You are on page 1of 22

Abstrak - Pinaikling deskripsiyon ng isang pahayag o sulatin.

Sa mga sulating
pampanitikan maaaring ito ay bahagi ng isang buo at mahabang sulatin, aklat,
diyalogo, sanaysay, pelikula at iba pa na hinahango ang bahagi upang bigyang diin
ang pahayag o gamitin bilang sipi.
Halimbawa:
Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino
Napoleon M Mabaquiao Jr.

Abstract

Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa


iba.t ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang
kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng
nasabing globalisasyon, tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga
makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang mga kultura o pangkalahatang pamamaraan
ng pamumuhay. Isinusulong sa papel na ito ang isang posibleng kasagutan sa hamong
ito: ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan. Ang kasagutang ito ay
bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay
ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano
maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay. Ang
mga pundamental na bagay na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: ang mga
bagay kung saan nakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng
kamalayan, ang mga pamamaraan (mga kategorya at wika) na ginagamit ng
kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan ng kamalayan.
Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa sa papel na ito sa konteksto ng
pagtataguyod ng kamalayang Pilipino o ng identidad ng ating kamalayan bilang mga
Pilipino.

Sentises/Buod
Ang sintesis ay isang ebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang partikular na paksa
naginamit upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran.
 
Halimbawa:
Buod

 Nagsimula ang lahat sa pangugulo ni Kenneth Delos Reyes sa isang salu salo na


kanyangdinaluhan para sa bagong kasal na sina Kirby Araneta at Grace
Matic na kapwa kaibigan ngkanya ama na si Kenji Delos Reyes kaya nagkaroon ng
pagtatalo ang mag-ama na nahantong sahindi pagkakaunawaan Gabi ng araw ding
iyon nang umalis si Kenji papuntang !ong Kong parasa isang miting Kinabukasan"
ibinalita sa telebisyon na may isang eroplanong ang
bumagsak  patungong Bicol #sa sa mga sakay nito ay si Kenji kaya agad na pumunt
a si Kenneth sa paliparan $a hindi inaasahang pagkakataon ay may nakilala si Kennet
h na si Kelai Di%on nakapwa hinahanap si Kenji Natuklasan niya na si Kelai pala ay
kamag-anak ni Athena Di%on nainakala niyang kabit ng kanyang ama kaya
buong galit niya na lamang para kay Kelai $a hulinapagkasunduan nilang
sabay pumunta sa Bicol upang mabigyang alam !abang sakay sa
bus papuntang Bicol ay ibinahagi ni Kelai kay Kenneth ang nalalaman niya tungkol sa a
ma nito Noon" si Kenji Delos Reyes ay sikat at kinatatakutan
sa kanilang paaralan kasama ang kanyangkabarkada na sina &igs" Grace" Kirby
Nagkaroon ng kasunduan si Kenji at Athena Di%on na magpanggap bilang
magkasintahan para mapagselos nito ang dati niyang kasintahan na si AthenaA b i g a i l
'i%on" ang ina ni Kenneth $a simula ay hindi naging maganda ang
p a k i k i t u n g o n g dalawa" lagi silang nag-aaway dahil kabaliktaran sila sa
isa(t isa ngunit habang tumatagal aynagigi ng totoo na ang kanilang
ipinapakita hanggang naging sila Naging masaya sina  Kenji atAthena sa
isa(t isa hanggang isang araw ay natuklasan nilang dalawa na may sakit si
Abigail# n i l i h i m n i A b i g a i l a n g d a h i l a n k u n g b a k i t n a k i p a g h i w a l a y
s i y a k a y K e n j i  # t o ( y p a r a h i n d i masaktan si Kenji kung sakaling iiwan
niya na ito" naging masakit man pero masaya siya para kay Kenji nang
nakahanap na ng panibagong mamahalin ito sa katauhan ni Athena Nagmakaawaang
ina ni Abigail kay Kenji na magbalikan sila ng kanyang anak dahil sa tingin niya mas
tatagal

BIONOTE

- May iba’t ibang anyo ang sulatin, dahil ito sa iba’t ibang layunin
n g p a g s u l a t . A y o n s a WordMart.com, Ang Bionote ay isang maikling 2 or 3
pangungusap na inilalarawan ang maya akda. Ito ay nakasulat sa
ikatlong panauhan.

