You are on page 1of 8

YUNIT II

PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON PARA SA


KOMUNIKASYON

Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay

Panimula

Isa sa mga magagandang dulot ng K to 12 ay ang pagbubukas ng isip ng mga mag-


aaral sa akademikong gawin, isa na rito ang pagsasagawa ng mga pananaliksik. Sa
dating kurikulum sa ikatlong taon pa ng mga mag-aaral sa kolehiyo nasisimulan
ang pananaliksik para sa kani-kanilang tesis. Sa yunit na ito ay pagtatalakayan ang
papel na gingampanan ng pananaliksik at komunikasyon sa buhay ng tao.
Gayundin ay bibigyang pansin sa yunit na ito ang mga konsiderasyon sa pagpili ng
paksang magiging pokus ng pananaliksik. Magbibigyang linaw din dito ang mga
tiyak na halimbawa ng batis na maaaring pagkuhanan ng impormasyong
magagamit sa pananaliksik. May mga pamamaraan din ng pagkalap ng datos na
ipipresenta sa yunit na ito. Mula sa pagkalap ng datos ay bibigyang tuon din ang
pagsusuri ng mga ito. Ilang mga gawain ang iaatas sa mga mag-aaral pagkatapos
ng mga pagtatalakay sa bawat paksa.

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Mabigyang katuturan ang kaugnayan ng pananaliksik at komunikasyon sa buhay
ng tao; at
2. Makapagpahayag ng makabuluhang kaisapan sa pamamagitan ng tradisyonal at
modernong midya.
Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng


paksa.
• • https://www.youtube.com/watch?v=O46r61ty3-s
• • https://www.youtube.com/watch?v=XCdwct8iFE8
• • https://www.youtube.com/watch?v=QNKJhDyNwxM
• • https://www.youtube.com/watch?v=WPmHKRebvic
k
Nilalaman

Sa anumang sitwasyong pang komunikasyon, ginagamit sa pakikipag ugnayan,


pakikisalamuha at pakikipag talastasan sa kapwa ang mga kaalamang natutuhan
natin mula sa pagoobserba at pagsusuri ng lipunan. Ang mga nabatid at
napaglimian nating kaalaman mula sa karanasang panlipunan ang pumapanday sa
ating karunungan na siyang gumagabay sa ating maliliit at maalaking desisyon at
hakbang sa buhay. Ang pangunahing salik ng kaalaman, na ibinabahagi din natin
sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin mula sa tao, sa ating
kapaligiran, at midya. Samakatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin ang ating
kakayahan na magproseso ng impormasyon – ang bawat butil ng impormasyon na
alam natin at anumang kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang
malaking bahagi ng kaalaman. Ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay
ng desisyon, aksiyon, at komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo nating kaalam at
napanday nating karunungan.

Maraming pamamaraan kung paano tayo nagkakakalap ng kaalaman. Ang bawat


pangyayari sa araw – araw mula sa umaga pag gising hanggang sa gabi bago
matulog na bumubuo sa paraan kung paano tayo nagkakaroon ng kaalaman. Ang
bawat karanasan mula sa pinakamaliliit hanggang sa pinakamalalaki ay nagiging
paraan din kung paano tayo natututo. Kadalasan ang pinakamalalim na kaalaman
ay nakukuha natin mula pinakakumplikado nating mga karanasan. Kasabay ng mga
pangaraw – araw na pangyayari ang pagusbong ng mga perspektibo na maaari
nating magamit sa pagtingin sa mga problema o isyung kinahaharap natin lalo at
higit sa mga panghamong panahon. Ito rin ang ngmumulat sa atin sa mas
magmaging mahusay sa pagdedesisyon at pagaksyon sa mga bagay bagay.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa
harapang pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas
ang bias at talab ng mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na
pag susuri at pagtatahi ng impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa tiwalang
kaalaman ay makakatulong sa pag igpaw sa kamangmangan at kahirapan.
Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa panlilinlang, pangaapi, at pang
aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay ginagamit sa kasamaan
ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung kailan laganap ang
kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali ng
magpakalat ng tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya
ginagamit sa information and communication technology (ICT). Sa kabila nito
lalong pinaiigting ang pagmagmamatyag sa mga impormasyong nagmumula rito
upang makabubuo tayo ng makabuluhan at makatuturang kaalaman na magagamit
sa pagpapaunlad ngating buhay at lipunang Pilipino.

Sa pagiging aksesibol ng mga impormasyon dulot ng teknolohiya ay nagiging


aksesibol na rin para sa mga masasamang loob ang panlalamang sa kapwa at dahil
dito mas kinakilangan na maging matalino sa paggamit ng iba’t ibang midya ang
mga mamamayan. Ang pagiging mapanuri ay isa na dapat sa mga kasanayang
kasama sa inaaral at isinasabuhay ninoman. Ito ay upang hindi madala ng mga
mapanlinlang na tao at impormasyong maaaring makasama o dili kaya’y
makapagdulot ng panganib sa sino mang magkakamit nito. Ang kapangyarihang
dulot ng komunikasyon ay magiging mas epektibo sa tamang paggamit nito.

