You are on page 1of 5

I Pamagat

Abakada…Ina

II Kahulugan ng Pamagat

“AngAbakada...Ina, ay isangpelikulangipinalabasnoong 2001 at idinirekngaktornasi Eddie Garcia.


Tinalakay ng pelikulaang hinggil sa di-pagkaka unawaan nina Estella (Lorna Tolentino) at ng kanyang biyenan
na si Miling (Nida Blanca), na ang anak na si Daniel (Albert Martinez) ay hindi pinapalad na makakita ng
trabaho.”

III Buod

Si Estella ang bumubuhay sa kanilang pamilya bilang isang tinder sa palengke. Ang kanyang asawa na si
Daniel (Albert Martinez) ay bigo sa paghahanap ng trabaho bilang isang manlalayag (seaman). Hindi nakatapos
ng elementary si Estella, kahit nga ang unang baitang, ngunit pinagsusumikapan niya ang mabuhay nang
maayos ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanyang pagtatrabaho sa palengke. Gayunpaman,
minamaliit pa rin ni Miling, isang guro, ang kanyang manugang dahil sa kakulangan nito sa edukasyon at
pinipilit pa rin ang kanyang anak na si Daniel nasubukan muli ang swerte sa barko. Inako na rin ni Miling ang
pag-aalaga sa mga anak ng mag-asawa at isinisisi niya ang naging kapalaran ng kanyang pamilya sa manugang.
Nawalan ng kumpiyansa sa sarili si Estella, dahil sa mga katagang madalas na binibitawan ng kanyang biyenan.
Sana pansin niyang pagkakawatak-watak nila, sinikap ni Estella na buuin muli ang kanyang pamilya.

IV Uri ng Panitikan

Ang uri ng panitikan na ginamit ng may-akda sa pelikulang Abakada Ina ay Tuluyan o Prosa, na kung
saan ito ay binubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. At
hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. ang Abakada Ina ay isang nobela na
kabilang sa mga uri ng tuluyan o prosa.

V Sariling Reaksyon

1. Teorya pampanitikan

Realismo at Humanismo dahil hango ito sa tunay na buhay, na kung saan kung minsan hindi nakakpag-
aral ang isang tao dahil na rin marahil sa kapabayaan ng kaniyang ga magulang at sa kasalatan sa pera o hirap
ng buhay.

2. Mga pansin at puna

a. Mga tauhan

 Lorna Tolentino bilang Estela


 Albert Martinez bilang Daniel
 Nida Blanca bilang Miling
 Alicia Alonzo bilang Matilda
 Bobby Andrews bilang Jojo
 Joanne Quintas bilang Amy
 Matet De Leon bilang Gina
 Aiza Marquez bilang Beth
 Hannah Camille Bustillos bilang Joan
 Jaime Fabregas bilang Ship Captain
 Pocholo Montes bilang Ship Mate
 Polly Cadsawan bilang Leakage Man
 Mina Bernales bilang Rose
 April Castro bilang Bekbek
 Josie Taglebilang Market Vendor
 Archie Ventosa (as Archie Ventoza) bilang Proctor
 Joanne Tan bilang batang Estela
 Bryan Homecillo bilang batang Daniel
 King Alcala bilang Toby
 Ardi Aquino bilang Val
 John Paul Canero bilang Marco
 Allan Garcia bilang Pulis
 Boy Tambien bilang Ka Igme
 Chiqui del Carmen bilang Registrar
 Daisy Mendoza bilang guro ni Gina
 Alex Poe
 Tessie Villarama
 Cyrus Soriano

b. Galawngpangyayari

Itinatampok ng pelikulang ito ang isang inang lumaki at nagkaasawanang di-marunong sumulat at
bumasa subalit may sariling prinsipyo’t paninindigan. Larawan siya ng isang taong masikap at may
ambisyon sa buhay sa kabila ng kanyang kalagayan. Nagsikap siya upang matuto sa pamamagitan ng
pagbabasa ng aklat at nang lumaon ay pumasok sa paaralan kasama ang anak na nag-aaral sa unang baitang.
Dito niya natamo ang paghanga at pagdakila ng mga taong dati’y humahamak sa kanya.

