You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Geline T. Fajardo
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 lternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 lternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan


ang aralin tungkol sa katangiang pisikal ng daigdig. Pagtutuonan ng pansin sa ating
pag-aaral sa modyul na ito ang mga mahahalagang bagay o datos sa estruktura ng
Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan at heograpiya ng daigdig na may
pagsusuri sa limang tema nito.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Estruktura ng Daigdig
Talakayan 2 – Katangiang Pisikal ng Daigdig
Talakayan 3 – Limang Tema ng Heograpiya
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapagtatalakay ng estruktura ng Daigdig;


b. nakapagsusuri ng limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa
pag-unawa sa Daigdig; at
c. nakapag-uugnay ang heograpiya at katangiang pisikal ng may
lokalisasyon.

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Italya at Pransiya upang


magtrabaho. Anong tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?
A. lugar C. rehiyon
B. lokasyon D. paggalaw
2. Aling kontinente ang HINDI kabilang sa “Ring of Fire”?
A. Africa C. South America
B. Asia D. North America
3. Kung ang imaginary line na tumatakbo nang pahalang sa globo ay tinatawag
na latitude, ano naman ang imaginary line na pahalang na humahati sa globo
sa dalawang bahagi?
A. ekwador C. parallel
B. longhitud D. Prime Meridian
4. Bakit iba-iba ang naging pamumuhay ng mga tao sa Daigdig?
A. iba-iba ang mga taglay na kagamitan ng mga bansa sa Daigdig
B. iba-iba ang anyong lupa,tubig, at klima ng mga bansa sa Daigdig
C. iba-iba ang gawi at paniniwala ng mga tao sa iba’t ibang kontinente
D. iba-iba ang gusto ng mga tao sa iba’t ibang kontinente
5. Si Juan ay nanibago sa kanyang lugar sa Bataan dahil nagkaroon na ng iba’t
ibang fast food chain at komersiyal na establisyemento. Anong tema ng
heograpiya ang tumutukoy dito?
A. paggalaw C. lugar
B. lokasyon D. interaksiyon ng tao at kapaligiran
6. Anong planeta nang may kakayahang makapagpanatili ng buhay?
A. Benus C. Húpiter
B. Daigdig D. Marte
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI saklaw ng heograpiya?
A. flora at fauna C. lokasyon at lugar
B. anyong tubig at anyong lupa D. klima at panahon
8. Anong kontinente ang ikalawa sa pinakamaliit na halos 6.8% lang ang
kabuuang lupa sa digdig?
A. Europe C. South America
B. Asya D. Australia
9. Anong karagatan ang matatagpuan sa Silangang bahagi ng Daigdig?
A. Indian Ocean C. Atlantic Ocean
B. Arctic Ocean D. Pacific Ocean

2
10. Kumpletuhin ang pangungusap: Ang Mt. Everest, Mt. Fuji, Mt. K-2 ay mga
halimbawa ng ______________.
A. anyong lupa C. pinakamataas na bundok sa Daigdig
B. anyong tubig D. pinagkukunang yaman
11. Hebrew ang wika sa Israel na nagmula sa pamilyang Afro-Asiatic. Anong
tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?
A. paggalaw C. lokasyon
B. lugar D. interaksiyon ng taoat kapaligiran
12. Dito matatagpuan ang mga bukod tanging species ng hayop at halaman
tulad ng kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Anong kontinente ito?
A. Asya C. Africa
B. Australia D. North America
13. Si Maria ay nakaramdam ng lamig nang umulan sa kanilang lugar sa
Zambales. Anong konsepto ang tinutukoy nito?
A. panahon C. fauna
B. flora D. klima
14. Napagdesisyonan ng Pamilya Romero na mamalagi na sa Australya? Anong
tema ng heograpiya ang tumutukoy dito?
A. lugar C. rehiyon
B. paggalaw D. interaksiyon ng tao at kapaligiran
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang
isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?
A. May bahagdan ng populasyon ng Pilipinas ay mga Muslim.
B. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
C. Ang Japan ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista.
D. Ang Thailand ay miyembro ng Association of Southeast Asian
Nations.

