Professional Documents
Culture Documents
JASMIN
"Ang sakit ng katawan ko!" Halos gumapang kaming dalawa ni Bea no'ng sumunod na
araw dahil sa sobrang sakit ng katawan naming dalawa. Akala ko ba Magic school 'to?
Hindi naman ako na-inform na military training pala 'tong pinasok naming dalawa.
Pagkarating naming dalawa sa classroom ay pare-parehas iniinda ng mga kaklase ko
ang sakit ng katawan ng bawat isa.
Pare-parehas kaming hindi makatayo sa aming inuupuan habang hinihintay namin ang
aming unang klase namin.
Habang nakaupo ako ay saglit akong nag-unat at hindi ko naman sinasadyang masipa
ang nasa katabi kong desk. Yung lalaking gwapo kanina yung nakaupo roon, nakadukdok
siya sa desk at mukhang natutulog.
"Sorry" Sabi ko pero nagulat na lamang ako ng bigla siyang lumingon sa akin at
pinukulan ako ng masamang titig.
Nagulat ako ng malakas niyang kinalampag ang desk niya. Napatahimik at napatingin
sa amin ang aming mga kaklase. "Nakita mo ng masakit ang katawan ko tapos maninipa
ka pa ng desk! Nanadya ka ba?"
Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw at parang umakyat ang dugo ko sa aking ulo.
"Kaya nga ako nag-sorry 'diba, hindi ko naman sinasadya eh!" Malakas ko ring sigaw.
"Sorry? Anong magaga-"
"Quiet class!" Biglang sumigaw ang isang boses at napatingin kaming lahat sa
pinanggalingan no'n. Iyon na siguro marahil an gaming guro. Nakasuot ito ng lab
gown at mahaba ang kanyang buhok. "Ang bago-bago niyo palang sa Altheria pero kung
makapagsigawan kayo!"
Napayuko na lamang ako. "Sorry ma'am" Sabay naming bigkas nung lalaki.
Nagkatinginan kami at sabay na umirap sa isa't-isa.
"Please be seated everyone" Umupo naman kaming lahat. "I will be you're white magic
teacher. I'm Ms. Melanie Lorryale"
"Good morning ma'am" Walang kasigla-sigla na bati sa kanya ng buong klase.
Napakasakit pa rin kasi ng katawan namin at hirap pa rin kaming gumalaw.
"Oh ba't ganyan ang reaksyon niyo? Hindi ba kayo Masaya na ako ang isa sa mga
teacher niyo?" Pagtatanong ni Ma'am Melanie.\
"Masakit po ang katawan namin ma'am! Pinatakbo po kami ni Sir Ernie kahapon sa
Quadrangle ng ilang ulit. Nakaka-beastmode nga po eh!" Pagsusumbong ng isa naming
kaklase na si Sarah.
Lumapit si Ma'am Melanie sa isa naming kaklase at hinawakan ang hita nito dahilan
upang mapasigaw ang kaklase namin sa sakit. "Mukhang nabigla ang katawan niyo sa
biglaang physical activity na ipinagawa sa inyo ni Sir Ernie. Hindi iyan ang huling
beses na gagawin niyo ang training na iyon lalo na't ginigising natin ang mga magi
na nakatago sa inyong katawan"
Maya-maya pa ay ngumiti sa amin si Ma'am Melanie. "Okay guys! Ipatong niyo sa desk
ang inyong mga kamay at pagmasdan ang aking gagawin"
Nagulat kami ng biglang may malakas na umilaw na kulay puti sa kamay ni Ma'am
Melanie. Hinawak niya ang kanyang kamay sa may sahig ng aming room.
Nabalutan ng puting liwanag ang aming buong silid, may parang bituin na kumukuti-
kutitap sa buong paligid.
Habang nasa loob ako ng puting liwanag na iyon ay pakiramdam ko'y unti-unting
gumagaan ang aking pakiramdam. Kasabay ng pagkawala ng puting liwanag ay ang
pagkawala ng sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.
"Hindi na masakit yung katawan ko!" Malakas na sigaw ng mga kaklase ko at
nagtawanan naman kaming lahat.
"That's what you called white magic. We're using white magics to help somebody and
keeping each person in good shape. Hindi ito katulad ng ibang mahika na ginagamit
upang makasakit ng ibang tao, white magician is a support and a backline member in
each party"Pagpapaliwanag sa amin ni Ma'am Melanie.
Lahat kami ay pokus na pokus sa kanyang ipinapaliwanag at lahat kami ay nabuhay ang
kuryosidad. Kung si Sir Ernie kanina ay nagpapalipad ng mga gamit sa ere, si Ma'am
Melanie naman ay nanggagamot gamit ang mahika. It was pretty awesome!
"Sa ngayon ay hindi pa kayo pwedeng gumamit ng mahika dahil mahina pa ang
physically and mentally. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na kayo pwede
makagawa ng white magic" Nagsigawan naman kaming lahat dahil lahat kami ay excited
sa paggamit ng mahika.
"Ngayon ay bibigyan ko kayo ng assignment na ipapasa niyo sa akin sa biyernes. May
tatlong araw kayo para gawin ang assignment na 'to. Kailangan niyong makagawa ng
Healing potion"
"Ma'am ano po ang mga ingredients?"
"There's a library here at our Academy, mag-research kayo. Hindi lahat ng bagay ay
kailangan i-spoonfeed sa bawat isa sa inyo" Pagpapaliwanag ni Ma'am. "Dahil nga
wala pa kayong family, ang bawat grupo ay dapat may tatlong miyembro"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Bea. "Grupo tayo ah" Bulong ko sa kanya at
naghagikhikan kaming dalawa.
