You are on page 1of 21

Senior High School

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Unang Kwarter – Modyul 2


Mga Konseptong Pangwika

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino


Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul: Mga Konseptong Pangwika- Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman. Kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang
Kalihim: Alain Del B. Pascua
Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Piolen C. Petalver, Maria Concepcion A. Macalaguing,

Dulce Amor S. Loquias, Celena J. Cabato

Tagasuri ng Nilalaman: Dolores A.Tacbas


Tagasuri ng Lengguwage: Desiree E. Mesias

Tagasuri: Luzviminda B. Binolhay


Tagabalibasa: Desiree E. Mesias
Mga Tagaguhit: Mary Jane P. Fabre, Ulysses C. Balasabas

Nag-lay-out: Mary Jane P. Fabre


Mga Tagapamahala:

Pangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III


Panrehiyong Direktor

Pangalawang Pangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pangalawang Panrehiyong Direktor
Jonathan S. dela Peña, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Rowena H. Para-on, PhD
Pangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Miyembro: Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS; Bienvenido U. Tagolimot, Jr., PhD, EPS-ADM;
Erlinda G. Dael, PhD, CID Chief; Sally S. Aguilar, Ph.D, EPS Filipino, Celieto B.
Magsayo, LRMS Manager; Loucile L. Paclar, Librarian II;

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Misamis Oriental
Office Address: Don Apolinar Velez Street, Cagayan de Oro City, 9000
Telephone Nos: (088) 881-3094 | Text: 0917-8992245
E-mail Address: misamis.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Unang Kuwarter – Modyul 2


Mga Konseptong Pangwika

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukadormula


sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng inyongmga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Panimulang Ideya ------------------------------------------------- 1
Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1
Mga Layunin ------------------------------------------------- 1
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2
Panimulang Pagtataya ------------------------------------------------- 4
Aralin ------------------------------------------------- 5
Mga Gawain ------------------------------------------------- 6
Paglalahat ------------------------------------------------- 12
Huling Pagtataya ------------------------------------------------- 13
Sanggunian ------------------------------------------------ 15
ALAMIN

Panimulang Ideya

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo at marami kang makukuhang kaalaman
sa bawat aralin. Kaya pagsikapan mong mabuti na masagot ang mga gawaing
inihanda sa bawat yugto ng pagkatuto. Tiyak na magugustuhan mo ang mga
konseptong pangwika.
Alam mo bang mahalaga ang ginagampanang papel ng wika sa buhay ng tao?
Ngunit dahil lagi na natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang
tungkulin nito.Natural na lamang sa atin ito tulad ng ating paghinga at paglakad. Sa
araling ito, ang iyong kaalaman at pagkamalikhain ay hihimukin. Ang dating
kaalaman ay mauugnay mo rin dito. Pati na rin ang karanasang pansarili ay maari
mong pagkunan ng iyong mga kasagutan.
Tutulungan kang muli ng mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong
sagutin ito. Kaya mo to! Hand ka na ba? Simulan mo na.

MODYUL 2

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

Markahan: Unang Linggo: Pangalawang

Araw: Apat (4) na araw Oras: Apat (4) na oras

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, tatalakayin ang kahalagahan ng wika bilang instrumento


ng komunikasyon. Ang mga kasanayang matutunan dito ay makatutulong nang
malaki upang ihanda ka sa mga gawaing may kinalaman sa pagkakaroon ng
mabungang interaksyon.

1
Nilalaman ng Modyul

Mahalagang matutunan mo bilang mag-aaral ang mga konseptong pangwika.


Makatutulong ito sa iyo upang madagdagan ang iyong karanasan, kaalaman, at
kamulatan sa mga kaalamang pandaigdig nang sa gayo’y mapakinabangan ito ng
iyong komunidad at lipunan

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang sa katapusan ng araling ito ay matatamo mo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
a. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na
sitwasyong pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with
Arnold Clavio, State of the Nation, Mareng Winnie,Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Ib – 86;
b. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86.

