You are on page 1of 10

1

Aralin Filipino 10-Q1-W3


Pagbibigay ng Reaksyon sa Kaisipan ng Sanaysay
3 Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Pananaw

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang isang sanaysay mula sa Greece. Aalamin mo


ang kaisipan o ideya ng isang sanaysay mula sa isang akdang pampanitikan na nasa
anyong tuluyan. Pag-aaralan mo rin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
sariling pananaw.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na


kasanayan :

1. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa


napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media
(F10PN-Ic-d-64)
2. Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang
pagiging makatotohanan/di-makatotohanan nito (F10PB-Ic-d-64)
3. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
(F10PT-Ic-d-63)
4. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig (FWD-Ic-d-63)
5. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig (F10PU-Ic-d-66)
6. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
(F10WG-Ic-d-59)

Bilang panimula, sagutin mo muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok
Basahin ang nilalaman ng sanaysay at sagutin ang kasunod na mga
tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Pagkamit ng Kalayaan

Kalayaan, ito ang hangad ng karamihan. Hindi lamang mga nakatatanda ang
naghahangad nito ngunit lalo na ang mga kabataan. Pero, ano nga ba ang kalayaan?
Ito ay pagkawala ng kadenang matagal nang nakapalibot sa iyong munting kamay at
paa, ang pagkawala sa mahigpit na pagkakasakal ng matagal na panahon. Ang
pagkakaroon ng kalayaan ay talaga namang napakaganda at napakasaya. Marami itong
positibong epekto ngunit mayroon din itong negatibong epekto.

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
2

Isa sa positibong epekto nito ay ang paggawa ng iyong minimithi nang walang
pumipigil sa iyo. Magagawa mo ito ng kahit kailan o kahit ano pa mang oras. Sa mga
kabataan naman na kakakamit pa lang ng kalayaan ay mayroon ng kakayahan gawin
ang mga bagay na hindi pa nila nagagawa o bago pa lamang sa kanila. Ngunit ang
pagkaroon ng sobrang kalayaan ay mayroong masamang epekto lalong- lalo na sa mga
kabataan. Malaki ang tsansang sila'y magbisyo o gumawa ng krimen dahil wala ngang
pumipigil sa kanila. Maaaring makatuklas sila ng gawaing hindi angkop sa mga
kabataan at kanila itong susubukan dahil wala namang pipigil sa kanila.

Totoo ngang ang kalayaan ay napakahalaga at hindi dapat ipinagkakait sa kahit


kanino dahil ang bawat tao ay may karapatan upang magkaroon ng kalayaan. Ngunit
dapat pakatandaan na huwag itong aabusuhin.

-Ashley Benavidez. https://ph.news.yahoo.com/ph-not-facing-population-aging-problem-


moody-192028703.html
____1. Sino ang naghahangad ng Kalayaan ayon sa sanaysay?
A. matatanda C. nakakatanda at kabataan
B. kabataan D. bilanggo at may karamdaman
____2. Marami sa mga kabataan ang nais makalaya sa tanikala. Ang kasingkahulugan
ng may salungguhit sa salita ay____?
A. kadena B. adhikain C. posas D. bilanggo
____3. Ang negatibong epekto ng labis na kalayaan ay ang mga sumusunod, maliban
sa ______?
A. paggawa ng krimen C. walang limitasyon
B. malulong sa bisyo D. wala sa nabanggit
____4. Ano ang nais iparating ng sanaysay sa mambabasa?
A. maging malaya C. maging masaya
B. magkaroon ng limitasyon D. abusuhin ang kalayaan
____5. Paano maiiwasan ang labis na kalayaan? Maiiwasan ito sa pamamagitan ng
A. mga bagay na nais mong gawin sa buhay.
B. walang limitasyon sa lahat ng bagay.
C. kontrol sa sarili sa lahat ng bagay.
D. mataas na pagtingin sa sarili.
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang gawain bilang balik-aral sa
nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Punan ang tsart sa ibaba at sagutin ang tanong.


Ano ang parabula at katangian nito?

