You are on page 1of 2

"ANG KAHALAGAHAN NG ATING MGA MAGULANG"

Minsan ba naisip ninyo kung gaano kahalaga ang ating mga magulang sa ating buhay ? Naisip nyo
rin ba kung paano mabuhay na walang kinagisnan at kinalakihang mga magulang ?
Masakit isipin na kadalasan sa mga kabataan ngayun ay hindi na gumagalang sa kanilang mga
magulang.Hindi na nila naisip na kung hindi dahil sa kanila wala ako , ikaw , tayong lahat ngayon sa
mundong ito. Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin. Ang ating "INA" naghihirap
sa pagdadalantao nila sa atin hanggang sa tayo'y mailuwal at lumaki. Ang ating "AMA"na walang
sawang naghahanapbuhay para lang magkaroon ng pera pambili ng bigas at iba pang
pangangailang ng ating pamilya. Pero ngayon kadalasan sa mga kabataan, hindi na nila naisip ang
hirap na pinagdaanan ng ating mga magulang para lang tayo palakihin ng may magandang
kinabukasan . Noong una napaisip ako .Paano kaya kung mawalang ako ng magulang ? Inisip
palang natin yun parang hindi na natin kaya. Wala ng mag aalaga sa atin,wala ng mag alala tuwing
gagabihin tayo pag uwi galing sa paaralan at pag nagkasakit wala ng magsasabing "KUMUSTA NA
ANG PAKIRAMDAM MO ANAK ? Walang ng susuporta sa mga bagay ng gusto nating gawin. At
wala naring mag sasabing "INGAT KA ANAK" at wala na ring magagalit tuwing makagawa ng
maling bagay. Diba ang hirap ?? Lalo pa't nasanay tayo na ginagawa ito ng ating mga magulang .
Kaya ngayon , habang kapiling pa ninyo ang inyong mga magulang , ipadama ninyo sa kanila ang
inyong pag mamahal,Ipadama ninyo kung gaano sila kahalaga sa inyong buhay.. At mag pasalamat
kayo sa lahat ng ginawang pagsisikap nila para mapaganda ang inyong buhay. . Humingi rin kayo
ng kapatawaran sa mga kasalanang nagawa. .Sabihin ninyo sa kanila na "MAHAL na MAHAL ko po
kayo NAY at TAY at nagpapasalamat ako na kayo ang naging magulang ko. Mabilis ang panahon
kaya kayong may mga magulang pa , Hangga't maaga pa at kapiling pa ninyo ang inyong mga
magulang, gawin na ninyo ang lahat ng bagay na ikasasaya , bago pa mahuli ang lahat. Ipadama
ninyo sa kanila kung gaano sila kahalaga sa inyung buhay . . .

Buod ng kuwento[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang
matustusan ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang
mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa
kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa
Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang
matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya
kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi
man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man
lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang
mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay
ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang
kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa
kanyang mga anak, iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang
ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak
niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa
kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal
ni Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-
loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang
gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Talumpati

Biyernes, Setyembre 4, 2015

Kahalagahan ng Magulang

Sila yung humuhubog at lumilinang ng ating pagkatao, ang nagsisilbing gabay natin kapag tayo ay
nagkukulang at sa tuwing may dumadating na pagsubok sa ating buhay. Magandang umaga sa inyong
lahat. Nais ko lamang pong itanong, sa henerasyon natin ngayon, gaano po ba kahalaga ang ating mga
magulang sa ating buhay ? Naipapakita pa rin ba nating mga kabataan sa makabagong henerasyon ang
pagmamalasakit at pagmamahal natin sa ating mga magulang ? Para sa akin napakalaki na talaga ang
pinagbago ng noon sa ngayon, noon sinusunod parati ang utos, gusto at payo ng ating mga magulang
kahit na minsan ay labag pa ito sa ating kalooban pero ngayon nagagawa na nating suwayin ang kanilang
mga utos, gusto at payo. Minsan pa nga ay sinasagot pa natin sila, tama po diba ? May mga panahong
nalilimutan na natin silang igalang o minsan sa sobrang lapit ng iba sa kanilang magulang ay parang
kabarkada na lamang sila kung makipag-usap. Nalilimutan ng gumamit ng “po” at “opo” o kaya nama’y "I
Love You" upang ipadama sa kanila ang ating pagmamahal. Sa sobrang bilis ng panahon ngayon, hindi
natin alam kung kalian may mawawala o hanggang kalian pa ba may mananatili ika nga nila “You Don’t
Know What Tomorrow Will Be”.

Sa kabila ng pagbabagong nagaganap ngayon sa mga kabataan na minsan tayo’y naiinis at nagagalit sa
ating mga magulang, huwag pa rin nating kalimutang na mga magulang parin natin sila, mapalaki ng
maayos at tayo’y mapag-aral sa isang maayos at disenteng paaralan ang kanilang hangad. Sa bawat
panahong nagdaan inalagaan nila tayo, kahit minsan hindi nila tayo pinabayaan at kahit kalian hindi sila
mapapagod magbantay para sa ating kapakanan. Halos ibigay na nga nila sa atin ang lahat dahil hindi
nila tayo kayang tiisin.Kahit ano ay kanilang ibibigay para lang maging masaya tayo.

Palatandaan sa bawat sermon o galit na ipinapakita nila sa atin ay katumbas ng isang pagmamalasakit at
pagmamahal upang gabayan tayo sa ating paglalakbay tungo sa matuwid na direksyon at tagumpay.

Kahit hindi man natin sila maintindihan sa ngayon, balang araw ay malalaman din natin na lahat ng
kanilang ginagawa ay para rin sa sarili nating kapakanan.

Ako po si Glyza Louise L. Palomo, isang simpleng babae, kapatid at anak sa makabagong henerasyon na
nagsasabing, pahalagahan ang ating mga magulang, mahalin at bigyan ng respeto, sa kabila ng bawat
galit at poot ay palitan at takpan ng PAGMAMAHAL.

You might also like