You are on page 1of 23

MADALING ARAW ng Sabado, dumating kami sa isang matayog na pulo, tinawag na Zzamal (Samar), 300

leguas (1,440 kilometro) mula sa Yslas de los Ladrones. Kinabukasan, nagpasiya ang capitan general na
sa kalapit na pulo na walang tao kami humimpil, upang umiwas sa anumang panganib habang umiigib
kami ng tubig at pinagagaling ang mga maysakit nang ilang araw. Duon (sa pulo ng Homonhon, sa timog
ng Samar) sa dalampasigan kami nagtayo ng 2 tolda (tents) para sa mga tauhang maysakit. Nagkatay ng
isang baboy para pagkain nila.

Nuong Lunes, Marso 18, matapos kumain, nakita naming papalapit ang isang bangka, may sakay na 9
lalaki. Inutos ng capitan general sa amin na walang gagalaw o magsasalita nang walang pahintulot.

Pagdating ng bangka, ang nakasuot ng pinakamagarang damit ang lumapit sa capitan general,
pinahiwatig na tuwang-tuwa siya sa pagdating namin. Lima pang maganda rin ang mga suot ang
nagpaiwan sa tabi namin habang ang mga nasa bangka ay umalis upang sunduin ang mga ibang tao na
nangingisda, at sama-sama silang nagbalik.

Nang matanto ng capitan general na matino ang mga lalaki, inutos niya na hainan sila ng pagkain at
inumin, at binigyan niya ng mga handog, suklay, salamin, pulang cap (maliit na saklob sa ulo), mga
kulingling (campanella, small bells), garing (marfil, ivory) at iba pa.

Nang makita ng mga tao na galante ang capitan general, nagbigay sila ng mga isda at isang banga (jar) ng
alak na galing sa puno ng niyog (palmito, coconut) at tinawag nilang Samar and Leyte uraca (mula sa
arrach ng wikang Arabe; ang ‘alak’ mula sa niyog ay tuba), mga saging (figs, bananas) na isang dangkal
ang haba, iba pang (saging) na mas maigsi at mas masarap ang lasa, at 2 buko ng niyog (palmito,
coconut). Tapos, wala na silang naibigay pa, at sumenyas sila na sa loob ng 4 araw, dadalhan nila kami ng
umay (rice, bigas), mga niyog (cochi) at iba pang pagkain.

Mayroong tayong sari-saring tinapay, alak, langis at suka (vinegar). Ganuon din sila, may iba’t ibang
pagkain at bagay na sa puno ng niyog lamang nakukuha nilang lahat. At ganito nila ginagawa ang alak
mula sa puno ng niyog: Binubutas nila ang tuktok ng puno hanggang sa gitna o kalahati ng kapal ng puno
ng niyog (palmito), at duon tumutulo ang puting dagta (white must) na matamis at lasang manibalang
(verde, green). Nagtatali sila ng putol na kawayan, kasing taba ng hita ng tao, at duon pinapatulo ang
dagta buong magdamag at buong maghapon ng sumunod na araw dahil dahan-dahan lamang ang patak
ng dagta.

May bunga ang palmito, tinawag na cocho na kasinglaki ng ulo ng tao, at may talop (husk) na 2 daliri ang
kapal at binubuo ng mga hibla o sinulid na hinihimay at hinahawi nilang pisi o Tuba wine lubid na pantali
sa bangka.

( Maraming tawag sa niyog at buko sa kapuluan, subalit ang cocho (bigkas: ko-ko) o coco ay nagmula sa
Portuguese at Español, tukso sa ‘nakangising mukha’ dahil sa 3 butas sa bao ng niyog. Mula rin sa kanila
ang tuksong ‘cocote’ sa mahina ang utak.)

Sa loob ng talop ay may isa pang talukap na mas matigas (bao) na sinusunog nila upang gawing uling o
abo (polvo, ash) na ginagamit nila kung saan-saan. Sa loob ng pang-2 talukap ay may puting laman na
kasing kapal ng isang daliri at kinakain nilang hilaw parang tinapay (pan, bread), kasama ng carne o isda.

1
Ang lasa ay parang almond, at kung patutuyuin, nakakain pa rin ito na parang tinapay. Sa loob ng buko,
may katas (water) na malinaw at naiinom parang tubig, matamis at nakakapatid uhaw (refreshing).
Kapag itinabi at pinatina, ito ay tumitigas na parang mansanas (apple). At kung nais nilang gumawa ng
langis (oil), ibinibilad nila sa araw itong cocho at pinababayaang mabulok sa sariling katas. Pagkatapos,
pinakukuluan nila at ito ay nagiging langis.

Kapag nais nilang gumawa ng suka (vinegar), ibinibilad nila sa araw ang katas lamang, at ito ay napapanis
at nagiging suka, tulad ng alak. At nakakakuha rin ng gatas mula sa niyog, nasubukan namin nang kayurin
namin ang laman (ng niyog) at inihalo sa katas at piniga nang tagos sa tela, ang lumabas ay parang gatas
ng kambing (leche de cabra, goatmilk).

Ang puno ng palmito ay hawig sa puno ng datiles (dates), subalit hindi kasing gaspang. At 2 puno nito ay
kayang buhayin ang isang familia ng 10 tao. Hindi sila kumukuha ng alak mula sa isang puno lamang,
halin-hinan linggo-linggo ang gawa nila upang hindi matuyo ang puno at sa gayon, tumagal ito nang 100
taon.

Humunu.

NAGING matalik naming kaibigan ang mga mangingisda, at itinuro nila sa amin ang maraming salita sa
kanilang wika at ang pangalan ng mga pulo sa paligid. Ang kanilang pulo ay tinawag nilang Zzuluan
(Suluan), at ito ay hindi gaanong malaki. Tuwang-tuwa kami sa kanila sapagkat masayahin sila, at
madaldal (conversable).

Pinarangalan sila ng capitan nang makitang masiyahin sila, at ipinasyal sa mga barko at ipinakita ang mga
ari-arian at kalakal namin duon, mga sili, kiandi (clovas, cloves), kayumanis (canela, cinnamon), paminta,
walnut, nutmeg, luya (ginger), nutmeg, mace at ginto. Pinaputok pa ang ilang cañon ng barko, at
nasindak naman ang mga tagapulo at muntik nang magtalunan sa dagat mula sa barko.

Sa senyas, ipinahiwatig ng mga tagaroon na ang mga panghalo at pampalasa (spices) sa pagkain na
nakita nilang iniimbak naming pangkalakal ay tumutubo sa mga lupang pinupuntahan nila. Nang nais na
nilang umuwi, nagpaalam sila sa capitan at sa aming lahat, at nangakong dadalaw sila uli.

Ang pulo na hinimpilan namin ay tinawag na Humunu (Homonhon, sa kanluran, west, ng Suluan). Ngunit
nakatuklas kami ng 2 sapa ng malinaw na tubig kaya tinawag naming Aquade o ang ‘tubig ng magandang
pahiwatig.’ Nakita namin duon ang mga bakas-bakas ng ginto, marami ring puting coral, at matatayog na
punong-kahoy na namumunga ng parang almond at hawig ito sa puno ng pino (pine tree).

Marami ring puno ng niyog (palmito, coconut), may nagbubunga, may hindi. Maraming kalapit na mga
pulo kaya pinangalanan naming Kapuluan ni San Lazaro (archipelago of Saint Lazarus) dahil Linggo niya
nang unang makita namin ang mga pulo. Ito ay nasa ika-10 guhit pahilaga at 160 guhit pahaba (160
degrees longitude) mula sa Pinaghatian (line of demarcation).

2
Ang mga tagarito ay nagbalik gaya ng pangako nila nuong Viernes, Marso 22, 1521, bandang tanghali,
sakay sa 2 bangka na puno ng mga buko at niyog (cochi), dalanghita (naranjita, oranges), isang banga
(jar) ng uraca (palm wine, tuba), at isang lalaking manok (tandang, rooster) upang patunayan na may
mga manok dito. At nakipagpalitan kami sa lahat ng dala-dala nila.

Ang pinuno ng mga tagapulo ay matanda na, at may pintura siya sa mukha (pintado) at may mga hikaw
(schiones, earrings) na ginto na nakalaylay sa kanyang tenga. Ang mga kasama niya ay may suot ding
mga ginto, mga singsing at porselas sa bisig at braso (bracelets, armlets) at may tela na nakatali sa
ibabaw ng kanilang ulo (putong).

Walong araw kaming tumigil sa Humunu, araw-araw dinalaw (visita) ng capitan ang mga maysakit na
pinapagaling namin. At araw-araw, pinainom niya ng tubig ng buko at naginhawahan ang mga maysakit.

Sa katabing pulo, ang mga tao ay may malalaking butas sa kuntil ng tenga (pierced earlobes), kasing taba
ng bisig (braza) ang laki ng mga butas. Ang mga tao ay mga caphri (tawag ng Español at Portuguese sa
mga indio na hindi Muslim, mula sa mga Kaffir sa India). Sila ay mga hindi binyagan (heathen) at sila ay
hubad-hubad maliban sa bahag na gawa sa talukap ng punong-kahoy (tree bark) bagama’t may ilan na
may bahag na telang hawi sa bulak (cotton cloth) na may palamuting sinulid ng sutla (seda, silk
embroidery) na tinahi ng karayom (bordado).

Ang mga tagarito ay kayumanggi, mataba at pintado at pinapahiran nila ang buong katawan ng langis ng
niyog at iba pang buko upang hindi masunog sa sikat ng araw at hindi ginawin sa ihip ng hangin. Itim at
mahaba, hanggang baywang, ang kanilang buhok, at laging may sukbit na balaraw o panaksak (cuchillos,
knives) at dala-dala ang mga sibat na may palamuting ginto. At pabangka-bangka sila tulad namin.

Muntik malunod si Pigafetta.

Nuong Lunes ng mga mahal na araw (holy week), Marso 25, kapistahan ng Virjen (Feast of Our Lady),
nahulog ako sa dagat at muntik nang malunod. Naghahanda kami nuong hapon na umalis na at umakyat
ako sa taas ng barko upang mamingwit ng isda at nang tumuntong ako sa isang saklay ng layag, dumulas
ang zapatos ko dahil kauulan lamang at basa ang kahoy.

Walang nakakita nang bumagsak ako sa dagat at halos nalulunod na, mabuti na lamang at nahawakan ko
sa kaliwa ang paanan ng layag na nakasayad sa tubig. Kumapit ako duon at nagsisigaw hanggang may
nakarinig sa akin at sinagip ako sa isang bangka. Naligtas ako, hindi sa sarili kong gawa, kundi sa awa ng
Dios.

Umalis kami nuong araw na iyon, at naglayag sa pagitan ng kanluran at kanlurang timog (west
southwest), at dinaanan namin ang 4 na maliliit na pulo, ang Cenalo (Dinagat), Hinnangar (Kabugan),
Ibusson (Hibuson) at Abarien (Cabalian, mga pulo sa lusutan ng Surigao, Surigao Strait).

Limasawa

DAHIL may naaninaw kaming apoy nuong nakaraang gabi, dumaong kami sa isang pulo (Limasawa, sa
timog ng Leyte) nuong Jueves, Marso 28, 1521, at nakita namin ang 8 lalaki, sakay sa isang maliit na
bangka na tinawag nilang boloto at lumapit sa barko ng capitan-general.

