You are on page 1of 12

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 2
Paghahanda ng Komunidad sa
Panahon ng mga Kalamidad
Unang Markahan – Ikawalong Linggo

Sharon D. Cortez
Manunulat
Annie D. Pesito
Tagasuri
Mariel Eugene L. Luna
Editor at Layout
Annie D. Pesito Edsel B. Basilla
Edwin L. Abalos Irene U. Destura
Katibayan ng Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Sa araling ito malalaman mo ang mga paghahanda
na maaaring gawin sa mga panahon ng kalamidad.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng
mag-aaral ang sumusunod.
1. naisasagawa ang mga wastong gawain sa
tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad; at
2. natutukoy ang mga wastong gawain sa tahanan at
paaralan sa panahon ng kalamidad

PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan sa


ibaba. Isulat ang letra ng tamang sasot sa patlang.

______1. Ito ay isang sakuna na maaaring nagmula sa


natural na kondisyon ng panahon at kalikasan
tulad ng lindol.
A. kalamidad B. panahon C. oras

_______2. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin kung


may parating na bagyo sa ating komunidad?
A. manatili sa bahay at makinig sa balita.
B. lumabas ng bahay upang bumili sa tindahan.
C. mataranta at magpanic agad kasama ang pamilya.

2
______3. Magsasagawa ng Earthquake Drill ang inyong
paaralan para sa kahandaan ng bawat isa. Alin
sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
wastong pagsasanay ng gawain?
A. Nagtakbuhan at nagtulakan ang mga bata.
B. Nagsagawa ang mga bata ng duck, cover and
hold.
C. Maingay at nag – uusap habang lumalabas ng silid-
aralan.

______4. Ang inyong komunidad ay nakaranas ng


malakas na lindol. Dahil dito kayo ay pinalilikas
dahil sa panganib na dulot nito. Ano ang dapat
ninyong gawin?
A. Hindi iiwan ang bahay dahil baka ito ay
manakawan.
B. Lilikas agad kasama ang pamilya para makaiwas sa
panganib.
C. Magpapaiwan sa bahay upang may magbantay
sa tahanan.

________5. Napakinggan mo sa radyo na mawawalan ng


suplay ng kuryente sa inyong lugar dahil sa malakas
na bagyo. Ano ang dapat ninyong gawin?
A. magdasal na lamang na hindi mawala ang
kuryente.
B. hindi papansinin ang napakinggang babala.
C. maghanda ng flashlight at radyong de kuryente.

3
Basahin at sagutin ang mga tanong.
1. Ano – anong kalamidad o sakuna ang nararanasan
sa ating bansa?
2. Paano tayo makakapaghanda at maging ligtas sa
mga kalamidad?

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento sa


ibaba upang masagutan ang mga sumusunod na
katanungan.
Napanood kagabi ni Lito sa balita na may bagyong
padating sa ating bansa. Kasama ang lungsod ng Muntinlupa sa
madadaanan ng bagyo kung saan sila naninirahan. Dahil dito,
dali – dali niyang nilapitan ang kanyang mga magulang upang
ibalita ito. Isa sa mga paghahandang ginawa ng kanyang ama
ay tingnan ang bubong ng kanilang tahanan upang masiguro
na ito ay walang butas at hindi matatangay ng malakas na
hangin. Naghanda ang kanyang ina ng first aid kit at nag imbak
ng mga pagkain. Naghanda din sila ng flashlight at kandila
upang magamit kapag nawalan ng kuryente sa kanilang lugar.
Kaya naman, ang paghahandang ginawa nila ay nakatulong
upang mabawasan ang pangamba sa bagyong parating.

