You are on page 1of 32

Ltar

Parokya ni Sto. Niño


Poblacion, Bustos, Bulacan 3007

Ministri ng mga
Tagapaglingkod sa Dambana

“Pamantayan at Gabay sa Paghubog”


Isina-ayos:

Mayo 2009

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 1


Artikulo I
Ngalan at Kakanyahan

Seksyon I: Ngalan
Ang Ministri ng mga Tagapaglingkod sa Dambana (Ministry of
Altar Servers sa Ingles at nasasaad sa pamantayang ito), ay binubuo ng mga kabataang
lalaki na tinawag upang maglingkod.

Seksyon II: Kakanyahan


Ang Parokya ni Sto. Niño ay sakop ng Bikarya ni San Agustin na
kabilang sa Diyosesis ng Malolos. Ang sinasaklawan ng Pamantayang ito ay ang mga
Tagapaglingkod sa Dambana na naglilingkod sa Parokya ni Sto. Niño, sa mga kapilya at
pamanayang Kristiyano na nasasakupan nito.

Artikulo II
Pananaw, Layunin at Gampanin

Seksyon I: Pananaw ng Parokya


Ang Pananaw ng Parokya ni Sto. Niño ay ang bumuo ng isang
maunlad at mapayapang sambayanan na nagkakaisa at masiglang tumutugon sa
panawagan ng Diyos.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 2


Seksyon II: Layunin ng Ministri
Ang Ministry of Altar Servers ay naglalayong mahubog ang mga
kabataang lalaki sa isang buhay, masigla, mapagmahal, mapagtiwala at tunay na
paglilingkod sa Diyos na siya ring nilalayon ng Diyosesis ng Malolos. Ito rin ay
naglalayong mapanatili ang isang taimtim, maringal at banal na pagdiriwang ng mga
Sakramento sa pamamagitan ng madisiplinang paglilingkod.

Seksyon III: Gampanin ng Ministri


Ang gampanin ng Ministry of Altar Servers ay ang bumuo ng mga
mapagtiwalang kabataang naglilingkod alinsunod sa Salita ng Diyos sa pamamagitan
ng pakikipagkapwa-tao. Tungkulin din nito na maitanim sa isipan ng bawat kasapi ang
pagiging mabuting huwaran sa larangan ng Kagandahang Asal sa loob at labas ng
Simbahan.

Artikulo III
Patron

San Tarcisio

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 3


Si San Tarcisio, bilang Patron ng mga Altar Servers, ay naging isang mabuting
halimbawa ng katapangan at debosyon maging sa murang gulang pa lamang.

Si Taricisio ay isang labindalawang-taong gulang na batang tagapaglingkod


noong kapanahunan ng pag-uusig at pagpatay ng mga Romano sa mga Kristiyano
noong ikatlong siglo, na tinatayang sa panahon ng pamumuno ni Valeriano. Araw-araw,
nagkakatipun-tipon ang mga Kristiyano sa isang lihim na tagpuan kung saan
ginaganap nila ang Banal na Misa. Inaatasan ang isang diyakono na magdala ng Banal
na Sakramento sa mga nasa piitan at nakatakdang bitayin. Ngunit isang araw, walang
diyakono na naroroon, kaya si Tarcisio, isang sakristan, ang naatasang magdala ng
komunyon sa kulungan.
Sa kanyang daan patungo sa piitan, hinarang siya ng mga batang lalaki na nasa
katulad ng kanyang gulang. Hindi sila mga Kristiyano, ngunit kilala niya sila sapagkat
nakakalaro niya ang mga ito. Niyaya siya ng mga ito na makipaglaro sa kanila pero sa
pagkakataong iyon, dahil sa siya ay may ihahatid na Banal na Sakramento sa mga nasa
piitan, siya ay tumanggi. Napansin ng mga batang lalaki na mayroon siyang dala-dala
na kung ano. Nalaman nilang si Tarcisio ay isang Kristiyano, at lalo nilang ninais
makita ang “Misteryo ng mga Kristiyano”, na taglay ni Tarcisio. Bigla nila siyang
sinunggaban, at tinangka nilang kunin ang kanyang dala. Mapalad pa rin siya sapagkat
tinulungan siya ng isang Kristiyano.

Dadalhin sana ang hinang-hinang katawan ni Tarcisio sa kanilang lihim na


tagpuan, ngunit dahil sa kanyang tinamong mga sugat, namatay siya habang siya ay
dinadala pauwi. Ang kanyang mga labi ay inihimlay sa libingan ni San Calixto at ang
kanyang mga relikya ay tinago sa Simbahan ni San Silvestre sa Capite.

Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing ika-15 ng Agosto, kasabay ng


pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Mahal na Ina sa Langit.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 4


Artikulo IV
Escudo o Sagisag

KAMAY – Sagisag ng paglilingkod na siyang tungkulin ng


lahat ng Altar Servers.

KALIS at OSTIYA – Simbolo ng mahahalagang Liturhiya


ng Banal na Misa, kung saan pangunahing naglilingkod
ang mga Altar Servers.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 5


KORONA – Sagisag ng tagumpay ni Kristo noong Siya ay
muling nabuhay. Narito rin ang sagisag ni Maria na ating
Ina at huwaran.

HUGIS KALASAG – Sumasagisag sa katapangan ng mga


Altar Servers para sa kanilang pananampalataya.

KULAY NG LITURHIYA – Mga kulay sa Liturhiya na


simbolo ng iba’t ibang panahon ng Simbahan kung saan
kasamang nagdiriwang ang mga Altar Servers.

STO. NIÑO – Ang larawan ni Sto. Niño na siyang patron


at huwaran ng buong parokya.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 6


Artikulo V
Motto

“..MINISTREMUS ET NON MINISTREMUR…”


“…that we may serve and not be served.”

