You are on page 1of 3

Quiz # 1

Panuto: Sabihin kung anong pokus ng pandiwa ang ginamit sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng mga
krimeng nagaganap.
- Tagaganap

2. Ang mga bata ay ipinaghain ng almusal bago sila pumasok sa paaralan.


- Tagatanggap

3. Taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Roger.


- Tagaganap

4. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.


- Tanggap

5. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo


- Instrumento

6. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.


- Tagaganap

7. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang Pangulo


Jejomar Binay.
- Tagaganap

8. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.


- Tagaganap

9. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.


- Layon

10. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.


- Instrumento

B.
Panuto. Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang letra ng tamang
sagot.

1. Ang Cupid at Psyche ay isang akdang pampanitikan na:


A. Sanaysay B. Nobela C. Mitolohiya D. Dula
2. Ang Hari ng mga Diyos, ang sandata niya at ang kulog at kidlat na asawa ni
Juno.
A. Poseidon B. Ares C. Zeus D. Apollo
3. Si Venus ay Diyosa ng Kagandahan, Si Psyche ay Diyosa ng Kaluluwa. Saan
Diyosa si Athena?
A. Mangangaso B. Karagatan C. Karunungan D. kabundukan
4. Ang Mitolohiyang, “Si Cupid at Si Psyche” ay nagmula sa Imperyong
Romano na isinalin sa Tagalog ni:
A. Angelo Ong B. Andres Bonifacio C. Dr. Jose Rizal D. Vilma C. Ambat
5. Ang tema ng mitolohiyang, “Si Cupid at Si Psyche” ay tumatalakay sa:
A. Tungkol sa pagmamahal ng magulang ni Cupid at ni Psyche.
B. Tungkol sa mga tao kulang sa pagmamahal at pag-aaruga ng magulang
nila.
C. Tungkol sa mga taong naghahanap ng pagmamahal at magmamahal sa kanila
D. Tungkol sa wagas na pag-ibig na nababalutan ng katapatan at pagtitiwala sa
isa't-isa upang mapanatili itong matatag.

6. “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala,” wika ni Cupid bago
tuluyang lumipad papalayo.

A. Pagtitiwala B. Pagkagalit C. Pagkalungkot D. Paalala

7.“Siya ang asawa ko. Ako na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking
pangako sa kaniya. Mawawala na nga ba siya sa akin nang tuluyan?”
A. Pagkatakot B. Pangamba C. Pang-aasar D. Pagkagalit
8.“Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng mapapangasawa? Tiyak kong ang dati
mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat muntik na siyang mamatay
dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong langis na dulot mo sa kasumpa-
sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon ng asawa kung hindi ka
daraan sa butas ng karayom.”

A. Pagkatakot B. Pangamba C. Pangkutya D. Pagkalungkot

9. “Darating ang iyong mga kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila
iniwan,” wika ng asawa “Subalit huwag na huwag kang magpapakita sa kanila
sapagkat magbubunga ito ng matinding kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,”
habilin ng lalaki. Nangako naman si Psyche na tatalima sa kagustuhan ng asawa.
A. Pagtataka B. Paalala C. Pangamba D. Pagsumamo
10.“Dapat noon pa ay iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang
sanhi ng panibugho ng langit,” sumbat niya sa kaniyang ama.

A. Pagkalungkot B. Pagkabahala C. Pagkatakot D. Pagtatampo

You might also like