"Sino yung kaninang nag-away?" Pagtatanong ni Ma'am
"Si Red tsaka si Jasmin" In chorus na sagot ng mga kaklase ko na parang mga
elementary, alam niyo 'yon? Yung mga pinapahaba yung words.
"Kailangan niyong mag-partner na dalawa bilang parusa sa hindi magandang asal na
ipinakita niyo pagkapasok ko sa classroom niyo" Wika ni Ma'am.
"Aw sayang! Gusto ko pa naman ka-partner ni Red! Ang swerte naman ni Jasmin"
Kung ano-ano pa ang mga sinabi ng mga kaklase kong babae, mga tag-landi. Kung sila
gusto ka-partner si Red, puwes ako ayoko! Matapos ba naman akong sigawan kanina,
major turn off.
"Ma'am ka-partner ko na po si Bea"
"Then kayong tatlo ang magkakasama" Nakangiting sabi ni Ma'am Melanie, nagbitaw ako
ng malalim na buntong hininga at tinanggap na lang ang sinabi niya. At least
magkasama pa rin kami ni Bea and that's a good thing.
Nag-ngitian kaming dalawa ni Bea tapos napalingon ako sa lalaking katabi ko. Ang
sama ng tingin sa akin. As if naman na gusto ko siyang ka-grupo, huwag nga siyang
feelingero na parang lugi pa siya.
"Okay class dismissed! Don't forget to pass your assignment on Monday" Naglabasan
na kaming lahat sa room at may free time kaming dalawang oras bago ang susunod
naming klase.
"Pag-usapan muna natin kung kailan tayo magri-research about sa paggawa ng Healing
potion" Pagsasalita ko kay bea, "Tawagin mo yung Red na 'yon" Nalaman ko yung
pangalan niya nung nagsigawan yung mga classmate namin kanina.
Nakita kong naglalakad na si Red sa direksyon namin, akmang tatawagin ko na siya ng
bigla niya lamang kaming lampasan kasabay ng paghagis ng kapirasong papel, "Here"
"Aba't wala talagang modo 'to" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis,
pinulot ni Bea ang papel
"Uy Jasmin, eto na pala ang lahat ng ingredients eh nakalista na. Salt, Clear
water, Blue petal of rose, Spinachherb" Pagbabasa ni Bea sa mga nakalista sa papel,
"Matalino naman pala si Red eh"
"Matalino nga, saksakan naman ng sungit" Umirap pa ako sa ere. "Tara na nga kumain
na lang tayo at h'wag pansinin 'yang lalaking 'yan"
"Isasama mo ba 'yan sa paggawa natin ng assignment?"
"Pag-iisipan ko pa" Bwisit, mukhang kasisimula pa lang ng klase ay nahanap ko na
ang magiging kaaway ko sa buong pananatili ko sa Altheria Academy.
Nasa may malawak na soccer field kami ni Bea habang hinihintay si Red. "Napakatagal
naman nung lalaking iyon, dapat talaga hindi na natin siya sinama Bea eh"
Napapakamot ako ng ulo dahil sa inip.
"Huwag na natin siyang hintayin Bea tutal lahat naman ng ingredients na kailangan
natin eh makikita lang natin sa loob ng Altheria Academy" Unti-unting sumilay ang
ngiti sa aking labi dahil sa evil plan na aking naisip.
"Hindi man lang marunong tumanggap ng utang na loob, masama pa ang takbo ng utak"
Biglang may lalaking dumaan sa tapat namin at sinabi iyan. Nawala agad ang mga
ngiti sa aking labi ng makita ko ang kanyang mukha-Si Red.
"Pa-V.I.P ka kasi" Napairap ako ng wala sa oras dahil sa inis na bigla kong
naramdaman no'ng dumating siya.
"V.I.P naman talaga ako, tara na" Sumunod na kaming dalawa kay Red.
Nagtungo kami sa school garden at habang tumatagal kami sa academy na ito ay may
isang bagay akong napapansin. "Bakit puro freshmen lang yata ang nakikita ko sa
paligid? Akala ko ba may mga senior year din na nag-aaral dito"
"Ah alam mo kasi Jasmin, nahahati sa tatlong division itong Astheria Academy. Ang
unang division ay ang Marsham o freshmen division, nandito lahat ng first year
student na nagte-training gumamit ng magi at inaalam pa lang ang specialty ng
kanilang kapangyarihan. The second division was Wanester or Junior division, dito
naman tine-training ka na kung paano palalakasin ang special magic mo at itinuturo
na ang pagkontrol sa magi. The last division was Exemena or Senior division, sila
yung mga estudyanteng marunong ng gumamit ng Magi ng maayos at pinapadala na sa
kung saan-saang misyon" Mahabang pagpapaliwanag sa akin ni Bea.
"Bakit naman kailangan pa nilang hatiin 'tong school sa tatlong division? Ba't
hindi na lang pagsama-samahin lahat ng estudyante?"
"Hindi pwede, kapag kasi natuto ng gumamit ng magi ang ibang estudyante... may
tendency na bully-hin nila ang lower year and ang paggamit ng magi para sa walang
katuturang bagay ay dangerous at maaaring maging sanhi ng gulo" Napatango-tango na
lamang ako nung maintindihan ko na ang nais niyang iparating.
"We're here" Biglang nagsalita si Red no'ng maratin namin ang school garden.
As expected marami sa mga kaklase namin ang nandito upang kumuha ng mga kailangan,
hindi rin boring dahil marami akong nakakausap.
