You are on page 1of 4

Tuwa

1st Mystery
The Annunciation
Ialay natin ang Misteryong ito upang ang Mabuting Balita ng ating Tagapagligtas, na unang
ipinahayag kay Maria, ay maipahayag sa buong mundo.

2nd Mystery
The Visitation
Ialay natin ang Misteryong ito na ang mga misyonerong nagdadala kay Kristo sa
malalayaong lugar ay palakasin sa pananampalataya at kabanalan.

3rd Mystery
The Birth of Jesus
Ialay natin ang Misteryong ito na ang mga anak ng Misyon, lalo na ang mga mahirap at
walang tirahan, nawa ay malaman at madama nila ang pag-ibig ni Hesus.

4th Mystery
The Presentation of the Child Jesus to the Temple
Ialay natin ang Misteryong ito na ang mga pamilyang Katoliko ng Misyon, sa pamamagitan
ng halimbawa ng kanilang buhay, ay maipakita ang pagmamahal ni Kristo sa kanilang mga
kapitbahay.

5th Mystery
The Finding of the Child Jesus in the Temple
Ialay natin ang Misteryong ito na ang lahat ng mga tao sa mga Misyon na namumuhay sa
kalungkutan ay makahanap ng kapayapaan at pag-asa sa mensahe ng Ebanghelyo.
Hapis

1st Mystery
The Agony in the Garden
Ialay natin ang Misteryong ito na ang lahat ng mga nasa Misyon ay madama ang presensya
ng Panginoon sa kanilang buhay.

2nd Mystery
The Scourging in the Pillar
Ialay natin ang Misteryong ito upang nawa ay matutunan natin magbahagi sa mga bata sa
Misyon na nagugutom at nauuhaw.

3rd Mystery
The Crowning with Thorns
Ialay natin ang Misteryong ito para sa Simbahan sa buong mundo, nawa ang ating mga
panalangin at pagsasakripisyo para sa Misyon ay maaaring makatulong na pasanin ang mga
pasanin ng ating mga kapatid.

4th Mystery
The Carrying of the Cross

5th Mystery
The Crucifixion
Ialay natin ang Misteryong ito upang ang mga nagugutom at nauuhaw para sa hustisya sa
Misyon ay makamit nang payapa at matagumpay ang minimithing hustisya.
Luwalhati

1st Mystery
The Resurrection
Ialay natin ang Misteryong ito para sa Simbahan sa buong mundo, upang ang ating
pananampalataya sa Buhay na Kristo ay maakit ang iba sa Kanya.

2nd Mystery
The Ascension
Ialay natin ang Misteryong ito uapang ang Kristo na nabuhay bilang isang tao at bumalik sa
Ama, ay magbigay sa lahat ng mga tao ng kaalaman tungkol sa daan tungo sa buhay na
walang hanggan.

3rd Mystery
The Descent of the Holy Spirit upon the Apostles
Ialay natin ang Misteryong ito para sa ating Santo Papa, Papa Francisco, na bibigyan siya ng
Banal na Espiritu ng karunungan, lakas at kabanalan sa paggabay niya sa Simbahan sa landas
ni Kristo.

4th Mystery
The Assumption of Our Lady into Heaven
Ialay natin ang Misteryong ito upang si Maria, na nagbigay ng katawang-tao ni Kristo sa
mundo, ay magbigay inspirasyon sa atin na bumubuo ng katawan ni Kristo sa mundo upang
ipahayag ang Kanyang mensahe sa lahat ng mga tao.

5th Mystery
The Crowning of Our Lady Queen of Heaven
Ialay natin ang Misteryong ito na sa pamamagitan ni Maria, Reyna ng Misyon, na ang mga
kabataang lalaki at kababaihan ay mag-aalay ng kanilang buhay sa Diyos bilang Pari at
Relihiyosa at maglingkod sa kapwa.
Liwanag

1st Mystery
The Baptism in Jordan
Ialay natin ang Misteryong ito na maibahagi natin lalong-lalo na ang mga Misyoneryo ang
bunga at biyaya ng ating sariling Binyag.

2nd Mystery
The Weeding at Cana
Ialay natin ang Misteryong ito na ang bawat pamilya ay maglaan ng oras at maging biyaya sa
iba.

3rd Mystery
The Proclamation of the Kingdom of God and Call to Conversion
Ialay natin ang Misteryong ito na ang bawat isa ay huwag matakot at mangamba na
paglingkuran ang Diyos at ang Simbahan sa pagtupad sa ating tungkuling mag Misyon.

4th Mystery
The Transfiguration
Ialay natin ang Misteryong ito para sa mga Kristyanong inuusig, nawa ay wag silang
mawalan ng pananampalataya at patuloy nilang ipahayag ang Mabuting Balita ni Kristo.

5th Mystery
The Institution of the Eucharist
Ialay natin ang Misteryong ito, para sa mga hindi pa din naniniwala o nagdududa sa totoong
presensya ni Kristo sa Banal na Eukaristiya. Ialay din natin ang Misteryong ito na ang banal
na Katawan at Dugo ni Hesus na ating tinatangap sa Banal na Misa ang ating paghugutan ng
lakas upang ipagpatuloy ang Misyon na iniwan ng Paginoon sa atin.

You might also like