You are on page 1of 5

Brix Aguason

ABM 2

Gawain 2
Sa iyong sariling pananaw, ano nga ba ang kahalagahan ng pagsusulat at ang akademikong pagsulat?

- Para sa akin, ang pagsusulat at akademikong pagsulat ay mahalaga sapagkat ito ay nakakapag bigay ng
impormasyon at kaalaman sa bawat mambabasa. Sa pagsusulat ay maaari mong ipahayag ang iyong
nararamdaman o gustong sabihin sa mambabasa. Sa akademikong pagsulat naman ay propesyonal na
pagbibigay impormasyon o kaalaman at ito ay kailangan ng matagal na pagsusuri at mataas na kaalaman
sa paksa. Bilang konklusyon, mahalaga ang pagsusulat at ang akademikong pagsusulat sapagkat ito ang
pagbibigay alam sa mga nagbabasa.

Gawain 3.1
1. Ano kahulugan ng akademikong pagsulat batay sa iyong binasa?
- Ang akademikong pagsulat ay ang pagsulat na nangangailangan ng kaalaman sa pagsusulat at kailangan
ito ng matagal na pagsusuri. Ang paksa dapat ay malinaw sa mambabasa at ito dapat ay pormal. Ito ay
pawang katotohanan lamang at hindi ito bumabatay sa pananaw o opinion.

2. Ano-ano ang kabutihang dulot ng akademikong pagsulat sa buhay ngayon at sa susunod


pang mga taon?
- Ang akademikong pagsulat ay mahalaga sa buhay natin maging sa kasalukuyan sapagkat ito ay
nagbibigay tulong satin sa pamamaraan na pagbibigay impormasyon at kaalaman satin. Ang kaalaman
na iyon ay maari nating gamitin sa pang araw a raw maging sa kasalukuyan.

3. Bilang isang mag-aaral, naniniwala ka bang dapat talagang kunin ng lahat ang kurso at
asignaturang ito? Ipaliwanag ang sagot.
- Dapat natin kunin itong asignaturang Filipino sa Piling Larangan – Akademik sapagkat ito ay
nagpapalawak sa ating bokabularyo at matuturuan din tayong magbigay ng kaalaman sa bawat tao na
alam nating makakatulong sa mga mambabasa.

4. Isa-isahin ang mga layunin at kahalagahan ng pagsusulat. Naranasan mo na ba ang


benepisyo upang higit na mapaunlad ang iyong kasanayan?
- Napapaunlad nito ang ating sarili sapagkat ang pagsusulat ay nagbibigay ng kaunlaran at karanasan
satin. Ang mga estudyante na kagaya ko na nagsusulat ay mas lumalawak ang kanilang pagiisip at mas
nagiging malikhain sa pamamagitan ng pagsusulat.
5. Ano-ano ang gamit o pangangailangan sa pagsusulat? Alin dito sa palagay mo ang
pinakamahalaga?
- Ang mga gamit o pangagailangan sa pagsusulat ay wika, paksa, layunin, pamamaraan ng pagsusulat
kasanayang Pampag-iisip, kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat, at kasanayan sa paghahabi ng
buong sulatin. Ang pinakamahalaga sa gamit o pangangailangan sa pagsusulat ay pamamaraan ng
pagsusulat sapagkat dito mababase kung ano ang layunin ng pagsusulat. Dito rin malalaman ang ideya o
paksa ng pagsusulat.

6. Ano idea ang mga kakailanganin sa pagsusulat na sa tingin mo ay napakahalaga. Ipaliwanag


nang puspusan ang bawat isa.
- Ang mga kakailanganin sa pagsusulat na napahalaga ay wika, layunin at pamamaraan ng pagsulat. Ang
wika ay mahalaga dahil sa wika mauunawaan ang nakasulat kaya dapat ito ay malinaw sapagkat ito ay
mahalaga. Ang layunin naman ay mahalaga sapagkat naroroon ang gabay upang maibigay sa
mambabasa ang impormasyon ng sulat. At ang pamamaraan ng pagsulat naman ay mahalaga sapagkat
dito mas magiging malinaw ang impormasyon sa paraan na akma sa paksa ng isusulat.

7. Alin sa mga katangiang dapat na taglayin ng isang akademikong pagsulat ang alam mo na
dapat na pagbutihin?
- Ang dapat pag butihin ng isang akademikong pagsulat ay malinaw at organisado sapagkat ang malinaw
na akademikong pagsulat ay madaling maiintindihan at malalaman ang impormasyon ng isang
akademikong pagsulat.

