You are on page 1of 28

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon III SANGAY NG PAMPANGA

MODYUL SA FILIPINO IV
Inihanda ni: JANET Y. PARAS Pandistritong Tagapag-ugnay sa Filipino ng Sto. Tomas
Modyul sa Filipino IV
I. Pamagat: Pandiwa II. Mag-aaral: Ikaapat na Baitang III. Lagom – Pananaw: Ang
modyul na ito ay sadyang nakalaan para sa iyo. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makakatulong ito sa iyo sa pag-aaral ng mga pandiwa. Nakapaloob dito ang tatlong
aspekto ng pandiwa sa pamamagitan ng mga gawain sa pagkatuto. May mga pagsasanay
kang sasagutin upang masukat mo ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.
IV. Mga Layunin
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makilala ang
mga pandiwa. 2. Matukoy ang salitang-ugat at panlapi sa pawatas ng pandiwa. 3.
Matukoy ang aspekto ng pandiwa sa pangungusap.
V. Panuto sa mga Mag-aaral
1. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit pagkatapos sagutin, iwasto ito. 2.
Basahin at unawaing mabuti ang mga gawain sa pagkatuto at sagutin ang mga
pagsasanay at iwasto rin ang mga ito. Kung handa ka nang sagutin ang pangkalahatang
pagsusulit. Kung hindi naman, muli mong balikan ang mga gawain sa pagkatuto at
sagutin muli ang pagsasanay. 3. Iwasto ang mga gawain sa pagkatuto at ang kasagutan
sa pangkalahatang pagsusulit o pagsasanay. 4. Maaari mo nang kunin ang susunod na
modyul kung matapos maunawaan nang lubos ang mga gawain.
VI. Mga Kakailanganing Kahandaan Gawi:
Bago mo simulan ang modyul na ito, nararapat na alam mong pumili at kumilala ng mga
pandiwa.
VII. Unang Pagtatayang Pagsusulit Ikahon ang mga pandiwa sa sumusunod na
pangungusap 1. Nanood ng sine si Rey kahit malakas ang ulan. 2. Malakas na sumigaw
ang natakot na babae. 3. Susulat ako sa iyo sa isang Linggo. 4. Si Vina ay naghiram
ng aklat sa kanyang guro. 5. Kailangan ang pag-iingat lalo na kapag bumabagyo. 6.
Nagdasal si Marian sa Mahal na Birhen. 7. Magalang na sumasagot sa nakatatanda ang
mga batang iyon. 8. Iinom ako ng gatas mamaya. 9. Sasali ka ba sa paligsahan sa
pag-awit? 10. Ang inahin ay hinabol ng tandang.
VIII. Mga Sagot sa Unang Pagsusulit 1. nanood 2. sumigaw 3. susulat 4. nanghiram 5.
pag-iingat 6. nagdasal 7. sumasagot 8. iinom 9. sasali 10. hinabol
IX. Mga Gawain sa Pagkatuto Aralin I Pandiwa Ang pandiwa ay salitang nagpapakita ng
kilos o galaw. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng salitang ugat at panlapi. Ang
pinagtambal na salitangugat at panlapi ay tinatawag na pawatas. Sa pawatas makukuha
ang mga pandiwa. Hal. Salitang-ugat Aral panlapi mag pawatas mag-aral pandiwa mag-
aral mag-aaral mag-aaral kumain kumakain kakain

Kain

um

kumain
Pagsasanay 1 Ikahon ang pandiwang ginamit sa pangungusap. 1. Nagtawag ng miting si
tatay. 2. Sasabihin ng nanay ang balak niya. 3. Ang buong pamilya ay aakyat ng
Baguio. 4. Pumalakpak ang mga anak. 5. Natuwa sila sa magandang balita. 6.
Magsisimula nang maghanda ang lahat, 7. Dadalhin ng tatay ang kotse sa talyer. 8.
Nag-usap ang nanay at mga anak tungkol sa mga pagkain at gamit na kailangan nila.
9. Ang dalawang anak na lalaki ay manghihiram ng tent sa kanilang lolo. 10.
Napalukso sa tuwa ang magkakapatid sa kanilang pag-alis.
Pagsasanay 2 Lagyan ng ekis ang pandiwa sa pangungusap. Sabihin ang salitang-ugat
at tukuyin ang panlaping ginamit dito. ________ ________ ________ ________ ________
_______ 1. Si Mang Edgar ay nagpahinga sa duyan. ________ 2. Kumain na si Rose ng
almusal. ________ 3. Bukas ay sasamahan kita sa kilala kong denstista. ________ 4.
Kahapon ay binigyan ng parangal ang aming punungguro. ________ 5. Mahusay sumayaw
si Sarah.
Mga Sagot sa pagsasanay 1 1. nagtawag 2. Sasabihin 3. Aakyat 4. Pumalakpak 5.
Natuwa 6. Maghanda 7. Dadalhin 8. nag-usap 9. Manghihiram 10. Napalukso

Mga Sagot sa pagsasanay 2 Salitang-ugat/panlapi 1. Pahinga 2. Kain 3. Sama 4.