“…tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang


maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami.” (Mateo 20:28)

Sa pamamagitan ng katagang ito, iminumulat ang isip at puso ng bawat


tagapaglingkod sa Dambana sa isang tunay na paglilingkod. Ipinapaliwanag din nito na
ang bawat isang tagapaglingkod ay nagtatalaga ng kanilang sarili upang maglingkod at
hindi upang paglingkuran na siyang larawan ng paglilingkod ni Kristo.

Artikulo VI
Pamunuan

Ang Pamunuan ng Ministry of Altar Servers ay kilala sa tawag na Central Council


na may karapatan at tungkuling pangalagaan at pamunuan ang buong Ministri na ayon
sa Pamantayan nito.

Seksyon I: Kabuuan
Ang Central Council ay binubuo ng mga tagapaglingkod na may
sapat na kaalaman upang pamunuan ang buong Ministri. Ito ay sa pangunguna ng Kura

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 7


Paroko at ng kanyang katuwang, kasama ang pinuno ng Lupon ng Liturhiya, ang
Pangulo, ang Pangalawang Pangulo, ang Kalihim, ang Ingat-Yaman at kanyang
katuwang, ang Tagapag-ugnay, mga kinatawan ng baranggay at ang mga itinakdang
Lupon o Committee.

Seksyon II: Ang Tungkulin ng Pangulo


Ang Pangulo ang siyang namamahala sa Ministri na ayon sa
pamamatnubay ng Kura Paroko. Siya ang tatapos sa lahat ng desisyong may kinalaman
sa Ministri, magpapasya at magtitibay sa lahat ng napag-usapan. Siya ang may
katungkulang dumalo sa mga pulong sa loob at labas ng Simbahan na may kaugnayan
sa Ministri tulad ng Pulong Pang-Liturhiya at Pambikaryang Pulong ng mga
Tagapaglingkod sa Dambana. Higit sa lahat, siya ang mangunguna ng mga pulong sa
loob ng Ministri. Sa ngalan ng Ministry of Altar Servers, siya ang may pangunahing
pananagutan sa Kura Paroko at katuwang na Pari o sa makadiwang patnugot.

Seksyon III: Ang Tungkulin ng Pangalawang Pangulo


Ang Pangalawang Pangulo ay ang pangunahing katuwang ng
pangulo. Gampanin niya na gawin ang lahat ng atas ng pangulo sa mga pagkakataong
wala ito. Katuwang siya ng pangulo sa pamamalakad sa Ministri lalo na sa Committee.

Seksyon IV: Ang Tungkulin ng Kalihim


Ang Kalihim ay ang pangunahing tagapagtala sa mga napag-
usapan na napagtibay ng Central Council. Siya ang tagapag-ingat ng mga dokumentong
kinakailangan ng Ministri tulad ng mga pamantayan at katitikan. Siya rin ang may
katungkulang gumawa ng katitikan ng Ministri at mga sulat tulad ng Dismissal Letter at
mga Katibayan. Siya rin ang kasama ng Pangulo sa lahat ng pulong na dadaluhan na
may kaugnayan sa Ministri. Tungkulin din niyang mag-ulat sa pulong ng mga
napagtibay noong nakaraang pulong o anuman.

Seksyon V: Ang Tungkulin ng Ingat-Yaman at kanyang Katuwang


Ang Ingat-Yaman ay ang pangunahing tagapangalaga ng salapi o
pondo ng Ministri. Kasama ng kanyang katuwang, sila ang mangangalap ng buwanang
butaw para sa Ministri. Sila rin ang may pananagutan sa mga salaping papasok at

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 8


lalabas sa Ministri. Sila ang pangunahing gagawa ng Quarterly Budget na
kinakailangang ipasa isang buwan bago ang darating na quarter. Kinakailangan nilang
mag-ulat patungkol sa Pondo ng Ministri tuwing buwanang pulong.

Seksyon VI: Ang Tungkulin ng Tagapag-uganay


Ang Tagapag-ugnay ay ang pangunahing tagapangalat ng
impormasyon at anumang pahayag mula sa Central Council patungo sa mga kasapi sa
lahat ng Baranggay. Siya rin ang tagapagpaalala ng araw at lugar ng Buwanang Pulong
na darating. Dito sa Parokya ni Sto. Niño, kinakailangan ng 2 tagapag-ugnay dahil sa
pangangailangan.

Seksyon VII: Ang Tungkulin ng mga Kinatawan ng Baranggay


Ang mga Kinatawan ng Baranggay ay ang pangunahing
tagasubaybay sa mga Altar Servers sa kanilang lugar. Sila ang may tungkuling
manguna ng pulong sa Baranggay na kanilang nasasakupan, mangalap ng pondo ng
Baranggay at magbuo ng katitikan nito. Sila rin ang nakatakdang mag-schedule ng
paglilingkod sa kanilang Bisita. Kinakailangan nilang dumalo sa lahat ng pagpupulong
ng Ministri. Maaari silang makipag-ugnayan sa Central Council para sa anumang
problema ng Bisita. Ang lahat ng kanilang desisyon ay kailangang isangguni muna sa
Central Council para ito ay magabayan.