Ayon sa kto 12 senior (high school Applied subject filipino sa iling -arang Akademik
2013, a n g B i o n o t e d a w a y i s a n g m a i k s i n g t a l a n g p e r s o n a l n a
i m p o r m a s y o n u k o l s a i s a n g awtor. Maaari rin itong makita sa likuran ng pabalat
ng libro, at kadalasa’y may kasamang litratong awtor.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad
ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng
iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang
masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng


mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot
siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).
Panukalang Proyekto

- Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong paglalarawan ng isang serye ng mga


gawain na naglalayong paglutas ng isang tiyak na problema.

Halimbawa:

PORMULARYO NG PANUKALANG PROYEKTO (The Project Proposal Form)

1. Proponent ng Proyekto (Project Proponent) Isinulat ang indibidwal o organisasyong


naghaharap ng panukalang proyekto, adres, telepono o cellphone, e-mail at lagda

2. Pamagat ng Proyekto (Project Title) Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw

3. Kategorya ng Proyekto (pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak,


seminar/kumperensya, pangaraling-aklat at/o malikhaing pagsulat)

4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)

5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale) Isaad ang background, kahalagahan ng


proyekto

6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Projectr) Ipaloob dito ang maikling


deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin isasaad ang mga layunin
(panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.

7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits) Isaad dito ang mga
kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang.

8. Gastusin ng Proyekto (Project Cost)

Ilagay dito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto.

PATNUBAY SA NILALAMAN NG TERMINAL REPORT

1. INTRODUKSYON

1.1. Rasyonal ng Proyekto

1.2. Layunin ng Proyekto

1.3. Deskripsyon ng Proyekto

2. AKTWAL NA IMPLEMENTASYON

2.1. Deskripsyon ng mga Gawain/Aktibidades


2.2. Deskripsyon ng Lugar na Pinagdausan

2.3. Profile ng mga Kalahok

2.4. Profile ng trainors/facilitators/speakers

2.5. Benepisyaryo: audience/kalahok

3. MGA KALAKIP (ANNEXES)

3.1. Mga Larawan na may deskripsyon (labels)

3.2. Talaan ng mga Kalahok

3.3. Talaan ng mga facilitators at resume

3.4. Kinalabasan ng Wokshop (kung mayroon)

3.5. Kopya ng programa/dahong pang-alaala (kung mayroon)

3.6. Kopya ng module/panayam (kung mayroon)

3.7. Kopya ng Talumpati/paper (kung mayroon)

3.8. Kopya ng press releases, write ups, atb. • Ang mga nakatala sa itaas ay mga
pangunahing impormasyong dapat lamanin ng terminal report. Maaari rin isama ang iba
pang impormasyong may kaugnayan sa proyekto. • Magsumite ng isang
hardbound/softbound na kopya ng terminal report; may sukat 8”x11” white bond paper. •
Isulat sa Pabalat ang mga sumusunod: Pamagat ng Proyekto, Petsa ng
Implementasyon, Venue at Pinagkalooban (Grantee)

Talumpati
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous
speech) ay ang agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya
siyang magbibigay ng sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang
paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating
walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok
ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati,
inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa
harap ng mga tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo
para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng
kanyang sasabihin ang binalangkas na talumpati kung saan nakahanda ang panimula
at wakas lamang.
Halimbawa ng Talumpati - Sa Kabataan

Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan

I
Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot".
Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang
bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang
pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.

Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay


kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat
at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit
kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung
tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit
kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan-anong laking kakulangan.
Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas
ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan-
anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

II
Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang
maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik
ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa
isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik.
Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay
siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-
aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang
magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating
mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwang araw ng bukas
makakaya nating balikatin ang mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating
akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang
araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa


tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng
gawa.

KATITIKAN NG PULONG

- Ito ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong. Isinusulat dito ang


tinatalakay sa pagpupulong ng bahagi ng adyenda. Nakasulat din kung sino-sino
ang dumalo, anong oras nag simula at nag wakas ang pagpupulong gayundin
ang lugar na pinagganapan nito. Ito ang nag sisilbing tala ng isang malaking
organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na
tinatalakay. ©emma palma. Ipinasa ni andrea reyes.

