You are on page 1of 2

Noong Abril 28,1521 ay napatay si Magellan habang nakikipaglaban sa pangkat ng mga Cebuano sa isla ng Mactan sa

ilalim ni Pinunòng Lapulapu.

tatlong araw pagkatapos ng kapalpakan sa Mactan, 27 sa mga pinuno at tripulante ng plotilya ay pataksil na pinaty sa
isang bangkete na idinaos ni Haring Humabon sa baybay.

Ayon kay Pigafetta, si Enrique na siyang nagpapagaling ng isang maliit na sugat sa punong barko. Habang nagluluksa siya
sa pagkamatay ng kaniyang panginoon ay pinagalitan siya ng bagong kapuwa-kapitan na si Duarte Barbosa at
pinagbantaan pa siya nito na hahagupitin kung hindi siya agarang susunod sa utos nito na pumunta sa pampang.

Kahit na galit nag alit na ito at ikinubli niya muna ito at nakipagsabwatan kay Haring Humabon upang paslangin ang mga
dayuhan.

Mga katutubo ang tinutukoy rito. Isla ng Ladroni

SOCIO-KULTURAL

- Pamumuhay - Namumuhay ang mga tao ayon sa sariling kusa, Sapagkat wala silang senor
- Pisikal na itsura at pananamit – Sa mga kalalakiha, Hubo’t hubad silá, at may balbas ang ilan at nakatali ang itim
na buhok na umaabot sa baywang. Nagsusuot silá ng maliliit na kupya na gawa sa dahon ng niyog, tulad ng mga
taga-Albania. Sa kababaihan naman, Hubo’t hubad ang mga babae nilá maliban sa isang makitid na piraso ng
balakbak na singnipis ng papel, na siyáng tumutubo sa pagitan ng punò at ng balakbak ng niyog, sa harap ng
maseselan niláng bahagi at mayumi ang pangangatawan, at mas maputi kaysa mga laláki; at may buhok na
napakaitim, hindi nakatali at umaabot na halos sa lupa.
- Hindi nagtatrabaho ang mga babae sa mga bukid - nananatili sa bahay, naghahabi ng mga banig, basket, at ibá
pang kagamitang kailangan sa kaniláng mga bahay, gawa sa mga dahon ng niyog
- Gawa sa kahoy ang mga bahay - a binalutan ng mga tabla at may atip ng mga dahon ng punòng may bunga [punò
ng saging] na may habàng dalawang dipa; at may mga sahig at bintana. Pinalalamutian ang lahat ng mga silid at
kama ng pinakamagagandang banig gawa sa dahon ng niyog.
- Pagdalaw sa mga may sakit - binibigyan silá ng kanilang kapitan mula sa sariling kamay ng katas ng buko, na siyá
namang nagdulot sa kanilá ng malaking ginhawa.
- Pagbabasbas sa sarili gamit ang langis ng buko at beneseed – ginagawa nila ito bilang pananggalang sa araw at
hangin.
- Tradisyon sa seremonya bilang tanda ng pagkakaibigan – Pag-aalay ng kamay sa kalangitan at pag aabot ng
kaliwang kamao bago uminom ng alak. (pg. 59)
- Tanda ng kapayapaan- nagpapaputok ng anim na beses bilang tanda ng kapayapaan bago dumaong ang bangka.
(pg. 61)
- Pagtitindig ng krus sa tuktok ng bundok – Pinaniniwalaan nila na kapag nakita nila itó bawat umaga, maaari nilá
itong sambahin; at kung gagawin nilá ito, hindi silá pipinsalain ng kulog, kidlat, at bagyo. (pg 62)