Seksyon VIII: Pagbuo at Tungkulin ng mga Committee


Ang Committee ng Ministry of Altar Servers ay binubuo ng
dalawang (2) pangunahing uri.
1. Tradisyunal na Committee
Ito ay ang mga Committee na sadyang binuo na makakatulong ng
malaki sa pamamalakad ng Ministri.

a. Ethics Committee
Ito ang pangunahing tagapamahala patungkol sa disiplina ng
bawat kasapi. Binubuo ito ng isang tagapamahala at limang (5) kasaping
tagatulong. Tungkulin nilang dalawin ang daloy ng paglilingkod at disiplina

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 9


ng bawat kasapi ng Baranggay. Kailangan nilang bumuo ng ulat na kanilang
ipapasa tuwing Buwanang pulong patungkol dito.
b. Liturgical Committee
Ito ang pangunahing tagapamahala sa mga usaping pang-Liturhiya
ng buong Ministri. Sila ang tagapagturo ukol sa mga gamit, daloy ng Misa at
mga bagay-bagay na sakop ng Liturhiya. Tungkulin din nila na pangalagaan
ang mga gamit ng Ministri sa paglilingkod, ang maglinis at mag-ingat sa mga
ito. Ito ay binubuo ng isang tagapamahala at limang (5) kasaping tagatulong.

2. Napapanahong Committee
Ito ay ang mga Committee na maaaring buuin pa lamang ng
Central Council ayon sa panahon ng pangangailangan tulad ng mga seminar,
retreat, recollection o maaaring ayon sa panahon ng Liturhiya.

Ang pagbuo ng mga Committee na ito ay kinakailangang


pagpulungan at pagtibayan ng Central Council para sa isang maayos na
pamamahala dito. Hindi ito kasama sa Eleksyong gagawin bagkus ito ay pagpipilian
ng Central Council.

Artikulo VII
Pagsali
Ang Pagsali sa Ministry of Altar Servers ay opisyal na ginaganap mula Buwan ng
Abril hanggang Mayo, kasunod nito ang taunang pagsasanay sa mga Kasapi na
ginaganap naman tuwing Hunyo, Hulyo at Agosto. Para sa mga sasali kahit hindi sa
opisyal na mga buwan ng pagtanggap, sila ay kinakailangan mag-intay sa gaganaping
taunang pagsasanay ng mga tagapaglingkod.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 10


Seksyon I: Mga Katangiang Kinakailangan sa mga nagnanais maging
Tagapaglingkod (Qualifications)
Ang Ministry of Altar Servers ay bukas sa lahat ng mga kabataang
lalaki na nasa sampu (10) hanggang labing-anim (16) na taong gulang. Sila ay
kinakailangang isang binyagang Katoliko, Kumpilan, nakatanggap na ng Unang
Komunyon at naninirahan sa mga lugar na nasasakupan ng Parokya ni Sto. Niño.

Seksyon II: Mga Kinakailangang Ibigay para sa Pagpapatala


(Requirements)
Ang lahat ng mga nagnanais maging Tagapaglingkod sa Dambana
ay kinakailangang magpatala. Sa kanilang pagpapatala, kinakailangan nilang dalhin ang
mga sumusunod:
- Autobiography (na may kumpletong impormasyon)
- Kopya ng Katibayan ng Binyag
- Kopya ng Katibayan ng Kumpil
- Kopya ng Katibayan ng Unang Komunyon kung mayroon
- Anumang nagpapatunay na nakatanggap na ng Unang Komunyon
kung walang katibayan
- Sulat ng Magulang na nagpapatunay ng kanilang pahintulot sa
paglilingkod ng kanilang Anak.
- 2x2 Larawan (2 piraso)

Kailangan nilang ipasa ang mga ito bago sumapit o sa araw ng


itinakdang Panayam (Interview).

Seksyon III: Mga Paraan ng Pagsali


Ang mga nagnanais maging Tagapaglingkod sa Dambana ay
kinakailangang sumunod sa mga paraang ito.
1. Sila ay kinakailangang dumaan sa Panayam (interview) kasama ng kanilang mga
magulang. Sila ay kakapanayamin ng sinuman sa mga sumusunod:
- Kura Paroko

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 11


- Spiritual Adviser
- Lupon ng Liturhiya
- Central Council
- Itinalagang Committee para dito
2. Ang lahat ng matatanggap sa pamamagitan ng panayam ay kinakailangang
dumaan sa mga pagsasanay (training/seminar) na inihanda at iniayos ng Central
Council.
3. Matapos ng masusing pagsasanay sa mga nagnanais maglingkod, kinakailangan
nilang maipasa ang mga inihandang pagsusulit tulad ng written, oral at practical
Exams.
4. Ang lahat ng mga nakapasa sa masusing pagsasanay ang siyang makakasama at
mabibilang sa gaganaping pagbibigay-atas.

Artikulo VIII
Pagkilala at Pagtanggap

Ang pagkilala at pagtanggap ay isang bahagi sa buhay paglilingkod ng isang


Altar Server. Dito nakapaloob ang Pagpapanibago ng pagtatalaga sa mga datihang
Kasapi at Pagtatalaga sa mga bagong kasapi kasabay ang Pagbibigay ng Kasuotan sa
mga ito.

Seksyon I: Pagbibigay-Atas
Ang Pagbibigay-Atas ay ibinibigay sa mga bagong kasapi upang
maglingkod. Isinasagawa dito ang kanilang pagharap sa dambana at pagbabasbas sa
kanila bilang mga tagapaglingkod. Gaganapin ito matapos nilang maipasa ang
masusing pagsasanay at mga pagsusulit para sa mga bagong kasapi. Matapos nito, sila
ay opisyal nang kasapi ng Ministri. Magkakaroon sila ng katibayan bilang
pagpapatunay na sila ay ganap nang tagapaglingkod sa dambana at kabahagi ng
Parokya ni Sto. Niño.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 12


Seksyon II: Pagbibigay ng Kasuotan
Ang Kasuotan ay ang karangalan bilang isang tagapaglingkod sa
dambana. Kasabay ng Pagbibigay-atas sa mga bagong kasapi, binabasbasan at
ibinibigay ang kasuotan bilang tanda ng kanilang paglilingkod. Sa araw ng
pagbabasbas, ito ay nakatiklop ng maayos na hawak ng mga magulang o Tagatangkilik
(Sponsor). Isusuot nila ito sa kanilang mga anak bilang tanda ng kanilang handog.