3. Bisa ng pampanitikan

a. Bisa sa isip

Kung mapapanood ito ng ibang tao lalo na ng mga magulang ay maaaring maisip nila na ang edukasyon
para sa kanilang mga anak ay napakahalaga. Dahil magagamit nila ito para gumanda ang kanilang buhay at
hindi dumanas ng lubos na kahirapan sa buhay. Na dapat nilang pagtapusin ang kanilang mga anak gaano man
kahirap ang buhay. Sapagkat walang magulang na nagnais o naghangad ng ikakapapahamak o ikakasama ng
kanilang mga anak.

b. Bisa sa damdamin

Maaaring maantig ang damdamin ng mga manonood at makaramdam ng panghihinayang ng dahil sa


kawalan ng pagkakataon ni Estella na makapag-aral sa paaralan mula nung siya ay bata pa. Kung kaya hindi
niya magawang matulungan ang kanyang mga anak sa kanilang pag-aaral dahil maging siya man ay
nahihirapan.
c. Bisa sa kaasalan

Sa panonood ng pelikulang Abakada Ina, maiintindihan natin na kailangan din nating magbigay ng
respeto, hindi lang sa mga nakapag-aral kundi maging sa mga hindi nakapag-aral. Hindi dahil walang alam ang
isang tao at hindi nakapag-aral ay dapat na natin silang maliitin at balewalain sapagkat tao rin sila na
marunong masaktan at magdamdam.

d. Bisa sa lipunan

Maaaring maging mabisa ito sa lipunan, lalo na sa pag-aantig ng damdamin ng mga opisyal ng bansa na
may mabuting kalooban. Sapagkat matutulungan nila ang mga mahihirap at kapus-palad sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkakataon at oportunidad sa kanila na makapag-aral at magkaroon ng magandang trabaho.

VI Pagpapahalaga ayon sa nilalaman

1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan

Pinakita sa pelikula na sadyang napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon ng isang tao. Dahil
magagamit niya ito upang hindi siya mahiyang makipag-usap at makisalamuha sa iba’t ibang tao. At
makakatulong din ang pagkakaroon ng edukasyon upang magkaroon ng magandang buhay dahil
malalaman mo kung paano makipag-ugnayan sa ibang mga tao.

2. Kulturang Pilipino

Ipinakita ni Estella ang kulturang Pilipino na pagiging matiisin sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay at sa
pagharap sa kahirapan ng buhay. At ang pagiging isang mabuti at ulirang ina sa kanyang mga anak kahit na
hindi ito nakapag-aral.

3. Pilosopiyang Pilipino

Ipinamalas ng Abakada...Ina na ang nakaraan ng isang tao ay hindi sapat upang masukat ang tunay niyang
halaga. Pinatotohanan din ng istoryaang kadakilaan ng mga ina at ang kanilang di-masukat na pag-ibig at
pagsasakripisyo upang mapalaki nang maayos ang kanilang mga anak.

VII Implikasyon

1. Kalagayang panlipunan / Pambansa

Ipinakita ng pelikulang Abakada Ina ang tunay na kalagayan ng ating mga kapwa na nahihirapan sa ating
bansa. Ipinakita dito na may mga Pilipino sa ating bansa na hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-
aral dahil sa kahirapan ng buhay at maaari din namang dahil sa kapabayaan o pagiging irresponsable ilang
mga magulang.
2. Kalagayang pangkabuhayan

Sa kabila ng kahirapan ng buhay, maari pa ring mabuhay ang isang tao kung siya ay may pagsisikap at
pagtitiyaga upang maging mas maayos ang kanilang buhay dahil nasa isang tao ang pagpili kung ang landas
na kanyang tatahakin upang mabuhay ay may pagpupursigi at ng magkaroon ng magandang kinabukasan.

3. Kalagayang pansarili

Ipinakita sa pelikulang ito na kahit anong gawin mong pagsisiskap sa isang bagay kung hindi ka masaya sa
iyong ginagawa ay hindi ka pa rin magtatagumpay at magiging kuntento sa buhay mo. Tulad ng nangyari sa
asawa ni Estella na si Daniel. Na kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang makahanap ng trabaho
dahil ayaw niya ang kursong kanyang kinuha at gumawa pa ng mga kalokohan para lang makapasa sa
kursong tinapos. Kaya mahalaga para sa isang tao na masaya siya sa kanyang ginagawa at piniling pag
aralan. Dahil ditto, kahit na nakapag-aral si Daniel ay hindi niya magawang maiahon sa kahirapan ang
kanyang pamilya dahil sa nasanay siyang umaasa nalang madalas sa kanyang ina. Kaya nararapat lang na
ang isang tao ay matutong magdesisyon para sa kanyang sarili at hindi laging umaasa sa tulong ng iba.
Dahil darating din ang araw na kailangan mong magdesisyon at wala kang ibang maasahan kundi ang sarili
mo lang upang makamtam mo ang iyong mga ninanais sa buhay.
Dominican College of Tarlac
Capas, Tarlac

Filipino 5
(ABAKADA…INA)

Inihanda ni:
Francis U. Maluntag
BEEd – III

Ipinahanda ni:
Gng. Lucita Dela Cruz
Guro

You might also like