Halimbawa:

- Katitikan Ng Buwanang Pulong Ng Municipal Development Cooperative Council


Ng Ibaan

- Republika ng Pilipinas

- Lalawigan ng Batangas

- BAYAN NG IBAAN

- TANGGAPAN NG MUNICIPAL COOPERATIVE DEVELOPMENT COUNCIL

- KATITIKAN NG BUWANANG PULONG NG MUNICIPAL COOPERATIVE


DEVELOPMENT COUNCIL NG BAYAN NG IBAAN, BATANGAS NA GINANAP
SA DSWD CONFERENCE CENTER, MUNICIPAL BUILDING, BAYAN NG
IBAAN, BATANGAS NOONG IKA – 14 NG HULYO, 2011.
- Dumalo:

- Kgg. JUAN V. TOREJA                                           – Tagapangulo ng Lupon

- G. BERNARDO PATALAY                                     – II Tagapangulo ng Lupon

- G. GERARDO C. CEDEÑO                                               – CDA Specialist, Co-


Chairperson ng MCDC

- Gng. ERLINDA BAGSIT                                         – Ingat Yaman ng MCDC

- Gng. LYDIA PEREZ                                                            – Designated MCDO

- Gng. NENITA VIROS                                              – Manager  Salaban II WMPC

- Gng. ROSENI C. REAL                                          – Chairman, Matala WMPC

- G. SANTIAGO RUBIO                                             – BOD, Bago Ibaan MPC

- Bb. NELIA A. VALENCIA                                       – Vice Chairman, M. Tubig


MPC

- Gng. EVELYN P. CABIO                                        – Manager, Ibaan Market


Vendors MPC

- G. DANILO B. LIWAG                                              – Manager, Lucsuhin MPC

- Gng. LUCINA C. ANDAL                                        – BOD, Sabang MPC

- Gng. ESTELA D. MAGNAYE                                 – BOD, Quilo, Consumers


Coop.

- Gng. ANNALIZA D. DIMAANO                              – Bungahan, MPC

- Gng. FRANCISCA DE CASTRO                          – Coliat, MPC


- Gng. MAY D. BAGUI                                               – Secretary/Planning Asst.-
Mayor’s Office

- Di Dumalo

- G. DANILO V. MAGTAAS                                       – Tagasuri ng MCDC

- Kinatawan ng Calamias MPC

- Kinatawan ng KABACA MPC

- Kinatawan ng Sandalan Waterworks System

- Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Gerardo Cedeño, ang Co-Chairperson ng


MCDC sa ganap na ika 10:15 ng umaga, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan
ng isang panalangin na pinamunuan ni Gng. Roseni C. Real, Chairman ng
Matala Women’s MPC. Kasunod ng pananalangin ay ang roll-call na isinagawa
pa rin  G. Gerardo Cedeño, at matapos nito ay ipinahayag niya na mayroong
quorum.

-  

- At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Lydia C. Perez, Designated


MCDO, ng katitikan ng MCDC para sa nakaraang pagpupulong noong Hunyo 23,
2011. Nilinaw ni G. Bernardo C. Patalay, II Tagapangulo ng MCDC, kung kailan
ang effectivity ng resignation ni Gng. Erlinda Bagsit, ang dating Ingat – Yaman
ng MCDC, na sinagot naman ni Gng. Roseni C. Real na nakalagay na sa
Resolution na nag-take effect ang resignation noong mismong araw ng pagre-
resign, Hunyo 23, 2011. Iminungkahi ng G. Bernardo Patalay ang maayos na
pag-turn over ng lahat ng records, maging ng mga pautang at natitirang pondo
ng MCDC. At sa mungkahi ni Gng. Erlinda E. Bagsit na pinangalawahan naman
ni Bb. Nelia Valencia, ang bagong Ingat-Yaman ng MCDC, ay napagtibay ang
katitikan ng nakaraang pagpupulong ng MCDC.
- Sumunod  ay  ang  pag-uulat  ukol sa  Pananalapi ng MCDC,  na  isinagawa pa 
rin ni  Gng. Erlinda Bagsit bagamat hindi na siya ang kasalukuyang Ingat-Yaman,
sa kadahilanang hindi pa tapos ang turnover ng mga records. At ayon sa kanya
ang Cash on Bank ay nagkakahalaga ng P47, 487.05, at ang Cash on Hand ay
P461.00. May pagkakautang na meryenda ng nakaraang pagpululong ng Marso,
sa Always Nine Canteen na di pa matukoy kung magkano ang halaga.