Kumuha ako ng tatlong pirasong Blue petal ng asul na rosas, at malinis na tubig na
nanggagaling sa pond. Yung asin naman... may nabibili sa school cafeteria namin.
"Uy baliw ka! Ibalik mo yung iba, napakarami niyan. Sobrang aksayado mo naman"
"Nakuha niyo na?" Pagtatanong sa amin ni Red at tumango naman kaming dalawa,
"Halika na sa synthesization hall, baka mawalan tayo ng gagamitin na silid.
Isang malaking banga ang nasa fireplace habang sumisindi ang mahinang apoy rito.
"Parang normal lang naman 'yan. Parang hindi naman tayo makakagawa ng potion gamit
'yan eh" Pagrereklamo ko habang pinagmamasdan ang malaking banga
Inilagay ni Red ang clear water sa may banga at laking gulat ko ng biglang may
kulay asul na usok ang lumabas galing sa banga. "Sabihin niyo sa akin kapag kumulo
na ang tubig, ihahanda ko lang 'tong Spinachherb. After three minutes ay ibudbod
niyo ang asin"
Sinunod namin ang sinabi ni Red, makalipas ang tatlong minuto ay inilagay ko na ang
asin. Nagulat ako nung biglang sumigaw si Red. "Hindi ko sinabing ihagis mo ang
asin sa banga, ang sabi ko ibudbod mo"
"That's different, subukan mo ihagis lang ang asin sa banga. Sasabog tayong tatlo
rito" Napairap ako at sinimulan ang pagbubudbod ng asin
Parang bata akong napangiti dahil may kulay dilaw na usok ang lumalabas sa tuwing
nagbubudbod ako ng asin.
"Kumukulo na siya" Sabi ni Bea at mabilis naman naglakad si Red upang ilagay ang
maliliit na spinachherb na hiniwa niya sa maliliit na piraso.
Umilaw ng maliwanag ang baul at napatakip ako sa aking mata, ilang Segundo ay
nawala ang liwanag nito. "It was successful" Pagsasalita ni Red at napasigaw naman
kami ni Bea sa tuwa dahil ito ang unang beses na nag-try kaming gumawa ng magical
potion at sa unang attempt palang namin ay successful na agad ito.
"It was the basic type of magical potion, kahit sino kayang gawin 'to... ewan ko
lang sa'yo" Yung ngiti ko ay napalitan agad ng inis na ekspresyon. Bwisit na lalaki
'to, pinuri na nga pero hindi marunong maka-appreciate. Wala talagang kabait-bait
sa katawan.
Kumuha ng isang maliit na bote si Red at isinalin doon ang mga nagawa naming
Healing potion, nakatatlong bote kami. Isang bote lang naman ang kailangan naming
ipasa eh.
"Why don't we test it?" Pagtatanong ni Bea. "Tignan natin kung effective"
"Sure" Sagot ni Red. "Jasmin get the knife" Itinuro niya sa akin ang kutsilyo na
nasa ibabaw ng working table.
Pinapula ni Red ang kanyang braso. "Ade susubukan ko kung effective ang ginawa
natin"
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang hiwain ni Red ang kanya braso
at umagos galing dito ang malapot na pulang dugo. "The potion"
Inabutan siya ni Bea ng isang bote ng healing potion at agad naman ininom ito ni
Red. Ilang Segundo lang ang lumipas ay tumigil sa pagdudugo ang kanyang braso at
humarap sa amin si Red. "Ano epektibo ba?" Casual na pagtatanong ni Bea.
"It was effective pero kulang na kulang ito para sa isang normal na healing potion,
Nagtigil ang pagdudugo ng sugat na aking ginawa pero medyo nararamdaman ko pa rin
ang sakit. Ginamit naman natin ang mga ingredients ng maayos..." Napahawak si Red
sa kanyang baba at inisip kung may pagkukulang ba sa aming ginawa.
"That's it!"
"Yung mga ingredients na nakuha natin sa garden kanina, it was a good quality
ingredients. Pero in order na maka-create tayo ng mas magandang healing potion, we
need the best quality" Pagsasalita ni Red.
"Eh saan naman tayo kukuha no'n? Wala na akong alam sa loob ng Academy kung saan
makakakuha ng Blue petal of rose and Spinachherb" Sabi ni Bea.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Red, "Lalabas tayo ng school. Pupunta tayo sa
Polto's Forest"
"Sigurado kang lalabas tayo? Hindi ba't delikado para sa freshmen na kagaya natin
ang lumabas ng Altheria lalo na't hindi pa natin kayang palabasin ang mga magi
natin" Pagbababala ni Bea.
"Pero doon natin makikita ang mga best quality na ingredients na hinahanap natin
dahil may mahika ang lupa roon at tumutubo ang pinakamagagandang kalidad ng mga
halaman" Sabi ni Red.
"Ade kung mas maganda at mas effective ang magagawa nating healing potion, mas
mataas ang grade?" Pagtatanong ko at tumango naman silang dalawa. "Tara na! Pumunta
na tayo sa Polto's Forest!" Basta grade ang pinag-uusapan. Push natin 'to!
"Sigurado ka ba Red na walang mga gumagalang kahit anong hayop dito?" Natatakot na
sabi ni Bea habang nakahawak siya sa laylayan ng damit ko. Kahit madaldal ng sobra
si Bea ay matatakutin talaga ito. Kapag nalaman ng School committee na lumabas kami
ng Altheria ay baka parusahan nila kami.
"Malapit lang ang gubat na 'to sa school. Tsaka walang hayop na gumagala masyado
rito dahil maraming senior students ang nagpapahinga rito" Pagsasalita ni Red
habang naglalakad kami.