3
Aralin
Katangiang Pisikal ng
1 Daigdig

Ang heograpiya ay ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng mundo at ang


interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran. Sa modyul na ito, pagtutuonan mo ng
pag-aaral ang estruktura ng Daigdig, katangiang pisikal nito, katuturan at
heograpiya ng Daigdig na may komprehensibong pagsusuri sa limang tema nito.
Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng
pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon upang maipakita ang
ugnayan ng kasaysayan at heograpiya. Simulan mo na.

Balikan

Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog sa araw na bumubuo ng solar


system. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na
posisyon nito.
• Batay sa larawan, saan matatagpuan ang planetang daigdig sa solar system?
• Ano-anong katangian ng daigdig ang nakapagpapanatili ng buhay?

https://c0.wallpaperflare.com/preview/996/748/47/solar-system-sun-mercury-venus.jpg

4
Mga Tala para sa Guro
Mahalagang malaman ang mahahalagang kaalaman
tungkol sa Daigdig tulad ng tinatayang bigat, edad, populasyon,
kabuuang lawak ng ibabaw ng Daigdig, lawak ng kalupaan at
karagatan, pangkalahatang lawak ng katubigan, uri ng tubig,
kabilugan sa equator at poles, diyametro sa equator at poles,
radius sa equator at poles, bilis ng pag-ikot, at orbit sa araw.
Gayundin ang pagsuring mabuti sa mga diyagram upang mas
maintindihan ang estruktura ng Daigdig.

Tuklasin

Paano mo ba mailalarawan ang daigdig? Iguhit ang naiisip na itsura ng mapa ng


Daigdig nang hindi tumitingin sa mapa o kahit anong resources. Sa loob ng kahon,
simulan ang iyong pagkatuto.

Ang Aking Likhang Mapa

5
Suriin

Estruktura ng Daigdig

Ang Daigdig o kilala rin bilang mundo o sangkalupaan ay ang tanging planeta
sa solar system na may kakayahang magpanatili ng buhay. Ito ay ikatlong planeta
mula sa araw, pinakamasukal na planeta sa sistemang solar at pang-apat sa
pinakamalaking planetang terestriyal. Tara na’t alamin pa ang ibang bahagi na
patungkol dito.

Ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig na may kapal na umaabot


sa 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente ay binubuo ng crust.
Ito ay may kapal lamang na 5-7 kilometro sa ilalim ng mga karagatan.

Ang isang patong ng mga Ang core ay ang kaloob-


batong malambot at natutunaw ang loobang bahagi ng Daigdig na
ilang bahagi ay tinatawag na binubuo ng mga metal tulad ng iron
mantle. at nickel.

Crust
Upper Mantle

Lower Mantle

Outer Core

Inner Core

Ang Daigdig ay may plate o malalaking masa ng solidong bato na hindi


nananatili sa posisyon. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang
inaanod sa mantle. Napakabagal ng paggalaw ng mga plate na ito. Sa katunayan,
umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang
paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagdudulot ng mga
paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan.

6
Northern Hemisphere Eastern Hemisphere

Ang Daigdig ay may


apat na hating-globo
(hemisphere): Ang Northern
Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng
equator, at ang Eastern Southern Hemisphere Western Hemisphere
Hemisphere at Western
Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.