- Hiningan ni G. Gerardo Cedeño ng mensahe ang II Tagapangulo ng MCDC na si


G. Patalay. Una ay humingi ng paumanhin si G. Patalay sa hindi nya pagdalo ng
huling naganap na pagpupulong. Sa kanyang pagpapatuloy ay binigyan nya ng
pansin ang pinatutunguhan na ng MCDC, ayon sa kanya ay mukhang puro
pagpupulong lamang at salat sa gawa at accomplishment ang MCDC, na ang
Pananalapi ay hindi sa paglago o paglaki. Nilinaw din niya kung ang membership
ba ay yearly o one-time payment lamang, at sa bandang huli ay napagtanto ng
lahat na ang membership payment ay yearly ang pagbabayad at hindi isang
beses lamang.

- Nagpahayag si Gng. Bagsit ukol sa mga nakabayad na sa membership fee at


ayon sa kanya ay 12 kooperatiba na ang nakabayad at ang  mga bago lamang
miyembro ang hindi pa nakakabayad, kabilang ang Sandalan at Lucsuhin.

- Pagkatapos ay nagpahayag si G. Cedeño ng mga updates mula sa CDA. Ayon


sa kanya ay may mga bagong Memorandum Circular para sa mga bagong
kooperatiba. Tinalakay ni G. Cedeño ang ilang mahahalagang bagay na
nakasaad dito. Sinabi niya na laman ng circular na lahat ng mga proponents ng
kooperatiba ay kinakailangang pumirma sa bawat pahina ng “Articles of
Incorporation”, at ang Certificate of No Pending Case ay hindi na kasali sa mga
requirements. Ang ilan sa mga kailangan para sa  mabigyan  ang CGS ay  ang 
special  at  regular  purpose.      Sa regular purpose ay nakapaloob ang:

- 1.)“letter request duly signed by the Cooperative Chairman, 2.) proof of


compliance (old copy of CGS) or reason of non-compliance, 3.) Updated Surety
Bond of all personnel na may access sa cash. Nabanggit nya na maaaring ito ay
dagdag na gastos para sa kooperatiba subalit mas sigurado naman ito, the bond
must  be named after the person to be insured. 4.) Minutes of the last Annual
General Assembly Meeting, including results of election 5.) annual development
plan/budget plan, and if 5-year development plan, a copy of it must be attached
every year,valid for 5 years. 6.) Acceptance of General Assembly of financial
statements, management and committee reports. 7.) Certification fee.  Idinagdag
din ni G. Cedeño na kung kukuha ng special CGS, dapat na meron ng regular
CGS.

- Tinalakay din ni G. Cedeño ang mga dapat gawin kung sakaling magtatayo ng
sangay ang isang kooperatiba: 1.) dapat ay sa area of operation o kung saang
nakatira ang mga miyembro, 2.)minimum paid-up capital of P2M,  3.) P1M
revolving capital para sa dagdag na sangay.

- Sumunod ay ang pagtalakay sa Art. 4 ng RA9520. Ang mga opisyales, mga


direktor at ang mga miyembro ng kumite ng kooperatiba ay mayroon hanggang
ika-15 ng Hunyo, 2012 para makakumpleto sa series of trainings na nire-require
ng batas. Dahilan dito ay nagkomento si G. Patalay na maaaring maging dahilan
ito na sa bandang huli ay wala nang maengganyong kumandidato na
ordinaryong miyembro  dahil sa laki ng maaaring gastusin sa mga trainings.
Suhestyon naman ni Gng. Evelyn P. Cabio , Manager ng IMVMPC, na mag-
sponsor ang MCDC para sa trainings ng mga miyembro. Ayon naman kay G.
Danilo Liwag, Manager, Lucsuhin MPC, ay kung maaari bang magkaroon na
lang ng examination, na sinagot naman ni G. Cedeño na hindi ito maaari. Sinabi
naman ni G. Patalay na nararapat lamang na magsimula na ang
pagpapatraining, yamang din lamang na hindi na ito maiiwasan. At habang
maaga pa ay ipaalam na ang plano kay Mayor Toreja, ang Chairman ng MCDC,
upang sa lalong madaling panahon ay masimulan na ang trainings. Nagproposed
si G. Cedeño na gumawa na ng Request letter para sa Speakers ng Training
upang masimulan na ito.