Napadako kami sa may isang batis at mabilis na inilabas ni Red ang isang maliit na
bote at kumuha ng tubig.
Ilang minuto na kaming nag-iikot sa Polto's Forest pero hanggang ngayon ay wala pa
kaming natatagpuan na spinachherb o kaya naman blue petal ng asul na rosas.
"Malapit ng magdilim oh, bumalik na lang kaya tayo" Nag-aalalang sabi ni Bea. "Baka
kapag nalaman nila na nawawala tayo sa loob ng Altheria ay maparusahan pa tayo"
"Ang pessimist mo naman Bea, hindi tayo mapapagalitan ano ka ba!" Natatawa kong
sabi, "Oh ayon! Nakita ko na yung mga spinachherb!"
Tumakbo ako sa direksyon ng spinachherb at kumuha ng ilang piraso. Habang
tinitignan ko itong maigi ay dito ko nakita ang pagkakaiba ng mga spinachherb na
nakukuha sa school at dito sa gubat. Mas may buhay ang mga halaman dito dahil na
rin siguro may mahika ang lupa ng lugar na ito.
Habang kumukuha ako ng mga spinachherb ay nakarinig ako ng ungol sa isang gilid ng
gubat, para itong ungol ng isang hayop. "Bea! Red! Narinig niyo ba 'yon?" Sigaw ko
sa kanila na nasa hindi kalayuan dahil kumukuha sila ng blue petals ng asul na
bulaklak.
"Alin ba? Wala naman kaming naririnig Jasmin!" Sigaw pabalik sa akin ni Bea.
Tumakbo ako patungo sa kanila. "Oh ayan nakumpleto na natin ang mga gagamitin
natin, bumalik na tayo--"
Naputol ang aking sasabihin ng muli kong marinig ang ungol, sa pagkakataong ito ay
mas malakas na ito at parang malapit na ito sa amin. "Ano 'yon?" Pagtatanong ni Bea
at napakapit sa laylayan ng damit ko.
Nagtago kami sa likod ni Red at maigi niya kaming binabantayan.
Napasigaw ako nung mapansin kong may isang hayop ang tumatakbo tungo sa amin. Para
siyang isang lobo ngunit nakakalakad ito gamit ang kanyang mga paa. Mahaba ang dila
nito at mas matatalim ang pangil nito, matalas din ang kuko ng mga daliri sa kamay
nito.
Huminto ang lobo sa harap namin at tinignan kami na parang isa kaming masarap na
pagkain na nakahain sa kanya. "'W-wag kang lalapit!" Matapang na sabi ni Red pero
bakas sa boses niya na kinakabahan at natatakot din siya.
Tumakbo ang lobo tungo sa direksyon namin, napapikit ako at malakas na napasigaw.
Hinintay kong dumampi sa balat ko ang matalim na pangil ng lobo ngunit ilang
Segundo ang lumipas at walang pangil na dumikit sa akin.
Pagkadilat ko ay nasa harapan namin ang isang lalaki na nakasuot ng uniform na
katulad sa amin.
Humawak ang lalaki, umilaw ang kanyang kamay at may mga ugat ng puno ang biglang
pumalibot sa katawan ng lobo, Ikinuyom niya ang kanyang palad at mas lalong
humigpit ang pagkakasakal sa lobo ng mga ugat.
Nakatingin lamang ako sa kanya at manghang-mangha ako sa kanyang ginagawa, may
ibinulong ang lalaki sa hangin at biglang nagkaroong ng matutulis na tinik ang ugat
at bumaon sa katawan ng lobo.
Malakas na ungol ang pinapakawalan ng lobo habang tumutulo ang kulay itim na dugo
sa katawan nito. Ilang Segundo ang tumagal at hindi na gumalaw ang lobo at tumigil
na rin sa paggamit ng spell ang lalaking nasa harap namin.
"Anong ginagawa ng freshmen na kagaya niyo sa gubat?" Pagtatanong niya sa amin,
"Delikadong gumala ang mga freshmen na gaya niyo sa labas ng Altheria Academy"
"Salamat po sa pagliligtas niyo sa buhay namin... paano niyo nalaman na freshmen
palang kami?" Pagtatanong ni Bea.
"Sa kulay ng ribbon at necktie niyo. Kulay green kapag freshmen, pula kapag junior,
samantalang asul naman para sa Senior" Napatingin ako sa ribbon na nasa aking
blouse, kulay pula ang necktie ng lalaking ito, ibig sabihin lamang na junior siya.
"So, bakit kayo gumagala Sa Polto's Forest"
"Kumuha lang kami ng gagamitin para sa assignment namin" Pagpapaliwanag ni Red,
lagi talagang may halong angas ang boses niya. Hindi man lang niya nagawang
pasalamatan ang lalaking nasa harap namin dahil sa pagliligtas sa mga buhay namin.
He's a man that full of pride.
"Halika na ihahatid ko na kayo, by the way I'm Carlo. Nasa Wanester division na ako
and I'm Psychic student" Pagmamalaki niya sa amin.
"So kaya mo magbasa ng mga iniisip namin?" Pagtatanong ni Bea habang naglalakad
kami pabalik.
"Maybe soon, marami pa rin kasi akong bagay na hindi kayang gawin. Ang kaya ko
palang ay ang magkontrol at magpagalaw ng mga bagay, mahaba-haba pang pag-aaral ang
gagawin ko haha!"
"Pero kuya Carlo ang astig mo kanina!" Nangingiti kong sabi.