Maaaring matukoy ang lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa sa paraang


absolute, astronomikal o tiyak. Tinatawag na longitude ang distansyang angular
na natutukoy sa pagitan ng dalawang meridian patungo sa silangan o kanluran
ng Prime Meridian. Ang Prime Meridian ay itinalaga bilang zero degree
longitude. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa silangan at
kanlurang hemispero. Ang latitude ay ang distansyang angular sa pagitan ng
dalawang parallel patungo sa Hilaga o Timog ng Ekwador. Ang ekwador ay ang
likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na Hemispero.
Ito ay itinatakda bilang zero degree latitude. Ang Tropic of Cancer ang
pinakadulong bahagi sa hilagang hemispero na direktang sinisikatan ng araw.
Makikita ito sa 23.5° Hilaga ng Ekwador. Ang Tropic of Capricorn ang
pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng araw.
Matatagpuan ito sa 23.5° Timog ng Ekwador.

Prime Meridian

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/86/Latitude_and_Longitude_of_the_Earth_fr.svg/1280px-
Latitude_and_Longitude_of_the_Earth_fr.svg.png-Latitude_and_Longitude_of_the_Earth.svg.png

7
Ang daigdig ay binubuo ng mga kontinente. Ang kontinente ay ang
pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng
magkakaugnay samantalang ang iba naman ay pinalilibutan ng katubigan.
Gayundin naman, ang iba ay nagtataglay ng napakaraming mga bansa samantalang
ang iba ay mayroon lamang kakaunti. May pitong kontinente ng daigdig – Africa,
Antarctica, Asya, Australia, Europa, Hilagang America at South America.

Ang malaking suplay ng ginto at diyamante


ay nagmumula sa Africa. Naroon din ang Nile River
na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang
Disyerto ng Sahara, na pinakamalaking disyerto.
Nagtataglay ang Africa ng pinakamaraming bansa
kung ihahambing sa ibang mga kontinente.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/9/91/Africa_on_the_globe_%28white-
red%29.svg/600px-Africa_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png

Ang Antarctica naman ang tanging


kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay
umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito,
walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa
mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol
dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal
ang karagatang nakapalibot dito.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/bf/Antarctica_on_the_glob
e_%28white-red%29.svg/1024px-Antarctica_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png

8
Sa tahasang sabi, ang pinakamalaking
kontinente sa mundo ay ang Asya.
Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa
sa pinagsamang lupain ng North at South
America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay
tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng
kabuuang sukat ng lupain ng Daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking
populasyon sa Daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng
https://upload.wikimedia.org/wikipedi
a/commons/2/24/Asia_on_the_globe_ Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
%28red%29.svg

Ang laki ng Europa ay sangkapat (1/4) na


bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa
sa pinakamaliit na kontinente ng Daigdig sa lawak na
halos 6.8% ng kabuoang lupa ng Daigdig.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/a/a0/Europe_on_the_globe_%28red%29.svg

Isang bansang kinikilala ring


kontinenteng pinakamaliit sa Daigdig ay ang
Australia at Ocenia. Napalilibutan ito ng
Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay
ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit
50 milyong taong pagkakahiwalay ng
Australia bilang isang kontinente, may mga
bukod tanging species ng hayop at halaman
na sa Australia lamang matatagpuan.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/t Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala,
humb/7/71/Australia_on_the_globe_%28Antarctic_cl
aims_hatched%29_%28Oceania_centered%29_with_bo
Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
rders.svg

Sa kabilang banda, ang North America ay


may hugis na malaking tatsulok subalit
mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang
mahabang kabundukan ang matatagpuan sa
kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa
silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/2/22/North_America_on_the_globe_%28white-red%29.svg

Gayundin, ang South America ay hugis


tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa
bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa
katimugan. Ang Andes Mountains na may habang
7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuoang
baybayin ng South America.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/be/South_America_on_the_gl
obe_%28white-red%29.svg/767px-South_America_on_the_globe_%28white-red%29.svg.png

9
Katangiang Pisikal ng Daigdig

Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng


katangiang pisikal ng Daigdig. Nagmula ito sa salitang Griyego na geo o Daigdig at
graphia o paglalarawan.