Bigyan 5. Sayaw mag um han in um
Aralin 2 Pandiwa sa Aspektong Naganap
May iba’t-ibang panahon ng paggawa ng kilos o pandiwa. Ang panahon ng paggawa ng
kilos o pandiwa ay tinatawag na panahunan o aspekto. Ang mga pandiwang naapula,
nasunog, nakinig, natupok, kumalat at tumuntong ay mga kilos na tapos na o nangyari
na. Ang mga pandiwang tapos na o nangyari na ay nasa aspektong naganap. Ang mga
salitang pampanahong kanina, kahapon, kagabi, noon at iba pa ay nagpapahiwatig na
tapos na ang kilos kaya ginagamit ang mga ito sa aspektong naganap.
Narito ang paraan sa pagbubuo ng pandiwa sa aspektong naganap na. 1. Ang pawatas na
may panlaping um at ang panahunang pangnagdaan o aspektong naganap ay pareho.

Hal. S. U. inom kain

+ panlapi + um + um

= = =

pawatas = uminom = kumain =

naganap uminom kumain

2. Ang panlaping mag, ma, mang, sa isang pawatas ay magiging na, nag, nang sa
aspektong naganap Hal. S. U. dapa suklay hingi

+ panlapi + na + mag + mang

= = = =

pawatas = nadapa = magsuklay= manghingi=

naganap nadapa magsuklay manghingi


3. Ang panlaping in sa isang pawatas ay magiging unlapi kung ang salitang-ugat ay
nagsisimula sa patinig at magiging gitlapi kung ang salitangugat ay nagsisimula sa
katinig.
Hal. S. U. + panlapi= pawatas alis + in = alisin mahal + in = mahalin

= = =

naganap inalis minahal


Pagsasanay 3
Lagyan ng ekis ang pandiwang nasa aspektong naganap. 1. Ang mag-anak ay sama-samang
nagdasal. 2. Sumama ba si Bantay sa bukid? 3. Tinupad ba ni Pang. Noynoy Aquino ang
kanyang pangako? 4. Naglaro sa tubig-baha si Kisha kaya siya napalo. 5. Ako’y
naghiram ng mga aklat sa silid-aralan 6. Naku, tinangay ng aso ang mga isda! 7.
Mabuti’t huminto na ang ulan. 8. Nagluto ng sinigang si Crisostomo Ibarra. 9.
Tinahi ni Aling Dodeng ang mga damit. 10. Ang Diyos ang nagligtas sa mga biktima ng
kalamidad.
Mga Sagot sa pagsasanay 3
1. nagdasal 2. Sumama 3. Tinupad 4. naglaro/napalo 5. Nanghiram 6. Tinangay 7.
Huminto 8. Nagluto 9. Tinahi 10. Nagligtas
o ngayon. Ang kilos sa aspektong nagaganap ay hindi pa tapos, bagkus nangyayari
ngayon o ginagawa sa kasalukuyan. Ang mga pandiwang tinatapos, nagsisimula,
dumarating at nagmamadali ay nasa aspektong nagaganap.

Aralin 3 Pandiwa sa Aspektong Nagaganap Ang pandiwa ay nagaganap din sa panahong


pangkasalukuyan

Nakikilala ang mga pandiwang nasa aspektong nagaganap sa tulong ng mga salitang
araw-araw, palagi, tuwing, taun-taon at iba pa. Ang pagbubuo ng pandiwa sa
aspektong naganap ay ganito. 1. Alamin ang salitang-ugat at panlapi sa isang
pawatas 2. Alamin ang unang pantig o unang dalawang titik sa salitangugat. 3. Kung
ang pawatas ay may panlaping um, ulitin lamang ang unang pantig o unang dalawang
titik ng salitang-ugat. Hal. pawatas nagaganap uminom umiinom
4. Kapag ang panlapi ng pawatas ay ma, mag o mang, gawing na, mag at mang at ulitin
ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. pawatas mahilo
magdasal manghingi nagaganap nahihilo nagdadasal nanghihingi

5. Kung ang pawatas ay may panlaping in . a). Kapag ang salitang-ugat ay


nagsisimula sa patinig, ilagay ang panlaping in sa unahan at ulitin ang unang
pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Alis + in = alisin = inalis

b). Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig, gawing gitlapi ang in at


ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Mahal + in =
mahalin = minamahal
Pagsasanay 4 Bilugan ang pandiwang nasa aspektong nagaganap. 1. Ang mga manlalaro
ay (nagsanay, nagsasanay) araw-araw. 2. (Natuwa, Natutuwa) ang mga mamamayan sa
kinalabasan ng eleksyon. 3. Tuwing umaga, ang nanay ay (nanggising, nanggigising)
ng mga kasambahay. 4. (Sumunod, Sumusunod) ka ba sa tuwina sa mga magulang mo? 5.
(Tinutupad, Tinupad) ni Clara ang bawat pangako niya. 6. Ngayon, (mamamalas,
namalas) ninyo ang pinakabagong imbensyon ni Dr. Joseph Dy.. 7. (Inalis, Inaalis)
ni Tony ang kanyang sapatos tuwing pumapasok sa bahay. 8. (Nahilo, Nahihilo) si
Aling Emy ngayon. 9. Palaging (sumusunod, sinunod) sa utos ng ina si Kate. 10.
Kasalukuyang (gamutin, ginagamot) si Aling Madel.
Mga Sagot sa pagsasanay 4
1. nagsasanay 2. natutuwa 3. nanggigising 4. sumusunod 5. tinutupad 6. namamalas 7.
inaalis 8. nahilo 9. sumusunod 10. ginagamot
May mga kilos na mangyayari o magaganap pa lamang. Ang mga kilos na gagawin pa
lamang ay nasa aspektong magaganap. Ang mga pandiwang isusuot, bibili, pupunta at
magluluto ay nasa aspektong magaganap. Ang mga salitang mamaya, bukas, sa isang
Linggo, sa susunod na bakasyon ay mga hudyat na ang pandiwa ay nasa panahunang
panghinaharap o magaganap. 1. Kapag ang pawatas ay may panlaping um, alisin ang um
at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Pawatas
umiyak tumayo magaganap iiyak tatayo

Aralin 4 Pandiwa sa Aspektong Magaganap


2. Kapag ang pawatas ay may panlaping ma, mag o mang, mananatili ang ma, mag o mang
at uulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat.
Hal. Pawatas maupo magdala manghingi magaganap mauupo magdadala manghihingi

3. Kapag ang pawatas ay may panlaping in, ulitin lamang ang unang pantig o unang
dalawang titik ng salitang-ugat. Hal. Pawatas yakapin inumin magaganap yayakapin
iinumin
Pagsasanay 5

Isulat sa patlang ang aspektong magaganap ng pandiwang nasa loob ng panaklong.


(sumiklab) 1. Lumayo ka riyan at mukhang _____ na ang apoy sa siga. ( maghagis) 2.
________ ako ng barya sa mga batang Igorot. (ganapin) 3. Sa aming bayan ____ ang
popular na programa sa telebisyon. (umindak) 4. Sabay-sabay tayong _____________ sa
pagtugtog ng banda. (makita) 5. Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil _________ rin
natin ang kanilang bahay. ( mangharana)6. Ang mga lalaki sa baryo ay __________ sa
mga dalaga bukas ng gabi. (gayahin) 7. Hinding-hindi ko ___________ ang masamang
ugali niya. (magturo) 8. Si Gng. Santos ay ______________ ng pagbasa sa mga mag-
aaral. (punitin) 9. _______ ko ang mga papeles na ito kung hindi mo ibibigy sa akon
ang batang iyan! (maguton) 10. Pag hindi ka kumain, tiyak na ____________ ka sa
biyahe.
Mga Sagot sa Pagsasanay 5
1. sisiklab 2. Maghahagis 3. Gaganapin 4. Makikita 5. Iindak 6. Manghaharana 7.
Gagayahin 8. Magtuturo 9. Pupunitin 10. Magugutom
X. Panukatang Sangguniang Pagsusulit Ilagay ang aspektong nawawala sa hanay upang
mabuo ang anyo nito.

Salitangugat 1. 2. 3.

Naganap

Nagaganap

Magaganap

Aalis Tumalon

4. 5. Kandirit 6. 7. Awit 8. 9. 10.

Sumigaw
lumuluha Kumaway kikilos sinalin
Mga Sagot para sa Panukatang Pagsusulit Salitang-ugat 1. tuka 2. alis 3. talon 4.
sigaw 5. kandirit Naganap Tumuka Umalis Tumalon Sumigaw Kumandirit Nagaganap
Tumutuka Umaalis Tumatalon Sumisigaw Kumakandirit Magaganap Tutuka Aalis Tatalon
Sisigaw Kakandirit

6. luha 7. awit 8. kaway 9. kilos 10. salin

Lumuha Umawit Kumaway Kumilos sinalin

Lumuluha Umaawit Kumakaway Kumikilos sinasalin

Luluha Aawit Kakaway Kikilos sasalin


XI. Pagpapahalaga
Natatandaan mo ba ang iyong napag-aralan sa modyul na ito? Naging matiyaga ka ba at
naging masigasig sa iyong pagsagot sa mga pagsasanay? Nauunawaan mo bang mabuti ang
mga aralin? Kung oo, binabati kita dahil natapos mo ang modyul na ito nang may
kasiyahan at puno ng kaalaman. Sana ay maging kapaki-pakinabang ang susunod na
modyul na katulad nito sa patuloy mong pagkatuto.

You might also like