"Talaga?" Natawa ng bahagya si Kuya Carlo, "Ang gusto ko nga sana eh ipitin ang
lobo ng ugat tapos mapipisak siya hanggang magpira-piraso, mas astig 'yon! Kaso
hindi pa kaya ng kapangyarihan ko, nahihirapan din akong mag-kontrol ng magi sa
katawan ko"
Napatingin ako kay Red at tahimik lang siyang nakikinig sa pinag-uusapan namin.
Ayaw na ayaw talaga niyang makihalubilo sa ibang tao. "Paano mo nalaman na Psychic
ang special ability mo kuya Carlo?" Pagtatanong ni Bea.
Inilabas ni Kuya Carlo ang kwintas na kanyang suot, katulad ito ng mga kwintas
namin, ang kaibahan nga lang ay may kulay asul sa loob ng kwintas ni Kuya Carlo,
"Kapag nagkaroon na ng kulay ang kwintas niyo. Ibig sabihin lamang nito ay na
nalaman niyo na ang specialty niyo"
Maraming pang ikinuwento sa amin si Kuya Carlo tungkol sa mga misyon na nagawa niya
at sobrang nakakamangha kasi ang dami niya ng lugar na napuntahan sa labas ng
Altheria Academy.
"By the way, may family na ba kayong sinalihan?" Pagtatanong ni Kuya Carlo,
"Panigurado hindi niyo pa alam ang family. Ang family ay grupo ng mga estudyante na
nagtutulung-tulungan sa mga misyon o kaya naman sa mga assignment na dapat gawin"
"Ahh! Wala pa kaming family, hindi pa kami na-o-orient d'yan"
"Sali kayo sa family ko, White Soldier Family. Hihintayin ko kayo" Nakangiting sabi
ni Kuya Carlo.
Nakarating na kami sa may gate ng altheria at kinabahan na ako, ano kayang palusot
ang aming gagawin dahil sa aming paglabas sa academy.
"Oh Carlo ikaw pala-Teka ba't may mga freshmen na nasa labas ng Altheria!" Sigaw
nung guard at hinila kami papasok ng academy. Napayuko na lamang ako at napakagat
sa ibabang labi dahil sa kaba. "Anong ginagawa niyo sa labas!?"
"Kuya Ronnel 'wag mo silang pagalitan. Ako ang nagsama sa kanila, hindi naman sila
napahamak kaya 'wag ka na magalit. Hindi na 'to mauulit" Kumindat sa amin si Kuya
Carlo at napangiti ako dahil muli niya na naman kaming tinulungan.
Kinausap ni Kuya Carlo ang guard at sinabi niya na maglakad na kami paalis. "Tara
na gagawin pa natin 'tong healing potion" Sabi ni Red.
Napatingin ako sa wristwatch ko at pasado alas-otso na pala ng gabi, kailangan na
namin gawin ang potion dahil bukas na ang pasahan nito.
Dumating ang araw kung kailan na namin ipapasa ang assignments namin. Halos alas-
onse na nang gabi kami natapos pero it's a relief na natapos namin ito.
Parehas kaming inaantok ni Bea na pumasok sa classroom, napansin ko si
Red na nakaupo na naman malapit sa bintana. No'ng nakita niya ako ay balak ko
sanang batiin siya ng 'good morning' ngunit isang irap ang natanggap ko sa kanya at
nagbaling na muli ng tingin sa may labas.
"Inaantok pa ako Jasmin" Humihikab na sabi ni Bea. Pagkaupo pa lamang
namin sa may pwesto namin ay agad niyang idinukdok ang kanyang ulo sa may desk.
Pinagmamasdan ko lamang ang ginawa naming healing potion, hindi ko alam
kung epektibo ba itong gamitin dahil hindi naman namin siya sinubukan kagabi. Hindi
ko lang kung naging maganda ang pagkakagawa namin dito, we're all half asleep when
we are making this.
"Okay class, oras na para ilabas ang mga assignment niyo" Pagkapasok pa
lamang ni Ma'am Melanie ay iyan agad ang bungad sa amin.
Napaayos ako ng upo at inilabas ang notebook at ballpen ko, agad ko rin
ginising si Bea dahil ayokong mapagalitan siya ni Ma'am Melanie. "Ma'am ipapasa na
po ba namin?" Pagtatanong ng isa sa mga kaklase ko.
"You will perform it" Nakangiting sabi ni Ma'am Melanie, "Kayo lang ang
makakapagpatunay kung successful nga ba talaga ang mga ginawa niyong Healing
potion, ang bawat grupo ay magkakaroon ng representative and you will use the
healing potion"
"But how?" Mataray na tanong ng isa sa mga kambal kong kaklase-Si
Charlene at ang kakambal niya naman ay si Charly. Ito ang unang beses na magkaroon
ng kambal na kaklase pero hindi sila magkamukha at magkaugali pero may isang bagay
na magkaparehas sila... They both love playing pranks on other.
"You will use this knife Ms. Charlene at susugatan ang inyong sarili,
if the bleeding stop. Then it was success" Sabi ni Ma'am Melanie.
"Red ikaw na lang ul-"
"No, ikaw ang gagawa" Sabi ni Red na para bang inuutusan ako.
"Ako? Ayoko nga! Baka-"
"Ayaw mo? Sasabihin ko kay ma'am na natulog ka lang habang ginagawa
namin yung healing potion" Nagbitaw ako ng buntong hininga as a sign of forfeit.
Well it was quite true, nakatulog ako bago pa man namin matapos ang paggawa ng
healing potion.
Marami sa mga kaklase ko ang nag-perform, may mga pumasa at naging
effective ang ginawa nilang potion and mayroon din naman akong ilang estudyante na
isinugod na sa school hospital dahil sa pagkakapalpak ng kanilang potion.