- Sa pagdating ng punumbayan at Chairman ng MCDC, Juan V. Toreja. Ipinaalam


niya sa lahat ang hindi pagdating ng representative na taga Pag-ibig na isa sana
sa Agenda ng Meeting.  At sinabi din niya na hihiling na sa taga Pag-ibig ng
isang araw kung saan sila ang magtatakda, upang mapaunlakan ang nais ng
mga miyembro na- maging aware sa mga serbisyo ng Pag-ibig Fund.

- At ayon naman sa problema ng MCDC sa pondo, iminungkahi ng punumbayan


ang paghahanap ng financial institution na maaaring makatulong sa grupo upang
maisagawa ang mga mahahalagang proyekto at activities. Ayon kay G. Cedeño
ay meron siyang kakilala sa UCPB na maaring makatulong sa MCDC, subalit
ayon kay Mayor ay mas maganda kung sa government institution muna lumapit
ang grupo.

- Nabanggit din ni Mayor ang tungkol sa offer ng UB na courses and Trainings na


pang-Agrikultura, at iminungkahi na magandang maimbita ang mga taga UB para
dito.  Ayon pa kay Mayor ay kailangan ng magagandang proyekto upang
maiangat ang ating mga kooperatiba, kagaya marahil sa livelihood projects.
Nabanggit niyang halimbawa ay ang pakikipagtulungan ng BSU sa grupo ng
Kababaihan sa ating bayan sa mga Livelihood projects, kung saan nagpo-
provide ng trainings ang BSU sa mga Kababaihan tungkol sa Meat Processing,
Baking, Table Setting, at iba pa.

- Ipinaalam din ni Mayor sa lahat ang tungkol sa gaganaping Oktoberfest sa ika-31


ng Oktubre, bilang parte ng isang taong selebrasyon ng 180 th Foundation Day ng
Ibaan, kung saan magkakaroon ng liyempo festival sa pakikipagtulungan ng San
Miguel Corporation. Hinikayat ni Mayor ang bawat kooperatiba na makiisa sa
event na ito, at maglagay ng kani-kanilang produkto sa mga booth na ipo-provide
ng pamahalaang bayan. Wika pa ni Mayor Toreja, “ We want to promote Ibaan!
Sana ay magkatulung-tulong tayo, at yong mga ideas natin ay ating pagsama-
samahin”. At nagpasalamat si Mayor sa pagdalo at pakikiisa ng mga  cooperative
members ng MCDC na dumalo, bagamat nahuli sya dahil sa pag-aasikaso sa
ilang mahahalagang bagay.

- Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika- 12:30 ng tanghali sa mungkahi na


din ng ating butihing mayor, Juan V. Toreja, at pinangalawahan ni G. Cedeño.
- Inihanda ni:

- MAY D. BAGUI

- Secretary/Planning Asst.

- Mayor’s Offic

- Nagpapatotoo:

- JUAN V. TOREJA

- Punumbayan/Tagapangulo ng MCDC

Posisyong papel
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Ang isang posisyong papel[1][2] ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil


sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng
isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika,
sa batas at iba pang dominyo.
Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham
sa patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
[3]
 Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang
isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi. [4]
HALIMBAWA:

Filipino 3: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

Sabado, Pebrero 25, 2017

POSISYONG PAPEL Paggamit ng Droga


       Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal
na gamot. Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa
sakit. Ito ay medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay
nakapagbibigay sakit kapag inabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga
kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng
ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng
lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga
ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng
paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dufang ramdam na ng mamamayan ang
mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang
maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating
lipunan.

       Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro


Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang
Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot
rin sa halos 196 na politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil
sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016). Ayon rin
sa balita, mahigit 300 na katao na diumano ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng
administrasyon. Karamihan nito ay ang mga napaslang, mga durugurista o nagtutulak
ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko
o paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman hindi nakapagatataka na popular na
popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.

      Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-
abuso nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa
atin ay alam na ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa
kahirapan, nakababawas ng suliranin o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam
din natin na ang paggamit nito ay makatutong magnakaw, magsinungaling, maging
agresibo o walang takot na gumawa ng masama hanggang sa mawalan ng katinuan o
mabaliw ang tao. Maraming posibleng epekto nito. Kahit na mabuti o masama,
magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.