8. Sa mga sulating napag-aralan, alin dito ang pinakagusto mong gawin?


- Ang pinaka gusto kong gawin ay Malikhaing Pagsulat (Creative Writing). Sapagkat dito makikita ang
kalikhaan ko sa pagsusulat at sa pamamagitan ng aking mga sulat ay may mararamdaman ang mga
mambabasa sa aking pagsulat. Mapapalawak din nito ang aking kaisipan at mas lalong magiging
malikhain ang aking isipan.

Gawain 3.2
1. Bakit mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat
partikular ang pagsulat ng akademikong sulatin?
- Mahalaga matutunan ang akademikong pagsulat sapagkat ito ang pormal na ginagamit upang
mapahayag ang ideya ng isang manunulat. Ito ay kadalasan magagamit sa paaralan at maging sa trabaho
kaya mahalaga itong mapagaralan para magkaroon na tayo ng kaalaman sa bagay na gagamitin natin na
pang kinabukasan.
Gawain 4.1
1. Ang pangunahing layunin ng pagsulat na ito ay ang pagbuo ng isang pagaaral o proyekto.
- Teknikal na Pagsulat

2. Ang mga paraan na argumentatibo, deskriptibo, impormatibo, naratibo, at ekspresibo ay


nakapaloob sa pangangailangang ito.
- Pamaraan ng Pagsulat

3. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay mahatid ng aliw at makapukaw ng damdamin at


makaantig ng imahinasyon.
- Malikhaing Pagsulat

4. Gamit kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang dapat nakapaloob sa
sinusulat.
- Paksa

5. Ito ay anyong dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng mga doktor, nars, ihenyero at iba
pa.
- Propesyonal na Pagsulat

6. Ito ay nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga kaalaman at nilalaman ng pagsulat.


- Layunin

7. Ito ay nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang pagsulat.


- Wika

8. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama


gaya ng tula, dula, awit, at iba pang katulad.
- Personal o Ekspresibo

9. Ang sulatin itong may nauugnay sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editoryal,
lathalain at iba pa.
- Dyornalistik na Pagsusulat

10. Ito ay maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan sa


institusyong pang-edukasyon.
- Akademikong Pagsulat
Gawain 4.2
Katangian ng Akademikong Pagsulat
1. Obhetibo
- Ang pagsulat ng pang akademiko ay pawang katotohanan lamang ang dapat isulat hindi dapat
pananaw o opinyon

2. Pormal
- Gumamit ng pormal na salita sa akademikong pagsulat upang mas madaling maintindihan ng mga
mambabasa.

3. Maliwanag at Organisado
- Maayos ang pagkasunod sunod at malinaw ang sulat akademiko upang mabigyan diin ang ideya at
layunin ng isang sulat.

4. May Paninindigan
- Ang paksa ng isang akademikong pagsulat ay dapat ipokus ng isang manununulat. Ang pabagong
bagong paksa ay magiging magulo at hindi maipapakita ng matuwid ang paksang nais bigyan pansin o
pag-aralan

5. May Pananagutan
- Sa isang akademikong pagsulat ay dapat bigyan ng pananagutan at kilalanin ang mga nagbigay
impormasyon.

Gawain 5
1. Uri ng Akademikong Sulatin: Abstrak
Kahulugan: Ito ay uri ng lagom na kadalasan ginagamit sa pagsusulat ng mga akademikong papel
(academic papers).

Katangian:

1. Lahat ng impormasyon na ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin, hindi
pwedeng mag lagay ng kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2. Huwag gumamit ng sariling opinyon

3. Iwasan ang statistical figures dahil hindi ito nangagailangan ng detalyadong explenasyon.

Sanggunian: https://philnews.ph/2020/01/22/abstrak-ang-kahulugan-ng-abstrak-at-mga-dapat-gawin-
dito/
2. Uri ng Akademikong Sulatin: Talumpati
Kahulugan: ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.

Katangian:

1. Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,


magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o
paniniwala.

2. Nakakapag bigay ng impormasyon sa bawat makikinig na nakaaayon sa layunin.

Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati#Mga_sanggunian

Gawain 6
1. A
2. C
3. B
4. A
5. D
6. A
7. B
8. D
9. B
10. C

Pagninilay
Natutunan ko ang tungkol sa pagsusulat at mas lalo na ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
akademikong pagsulat. Nalaman ko na mahalaga na mapag aralan ang akademikong pagsulat sapagkat
ito ay magiging mahalaga satin biglang magaaral at maging sa kasalukuyan. Natutunan ko ang layunin ng
pagsusulat. Maging sa benepisyo, uri, at kagamitan o pangangailangan ng pagsusulat. Nalaman ko din
ang mga importanteng katangian sa akademikong pagsulat. Mas napalawak nito ang pagunawa ko sa
pagsusulat at mas napagaling pa ang pagsusulat ko.

You might also like