Seksyon III: Pagpapanibago ng Pagtatalaga


Ang Pagpapanibago ng Pagtatalaga ay ginaganap taun-taon upang
hindi mawala ang alab ng paglilingkod sa bawat kasapi at upang malaman ng isang
Altar Server na siya ay nararapat pa sa paglilingkod. Ito ay isinasagawa matapos
magkaroon ng retreat, recollection, seminar o training na maglalayong mapalalim ang
pananampalataya at makapagbigay kahulugan sa paglilingkod ng bawat isa. Ibinibigay
ang Pagpapanibago ng Pagtatalaga para sa mga dating kasapi. Ang sinumang kasaping
hindi makakapagpanibago ng pagtatalaga ay hindi makakapaglingkod hanggang hindi
sila nakakapagpanibago. Maaari lamang siyang tanggapin kung sapat ang kanyang
kadahilanan sa pagliban dito.

Seksyon IV: Pagbibigay-Tulong / Sponsorship


Sa araw ng Pagbibigay-atas, ang bawat isang itatalaga ay
kinakailangang magkaroon ng dalawang (2) tagapagbigay-tulong o Sponsor. Para sa
mga magbabago ng pagtatalaga, kinakailangan din namang magkaroon ng isang
sponsor bawat isa. Maaari din namang magkaroon ng bukod na sponsor na tatayong
tagatulong ng buong Ministri. Ang salaping ilalaan para sa pagtatalaga ay magmumula
sa natitirang pondo ng Ministry maliban sa kasuotan na siyang magmumula sa mga
itatalaga. Ang mga salaping malilikom mula sa mga Sponsor ay ilalaan bilang pondo ng
Ministri sa susunod na mga taon na siyang gagamitin sa mga nakatakdang gawain.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 13


Artikulo IX
Pagtiwalag at Muling Pagsali

Seksyon I: Pagtiwalag ayon sa Katandaan


Ang Pagtiwalag ayon sa katandaan o Retirement ay ang pag-iwan sa
kanilang tungkulin bilang isang tagapaglingkod dahil ang kaniyang edad ay umabot na
sa itinakda. Ang itinakdang edad sa paglilingkod ay hanggang 25 taong gulang.

Seksyon II: Pagtiwalag ayon sa Pansariling Dahilan


Ang Pagtiwalag ayon sa pansariling dahilan o Resignation ay ang
pag-iwan sa kaniyang tungkulin bilang isang tagapaglingkod dahil mayroon siyang
personal na problema na maaaring humadlang sa kanyang paglilingkod.

Seksyon III: Pagtiwalag ayon sa Paglabag


Ang Pagtiwalag ayon sa paglabag o Dismissal ay ang sapilitang pag-
iwan sa kaniyang tungkulin bilang isang tagapaglingkod dahil sa kaniyang nagawang
paglabag sa mga pamantayang nakasaad dito.

Seksyon IV: Pagtiwalag sa Tungkulin bilang Namumuno


Ang Pagtiwalag sa tungkulin bilang namumuno o Resignation from
Position ay ang pag-iwan sa tungkulin bilang kasapi ng Central Council subalit nililinaw
nito na ang Altar Server na dadaan sa pagtiwalag na ito ay hindi nangangahulugang
iniwan niya ang tungkulin bilang Altar Server. Ang pagtiwalag na ito ay mayroong
dalawang (2) maaaring dahilan. Una ay ang personal na problemang hahadlang bilang
kasapi ng Pamunuan. Pangalawa ay ang pagtatapos ng kanyang Termino bilang kasapi
ng Central Council.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 14


Seksyon V: Paraan ng Pagtiwalag
Ang pag-iwan sa tungkulin bilang tagapaglingkod ay may
itinakdang proseso tulad ng kanilang pagsali.

1. Ang tagapaglingkod sa dambana na dadaan sa proseso ng pagtiwalag ay


kinakailangang kapanayamin una at higit sa lahat ng Central Council o ng
Committee na itinakda ng Ministri.
2. Kapag sinang-ayunan ng Central Council o ng Committee na itinakda ang
kanyang kadahilanan, siya ay bibigyan ng dalawang (2) buwang paghahanda
bago ang araw ng kanyang pagtiwalag.
3. Kinakailangan niyang magpasa ng Liham Pagtiwalag o Resignation Letter 1
buwan bago ang araw ng kanyang pagtiwalag. Kung mayroon man pagbabago sa
kaniyang desisyon, maaari niya itong bawiin agad bago sumapit ang araw ng
kaniyang pagtiwalag.
4. Sa araw ng kaniyang pagtiwalag, ibibigay sa kanya ang katibayan ng pagtiwalag
na magmumula sa Central Council bilang patunay na wala na siyang tungkulin
sa paglilingkod.
5. Kung ang pagtiwalag ay ayon sa paglabag, hindi niya kinakailangang magbigay
ng liham pagtiwalag bagkus magbibigay ng liham pagtawag sa magulang ang
Central Council isang (1) buwan bago siya itiwalag. Ito ay kinakailangang
tugunan ng mga magulang.

Artikulo X
Antas ng mga Kasapi
Ang Ministry of Altar Servers ay may apat (4) na antas ng pagiging kasapi. Ito ay
naaayon sa haba o dami ng taon at sa husay ng kanyang paglilingkod sa dambana ng
Diyos.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 15


Seksyon I: Aspirants
Ang Aspirants ay ang mga nagnanais maging tagapaglingkod sa
dambana ng Diyos. Sila ay mga kabataang lalaki na tumugon sa tawag ng Diyos. Ito ay
binubuo ng mga kalalakihan na itatalaga pa lamang at hindi pa handa sa anumang
gawain sa simbahan.