PANGKALAHATANG PANUTO

Ang disenyo ng Modyul para sa paglinang sa kasanayang pampagkatuto ay


binubuo ng yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng maikling
pagsasanay kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang pampagkatutong
dapat malinang. Matutunghayan naman sa bahaging suriin ang mga konseptong
pangwika. Makikita sa bahaging pagyamanin ang mga mahahalagang kaisipan na
napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa isagawa na
bahagi kung natamo ba ang mga layuning pampagkatuto sa bawat aralin at kung
sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang
gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay. Malaki ang
maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pagaaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit sa aralin.

1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang Pagtataya na susukat sa


iyong dating kaalaman.
2. Iwasto ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang
mali huwag kang mag- alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang
paksang nakapaloob dito.
3. Basahin at pag-aralang mabuti ang mga paksa. Isagawa mo ang mga
kaugnayang gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.
4. Sagutin mo ang panghuling pagtataya sa kabuuan kung “Gaano ka
kahusay at kung paano mo inunawa ang bawat aralin ?” kunin mong muli sa iyong
guro ang susi ng pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.
5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang hindi
masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk.

2
Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at
Multilingguwalismo

“Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika


maaari siyang ituring na isang poliglot”
-Clyne (2014)-

https://www.google.com/search?q=wika+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwjvzqb_hrvpAhWKG6YKHXweBcEQ2-cCegQIABAA&oq=wika+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCABQ06wiWNyxImCE0SJoAHAAeACAAckBiAGVBpIBBTAuNC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=9ELBXu-
EKIq3mAX8vJSIDA&bih=676&biw=1517#imgrc=Zt3P_1GQyRcwp

3
SUBUKIN

PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay
para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para
sa matanda
d. Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging gamitin ang


Filipino sa usaping ito, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi
c. Pareho lang d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o
dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong
gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. Kaalaman b. kahusayan
c. Kasipagan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

4
7. Sinong bayani Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang
lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal

8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're


wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?


a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya
c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino

10. Ano ang tagalog sa Filipino ang "oyster"?


a. taluba b. kangkong
c. talaba d. taho

5
ARALIN 2

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at
Multilingguwalismo

Nakapaloob sa araling ito ang tungkol sa unang wika, pangalawang wika at iba pa.

YUGTO NG PAGKATUTO

Sa puntong ito, subuking sagutin ang mga sumusunod na katanungan bilang


paghahanda sa gawaing may kinalaman sa unang wika.

A. TUKLASIN

6
https://www.google.com/search?q=nagsasalita+clip+art&tbm=isch&ved=2ahUKEwicgpvxjbvpAhUKUpQKHd_ND6MQ2-
cCegQIABAA&oq=nagsasalita+clip+art&gs_lcp=CgNpbWcQDFAAWABg1cgjaABwAHgAgAEAiAEAkgEAmAEAqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=LkrBXpyzCYqk0QTfm7YCg&bih=730&biw=1517#imgrc=x1
Pc5UefZo47pM&imgdii=Jk03NSMCxU_2NM

Gawain 1

Panuto: Ano-anong wika ba ang sinasalita at nauunawaan mo? Subukang ipahayag


ang reaksyon o sasabihin mo sa larawang nakita. Isulat ang iyong
ideya hinggil sa konsepto sa ibaba:

1. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng sumusunod:


• Unang wika ________________________
• Ikalawang wika ____________________
• Ikatlong wika ______________________

2. Maituturing mo bang monolingguwal, bilingguwal o multilingguwal ka?


_____________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang iyong sagot sa bilang 2 sa pamamagitan ng pagpuno ng mga


linya sa ibaba:

Masasabi kong ako ay __________________________ dahil


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________

B. SURIIN

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay


isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ayon kay Chomsky (1965), ang
pagkamalikhain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang
nilalang tulad ng mga hayop. Ang unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan
mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Habang lumalaki ang bata ay
nagkakaroon ng eksposyur sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaring
magmula sa telebisyon o sa iba pang taong nakapaligid sa kanya. Ito na ngayon ang
kanyang pangalawang wika. Sa pagdaan ng panahon, lalong lumalawak ang
mundo ng bata. Dumarami pa ang taong nakasasalamuha niya, gayundin ang mga
lugar na kanyang nararating.
Dito’y may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalaunay
natutuhan niya at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga taong nasa kanyang
paligid. Ang wikang ito ang kanyang magiging ikatlong wika.

- Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc ,2016
p.26-27
7
Gawain 2

A. Sa pamamagitan ng linguistic profile sagutin ang hinihingi ng salitang nakasulat


sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

Linguistic Profile

Pangalawang
wikang sinasalita

Unang wikang Ibang wikang


sinasalita AKO sinasalita

B. Sa paanong paraan nakatutulong sa iyo ang pagkatuto mo sa iba pang wika


maliban sa iyong unang wika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

C. PAGYAMANIN

Monolingguwalismo, Bilinguwalismo at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo

Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng paggamit ng iisang wika


sa isang bansa tulad ng mga bansang England, Pransya, South Korea at Hapon.
8
Iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura. May
iisang wika ding umiiral bilang wika ng edukasyon, wika ng komersyo, wika ng
negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo

Maituturing mo ba ang sarili mo na bilingguwal? Bakit? Anong


pagkakahulugan ang maibibigay mo para sa salitang bilingguwalismo?
Binibigyan ng pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935) – isang
Amerikanong lingguwista. Ang bilingguwalismo ay ang paggamit o pagkontrol ng tao
sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ang kanyang katutubong wika.
Pahayag naman ni John Macnamara (1967) – isa pa ring lingguwista “Ang
bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na markong
kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at
pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika”. Tulad kay Uriel
Weinreich (1953) – isang lingguwistang Polish-American, sinasabing ang paggamit
ng dalawang wika nang magkasalitaan ay matatawag na bilingguwalismo at ang
taong gagamit ng mga wikang ito ay bilingguwal.

Bilingguwalismo sa Wikang Panturo

Makikita sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973 ang


probisyon para sa bilingguwal o pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga
paaralan at wikang opisyal na iiral sa lahat ng mga pormal na transaksiyon sa
pamahalan man o sa kalakalan.

Multilingguwalismo

Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150


wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monilingguwal. Karamihan sa
ating mga Pilipino ay nakakapagsalita at nakakaunawa ng Filipino, Ingles, at isa o
higit pang wikang katutubo o wikang kinagisnan. Mother Tongue Based-Multilingual
Education (MTB-MLE). Ipinatupad ng Deped ang K to 12 Curriculum ang paggamit
ng unang wika bilang panturo partikular sa kindergarten at Grades 1,2, at 3. Mas
epektibo ang pagkatuto ng bata kung ang unang wika ang gagamitin sa kanilang
pag-aaral. Base sa pananaliksik nina Ducher at Tucker (1977), napatunayan nila ang
bisa ng unang wika bilang wikang panturo sa mga unang taon sa pag-aaral.
Mahalaga ang unang wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawa ng
paksang aralin, at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.
Walong (8) Wikang Panturo sa unang taon ng MTE_MLE - Tagalog, Kapampangan,
Pangasinense, Ilokano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, at Waray. Wikang Panturo MTE-
MLE -Tausug, Maguindanaoan, Meranao at Waray. Wikang Panturo MTE-MLE
pagkalipas ng isang taon may labing siyam na ang wikang ginagamit ng MTB-MLE
-Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon ,Kinaray-a ,Yakan ,Surigaonon. Samantalang
Filipino at Ingles ang gagamiting wikang panturo sa mas mataas na antas ng
elementarya, gayundin sa sekundarya at sa kolehiyo. Sabi nga ni Pangulong
9
Benigno Aquino III “We should become tri-lingual as a country. Learn English well
and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your
dialect and connect to your heritage.”
- - Sipi mula kay A. Dayag, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix,Inc
,2016 p.29-33

Gawain 3

10
Panuto: Basahin ang pahayag at sagutin ang sumusunod na mga tanong batay sa
bawat ilustrasyon sa sagutang papel o notbuk.

https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika

11
D. ISAGAWA

https://www.slideshare.net/icgamatero/ang-sarili-natingwika

Gawain 4

Panuto: Punan ang patlang ng mga salita o parirala na bubuo sa mga


sumusunod na pangungusap. (Naiuugnay ang mga konseptong pangwika
sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan F11PS – Ib – 86)

