You are on page 1of 7

PORTFOLIO SA PFPL –

(mula 1st at 2nd na markahan)

NI MERICK ANDREI SERDEÑA

Unang Markahan: Ikalawang Markahan:

Aralin 1: Introduksiyon sa Akademikong Aralin 1: Pagtala ng Adyenda

Sulatin
Aralin 2: Pagsulat ng Katitikan

Aralin 2: Pagsulat ng tala sa may akda o


Aralin 3: Pagsulat sa Panukalang Proyekto
bionote
Aralin 4: Pagsulat ng Talumpati
Aralin 3: Pagsulat ng Abstrak
Aralin 5: Pagsulat ng Posisyong Papel
Aralin 4: Pagsulat ng Sintesis at Buod
Aralin 6: Pagsulat ng Replektibong

Sanaysay

Aralin 7: Paglikha ng Nakalarawang

Sanaysay

Aralin 8: Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

12 – ABM 2
ARALIN 1: INTRODUKSIYON SA AKADEMIKONG SULATIN

Ayon kay Kathuson (2016), Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pagsulat na kung

saan ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon, ito ay ginagamit upang maibahagi

nila ang kanilang mga nalalaman sa ibang tao. Ito ay nakabatay sa personal na buhay o di kaya

pang – akademiks at intelektwal ng pangunahing tauhan. Sa pamamagitan ng akademikong

sulatin malalaman natin ang kwento ng bawat tao.

MALIKHAING PAGSULAT

Ito ay ang paraan ng pagsulat ng isang sanaysay o kahit ano mang sulatin na walang sinusunod

na pormalidad at anyo, malikhain ito dahil ang uri ng pagsulat na ito ay may sariling anyo ng

pagsulat at naiiba sa ibang mga akademikong sulatin

AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang akademikong pagsulat naman ay naiiba sa malikhaing pagsulat dahil ito ay may mga

sinusunod na syntax, format, grammatization at anyo ng pagsusulat, dahil ito ay akademiko,

kailangang maging formal ang pagsulat ng isang akademikong pagsusulat.

AKING HALIMBAWA PARA SA ISANG MALIKHAING PAGSULAT

Ang importansya ng pagiging multilinguwal ng isang tao

 Ang pagiging multilinguwal na tao ay importante lalo na't kung


ika'y nakatira sa ibang lugar na di mo nakagisnan at kinalakihan,
ito ang iyong magiging sandigan at maging proteksyon mo narin
kung mayroong mga situwasyon na kelangang aksyonan o
interaksyonan.

12 – ABM 2
 Napakahalaga na pag aralan kung ano man ang linguwahe o wika
na nasa iyong paligid upang ika'y magkaroon ng kaalaman at
magkaroon ng komyunikasyon sa ibang tao.
 May 5 paraan upang matutunan nang mabilis ang wikang kelangan
mong matutunan:
 Laging subukang alamin ang mga salitang iyong naririnig sa
paligid. Mas mainam kung ika’y merong mapagtatanongan.
 Syempre, kailangan mo ng tulong ng computer o internet.
 Laging manood ng palabas na ginagamit ang wikang iyong
gustong matutunan, mas mabilis itong paraan upang turuan ang
iyong sarili at makita ang tamang pag bigkas ng mga salita.
 Subukang kausapin ang mga lokal na mamamayan upang
matutunan kung ano ang tama o mali sa iyong mga sinasabi.
 higit sa lahat, kailangan mo magkaroon ng tiyaga at mapagtimping

ugali.

ITO NAMAN ANG AKING HALIMBAWA SA AKADEMIKONG SULATIN

 Ngayong napapanahon ang Covid-19 virus, pinag-igting ng lokal na gobyerno sa sangay

ng lungsod Quezon ang Enhanced Community Quarantine o ECQ na pinagtitibay ang

mandatoryong curfew, pagbabawal sa mga mamamayang nasa edad 18 pababa or 65

pataas sa paglabas ng kanilang bahay, at kasama na rin dito ang Liquor Ban.

 Sabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, “Ang drastikong pagdami ng bilang ng

mga mamamayang apektado ng nasabing virus ay nakakaalarma, at gusto naming

pigilan ang labis na pagkalat nito sa pamamagitan ng pag-iimplementa ang malawakang

ECQ upang di na ito lalong lumaki at maging National Lockdown (Michael Bueza,

Quezon City orders closure of gyms, liquor ban from March 15 to 31, Para 4)”, At sa

kadahilanang ito, napagtanto ng mga mananaliksik na tila maraming mga salik na

idinagdag ang pag-inom ng alak ukol sa pagpasa-pasa ng Covid-19 virus sa mga tao.

12 – ABM 2
 Ayon kay Dr. E. Jennifer Edelman, “Ang alkohol ay may mga komplikasyon na

nakakaapekto sa pangangatawan ng tao, lalong lalo na sa immune system ng isang

indibidwal na labis ang pag-inom ng alak. (Healthline, 2020, para 3), isinasaad dito na

ang labis na pag inom ng alkohol ay nakakapanghina sa resistensya ng isang indibidwal,

at ika nga ni Mayor Isko Moreno ng Maynila, ito ang mga kapansin-pansing salik na

epekto ng alak sa mamamayan, “may mga lasing, may mga nagka-karaoke pa, tambay sa

kalsada, nag party-party pa. Ngayon, para wala na kayong dahilan para makahanap ng

alak sige ayan (tinutukoy ang pag-implementa ng Liquor Ban),” aniya.

Nangangahulugang ang pag iimplementa ng Liquor Ban ay di lamang sa usaping

disiplina, kundi na rin sa kaligtasan ng mamamayan laban sa banta ng Covid-19 virus. At

dahil dito, ang mga mananaliksik ay naglalayong alamin kung mayroon bang epekto ang

pagpapatupad ng liquor ban sa siyudad at ano-ano ang mga mabuting kinalabasan nito

sa ating kontemporaryong lipunan.

ARALIN 2: PAGSULAT NG TALA NA MAY AKDA O BIONOTE

Ang isang bionote ang isang sulatin na magpapabigay parangal sa isang tao sa

pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang mga naiambag sa lipunan o mga narating sa buhay.

Ang aking halimbawa dito ay si “Goyo”

“Gen. Gregorio “Goyong” Del Pilar”

 Si General Gregorio Hilario del Pilar y Sempio ay isang iginagalang na heneral

kahit sa siya ay di’ hamak na mas bata sa ibang mga heneral, kinikilala lalo ang kanyang

kagitingan at katapangan dahil sa kanyang sakripisyo sa labanan ng pasong Tirad noong

ika-2 ng desyembre 1899 kung saan siya at ang 60 niyang sundalo ay lumaban sa

paglusob ng mga amerikano upang mabigyan ng oras sina Aguinaldo na makatakas at

mag-tungo sa norte. Sinasabing si Goyong ay namataang kasama sa sigaw ng pugad

12 – ABM 2
lawin (1896) kung saan nagsimula ang rebolusyon ng mga katipunero sa mga kastila na

pinamumunuan ni Andres Bonifacio, di kalaunan ay napasama sa hukbo ni Eusébio

Roque at lumaban sa Kakarong de Sili, at dahil dito ay itinaas siya bilang tinyente,

Noong Setyembre 3, 1897, nag-atake si del Pilar sa garison ng Espanya sa bayan ng

Paombong. Siya at sampung iba pang mga lalaki ay palihim na sumugod sa bayan sa gabi

at napatumba ang mga kastila na nasa Paombong. Dahil sa kanyang mga

napagtagumpayang laban, lalong-lalo na sa laban ng Paombong, ay nabigyang pansin si

Goyong ni Aguinaldo at siya’y naitaas sa tenyente Koronel, at di kalaunan ay naging

malapit sa Presedente ang noong oras na iyon ay tenyente koronel, isinama siya ni

Aguinaldo sa Hongkong, kung saan naging lubos na heneral si Goyong, Nang si

Aguinaldo ay pupunta sana sa Europa, dinala lamang niya sina del Pilar at Colonel José

Leyba, at matapos matalo ng mga amerikano ang mga kastila sa labanan ng maynila bay,

idineklara ni Aguinaldo si Goyong bilang diktador ng Bulacan at Nueva Ecija, isang

karangalan na hindi maibibigay ni Aguinaldo sa iba.

