You are on page 1of 4

ONLINE RAFFLE SCRIPT

(Simula ng online raffle sa Facebook Page Live ng Sangguniang Kabataan ay 7pm)


Emcee: Magandang hapon sa inyo mga kabarangay Bagumbayan! Kami ang Sangguniang
Kabataan Bagumbayan upang magbigay ng saya at surpresa sa inyong lahat 😊
Emcee: Tumutok lang po kayo dito sa aming FB Page para manalo ng mga surpresa at isa ito
sa gagawin sa pagdiriwang natin ang Linggo ng Kabataan. Mas minabuti na po namin na
maonline raffle dahil alam niyo naman na kailangan natin ng kaligtasan ngayong pandemiya.
Kaya upang manalo kayo ng ligtas at iwas-COVID, minabuti na po namin na i-live ito para sa
inyo.
Emcee: Para po sa pagsisimula ng ating programa, tayo muna ay manalangin at humingi ng
gabay sa Diyos at kaligtasan na kinakaharap natin ngayon ang pandemiya….
(Ipepresent yung video prayer about COVID-19…)
Emcee: Tayo po ay magbigay respeto at tumayo para sa ating pambansang awit ng Pilipinas…
(Ipapatugtog yung Lupang Hinirang…)
Emcee: Upang masimulan na po ang ating programa para sa Online Raffle. Nandito po muna
ang ating SK Chairperson Edmark Opulencia para magbigay ng kanyang opening speech para
po sa atin.
Edmark: (Sasabihin niya yung sarili niyang nais sabihin para sa mga manonood at sa nagging
proyekto)
Emcee: Bago natin simulan ang pa-raffle natin, kami po ay nagpapasalamat sa pagregister
niyo sa Online Raffle at iba pang contests at malaking bahagi ito ng kabataan sa ating
barangay.
Emcee: Lahat kami dito ay masaya na tumatangkilik ngayon sa amin kaya sisimulan na natin
ang ONLINE RAFFLE na ito!
Emcee: So paano ba yung gagawin naming online raffle? Simple lang kinalap naming lahat ng
Pangalan, Zone, CP number niyo sa FB Post Page natin. Then nilagay namin lahat ito sa isang
kahon, katulad nga nung sinabi namin dun na yung lahat ng nagcomment dun ng hanggang 12
midnight nung September 11 lang ang mga nakasali. Paano manalo, syempre bubunot lang
kami sa kahon then ipapakita namin sa inyo yung amin nabunot para patas sa lahat.
Emcee: So naeexcite na ba kayong manalo, so simulan na natin ang RAFFLE! Ang una nating
raffle ay bubunutin ni SK Sirita. At ang prizes na mapapanalunan niyo ay face mask muna para
sa kaligtasan ng lahat (Ipapakita sa camera yung face mask)…So ang ating unang panalo ay
si… (Ipapakita sa camera yung nabunot na papel at babanggitin yung name at zone)
Emcee: (Si SK Sirita pa din ang bubunot) Ang sunod naman na mananalo ng face mask ay si…
(Ipapakita sa camera yung nabunot na papel at babanggitin yung name at zone)
(Same lang ang gagawin hanggang 10-20 siguro na face mask…)
Emcee: So bago tayo magproceed sa next na raffle. Iaanounce muna namin ang nanalo sa
Essay Writing English Category. At ang nanalo sa Essay Writing English Category ay… si…(drum
roll) Karen Ann Parducho, at siya ay makakatanggap ng cash prize nagkakahalagang
_______________. (Ipapakita yung sobre na matatanggap sa camera)
Emcee: Sa sunod na raffle naman, ano kaya ang pamimigay namin? ang susunod na
ipaparaffle namin ay makakatulong ngayon sa kabataan natin ngayon sa kanilang pag-aaral
lalo na ngayon may mga online classes na so ito ay dalawang Laptop Table. (Ipapakita sa
camera yung laptop tables)
Emcee: So sa unang laptop table na mananalo ay bubunutin ni SK Anna. At ang unang nanalo
ay si… (Ipapakita sa camera tas babanggitin yung name at zone). (Si SK Anna ulit bubunot)
Then sa pangalawa naman ay makukuha ni… (Ipapakita ulit sa camera tas babanggitin ulit
name at zone).
Emcee: Meron po ulit tayong commercial mga kabarangay. Ang susunod ko naman na
iaanounce ay nanalo sa Essay Writing Tagalog Category. Sa tingin niyo sino kaya yung nanalo
at walang iba kundi si… Bryan Edward S. Ramilo, congratulations po! Makakatanggap din siya
ng cash prize __________. (Ipapakita yung sobre)
Emcee: Face mask po ulit ang ipapamigay natin mga lods! Ngayon naman mga 30 piraso
naman na face mask ang ipapamigay natin. Sa unang sampung facemask na ipaparaffle ay
bubunutin naman ni SK Glenn…Ang nabunot ay si…(Ipapakita niya sa camera yung facemask
at babanggitin yung name at zone)
(paulit-ulit lang na ganyan hanggang sa makasampung beses hehe)
Emcee: Ang sunod naman na bubunot ay si SK Tots para sa susunod na sampung face masks.
So ang nabunot kong pangalan ay si… (Ipapakita sa camera then name at zone)
(paulit-ulit din gagawin ng sampung besess)
Emcee: At sa huling 10 facemasks na ipaparaffle ay bubunutin naman ng ating SK Mico. Ang