3
Tinawag sila ng alipin ng capitan (si Enrique) na taga-Zamatra (Sumatra, sa Indonesia), ang dating
tinawag na Traprobana, at lumapit ang bangka subalit madaling lumayo uli at ayaw umakyat sa barko
dahil walang tiwala sa amin. Ang ginawa ng capitan, ipinakita sa kanila ang isang pulang cap (munting
taklob sa ulo) at iba pang bagay, itinali sa isang patpat at inabot sa bangka. Tuwang-tuwang kinuha ang
mga ito ng mga lalaki at umalis upang ibalita sa kanilang hari.

Pagkaraan ng 2 oras, dumating ang 2 mahabang bangkang pandagat, na tinawag nilang ballanghai
(baranggay), na punung-puno ng mga lalaki. Sa mas malaking bangka nakaupo ang kanilang hari sa ilalim
ng tabing (awning) na gawa sa banig. Paglapit sa barko ng capitan, kinausap siya ng alipin at naunawaan
ng hari dahil duon, mas maraming salita ang alam ng hari kaysa alam ng mga karaniwang tao.

Inutusan ng hari ang ilang mga kasama na pumanhik sa barko ng capitan samantalang maghihintay na
lamang daw siya sa kanyang bangka sa tabi ng barko. Maganang sinalubong ng capitan ang mga umakyat
sa barko at binigyan ng maraming handog. Ipinabigay naman ng hari ang isang malaking piraso ng ginto
at isang buslo (basket) ng luya. Ngunit tinanggihan ng capitan, bagama’t maraming pasalamat siyang
binigkas. Madaling umalis ang hari pagbaba ng mga lalaki mula sa barko. At pagbaba ng araw, naglayag
ang mga barko papunta sa bahay ng hari.

Kinabukasan, Viernes Santo (Good Friday), pinapunta ng capitan sa dalampasigan ang alipin (si Enrique)
na tagapagsalita (interpreter) namin upang bumili (‘in return for his money’) sa hari ng mga pagkain, at
sabihin na naparito kami upang makipagkaibigan at hindi makipag-away. Pagkarinig nito, dumating ang
hari kasama ng 7 o 8 lalaki sa kanyang bangka at umakyat sa barko.

Niyakap niya ang capitan at nagbigay ng bigas (raw rice) sa loob ng 3 banga (jars) na porselana na may
takip ng mga dahon, 2 malaking isda (orades) , at may iba pang handog. Binigyan ng capitan ang hari ng
isang bata (robe) ng makapal na pula at dilaw na tela, at isang pulang cap (maliit na saklob sa ulo). Ang
mga kasama ng hari ay binigyan ng mga balaraw (cuchillos, knives), at mga salamin (mirrors) ang ibinigay
sa iba. Tapos, inutos ng capitan na silbihan sila ng merienda (collation).

Casi-Casi ni Magellan at Ka Lambu.

PINASABI ng capitan sa tagapagsalita na nais niyang makipag-casi-casi (blood compact) sa hari upang sila
ay maging magkasing-dugo (blood brothers). Pumayag ang hari at sinabi na siya man ay nais
makipagkapatid. ( Nakarating na si Magellan sa Malacca at Sumatra, kung saan niya inalipin si Enrique 11
taon sa nakaraan, kaya alam niya ang casi-casi.)

Ipinakita ng capitan sa hari ang aming mga ari-arian, mga iba’t ibang uri ng makukulay na tela at mga
coralat marami pang iba. Inutos niyang paputukin ang ilang cañon upang maranasan ng hari, at malaki
ang gulat nila nang marinig ang mga sabog. Tapos, pinagsuot ng bakal (plate armor) ang isang sundalo at
inutos na tagain at saksakin ng 3 kasama.

Lalong nasindak ang hari. Inutos ng capitan sa alipin na sabihin sa hari na isang sundalong nakasuot ng
bakal ay katumbas ng 100 mandirigma ng hari. Totoo, ang sagot ng hari. Ipinasabi pa ng capitan na may
200 sundalo siya sa bawat barko, lahat ay may suot na bakal. ( Kulang na lamang sa 200 ang mga tauhan
ni Magellan nang dumating sa Pilipinas.)

4
Ipinakita rin sa hari ang mga espada at mga sandata sa barko. Nagpakita pa ng espadahan ang 2 sundalo
sa harap ng mga tagapulo. Ipinakita pati ang mga mapa (marine chart) at compass na ginamit sa
paglayag at isinalaysay ng capitan kung paano niya natuklas ang lusutan (Magellan Strait) na binagtas
papunta rito, at kung ilang buwan kaming naglayag nang walang nakitang lupa. Napahanga ang hari. Sa
bandang huli, hiniling ng capitan na 2 sa amin ang sasama sa kanyang kaharian upang malaman namin
ang mga bagay-bagay duon. Pumayag ang hari, at ako at isa pa sa amin ang sumabay sa pag-uwi ng hari.
Sa dalampasigan, pag tuntong sa lupa, tumingala, itinaas ang 2 bisig (brazos sa langit at nagpugay ang
hari. Humarap sa amin, at kami man ay nagpugay din. Tapos, inakay ako ng hari, hawak ang aking
kamay, at inakay rin ang kasama ko ng isa niyang pinuno at dinala kami sa isang puok na may bubong ng
mga banig (mats of palm leaves).

Duon ay may isang ballanghai, isang malaking bangka na may 30 metro ang haba at hawig sa
foist (maliit at mabilis na barkong pandagat ng Español, de-sagwan at de-layag. Ang mas
malaking barko ang tinawag na galleon, na walang sagwan). Duon kami naupo at nag-usap kami
sa senyas at pahiwatig, habang nakatanod sa paligid ang kaniyang mga mandirigma, hawak ang
mga kampilan, sibat at mga kalasag (shields).

Ibinigay ko sa hari ang aking mga handog sa kanya. Isinulat ko duon ang mga pinag-usapan
namin at nang pansinin ng hari at ng mga kasama niya, binasa ko sa kanila ang mga sinabi nila sa
akin, at sila ay gulat na gulat. Nagpakuha ng ulam na baboy ang hari, at alak. Dumating ang
pagkaing nakasandok sa malalaking mangkok na porselana, ang isa ay puno ng kanin, ang isa,
ngcarne ng baboy na may katas at sabaw. Kumain ako ng carne kahit Viernes Santo dahil hindi
maiwasan.

Kung paano kumain sa salu-salo.

BAWAT subo ng pagkain, umiinom sila nang ganito: Itinataas ang mga kamay sa langit, tapos
dadamputin ang inumin sa kanang kamay at, nakatikom ang kaliwang kamay, ituturo ang kaliwang bisig
sa kasamang kumakain. Ito ang ginawa ng hari, itinutok ang kamao sa akin, akala ko susuntukin ako,
subalit ginaya ko siya sa parangal. Sa ganitong pagpugay at pakipag-kaibigan, kami ay nagsalu-salo sa
pagkain.

Nagtungo kami pagkatapos sa tahanan (palace) ng hari na gawa sa dahon ng nipa (thatch), takip ng mga
dahon ng niyog at saging at nakapatong sa mga mataba at matayog na tukod (postes). Umakyat pa kami
sa hagdan upang makapasok. Pinasalampak kami ng hari sa isang banig, nakatupi ang mga paa gaya ng
upo ng mga mananahi (legs folded like tailors).

Ang panganay na anak ng hari, ang kanyang tagapagmana (prince), ay lumabas at nakihalo sa amin.
Inutusan ng hari na umupo siya sa tabi namin. Pagkaraan ng kalahating oras, naglabas ng pagkain,
inihaw na pira-pirasong isda at sariwang luya, at saka alak, upang makasalo namin sa pagkain ang anak
na lalaki. Ang kasama ko ay maganang-maganang kumain at uminom, nalasing tuloy.

Bilang candela at sulo, ginagamit nila ang latik na katas ng isang punong kahoy, na tinawag nilang anime
(wax, pagkit ang tawag ngayon), ibinalot sa mga dahon ng niyog o saging. Ipinahiwatig ng hari na

5
matutulog na siya at iniwan ang anak niya, kasama namin. Sama-sama kaming natulog sa isang banig sa
sahig, may unan at dantayan na gawa sa mga dahon (banig).

Kinabukasan, bumalik ang hari at dinala uli kami sa puok na kinainan namin nuong nakaraang gabi upang
mag-almusal ngunit dumating ang bangka upang sunduin na kami. Bago kami nagpaalam, hinalikan ng
hari ang aming mga kamay, at hinalikan din namin ang mga kamay niya.

Sumama sa amin ang kapatid ng hari, na hari din sa kaibang pulo, kasama ang 3 lalaki. At isinalo siya ng
capitan sa pagkain, at binigyan namin siya ng mga handog.

Raia Calambu.

MAY mga mina ng ginto sa pulo ng hari na nagpunta sa barko (ang kapatid ng hari ng Limasawa) at ang
gintong nahuhukay sa lupa ay mga piraso na kasing laki ng itlog. At lahat ng gamit niya ay gawa sa ginto,
pati na ang baha-bahagi ng bahay niya na maganda kung ihahambing sa mga bahay duon.

At siya ang pinakamakisig na lalaking nakita ko sa mga tagapulo. Itim na itim ang kanyang buhok na abot
hanggang balikat at nakatali ang isang telang sutla (seda, silk) sa kanyang noo. Malaki ang 2 gintong
hikaw na nakasabit sa kanyang tenga. Telang hawi sa bulak (cotton) na may bordang sutla ang suot niya
mula sa baywang hanggang tuhod. Sa tagiliran niya ay isang balaraw (knife) na may mahabang hawakan
na ginto, sa suksukan na gawa ng inukit na kahoy Pintura (carved wood). Sa bawat ipin ay may 3 ukit ng
ginto, kaya animo nakatali ng ginto ang kanyang mga ngipin. Sa buong katawan niya ay may pabango ng
storax (dagta ng halaman, amoy vanilla) at benzoin (dagta na amoy laurel). Kayumanggi siya at pintado
ang buong katawan.

Ang pulo niya ay tinawag na Butuan at Calaghan (Butuan at Caraga sa Mindanao, Agusan at Davao
ngayon). At tuwing dadalaw ang 2 hari, nagtutungo sila sa pulo na tinigilan namin (Limasawa) upang
mangahoy (hunting). Sa 2 hari, ang pintado ay tinawag na Raia Calambu, at ang isa pa ay si Raia Siaiu.

( Si Ka Lambo, ang pinuno ng Limasawa, at ang kanyang kapatid, si Agu ng Butuan, ay kapwa maharlika
at tinanghal na ‘radiya’ ngunit hindi sila ‘hari.’ Si Lambo ay datu ng baranggay sa Limasawa at sa
Mindanao. Si Agu ay malamang hindi pinuno sapagkat gawi nuon at sa mga sumunod na taon na hindi
umaalis ang pinuno mula sa kanyang baranggay upang ‘magbakasyon’ o mag-aliw sa sarili, o kahit sa
anumang dahilan maliban sa makipagdigmaan.)