Mga Katanungan:
1. Ano ang napanood ni Lito sa balita?
_________________________________________
2. Bakit niya ito agad ipinarating sa kanyang mga
magulang?
_________________________________________________
4
3. Ano – anong mga hakbang ang kanilang ginawa sa
paghahanda?
_________________________________________________
4. Bakit kailangan paghandaan ang mga kalamidad
na maaari nating maranasan?
______________________________________________
______________________________________________
5. May mga paghahanda rin ba kayo na ginagawa sa
inyong tahanan? Isulat ang iyong sagot.
___________________________________________________
__________________________________________________
Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba, maaari
mo bang tukuyin ang mga paghahandang kanilang
ginawa sa pagharap sa kalamidad?

(pinagkunan: https://tinyurl.com/tf9zws56 on May 5, 2020)

Ang mga larawan na iyong nakita ay ilan lamang sa


mga gawain sa panahon ng kalamidad. Ano nga ba ang
kalamidad? Ang kalamidad ay isang pangyayari na
nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari – arian,
kalusugan at ng mga tao sa lipunan. Halimbawa nito ay
lindol, bagyo, pagputok ng bulkan, sunog at iba pa. Kung
ganon, ano – ano naman ang dapat nating gawin sa
panahon ng kalamidad?
5
Sa ating tahanan,
maaari nating gawin ang
mga sumusunod kung tayo
ay makararanas ng bagyo
sa komunidad:
Ugaliing makinig sa radyo
manood ng balita sa
telebisyon at magbasa ng
pahayagan upang
maging handa sa bagyong papasok sa bansa.

Bago pa man dumating


ang bagyo, alisin ang mga
basura na maaaring bumara
sa mga alulod ng bubong,
kanal, at mga ilog, upang
makadaloy ang tubig na
galing sa malakas na ulan.
Makatutulong ito para hindi
umapaw ang daluyan ng
tubig. Hindi makalabas ng
tahanan ang mga tao
habang lumalakas ang bagyo dahil sa lakas ng hangin at
panganib na dulot ng kalamidad, kung kaya’t mainam na
ihanda ang mga pangangailangan sa paparating na
bagyo.

6
Mainam na maghanda ng
mga lente o flashlight, posporo,
kandila, at radyong de baterya
upang kung sakaling mawalan
ng kuryente mayroong
magsilbing liwanag sa dilim at
makapakinig pa rin ng mga
balita tungkol sa bagyo.

Mainam rin na may


imbak na tubig na inumin,
bigas, mga pagkaing
hindi agad nasisira tulad
ng delata, packed
noodles at biskwit.

Kailangan din ng first aid kit at mga gamot laban sa


lagnat, ubo, sipon at impeksyon.

Maghanda rin ng mga supot o plastik na pwedeng


imbakan ng mga damit sakaling tumaas ang tubig at
bumaha. Isilid din sa plastik ang mga mahahalagang

7
papeles at ilagay sa ligtas na lalagyan. Manatili sa loob ng
bahay kasama ang buong pamilya hangga’t matapos
ang bagyo at manalangin para sa kaligtasan ng lahat.
Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang
kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gasul, at
nakandado ang pinto ng bahay. Huwag kalimutang
dalhin ang mga mahahalagang bagay tulad ng gamit
pang emergency at mga importanteng dokumento.

Sa ating paaralan ay may isinasagawa namang


Earthquake Drill at Fire Drill. Sa mga pagsasanay na ito ay
pinaghahanda ang mga batang tulad mo, guro at pati
mga kawaning di - nagtuturo sa paaralan kung ano-ano
ba ang dapat gawin kung sakaling makaranas tayo ng
lindol. Natatandaan mo pa ba ang “Duck, Cover and
Hold”?
Magtago sa ilalim na matitibay na desk o sulatan na
mesa, o bangko,at kumapit. Kung walang desk takpan
ang iyong mukha at ulo ng iyong mga braso o bisig o
kumuha ng kahit anong gamit na pantakip. Sa
pagsasagawa ng mga drill na ito marapat lamang na
hindi magtakbuhan, magtulakan at manatiling kalmado
sa paglabas ng inyong silid – aralan.