Nakaaapekto ang katangiang


pisikal ng Daigdig nang malaki sa Halimbawa nito ang mga
pamumuhay at kultura ng tao. lambak-ilog kung saan sumibol ang
Mahalagang bahagi ng pag-aaral nito mga kauna-unahang kabihasnan sa
ay ang mga anyong lupa at anyong Daigdig tulad ng lambak-ilog ng
tubig na sakop nito. Tinatawag na Tigris-Euphrates, lambak-ilog ng
topograpiya ang pisikal na Indus, lambak-ilog ng Huaug Ho at
katangian ng isang lugar o rehiyon. lambak-ilog ng Nile. Binubuo rin ng
Sa paglipas ng panahon, ang mga tao iba’t ibang uri ng mga anyong-tubig
ay natutong makiangkop sa kanilang ang Daigdig na nakatutulong sa
kapaligiran. Bukod sa mga kasalukuyang pamumuhay ng mga
nagtataasang kabundukan sa tao. Suriin ang diyagram sa ibaba.
Daigdig, maraming mga anyong-lupa
ang naging mahalaga sa pamumuhay
ng mga tao.

Diyagram 1.1 Saklaw, Sangay, Limang Tema ng Heograpiya at Kaugnayan sa


mga Disiplina
anyong lupa at tubig, likas na
yaman, klima at panahon, flora
(plant life), fauna (animal life)
Heograpiya saklaw
distribusyon at interaksiyon ng
tao at iba pang organismo sa
kapaligiran nito

Dalawang Sangay Limang Tema Kaugnayan sa


mga disiplina

Heograpiyang Heograpiyang • Lokasyon


Pisikal Pantao • Lugar
• Rehiyon • Kasaysayan
• Interaksiyon ng • Agham
tao at
• Sosyolohiya
kapaligiran
• Ekonomiks
• Paggalaw

10
Limang Tema ng Heograpiya

Binalangkas ang limang tema ng heograpiya taong 1984 ng National Council


for Geographic Education at ng Association of American Geographers. Naglalayon ang
mga temang ito na mas mapadali at simplehan ang pag-aaral ng disiplinang
heograpiya ng Agham Panlipunan. Ito ay makatutulong na unawain ng mga tao ang
kanyang ginagalawang Daigdig

Lokasyon
Lugar
Ito ay tumutukoy sa
kinaroroonan ng mga lugar sa Ito ay tumutukoy sa mga
Daigdig. Mayroong dalawang katangiang natatangi sa isang pook.
paraan ng pagtutukoy nito. Mayroong dalawang paraan ng
pagtutukoy nito.
Lokasyong Absolute sa
pamamagitan ng imahinasyong Ang mga katangian ng
guhit tulad ng latitude line na kinaroroonan tulad ng klima,
bumubuo ng grid. Ang pagkukrus anyong lupa at tubig, at likas na
ng mga guhit ay ang eksaktong yaman
kinaroroonan ng isang lugar sa
Daigdig Katangian ng mga taong
naninirahan tulad ng wika,
Relatibong Lokasyon na relihiyon, densidad, o dami ng tao,
ang batayan ay ang mga lugar at kultura at sistemang politikal
bagay na nasa paligid nito.

Rehiyon
Ang bahagi ng Daigdig na pinagbuklod ng magkatulad na katangiang
pisikal o kultural.

Paggalaw
Interaksiyon ng Tao at
Kapaligiran
Ang paglipat ng tao sa
Ito ang kaugnayan ng tao kinalakihang lugar patungo sa ibang
sa pisikal na katangiang taglay ng lugar. Ang paglipat ng mga bagay at
kaniyang kinaroroonan. Ang likas na pangyayari tulad ng hangin
kapaligiran bilang pinagkukunan at ulan ay nabibilang din dito.
ng pangangailangan ng tao at May tatlong uri ng distansiya ang
pakiki-angkop ng tao sa mga isang lugar:
pagbabagong nagaganap sa Linear- gaano kalayo ang isang lugar
kaniyang kapaligiran. Time- gaano katagal ang paglalakbay
Psychological- paano tinitignan ang
layo ng isang lugar

11
Pagyamanin

Gawain 1: Panuto Ko, Gawin Mo!