Nuong huling araw ng Marso, 1521, Linggo ng pagkabuhay (Domingo de Pascua, Easter Sunday),
pinapunta ng capitan ang pari sa pulo upang magmisa. Sumama ang tagapagsalita (interpreter) upang
sabihin sa hari na lumapag kami upang magsimba lamang at hindi kami sasalo sa kanya sa pagkain. Nang
marinig ito, nagpadala ang hari ng 2 patay na baboy. Bumaba sa dalampasigan ang capitan at 50
kasamahan, walang suot na bakal ngunit nakasandata lahat at nakasuot ng pinaka-magandang damit
nila. Bago dumaong ang mga bangka, nagpaputok ng 6 cañon bilang pahiwatig ng payapa.

Sumalubong ang 2 hari at magana ang pagbati nila at pinagitna nila ang capitan papunta sa puok ng
misa, na hindi naman malayo sa dalampasigan. Bago magmisa, binasbasan ng capitan ang 2 hari ng

6
maraming tubig ng rosas (rose muscat water). Nang umabot na sa pag-aalay (offertory) sa misa, humalik
din ang 2 hari sa cross gaya namin subalit wala silang ibinigay. Nang itanghal na ang hostia (consecration
of the holy eucharist), nagpaputok ng baril sa dalampasigan upang ipahiwatig sa mga nasa barko, at
pinaputok nila ang mga cañon. Lumuhod din ang 2 hari gaya namin at sumamba nang nakatikom ang
mga kamay. Pagkatapos, lahat ay nag-communion.

Pagka-misa, nagpalabas ang capitan, pinag-espada ang mga tauhan, na ikinagalak ng 2 hari. Ipinakuha
niya ang cross, pati ang mga pako at corona, at nagbigay galang ang mga hari. Ipinasabi ng capitan sa
kanila na ang mga ito ay sagisag ng emperador na kanyang panginoon, at nag-utos sa kanyang itayo ito
sa lahat ng puok na marating niya. Sinabi niya na nais niyang itanim itong cross sa pulo para sa ikabubuti
ng mga tagapulo.

Kapag may dumating na barko mula España, malalaman nila na nakarating na kami dito at dahil dito,
hindi sila gagawa ng anumang pinsala sa mga tao. Kahit na raw may dinukot silang tao, kapag ipinakita
itong sagisag, pawawalan ang mga tao. Saka, sabi ng capitan, kailangang itayo ang cross sa pinakamataas
na bundok sa pulo upang makita at sambahin ng lahat araw-araw, nang sa gayon, walang panganib ng
bagyo, kulog o kidlat na pipinsala sa kanila. Nagpasalamat ang mga hari sa narinig at sinabing sang-ayon
sila. Nang tanungin kung sila ay Moro (tawag ng Español sa Muslim) o pagano (heathen) at kung kanino
sila sumasamba, sinabi Pintado nilang wala silang sinasamba subalit, padasal ang kanilang mga kamay,
tumingala sila sa langit at nanawagan kay Aba, ang kanilang dios. Nagalak ang capitan at nang nakita ito
ng unang hari, nagpugay uli siya sa langit at hinayag kung maaari, nais niyang ipakita ang pagmamahal
niya sa capitan.

Nang tanungin ng tagapagsalita kung bakit walang pagkain sa pulo, sumagot ang hari (si Agu) na hindi
siya nagtutungo rito kung hindi upang mangahoy (hunting) o dumalaw sa kanyang kapatid (si Ka Lambo)
lamang, at sa ibang pulo siya nakatira, kasama ng kanyang familia.

Tinanong ng capitan kung may mga kaaway siya na dumidigma sa kanya at lulusubin niya ng kanyang
mga barko at mga cañon upang wasakin at pasukuin sa hari. Sinagot ng hari na may 2 pulo na kaaway
niya subalit hindi pa panahon upang lusubin sila. Sabi ng capitan, kung makakabalik siya duon sa awa ng
Dios, magdadala siya ng maraming sundalo at pipilitin ang mga kaaway na Tattoo sumuko sa hari. Tapos,
nagpaalam na kami upang kumain ng pananghalian at pagkatapos, babalik kami upang itanim ang cross
sa tuktok ng bundok. Nasiyahan ang 2 hari at niyakap ang capitan at sabay-sabay kaming nag-alisan.

PAGKAKAIN, bumalik kaming lahat, suot-suot na ang mga damit na bakal (doublets) at, kasama ang 2
hari, nagtungo kami sa tuktok ng pinakamataas na bundok Mangingisda na nakita namin at duon
itinanim ang cross. Tapos, nagpahinga sila at habang nag-uusap, tinanong ng capitan kung saan ang
pinaka-mainam na daungan upang makakuha ng pagkain. Sa Zzubu (Cebu, sa kanluran ng Limasawa), sa
Ceylon (pulo ng Panauan, sa silangan ng Limasawa) at sa Calaghan (Caraga, sa silagang Mindanao, sa
tinatawag ngayong Davao Oriental), ang sagot ng 2 hari, subalit ang Zzubu daw ang pinaka-malaki at
duon pinaka-mainam na magkalakal.

Nag-alok ang mga hari ng mga gabay (pilots) paglayag papunta duon. Nagpasalamat ang capitan at
nagpasiya na magtutungo kami duon. Sapagkat ito ang kanyang mapait na tadhana. Naitanim na ang
cross at kaming lahat, pati ang 2 hari, ay nagdasal ng isang Pater Noster (Our Father) at Ave Maria (Hail
Mary). Tapos, bumaba na kami at nagpakuha ang mga hari ng mga buko (cochi, coconuts) pang-
merienda namin.

7
Nais ng capitan na maglayag na kinabukasan at hiniling niya sa hari ang mga gabay (pilots) sa paglayag,
at ipinangako niya na ituturing niya nang mahusay tulad sa sarili niya, at mag-iiwan siya ng isang tao
bilang panagot (hostage). Sinabi nila na payag sila, ngunit kinagabihan, nag-iba ang isip ng unang hari.
Kaya nang handa na kaming umalis

kinabukasan nang umaga, nagpasabi ang hari na dahil sa pagkalinga niya sa capitan, nais niyang siya na
mismo ang sasamang gabay sa amin sa paglayag ngunit kailangang maghintay ng 2 araw habang inaani
ang kanyang palay at tinatapos ang iba pang gawain niya. Humiling pa siya sa capitan na magpadala ng
mga tauhan upang makatulong, at tumulong naman ng ilang kasama namin.

Subalit sobra-sobra ang kain at inom ng mga hari at nakatulog sila buong araw. Ang sabi-sabi sa amin,
bilang pagtatakip, nagkasakit daw. Kaya wala kaming ginawa buong araw, ngunit sa sumunod na 2 araw,
nag-trabajo kaming maigi.

May isang tagapulo na lumapit sa amin, may dalang mangkok ng kanin at isang piling ng 8 - 9 saging
upang ipagpalit sa isang patalim (cuchillo,knife) na nagkakahalaga lamang ng 4 quattrini (mumurahing
barya sa Italya na gawa sa tanso). Nang nakita ng capitan, tinawag niya at, dumukot sa kanyang pitaka
(purse), inalok ang tagapulo ng isang real (salaping pilak sa España) kapalit ng pagkain, subalit tumanggi
ang tao. Isang ducat (mas mahalagang salapi) naman ang inalok, ngunit lalong ayaw ng tao. Sa wakas,
inalok siya ng 2 ducat, subalit cuchillo lamang ang nais ng tao at inutos ng capitan na ibigay ito.

Hindi nagtagal, isa sa mga kasama namin ang dumaong upang umigib ng tubig, at may lumapit na isang
tagapulo na nag-alok ng malaking piraso ng ginto, palit sa 6 malaking piraso ng salamin. Ngunit ayaw
pumayag ang capitan, upang malaman daw ng mga tagarito na mas mahalaga ang mga ari-arian namin
kaysa sa mga ginto nila.

Nga-nga.

PAGANO ang mga tagapulo, hubad-hubad at mga pintado. Nagsusuot sila ng bahag na telang gawa sa
punong-kahoy (tree bark) at malakas sila uminom. Ang mga babae ay nagta-tapis lamang ng tela na
gawa sa talukap ng punong-kahoy (tree cloth) mula sa baywang pababa, at ang buhok nila ay itim at
mahaba, abot sa lupa, at naghi-hikaw sila ng mga gintong sinsing.

Nguya sila nang nguya ng bungang-kahoy (frutas, fruits) na tinawag nilang areca (betel nut) na hawig sa
peras (pear) at hinihiwa nila sa 4 at binabalot sa dahon ng puno nito na tinawag nilang betre (betel tree).
Nguya-nguya nila ito kahalo ng kaunting apog (lime) nang matagal na matagal, tapos idudura nila at
itatapon. Dahil dito, pulang-pula ang kanilang mga bibig. Ginagamit ito ng maraming tao dahil nakaka-
ginhawa raw at, sa init ng araw, hindi sila nakakatagal nang walang nga-nga.

Duon sa pulo, maraming aso, pusa, baboy, manok at kambing. Marami ring palay, luya, niyog at buko,
saging, dalanghita (naranjita, orange), kalamansi (lemons), dawa (millet), pagkit (wax) at mga minahan
ng ginto. Ang pulo ay nasa 9 2/3 guhit pahilaga at 162 guhit pahaba mula sa Pinaghatian (line of
demarcation). At mula sa kabilang pulo na natuklasan naming may mga malinaw na tubig (ang pulo ng
Homonhon), 25 leguas (160 kilometro) ang layo. At itong pulo ay tinawag na Mazzaua (Limasawa).

8
Tumigil kami ng 7 araw sa pulo, tapos naglayag kami patungong kanlurang timog (southwest) palampas
sa 5 pulo, ang Ceylon (Panauan, sa timog ng Leyte), Bohol, Canighan (Canigao), Baibai (Baybay, sa gitna
ng Leyte) at Gatighan.

( Hindi na kilala ang Gatighan, malamang nagbago ang pangalan. Bagaman at tinawag na pulo ni
Pigafetta, maaaring ito ang dulong timog ng Leyte mismo, sa tinatawag ngayong Canigao channel, sa
bandang kanlurang baybayin ng Leyte. Dahil madalian at hindi bihasa ang mapa ni Pigafetta, maaari ring
ito ang pulo ng Lapinin sa silangang hilaga ng Bohol.)

Duon sa Gatighan, may isang uri ng ibon na tinawag na barbastigly (paniki o flying foxes) na Nga-nga
kasing laki ng lawin (hawk). Isa lamang ang napatay namin dahil gabi na, at nang kainin namin ay lasang
manok. Mayroon pa roong mga kalapati (pigeons) at loro (parrots), at itim na ibon na may mahabang
buntot at kasing laki ng gansa (goose) ang itlog na ibinabaon sa tumpok ng buhangin na hanggang tuhod
ang taas. Masarap kainin ang itlog. May 20 leguas (128 kilometro) ang layo ng Gatighan sa Mazzaua.

Mula Gatighan, nagtungo kami sa kanluran (west) subalit naiwanan ang bangka ng hari ng Mazzaua kaya
hinintay pa namin siya sa may tabi ng Polo (Poro), Ticobon (Pasijan) at Pozzon (Poson, sa kapuluan ng
Camote (Camote Islands), sa kanluran ng Leyte).

Nang umabot ang hari, hanga siya sa (bilis ng) paglayag namin. Niyaya siya ng capital-general na sa barko
na siya sumakay, pati na ang kanyang mga pinuno, at sila ay tuwang-tuwa. At nagpatuloy kami papunta
sa Zzubu (Cebu), na 15 leguas (96 kilometro) ang layo sa Gatighan.

