You are on page 1of 6

Grade 7 Quiz 2 (Kontinente – Klima

Ang ating daigdig ay binubuo ng pitong kontinente. Pang ilang kontinente ang Asya batay sa laki
nito?

a)Pangatlo
b)Una
c)Panglima
d)Pangalawa

Ang daigdig ay binubuo ng iba't ibang anyong lupa. Tinatawag na __________ ang pinakamalaking
dibisyon ng lupain sa daigdig.

a)Arkipelago
b)Kapatagan
c)Kontinente
d)Lambak
Sa pitong Kontinente ng daigdig, alin ang pinakamaliit batay sa sukat nito?

a)Australia and Oceania


b)Europe
c)Antarctica
d)Asya

Ang Asya ay nahati sa iba't ibang rehiyon. Ang paghahating pangrehiyon ay batay pisikal,
historikal, at kultural na aspekto. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?

a)Anim
b)Apat
c)Pito
d)Lima

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa rehiyon ng Asya?

a)Kanlurang Silangang Asya


b)Timog Silangang Asya
c)Timog Asya
d)Kanlurang Asya

Ang mga sumusunod ay mga bansa ng matatagpuan sa Silangang Asya maliban sa __________?

a)North Korea
b)Japan
c)China
d)Malaysia

Kung ang Pakistan ay nasa Timog Asya, ang Thailand ay nasa Timog- Silangang Asya, ang Qatar
ay nasa Kanlurang Asya, anong rehiyon naman sa Asya nabibilang ang Taiwan?
a)Silangang Asya
b)Timog- Silangang Asya
c)Hilagang Asya
d)Timog Asya

Alin ang totoo tungkol sa kontinente ng Asya?

a)Ang kabuuang sukat ng Asya ay katumbas nito ang pinagsamang North America at South
America.
b)Tinatayang 1/3 na bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
c)Nasa silangan ng Asya ang Karagatang Atlantiko samantalang, nasa kanluran naman nito ang
Karagatang Pasipiko
d)Sa Silangang Asya matatagpuan ang hangganan ng Europa.

Bilang Asyano, alin ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran?

a)Ipagmalaki ko na ako ay isang Asyano.


b)Kung may pagkakataon, uunahin ko na libutin o pasyalan ang mga lugar o bansa sa Asya.
c)Makikiisa ako sa mga programa sa paglutas ng suliranin tulad ng Global Warming o Climate
Change.
d)Susuportahan ko ang layon ng pamahalaan na mapanatili ang magandang pakikipag-ugnayan
nito sa kapwa nya bansa sa Asya.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalaga kung bakit kailangang malaman ang heograpiya
ng Asya?

a)Mahalaga ang bahaging ginagampanan nito sa pag-unlad ng kabihasnan sa Asya


b)Mahalagang malaman ito dahil dito ako nakatira
c)Nakatutulong ang pag- aaral ng heograpiya upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa Asya
d)Nakatutulong sa pagpapaliwanag tungkol sa mga bansa.

Answer Key
1.b
2.c
3a
4.d
5.a
6.d
7.a
8.b
9.c
10.a
AP 10
Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na
may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

a)Lipunan
b)Organisasyon
c)Pulitika
d)Bansa
2.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isyung pangkapaligiran?

a)COVID 19
b)Pag-angkin ng CHina sa Teritoryo ng Pilipinas
c)Climate Change
d)Divorce
3.Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na katangian ng
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa atn bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

a)Lipunan
b)Status
c)Social Group
d)Simbolismo
4.Ito ang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang
lipunang kanyang ginagalawan.

A. Empatiya
B. Imahinasyon

C. Social Concern

D. Social Imagination
5.Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagkakaroon ng may pananagutan at
responsableng mamamayan sa kanyang lipunang ginagalawan?

a)

b)
c)

d)

6.Ito ay tumutukoy sa isang pampublikong bagay na karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin
sa mga institusyong panlipunan.

A.Isyung Pangkalikasan

B. Isyung Panlipunan

C. Isyung Pangkalusugan

D.Isyung Pangkalakalan

Answer Key
1.a
2.c
3.c
4.d
5.a
6.b

Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na


may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

a)Lipunan
b)Bansa
c)Komunidad
d)Organisasyon

Ipinakikita sa talahanayan ang unemployment rate sa Pilipinas noong 2013. Alin sa sumusunod
na pahayag tungkol sa suliraning ito ang TOTOO?
a)Pangunahing tungkulin ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon ang suliranin sa
unemployment sa Pilipinas.
b)Ang suliraning ito ay bunga ng mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga
manggagawang Pilipino
c)Ang unemployment ay bunga ng pagkukulang ng iba’t ibang institusyong panlipunan
d)Nagkakaroon ng mataas na unemployment rate dahil hindi natutupad ng institusyon ng
edukasyon at ekonomiya ang kanilang mga tungkulin

3.
Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay
nakapaloob sa anong elemento ng kultura?

a)Paniniwala
b)Pagpapahalaga
c)Norms
d)Simbolo

4.
Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?

a)Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
b)Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung
personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.
c)Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
d)Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.
5.
Batay sa talata, ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at hamong
panlipunan?

a)Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan


b)Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad
c)Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan
d)Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan
Answer Key
1.a
2.a,b,c,d
3.c
4.a
5.c

AP 9

ito ay isang uri ng suliranin na tumutukoy sa pagkakaroon ng limitasyon sa mga


pinagkukunan ng yaman na siyang ginagamit sa paggawa o paglikha ng mga serbisyo at
produkto.
a. kakulangan
b. legend
c. kakapusan
d. hindi ko alam
e.

You might also like