Seksyon II: Neophytes


Ang mga Neophytes ay ang naitalaga na at handa na sa
paglilingkod sa dambana ng Diyos. Ito ay binubuo ng mga Altar Servers na
naglilingkod na mula sa araw ng kanilang pagtatalaga hanggang sa kanilang ika-2 taon
sa paglilingkod.

Seksyon III: Junior Altar Servers


Ang Junior Altar Servers ay ang mga may malalim na kaalaman sa
mga gawain ng paglilingkod. Ito ay binubuo ng mga Altar Servers na may 2 taon na
hanggang 6 na taon na sa kanilang paglilingkod.

Seksyon IV: Senior Altar Servers


Ang Senior Altar Servers ay ang mga may mahahabang panahon na
ng kanilang paglilingkod at may malawak na kaalaman sa mga gawain ng paglilingkod.
Ito ay binubuo ng mga Altar Servers na may 6 taon na hanggang 9 na taon sa
paglilingkod.

NOTE: Pontifical Servers


Ang Pontifical Servers ay ang mga tagapaglingkod na may mahusay
na pagkilos at paggalaw sa loob ng pagdiriwang ng banal na Misa at may malawak na
kaalaman sa paglilingkod. Ito ay ang pinakamataas na antas ng mga kasapi. Ito ay
binubuo ng mga piling Altar Servers mula sa Neophytes hanggang Senior Altar Servers.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 16


Artikulo XI
Pagpupulong at Schedule

Ang Ministry of Altar Servers ay nagsasagawa ng mga pulong upang mabigyang


plano ang mga bagay-bagay na itatakda sa mga darating na mga araw. Kasabay nito
ang pagsusubaybay sa paglilingkod ng bawat kasapi.

Seksyon I: Buwanang Pagpupulong (Monthly Meeting)


Ang Ministry of Altar Servers ay nagsasagawa ng buwanang pulong
ng lahat ng kasapi. Ito ay ginaganap isang beses sa isang buwan. Ang pagpupulong na
ito ay upang masubaybayan ang kalagayan ng Ministri at magkaroon ng mga pag-uulat
tungkol sa mga naisagawa. Ang hindi dumalo sa nasabing pagpupulong ng walang
sapat na dahilan ay hindi maaaring bigyan ng schedule ng paglilingkod para sa
darating na buwan. Magkakaroon lamang siya ng schedule kapag mayroon siyang sulat
paumanhin na galing sa mga magulang.

Seksyon II: Pulong ng Central Council


Ang Central Council ay nagkakaroon ng bukod ng buwanang
pulong isang beses sa isang buwan. Ito ay upang higit na mapaghandaan ang mga
gawaing itatakda. Dito din pag-uusapan ang mga problemang nakapaloob sa Central
Council at sa Ministri. Tungkulin nilang humanap ng kalutasan sa mga problemang ito.

Seksyon III: Biglaang Pagpupulong (Emergency Meeting)


Nagkakaroon ng biglaang pagpupulong ang Ministri o ang Central
Council kung kinakailangan. Ang Pangulo o ang Central Council lamang ang may
karapatang magpatawag ng biglaang pagpupulong. Katulad ng buwanang
pagpupulong, ang lahat ng kasapi ay inaasahang dadalo sa ganitong uri ng pulong
maging ito man ay pulong ng lahatan o ng Central Council. Ang lahat ng pagpupulong
ay nasa pangangasiwa ng Central Council. Ang mga pulong ay kinakailangang ginagawa
sa anumang paligid ng simbahan o bisita at hindi maaari kung saan-saang bahay.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 17


Seksyon IV: Kaayusan ng Pulong
Mayroong kaayusan ang pulong ng Ministri para maging maayos
ang pagpupulong nito.

1. Pambungad na Panalangin
2. Pagbasa ng Salita ng Diyos mula sa Bibliya
3. Pagtawag sa mga kasaping dumalo (Roll Call)
4. Pagbasa ng Katitikan ng Nakaraang Pulong
5. Ulat mula sa Diyosesis, Bikarya at Parokya.
6. Ulat ng Ingat-Yaman
7. Ulat ng mga Kinatawan ng Baranggay
8. Ulat ng mga Committee
9. Pagtalakay sa mga Agenda
10. Pagbibigay ng Gawain
11. Pagbabahagi mula sa Kura Paroko, Makadiwang Patnugot o Lupon ng Liturhiya
12. Iba pang Bagay
13. Pangwakas na Panalangin

Artikulo XII
Pondo
Ang Ministry of Altar Servers ay mayroong itinakdang salapi bilang pondo ng
Ministri. Ito ay mayroong mga alituntunin upang makapangalap ng salapi na gagamitin
bilang pondo para sa iba’t ibang gawain ng Ministri.

Seksyon I: Mga Maaaring Panggalingan ng Pondo ng Ministri.


Ang Pondo ng Ministry of Altar Servers ay maaaring manggaling sa
iba’t ibang pamamaraan.
1. Mga Salaping nanggaling sa mga sponsor noong araw ng pagtatalaga.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 18


2. Buwanang butaw na binubuo ng mga kontribusyon ng bawat kasapi. Ang
itinakdang kontribusyon ng bawat kasapi ay limang piso (5) bawat buwan.
3. Donasyon o Kontribusyon mula sa mga magulang ng Altar Servers.

Ang mga salaping ito ay kinakalap ng Ingat-Yaman o kanyang katuwang


lamang tuwing may buwanang pulong. Kung sakali man hindi makapagbigay ang isang
baranggay o kasapi ng Central Council, ito ay madadagdag sa kanilang kontribusyon
para sa susunod na buwan.

