You are on page 1of 6

RAÑOLA, ANDREY MARY C.

B13-FIL100

PROP. JOHN PAUL M. DELA PAZ

MIDTERM SET B.

MARKA: ________

1. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging palakaibigan at pagiging


madaldal sa katotohanan nga sa Pilipinas pag ika’y tahimik iniisip ng
mga tao ay may problem ka o kaya naman ikaw ay may sakit. Kung sa ibang
bansa pag pumasok ka sa isang kainan o kapehan marami kang nakikitang
nagbabasa ng mga libro o kaya nag-arral ng tahimik ngunit dito sa
Pilipinas ang mga lugar na ito ay madalas maraming nag-uusap sa madaling
salita maiingay kung kaya ang pangunahing dahilan ng kung bakit hindi
palabasa at palasulat ang mga Pilipino dahil saating kultura at
kaugaliang ito. Ayon sa isang artikulo sa PhilStar Global na
pinamagatang,” As a recent study confirmed, reading is not a habit among
Filipinos. What do you think is the reason behind this?”,isinasaad dito
na hindi naman daw dahil sa katamaran dahil masipag silang manood ng mga
mahahabang teleserye o kaya mag-share, magbasa sa mga kumento, o sumagot
ng kung ano-ano sa Facebook. Kawalan ng oras ay hindi din sapat na
dahilan sabi niya dahil hawak natin an gating mga oras nakadepende
nalamang ito kung paano natin to ibubudget. Ang mga Pilipino daw ay halos
lahat ay ginagamit ang Hierarchy of Needs ni Maslow, kung saan mas inuuna
ng mga Pilipino ang ibang mas mahahalagang bagay kesa sa pagbili o
pagbabasa ng libro. Kung ikaw ba ay salat na salat na mas iisipin mo pa
bang bumili ng mga ito kesa sa pagkain?

Sa katunayan nga hindi nagiging sagabal ang dominanteng posisyong


pangwika ng Ingles ang pagbabasa at pagsusulat ng mga Pilipino. Ayon sa
isang pananaliksik ng mga estudyante ng Philippine Christian University
na may pamagat na “Pagbaba ng Bilang ng mga Estudyanteng Nagbabasa ng
Libro”, isinasad ditto na mas marami pa nga daw ang mas gusting nagbabasa
ng mga libro na nasa wikang Ingles. Kagaya nga ng sinasabi ng aking itay
mas gusto niyang nagbabasa ako ng mga librong nasa wikang Ingles dahil
daw mas lumalawak ang aking kaalaman sa tinatawag na Universal Language
na kung kami ay papasyal sa ibang bansa mas madaling makikipag-usap sa
mga ibang lahi.

Ayon sa isang sikat na website na nagpupuna sa mga libro, Goodreads,


ang mga Pilipino ay mapagtiwala sa mga kakilala nila o sa mga tao sa
paligid nila, isang magandang paaran ng pagpapalaganap ng pagbabasa at
pagsusulat ay pagrerekomenda nito sa kapwa nila Pilipino. Ngayon ang mga
kabataang Pilipino ay mas madalas gumagamit ng internet kaya pati mga
Pilipinong manunulat ay nasa mundo ng internet na din. Mas marami na
tong naaabot na mga mambabasa lalo na ang sikat na website na Wattpad
kung saan makakapagbasa ka ng mga libro ng mga manunulat na Pilipino ng
libre. Simula nung taong 2012 base ito sa sarili kong karanasan at sa
isang pananaliksik ng mga tiga Caraga State University na may pamagat
na “Epekto at Bunga ng pag-babasa ng Wattpad sa mga mag-aaral ng Caraga
State University, mas dumami na ang kabataang Pilipinong tumangkilik sa
mga literaturang gawang Pilipino kaya kung makikita ninyo sa website ng
Wattpad ngayon sobrang daming Pilipinong manunulat ang nagkalat doon.
Napansin din ito ng sikat na publishing companies, kaya nagkaroon na rin
ng mga mismong hard bound copies ang mga literaturang Pilipino kung
minsan nagkakaroon pa ng mga pelikula kaya mas nakilala din ito ng mga
tao. Ito’y isa sa mga naging daan para magbalik loob ang mga Pilipino
sa pagbabasa at pagsususlat.