Kumpletuhin ang datos tungkol sa estruktura ng daigdig batay sa hinihingi ng
sumusunod na pangungusap. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

Lagyan ng simbolong apoy ang tatlong pangunahing parte ng Daigdig


Isulat ang salitang “kontinente” sa pitong kontinente ng Daigdig.
Tukuyin ang apat na pagkakahati ng Daigdig
Iguhit ang kilalang anyong lupa na matatagpuan sa titik “I”
Magbigay kung saang likas na yaman sagana ang titik “H”

M N
A

C
O P
B

F K
D

I
L

J
H

12
Gawain 2: Kahon ng Kasagutan
Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang salitang inilalarawan sa bawat
bilang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Crust Prime Meridian Daigdig Tropic of Capricorn

Tropic of Cancer kontinente mantle core

Northern Hemisphere latitude ekwador longitude

1. Ito ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa


kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ang mga bilog (great circles) na tumatahak
mula sa North Pole patungong South Pole.

2. Ito ang kaloob-looban na bahagi ng Daigdig kung saan matatagpuan ang mga
mahahalagang metal tulad ng iron at nickel.

3. Ito ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay.

4. Ito ang pinakadulong bahagi ng Timog Hemispero na direkta ring sinisikatan ng


araw.

5. Ito ang likhang-isip na guhit na humahati sa globo sa Hilaga at Timog na


hemispero.

6. Ang pinakadulong bahagi sa Hilagang Hemispero na direktang sinisikatan ng


araw.

7. Ito ang isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw
ang ilang bahagi nito.

8. Ito ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng Daigdig.

9. Ito ang nasa Greenwich sa England na itinatalaga bilang zero degree longitude.

10. Ito ang matigas at mabatong bahagi ng Daigdig.

13
Gawain 3: MAPA-hayag
Tukuyin ang lugar na inilalarawan sa mapa. Kompletuhin ang pahayag batay sa mga
hinihingi nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ako si ___________________________. Narito ako sa ______________________.

Ang klima dito ay _________________________. Ang mga likas na yaman dito ay


___________________________________Batay sa taglay na klima at likas na yaman
ng aming lugar, ang pamumuhay dito sa amin ay ____________________________.

Gawain 4: S-S-T-K Heograpiya


Punan ang graphic organizer ayon sa saklaw, sangay, tema, at mga kaugnayang
disiplina ng heograpiya. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Heograpiya
1.

2. 3.
saklaw

4. 5.

Dalawang Sangay Limang Tema Kaugnayan sa mga


Disiplina
1. 2. 1.
2. 1.
3. 2.
4. 3.
5. 4.

14
Gawin 5: THROWBACK
Humanap ng isang larawan ng kilalang lugar sa inyong pamayanan, sampung taon
o higit pang taon na ang nakakaraan at ang larawan nito sa kasalukuyan. Idikit ang
nahanap na larawan sa iyong sagutang papel at sagutin pamprosesong tanong sa
ibaba.

NOON NGAYON

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang pagbabagong naganap sa inyong lugar makalipas ang ilang


taon?
2. Paano ito nakaapekto sa inyong pamumuhay?
3. Kung may nais kang baguhin sa inyong pamayanan o komunidad,
ano-ano ang iyong babaguhin at bakit? Kung wala, pangatwiranan ang iyong
kasagutan

Gawain 6: Anong Tema ng Heograpiya?


Isulat sa sagutang papel kung anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng bawat
pahayag. (Lokasyon, Lugar, Rehiyon, Interaksyon ng Tao at Kapiligiran, at Paggalaw).
_______1. Mula Lungsod ng Malolos ay isang oras at kalahating minuto ang
paglalakbay papuntang Lungsod ng Meycauayan.

