You are on page 1of 4

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik

1. Pagpili ng Mabuting Paksa

Ito ang ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik na kailangan ang masusing pag-unawa.

Paksa- napakahalagang piliing mabuti upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik.
Nararapat pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabubuo
ng isang makabuluhang sulatin.

Ilang tanong na maaari mong itanong sa iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin:

Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng
ukol dito?

Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang


magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko?

Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?

Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?

Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak
ang paksang napili ko?

2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)

Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na

magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik. Naririto ang ilang

tanong na maaaring gumabay o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng pahayag ng tesis.

Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito? Layunin kong maglahad ng impormasyong magpapatunay
sa pinapanigan kong posisyon?

3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?

Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o

sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang mga
ito?

Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpiya.

Bibliyograpiya- ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko,
magasin, web site, at iba pang nalathalang materyal na ginamit. Ito'y maaaring isang 3”x5”

na index card na kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon:

A. Pangalan ng awtor
B. Pamagat ng kanyang isinulat
C. Impormasyon ukol sa pagkakalathala

- mga naglimbag

-lugar at taon ng pagkakalimbag

-pamagat ng aklat

D. Ilang mahalagang tala ukol sa nilalaman


Hindi lahat ng mga sangguniang itinala sa pansamantalang bibliyograpiya ay magagamit subalit
mahalaga pa ring kunin ang lahat ng makikitang may kaugnayan sa paksa spagkat maaaring sa

panahon ng pagsusulat ay makatulong ito sa iyo at hindi ka na kailangang manghagilap ng iyong


gagamitin dahil alam mo na kung saan mo ito mahahanap.

4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas

Mahalaga ito upang magbigay direksyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-
anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaaring gamitin ang mga inihanda mong card ng
bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. Pangangalap ng Tala o Note Taking

Iminumungkahing isulat nang maayos ang iyong mga tala. Gumamit ng index card na

mas malaki kaysa sa ginamit mo sa bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa bukod sa mas marami
kang maisusulat sa mas malaking card.

Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang tala. Kung kukulangin ang isang index card ay

maaaring magdagdag pa ng ibang card.

A. Maaari kang gumamit ng 3 uri ng tala:


1. Tuwirang sinipi - kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi
sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
2. Buod- ito'y pinaikling bersiyon ng isang mas mahabang teksto. Ito'y maikli subalit nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin sa
pagkalap ng tala.
3. Hawig - kung binago lamang ang mga pananalita subalit mananatili ang pagkakahawig sa
orihinal.

6. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline

Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay

pang kailangang baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na

balangkas ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong burador.

7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft

Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang magsimulang

sumulat ng iyong burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng:

A. Introduksiyon na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,

B. Katawan nakababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas

C. Konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik. Pag-ukulan
ng pansin ang pagkakaugnayugnay ng mga kaisipan. Dapat ding isaalang-alang na ang wikang gagamitin
ay payak ngunit malinaw; tama ang baybay, bantas, at kaayusang panggramatika; pormal ang anyo; at
karaniwang nasa ikatlong panauhan.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong

borador. Pag-ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong
gamit, pamamaraan ng pagsulat, at angkop na talababa o footnote.

Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng iyong sulatin. Ihanda ang paunang salita,

talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.

Sa pagsulat g bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang sumusunod:

Pangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga

aklat, pahayagan, web site, at iba pa.

Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mg awtor gamit ang apelyido bilang basehan.

Isulat ang bibliyograpiya gamit ang iba't ibang estilo ng pagsulat nito.

APA (American Psychological Association)

Para sa mga aklat

- Apelyido ng awtor, pangalan ng awtor.

(Taon ng Paglilimbag) Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.

Hal. Almario S, Virgilio,

(2010) Filipinong Wika. Quezon City: Aninao Publishing, Inc.

Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin

-Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor.(Taon ngPaglilimbag)

Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #.

Hal. Lala, Anna.(Agosto 3, 2017)

To Create a World Without Nuke. Philippine Daily Inquirer, 76. (276), 3.


Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet

- Awtor. (Petsa ng Publikasyon)

“Pamagat ng Artikulo o Dokumento.”

Pamagat ng Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o ginamit

mula sa buong web address simula sa http://.

Hal.

Ma. Gemma C. Cruz.(Hunyo 4, 2010)

“Kahirapan ng mga Tao.”

Udyong Bataan Official Website.Oktubre

5,2014.http://udyong.gov.ph/teacherscorner/5679-kahirapan-ng-mga-tao

9. Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik

Pagkatapos pagdaanan at isigawa nang mabuti ang naunang walong

hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang

pormat na ibinigay ng iyong guro.

You might also like