"Group# 07" Pagtatawag ni Ma'am at naglakad na ako papunta sa harap ng
classroom habang hawak ang healing potion na aming gawa. Karamihan sa mga kaklase
ko ay nakatingin sa akin.
Kinakabahan man ako ay kampante naman ako sa ginawa naming healing
potion. Tumingin sa akin si Ma'am Melanie na parang sinasabi na gawin ko na.
Kinuha ko na ang matalim na kutsilyo na nakapatong sa lamesa, hinampas-
hampas ko muna saglit ang aking braso to lessen the pain. Pumikit ako at hiniwa ang
aking braso, naramdaman ko ang hapdi at nagsimulang dumaloy ang pulang dugo mula
rito.
Mabilis kong binuksan ang healing potion na aming ginawa at ininom ito.
Habang iniinom ko ito ay unti-unting nawala ang sakit na nararamdaman ko mula sa
aking braso at tumigil na rin ang pagdaloy ng dugo.
Hindi nawala ang sugat pero pakiramdam ko ay nasa good shape pa rin
naman ang braso ko. "Very good" Nakangiting sabi ni Ma'am Melanie at bumalik na ako
sa aking puwesto.
"Okay ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni Bea, ang daming dugo ang
lumabas sa'yo kanina.
"Yeah okay na ako, effective ang ginawa nating potion" Nag-apir pa kami
ni Bea. Makikipag-apir din sana ako kay Red kaso tinitigan niya lang ang kamay ko
at dinedma ito. Tch! Wala talagang kabait-bait sa katawan.
In-announce ni Ma'am Melanie ang aming grades at kami lang ang bukod
tanging nakakuha ng "A" na grade. It was all thanks to Red and his idea to go in
Polto's Forest.
Pagkatapos ng aming klase kay ma'am Melanie ay agad kaming umalis ng
classroom upang pumunta sa school field para sa sunod naming klase.
Naka-indian sit kaming nakaupo habang pinapakinggan ang sinasabi ni Sir
Steven. "Kailangan niyo lang tumingin sa mansanas na 'to" Ipinatong ni Sir ang
mansanas sa lamesa.
"Mag-pokus lang kayo ng tingin sa mansanas and keep your body calm"
Pagpapaliwanag ni Sir.
Buong klase ay pinagmasdan lang namin ang mansanas at muntikan na nga
akong makatulog. I swear, that's the most boring 2 hours class of my life. Nakaupo
lang ako at tinititigan ang mansanas.
"Saan tayo?" Pagtatanong ko kay Bea. Wala na kasi kaming klase ngayong
araw.
"Tara sa Vaefonia Hall!" Pag-aaya sa akin ni Bea at kinaladkad ako. Sa
Vaefonia hall kasi makikita ang mga school announcement, events, or news. Katabi
lang din ng Vaefonia Hall ang cafeteria kaya sumama na ako.
Nasa labas palang kami ay naririnig na namin ang ibang usapan ng ibang
estudyante. "Start na daw ng Family recruitment! Tara tignan natin kung ano ang
magandang salihan" Naririnig naming sabi at nagtatakbuhan ang mga estudyante
papasok sa Vaefonia hall.
Dahil nga na-curious kaming dalawa ay nakipagsiksikan kami ni Bea sa
maraming tao na nasa tapat ng announcement board. "Excuse me. Excuse me..." Ilang
minuto rin ang lumipas bago kami napunta ni Bea sa pinaka-unahan.
Binasa naming dalawa ang nakapaskil. Nakita namin ang mga listahan ng
mga families na nagre-recruit ng mga bagong members.
Green Armies Family
Yellow Angels Family
Blue Marines Family
White Soldiers Family
Red Rebels Family
Iyan ang mga family na nangangailangan ng mga bagong members. Naalala ko tuloy ang
sinabi sa amin ni Kuya Carlo na kung wala pa raw kaming family ay sumali raw kami
sa White soldier.
Napaupo kami sa isang bench. "Ang hirap naman mamili ng sasalihang family" Sabi ni
Bea.
"Naku ang swerte siguro ng mga estudyanteng makakapasok sa White soldiers family.
Iilan lang ang mga nakakapasok sa family na 'yon eh"
Naririnig kong usapan ng ibang mga estudyante. "Tara sa White soldiers tayo sumali"
Pag-aaya ko kay Bea. "Nandoon si Kuya Carlo tsaka in-invite niya na rin naman tayo
kagabi eh"
Pumunta kami sa may tapat ng counter at kumuha ng application form para sa white
soldiers family. Sinagutan namin ang mga kailangan sagutan sa form then hinulog
namin siya sa ballot box na may logo ng White soldiers Family.
Chapter 8 "Raven"
BAKA wala po akong update bukas dahil nasa biyahe kami papuntang Vigan that day
pero susubukan kong gawan ng paraan hangga't kaya ko :)
Sana naman mag-comment kayo ng mga pampasiglang comment para hindi ako tamarin mag-
update, tenkyow for reading Altheria: School of Alchemy.
***
Natapos ang araw na 'yon at hindi na ako naka-attend sa mga sumunod kong klase
dahil bilin ng nurse na magpahinga na lang muna raw ako.
Naalala ko pa ang ginawa ng nurse sa paa ko kanina,hinawakan niya
lamang ito at nawala na bigla ang sakit na nararamdaman ko, parang sa isang iglap
ay naging maayos na muli ang aking nararamdaman.
Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako nagugulat kapag nakakakita
ako ng mahika, siguro ay tuluyan na akong nakapag-adapt sa environment dito sa
Altheria Academy.