PARABULA

KATANGIAN

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
3

Pagpapakilala ng Aralin
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa sanaysay ng
Alegorya ng Yungib.

Ang “Alegorya ng Yungib” ay sinulat ni Plato bilang bahagi ng kaniyang akda Ang
Republika. Si Plato ay isang pilosopong Griyego na ipinanganak sa Athens. Ang
“Alegorya ng Yungib” ay isinulat sa anyong diyalogo sa pagitan ng kaniyang kapatid na
si Glaucon at ng kaniyang gurong si Socrates. Itinuturing itong pinakamaganda at
pinakasikat na metapora sa pilosopiyang kanluranin. Itinuturing din ito bilang isa sa
mga akdang may pinakamaliwanag na pang-unawa sa kalikasan ng realidad.
Sa isang alegorya, ginagamit ang mga tauhan, aksyon at tagpuan bilang
simbolismo na dapat bigyang-kahulugan upang makuha ang kahulugan ng alegorikal.
Ang mga simbolong ito ay kumakatawan sa buhay ng tao para sa isang sitwasyong
politikal o historikal.

Ngayong naunawaan mo na ang sanaysay na ito ay maaaring magturo sa iyo ng


realidad na pangyayari sa buhay ng isang tao, maaari mo nang basahin ang
halimbawa nito mula sa Greece.

Ang Alegorya ng Yungib


ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat


mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan
nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena
kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa
di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga
bilanggo ay may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader
nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga
dingding na may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa
kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa
akin ang kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.
Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang
mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat
lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung
nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay
tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula
sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at
may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
4

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino
ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na
magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa
kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo,
lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito
mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang
kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos
isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit
ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag
na pananaw- ano ang magiging tugon niya?
O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay
na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya
mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga
bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba
siyang nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang
aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita
sa kasalukuyan?
Totoo, ang sabi niya.
At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at
bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw,
hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang
kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga
bagay-bagay sa kasalukuyan - ang katotohanan.
Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.
Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At
makita niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba
pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng
buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap
at mga bituin sa gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.
Tiyak
Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang
ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi
sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.
Tiyak.
At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At
ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang
siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan
tungkol sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang
karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na
mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?
Tiyak at tumpak.
At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa
kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino
ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para
sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal
at kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya
babanggitin ang tinuran ni Homer.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At
matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay
katulad ng kanilang gawi?

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga
huwad na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.
Para makatiyak, sabi niya.
At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa
pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula
sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging
matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang
bagong kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya
na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti na
hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang
iba at gabayan patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at
dalhin nila sa kamatayan.
Walang tanong, ang sabi niya.
Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong
Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw
ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang
paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na
mundo batay sa mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos
maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng
karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan
lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na
maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at
katotohanan ay yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa
publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may
matibay na tuon para sa mga bagay na ito.
Sumasang-ayon ako, sabi niya, hangga’t may kakayahan akong maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na
ayaw man lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa
itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan;
magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya
ay mapagkakatiwalaan.
Oo, tunay na likas.
At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal
na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago
siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar,
tungkol sa anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap
ang katarungan.
Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.
Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga
paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa
paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may
pananaw na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una
niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid ng maliwanag na buhay?
O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At
kaniyang bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung
nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo
sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa
kaniya at bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.
Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

Upang lubusang maunawaan ang sanaysay maaari mong buksan ang link
na ito: https://www.youtube.com/watch?v=FNuv4ah785s.

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
6

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang iba’t ibang ekspresyon sa


pagpapahayag ng pananaw.

A. Iba’t ibang Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Pananaw

1. Nagpapahayag ng pagsunod o pakikiisa sa ibig o sinabi ng iba.

Halimbawa: Ayon, batay, para, sang-ayon sa/ka, alinsunod, at iba pa.

⮚ Ayon sa Pangulo, isusulong ng panukalang batas ang kapayapaan sa Pilipinas.


