You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IV (Panitikan)

I. Mga Layunin
Sa pamamagitan ng mga graphic organizer at plot chart, 85% ng mga estudyante sa ikaapat na taon ay
inaasahang;
a) natutukoy ang mga tauhan sa kwento;
b) napapakahulugan ang mga piling salita mula sa akda;
c) nailalahad nang may kawastuhan ang mga natapos na gawain sa bawat pangkat;
d) naiuugnay ang mga pangyayari mula sa kwento sa totoong karanasan sa buhay;
e) napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kwento;
f) nakabubuo ng isang liham; at
g) nasasagot ang mga tanong tungkol sa detalye ng kwento.

II. Paksang Aralin

Paksa: Si Alelu'k at Alebu'tud


Sanggunian: Internet
Alamat ng mga Unang Panahon
www.elaput.org/almat24.htm
Kagamitan: Mga larawan, pirasong titik, kompyuter at paso

Kasanayan: Paghahambing, paghahalaw, pagbuo ng sariling wakas ng kwento, katatagan sa


pagbibigay ng desisyon.

Kahalagahang Moral: Pagmalas ng pagmamahal sa mga mahahalagang tao ay isa sa mga


pinakaimportante upang mapatunayan ang bukod-tangi nating pagmamahal sa kanila.

III.Pamamaraan

A.Pangganyak
Ipapaskil ang mga larawan sa pisara

Pagtigil ng hininga
Kandila

Puntod

Pagkaulila

Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Ano ang naiisip ninyo o pumapasok sa inyong mga isipan kapag nakikita anga mga larawang ito?
2. Sinu-sino sa inyo ang takot at hindi takot sa kamatayan?Ipaliwanag ang sagot.
3. Kung darating ang isang araw na biglang mawalay sa inyo ang pinakamamahal mong tao dahil sa
kamatayang biglaan, paano mo ito haharapin?

Ganoon din ang nangyayari kay aleluk. Isang tahan sa kwento ng Rehiyon XI nang mawalay sa kanya nang
biglaan ang pinakamamahal niyang tao. Hindi ko sasabihin kung snio ang taong yaon, saan ito nangyayari, at
ano ang dahilan kung bakit siya nawala. Isulat sa pisara ang mga tanong na gusto ninyong makunan ng
kasagutan tungkol sa kwento.

Inaasahang tanong:
1.Anoang pamagat ng kwento?
2. Sino si Aleluk?
3. Sino ang taong mahal ni ALeluk na biglang nawalay sa kanya?
4. Bakit nawalay kay Aleluk ang taong mahal niya?
5. Paano hinarap ni Aleluk ang nangyari sa kanya?

B. Pag-alis ng Sagabal
• Papangkatin ang klase sa tatlo. Ipaalam sa mga mag-aaral ang larong gagawin. Sabihin rin sa mga mag-
aaral na ang bawat pangkat ay bibigyan ng 50 pundong puntos na gagamitin sa laro. Ang pundong puntos ay
maaaring madagdagan o mabawasan.
• Ipapaskil sa pisara ang limang briefcase na nagtataglay ng mga salitang pinulot sa napiling akda. Ang
mga salita ay nakatago sa loob ng bawat briefcase. Taglay rin sa ilalim ng salitang nakatago sa loob ng bawat
briefcase ang dalawang salitang pagpipilian ng bawat pangkat. Pipili ang bawat pangkat ng isang salitang sa
tingin nila ay ang tamang kahulugan ng salitang pinulot mula sa akda. Hindi sasabihin ng guro ang tamang
sagot ngunit sa halip ay ang guro ang maghihikayat sa bawat pangkat na piliin ang salitang gusto niyang piliin
ng bawat pangkat katumbas ang ibibigay na puntos. Itatanong ng guro ang "Deal or No Deal" sa bawat pangkat.
Deal ang isasagot ng pangkat kapag hindi na ito magbabalak na baguhin ang sagot at NO DEAL naman kapag
ang pangkat ay nagbabalak na baguhin ang napiling sagot. Dalawang beses lamang maaaring itanong ng guro
ang DEAL OR NO DEAL. Makukuha ng pangkat ang puntos na itinaas kapag ang napiling sagot ay tama at
kapag mali ang napiling sagot, ibabawas ang itinaas na puntos sa pondong puntos ng pangkat.

Pagkatapos maibigay ang tamang kahulugan ng mga salitang napulot sa kwento, ipabasa angmga salita at
kahulugan nito nang sabay-sabay. Para sa lubusang pagkaunawa sa mga salita, tumawag ng mga mag-aaral at
ipagamit ang mga salita sa makabuluhang pangungusap.
Halimbawa:
Hindi namalayan ng matanda na sinakmal na pala siya ng nagngingitngit sa galit na aso.

C. Paglalahad
Ipapabasa ng sabay-sabay sa klase ang kwentong si Alelu'k at Alebutu'd.

Si Alelu’k At Si Alebu’tud
SINA Alelu’k at Alebu’tud ay magkasamang nakatira sa kanilang sariling kubo sa bundok. Nag-iisa sila
at walang mga kapitbahay. Isang araw, nagpa-alam si Alelu’k sa kanyang asawa, “Manghuhuli ako ng baboy
damo.” Nangahoy nga si Alelu’k, kasama ang kanyang tatlong aso at dala ang kanyang tidalan, subalit wala
siyang natagpuang baboy damo. Sa halip, sa liblib ng gubat, namataan niya ang isang usa, malaki na ang sungay
kaya natiyak niyang matanda na.