- Seremonya sa pagbabanal ng baboy – Sa una ay pinatutunog muna nila ang malalaking gong Pagkatapos,
ipapasok ang tatlong malalakíng plato, dalawa ang may rosas at kakanin ng kanin at millet, hinurno at binalot sa
mga dahon, at inihaw na isda; ang isa ay tela ng Cambaia at dalawang sagisag na gawa sa tela ng punò ng palma.
Nakalatag sa sahig ang isang piraso ng tela ng Cambaia. Pagkatapos ay daratíng ang dalawang napakatandang
babae, ang bawat isa ay may kawayang trumpeta sa kamay. Pagkaapak nilá sa tela, magbibigay-galang silá sa
araw. Pagkatapos ay ibabalot nilá ang tela sa kaniláng katawan. Maglalagay ang isa sa kanilá ng panyo na may
dalawang sungay sa kaniyang noo, at hahawakan ang isa pang panyo, at hábang sumasayaw at umiihip sa
kaniyang trumpeta, sakâ niya tatawagin ang araw. Ang isa ay kukunin ang isa sa mga sagisag at sasayaw at iihip sa
kaniyang trumpeta. Sasayaw silá at sa gayon ay hihingi ng kaunting puwang, nagsasambit ng mararaming bagay
sa pagitan nilá at ng araw. Kukunin ng siyáng may panyo ang isa pang sagisag, at pababayaang mahulog ang
panyo, at hábang umiihip ang pareho sa kaniláng mga trumpeta nang may katagalan, sumasayaw silá paikot sa
nakataling baboy. Pakubling kakausapin ng siyáng may mga sungay ang araw, at sasagutin siyá ng isa. Ihahandog
ang isang kopa ng alak sa siyáng may mga sungay, at sasayaw siyá at paulit-ulit na sasambitin ang ilang salita,
hábang sinasagot siyá ng isa, at pagkatapos kunwang iinumin ang alak nang apat o limang beses ay iwiwisik ito sa
puso ng baboy. Pagkatapos ay agad-agad siyáng sasayaw muli. Bibigyan ng isang sayaw ang nasabing babae.
Pagkatapos niyang ipaspas ang sibat at inuulitulit sambitin ang ilang salita hábang patuloy siláng nagsasayaw at
umaakmang tutuhugin ang sibat patagos sa puso ng baboy nang apat o limang beses, bigla at mabilis niya itong
itutuhog patagos mula sa isang panig hanggang kabila. Agad na pipigilan ang sugat gámit ng damo. Kukunin ng
siyáng pumaslang sa baboy ang isang nag-aalab na sulo, na siyáng nagliliyab sa loob ng buong seremonyang iyon,
gámit ang kaniyang bibig bago papatayin ang apoy. Ang isa, pagkatapos isawsaw ang dulo ng kaniyang trumpeta
sa dugo ng baboy, ay iikot upang markahan ng dugo, gámit ang kaniyang daliri, una ang mga noo ng kaniláng
asawa bago ang ibá; ngunit hindi silá lumapit sa amin. Pagkatapos ay magtatanggal na silá ng mga gamit at
kakainin ang nilalaman ng mga plato, at aanyayahan ang mga babae lámang [na kumain kasáma nilá].
Tatanggalan ng balahibo ang baboy gámit ang apoy. Sa gayon ay mga matatandang babae lámang ang
nakapagpapabanal sa laman ng baboy, at hindi nilá ito kakainin kung hindi papatayin sa ganitong paraan. (pg 78-
79)

- Seremonyas kapag pumanaw ang isa sa mga pinuno - Una, pumupunta sa bahay ng pumanaw ang lahat ng
pangunahing kababaihan. Inilalagay ang namatay sa isang kahon sa gitna ng bahay. Pinaliligaran ang kahon ng
mga tali tulad ng isang palisada, na kinakabitan ng maraming sanga ng punò. Nakasabit ang isang telang bulak sa
gitna ng isang sanga na parang kortinang tabing. Umuupo sa ilalim nitóng mga nakasabit ang pinakapangunahing
mga babae, at lahat ay nakabalot sa puting telang bulak, bawat isa sa tabi ng isang dalagang pinapaypayan siyá
ng pamaypay na gawa sa dahon ng niyog. Nakaupong malungkot ang ibáng babae sa silid. Pagkatapos ay
mayroong isang babae na napakabagal na gugupitin ang buhok ng namatay gámit ang kutsilyo. Ang isa pa, na
siyáng pangunahing asawa ng namatay, ang papatong sa hulí, at ilalagay ang kaniyang bibig, kamay, at paa sa
parehong bahagi ng namatay. Hábang gumugupit ng buhok ang nauna, tumatangis ang hulí; kapag natapos nang
gumupit ang nauna, aawit ang hulí. Nakapalibot sa silid ang maraming porselanang banga na naglalaman ng
apoy, at sinusunog ang myrrh, storax, at benzoin, na siyáng lumilikha ng matapang na amoy sa buong bahay.
Ilalagi nilá ang katawan sa bahay nang lima o anim na araw sa loob ng mga naturang seremonya. Sa tingin ko ay
binabasbasan ang katawan ng alkampor. Pagkatapos ay inililibing nilá ang katawan at ang nasabing kahon na
isinasara sa isang troso sa pamamagitan ng mga pakòng kahoy at tinatakpan at pinalilibutan ng mga kahoy na
troso. Bandang hatinggabi ng bawat gabí sa lungsod na iyon, madalas na dumaratíng ang isang sadyang maitim
na ibong sinlaki ng uwak, at kararatíng pa lámang nitó sa mga bahay nang magsisimula itong sumigaw nang
matinis, na magpapaalulong sa lahat ng mga aso, ngunit ayaw sabihin sa amin ng mga táong iyon ang dahilan
para dito. (pg 80)

You might also like