Seksyon II: Pagbabaha-bahagi ng Pondo (Budgetting)


Ang pagbabaha-bahagi ng pondo ng Ministri ay ginaganap tuwing
ikatlong buwan o quarterly. Subalit kung may pagtatalaga, gaganapin ito sa unang
linggo matapos ang pagtatalaga bilang budgeting para sa darating na tatlong buwan.
Ito ang pagbabaha-bahagi ng pondo para sa isang quarter na
binubuo ng tatlong buwan.
Mga Gastusin
Photocopy ng Schedule ………………………… 130
Donasyon para sa Parokya ………………………… 300
Donasyon para sa Bikarya ………………………… 60
Emergency Fund ………………………… 200
____
690

Artikulo XIII
Kasuotan
Seksyon I: Sutana na Kulay Puti
Ang Sutana ay isang sagradong kasuotan na ginagamit sa mga
banal na pagdiriwang. Ito ay mahabang kasuotan na siyang tanda ng katayuan ng mga
tagapaglingkod. Ang sutanang puti ay sagisag ng tagumpay at kawalang kamalayan.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 19


Ginagamit ito sa pagdiriwang sa Banal na Misa, sa mga sakramento at sa Misa sa araw
araw.

Seksyon II: Sutana na Kulay Itim


Ang sutanang kulay itim ay ginagamit tuwing “Pontifical Mass”.
Maaari din itong gamitin sa mga mahahalagang okasyon kahit hindi “Pontifical Mass”
sa pamamatnubay ng Kura Paroko, Makadiwang Patnugot o ng Lupon ng Liturhiya
kasama ng Central Council.

Seksyon III: Surplice


Ang surplice ay isang banal na kasuotan ng mga tagapaglingkod sa
dambana. Ito ay isang magarang kasuotan na may haba hanggang tuhod, may
maluwang na manggas at mas maluwang kaysa sutana. Isinasaalang-alang nito ang
kalinisan. Isinusuot ito kasama ng sutana.

Ang Dignidad ng pagiging isang Altar Server ay nasasalamin sa


mga kasuotang ito. Kailangan itong igalang at pag-ingatan kapag nakasuot na ito sa
isang Altar Server dahil sagrado at banal ang mga ito.

Seksyon IV: Iba Pang Kasuotan


Ang Ministry of Altar Servers ay may iba pang kasuotan na
ginagamit sa paglilingkod. Ito ay upang maging pormal ang kanilang paglilingkod.
1. Polo – kasuotang Polo na may kulay Cream. Ginagamit ito sa mga okasyong
naaangkop tulad ng pagbabantay ng Santisimo.
2. Puting T-Shirt, Black o navy Blue na pantaloon (Straight Cut), itim na medyas at
itim na sapatos ang kinakailangan isuot ng isang tagapaglingkod kapag sila ay
maglilingkod at dadalo sa mga pulong. Maaari lamang silang magsuot ng ibang
damit kung may pahintulot ng Central Council.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 20


Artikulo XIV
Halalan
Ang halalan ng Ministry of Altar Servers ay isang kritikal at konpidensyal na
pagpili sa mga kasapi ng Central Council. Ito ay nakasalalay sa kakayahan ng Central
Council sa pamumuno ng Ministry.

Seksyon I: Katangian ng mga Maaaring Ihalal


Ang mga katangian ng mga maaaring ihalal ay isang mahalagang
aspeto para sa isang maayos at mahusay na pamumuno. Ang mga katangiang ito ay
ang mga sumusunod:

1. Naitalaga na bilang isang tagapaglingkod sa dambana


2. May malawak na kaalaman ukol sa mga gawaing pansimbahan
3. May magandang katangian at pag-uugali
4. Masunurin at marunong ukol sa pamantayang sinusunod ng Ministri

Seksyon II: Termino ng Posisyon


Ang regular na termino ng posisyon ay binubuo ng tatlong (3)
taon. Ang kanilang termino ay magsisismula isang (1) buwan matapos ang eleksyon o
pagkatalaga kung magkakaroon ng pagtatalaga matapos ang halalan. Ang limitasyon sa
kanilang panunungkulan ay hanggang dalawang (2) termino lamang o anim (6) na taon.

Seksyon III: Daloy ng Halalan


Ang daloy ng halalan na isinasaad sa pamantayang ito ay
kinakailangang masunod para sa isang maayos na halalan. Ang halalan ay isasagawa
tuwing ikatlong (3) taon o pagkatapos ng termino ng Central Council. Ito ay isasagawa
sa isang pook pulungan at hindi maaari sa loob ng simbahan.
Ang halalan para sa posisyon ng pangulo ng pangulo at
pangalawang pangulo ay lubhang kaiba kaysa kalihim pababa. Ang Neophytes, Junior at
senior Altar Servers lamang ang maaaring bumoto para sa mga posisyong ito. Gagawin

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 21


ito sa pamamagitan ng pagsulat ng dalawang pangalan ng nais nilang mamuno sa
kanila sa isang pirasong papel. Ang dalawang pangalan na makakakuha ng matataas na
boto ang siyang pagpipilian para sa posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo. Ang
pagdedeklara sa mga posisyong ito ay gagawin matapos pagpulungan ng dating
Central Council kasama ng Kura Paroko o Makadiwang Patnugot at Lupon ng Liturhiya.
Ang halalan para sa posisyon ng kalihim, ingat-yaman at kanyang
katuwang at tagapag-ugnay ay gagawin sa isang tradisyunal na pamamaraan. Ang
halalan para sa mga kinatawan ng mga baranggay gaganapin din. Ito ay isasagawa sa
pamamagitan ng pagpili ng mga kasapi ng baranggay kung sino ang nais nilang maging
kinatawan. Sa mga pagkakataong ito, ay maaari ng lumahok sa pagboto ang mga
Aspirants.
Ang katapatan, kaayusan, kalinisan at kritikal na pagpili sa Central
Council ay napakahalagang katangian ng isang bobotong kasapi.