pangalan ng nabunot ay si… (Ipapakita din sa camera at sasabihin yung name at zone)
(paulit ulit hanggang sa sampung beses)
Emcee: Okay parang madami na tayong nabigay na facemask hahaha mamaya nalang ulit
haha. Kasi mas exciting yung grand prizes natin mamaya. Abang abang lang kayo kabarangay!
Emcee: Syempre sa Linggo ng Kabataan natin may theme tayo na sinusunod ang Youth
Engagement for Global Action. Magcomment kayo sa baba kung ano sa tingin niyo na ang
nangyari sa Youth natin ngayon? Kasi kami as SK dapat naming kayong samahan gabayan at
linawin ang tunay na pagiging kabataan. Kaya maraming salamat sa pagtangilik sa panunuod
ng live sa FB Page. Then babasahin naming po yung comments niyo para mashout na din
kayo.
(Shout out part ng mga 2 mins siguro…)
Emcee: So hello balik tayo sa programa, iaanounce ko naman po ang nanalo sa SK Logo Poster
Making Contest ay si… (Ipapakita yung sobre na may laman na cash prize)
Emcee: So tuktok pa din kayo sa ating live mga kabarangay, so para mas maging safe pa tayo
ay magraffle ulit tayo ng face masks para mas ingat tayo ngayong pandemiya. So ang bubunot
ay si SK Ryan para mga natirang facemasks. Ang pangalan na nabunot ko ay si… (Babanggitin
yung name tas zone sa camera) (paulit-ulit gagawin hanggang maubos yung mask) (tulungan
nalang pag di na kaya hahaha)
Emcee: Naeexcite na ba kayo sa grand prize? But btw Iaanounce narin natin ang mga nanalo
sa Video Making Contest at Slogan Making Contest. Sa video making contest ang nanalo ay
si… At ang nanalo naman sa Slogan Making ay si… (ipapakita yung mga sobre sa camera)
(Shout out part ulit mga 2 mins)
Emcee: So papalapit na tayo ng papalapit sa grand prizes, so ang next naman natin na prize ay
tatlong laptop tables naman 😊 At ang bubunot ng mga pangalan ay sina SK Sec Nickol at SK
Treas Christian. At ang nanalo ng laptop table ay si… (ipapakita sa camera babangitin yung
name at zone)
Emcee: Grand prize? Bibitinin muna naming kayo gusto muna bigyan ng Awarding ang mga
nanalo sa ating Mobile Legends Tournament na naganap kahapon September 12-13, 2020 via
SK Bagumbayan FACEBOOK PAGE na maraming nanuod ng mga live streaming at mga
nagcomment na din. Maraming salamat sa mga nagparticipate at magandang experience pala
ang magkaroon ng gantong palaro sa isang barangay. Higit pa sa online ito malalaro
makakaiwas pa ito sa kaligtasan natin pero nasa normal lang na paggamit.
So dahil dyan meron tayong mga awards na 2 nd-runner up, 1st-runner up at ang Grand Winner.
Pero syempre alam niyo naman siguro yung mga nanalo diba? Pero nandito pa din kami para
maawardan sila sa kanilang ginawang mahusay na pagpapakita ng skills sa larangan ng e-
Sports at upang magrepresent para sa interbarangay tournamament.
So ang 2nd runner up ay ang team ___________________, (ipapakita yung mga sobre at
prizes nila… Then ang 1st-runner up naman ay ang team ___________________________
(iapapakita sa camera yung mga prizes) at ANG ating GRAND WINNNER walang iba kundi
ang…______________________________, congratulations po sainyo! (ipapakita ulit sa
camera yung mga prizes)
Emcee: At eto na nga ang hinihintay ninyo hahahaha. Ang GRAND PRIZES natin ngayon. So
ngayon naman ang mapapanalunan niyo ay… dalawang OTG 32 GB so eto tutuktok na
hahahaha. At ang kailangan bumunot nito at walang iba kundi si SK. Ang unang mataginting
na makakakuha ng OTG ay si…(Ipapakita ung otg sa camera the say the name at zone) Then
ang final prize natin ay matatanggap naman ni… (Ipapakita ung otg ulit sa camera then name
at zone)
Emcee: So yun na nga mga kabarangay, salamat sa pagtutok niyo dito sa Online Raffle natin.
Para po maibigay ang inyong mga prizes ay kami na po ang mismong magaabot sa inyo
labasan para di napo kayo lumabas o pumunta sa brgy hall.
Emcee: At para sa closing remarks nandito si…__________________
Emcee: So Kami po ang Sangguniang Brgy Bagumbayan, Lubos na nagpapasalamat sa Live
Streaming na eto ay sana sa susunod na Linggo ng Kabataan ay sumali ulit kayo at suportahan
ang kabataan. Pero sa panahon ngayon ang una muna natin isipin ang ating kalusugan at
lagging stay at home lang kung wala naming imporxtante gagawin. Sundin parin natin yung
pagobserve ng social distancing, pagwear ng face masks and face shield. At wag na po tayong
pasaway, kaya disiplina muna tayo para sa atin na to! Maraming salamat po sainyo 😊 Sa
susunod na po ulit. Paalam!

You might also like