Sinugod ng mga aso at sinakmal ang usa upang hindi makatakas. Sunod ang tumatakbong Alelu’k at pinatay
ng tindalan ang hayop. Tapos, pumutol siya ng yantok sa tabi, itinali sa sungay ng usa at hinatak ang hayop
pauwi. Sa bahay, sinalubong siya ni Alebu’tud. Tuwang-tuwa ang mag-asawa at marami silang pagkain.

Humakot sila ng mga panggatong at iba pang kahoy. Nagparikit sila ng apoy, gamit ang mga
panggatong, at nagbaon ng mga tukod sa paligid, gamit ang ibang kahoy. Sa tuktok ng mga tukod, nagtali sila
ng banghay na kahoy, naka-ibabaw sa apoy. Duon nila inilatag ang patay na usa upang masunog ang balahibo.
Pagkatapos, kinaskas nila hanggang nalinis ang balat ng hayop.

Sinimulan ni Alelu’k na katayin at pagpira-pirasuhin ang usa. Samantala, hinugasan ni Alebu’tud ang
malaking palayok at nilagyan ng tubig upang ilaga ang pira-pirasong laman at buto ng usa. Naubusan ng tubig
si Alebu’tud kaya nagtungo siya sa ilog, dala ang kanyang sekkadu, subalit mas lapat ang tabò, isang biyas ng
kawayan.

Nakayapak sa ilog, umigib ng tubig si Alebu’tud. Nang puno na ang sekkadu, pinasan niya at
nagsimulang umakyat sa pampang subalit biglang lumundag ang isang dambuhalang isda at sinakmal si
Alebu’tud. Pumalag ang babae subalit hindi siya nakahiyaw dahil hinila siya ng isda sa ilalim ng tubig. Duon
nalunod ang babae at kinain nang buo ng isda.

Sa bahay, naghintay si Alelu’k subalit hindi na niya nakita kailan man ang asawa. Araw-araw, hinanap
niya at araw-araw, umiyak siya sa lungkot sa pagkawala ni Alebu’tud. May sapantaha na ibang lalaki ang
dumukot at tumangay kay Alebu’tud, subalit walang katibayan ito kahit na ano.

D. Pagtatalakay

1. Bago Bumasa
Ibibigay ang mga kagamitan ng bawat pangkat.
Bago babasahin ang kwento, ipapaalam sa bawat pangkat ang mga gawain. Bibigyan ang bawat pangkat ng
tig-iisang cartolina, pentil pen, isang puting papel sa siyang gabay ng bawat pangkat sa gagawin. Maaari ring
ipaliwanag sa guro ang mga gawain.

Pangkat 1: Paggawa ng isang graphic organizer "Flow Chart" na nagpapakita ng mga detalye sa kwento. Isulat
sa cartolina. Pumili ng isang miyembro upang ilahad ang ginawa ng pangkat. Gawin ito sa loob ng sampung
minuto.
Pangkat 2: Paggawa ng isang "P.L.O.T." tsart o (Pamagat Lugar, Oras, Tauhan). Isulat as cartolina. Pumili ng
isang miyembro upang ilahad ang ginawa ng pangkat.

Pangkat 3: Wakas na Winakasan


Pagsulat ng sariling wakas ng kwento. Magdagdag ng mga pangyayari upang magtagumpay ang mga tauhan sa
kwento. Isulat sa cartolina. Pumili ng isang miyembro upang ilahad ang ginawa ng pangkat.
2. Habang Bumabasa
Pagbabasa ng tahimik sa kwentong Alelu'k at Alebu'tud. Gagawin sa limang (5) minuto.

3. Pagkatapos Bumasa
Paggawa ng gawain na inilahad ng guro sa number 1 (10 minuto) at paglalahad ng bawat pangkat (5 minuto).

E. Pagpapalawak
1. Ano ang naramdaman mo sa wakas ng kwento?
2. Nabigyan ba si Alelu'k ng katarungan sa biglaang pagkawala ng mahal niya sa buhay?
3. Kung ikaw si Alelu'k, paano mo tatanggapin ang pangyayar?Anu-ano ang mga nagiging pagsisisi mo sa
buhay?Bakit?
4. Ano ang naramdaman mo habang binasa mo ang kwento?
5. Anong mensahe ang naikintal sa inyong puso at isipan nang binasa ninyo ang kwento?

F. Paglalapat
Pagsusulat at pagsusunog ng mga maling nakaugaliang gawin sa mahal sa buhay. Isusulat ang mga gustong
baguhin sa papel at pagkatapos, susunugin nila ito sa loob ng paso na inihanda ng guro sa harap. Gagawin ito sa
labas ng silid aralan..

IV. Ebalwasyon
A. Pagbabaybay
Panuto: Piliin sa hanay A ang kahulugan ng mga salita sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot. (6 na
puntos)
Hanay A Hanay B
______ 1. sinakmal a. ratan
______ 2. yantok b. kinagat
______ 3. nagparikit c. nagsindi
______ 4. banghay d. kwadro
______ 5. sekkado e. nakahiyaw
______ 6. nakasigaw f. timba

V. Takdang Aralin
Panuto: Sagutin ang tanong sa 1/2 na papel.
Sino ang mahal mo sa buhay na sukabilang buhay na at gusto mong makitang muli?Bakit?Ano ang sasabihin
mo sa kanya? (10puntos)

You might also like