You are on page 1of 2

Art App Lesson 3:

Functions and Philosophical Perspectives on Art

Telos - Greek word for Purpose or Function.

Sabi ni Aristotle sa kanyang philosophical perspective na Eudaimonism (Ooops wag masyado malula,
di natin pag aaralan yan, yung word na telos lang, art app ito hindi philo class, though i'm tepted to
talk about art in a philosophical manner, pero ayaw ko maguluhan at para mag fixate tayo dun sa
pinag uusapan talaga natin) eh lahat ng bagay ay may end or patutunguhan or ending kumbaga. Para
masabi mong na achieve na ng isang bagay ang ending niya eh pag naabot nito ang kanyang function
or purpose.

Halimbawa.

Ang isang worm kapag naging butterfly na siya at nakatulong na sa pollenation ng mga bulaklak ay
naabot na ang end nito dahil na serve niya na ang purpose or function niya sa eco system.

Isa pa.
Ang mga tela at sinulid na kapag tinahi at naisuot na ng tao ay naabot na nito ang kanyang end dahil
na serve na ang purpose at function.

Kahit ang tao, may purpose at end. It is to glorify and enjoy God forever.

Kung sa tao mayroon, syempre sa Art din, art app to eh malamang!!

Bawat art na nagagawa eh mayroong ending or end na cinoconvey o gustong patunguhan nung artist
para sa art niya.

Isa halimbawa neto eh sa pottery, maaaring may aesthetical valur ang mga clay pots pero ang pinaka
gusto talaga mangyari ng artist eh bilhin at magamit ito ng mga tao either for decoration o para
lalagyan ng bigas, depende sa kagustuhan ng artist at disenyo niya sa gawa niya.

Isa pang halimbawa, mga architect. May mga rason bakit nola dinedesign ang mga buildings, maaaring
maganda tignan ang mga gawa nila pero may desired function kung bakit may styles and design ang
mga structure na ginagawa nila.

Regardless kung ano mang art yan, may desired ending pa din yan. Mapa painting, architecture,
theater, music, film etc.

So, ano nga ba ang function ng art? Well nahahati sa tatlo yan
1. Personal Functions
2. 2. Social Functions
3. 3. Physical functions

1. Personal Function - pag personal art, purely subjective yan, ibig sabihin depende yan sa gumawa at
nag design. For example yung coloring book, Sa coloring book pwedeng therapeutic, pwedeng hobby
lang, pwedeng wala lang pampalipas oras lang. Sa painting, pwedeng pinepaint ng pintor yung
feelings niya o di kaya how he or perceives nature. Coming from the word personal, depende sa
personal reason nung artist kung bakit niya ginawa yung art na yun.

2. Social function - Ang art nagkakaroon ng social function kapag inaaddress nito ang interes ng
society o ng nakararami. Isang maganda halimbawa eh sketch or painting ng mga caricature ng
politician kapag gusto nilang punahin ang mga kalokohan ng politiko. Madalas makikita niyo yan sa
comic section ng dyaryo, madalas si erap pa nga ang ginagawan ng caricature sa comic strips, and
people look at it, understands it, na aarouse yung emotion ng mga tao against sa mga corrupt
politicians.
Isa pang halimbawa, yung film na ang bida si Gerald Anderson. "On the Job", it gives us the reality na
may mga hitman na nakakalabas masok sa preso at may mga politiko na nauupo sa pwesto na may
kalokohang ginagawa. Yan kasama ng palabas na "Buy Bust" at indie film na "Kinatay"" ay mga
pelikula na pumupukaw sa mga interes ng nakakarami espesyali sa mga katiwalian ng mga nasa
serbisyo publiko.

3. Physical function - ang physical function of art ay mga art na and purpose is to be utilized. Gaya ng
mga clay pots, mga porcelain bowls sa China, architecture ng bahay etc. They might saound like the
ancient meaning of art pero ang iba sa kanila is that they possess beauty.

Philisophical perspectives on Art

1. Art as an imitation - ayon kay Plato lahat ng mga produkto ng art natin ay imitation ng real thing sa
world of forms (OOOOOPS!! Di tayo ulit pupunta diyan sa world of forms, pabababawin ko hanggat
maaari yung gusto niyang sabihin.) Ganito na lang halimbawa ang painting ng puno ay in itself hindi
ang puno kundi imitation ng tunay na puno. Ang rizal monument, bagaman nakikita mo si Rizal dun na
nakatayo ay hindi talaga si Rizal iyon, imitation lang yun ng tunay na Rizal. Ang philosophical view ng
world of form ay mas malalim pa dito pero di na natin pag uusapan pa para di kayo malito.

2. Art as representation - for Aristotle, ang art ay represtansyon kung anong maaaring itsura ng
reyalidad ayon sa artist. Ang mga spoken poetry ay maaaring mapait na realidad na ang pag ibig ay
puno ng sakit para sa gumawa nito while ang love songs ay maaaring mga awitin na nagpapahayag ng
reyalidad na matamis ang pag ibig, kung titignan mo eh mag kaiba ang reyalidad sa dalawang art form
na ito.

Isa pang halimbawa, yung recent na walang kwentang issue kay Bella Poarch, kung saan nakitaan siya
ng imperial japanese flag na tattoo. Maaaring para kay bella poarch ay wala lang ito ngunit sa mga
mabababaw na Koryano ay nagpapaalala ito ng mapait na sinapit nila sa mga kamay ng hapon.

3. Art as a Disinterested Judgment - para kay Immanuel Kant kinakailangan natin ang You sent ang
judgment of beauty para maappreciate natin ang art. Nguniy ang mga judgments na ito ay far too
subjective. At itong mga subjectivity natin na ito ay may kanya kanyang pinanggagalingan. May mga
rason ang mga bias natin sa kung anong maganda sa paningin natin. Pero para kay Kant para
matutunan natin maappreciata lahat ng klase ng art dapat ay makita natin ito at somehow madama
ng iba nating sense, only then and there maappreciate ng kahit sino man ang art na nasa harapan niya
at yung subjective bias ay tila mawawala. Ang mangyayari nito, ang art ay magiging Universal.

4. Art as a communication of Emotion - para kay Leo Tolstoy ang bawat art forms ay may
cinocommunicate na emotion. Maaaring malungkot, masaya, galit, etc. Depende sa kung ano ang
gustong iportray ng gumawa nito, lalo na kung malalaman natin ang storya sa likod ng dahilan ng
pagkakagawa nito.

So ayan nakita na natin ang ibat ibang function at Pilosopiya sa arts na makakatulong sa atin na
maappreciate ito.

Lagi natin tatandaan na meaning is part of philosophy. One way for us to appreciate art is to find the
meaning of it. Natural sa atin na hanapin ang meaning ng mga bagay and if we find meaning in it we
find value in it as well.

You might also like