Professional Documents
Culture Documents
Ang Kabihasnang Indus Sa Timog Asya
Ang Kabihasnang Indus Sa Timog Asya
Ang Timog Asya ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa sinaunang panahon, ang Timog Asya
ay tumutukoy sa subkontinente ng India.
· India
· Pakistan
· Bangladesh
· Afghanistan
· Bhutan
· Sri Lanka
· Nepal at
· Maldives
Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspetong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya.
Dahil dito, madalas ding tawagin ang lugar na ito bilang subkontinente ng India. Kahit pa ang rehiyong
ito ay nahihiwalay sa Silangang Asya dahil sa Himalayas.
Sinasabing mahirap lubusang mabatid ang matandang kasaysayan ng India lalo pa’t ang malaking
bahagi nito ay hindi itinala ng mga sinaunang Indian. Maaaring makahukay ang mga arkeologo ng mga
kasangkapang ginamit ng mga sinaunang Indian subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin
nauunawaan ng mga iskolar ang mga naiwang sistema ng pagsulat ng matandang kabihasnan ng India.
Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan
sa kasalukuyang panahon. Ang mga labi ng dalawang lungsod sa Indus River ay natagpuan ng mga
arkeologo noong dekada 1920, ang lungsod na Mohenjo-Daro at Harappa. Ang mga lugar na ito,
gayundin ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia sapagkat
sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan
matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan. Sa kasalukuyan, tinatayang mahigit sa 1000 lungsod at
pamayanan ang natatagpuan dito, particular sa rehiyon ngIndus River sa Pakistan.
Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito
ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
Pari – ang mga pangunahing namumuno sa lipunan at nagsisilbing tagapamagitan sa tao at kanilang mga
diyos.
Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa
kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang
ipagmalaki ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o
istruktura mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng
Egypt.
Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang buong
tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europa at patimog-silangan sa Persia at India. Sa mga
rehiyong ito nila dinala ang wikang ngayon ay tinatawag na Indo-European – ang makabagong wika tulad
ng Hindi at Bengali ay nag-ugat dito.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamalagi at pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at
hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag naVedas.
Vedas – ay isang tinipong akda ng mga himnong pandigma, mga sagradong ritwal, mga sawikain at
salaysay.
Masasaksihan sa Vedas kung paano namuhay ang mga Aryan mula sa pagitan ng 1500 B.C.E. hanggang
500 B.C.E.. Ang mga panahong ito ay tinatawag din bilang Panahong Vedic.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasa’y mga lalaki at mapandigma) at kulturang
pinangingibawan ng mga lalaki. Ang kanilang kaparaanan ay unti-unting umangkop sa mga diyosa at
kultura ng sinaunang India. Sa pagsapit ng1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang
bahagi ng India.
Ang lipunan ng mga sinaunang Aryan ay mayroon lamang tatlong antas;
· mga pari; at
Kapansin-pansing ang bawat kasapi ay maaaring makalipat patungo sa ibang antas ng lipunan. Ang
isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga tao.
Subalit ang kanilang pagsakop sa lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang
pamumuhay. Ang kanilang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagkaroon ng
pagtatatag ng maliliit na imperyo samantalang ang pagiging pinuno ay nagsimulang mamana.
Sa pagtatapos ng Panahong Vedic, naging mas makapangyarihan din ang mga kaparian kung
ihahambing sa mga mandirigma. Ito ay dahil sa naging mahalaga ang kaayusang itinuturo ng kanilang
paniniwala ukol sa mga tao at mga diyos. Mahalaga ang mga ritwal at sakripisyo upang hindi mawasak
ang kaayusan sa kalawakan.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng
mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo.
3. Vaisya (vi-shyas) – ang mga pangkaraniwang mamamayan na maaaring mga mangangalakal, artisan
magsasaka at iba pa;
4. Sudra (shoo’-draz) – pinakamababang uri sa lipunan na maaaring ang mga nasakop na mga Indian at
maging ang mga inanak o inapo ng Aryan na nakapag-asawa ng hindi Aryan.
outcaste o mga untouchable – isang malaking pangkat ng mga tao na tinuturing nilang hindi kabilang sa
lipunan - Sila ang pinakamababa sa antas ng tao.
- Ilan sa mga Gawain ng mga taong kasapi rito ay angpaglilinis ng kalsada, pagsusunog ng mga patay
at pagbitay sa mga kriminal.