8
GAWAIN A.
PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng wastong pagkilos o gawain kapag may
kalamidad at MALI kung hindi.
_______1. Lagi kaming nanonood ng balita tungkol sa
ulat panahon.
________2. Hindi namin iiwan ang aming tahanan kahit na
sinabihan kaming umalis dito dahil baka
manakawin kami.
________3. Natatawa ako at nakikipagdaldalan habang
may isinasagawang earthquake drill sa aming
paaralan.
________4. Susunod kaming mag – anak kung kami ay
pinalilikas sa aming lugar na binabaha.
________5. Nakahanda lagi ang aming first aid kit na may
mga gamot ano mang oras at sakuna ang
maganap.
Gawain B.
Gumupit ng limang larawan ng mga mahahalagang
bagay na dapat ihanda sa panahon ng kalamidad at
idikit sa coupon bond. Sumulat ng limang pangungusap
kung bakit ito ay mahalaga sa panahon ng kalamidad.

9
• Mahalaga na tayo ay makapaghanda ng mga sa
mga sakuna o kalamidad na maaaring dumating sa
ating lugar.

• Siguraduhin na may nakahandang mahahalagang


gamit tulad ng gamot, pagkaing hindi madaling
masira, tubig at ang mga mahahalagang papeles
ay nasa isang lalagyan na madaling madala sa oras
ng paglikas.

• Makipag – ugnayan at makipagtulungan sa lokal na


pamahalaan kung kinakailangan.

PANUTO: Maglista ng mga Gawain o kilos na inyong


ginagawa sa inyong tahanan sa panahon ng kalamidad.
Ang Aming Paghahanda sa Panahon ng Kalamidad.
1. _________________________________________________

2. _________________________________________________

3. _________________________________________________

4. _________________________________________________

5. _________________________________________________

10
Panuto: Lagyan ng kung dapat gawin at kung
hindi sa panahon ng kalamidad.
________1. Sa oras na lumindol ay lumabas kaagad ng
bahay.

________2. Ugaliing makinig ng balita sa radyo at telebisyon


tungkol sa paparating na bagyo.

________3. Lumikas kung may panganib dulot ng


kalamidad.

________4. Lumabas ng bahay sa panahon ng bagyo.

________5. Alisin ang mga basura sa kanal at kalat na


maaaring bumara sa mga daluyan ng tubig
bago pa dumating ang bagyo.

11
Susi sa Pagwawasto
5. TAMA 5.
5. C
4. TAMA
4. B 4.
3. B 3. MALI
2. A 2. MALI 3.
1. A 1. TAMA
GAWAIN A 2.
UNANG PAGSUBOK
1.
PANG – WAKAS NA PAGSUSULIT

Sanggunian

• Aralin sa Panlipunan 2, Kagawaran sa Edukasyon, Republika ng PilipinasUnang Edisyon,2013


ISBM.9-9601-32-6SINULAT NINA: GLORIA M. CRUZ, CHARITY A. CAPUNITAN, EMELITA C. DELA ROSA, LEO F.
AROOBANG
PP.87-91
• Bayanihan 2, Araling Panipunan by Daryll A. Mortel
The Inteligente Publishing Inc.2017
pp.143-162
• LUNDAY 2, Ikalawang Edisyon 2019 by. Carolina P. Danao, Phd at Babeth M. Reyes
pp.71-75
• Aralin sa Panlipunan 4, Kagawaran sa Edukasyon, Republika ng Pilipinas
Unang Edisyon,2013
MGA LARAWAN:
https://tinyurl.com/tf9zws56 - May 5, 2020
https://tinyurl.com/x6re9f4d – May 5, 2020
https://tinyurl.com/a6jc86f4 – May 5, 2020
https://tinyurl.com/34fr46f2 – M,ay 5, 2020
https://tinyurl.com/3s44rnaf – May 5, 2020
https://tinyurl.com/fyfcdywc - May 5, 2020

12

You might also like