You are on page 1of 3

Pangalan:

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
WEEK2

Aralin 2. Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin

Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasapi ng tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito
ang mga aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan.
Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugali na dapat mong isakatuparan.

Gawain 1. Lagyan ng check (/) kung ito ay iyong ginagawa o hindi.


Ginagawa ko Hindi ko ginagawa
Naghuhugas ng pinggan
Nagpapakain ng alagang hayop
Nagpupunas ng mga kasangkapan
Nagliligpit ng hinigaan
Nagtatapon ng basura
Nagsasauli ng gamit sa angkop na lalagyan

Sagutin ang tanong:


Ano ang nais ipakahulugan ng Talahanayan?

Gawain 2. Basahin ang tula.

Kusa Kong Gagawin

Sa aming tahanan may mga tungkulin


Na dapat gampanan kasaping butihin
Magaa’t mabigat kusa kong gagawin
Tiwala at husay ay pananatilihin.

Paglilinis ng bahay pati ng bakuran


Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman,
Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan
Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula?


2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang tula?

3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano ano pang mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo?

4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang mga gawaing ibinigay sa iyo?

5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo.

Gawain 3. Punan ang tsart sa ibaba. Hayaan ang iyong nanay, tatay o ang iyong tagapag-alaga na nakakita
ng iyong kilos na may pagkukusa ang siyang magtala ng iyong ginawa. Punan ang talaarawan para sa isang
linggo at ipasa.
Gawain 4. Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang
pagganap sa tungkulin.

Ang Aking Pangako

Ako, si
ay nangangakong

Lagda

TANDAAN NATIN

 Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan, simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang
biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at pananagutan.
 Bilang isang kasapi, may mga gawaing naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan.
 Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan,
pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa.
 Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay na kapalit. Ang mga naiatang na gawain sa
iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan ay nagpapakita ng malaking tiwala sa
iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man.

Prepared by:

Ms. Lyne Mariefe Agmata


Level 3 Class Adviser

You might also like