Zzubu, Avril 7, 1521.

PUMASOK kami sa daungan ng Zzubu bandang tanghali nuong Linggo, Avril 7, 1521, matapos daanan
ang maraming baranggay. Zzubu Nakita namin sa ilan na may mga bahay na nasa mga punong kahoy.
Nang papalapit na kami sa pangunahing kabayanan, inutos ng capitan general sa lahat ng barko na
iladlad ang kanilang mga watawat. Tapos, ibinaba namin ang mga layag, gaya ng gawi kapag
nakikipagdigmaan, at pinaputok namin ang lahat ng cañon. At nagtakbuhan sa takot ang mga tao sa
kabayanan.

Pinapunta ng capitan sa kabayanan ang kanyang ampon na anak, isang binatilyo, kasama ng
tagapagsalita ng Malay (si Enrique), upang humarap sa hari ng pulo ng Zzubu (Cebu). At duon sa
kabayanan, natagpuan nilang sindak na sindak ang mga tao, pati na ang hari, gimbal sa putok ng
maraming naming cañon. Ngunit inawat sila ng tagapagsalita, sinabing gawi lamang ito kapag unang
dating ng barko sa isang daungan, at pahiwatig ng payapa at pakipag-kaibigan. Parangal pa sa hari, ang
sabi, kaya pinaputok lahat ng cañon.

Huminahon ang hari at mga tao, at inutos sa isa niyang pinuno na itanong kung ano ang hanap namin.
Sinabi ng tagapagsalita na ang kanyang panginoon ay isang pangunahing pinuno (capitan) ng pinaka-
makapangyarihang hari sa daigdig, at ang utos sa kanya ay tuklasin ang kapuluan ng Maluku (Moluccas,
spice islands, lalawigan ngayon sa Indonesia). Subalit nang nabalitaan ng capitan sa mga pulo na
nadaanan niya, lalo na sa hari ng Mazzaua (Limasawa), ang yaman at dangal (ng Cebu) ipinasiya niyang
dumaan dito upang dalawin ang hari, at upang mag-imbak ng karagdagan pagkain at gamit sa aming
paglalakbay.

9
Sumagot ang hari na malayang dumaong ang capitan, ngunit kagawian na lahat ng barkong dumaong
duon ay kailangang magbayad ng buwis. Wala pang 4 araw nakaraan, sabi ng hari, isang barkong
tinawag na iunco (dyong, barkong pandagat mula Java, bahagi ngayon ng Indonesia; tinawag na yunc ng
Español, junk ng English) ang nagbayad ng buwis, may dalang ginto at mga alipin mula sa Ciama
(Champa, bahagi ng Vietnam at ng Cambodia ngayon). Ipinatawag ng hari ang nagkalakal sa dyong at,
bilang patunay, ipinakita sa tagapagsalita na sumagot naman na ang capitan, bilang isang pinuno ng
pinaka-malakas na hari, ay hindi nagbabayad ng buwis kahit kanino, at kung nais niya (ng hari ng Cebu)
ng payapa, makakamit niya ang katahimikan, at kung nais niya ng digmaan, makakamit din niya ang
digmaan.

Nuon sumabat ang nagkalakal sa dyong, sinabi sa sariling wika (Visaya), ‘Cata raia chita,’ Cebu, Mactan,
Bohol ang kahulugan ay ‘Mag-ingat tayo, mahal na hari’ at sinabing ang mga dayuhang ito ang dumurog
at sumakop sa Calicut (kaharian sa India), sa Malacca (kaharian sa Malaysia) at sa kalawakan ng India.
Kung tatanggapin mo sila ng mainam, maigi ang mapapala mo, subalit kung lapastangan ka, masama ang
mangyayari sa iyo, gaya ng ginawa nila sa Calicut at Malacca.

( Sa katunayan, ang mga Portuguese ang sumakop sa mga puok na iyon, hindi ang mga Español, subalit
hindi ito alam ng mga tagapulo.)

Naunawaan ng tagapagsalita namin ang lahat ng sinabi, at sumagot siya sa hari na ang panginoon ng
capitan ay higit na makapangyarihan sa dami ng mga barko at mga sundalo kaysa hari ng Portugal, at
hinayag niya na ang panginoon ng capitan ay ang hari ng España at emperador ng lahat ng kahariang
catholico. Kaya, sabi ng tagapagsalita, kung ayaw niyang makipagkaibigan at ituring kami nang mainam,
magpapadala ng maraming sundalo upang wasakin siya at ang kanyang kabayanan. Sumagot ang hari na
pag-uusapan nila ng mga pinuno niya at ibibigay niya ang sagot kinabukasan.

Pagkatapos, nagpahain ang hari ng maraming pagkain, pulos carne, sa mga mangkok na porselana, at
maraming banga (jars) ng alak. Matapos kumain, bumalik na ang mga kasama namin at ibinalita sa
capitan ang lahat ng nangyari at napag-usapan. At ang hari ng Mazzaua na katabi ng capitan at
itinuturing duon na pang-2 sa hari ng Zzubu sa kapangyarihan dahil sakop niya ang maraming pulo, ay
nagtungo sa kabayanan upang purihin sa hari duon ang dangal at pugay ng aming capitan.

LUNES ng umaga, sumama ang aming notario (tagapagsulat) sa tagapagsalita papunta sa kabayanan ng
Zzubu. Ang hari, kasama ng kanyang mga pinuno, ay nagtungo sa liwasan (plaza) upang makipag-usap sa
mga kasama namin. Itinanong niya kung mayroon kaming iba pang capitan, at kung nais ng capitan na
magbayad ang Zzubu ng buwis sa emperador na panginoon niya. Hindi, ang sagot ng mga tauhan namin.
Ang balak lamang ng capitan ay makipagkalakal sa mga tao sa kanyang kabayanan. Masaya na ako, ang
sagot ng hari, at sinabing nais niyang makipag-kaibigan sa capitan.

Bilang pahiwatig, magpapadala raw siya ng kaunting dugo mula sa kanyang kanang bisig, at ganito rin
daw ang dapat gawin ng capitan. Pumayag ang mga tauhan namin. Idinagdag ng hari na lahat nang
barkong dumaong duon ay naghahandog sa kanya, at binibigyan din niya ng mga alay. Tanungin daw ang
capitan kung nais sundin ang gawing ito. Pumayag uli ang mga tauhan namin, at sinabi sa hari na siya na
rin lamang ang mahilig sa gawi, siya dapat ang maunang maghandog, at gagantihan siya ng capitan ng
nararapat.

10
Iesu Christo.

UMAKYAT sa barko ang hari ng Mazzua nuong umaga ng sumunod na Martes, kasama ang Moro
(Muslim) na nagkalakal mula Ciama (Champa), bilang sugo ng hari ng Zzubu na nagpasabi, iniipon na ang
mga ihahandog sa capitan. Pagka-pananghalian daw, papupuntahin niya ang 2 pamangkin niyang lalaki
upang makipagpanayam sa capitan.

Inutusan ng capitan ang isang sundalo na magsuot ng bakal at sinabi sa Moro na ganito kami lahat
makipaglaban, at nasindak ang Moro. Ngunit pinahinahon siya ng capitan, sinabing wala siyang dapat
ikatakot sapagkat mapurol ang aming mga sandata sa mga kaibigan, matalim lamang sa aming mga
kaaway. At gaya ng pagkapit ng pawis sa damit, ganoon din ang kapit ng mga sandata namin sa mga
kaaway ng aming simbahan. Sa Moro sinabi ito ng capitan, dahil mas matalino siya kaysa sa mga iba, at
maibabalita niyang lahat sa hari ng Zzubu.

Pagkakain ng pananghalian, umakyat sa barko ang pamangkin na tagapagmana (principe, prince) ng hari,
kasama ang hari ng Mazzaua, ang Moro, ang governador, ang pinuno ng pulis, at 8 pang pinuno, upang
makipagpayapa sa amin. Ang capitan ay nasa upuang balot ng pulang pelus (velvet) at sa tabi niya
nakaupo ang mga pinuno ng pangkat-dagat (fleet) sa mga upuang balot ng balat (leather). Dumaong

Ipinatanong niya sa tagapagsalita kung gawi ng mga tao na makipag-usap nang lantad o nang lihim, at
kung may kapangyarihan ang tagapagmana na kasama nila na makipagpayapa. Oo, ang sagot nila sa
tanong, may kapangyarihan sila mula sa hari na makipagpayapa at makikipag-usap sila nang lantaran,
hindi patago.

Nagtalumpati ang capitan tungkol sa kapayapaan, nanalangin sa Dios na pagpalain ang kasunduan sa
langit. Sinabi ng mga tagapulo na ngayon lamang sila nakarinig ng mga ganitong kataga, at galak sila sa
talumpati. Nasiyahan ang capitan sa mga sinabi, at nakita niyang matama siyang pinakikinggan kaya
nagpatuloy siya at isinaysay ang mga paniniwala upang mahikayat silang maging catholico. Itinatanong
ng capitan kung sino ang papalit sa hari pagkamatay, at sinabi nilang walang anak na lalaki ang hari
subalit maraming anak na babae.

Naging asawa ng pinaka-matandang anak na babae ang pamangkin ng hari kaya ito ang naging
tagapagmana. At pagtanda raw ng hari at ng kanyang asawa, wala nang papansin sa kanila at magiging
utos-utusan na lamang sila ng kanilang mga anak. Dito sinabi ng capitan na ang Dios ang gumawa ng
langit, ng lupa, ng dagat at lahat ng bagay sa mondo, at inutos ng Dios sa bawat tao na igalang at
sumunod sa mga magulang. Sinumang sumuway ay paparusahan ng walang katapusang apoy. Isinaysay
ng capitan na lahat ng tao ay nanggaling kina Eva at Adan, ang mga unang magulang, at lahat tayo ay
may kaluluwang hindi papanaw kailanman. At marami pang hinayag ang capitan na masugid na dininig
ng mga tao, at hiniling nila sa capitan na mag-iwan ng isa o 2 tao na magtuturo sa kanila tungkol sa
pagsamba ng catholico, na igagalang at kukupkupin nila ang mga ito.

Sinagot sila ng capitan na hindi siya maaaring mag-iwan ng tao subalit kung nais nilang maging catholico,
bibinyagan sila ng aming pari, at sa mga susunod na pagdalaw, magdadala siya ng maraming pari na
magsi-sermon at magtuturo sa kanila tungkol sa simbahan. Sinabi ng mga tao na nais nilang kausapin
muna ang kanilang hari, tapos sila ay magiging catholico.

Napaiyak kaming lahat nang narinig namin ang ganda ng loob ng mga tao. Sinabi sa kanila ng capitan na
hindi sila dapat magpabinyag sa takot sa amin o para lamang pagbigyan kami, subalit kung talaga lamang

11
na nais nilang maging catholico at mahal nila ang Dios. Kahit na hindi sila magpabinyag, sabi ng capitan,
hindi kami magagalit subalit ang mga magpabinyag ay mas igagalang namin, at ituturing nang mas
mabuti kaysa sa mga hindi binyagan. Sumagot silang sabay-sabay na magpapabinyag silang lahat nang
kusa at hindi dahil sa takot.