_______2. Espanyol ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.


_______3. Islam ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan sa Saudi Arabia.

_______4. Libo-libong Pilipino ang nangingibang bansa sa Australia at New Zealand


upang magtrabaho.
_______5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng
Bashi Channel at silangan ng West Philippine Sea.

15
_______6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ang nagpabilis sa mga tao na
magtungo sa mga bansang may magagandang pasyalan.
_______7. Ang wika ng mga bisita ay Waray.

_______8. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal.

_______9. Ang Brunei ay nasa Timog Silangang Asya.


_______10. Ang Amana Resort ay matatagpuan sa Pandi, Bulacan

Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa katangiang pisikal ng Daigdig. Isulat ang


tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Ang estruktura ng daigdig ay binubuo ng crust, ___________, at _________.


Ito ay may apat na hating-globo. Ang Northern Hemisphere, at _____________ na
hinahati ng __________, at ang ______________ at Western Hemisphere na hinahati
ng _____________

Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng


_________________. Nagmula ito sa salitang Griyego na geo o _________ at graphia
o _________

Upang mas mapadali ang pag-aaral nito, Ito ay nahati sa limang tema:
lokasyon, lugar,___________,___________, at paggalaw.

Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin at ipaliwanag


ang iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Paano nakaaapekto ang heograpiya sa pag-unlad ng


pamumuhay sa Daigdig?

16
Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ang Seoul, South Korea ay nasa 37.5665° N, 126.9780° E. Anong uri ng


lokasyon ito sa tema ng heograpiya?
A. Relatibong Lokasyon C. Lokalisasyon
B. Industriyal na Lokasyon D. Absolutong Lokasyon
2. Ilan ang kontinente ng mundo?
A. anim C. walo
B. pito D. siyam
3. Ang Gitnang Luzon ay binubuo ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija,
Pampanga, Tarlac, Zambales. Anong tema ng heograpiya ito?
A. paggalaw C. rehiyon
B. lugar D. lokasyon
4. Anong tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon?
A. heograpiya C. kasaysayan
B. agham panlipunan D. topograpiya
5. Paano natutukoy ang isang lugar ayon sa limang tema ng heograpiya?
A. gamit ang mapa
B. katangian ng kinaroroonan at taong naninirahan
C. linear, time, at psychological
D. lokasyong absolutong at relatibo
6. Napansin ni Neri noong papunta siya sa kaniyang Tiya Mareng sa Manila galing
Bulacan ay parang napakatagal ng biyahe ngunit nang siya ay pauwi dito, siya ay
hindi nainip at nabilisan sa biyahe. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan ng
pahayag?
A. linear C. psychological
B. time D. habitual
7. Anong kontinente ang itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo na
napapaloob dito ang bansang may pinakamalaking populasyon at matatagpuan
ang pinakamataas na bundok?
A. Asya C. Africa
B. America D. Australia
8. Ano-ano ang dalawang sangay ng heograpiya?
A. panlipunan at agham C. pisikal at pantao
B. psychological at antropolohiya D. kasaysayan at agham
9. Saan nagmula ang salitang heograpiya?
A. Griyego C. Romano
B. Latin D. Espanyol
10. Paano nakatutulong ang heograpiya sa pamumuhay ng tao?
A. madaling mailalarawan C. tirahan at hanapbuhay
B. tabing-dagat D. napag-aaralan