Ipinaskil ni Prinoona Ah sa 3:50 PM 

REPLIKTIBONG SANAYSAY

-Para sa isang estudyante napakahirap na mag-aral ng iba’t ibang paksa sa isang


semestre ngunit kahit na ganoon alam ko na pursigido ang bawat estudyante na
matutunan ang itinuturo sa kanila ng kanilang mga guro dahil alam nila
namakakatulong  ito para sa kanilang kinabukasan.

             Ang Pagsulat ay  isang uri ng sining, dito natin makikita kung ano nga ba ang
nais ipahatid at ipasabi ng isang may-akda sa ibang  tao. Napakalaking tulong ng
pagsulat lalo na sa pang-akademiko dahil ito ang magiging tulay mo para mapatunayan
na tama ang iyong sinasabi at mapanindigan mo ang iyong sinusulat.

HALIMBAWA:

Repleksyon: Buhay
Repleksyon:Buhay
       
               Isang buhay na nagpapaikot sa mundong ito , buhay na ibinigay sa atin ng
panginoon, ito'y isang mahalaga sa atin isang buhay na aalagaan nadin, hanggang
hindi pa dumarating ang tamang panahon at oras natin na pumanaw sa mundong ito na
ikinamulat natin mula sa pagsilang sa atin ng ating mga ina at hanggang sa paglaki
natin.
               Itong buhay na ating dinadala ay isang buhay na lahat at kunektato, lahat ng
bagay may kuniksyon sa ating buhay.
              Sa bawat pag-gising may almusal tayo na balita ng pagbabago sa bawat araw,
ng pagkagising natin, pagkain na tayo'y pakikipagkapwa, nasalosalo lahat ng
magkakapamilya, isang relihiyon na sangkatauhan, sa pag-unawa sa kamalayan.
             Sandata natin ang ating buhay, sa panulat. Tinta sa dugo na papatak sa bawat
sakit na mararamdaman natin sa ating katawang nasugat, sa papel sa kasaysayan at
patungan ng pako na aalalay sa atin. Sa hihigaan ko ay apoy, hiniinga ko'y pag-asa
dahil sa bawat hinga ay masewrti akong nabubuhay, galaw na aking kinikilos, at tibok
ng akong puso'y katwiran ng aking pagkakabuhay dito sa mundong ito.

Posted 3rd October 2012 by glenda martinez

Agenda Pagsusulat

Isang agenda, tinatawag din na isang  mag-etiketa o

isang iskedyul , ay isang listahan ng mga gawain sa

pagkakasunud-sunod ang mga ito ay upang madala up, mula sa

simula hanggang sa pagpapaliban. Isang agenda tumutulong sa


paghahanda para sa isang pulong sa pamamagitan ng pagbibigay

ng isang listahan ng mga item at isang malinaw na hanay ng mga

paksa, mga layunin, at mga takdang oras na kailangan na tinalakay

sa.

Format ng isang Agenda

An Agenda normal kinabibilangan ng mga sumusunod na elemento -

 Pagpupulong Agenda Title  - sa tuktok;preferably center-hile-

hilera

 Pagpupulong Impormasyon - paglalarawan ng mga layunin

 Layunin - paglalarawan ng Agenda

 Petsa - para sa pagpapanatili ng mga talaan ng mga liham

 Lokasyon - ang lugar ng kapisanan

 Time - ang aktwal na oras ng pagsisimula ng pulong

 Pagpupulong Type - brainstorming o Usapan o Assessment

 Oras ng pagdating - oras na upang simulan ang pulong

 Oras ng pagpapaliban - time na taga wakas pulong

 Dadalo - Bilang ng mga tao na naroroon, sa kanilang mga

pangalan

 Paghahanda para sa Meeting -

o Mangyaring Basahin - ang mga tagubilin na sinundan

o Pakidalhan - mga bagay dapat na natupad sa araw na

iyon
o Action Item -
Takdang
huling Action Responsible Authority
petsa

Takdang
New Action Responsible Authority
petsa

o Iba pang mga tala - iba pang mga pagtuturo o

impormasyon upang madala pababa.

Halimbawa - Agenda Pagsusulat

Update matapos ang pulong sa Hasta La Vista kinatawan

Pagpupulong Impormasyon - I-update pagkatapos ng pulong ang

mga kinatawan ng Hasta La Vista.