Kagaya ng napag-aralan na sa hayskul bahagi ng mataas n antas ng literasing pang


media ang matalas na sensibilidad sa pagsagap ng mga impormasyon mula sa ibat-
ibang midya sa ating lipunan. Walang anumang midya at teksto ng media sa values
free. Ang klase ng midya ang wika at naratibong itinampok dito, ang estruktura at
daloy ng kwento, ang mga tunog at imahen na ginawang representasyon ng
realidad at iba pang aspekto ng mediasyon ay hindi neutral—bagkus may,
sinasalamin at kinakatawan itong mga diskurso, ideolhiya, at kapangyarihanhgg
sosyal, kultural, at ekonomik. Nakapaloob dito ang pagpapahalaga, interes, at
adyenda ng mgfa prodyuser.

Ang ano mang napapanood, naririnig, at maging nababasa natin sa tradisyonal o


modernong midya man ay may kani-kaniyang layunin na bunsod ng tao o
organisasyong nasa likod nito. Sa kasalukuyan, hindi na maaaring iilang pandama
ang ating gingamit sa paghalaw ng mensahe mula sa mga nasasaksihan natin.
Lalong nangangailangan ng magkaagapay ang ating mga pandama at ang ating
matalas na isip sa pagbibigay katuturan sa mga midyang abeylabol. Ito ay para
makasiguradong lubos at tama ang mga impormasyong makakarating sa atin at ang
maibabahagi natin sa iba. Kailngan na nating tanggapin na binubuo ng tinatawag
na binary opposition ang mundo sa kadahilanang walang neutral at ang mga bagay
ay nasa pagitan lamang ng positibo at negatibo, masama o mabuti, sang-ayon o
hindi.

Ayon sa website na MindTools may anim na paraan upang malaman ang fake
news.

Ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na
naglalaman ng ilang katotohanan ngunit hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan
ng aksidente o disenyo. Sinasabi rin ng ilang tao na ang mga totoong kwento ay
“fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa kanila. Maaari itong
humantong sa mapanganib na pagwawalang bahala na mahahalagang payo.

Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa pag-uugali


sa lugar ng trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pag-
aaral, at naging sanhi ng pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya
mahalaga na malaman kung paano ihiwalay ang tunay mula sa mga pekeng
impormasyon. May ilang hakbang upang malaman kung ang impormasyon ay
lehitimo o hindi.
 Una ay ang pagbuo ng kritikal na pagtingin sa mga impormasyon.
 Kailangan din na maging mapanuri sa pinamulan ng impormasyon.
 Mahalaga rin na kilalanin kung sino ang pinagmulan ng impormasyon at
suriin ang mga katibayan.
 Huwag magpadala sa tinatawag na “face value” ng mga impormasyon.
 Hindi kasiguraduhan ang magandang presenstasyon ng tama at lehitimong
batis ng impormasyon.
 Higit sa lahat suriin kung “tunog tama” ba ang pahayag o impormasyon.

Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin,


panonood ng mga palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang
lahat ng ito ay sa maaring magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay
kompyuter.

Mass Media o pangmadlang midya ang ginagamit ng karamihan na


mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay nangangahulugang teknolohiya
na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay pangunahing
paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa
pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay
pahayagan, magasin, radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay
karaniwang umaasa sa pangmadlang midya upang magbigay ng impormasyon
tungkol sa mga isyung pampulitika, lipunan, libangan, at balita sa kulturang
popular.

Ayon kina Maxwell McComb at Donald Shaw, ang pangmadlang midya ang
nagtatakda kung ano ang pag uusapan ng publiko kung si George Gerbner, ang
midya, lalo na ang telebisyon, ang tagapagsalaysay ng lipunan na lumilinang sa
kaisipan ng mga madalas manood na ang mundoy magulo at nakakatakot kung si
Marshall McLuhan, binabago ng midya ang simbolikong kapaligiran ng mga tao at
naiimpluwensiyahn nito ang kanilang pananaw, karanasan, ugali, at kilos kung
kaya’t masasabng “ang midyum ay ang mensahe”; at kung si Stuart Hall ang midya
ang nagpapanatili sa ideolohiya ng mga may hawak ng kapangyarihan sa lipunan
(Griffin, 2012). Sa makatuwid, kailangang maging mapanuri at kritikal sa mga
impormasyong nakukuha sa midya upang magamit ang mga ito sa
kapakinabangan, sa halip na kapahamakan.