1. Sa Pilipinas ang opisyal na wikang ginagamit ay


________________________.

2. Mahalaga ang Ingles sa OFW dahil


___________________________.

3. Mahalaga na marami kang wikang alam dahil


_________________.

4. Ang Filipino, Ingles at ang mga lokal na dayalekto ay _________.

5. Ang mga natutuhan ko sa modyul na ito ay ang mga sumusunod:


5.1.
5.2
5.3
5.4
12
5.5

Ang pagiging dalubhasa sa maraming wika ng isang tao ay may malaking

tulong upang mas lalong magkakaintindihan. Ang kakayahan ng isang taong

makapagsalita ng maraming wika ay malaking ambag upang maisu long


ang higit na pagkakaunawaan. Nakatutulong ang isang taong multilingual sa
pamamagitan ng mga sumusunod: Una, kapag hindi naiintindihan ng ibang
taong kakilala niya ang lingguwahe ng kanyang kausap ay maaari niyang

ipaliwanag ang sinasabi ng kausap nito. Ikalawa, nagagamit ito sa pag -aaral
(English, Filipino) at nagiging daan upang mapaunlad ang kanyang sarili at
maaaring maging daan u pang makatulong siya sa pag-unlad ng bansa. Ikatlo,

nagkakaroon ng higit na malawak na oportunidad ang isang multilingguwal sa


maraming larangan kabilang na ang pagtatrabaho.Ikaapat, maaaring marating
o makilala ng isang multilingguwal ang kultura at kinag isnang lugar/
bansa ng natututunang pangalawa o pangatlong wika. ☺

TAYAHIN

HULING PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat
lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa hiwalay na papel o
notbuk.

1. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?


a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay
para sa tao

13
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para
sa matanda
d. Wala sa nabanggit

2. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?


a. Oo b. Hindi
c. Pareho lang d. Tama

3. Ano ang Bilingguwalismo?


a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika

4. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o
dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

5. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong
gumamit ng dalawang wika o dayalekto nang may _________?
a. kaalaman b. katatasan
c. kahusayan d. kababawan

6. Ano ang Multilingguwalismo?


a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

7. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't
ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal

8. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

9. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?


a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya
c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino

10. Ano ang tagalog ng "oyster"?


14
a. taluba b. kangkong
c.talaba d. taho

SANGGUNIAN

A. AKLAT
Almario, Virgilio S. (Ed.). Poetikang Tagalog: Mga unang pagsusuri sa sining
ng pagtulang Tagalog .Lungsod ng Quezon: UP Diliman. 1996.

Bernales, Rolando, Atienza, Glecy, Talegon, Vivencio Jr., at Rovira, Stanley.


Kritikal na pagbasa at lohikal na pagsulat tungo sa pananaliksik. Valenzuela
City: Mutya Publishing House Inc. 2006.

Bernales, Rolando A. Bukal 3: Pagbasa.San Mateo, Rizal: Vicente Publishing


House, Inc. 2006.

Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon
City: Phoenix Publishing House, 2016.

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.


1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016

Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016

Tumangan, Alcomister P., Bernales, Rolando A., Dante C. & Mangonon, Isabela A.
Sining ng pakikipagtalastasa: Pandalubhasaan.Valenzuela City: Mutya
Publishing House Inc. 2000.

Webster’s new colligiate dictionary. Springfield, A: G and G Merriam 1961.

The personal promise pocketbook. Makati: Alliance Publishers, Inc. 1987.

De Jesus, Armado F. Institutional research capability and performance at the


University of Santo Tomas: Proposed model for managing research in
private HEIs. Di-nalathalang disertasyon, UST. 2000.

Grospe, Alas A. Isang pagsusuri ng mga pamaraang ginamit ni Rolando Tinio sa


pagsasalin ng mga idyoma sa mga dula ni Shakespeare. Di-nalathalang tisis,
UP Diliman. 1999
15
Maddux, K. March. True stories of the interest patrol. Net Guide Magazine, 88-98.
1997

Nolasco, Ma. Ricardo. Ang panglinggwistiks na pagsasalin sa wikang pambansa.


Lagda, 12-20. 1998.

B. WEBSITES

Burgess, Patricia. 1995. A guide for research paper: APA style.

http://webster.commet.edu/apa/apa_intro.htm#content2

Comments and criticisms on Gabriel Garcia Marquez’s Love in the Time of Cholera.

http://Gabrielgarciamarquez.edu.ph http://atin-americanliterature.edu.ph

https://www.freepik.com/free-vector/research-background-design_1028140.htm

http://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html

16

You might also like