⮚ Batay sa sinabi ng Pangulo, makaaasa tayo ng mas magandang buhay sa
darating na taon.
2. Nagpapahayag ng palagay na nasa isip bunga ng pagkaunawa o
pagkakaalam.
Halimbawa: Sa paniniwala, akala, sa pananaw, sa palagay, iniisip, at iba pa.
⮚ Sa paniniwala ko, ang pagbabawal sa mga dinastiyang politikal ang
magpapalakas ng ating demokrasya.
⮚ Akala ko dadalaw siya sa amin. Hindi pala.
⮚ Sa ganang akin, dapat tutulan ang pagpapatupad ng diborsyo sa Pilipinas.

3. Nagpapahayag ng alternatibo o kontrang pananaw at paggawa ng ibang


bagay.
Halimbawa: Sa isang banda, sa kabilang dako, samantala at iba pa.
⮚ Sa isang banda, dapat din nating pakinggan ang mga argumento ng
nagpanukala ng pagsasalegal ng diborsyo sa Pilipinas.
⮚ Sa kabilang dako, magiging kontrobersiyal ang panukala tungkol sa
pagsasalegal ng diborsyo sa Pilipinas.

Para sa karagdagang kaalaman maaari mong buksan ang link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=FNuv4ah785s. Kung may bahaging hindi
mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong guro.
Maaari mo nang sagutin ang mga gawain sa kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Bilugan ang dalawang salita na magkasingkahulugan sa bawat pangungusap.

1. Mistulang manika ang mga tao sa yungib na maihahalintulad sa isang


tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
2. Matarik na pader ang nakatabing sa liwanag na humaharang sa kanilang
mataas na pangarap.
3. Ang eko ng bilanggo ay umalingawngaw sa labas ng yungib.
4. Guniguni lamang ang ipinakikita ng yungib dahil sa liwanag ang kanilang
imahinasyon tungkol sa katotohanan namulat.
5. Mahirati man sa kahirapan ang tao. Sila ay gagawa ng paraan upang hindi
masanay sa kahirapan.

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
7

Gawain 2 Pagsagot sa mga Tanong


Sagutin nang mahusay ang mga tanong.
1. Bakit para sa mga bilanggong nakakadena, ang mga anino ang realidad o
katotohanan? __________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano ang paksa ng akda? Ano ang sinasabi ng akda tungkol sa paksa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Paano nalaman ng nakatakas na bilanggo ang tunay na realidad o
katotohanan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Sa ngayon, sino-sino ang katulad ng mga bilanggong nakakadena ayon sa
yungib? Ipaliwanag ang sagot.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Masasabi mo ba na sinisimbolo ng prosesong pinagdaanan ng nakatakas na
bilanggo sa pag-alam ng katotohanan ang proseso ng edukasyon? Ipaliwanag ang
sagot. ______________________________________________________________
_________________________________________________________________________
6. Nakatulong ba ang “Alegorya ng Yungib” sa paglalahad ng pananaw ni Plato
tungkol sa realidad? Ipaliwanag. ___________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod


Mga katangian ng sagot : na puntos:
⮚ Malinaw ang kaisipang inilahad. ⮚ 5 – taglay ang 3 pamantayan
⮚ Mahusay ang pagpapaliwanag ⮚ 3–dalawang pamantayan
⮚ Maayos ang pagbuo ng lamang
pangungusap ⮚ 1 – isang pamantayan lamang

Gawain 3 Pagsasanay Panggramatika


Punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag. Ipahayag ang iyong
pananaw sa mga isyu gamit ang mga ekspresyon sa loob ng kahon.

Sa palagay ko Batay sa Ayon sa Alinsunod


Sa tingin ko Akala ko Sa kabilang dako Samantala
Sa pananaw Sa kabilang dako Sa paniniwala ko Sa isang banda

1. COVID 19 sa Pilipinas _________________________________________________


_______________________________________________________________________
2. Korapsyon_____________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Drug addiction________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Edukasyon____________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
8

5. Kahirapan_____________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan
⮚ Malinaw nailahad ang kaisipan. 3 – dalawang pamantayan lamang
⮚ Maayos ang pagbuo ng mga 1 – isang pamantayan lamang
pangungusap.
⮚ Gumamit ng iba’t ibang ekspresyon sa
pagpapahayag ng pananaw.