Kapag kayo ay naging catholico, sabi ng capitan, bibigyan namin kayo ng mga sandata, sa utos ng hari (ng
España) na panginoon namin, at hindi kayo makakasiping sa inyong mga babae na hindi binyagan
sapagkat kasalanan ito. Hindi na kayo tutuksuhin ng demonio, sabi ng capitan kundi na lamang sa oras
ng inyong kamatayan. Umamin ang mga tao na wala silang maisagot sa maraming magandang sinabi ng
capitan subalit pinaubaya nila ang mga sarili sa kamay ng capitan, at dapat niyang ituring sila na mga
tagapagsilbi niya.

May luha sa mga mata ang capitan nang yakapin niya ang mga pinuno, at hawak ang kamay ng hari ng
Mazzaua at ng tagapagmana, ipinangakong sisikapin niya ang walang katapusang payapa ng hari ng
España. Nangako rin ang hari at ang tagapagmana ng pakikipagpayapa nang walang hanggan.

Dito natapos ang pakikipagpayapa, at nagpakuha ang capitan ng merienda para sa mga tao. Binigyan ang
capitan ng hari ng Mazzaua at ng tagapagmana, sa ngalan ng hari (ng Cebu), ng mga handog, malalaking
cajon ng bigas, mga baboy, kambing at manok. Humingi sila ng tawad na hindi sapat ang mga handog
nila.

Bilang ganti, hinandugan ng capitan ang tagapagmana ng magandang tela, isang pulang cap (maliit na
saklob sa ulo), isang ginintuang taza, at maraming salamin (glass) sapagkat bantog ang salamin sa
kapuluan. Wala siyang ibinigay sa hari ng Mazzaua dahil nabigyan na niya ng mga handog nuong mga
nakaraang araw. Sa ibang kasama, nagbigay siya ng mga handog.

Pinapunta ako at isa pang kasama ng capitan upang ihandog sa hari ng Zzubu ang isang bata (robe) ng
dilaw at bughaw na sutla (seda, silk), isang magandang capna pula, ilang piraso ng salamin at 2
ginintuang taza, nakalagay lahat sa isang pilak na plato (silver plate).

Raia Humabon.

NANG dumating kami sa kabayanan, nakita namin ang hari ng Zzubu sa kanyang tahanan (palacio),
nakasalampak sa isang banig sa lupa at maraming katabing tao. Hubad-hubad siya, maliban sa bahag at
maluwag na telang bordado ng seda na nakapulupot sa kanyang ulo (putong). May malaki at
mamahaling kuwintas sa kanyang leeg, at nakasabit sa Humabon kanyang tenga ang 2 gintong hikaw na
may mga palamuting mamahaling bato. Pandak siya, at mataba, at maraming pinturang pula sa kanyang
mukha. Kumakain siya ng mga itlog ng pagong mula sa mga dahon ng puno ng niyog, at mayroon siyang
4 banga (jars) na punung-puno ng uraca (tuba, palm wine) na sinisipsip niya, gamit ang mga payat na
kawayan.

Nagbigay pugay kami at ibinigay sa kanya ang mga handog ng capitan, at ipinasabi namin sa
tagapagsalita na hindi ito kapalit ng mga handog niya sa capitan kundi pahiwatig lamang ng pagmamahal
niya sa hari. Isinuot namin sa kanya ang bata, ipinatong ang cap sa kanyang ulo, at hinalikan namin ang
mga salamin (glasses) at ibinigay sa kanya, at tinanggap niya. Tapos, pinakain niya kami ng mga itlog at

12
pinainom ng uraca, sinipsip ng mga payat na kawayan, habang ibinabalita ng mga pinuno niyang
nanggaling sa barko ang magandang sinabi ng capitan sa kanila tungkol sa payapa at pagsamba. Inimbita
kami ng hari na sumalo sa hapunan, ngunit nagdahilan kami at umalis.

Niyaya kami ng tagapagmana (principe), ang pamangkin ng hari, sa kanyang bahay at ipinakita ang 4
dalagita duon, matamis na nagpapatugtog ng mga kakaibang gamit (mga gong), at nakakaaliw ang
kanilang musica. Ang isa ay nagpapatunog ng isang hawig sa tamborin natin ngunit nakatayo sa lupa.
Ang isa ay tinatambol ang likod ng 2 mahabang tamborin, hawak ang isang patpat na may balot sa dulo
ng dahon ng niyog. Ganoon din ang ginagawa ng pang-3 babae, mas malaki lamang ang tamborin. Ang
huling dalagita ay 2 ang tinatambol, isa sa bawa’t kamay. Magkakahimig ang kanilang pagtugtog at
matamis pakinggan.

Napakaganda ng mga dalagita, at mapuputi sila, at halos kasing tangkad namin. Nakahubad sila maliban
sa tapis na nakabalot sa kanilang baywang hanggang tuhod na telang hawi sa niyog (banig). Ang ilan ay
lubusang nakahubad, mahaba ang itim na buhok, at may maliit na velo (veil) na nakapulupot sa ulo, at
sila ay laging nakayapak. Pinasayaw kami ng principe sa 3 dalagitang walang damit. At nag-merienda
kami duon, tapos bumalik na kami sa barko.

Ang mga tamborin ay bakal (tanso) at gawa sa bayan ng Sinus Magnus, ang tinawag na China. Ginagamit
ang mga ito gaya ng gamit natin sa campanas (bells), at ang tawag nila ay aghon (gong).

Umaga ng Miercoles, pagkamatay ng isa naming kasama nuong nakaraang gabi, nagtungo ako at ang
tagapagsalita sa utos ng capitan upang humiling sa hari kung saan namin maililibing ang namatay.
Maraming tao na kasama nang makita namin ang hari, at matapos kaming magbigay pugay sa kanya,
ibinalita namin ang pagkamatay ng aming kasama at ang hiling ng capitan na mailibing duon. At ang
sagot ng hari, handa siya at ang lahat ng tao niya na sumunod sa aming panginoon (ang hari ng España),
at lalo silang handang magsilbi sa kanya (kay Magellan). Idinagdag namin na nais naming pagpalain ang
libingan ayon sa aming gawi, at magtatayo kami ng cross sa ibabaw ng libingan. Payag siya, sabi ng hari,
at siya mismo ay sasamba sa cross gaya ng pagsamba namin. Inilibing ang patay sa gitna ng plaza nang
buong dangal, sabay sa mga ceremonia bilang magandang pakita, at kinagabihan, inilibing namin ang isa
pa. Pagkatapos, nagdala kami ng mga kalakal sa kabayanan ng hari at inimbak sa isang bahay. At ang hari
ang namahala, nangakong walang masamang mangyayari sa hari (ng España). Apat sa aming mga tauhan
ang napiling mag-venta ng mga kalakal.

Nuong sumunod na Viernes, ipinakita namin sa mga tao ang aming mga kalakal at ari-arian, kakaiba at
sari-sari, at hanga sila. Para sa mga bakal, tanso at malalaking bagay, nakipagpalit sila ng ginto, at para sa
mga maliliit na bagay, ang kapalit ay bigas, baboy, mga ari-arian at iba pang kakanin. Ang palitan nila ay
10 timbang ng ginto sa 14 libra (pounds) ng bakal. Ang isang timbang ay 1½ ducat (barya o coin na dating
gamit sa Europa na may halaga ng bandang isang dolyar kung pilak (silver) at mahigit doble kung ginto).

Ayaw ng capitan na makipagkalakal kami ng maraming ginto at baka maging mumurahin ang aming
kalakal dahil sa takaw (greed) ng mga tauhan namin sa ginto. Baka raw ipagpalit lahat ng ari-arian nila
para lamang sa kakaunting ginto. Masisira nang tuluyan ang kalakal at mapipilitan ang capitan na ipagbili
nang mura na rin ang kanyang mga kalakal na nais sana niyang ipagbili sa mas mataas na halaga.

13
Nuong sumunod na Sabado, nagpatayo ang capitan ng isang entablado (platform) sa gitna ng liwasan
(plaza), may mga tabing (cortinas, curtains at mga dahon ng puno ng niyog sa paligid, dahil ipinangako
ng hari na magpapabinyag siya sa Linggo. At sinabi sa kanya ng capitan na hindi sila dapat masindak
pagputok ng mga cañon namin kinabukasan dahil gawi namin sa mga pagdiriwang na magpaputok ng
mga cañon na wala namang bala.

Ang Mga Taga-Zzubu.

ANG mga tao ay nabubuhay nang maayos at mapayapa, maganda ang kanilang mga kalooban, at
mayroon silang mga timbangan at mga pang-sukat. Ang mga timbangan nila ay kahoy, hawig sa pardesa
(timbangan sa France), ginagamit sa kalakal, at pahabang kahoy, nakasabit sa gitna ng pisi. Sa isang dulo
nakasabit ang isang pabigat na tingga at sa kabilang dulo ay may mga guhit ng timbang gaya ng libras
(pounds). Dito nila sinasabit ang kalakal, nakalagay sa buslo na may 3 taling sabitan, at tama ang
timbang. Mayroon din silang sabitan na butas ang puwit para sa malalaking bagay na titimbangin. Ang
mga kabataan ay nagpapatugtog ng mga torotot na gawa tulad ng sa atin, at tinawag nilang subin.

Ang mga bahay nila ay kahoy, mga tabla at kawayan, nakapatong sa mga tukod, at napakataas, kailangan
pang umakyat ng hagdanan. Ang mga silid nila ay hawig sa ating mga cuarto, (silid) at sa ilalim (silong)
nakakulong ang mga alaga nila - baboy, kambing at mga manok.

Sa pulo na iyon, may mga hayop na may kabibe, tinawag na corniol, maganda sa tingin, na pumapatay sa
mga ballena (whales,). Dahil nilululon nang buhay ang mga ito ng mga ballena, at nang nasa loob na sila,
lumalabas sila sa kabibe at kinakain ang puso ng ballena. At itong mga corniol ay may mga ipin at itim
ang balat at ang kabibe ay puti. Masarap kainin ang kanilang carne, tinawag na laghan (laman).

Binyagan.

40 LAHAT-LAHAT kaming nagtungo sa kabayanan, sa harap ay 2 sandatahan, dala ang watawat na


sagisag ng aming emperador nuong Linggo ng umaga, Abril 14, 1521. Sa pagdaong namin, nagpaputok
ang mga barko ng lahat naming kanyon. Nagulat ang mga tao na sunod-sunod sa amin kahit saan kami
pumunta. Santo Niño

Nagtagpo at nagyakap ang capitan at ang hari. Sinabi ng capitan na ang karaniwang gawi namin ay 50
tauhan dapat ang mga guardia kapag inilaladlad ang sagisag ng emperador, na may 2 sandatahan sa
harap at 50 may dalang mga hackbut(arquebus, baril na de-sabog nuon) gaya ng ginawa namin, ngunit
dahil sa pagmamahal niya sa hari, dinala niya ang sagisag kahit 40 lamang kami. Masaya kaming umakyat
ng entablado (platform) at naupo ang hari at ang capitan sa 2 upuan (silla, chairs) na may takip na pelus
(velvet), ang isa ay pula, ang pang-2 ay kulay lila (violet). Ang mga pinuno ay naupo sa mga unan
(cushions) at ang mga iba ay nakasalampak sa mga banig (<>palm leaves mats), gaya ng gawi duon.

