You are on page 1of 1

Hindi po masama ang kayaman subalit ang pag-ibig o sobrang paghahangad nito ang syang maglalayo sa

atin sa ating Panginoon. Gamitin po natin sa paglilingkod ang mga material n bagay na mayroon po tau.
Dahil sa isang banda ang lahat nman ng ating possessions ay Kanyang biyaya kaya marapat na ibalik ito
sa Kanyang kapurihan.

May mga pagkakataon na dumarating na susubukin po tayo kung ano ang pipiliin natin. Ang atin bang
kaligtasan o ang kayamanan? Hindi po natin madadala ang mga kayamanan o material n bagay na
mayroon po tayo dto sa lupa kung tayo ay mamamatay. Iiwan po natin ang lahat ng iyan. Ang dapat po
nating maging focus ay an gating kaligtasan. Wag po nating kakalimutan na may personal tayong
relasyon sa ating Panginoon. Kung personal ang relasyon sa ating Panginoon, ibig sabihin ay personal lng
din ang kaligtasan. Huwag po nating iasa ang kaligtasan natin sa ating mahal sa buhay.

Binigyan po tau ng ating Panginoon ng 6 na araw upang maghanapbuhay at magtrabaho. Huwag po


nating ipagkait kahit ang araw ng Linggo na ilaan sa Kanya. Mayroon po tayong 24 oras sa isang araw,
maaari po tayong maglaan ng kahit ilang minute upang makausap sya.

Sa kabila ng ating kaabalahan, ano ang ating pipiliin? BUHAY NA WALANG HANGGAN O KAYAMANAN.

You might also like