Layunin - para sa layunin ng panloob na medalya sa aming lugar

ng opisina.

Petsa - 23 rd Abril, 2015

Lokasyon - Meeting Room-1

Time - 4:30 PM

Pagpupulong Type - Discussion

Oras ng pagdating - 6:00 PM

Oras ng pagpapaliban - 08:30


Dadalo - Mohtahsim M., Kiran K. Panigrahi, Gopal K Verma,

Manisha Shejwal

Paghahanda para sa Meeting :

Mangyaring Basahin - Hasta La Vista Company Brochure,

Quotation Document

Pakidalhan - quotation Competitor Kumpanya, oras-oras na mga

rate ng pag-aaral

Action Item :

Dahil Action :
Mga update mula sa Hasta la Gopal K 30 th Abril,
Vista Verma 2015

Maghanap Hasta la Vista Manisha 30 th Abril,


kakumpitensya Shejwal 2015

New Action:
Magpadala ng email sa kanilang Manisha 5 th May,
Head ng Marketing Shejwal 2015

Iba pang mga tala - Mga produkto sa pagbili para sa panloob na

palamuti.

PICTORIAL ESSAY

- Ang Pictorial Essay naman ay isang uri ng sulatin na kung saan dito makikita no ang
maraming mga larawan kaysa sa mga salita. Para sa akin malaki ang naitutulong ng
pictorial essay sa atin dahil sa pamamagitan nito maaari kang makagawa ng isang
paksa na kung saan pwede mo itong idepende sa nangyayari sa tunay na buhay. At
kahit marami ang larawan sa sulatin na ito ay may malaking tulong ito upang ipabatid sa
nakararami ang gusto mong sabihin at iparating ang larawan na iyong ginamit ang
siyang magiging tulay o sagot sa tanong na naiisip ng nagbabasa ng iyong paksang
sinulat.

HALIMBAWA:

 Ngunit  saan nga ba nagsisimula angPAGBABAGO ?  Sabi nila ang pagbabago ay


nagsisimula sa bahay, dahil ang bahay ay nagbabago depende kung ano ang gustong
disenyo ng isang may – ari. Dahil pwedeng kapag walang pagbabago sa loob ng bahay
maaari ring wala na ring pagbabago sa ating bansa. Dahil dito mo makikita na sa loob
ng bahay na ito ay ang iba’t ibang KLASE  ng tao. Nakadepende sa iyo kung ikaw ay
magbabago walang pakialam ang ibang tao kung magbago ka man o hindi at hindi sila
ang dahilan kung bakiy ka magbabago, kagustuhan mo ito at hindi nila. At kapag
walang pagbabago maaaring madala nila ang ugaling nakikita nila sa loob ng bahay
kapag sila ay nasa labas ng bahay na at nakikisalamuha sa ibang tao.

LAKBAY SANAYSAY

-Ang Lakbay Sanaysay naman ay isang uri ng sulatin upang maitala ng isang tao ang
kanyang mga naranasan sa paglalakbay. Dito ay may kailangang sundin na hakbang
upang hindi ka magkamali at mahirapan sa iyong gagawin na sulatin, sa sulatin na ito
ay may pinakaimportante ka dapat na malaman at ito ay kung ano nga ba ang
naging REALISASYON  mo sa iyong paglalakbay.

HALIMBAWA:

Ang Makasaysayan Kong Pagdatal sa Isla ng Panay


ANG MAKASAYSAYAN KONG PAGDATAL SA ISLA NG PANAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nobyembre 23, 2008. Ang petsang ito ang una kong pagyapak sa isla ng Panay, sa
daungan ng katiklan sa Aklan. Galing sa Mindoro, gabi na kami nakarating sa Katiklan
at tanaw na raw doon ang Boracay, ngunit di na rin namin natanaw dahil madilim na.
Mga bandang alas-diyes na iyon ng gabi.
Kasama ako noon sa Duyog Mindanao, sa kanilang People's Caravan o Lakbayan para
sa Kapayapaan sa Mindanao. Idinaos ito mula sa Lunsod ng Baguio noong ika-21 ng
Nobyembre, 2008 at nagtapos sa Lunsod ng Cotabato noong ika-28 ng Nobyembre,
2008. Ang "duyog" ay salitang Cebuano sa "kapayapaan".

