You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
Quarter : 1 Week : 1 Day : 1 Activity No. : 1
Competency: : Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya,
Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)
Objective : Nailalahad ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating heograpiko
Topic : Ang Kontinente ng Asya
Materials :
Reference : Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp. 19-20
Copyrights : For classroom use only

Concept Notes:
Ang Kontinente ng Asya
 Ito ang isa sa pitong kontinente ng daigdig.
 Pinakamalaking kontinente sa daigdig.
 Kabuuang sukat 44,486,104 kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang
lupain ng North America, South America, at Australia, at halos sangkapat (¼) lamang nito ang
Europe.
 Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
 Hango sa salitang Assyrian na “Asu” na ang ibig sabihin ay silangan.
Dalawang paraan ng pagkuha ng lokasyon
1. Pagtukoy sa apat na linya ng longhitud at latitud
 Nasasakop ng Asya ang mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11° hanggang
175° Silangang longitude
 Latitude - distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator
 Longitude - mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian
 Equator - ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere
 Prime Meridian – ang zero-degree longitude.

2. Pagtukoy sa mga hangganan ng Asya sa apat na direksyon


Mga Hangganan:
 Sa hilaga napalilibutan ang Asya ng Karagatang Arktiko mula Dagat Kara hanggang dagat
Chukchi hanggang kipot Bering
 Sa silangan ang karagatang Pasipiko at dagat Banda
 Sa timog ang dagat Timor at karagatang Indian gayundin ang look Bengal at Dagat Arabia
 Sa Kanluran ang Red Sea, Dagat Mediterraneo, Dagat Aegeano, Black Sea, Dagat Caspian at
Kabundukang Ural

Pagsasanay: Sagutin ang mga katanungan ayon sa hinihiling.


1. Ilarawan ang kontinente ng Asya.
2. Ano-ano ang mga paraan sa pagtukoy ng lokasyon?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 1 Day : 2 Activity No. : 2


Competency: : Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya,
Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)
Objective : Nasusuri ang mga batayan sa paghahating heograpiko ng kontinente ng Asya
Topic : Batayan sa Paghahating Heograpiko ng Kontinente ng Asya
Materials :
Reference : Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba pp 20
Copyrights : For classroom use only

Concept Notes:
Konsepto:
Nahahati sa limang rehiyon ang Asya batay sa lokasyon ng mga ito mula sa Gitnang Asya.

 Hilaga-Gitnang Asya (North Central Asia),


 Timog- Kanlurang Asya (Southwest Asia),
 Timog Asya (South Asia),
 Timog-Silangang Asya (Southeast Asia), at
 Silangang Asya (East Asia).

Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa paghahating
ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto.

Mga salik sa paghahating heograpikal:

 Pisikal – naaayon sa pisikal na katangian ng mga lugar


 Historikal- naaayon sa mga pangyayaring naganap
 Kultural- naaayon sa paniniwala, kaugalian, tradisyon at uri ng pamumuhay.

Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano-ano ang naging batayan sa paghahating-heograpiko ng Kontinente ng Asya?
2. Panuto: Tukuyin at kilalanin ang mga sumusunod na pahayag kung anong salik ng paghahating
heograpikal ito.

a. Ang Kanlurang rehiyon ng Asya ay tinatawag na Arid Asia.

b. Halos lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya ay nasakop ng mga Kanluranin.

c. Ang bansang Hapon at Tsina ay sumasamba sa mga espiritu ng kalikasan.

3. Sa iyong sariling palagay sang-ayon ka ba sa mga salik sa paghahating heograpikal sa Asya?


Bakit?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
ARALING PANLIPUNAN 7
UNANG MARKAHAN
Quarter : 1 Week : 1 Day : 3 Activity No. : 3
Competency: : Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko:
Silangang Asya, Timog-Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya,
Hilagang Asya at Hilaga/ Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)
Objective : Naiisa-isa ang mga rehiyon at bansa ng Asya
Topic : Ang mga Rehiyon at mga Bansa ng Asya
Materials :
Reference : Panahon, Kasaysayan at Lipunan II pp. 20
Copyrights : For classroom use only

Concept Notes:
Ang mga rehiyon at mga bansa ng Asya
 Hilagang Asya
 Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia.
 binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan,
Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at
Siberia.
 Kanlurang Asya
 matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa, Asya at Europa.
 Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at
Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran,
Israel, Cyprus, at Turkey.
 Timog Asya
 Sakop ang India, mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga
bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at
Maldives.
 Timog-Silangang Asya
 binansagang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing
kabihasnan sa kultura nito.
 Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang subregions:
o mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia)
o Insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East
Timor).
 Ang Silangang Asya
 Sakop nito ang mga rehiyon na nasa pagitan ng mataas na kapuluan ng Gitnang Asya at
ng karagatang Pasipiko
 binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea, at Taiwan.

Pagsasanay: Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano-ano ang mga rehiyon ng Asya?
2. Sa inyong palagay, naaayon ba ang paghahati ng mga Rehiyon ng Asya? Bakit?

You might also like