You are on page 1of 2

CELL TOPIC DECEMBER 03-DECEMBER 09, 2023

TITLE: PREPARING FOR THE LORD’S RETURN


VERSE: MATTHEW 24:44-51

INTRODUCTION:
Ang pagbabalik ng Panginoong Hesus ay ang ugat ng pananampalataya ng Kristiyano, na kung saan ay
nanghihikayat tayo at patuloy na maging handa at alerto sa panahon na muling babalik ang Panginoon.
Ang isa sa paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon ay mabago ang buhay ng bawat isa at
maisabuhay ang nakasaad sa salita ng Diyos.

Ang paghahanda ay nangangailangan ng espiritu ng kababaang-loob, pagsisisi, paghingi ng tawad sa


ating Panginoong Diyos, pagpapasakop sa Panginoon, paglaya sa mga personal at makamundong
bagay at tahakin ang daan patungo sa pagsunod sa Diyos.

At higit sa lahat, ang paghahanda sa pagbabalik ng Panginoon ay hindi dapat maging mabigat na
pasanin sa ating mananampalataya kundi ito ay isang oportunidad upang mapalalim ang ating relasyon
sa Diyos. Ang panawagan ng Panginoon ay mamuhay tayo sa araw-araw na ito na ang huli, upang
makapamuhay tayo ng banal at tuwid, at madatnan tayo ng Panginoon na tayo ay handa sa kanyang
pagparito.

1. BE READY AT ALL TIMES (v.44)

Kaya maging handa rin kayo, dahil ako na Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo
inaasahan.

BILANG ISANG MANANAMPALATAYA, PAANO KA NAGHAHANDA SA PAGBABALIK NG


ATING PANGINOON?

Ang pagiging handa ay hindi tungkol kung kailan natin mabatid ang eksaktong panahon ng
kanyang pagbabalik ngunit ang paghahanda ay tungkol sa pamumuhay ng inaasahan ang tiyak
na pagdating ng Panginoon. Ibig sabihin habang tayo ay naghahanda sa pagparito ng Diyos,
inaasahan niya na tayo ay tapat sa kanya at namumuhay ng may katuwiran.

2. BE DILIGENT TO THE TASK GIVEN TO US (v. 46)

Mapalad ang aliping iyon kapag nadatnan siya ng amo niya na gumagawa ng kanyang tungkulin.

NGAYONG ALAM NATIN NA ANG PAGBABALIK NG PANGINOON AY TIYAK, PAANO MO


MAPAPANATILI ANG KASIPAGAN AT INIT SA PAGLILINGKOD SA ATING PANGINOON?
Habang tayo ay naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon patuloy tayong maging masigasig sa
paglilingkod sa Kanya at sa mga taong ipinagkatiwala sa atin. Upang madatnan niya tayo na
ginagawa ang mga bagay na iniatas niya sa atin.

Maging matatag at matiyaga sa paghihintay dahil baka yung moment na sumuko tayo at tumigil,
dun dumating ang Panginoon. Na hindi masayang ang oras at pagod na ating ipinaglingkod sa
Panginoon.

3. YOU WILL BE REWARDED ACCORDING TO YOUR WORK (v.47)

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, pamamahalain siya ng kanyang amo sa lahat ng mga ari-arian
nito.

SIMULA NUNG IKAW AY NAKAKILALA AT NAKATANGGAP SA PANGINOONG DIYOS, ANO


ANO NA ANG MGA BAGAY ANG NAGAWA MO PARA SA KANYA?

Lagi nating tatandaan na ang ating ginawa dito sa lupa ay may kabayaran. Kung tayo ay patuloy
sa pagiging tapat sa Panginoon, mararanasan natin ang kanyang biyaya at pagpapala. Pero
kung tayo ay magpapakasama dahil hindi pa dumadating ang Panginoon, tayo ay
mapaparusahan.

CONCLUSION:

The parable concludes with Jesus warning about the consequences of being unprepared: "The
master of that servant will come on a day when he does not expect him and at an hour he does
not know, and will cut him off and assign him a place with the hypocrites, where there will be
weeping and gnashing of teeth" (Matthew 24:50-51).

The parable of the faithful and evil servants is a powerful reminder of the importance of being
prepared for the Lord's return. We should always be ready for his return by living our lives in a
way that is pleasing to God. We should also be aware that the Lord will judge us for our actions.
Let us live our lives in a way that is worthy of his love.

CHALLENGE:

1. Be vigilant and prepared

2. Be a responsible steward

The parable of the faithful and evil servants serves as a reminder to be prepared for the Lord's
return, and to live responsibly. It encourages us to be faithful stewards of God's resources and
care for others, avoiding the pitfalls of negligence and unfaithfulness.

HANDA KA NA BA SA PAGBABALIK NG ATING PANGINOONG HESUS?

You might also like