2. Ang American Junk ng Apo Hiking Society sa tunog ay gamit ng mga


pilipinong instrumento o yung mga tunog na ginagamit sa sayaw noong unang
panahon sa pilipinas kagaya ng tinikling ang tono naman ay parang
nanloloko pero ayon sa isang artikulo ng The Guidon ang liriko nito ay
kinukwento ang pagiging "Americanized" ng mga Pilipino. Sinasabi din na
ang liriko ng kantang ito ay "Anti-American" daw, maririnig mo dito na
naiinis sila na wala silang magawa dahil kinocontrol ng mga Amerikano
ang pamumuhay ng mga Pilipino pero gusto na nila ito mawala sa kanilang
mga systema at makabalik na sila sa kanilang tunay nilang katauhan.

Samantala naman sa Noypi ni Bamboo, tunog palang alam mo namang tunog


ito ng mga instrumentong galing sa ibang bansa ngunit ang tono ng kanta
ay sa una ay medyo malungkot hanggang sa bandang gitna ay nagmamataas
na. Sinasabi sa mga liriko na to na ang mga pilipino daw ay masisipag,
mababait, masiyahin na laging positibo sa mga pangyayari sa kanilang
buhay at may bukal na puso.

Ang pinapakitang nasyonalismo sa kanta ng Apo Hiking Society na ang


mga Pilipino ay may kolonyal na kaisipan na malaki ang apekto ng mga
Amerikano sa ating buhay. Ayon sa isang saliksik na ang sa kantang Noypi
naman ay pinapakita na dapat ipagmalaki nating Pilipino tayo dahil tayong
mga Pilipino kahit may problema ay nakukuha pa din nating ngumiti. Sa
parte ng kantang noypi, "Oh sabi nila may anting anting ako pero di nila
alam na Diyos ang dahilan ko", ipinapakita dito ang pagiging makadiyos
nating mga Pilipino na kaya nating gawin ang kahit ano kung ito ang
hinihiling ng diyos. Parehas parin namang ipinahihiwatig ng mga gumawa
ng kanta na kelangan natin laging alalahanin kung sino ba talaga tayo.

3. Ayon sa mga nabasa kong artikulo, ang pangunahing isyu na


pinagdedebatehan ay nung dinala si Apo Whang-od sa Manila FAME kung saan
ipinakita niya kung paano siya nagtatatoo, kumausap sa hurado at para
makapunta sa anunsyo ng kaninang nominasyon sa Gawad ng Manlilikha ng
Bayan. Ang tinatalakay sa mga artikulo ay kung pinagsamantalahan daw si
Apo Whang-od at masyado na daw nagiging "mainstream" o sikat ang kanyang
pagtatattoo.

Ayon pa sa isang artikulo ng Rappler, inabuso daw talaga si Apo Whang-


od dahil wala silang kaalam-alam na ipagtatattoo siya pagdating sa manila
na hindi daw talaga kasama sa napag desisyonan ng nagorganisa ng palabas
at ng mga lumad. Sa katotohanan nga daw nagbabalak nang mag retiro si
Apo Whang-od sa pagtatattoo. Hindi naman kasi totoo yung mga sinasabi
sa ibang artikulo na siya na daw ang huling lumad na nagtatattoo ng
ganoon sa kanilang lugar.

Base sa mga nabasa kong artikulo, ang pananaw ko tungkol sa isyung ito
ay naabuso ang kanyang talento. Iisipin mo din kasi ang kanyang edad at
kanyang kalusugan, ipinatattoo nila si Apo Whang-od mula 8am hanggang
4pm aba sobra naman ata yun. Syempre nung si Apo Whang-od ang tinanong
kung naramdaman niyang inabuso ang kanyang talento sinabi niyang hindi
malakas pa daw siya at gusto din naman niya ang ginagawa niya. Hindi
naman siya bumaba sa maynila para maghanap buhay, bumaba siya para
ipakita sa ibang tao na hindi pa nakakita ng gantong tradisyonal na
pagtatattoo. Nakakalungkot na nagmukha tuloy silang pinagkakitaan doon
sa Manila Fame.