Naging makasaysayan sa akin ang pagsama ko sa Duyog Mindanao dahil nakarating


ako ng Panay, na binubuo ng probinsya ng Antique, Aklan, Capiz at Iloilo. Naging
makasaysayan sa akin dahil kahit papaano, nakalapit ako, sa buong buhay ko, bagamat
di nakarating, sa lupain ng aking mga ninuno.

Sa Panay, sa lalawigan ng Antique, isinilang ang pinakamamahal kong ina. Ngunit sa


mahabang panahong nandito ako sa mundo ay di ko pa ito napuntahan, dahil isinilang
ako't lumaki sa Maynila. Ang napupuntahan ko lagi ay Batangas na sinilangan naman
ng aking ama.

Bagamat di ako nakarating sa Antique ay parang napalapit na rin ako sa sinilangan ng


aking ina dahil sa pagtapak ko sa unang pagkakataon sa Panay. Dalawang probinsya
rito ang narating ko. Ito ay ang Aklan, dahil dito dumaong ang barko galing Mindoro, at
sa Iloilo, kung saan kami natulog, kumain, nangampanya at nakiduyog. Sa Iloilo kami
nanggaling bago kami pumunta ng Bacolod sa isla ng Negros.

Maraming salamat sa pagkakataong ibinigay na ito at ang petsang ito'y di ko


malilimutan.

Sira na ang aking sapatos na balat na iniapak ko sa Panay. Ngumanga na ang swelas,
at pudpod na rin dahil sa mahabang serbisyo nito sa akin. Gayunpaman, mahal ko na
rin ang sapatos na ito, dahil magkasama kaming nakarating ng Panay. Katunayan,
pinahiran ko pa ng putik ng Panay ang aking sapatos bilang souvenir.

Itinago ko ang aking sapatos na isinuot sa pagyapak sa lugar na ito bilang


tagapagpaalala na minsan man, dahil sa Duyog Mindanao, ay halos narating ko na ang
sinilangan ng aking mahal na ina.

(Ang akdang ito'y nalathala sa aklat ng may-akda na "Bigas, Hindi Bala, 56 Tula, Alay
Para sa Kapayapaan sa Mindanao", pahina 66-67)
Ipinaskil ni matang apoy sa Lunes, Nobyembre 24, 2008 
Mga etiketa: Bigas Hindi Bala, Markang Putik
http://www.philjol.info/philjol/index.php/MALAY/article/view/392

http://wikisagot.answers.wikia.com/wiki/Kahulugan_ng_abstrak

https://www.scribd.com/doc/129835958/SINTESIS

http://mag-inangmahirap.blogspot.com/2009/05/buod-ng-mag-inang-mahirap.html

https://www.scribd.com/document/337774724/Halimbawa-ng-buod

 https://www.scribd.com/doc/311467604/Bionote-With-Citation-thesis

http://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/

http://wika.pbworks.com/f/Pormularyo_Panukalang_Proyekto.pdf

http://aubreyjhiann.blogspot.com/2013/12/talumpati-para-sa-kahirapan.html
http://cresenciofetalvero.blogspot.com/2015/09/talumpati-tungkol-sa-kahirapan.html

https://tl.wikipedia.org/wiki/Talumpati

http://wikisagot.answers.wikia.com/wiki/Kahulugan_ng_katitikan_ng_pulong

https://ibaangibaan.wordpress.com/2011/07/26/katitikan-ng-buwanang-pulong-ng-municipal-
development-cooperative-council-ng-ibaan/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Posisyong_papel

https://thepinoysite.com/2015/09/29/bakit-kailangang-ibalik-ang-death-penalty-sa-pilipinas/

http://incepoppop.blogspot.com/2017/02/posisyong-papel-paggamit-ng-droga.html

https://http543.wordpress.com/2016/10/18/replektibong-sanaysay/

http://www.tl.w3eacademy.com/business_writing_skills/agenda_writing.htm

https://http543.wordpress.com/2016/10/17/pictorial-essay-hakbang-tungo-sa-pagbabago/

http://jaygeh.blogspot.com/2012/10/repleksyon-panliligaw-ng-isang-lalaki.html

http://asinsasugat.blogspot.com/2013/05/ang-lalawigang-antique-ay-mecca-sa-akin.html

You might also like