Upang pasimulan ang pagsamba ng hari sa Iesu Christo, nagtalumpati ang capitan, na isinalin ng
tagapagsalita (interpreter). Nagpasalamat siya sa Dios na naibigan ng hari na maging catholico. Gagapiin
daw niya (ng hari) ang lahat ng kanyang mga kaaway nang higit pa kaysa nakaraan. Sumagot ang hari na
ibig niyang maging catholico subalit ang mga ibang pinuno ay ayaw sumunod sa kanya, dahil
magkakapantay lamang daw sila. Ipinatawag ng capitan ang lahat ng mga pinuno at hinayag na kung

14
ayaw nilang sumunod sa hari, gaya ng pagsunod namin, silang lahat ay papatayin at lahat ng ari-arian
nila ay ibibigay sa hari. Sumagot lahat sila na susunod na sila sa hari.

Sinabi ng capitan na pagpunta niya sa España, magsasama siya pabalik ng maraming sundalo at ang hari
ang magiging pinaka-makapangyarihan sa buong kapuluan, sapagkat siya ang pinaka-unang naging
catholico. At ang hari, taas ang 2 kamay sa langit, ay nagpasalamat at humiling na mag-iwan ang capitan
ng ilang tauhan upang turuan siya at ang mga tao tungkol sa pagsamba ng catholico. Pumayag ang
capitan, at sinabing dadalhin naman niya ang 2 anak ng mga pinaka-mataas na pinuno duon, upang
maturuan ng aming wika. Pagbalik nila, maituturo naman nila ang mga natutunan sa España.

Matapos ng mga talu-talumpati, nagtayo ang capitan ng isang malaking cross sa gitna ng liwasan (plaza).
Kung nais ng hari na maging mabuting catholico gaya ng sinabi niya kahapon, hayag ng capitan, dapat
niyang sunugin lahat ng luma at huwad na dios (idols) duon at palitan ng cross, na dapat sambahin nang
nakaluhod ng lahat ng tao, nakatikom sa langit ang mga kamay. At ipinakita ng capitan kung paano mag-
cross sa dibdib (sign of the cross) na dapat ay gawin araw-araw. At tuwing umaga dapat silang lumuhod
at sumamba sa cross at pagtibayin ng mga mabuting gawain ang kanilang mga panata at panalangin.

Hinayag ng capitan na nakasuot siya ng puti lahat upang ipakita ang walang bahid na pagmamahal niya
sa kanila. Sumagot sila na hindi nila alam kung ano ang isasagot sa magagandang salita ng capitan. Sa
ganuon, inakay ng capitan ang hari sa kamay at umakyat sila uli sa entablado at, nang binyagan siya,
sinabi ng capitan na ang pangalan niya ay Dom Carlos (Don Carlos, taga-Portugal si Magellan at dom ang
parangal duon sa halip ng don ng España), gaya ng pangalan ng emperador na panginoon namin.

Ang tagapagmana (principe) ay bininyagan ng Dom Ferrand, pangalan ng kapatid ng emperador. Sa isang
pinuno, ibinigay ang pangalan niya, Fernand (Ferdinand). Ang hari ng Mazzaua,ang ay tinawag na Juan
(John). Ang Moro ay bininyagang Christoval (Christopher). At ganuon bininyagan, bago mag-misa, ang 50
lalaki. (sa ibang salaysay, 500 tao ang bininyagan).

Pagkatapos ng misa, inimbita ng capitan ang hari at ang kanyang mga pinuno na magtanghalian, subalit
nagdahilan ang mga ito at sinamahan na lamang kami hanggang sa dalampasigan. At pagdating namin
duon, nagpaputok uli ang mga barko ng lahat ng aming cañon. Pagkatapos, nagyakapan sila at nag-alisan
na.

Ang Santo Niño.

PAGKAKAIN ng tanghalian, ako, ang pari at ilang kasama ang nagpunta sa kabayanan upang binyagan
ang reyna (regina, queen). At humarap siya, may kasamang 40 babae, at hinatid namin sila sa entablado.
Naupo ang reyna at ang mga babae sa mga unan at, habang naghahanda ang pari, ipinakita namin sa
reyna> ang isang kahoy na estatua ng mahal na Virjen at Santo Niño (Madonna and child) na maganda
ang pagka-ukit, at ng isang cross.

Nais ng reyna na maging catholico nang makita ito, at siya ay bininyagan sa pangalang Juana (Joanna),
gaya ng nanay ng emperador. Ang anak ng reyna, asawa ng principe, ay bininyagang Catrina (Katherine).
Ang asawa ng hari ng Mazzaua (Limasawa ang tawag ngayon) ay bininyagang Isabel (Ysabeau). Nuong
araw na iyon, 800 tao ang bininyagan namin, lalaki, babae at mga paslit (children).

15
Ang reyna ay bata at maganda, nakabalabal ng puti at itim na tela. Mapulang-mapula ang kanyang mga
labi at mga kuko sa daliri, at may suot sa ulo na malaking sombrero, parang maliit na payong na hawi sa
dahon ng punong niyog. May suot din sa ulo na corona ng mga dahon din, hawig sa corona ng Papa
(pope). At hindi siya umaalis ng bahay na walang suot na corona. Hiniling niya na ibigay namin sa kanya
ang estatua ng Virjen at Santo Niño upang ipalit sa mga dating dios (idols). Ibinigay namin at umalis na
siya.

( Ang estatua ay gawa sa Flanders na lalawigan ngayon ng Belgium, sa hilagang Europa. Si Magellan ang
naglagay ng mga cross. Natagpuan uli ang estatua ng Santo Niño sa Cebu pagkaraan ng 44 taon, nuong
Abril 28, 1565, ni Miguel Lopez de Legazpi, ang conquistador ng Pilipinas. Buo pa, maliban sa inalis ang
mga cross. Hanggang ngayon, ang estatua ay nasa simbahan ng mga frayleng Augustinian sa Cebu.)

Kinagabihan, dumating sa dalampasigan ang hari at reyna, kasama ng mga tao. Inutos ng capitan na
paputukin ang mga cañon, at tuwang-tuwa silang lahat. Kapatid (hermano) ang tawag ng capitan at ng
hari sa isa’t isa. Ang hari dati ay tinawag na Raia Humabon. At mula nuon, bago nakaraan ang isang
linggo, nabinyagan ang lahat ng tao sa pulo, at iba pa mula sa ibang pulo (sa ibang kasaysayan, hayag na
mga 2,200 tao ang nabinyagan).

Sa isang kalapit na pulo (Mactan), may sinunog kaming baranggay dahil ayaw sumunod sa hari o sa amin,
at nagtayo kami ng cross duon sapagkat hindi sila binyagan. Kung Moro (Moors) sana sila, isang poste
(column, malaking parangal o monumento sa mga Español ) ang dapat naitayo namin bilang pahiwatig
ng mas malaking tagumpay dahil mas mahirap mapasuko ang mga Moro kaysa sa mga pagano
(heathen).

Nuong panahon na iyon, araw-araw nagpupunta ang capitan sa kabayanan upang magsimba, at Reyna
ng Cebu marami siyang itinuro sa hari tungkol sa simbahang catholico.

Isang araw, nagsimba ang reyna, dumating na may 3 dalaga sa unahan, may dalang sombrero ang bawat
isa. Ang reyna ay nakadamit ng itim at puti, at sa ulo ay may maluwang na velo (veil) na may palamuting
gintong sinulid, at abot sa kanyang balikat. Suot sa ibabaw ng velo ang kanyang sombrero.

Kasunod niya ang ilang mga babae, nakayapak lahat at nakahubad maliban sa tapis sa baywang, tela na
hawi sa puno ng niyog, at may maliliit na tela silang putong sa ulo at lugaygay (hanging down) ang
kanilang buhok. Nagpugay ang reyna sa harap ng altar, tapos naupo sa unan na bordado ng sutla (seda,
silk). At bago nagsimula ang misa, binasbasan ng capitan ang reyna at mga babae ng tubig ng rosas (rose
muscat water) at sila ay tuwang-tuwa.

Alam ng capitan na naibigan ng reyna ang estatua ng Santo Niño. Sinabi niya, dapat ito ang ariin ng
reyna kaysa ang mga lumang dios (idols) sapagkat ito ay paala-ala at sagisag ng anak ng Dios. Nang
marinig ito ng reyna, nagpasalamat siya nang maigi sa capitan.

Milagro!

16
ANG mga lumang dios ay mga inukit at kinulayang kahoy, harapan lamang at hunghang (hollow) ang
likuran, nakadipa ang mga kamay at nakataas ang mga paa. Malaki ang mukha at may 4 malaking ipin,
hawig sa mga pangil ng baboy-damo.

Isang araw, ipinatawag ng capitan ang hari at ang mga pinuno ng kabayanan. Dumating ang hari, suot
ang kanyang bata na sutla (seda, silk) at kasama ang kanyang kapatid, tinawag na Bendara (hindi
pangalan kundi parangal sa isang may katungkulan sa pamahalaan) at tatay ng tagapagmana (principe),
at isa pang kapatid, tinawag na Cadaio (Ka Dayu) at iba pang pinuno, kabilang ang mga tinawag na Simiut
(si Miyut), Sibuaia (si Buwaya), Sisical (si Sikal) at Maghalibe (Mang Halibi), at iba pang hindi ko na
binanggit at nang hindi maging napakahaba ito.

Pinasumpa ng capitan ang mga pinuno na susunod sila at magsisilbi sa hari, at ang hari ay pinasumpa ng
panalig (fidelity) sa hari ng España. Pagkatapos, binunot ng capitan ang kanyang espada sa harap ng
estatua ng Virjen at sinabi sa hari na kapag sumumpa nang ganoon, dapat mamatay bago mabali ang
pangako. At sa lakas at tapang ng pahayag ng capitan, sumumpa nga ang hari sa harap ng estatuana
laging magsisilbi at mananalig sa emperador.

Pagkasumpa, binigyan ng capitan ang hari ng isang upuan (silla, chair) na balot ng pulang pelus (red
velvet) at inutos na tuwing lalabas ng bahay ang hari, kailangang bitbitin ito ng mga kamag-anak o
pinuno niya sa harapan, at ipinakita sa hari kung paano dapat pasanin ang upuan (ito ang pahiwatig sa
Europa nuon ng pagsisilbi sa isang panginoon). At sumagot ang hari na gagawin niya ito bilang
pagmamahal sa capitan, at sinabi pa na nagpapagawa siya ng alahas na ihahandog niya sa capitan.

Ito ay 2 malaking singsing na ginto, magagamit na hikaw sa tenga, 2 pang gintong sinsing na maisusuot
sa mga bisig, sa ibabaw ng siko (elbow) at 2 pang gintong singsing din na isusuot naman sa paa, sa alak-
alakan (ankles). Mayroon pang mga mamahaling bato na maisusuot na hikaw at palamuti sa tenga. Ito
ang mga pinaka-mahalagang alahas na isinusuot ng mga hari sa kapuluan. At ito ay mga taong
nakayapak, at mga naka-bahag lamang.

Isang araw, tinanong ng capitan-general sa hari at iba pang pinuno kung bakit hindi pa nila sinusunog
ang mga lumang dios (idols), gaya ng ipinangako nila nang binyagan sila, at bakit sila patuloy na nag-
aalay ng carne sa mga ito. Ang sagot nila, hindi para sa sarili nila kundipara pagalingin ng mga lumang
dios ang isang maysakit sa kanila, 4 araw na raw hindi nagsasalita. Ito ay kapatid ng hari, isang magiting
(knight) at kinikilalang pinaka-matalinong lalaki sa buong pulo.