4. Pagnanonood tayo ng telebisyon ano-ano ba ang madalas nating naririnig


na mga salita? Tagalog o hindi kaya ay Ingles, kahit nasa Visayas ka man
o Mindanao yung mga ipinapalabas doon ng GMA at ABS CBN ay parehas lang
din na nasa Tagalog kagaya ng sa Maynila. Ngayon mas nagiging malawak
na ang kaisipan ng mga manunulat ng palabas na dapat pahalagahan at
ipakilala din sa ibang tao o Pilipino ang mga rehiyonal na mga dialekto.

Isa sa mga naging sikat na palabas noong 2011 sa GMA, ang Amaya na
pinagbibidahan ni Bb. Marian Rivera-Dantes, ang storyang ito ay kathang
isip lamang pero sinasabing ipinapakita dito ang kultura ng pangkat
etniko sa may Panay Island na gumagamit ng mga bisaya na salita. Ngunit
ayon sa isang artikulo sa Inquirer.Net, nagbigay ng kanyang reaksyon si
Federica Caballero na isang sikat na gumagawa ng epiko na tinanghalan
na ng National Living Treasures Award, ang palabas daw na Amaya ay hindi
daw hangong-hango sa kanilang kultura at ang iba pa daw talaga ay mali
talaga ang interpretasyon.

Nitong 2018 naman ay naglabas ang ABS CBN ng bagong teleserye na


pinamagatang Bagani, kung saan sinasabi nilang hango daw ito sa mga
paniniwala at tradisyon ng mga pangkat etniko sa Pilipinas gaya ng mga
Manobo at Lumad. Muli maraming nadismaya sa mga manunulat ng istoryan
ito dahil kagaya sa Amaya, hindi nito pinapakita ang tunay na tradisyong
ginagawa ng mga tribong ito.

Nabigo ngunit babangon ulit ang ginawa ng GMA sa kanilang teleseryeng


hanggang ngayon ay umeere na Sahaya. Talagang pinakita nila na puspusan
ang kanilang pananaliksik dito at pinaghandaan ng lubusan. Sa teleseryeng
ito pinakita ang mga tradisyon, mga salita at paniniwala ng mga
mamamayang Badjao. Hindi katulad ng dalawang naunang serye na hindi
makatotohanan ang istorya etong sahaya ay pinapakita ang makulay na
kultura ng mga lumad ngayon upang maiwasan na ang discriminasyon at
maling pagtrato sa kanila. Ang palabas na Sahaya ang naging daan para
matuto ang mga ibang Pilipino ng mga salitang Badjao na ikinatutuwa din
ng mga tribong iyon.

Ngayon ultimo ibang bansa ginagamit na din ang ating mga pangkat etniko
na pakikipagtalastasan. Ngayong 2019, isang Korean na teleserye
pinamagatang “Arthadal Chronicles” na pinagbibidahan ni Song Joong Ki.
Gumamit din sila ng lenguwahe ng mga Tausug at Yakan na ginagamit sa
probinsya ng Sulu. Gaya ng unang dalawang serye sa pilipinas ito ay nasa
sinaunang panahon at hindi makatotohanan sa totoong buhay.

Habang tumatagal lumalawak na ang mga kaisipan ng mga manunulat.


Pagnonood tayo sa ating mga telebisyon hindi na puros walang sawang
aksyon at drama ating mga mapapanood meron nadin natututuhan natin kung
paano ang pakikipagtalastasan ng mga ibang rehiyon sa ating bansa.
Makikita din kung gaano nga ba kakulay ang ating kultura, tradisyon at
kalawak ang ating mga iba't ibang dialekto.
TALASANGGUNIAN:

Almario, Victor. “Federico Caballero.” Sagisag Kultura, 2015,


philippineculturaleducation.com.ph/caballero-federico/.