Seksyon IV: Biglaang Pagpalit ng Posisyon


Ang biglaang pagpalit ng posisyon ay isasagawa kung ang isa sa
mga kasapi ng Central Council ay tumiwalag sa kanyang tungkulin ng biglaan.
Sa pagkakataong ang pangulo ang siyang titiwalag sa kanyang
tungkulin ng hindi pa natatapos ang kanyang termino, ang pangalawang pangulo ang
siyang magpapatuloy ng kanyang termino. Maaari namang magtalaga ang
pangalawang-pangulo na papalit sa kanyang tungkulin bilang kanyang katuwang.
Sa mga biglaang magpapalit ng posisyon para sa kalihim hanggang
tagapag-ugnay, maaaring magtalaga mula sa mga kinatawan ng mga baranggay para
pumalit sa nawalang posisyon.
Matapos ang termino ng lahat, magsasagawa muli ng halalan para
sa panibagong Central Council.

Seksyon V: Pagtatalaga sa mga Pinuno ng Committee


Ang pagtatalaga sa mga pinuno ng Committee ay hindi kasama sa
gaganaping halalan bagkus ito ay itatalaga (appointee) ng mahahalal na bagong Central
Council. Ang pagtatalaga sa mga ito ay kinakailangang pagpulungan ng mahusay ng
Central Council.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 22


Artikulo XV
Paraan ng Pagdidisiplina ayon sa
Mababang Uri ng Paglabag

Sa ilalim ng mababang uri ng paglabag, ang sinumang mapapatawan ng tatlong


(3) beses na suspensyon ng sunod-sunod sa loob ng isang taon ay papatawan ng
pagtiwalag ayon sa paglabag.

Seksyon I: Pagliban sa mga Gawaing Pansimbahan


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagliban ng
isang kasapi sa lahat ng mga gawaing pansimbahan tulad ng kanilang paglilingkod sa
Misa, pagpuprusisyon, pagdalo sa mga retreat, recollection o seminar na pamparokya o
pang Ministri at pagsisimba tuwing araw ng linggo na walang sapat na kadahilanan o
liham pahintulot (excuse letter).
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon II: Pagliban sa Pagdalo ng mga Pulong


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagliban ng
isang kasapi sa pagdalo ng mga pulong tulad ng buwanang pulong, pulong ng Central
Council o biglaang pagpupulong. Ang sinumang liliban sa mga pulong ay hindi
maaaring bigyan ng anumang atas paglilingkod sa mga darating na mga linggo maliban
na lamang kung may liham pahintulot o (excuse letter).
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 23


Seksyon III: Hindi maayos na Paglilingkod sa loob ng Simbahan
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi maayos
na paglilingkod o mga paggalaw sa loob ng simbahan pati na sa buong bakuran nito.
Halimbawa nito ay ang hindi maayos na pag-upo, paglakad, pananalita o iba pang kilos.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon IV: Pagtutuksuhan na may Layuning makasakit ng iba


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa mga salitang
masama na nakakasakit sa kanyang kapwa.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon V: Pakikipag-away sa ibang kasapi


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pisikal na
pananakit ng isang kasapi sa kanyang kapwa habang nasa loob o nasa labas ng
simbahan.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon VI: Paglalaro sa Oras ng Paglilingkod o Pulong


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalaro ng
mga hindi makabuluhang bagay tulad ng computer games, billiards at video games
habang nasa oras ng paglilingkod o pulong.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 24


Seksyon VII: Hindi Maayos na kasuotan
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi pagsunod
sa tamang kasuotan na nasasaad sa pamantayang ito sa oras ng paglilingkod o ng
pulong ng walang sapat na kadahilanan.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon VIII: Panunulat at Kawalang Paggalang sa mga Bahagi ng


Simbahang Gusali
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa panunulat sa
mga dingding, upuan o lamesa na pag-aari ng Simbahan.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon IX: Pagpapahiram ng Banal na Kasuotan ng Walang Pahintulot ng


Central Council
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa panghihiram at
pagpapahiram ng banal na kasuotan nang walang sapat na kadahilanan at walang
pahintulot ng Central Council. Ang bawat isang Altar Server ay may itinakdang Banal
na Kasuotan.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon X: Pagsusuot ng hikaw at paglalagay nito sa anumang bahagi ng


Katawan.
Ang katawan ng tao ay banal kaya hindi ito dapat dungisan. Ang
Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalagay ng hikaw o body piercing sa
anumang bahagi ng katawan kahit pa nasa labas siya ng simbahan.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 25


Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon XI: Hindi angkop na buhok sa paglilingkod


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa maling ayos ng
buhok at paglalagay ng kulay dito. Ang tamang buhok sa paglilingkod ay hindi dapat
natatakpan ang mga mata at tainga. Kung sa batok naman, ay hindi dapat umabot sa
collar line ng polo o ng sutana.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Seksyon XII: Paggamit ng Cellphone habang naglilingkod


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paggamit ng
cellphone habang naglilingkod kung hindi naman biglaan o emergency, pontifical
servers man o hindi.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Warning
Ikalawang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)

Artikulo XVI
Paraan ng Pagdidisiplina ayon sa
Mataas na Uri ng Paglabag
Sa ilalim ng mababang uri ng paglabag, ang sinumang mapapatawan ng tatlong
(3) beses na suspensyon ng sunod-sunod sa loob ng isang taon ay papatawan ng
pagtiwalag ayon sa paglabag.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 26