ARALIN 3: PAGSULAT SA ABSTRAK

Ang abstrak naman ay isang pahayagan sa papel o thesis na nagpapakita ng hindi pinag-

buklod-buklod pero pinagsama-sama nang mga information sa isang research o thesis.

HALIMBAWA SA ABSTRAK

sa proyektong ito, na may kaugnayan sa aking tulong sa pagsasaliksik para kay

Dr. Si Kenneth Waltzer sa kanyang gawain sa “The Rescue of Children and Youth in

Buchenwald,” titingnan ko ang iba’t ibang mga memoir na nakaugat sa mga karanasan ng

marahas na karahasan na naranasan ng mga bata at kabataan. Nais kong gumuhit ng mga

pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga alaala ng mga nakaligtas sa kabataan na nanirahan sa

pamamagitan ng Nazi Holocaust sa Europa, at ng “Lost Boys,” na nakaligtas sa kamakailang

marahas na hidwaan sa Sudan. Ang aking sample ng mga alaala ay nagsasama ng mga gawa sa

12 – ABM 2
Pranses ng mga batang lalaki na taga-Poland na nakaligtas sa Holocaust sa mga ghettos at mga

kampo sa trabaho, na sa wakas ay paikot-ikot sa Buchenwald. Sinusubaybayan ng mga memoir

ng Sudan ang mga landas ng mga lalaki habang sila ay tumakas mula sa nawasak na mga

tahanan hanggang sa mga kampo ng mga refugee. Ang mga ito ay nakasulat sa Ingles, madalas

na kinasasangkutan ng pakikipagtulungan ng mga may-akdang Amerikano. Bukod sa pag-

uugnay sa bawat kuwento nang paisa-isa, ang paggalugad ng mga gawaing ito ay humihimok ng

mas malawak na mga katanungan tungkol sa memorya ng kakila-kilabot na karahasan. Paano

ipinakita at naayos ang memorya sa memoir? Ano ang binibigyang diin at bakit? Ano ang mga

motibasyon sa pagsasalita bilang mga saksi ng katatakutan at mga nakaligtas sa karahasan? Ano

ang mga implikasyon ng personal na memoir para sa mas malaking gawain ng pag-iwas sa

karahasan at pagpatay ng lahi? Ang mga kuwentong ito ay magkakaiba-iba – nagaganap ito sa

mga mundo at oras na magkakalayo, nagsasangkot sila ng iba’t ibang mga artista at konteksto.

Gayunpaman sila ay konektado din, na kinasasangkutan ng mga karanasan ng kabataan ng

karahasan sa masa, kaligtasan, at sa wakas ay mga pagsisikap na kumatawan sa memorya ng

mga taon na ang lumipas bilang babala, bilang pag-alaala, at bilang isang pagsisikap na

matulungan ang iba na maunawaan.

ARALING 4: PAGSULAT NG SINTESIS AT BUOD

 Ang synthesis ay isang anyo ng pagsusuri na may kaugnayan sa paghahambing at

kaibahan, pag-uuri at paghahati. Sa isang pangunahing antas, ang synthesis ay

nagsasangkot ng pagsasama-sama ng dalawa o higit pang mga mapagkukunan,

naghahanap ng mga tema sa bawat isa. Sa synthesis, hinahanap mo ang mga link sa

pagitan ng iba't ibang mga materyales upang gawin ang iyong punto. Karamihan sa mga

advanced na akademikong pagsulat ay lubos na umaasa sa synthesis.

12 – ABM 2
HALIMBAWA SA SYNTHESIS

12 – ABM 2

You might also like