Magaling! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang sanaysay at iba’t ibang ekspresyon sa


pagpapahayag ng pananaw, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Makikita sa salitang “sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung


pagdurugtungin ang dalawa, pwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o
masasabi ng isang “sanay” o eksperto sa isang paksa.
2. Ayon kay Aldòus Huxley, isang pangunahing manunulat ng sanaysay, ang
sanaysay ay isang paraang pampanitikan ng pagsasabi ng halos lahat tungkol
sa kahit na anong bagay.
3. Nagtataglay ang sanaysay ng tatlong mahahalagang bahagi o balangkas.
(Panimula, Gitna o katawan, at Wakas)
4. Sa pagsulat ng sanaysay ay dapat nakapaloob ang mga elemento nito.
5. Gumamit ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa o pananaw.
Sa paglalapat ng iyong natutuhan, sagutin ang susunod na gawain.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng maikling talata at ipahayag ang iyong pananaw sa isyu gamit ang mga
ekspresyon.

Tungkol sa Bagong Coronavirus

Ano ba ang mga coronavirus?

Ang Coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring


magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad
ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory
Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi
pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
9

mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus
ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na
pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay at pagkatapos ay sa
paghawak ng bibig, ilong, o mata.

Imunumungkahi ko sa iyo ang link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=gp8c8m_CWss upang makaragdag ng impormasyon sa
pagpapalawak ng iyong pananaw tungkol sa isyung tinalakay.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang nilalaman ng sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot.
Kahalagahan ng Edukasyon

Ang Edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang


kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kaniyang kahihinatnan dito sa mundo. At
ito ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang
makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating
kinabukasan ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay.
Ngunit may mga hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya
marapat lang na maging maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan
ang mga ito. At ang pagkamit ng tagumpay ay kailangan na buo ang determinasyon,
tiwala sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katagian na dapat
nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas. “KAHIRAPAN AY DI
HADLANG SA KINABUKASAN”. Lagi nating tandaan na tayo ang gumagawa ng ating
sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga
kamay. At lagi tayong sasandal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil
walang imposible sa kaniya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.

https://edukasyon.wordpress.com/2008/05/02/kahalagahan-ng-edukasyon/
1. Ayon sa sanaysay, bakit mahalaga ang edukasyon? Ito ay mahalaga dahil
A. yayaman ang maraming taon.
B. nakasasalay ang kinabukasan ng mga tao.
C. maraming magiging sikat na tao.
D. matatamasa ng mga tao ang pighati sa buhay.
2. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang makamit ang tagumpay sa buhay
maliban sa_____?
A. pananampalataya sa Diyos C. may tiwala sa sarili
B. determinasyon sa buhay D. kawalan ng pag-asa

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo
10

3. Ang kahihinatnan ng mag-aaral na tamad pumasok sa eskuwela ay palaboy sa


lansangan. Ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita ay___?
A. resulta B. nakamit C. tagumpay D. wala sa nabanggit

4. Sa iyong palagay, paano maitataas ang kalidad ng edukasyon? Nararapat na ang


mga guro ay
A. maging mahusay sa pagtuturo
B. mangibang bansa upang doon na magturo.
C. taasan ang sahod upang sila’y makapagturo.
D. magkaroon ng sapat na kaalaman at kagamitan sa pagtuturo.

5. Ano ang nais iparating ng sanaysay sa mambabasa?


A. huwag pumasok sa paaralan C. huwag mag-aral ang walang pera
b. balewalain ang edukasyon D. pahalagahan ang edukasyon

Pagninilay

Maghanap sa internet ng balitang napapanahon at ipaliwanag ang paksang nais


iparating nito sa mga mambabasa.

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

____________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang 3 pamantayan
⮚ Gumamit ng ekspresyon nagpapahayag
3 – dalawang pamantayan lamang
ng sariling pananaw
1 – isang pamantayan lamang
⮚ Maayos at madaling maunawaan
⮚ Naipaliwanag nang mahusay

Mahusay! Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-
ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino
Unang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like