot nito sa kalusugan ng tao.
4. Bilang isang mag-aaral, maipapakita ko na sinusunod ko ang mga alituntunin ng
paaralan sa pamamagitan ng pagsunod sa batas na kanilang ginawa at pag-iwas sa
mga masasamang gawain.
5. Oo, dahil kailangan natin ito para sa ating magandang kinabukasan.

Gawain 2: depende kaalaman ng mag - aaral


Katangian/Kaalaman
1. Nalalaman o nabigyang impormasyon sa mga panuntunang
pangkalusugan sa paaralan.
2. Nakasususnod sa mga panuntunang pangkalusugan sa paaralan na
nauukol sa pagbebenta at paggamit ng sigarilyo at pag – inom ng alak.
3. Naisasagawa ang mga kasanayan sa pagpapanatili ng malusog na
katawan sa pamamagitan ng pag – iwas sa paggamit ng gateway drugs.
4. Nalalaman ang tungkol sa RA 9211 o The Tobacco Act of 2003.
5. Naisasagawa o napapahalagahan ang pagsunod sa RA 92111.

Gawain 3:
1. KOREK 6. EKIS
2. EKIS 7. KOREK
3. KOREK 8. KOREK
4. KOREK 9. EKIS
5. KOREK 10. EKIS

Gawain 4:
1. A 6. D
2. B 7. D
3. C 8. A
4. B 9. A
5. A 10. C

Gawain 5:
Inihanda ni:

Siena Fajardo Balles


Manunulat

Practice Personal Hygiene protocols at all times. 28

You might also like