Seksyon I: Pagdadala ng Ipinagbabawal na Gamot
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paggamit, pag-
aakit sa ibang kasapi at pagdala ng ipinagbabawal na gamut. Isa ito sa pinakamataas na
uri ng paglabag.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon II: Paninigarilyo


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paggamit ng
sigarilyo habang nasa loob at nasa labas ng simbahan at pagdadala o pag-aakit nito sa
ibang kasapi na gumamit nito.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)
Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon III: Pagdadala ng anumang bagay na maaaring makapanakit


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagdadala ng
mga bagay na maaaring makapanakit sa iba tulad ng baril at kutsilyo lalo na kung may
layuning makapanakit ng iba at hindi naman kinakailangan.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon VI: Paghingi ng salapi sa pamamagitan ng pananakot (Extortion)


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paghingi ng
anumang salapi sa mga kasamang tagapaglingkod sa pamamagitan ng pananakot o
pagbabanta at paggamit niya ng kanyang posisyon.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon V: Pagpapakita ng mga Eskandalosong larawan, panuorin at


babasahin sa loob at labas ng simbahan
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalahad,
pagdidikit at panonood ng mga hindi kanaisnais at mahahalay na larawan o babasahin
sa loob o labas ng simbahan.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 27


Seksyon VI: Pag-inom ng alak sa loob at labas ng Simbahan
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pag-inom ng
mga inuming nakakalasing sa loob at anumang paligid ng simbahan. Kasama rin dito
ang pag-aakit sa ibang kasapi na uminom, paglilingkod at pagdalo sa pulong na nasa
ilalim ng impluwensiya ng alak. Bilang isang Altar Server, ang bawat isa ay
kinakailangang umiwas o lumayo sa anumang bisyong panlabas.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon VII: Pagsusugal sa loob ng Simbahan


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagsusugal sa
loob at anumang bahagi ng Simbahan kasama ang pag-akit sa ibang kasapi na
magsugal.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon VIII: Kawalan ng Respeto sa mga namumuno sa Simbahan


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa hindi
paggalang at kawalan ng respeto sa mga namumuno sa Simbahan gaya ng Kura Paroko,
Katuwang na Pari, at iba pang samahan o ministry na naglilingkod sa simbahan.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon IX: Pagsigaw at pagsasabi ng masasamang salita sa loob at labas


ng Simbahan
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagwawala,
pag-iingay o pagsigaw sa anumang bahagi ng simbahan kung wala namang okasyon o
pangyayari. Kasama din dito ang pagsisigaw ng masasamang salita habang nasa
simbahan.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 28


Seksyon X: Paggamit ng Pondo ng Ministri sa Pansariling Interes
(Corruption)
Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pamunuan na
gumamit o nagwaldas ng salapi ng Ministri para sa ikabubuti ng iilan o pansariling
kadahilanan.
Disciplinary Action: Pagtiwalag mula sa Katungkulan

Seksyon XI: Pagiging Sangkot sa Gulo


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagiging
sangkot ng isang Altar Server sa mga gulo sa labas ng simbahan, pisikal man o
pasalita.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)
Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XII: Paninira, Kawalang Paggalang sa mga gamit ng Simbahan


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa direktang
paninira, paglalaro at kawalang paggalang sa mga banal na bagay o kasangkapan ng
simbahan na ginagamit sa banal na Misa.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XIII: Pagnanakaw o Pagkuha ng Gamit ng Iba


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa pagkuha ng
gamit ng iba ng walang pahintulot ng may ari, kasama dito ang pagnanakaw ng mga
gamit ng Ministri at ng Simbahan.
Disciplinary Action: Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XIV: Maling Lugar ng Paglilingkod


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglilingkod ng
isang Altar Server sa ibang lugar, bisita o parokya na walang pahintulot ng Central
Council.

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 29


Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)
Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XV: Hindi Paggalang sa Banal na Kasuotan


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa kawalang
paggalang sa mga banal na kasuotan. Kasama dito ang paglilingkod ng hindi maayos
ang sutana. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng banal na kasuotan sa ibang
mga gawain tulad ng pagpapalabas sa entabledo, o paggamit nito bilang Costume.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)
Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Seksyon XVI: Paglalagay ng tattoo sa anumang bahagi ng katawan


Ang Paglabag na ito ay pangunahing tumutukoy sa paglalagay ng
tattoo o anumang guhit sa kahit anong bahagi ng katawan. Ang katawan ay banal kaya
hindi ito dapatdungisan.
Disciplinary Action:
Unang Pagkakataon - Suspensyon (1 Buwan)
Ikalawang Pagkakataon - Pagtiwalag Ayon sa Paglabag

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 30


Isinaayos ng :

Central Council 2007

Mga Pinagbatayan:

“Handbook” – Knights of the Altar

“Batas at Pamantayan” – Altar Servers Guild 2007

“Saligang Batas at Gabay sa Paghubog” – Bikarya ni San Jose, San Jose del
Monte, Bulacan 2006; Reb. P. Joselin San Jose

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 31


“Walang anuman ang maaaring sipiin mula sa Pamantayang ito ng walang
pahintulot mula sa may akda nito. Anumang karagdagang pamantayan
para sa aklat na ito na dadaan sa isang masusing pag-aaral ay
pinahihintulutan ng mga may akda nito.”

Ipinagtibay ngayong ika- ng , 2009 nina:

Reb. P. Anthony Chan Sis. Viring Tongco


Makadiwang Patnugot Lupon ng Liturhiya

Reb. P. Adalberto Vergara


Kura Paroko

Pamantayan at Gabay sa Paghubog, Ministry of Altar Servers SNP-Bustos ©2009 32

You might also like