17
11. Ano ang tawag sa malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa
posisyon na gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle?
A. mantle C. plate
B. hemisphere D. crust
12. Saan kilala ang Antarctica bukod sa walang makatatagal na taong maninirahan
dito?
A. kangaroo at platypus C. suplay ng ginto at diyamente
B. isda at mammal D. nagtataasang bundok
13. Anong kontinente ang may hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula
sa bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa katimugan?
A. Antartica C. North America
B. Europe D. South America
14. Araw-araw, kalahating kilometro ang nilalakad ni Andoy mula sa kanilang bahay
papuntang paaralan para makapasok. Anong uri ng paggalaw ang inilalarawan
ng pahayag?
A. linear C. psychological
B. time D. habitual
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng relatibong lokasyon ng
Bulacan?
A. Ang Bulacan ay may lokasyong 14.7943° N, 120.8799° E.
B. Ang Bulacan ay tinawag na encomienda capital ng Pampanga.
C. Nasa Hilagang bahagi ng Bulacan ang Nueva Ecija, sa Kanlurang bahagi
ang Pampanga, at Silangang bahagi ang Aurora.
D. Nasa Gitnang Luzon ang Bulacan.

18
Karagdagang Gawain

Suriin ang kalagayang heograpikal ng iyong barangay na


kinabibilangan na naaayon sa limang tema ng heograpiya. Gamitin
ang graphic organizer sa ibaba upang masagutan ang gawain.
Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel.

BARANGAY
________________
Interaksiyon ng Tao at
Kapaligiran

Paggalaw

Rehiyon

19
20
TAYAHIN -rehiyon, interaksiyon ng tao Gawain 6
1. D 11. C at kapaligiran 1. paggalaw
2. B 12. B 2. lugar
3. C 13. D 3. lugar
4. D 14. A ISAGAWA 4. paggalaw
5. B 15. C 5. lokasyon
6. C Batay sa sariling
6. interaksiyon ng tao at
7. A pagkaunawa ng mag-aaral
kapaligiran
8. C ang kasagutan
9. A 7. lugar
10.C 8. lugar
9. lokasyon
KARAGDAGANG GAWAIN 10. lokasyon
ISAISIP
Batay sa sariling -mantle, core
pagkaunawa ng mag-aaral -Southern Hemisphere,
ang kasagutan equator/ekwador
-Easthern Hemisphere,
Prime Meridian
-katangiang pisikal ng
Daigdig
Gawain 4 Gawain 2 SUBUKIN
saklaw- anyong lupa at 1. longitude 1. D 9. D
anyong tubig, flora at fauna, 2. core 2. A 10. A
klima at panahon, likas na 3. Daigdig 3. A 11. B
yaman, distribusyon at 4. Tropic of Capricorn 4. B 12. B
interaksyon ng tao at iba 5. ekwador 5. D 13. A
pang organism sa 6. Tropic of Cancer 6. C 14. B
kapaligiran nito 7. mantle 7. C 15. A
sangay- heograpiyang 8. kontinente 8. A
pisikal, heograpiyang pantao 9. Prime Meridian Gawain 1
limang tema ng heograpiya- 10.crust A. crust
lokasyon, lugar, rehiyon, B. mantle
interaksiyon ng tao at Gawain 3 C. core
kapaligiran, paggalawa Pangalan ng mag-aaral, Kontinente- D,E,F,G,H,I,J
kaugnay na disiplina- Pilipinas,Tropikal M. Northern Hemisphere
Kasaysayan, Agham, Isa-isahin ang mga likas na N. Eastern Hemisphere
Sosyolohiya, Ekonomiks yaman ng Pilipinas O. Southern Hemisphere
Gawain 5 Batay sa sariling P. Western Hemisphere
Batay sa sariling pagkaunawa ng mag-aaral I. Iguguhit ng mag-aaral ang
pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan Mt. Everest
ang kasagutan H. isda at mammal
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blando, Rosemarie C. et al. Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng


Mag-aaral. Deped Complex Meralco Avenue, Pasig City: Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat, 2014.

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG


Codes in Araling Panlipunan,”Department of Education, May, 2020, page 51

Learning Resource Portal. “Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 1


Heograpiya ng Daigdig”. Accessed May 08, 2020.
http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEGRAPIYA_
NG_DAIGDIG.PDF

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like