Pinilit ng capitan na dapat nilang sunugin ang mga lumang dios at maniwala kay Iesu Christo, at kung
bibinyagan ang maysakit, gagaling siya agad. At kung hindi ito magkatotoo, sabi ng capitan, Pugutin
ninyo ang ulo ko! Sinagot ng hari na susunod siya sapagkat tunay siyang naniniwala kay Iesu Christo.
Kaming lahat ay nagtungo, parang procession mula sa liwasan (plaza) hanggang sa bahay ng maysakit, at
nadatnan namin siyang hindi makagalaw o makapagsalita. Bininyagan namin siya, pati ang 2 asawa niya
at 10 dalaga duon. Tapos, kinausap siya ng capitan, tinanong kung ano ang pakiramdam niya at sumagot
siya agad, at sinabing sa awa ng Dios, magaling na siya. At ito ay isang napakalinaw na himala (milagro,
miracle) sa ating panahon.

Pagkarinig nito, nagpasalamat ang capitan sa Dios at pinainom ang maysakit ng katas ng almond
(almond milk) na ipinagawa niya bago pa, para sa maysakit. Tapos, nagpakuha siya ng kutson (colchon,

17
mattress), mga kumot at isang unan. At araw-araw, pinadalhan niya ng katas ng almond, tubig ng rosas
(rosewater), langis ng rosas (rose oil) at mga matamis na bungang kahoy (frutas, fruits).

Pagkaraan ng 5 araw, nakalakad na ang maysakit at, nang naramdamang magaling na siya, ipinasunog
ang mga lumang dios na itinago ng mga matatandang babae sa bahay niya nuong unang nagkasakit siya.
Sa harap ng hari at ng lahat ng tao, ipinagiba pa niya ang ilang ‘simbahan’ sa dalampasigan, kung saan
nag-aalay ang mga tao ng carne para sa mga lumang dios. Ang mga tao naman ay naghiyawan ng
‘Castila! Castila!’ habang winawasak nila ang mga ‘simbahan’. At hinayag ng gumaling na maysakit na
tanang buhay na ibinigay sa kanya ng Dios, susunugin niya ang lahat ng lumang dios na makita niya,
kahit na sa silid-tulugan (bedroom) ng hari mismo nakatago.

Mga Puok At Pangalan.

MAY mga bayan-bayan (mga baranggay) duon sa pulo. Ito ang kanilang mga pangalan, at ang tawag sa
kanilang mga pinuno:

Cinghapola (sa Sangang Pula) at ang mga pinuno, Cilaton (si Latun), Ciguibucan (si Gibukan), Cimaningha
(si Mang Inggo), Cimaticat (si Matikas), Cicambul (si Kambal).

At sa Mandaui (Mandawe ang tawag ngayon) at ang pinuno duon, Lambuzzan (si Lakan Busan).

Sa Cotcot (Kutkot) at ang pinuno nito, Acibagalen (ay si Bagalin).

Sa Puzzo at ang pinuno, Apanoan (si Apo Nu-an).

Sa Lalen at ang pinuno, Theteu (si Datu).

Sa Lulutan at ang pinuno Tapan (si Tapang), saka Cilumai (si Lumay), at Lubucun.

Lahat ng mga kabayanan (baranggay at nayon, wala pang kabayanan o town sa kapuluan nuon) at mga
pinuno ay tauhan ng hari at ang bawat isa ay nagbibigay sa kanya ng buwis at pagkain.

Pagkatapos ng pulo ng Zzubu, may isa pang pulo, tinawag na Mattan (Mactan) na bumuo ng daungan
(hinarang ang lakas ng dagat) na hinimpilan namin. At ang pangalan ng kabayanan duon ay Mattan, at
ang mga pinuno duon ay sina Zzula at Cilapulapu(si Lapu-Lapu). At duon sa pulo na iyon ang kabayanan
(baranggay) na sinunog namin, at ang pangalan nuon ay Bullaia (Balayan o ‘bahayan,’ ‘tirahan’
(settlement) sa wikang Visaya).

( Pasintabi, Annotation: Ang Mactan ay maliit na pulo sa lusutang Bohol (Bohol Strait), sa bukana ng
nayon ng Cebu at humaharang sa mga alon ng dagat kaya naging mainam na daungan ng barko ang
gitnang silangang bahagi (east central portion) ng pulo ng Cebu.

Ang mga pangalang isinulat ni Pigafetta ay saliwa sapagkat bago sa kanyang pandinig, hindi niya
naunawaan ang gamit ng ‘si’ at ‘sa’ ng mga katutubo, at ang mga ito, dahil hindi marunong bumasa at
sumulat, ay hindi naituro ang mga maling dinig niya.

Si Pigafetta rin ang umamin na palit-palit ang gamit nila ng mga patinig, gaya ng Jaua na ginawa nilang
Java. Karamihan ng mga tirahan nuon ay mga baranggay lamang na walang mga pangalan at tinawag

18
lamang sa pangalan ng pinuno o datu. At ito ay mga nayon lamang, wala pang mga kabayanan (towns)
nuon, at ang may mga pangalan ay madalas pangalan ng mga tao na nakatira duon.

Ang Cebu mismo ay maling dinig ni Pigafetta sa Sugbuanon, o Cebuano, ang mga tao na nakatira sa pulo
na, dahil walang pangalan, ay tinawag na ring Cebu o Zzubu ni Pigafetta at ng mga sumunod na Español
na nakabasa ng kanyang ulat. Ang mga maling dinig ay nangyari, ayon kay Hector Santos, ang batikang
manalaysay (historian) ng Pilipinas, dahil kaiba ang bigkas ng mga tao nuon. Mas maraming pakupya
nuon, hindi mabigkas o alam ng Español, gaya ng Sugbu na naging Cebu, at ang dat-u na bibinigkas na
datu ngayon. At ang Mat-an, ‘nakikita’ o visible sa Visaya at ‘namataan’ sa Tagalog, dahil malapit sa
Cebu, ay naging Mactan.)

Kinatay.

ANG pagkatay sa baboy sa mga tagapulo ay malaking pagtatanghal, saliw sa maraming ceremonia na
ginagawa nila sa pag-alay ng carne (consecration of pigs) sa kanilang mga lumang dios (idols). Una,
tinambol nila ang malalaking borchies (gong), mga instrumento ng tugtog (musical instruments) na
hawig sa tamborin o mga plato na tanso.

( Ang ‘tugtog’ na tawag sa musica ay mula sa tunog ng mga tambol at bumbong, ang unang musica sa
Pilipinas.)

Sunod, naghain sila ng 3 malaking mangkok, 2 ay may mga rosas, kanin at nilagang dawa (millet, maliit
na bigas, hindi masarap at hindi na kinakain sa Pilipinas) na nakabalot ng mga dahon at may kasamang
inihaw na isda. Ang huling mangkok ay may tela mula sa Cambaia (Cambodia, subalit malamang telang
batik mula sa Borneo) at 2 buong dahon ng puno ng niyog. Inilatag ang tela ng Cambaia sa sahig, tapos 2
matandang babae ang dumating, may hawak na tig-isang kawayang torotot (trumpeta), at tumalungko
sa tela. Nagpugay sila sa araw (sun), tapos ikinumot ang tela sa kanilang katawan. Ang isa ay nagtali ng
panyo sa noo, nakabuhol na may 2 nakausling dulo, parang sungay (horns), at hawak ang isa pang
panyo, ay nagsayaw at hinipan ang torotot, panawagan sa araw.

Ang pang-2 babae, kinuha ang isang buong dahon ng puno ng niyog at nagsayaw din at maraming
dinasal sa araw. Ang unang babae, binitawan ang panyo at dinampot ang pang-2 dahon ng niyog at
nagpatuloy silang dalawa, sayaw nang sayaw, tumurotot at nagdasal sa araw, at lumigid sa baboy na
nakatali sa sahig. Tapos, nagdasal nang lihim na panalangin ang isang babae, at sumagot ng dasal din ang
kasamang babae. Binigyan ng isang baso ng alak ang unang babae, at ito ay nagpatuloy sa pagsayaw at
pagdasal, sinasagot ng pang-2 babae ng dasal at sayaw din. Kunyari uminom ng 4 o 5 ulit sa baso, pinisik
ng babae ang alak paligid sa Babaylan puso ng baboy nang ilang ulit, tapos sayaw-sayaw pa ulit.

Binigyan ang unang babae ng matulis na sibat, na sinayaw at winagayway niya, kinalog at inamba sa tabi
ng baboy at habang nagsasayaw at nagdadasal silang daawa, kunyari tinutusok ang baboy sa dibdib 4 o 5
ulit.

Tapos, biglang tinusok ng sibat at winakwak ang puso ng baboy bago mabilis na lumuhod ang babae at
tinakpan ng damo ang sugat ng baboy.

19
Kagat-kagat niya ang isang nagliliyab na sulo (burning torch) habang patuloy ang ceremonia. Sinalok sa
torotot ng pang-2 babae ang dugo ng baboy at lumapit sa mga lalaki na nakapaligid at pinahiran ng dugo
ang mga nuo nila, simula sa kanilang mga asawa, tapos sa iba. Subalit hindi siya lumapit sa aming mga
Español.

Naghubad ang 2 babae at kinain ang mga pagkain sa mangkok. Inanyayahan nilang kumain at iba pang
babae, hindi kasali ang mga lalaki. Tapos, inilagay sa apoy ang baboy at binalatan. Ang mga nag-alay ng
carne ay mga matandang babae lamang, at hindi sila kumakain ng baboy na hindi kinatay sa ganitong
paraan.

( Ito ang mga babaylan, mga pari nuong unang panahon, na karaniwang mga babae. Nuong 1885, isang
frayleng Jesuit, si Pedro Rosell, ang naghayag ng awit ng mga bailan pagkatay sa baboy:

Miminsad, miminsad si Mansilatan, Opod si Badla nga magadayao nang dunia.

Baylan, managunsayao!

Baylan, managunliguit!

Lamapag, lumapag na si Mansilatan. Tapos, si Badla na sasagip sa lahat.

Baylan, magsayaw ka!

Baylan, lumigid-ligid ka!

Si Mansilatan ang pinunong dios at ama ni Badla na bumaba mula langit upang gawin ang daigdig at
sanlibutan, at ipagtanggol ang mga ito mula sa mga pakana ng lalaking demoño, si Pudaugnon, at ang
babaing demoño, si Malimbung na maganda at mapanukso. Ang mga baylan o babaylan ang mga pari na
sumasamba kay Mansilatan.)

Mga Kakaibang Gawi.

HUBAD-HUBAD ang mga tao, walang suot kundi bahag ng telang hawi sa puno ng niyog. Marami silang
asawa hanggang ilan ang nais nila bagama’t laging may isang pangunahing asawang babae. Ang mga
lalaki, bata at matanda, ay may kabit na ginto o tanso sa dulo ng kanilang pagkalalaki, kasing taba ng
pako (nail), nakatusok tagos sa magkabila. Ang 2 dulo ng bakal ay may hugis na bituin o bilog na butonis
(button). Nakita ko ang mga ito, hiniling ko sa ilang lalaki, bata at ang iba ay matanda, na ipakita sa akin
sapagkat hindi ako makapaniwala sa balita.