Amores, Analyn S. “Whang-Od as a Brand Name.” Rappler, 25 Oct. 2017,


www.rappler.com/views/imho/186345-wang-od-brand-name-tattoo.
Bernardino, Stephanie Marie. “PH Indigenous Dialect Featured on Korean
Series ‘Arthdal Chronicles.’” Manila Bulletin, 2 July 2019,
entertainment.mb.com.ph/2019/07/02/ph-indigenous-dialect-featured-on-
korean-series-arthdal-chronicles/.

Burgos, Nestor. “Culture Scholars Say ‘Amaya’ Is Inaccurate,


Misleading.” Inquirer, 11 June 2011,
entertainment.inquirer.net/3120/culture-scholars-say-‘amaya’-is-
inaccurate-misleading.

Calooy, Ivy, ed. “EPEKTO AT BUNGA NG PAG-BABASA NG WATTPAD SA MGA MAG-


AARAL SAUNANG TAON NG AB-SOCIOLOGY.” Caraga State University, 2015.

Caruncho, Eric S. “The Natives vs the Netizens: Did Anybody Ask Whang-
Ud?.” Philippine Daily Inquirer, 29 Oct. 2017,
lifestyle.inquirer.net/277265/natives-vs-netizens-anybody-ask-whang-
ud/.

Ching, Marrian Pio Roda. “Is ‘Bagani’ Culturally Appropriating


Indigenous Peoples?” CNN Philippines, 26 Mar. 2018,
cnnphilippines.com/life/culture/2018/03/26/bagani-cultural-
appropriation-indigenous-people.html.

De Leon, Job B., at Andrea S. Ang. “Jim Paredes: An Education.” The


Guidon, 1 Sept. 2011, www.theguidon.com/1112/main/2011/09/jim-paredes-
an-education/.

Gavilan, Jodesz. “ABS-CBN Releases Statement on 'Bagani' Controversy.”


Rappler, 5 Mar. 2018, www.rappler.com/entertainment/news/197488-bagani-
fantaserye-abs-cbn-enrique-gil-liza-soberano.

Lucas, Johann, ed. “As a Recent Study Confirmed, Reading Is Not a Habit
among Filipinos. What Do You Think Is the Reason behind This?” Philstar
Global.

“Pinoy Reads Pinoy Books - Mga Makabuluhang Paguusap: Paano Maeenganyong


Magbasa Ang Mga Pilipino Ng Pinoy Books?”, Goodreads, 1 Mar. 2013,
www.goodreads.com/topic/show/1233344-paano-maeenganyong-magbasa-ang-
mga-pilipino-ng-pinoy-books.

Paulin, Angelica A., ed. “Pagbaba Ng Bilang Ng Mga Estudyanteng Nagbabasa


Ng Libro.” Philippine Christian University, 2015.

Pornel, Atom L. “10 Reasons to Watch Epic Drama-Serye ‘Sahaya.’” Goodnews


Pilipinas, 18 Mar. 2019, www.goodnewspilipinas.com/10-reasons-to-watch-
epic-drama-serye-sahaya/.

Ragragio, Andrea Malaya M. “Agency in Solidarity.” DavaoToday, 4 Nov.


2017, davaotoday.com/main/todays-views/agency-in-solidarity.
Ramos, Charlene Anne. “Analyzation of Patriotism Songs in Th
Philippines.” De La Salle University, 2016.

Rey, Aika, at Raisa Serafica. “VIRAL: Was Whang-Od Exploited at Manila


FAME?” Rappler, 24 Oct. 2017, www.rappler.com/move-ph/186028-viral-
tattoo-artist-whang-od-manila-fame.

Tabanera, Lily Grace. “Omo, 'Arthdal Chronicles' Features Lines From Two
Filipino Languages: Tausug And Yakan!” Cosmopolitan, 2 July 2019,
www.cosmo.ph/entertainment/arthdal-chronicles-filipino-language-
tausug-yakan-a2520-20190702.

You might also like