Dapat ding maging mapanuri sa mga impormasyong nakukuha sa harapang


pakikipag usap. Ang sinasabi ng ekperto, mahal sa buhay, matalik na kaibigan,
sikat na artista, politiko, o tinitingala sa lipunan ay hindi awtimatikong
katotohanan. Mahalaga ang pagtatasa, pagtitimbang, at pagtatahi ng mga
impormasyon-–mula sa mga taong nkakaranas hanggang sa mga kinikilalang
dalubhasa sa paksa ng komunikasyon o penominang pinaguusapan.

Bukod sa batis ng impormasyon, dapat ding isaalang alang ang pamamaraan ng


pagkuha ng impormasyon, ang konteksto ng impormasyon, at ang konteksto ng
pinagkunan o pingmulang impormasyon. Ang maling pamamaraan ay
humahantong sa palso at di angkop na datos. Ang konteksto ang nagbibigay ng
linaw sa tukoy na kahulugan ng impormasyon at nagsisilbing gabay sa
interpretasyon nito. Dagdag pa, konsiderasyon din kung anong pamamaraan ang
gagamitin sa 14 pagsusuri ng impormasyon para makabuo ng sariling pahayag na
magagamit sa isang tukoy na sitwasyong pangkomunikasyon. Ang maling
pamamaraan ng pagsusuri ay nagreresulta sa kaalamang hindi maaasahan at kahina
hinala ang katampukan.

Higit sa lahat sa bawat hakbang na gagawin natin sa pagpoproseso ng


impormasyon, kailangang magtiwala tayo sa kakayahan ng Filipino bilang
mabisang wikang pag unawa at pagpapaunawa; gayundin,b magtiwalatayo sa
kaangkupan ng mga katutubong metodo sa pagkalap at pagsusuri ng impormasyon.
sa paggamit ng wikang Filipino at katutubong pamamaraan, mas magiging
maigting at malaman ang komunikasyon sapagkat nagkakaintindihan ang mga
kalahok at mas nakakaugnay sila sa paksa dahil paksa dahil an gating wika ay
“hindi lamang daluyan kundi tapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura” natin
bilang mga Pilipino.
Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magsaliksik ng sampung impormasyon mula sa
mga pang-madlang midyang abeylabol sa kani-kanilang tahanan. Kailangang
ipahayag ng mga mag-aaral kung lehitimo o fake news ang impormasyon at kung
paano nila nasabi na ang impormasyon ay lehitimo o nabibilang sa fake news batay
sa napagtalakayan. Ang sagot ng mga mag-aaral ilalagay sa isang matrix. Ang
awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro
para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit
ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text
messaging o chat gamit ang messenger. Gamitin ang batayan para sa matrix.
Impormasyon Pinagmulan Lehitimo/Fake News Katunayan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan na gumawa ng isang infographics na manghihikayat
sa mga awdiyens na labanan ng pagkalat ng fake news. Ang infographics ay
kinakailangan maging mapanghikayat at nagbibigay kaalaman. Ang awtput ng mga
mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data,
maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger. Ang rubrik sa ibaba ang gagamiting batayan ng guro sa
pagmamarka.

Kategorya Napakahusay Mahusay Kulang sa Iskor


(5) (3) Kasanayan
(1)
Nilalaman Komprehensibo ang Malinaw ang Naging mahaba ang
ginawang paglalahad pagkakalahad ng pagtalakay sa paksa
ng impormasyon, paksa, nagtataglay at hindi kakikitaan
malinaw ang paksa, ng mga ng mga
at akma ang importanteng detalye mahahalagang
disenyong ginamit. subalit hindi naging impormasyon at
Kumpleto ang mga mapanghikayat ang hindi rin naging
detalye at kakikitaan infographics na mapanghikayat ang
na dumaan sa nabuo ng mag-aaral. infographics na
masusing pagiisip nabuo ng mag-aaral.
ang infographics.
Mekaniks Lubhang mahusay at Mahusay at lohikal Nagtataglay ng
lohikal ang ang pagkakahanay kompletong
pagkakahanay ng ng impormasyon, impormasyon subalit
mga impormasyon, naiorganisa ang mga hindi naihanay ng
naiorganisa ang mga detalye, nagamit ang lohikal ang mga
detalye, maayos ang mga pang-ugnay detalye na
pagkakagamit ng para mailahad tindig. magpapatibay sa
mga pang-ugnay Ang paliwanag ay ideyang tinatalakay.
para mailahad ng malinaw at May bahagi ng
buong husay ang makabuluhan subalit infographics na
tindig, may kaisahan kinakulangan ng nakapagdulot ng
ang mga ideya, at mga salitang kalituhan sa
naging malinaw, magpapaigting ng mambabasa dahil sa
mahusay at pagkaunawa ng ilang pahayag na
makabuluhan ang mambabasa sa hindi kaugnay ng
pagtalakay sa infographics. infographics.
infographics.
Orihinalidad Ang infographics ay Ang infographics ay hindi
orihinal. orihinal.

Kabuuang Iskor

You might also like