Ang gitna ng bakal ay may butas para ihian, at dahil matigas ang bakal, laging ‘handa’ ang kanilang
pagkalalaki. Sabi sa akin ng mga lalaki, ito ang nais ng mga babae, at kung hindi nila ‘suot’ ang bakal,
ayaw silang isiping ng mga babae. Kapag katabi na nila, kinukuha ng babae ang kanilang pagkalalaki kahit
hindi pa matigas at ipinapasok unti-unti, umpisa sa mga bituin o butonis, sa kanilang pagkababae at
duon na tumitigas ang mga lalaki.

At hindi nahuhugot hanggang hindi natatapos at lumalambot uli ang lalaki. Ginagawa ito ng mga tao
dahil mahina ang katawan nila at hindi sapat ang kanilang pagkalalaki. Tuwing punta namin sa
kabayanan, inaanyayahan kami ng lahat ng tao, araw o gabi, upang kumain at uminom. Ang mga ulam
nila ay medyo hilaw at sobra ang alat. Malakas sila kumain at uminom, tumatagal ng 5 - 6 oras ang salu-
salo. Mas ibig kami ng mga babae kaysa sa mga lalaki duon.

20
Ang lahat ng mga babae, kapag lumagpas na ng 10 taon, ay unti-unting nagtatakip na ng kanilang
pagkababae, dahil sa gawi ng mga lalaking magpakabit ng bakal sa katawan.

Kapag namatay ang isang pinuno nila, mayroon din silang mga ceremonia. Una, lahat ng babae sa bahay
ay pumasok sa silid (cuarto, room) ng patay na nasa kabaong. Nakatali paligid sa kabaong ang mga sanga
ng punong-kahoy na may nakapatong na puting tela, parang talukbong (canopy). Ang mga pangunahing
babae ay umupo sa ilalim ng mga sanga, lahat ay may suot na puting velo, at may tig-isang aliping babae
na nagpaypay sa kanila ng dahon ng puno ng niyog.

Ang ibang mga babae ay nakaupo paligid sa silid, iyak nang iyak. Tapos, pinutol-putol ng isang babae ang
buhok ng patay, gamit ang isang maliit na patalim (knife). Ang pangunahing asawa naman ng patay ay
humiga sa ibabaw ng kabaong, malapit ang bibig, mga kamay at mga paa sa bibig, kamay at paa ng
bangkay, at umiyak nang umiyak habang pinuputol ng babae ang buhok.

Pagkatapos guputin ang buhok ng patay, umawit ang pangunahing asawa (malamang panaghoy tulad ng
‘pabasa’ pag mahal na araw na sa ibang tao ay parang awit). May mga palayok na porselana sa paligid ng
silid, may sinding apoy at naglalaman ng myrrh, storax at benzoin at mabango ang buong bahay.

Ang ceremonia ay ginawa araw-araw sa lamay na tumagal nang 5 o 6 araw, at nilagyan ng camphor ang
bangkay. Tapos inilibing nila ang patay sa kabaong, sa isang pook na liblib at natatakpan ng maraming
punong-kahoy.

Gabi-gabi sa kabayanan, tuwing nalapit ang hatinggabi, may dumarating na isang itim na ibon na
kasinglaki ng uwak (crow) at agad hihiyaw. Pagkarinig dito, tumatahol ang lahat ng mga aso, at
humihiyaw din sila nang 5 o 6 oras. At walang nakaalam kung bakit o ano ang kahulugan nito.

Mattan, Mattan!

SI Zzula ang nagsugo ng isang anak niyang lalaki nuong Viernes, Abril 26, 1521. Isang pinuno siya sa pulo
ng Mattan (Mactan), at dala ng anak niya ang handog sa capitan-general ng 2 kambing. Ipinasabi niyang
tutuparin niya lahat ng pangako niya, subalit hindi niya naipadala lahat dahil kay Cilapulapu (si Lapu-
Lapu), na pinuno rin sa Mattan at ayaw sumunod sa hari ng España. Nagmakaawa si Zzula, tulungan siya
ng isa sa mga barko namin labanan si Cilapulapu.

Nagpasiya ang capitan-general na lusubin ang Mattan kasama ang lahat ng 3 barko. Masugid namin
pinigilan (si Magellan na magpaiwan siya sa Cebu) subalit, dahil siya ay tapat na pastol, hindi niya natiis
iwanan ang kanyang mga tauhan.

( Sa ibang ulat, 10 - 12 araw matapos nilang sunugin ang nayon ng Bullaia o Balayan sa Mactan, inutos ni
Magellan na magbigay sila ng 3 kambing, 3 baboy, 3 carga ng bigas at 3 pang carga ng dawa (millet) at
isakay sa mga barko. Sumagot sina Lapu-Lapu na tig-2 lamang ng mga hiningi ang ibibigay nila, at kung
ayos dito sina Magellan, ipapadala agad. Kung hindi, gawin na nila Magellan kung ano ang ibig nila
subalit walang ibibigay. Kaya daw lumusob ang mga Español.)

Hatinggabi nang lumunsad kami, may 60 tauhang nakasuot ng bakal sa katawan at ulo (corselets and
helmets), kasama ang hari (ng Cebu, the Christian king). Dumating kami 3 oras bago magbukang-

21
liwayway (dawn) sa Mattan. Ayaw ng capitan na lumusob sa ganitong oras, kaya pinapunta niya ang
Moro upang sabihin sa pinuno at mga tao sa pulo na magiging magkaibigan kaming lahat kung kikilalanin
nilang panginoon ang hari (ng Cebu) at susunod sila sa hari ng España, at magbibigay sila ng buwis.
Kapag umayaw sila, daranas sila ng tulis ng aming mga sibat (lances).

Sumagot ang mga taga-Mattan na sila man ay may mga sibat na kahoy na pinatigas sa apoy at mga
pinatulis na kawayan, at lumusob kami kung lulusob. Maghintay daw kami at hindi pa dumarating ang
ibang mga kasama nila. Pasigaw nilang sinabi ito dahil nagkuhay sila ng mga malalim na patibong sa
harap ng mga bahay upang mahulog kami.

Naghintay kami ng pagsikat ng araw. Hindi nakalapit ang mga barko dahil mabato (corrales) sa
dalampasigan, nagbangka na lamang kami at lumusong. Ang 11 kasama namin ay naiwan upang
bantayan ang mga bangka, kaya 49 na lamang kaming lumapit hanggang sa 2 abot ng pana mula sa
mahigit 1,050 mandirigma na nasa 3 pangkat, isa sa harap at 2 sa magkabilang gilid namin. Nagsigawan
at naghiyawan sila mula nang makita kami.

Hinati kami sa 2 pangkat ng capitan at sinimulan namin ang laban. Nagpaputok ng mga hackbut (lumang
arquebus, baril na de-sabog ng mga Español) at nagpalipad ng mga pana (crossbows) ngunit walang bisa.
Bumaon lamang sa mga kalasag (shields) na mga patpat na kahoy sa mga bisig ng mga mandirigma. Itigil
ang paputok, itigil na! sigaw ng capitan pagkaraan ng kalahating oras nang nakita niyang walang
tinatamaan ang mga baril at pana. Lalo namang nagsigawan ang mga mandirigma, patalon-talon at
tuwing nagpaputok kami ng hackbut, nagkanlong sa Lusob ng Español kanilang mga kalasag.

Bilang ganti, pumana rin sila ng maraming palaso at naghagis ng mga sibat na kawayan na may talim na
bakal, at mga sibat na kahoy na pinatigas sa apoy, at mga bato. Halos hindi kami nakapagtanggol sa dami
ng mga hinahagis nila.

Pinapuslit ng capitan ang ilang tauhan upang sunugin ang mga bahay nang masindak ang mga
mandirigma subalit lalo lamang naging mapusok at galit ang mga ito nang nakitang nagliliyab ang
kanilang baranggay, at pinatay nila ang 2 sa mga tauhan na sumusunog sa mga bahay-bahay. Mahigit 30
bahay na ang nasusunog nang lumusob ang mga mandirigma. Inutos ng capitan na umurong kami unti-
unti subalit nagtakbuhan lahat, at 6 o 8 na lamang kaming naiwang kasama ng capitan. Ang hita at binti
namin ang inasinta sa pana at sibat ng mga mandirigma dahil ang mga ito lamang ang walang suot na
bakal. At sa dami ng mga palaso (arrows) at sibat, hindi kami nakapagtanggol. Tinamaan ng palaso ang
capitan sa binti.

Ang mga cañon sa barko ay walang naitulong sa amin sapagkat napakalayo nila at hindi abot ng cañon,
kaya napilitan kaming magpatuloy ng paglaban hanggang nakaurong na kami ng kalahati ng layo at abot
tuhod na ang tubig ng dagat. Patuloy ang pagsugod ng mga mandirigma, sinalakay kami ng palaso at
sibat.

Nang makilala nila ang capitan, doble-doble ang lumusob sa kanya, pinana siya nang malapitan. Subalit
magiting ang capitan at, kasama ang ilan sa amin, matatag na lumaban nang mahigit isang oras. Hindi na
siya nakaurong pa. Isang indio ang naghagis ng sibat sa kanyang mukha at agad siyang pinatay ng
capitan, tinusok at iniwan ang sibat sa katawan. Binunot ng capitan ang kanyang espada ngunit kalahati
lamang ang nahugot niya dahil sa sugat, may sibat na kawayan na nakatagos sa kanyang bisig.

22
Nakita nilang wala na siyang sandata, dinumog siya ng mga mandirigma at sinibat ng isa ang capitan sa
kaliwang binti. Tumumba siya sa tubig. Pinagtataga siya ng mga kampilan at pinagtutusok ng mga sibat,
at ganoon nila pinatay ang capitan, -

ang aming salamin, ang aming liwanag, ang aming tagakupkop at ang aming tunay na gabay.

Habang tinataga siya ng mga mandirigma, ilang ulit lumingon ang capitan upang matiyak na lahat kami
ay nakasakay na sa mga barko. Nakita naming patay na siya at sinagip na lamang namin ang mga sugatan
at hinila sa mga bangka na papaalis na. Sasaklolo sana ang hari (ng Cebu) subalit bago pa kami lumusong
nuong umaga, inutos na sa kanya ng capitan na huwag bumaba ng barko at panoorin na lamang kung
paano kami makipagdigmaan. At ngayong patay na ang capitan, inutos ng hari na umurong na kaming
lahat ay pighati kaming iniwan ang bangkay ng capitan-general at ng mga kasama naming napatay.
Bagsak si Magellan

Ang labanan ay naganap nuong isang Sabado, Abril 27, 1521. At ito ang nais ng capitan, ang maganap ito
nang Sabado sapagkat ito ang araw ng kanyang panata (devotion). Kasama niyang napatay ang 8 kasama
namin, at 4 indio na nabinyagan naming catholico. Sa mga kalaban naming mandirigma, 15 ang napatay
ng mga cañon ng barko na nakatulong din sa bandang huli nang nakaurong na kami nang malapit.
Marami sa aming mga kasama ang sugatan.

( Isa sa mga sugatan si Pigafetta.)

http://www.elaput.com/mageln26.htm

23

You might also like