Habang naglalakad kami ni Bea ay pansin ko ang school committee na nasa
tapat ng mataas na pader ng Altheria at mukhang may spell siya na ginagawa rito
dahil nagliliwanag ang pader sa tuwing kinukumpas niya ang kanyang kamay.
"Anong ginagawa nila?" Pagtatanong ko kay Bea habang nakaupo kami sa
isang bench na naliliman ng isang mataas na puno. Hindi rin pumasok si Bea dahil
nag-aalala raw siya para sa akin.
"Siguro ay tinataasan ang security level ng pader. Malapit na kasi ang
unang event dito sa Altheria, baka sinisigurado lang nila na magiging safe ang
lahat ng estudyante" Napatango-tango na lamang ako sa sinabi ni Bea.
"Tara na, bumalik na tayo sa dorm. Wala na rin naman tayong gagawin
dito at bandang hapon na rin naman" Inaya ko na siyang bumalik dahil masyado akong
napagod.
"Hindi mo man lang ba pinasalamatan si Red?" Pagtatanong ni Bea kaya
napatigil ako panandalian sa paglalakad.
"Nakalimutan ko, masyado kasi akong nakapokus sa sakit na nararamdaman
ko kanina. Nung hinatid niya naman ako sa clinic eh agad din naman siyang umalis
kaya nakalimutan ko ng mag-thank you sa kanya"
"Ano ba 'yan! Kapag nagkita kayo mag-thank you ka para sa kabutihang
ginawa sa'yo ni Red" Pangongonsensya sa akin ni Bea. Nakarating kami sa may Dorm
room namin at kumain kami ng hapunan.
"Nakakapagtaka yung sinabi ni Charly kanina 'no?" Pagbubukas na topic
ni Bea. "Paano niya kayang nasabi na kumislap 'yang kwintas mo? Totoo bang
nagigising na yung magi mo sa katawan?"
"Kung nagigising yung Magi ko, paniguradong mararamdaman ko naman 'yon.
Kaso wala naman akong unusual na naramdaman," Pagkekwento ko sa kanya at napatango-
tango naman siya. "Baka nasinagan lang ng araw ang kwintas ko kaninang umaga kaya
akala niya kumislap"
"Sa bagay, hindi naman pwedeng maging advance ka kasi sabay-sabay lang
naman tayong nagpa-practice tsaka parehas tayong hindi nag-e-excel sa bawat
subject" Natawa naman ako sa sinabi ni Bea.
Tumatakbo sa isip ko kung totoo yung sinabi ni Charly, sabi ng utak ko
ay nagsisinungaling lang si Charly pero base sa kanyang ikinilos niya kanina...
parang gusto ko ng maniwala.
Dumating ang gabi at hirap pa rin akong makatulog, Si Bea naman ay
mahimbing ng natutulog na nasa aking tabi. Bumangon ako panandalian at napatingin
sa bintana sa labas.
Nakikita ko pa rin ang mga Committee na patuloy na ginagawa ang pader
ng Altheria, napangiti ako dahil nakakatuwang pagmasdan ang mahikang kanilang
ginagawa. Parang sumasayaw sa saliw ng musika ang pader dahil umiilaw ito at
napapaligiran ng maliliit na bituin sa paligid.
Habang nakatingin ako sa labas ay napansin ko ang isang uwak na
nakadapo sa isang malaking puno. Napatitig ako maigi sa uwak na ito at para bang
may sariling isip ito dahil nakatingin lamang ang uwak sa akin. Ilang Segundo
tumagal ang pagtitig nito sa akin bago lumipad palayo. Weird.
Sa pagtingin ko sa pader ay dinapuan na ako ng antok kaya naman natulog
na ako.
"Jasmin gumising ka na" Naramdaman ko ang kamay na mahinang tinatapik
ang aking pisngi. "Bilisan mo, male-late ka sa klase ni Ms. Melanie kapag hindi ka
pa bumangon"
Bumangon ako at saglit na nag-unat. "Aalis ka na?" Pagtatanong ko kay
Bea dahil nakasuot na siya ng school uniform namin.
"Oo, may pag-uusapan daw lahat ng president ng bawat section kaya
kailangan ko pumasok ng maaga" Oo nga pala, siya pala yung in-elect namin na
president ng section namin dahil na rin sa galing nito makipag-socialize sa ibang
tao, "Bumangon ka na. Pumasok ka na sa klase ni Ms. Melanie"
Umalis na si Bea at naiwan naman ako sa room namin"
Napatingin ako sa orasan, It's already 7:45am samantalang sharp 8:00am
ang klase namin kay Ma'am Melanie. Mabilis ang naging pagkilos ko sa paliligo at
pagbibihis, hindi na rin ako nag-almusal dahil sa pagmamadali.
Agad akong pumasok sa classroom namin and thanks God dahil kararating
palang din ni Ma'am Melanie. "Good morning ma'am" Pagbati ko rito.
"Morning Jasmin" Nakangiti nitong tugon. Umupo na ako sa aking puwesto
at nagsimula ng mag-roll call si ma'am para mag-check ng attendance.
Napatingin ako kay Red na bagot ding napalingon sa akin nung napansin
niyang nakatingin ako sa kanya, "What?" Pagtatanong niya.
"Thank you nga pala kahapon" Hindi niya na naman ako pinansin bagkus ay
ibinaling niya ang tingin sa bintana, sows! Sungit talaga.
"MS. JASMIN FERNANDO!" Malakas na sigaw ni Ms. Melanie.
"Pe-present ma'am!"
"Kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot, isa pang maulit 'to i-a-
absent kita"
"Sorry ma'am"
"Okay class, last meeting ay tinuruan ko kayo kung paano gumawa ng
healing potion kahit hindi pa kayo sanay gumamit ng mahika. This time I will teach
you to do a cure potion. Kung ano healing potion ay nagagamot ang inyong mga
pisikal na sugat, ang cure potion naman can heal any poisonous spell or venoms na
gawa ng mga kalaban or monsters..." Patuloy na nag-discuss si ma'am Melanie
patungkol dito at maigi lang akong nakikinig.
Sa lahat ng subject namin ay itong klase ni Ma'am Melanie ang
pinakapaborito ko dahil marami akong natututunan tungkol sa mahika ang in the same
time ay nai-a-apply namin ang mga itinuturo niya. Mabait din na guro si Ma'am
Melanie kaya kinagigiliwan siya ng karamihan sa amin.
Sinabi rin sa amin ni Ma'am Melanie na once na matuto na kaming gamitin
ang mga magi namin ay tuturuan niya rin kami ng mga simpleng mahika kaya mas lalong
na-excite ang mga kaklase ko.
"Ang kailangan niyo naman ngayon ay gumawa ng cure potion and you will
pass it on Friday. Kailangan niyo rin itong i-perform. Tandaan niyo, gamot sa lason
ang gagawin niyo and once na pumalpak kayo... maaaring ikaahamak iyon ng isang
buhay" Sabi ni Ma'am Melanie na nagpakaba sa amin.
"Red, grupo ulit tayo nina Bea. Wala si Bea ngayon eh nasa meeting"
Pag-aaya ko sa kanya. Ayoko naman talaga sa ugali ni Red pero para makakuha ulit
ako ng "A" na grade, kailangan ko siyang isama sa grupo. Importante ang grade para
sa akin.
"Wala naman akong choice" Nagpangalumbaba si Red at tumingin ulit sa
bintana.
"Okay class that's it for today, class dismissed" Sabi ni Ma'am Melanie
at naglakad na ito palabas ng classroom.
Maglalakad na sana ako palabas ng biglang may pumasok sa classroom
namin ng mga lumilipad na sulat, may mga pakpak ito ng katulad ng anghel at naka-
envelope ang sulat.
Isang sulat ang bumagsak sa table ko at ganoon din kay Red. May iba rin
sa mga kaklase namin na nakatanggap ng sulat. Hindi ko naman agad ito binuklat
dahil inaayos ko pa ang pagkakapusod ng aking buhok.
"Natanggap ako sa Red rebels family!" Pagsigaw ni Charly at napasigaw
rin ang kakambal niyang si Charmaine. Mukhang parehas silang natanggap sa Red
rebels, okay lang, mukha namang sindikato 'tong magkapatid na 'to. Bagay sila ro'n.
Matapos kong ipusod ang aking buhok ay binuklat ko na ang envelope na
aking natanggap.
'Congratulation Jasmin Fernando! You're now a member of White Soldiers
family'
Napangiti naman ako dahil sa natanggap kong sulat, siguro ay tinulungan
kami ni kuya Carlo para makapasok sa White soldier.
Hindi ko naman naiwasan na silipin kung ano ang sulat na natanggap ni
Red. "Natanggap ka rin sa white soldier?" Pagtatanong ko, agad niyang isinara ang
papel na natanggap niya.
"Tsismosa"
"Yes! Magkakasama tayo sa White soldier!" Napaakbay ako sa kanya at
napatalon dahil sa tuwang aking naramdaman.
Inalis ni Red ang kamay kong nakaakbay sa kanya. "Jeez! What are you
doing?" Naglakad na siya paalis.
"Sunget" Napangiti ako dahil kahitpapaano ay may kaklase akong kasama
na nakapasok sa White soldier family.
I will be gone for how many days so this is my last update and sa thursday pa ang
balik ko
~~~***~~~***
Pagbalik ko sa dorm ay excited kong ibinalita kay Bea na natanggap ako sa white
soldiers family. Naging usap-usapan sa Altheria ang pagpasa namin ni Red sa White
Soldiers family dahil ito raw ang unang beses na tumanggap ng freshmen ang white
soldiers. Sikat ang white soldiers dahil nasa kanila ang magagaling na Alchemist sa
buong Altheria.
"Bea! Nakapasok ako sa white soldiers!" Pagbabalita ko sa kanya
pagkapasok ko palang sa room namin. Walang kalagyan ang tuwang nararamdaman ko
ngayon, para akong nakapasa sa isang napakahirap na exam.
"I will tell you the same thing" Ipinakita niya sa akin ang papel na
tungkol sa White Soldier, napayakap kami sa isa't-isa at nagtatalon, "Alam mo ba
apat na freshmen ang tinanggap ng White Soldier ngayon. Ang imposible ng nangyari
kasi ngayon lang daw tumanggap ng freshmen ang White soldiers"
"Basta maging Masaya lang tayo kasi nagawa natin makapasok doon,
panigurado naman na tinulungan tayo ni kuya Carlo eh" Masaya kong sabi ko sa kanya,
"By the way, bakit ka nga pala wala kanina? Hindi mo tuloy alam yung mga sinabi sa
amin ni Ms. Melanie"
"Nagkaroon kasi kami ng meeting about sa gaganaping event this month.
Bawal ko pa kasi sabihin yung details kasi pwede pang mabago pero maraming
magagandang mangyayari Jasmin!" Humahagikhik na sabi sa akin ni Bea, "Ano ba ang
tinuro sa inyo ngayon ni Ms. Melanie?"
"About sa mga cure potions and effects nito"
"Alam mo Jasmin, parang ang advance ng klase natin ke'sa sa ibang
section. Nakausap ko yung taga-ibang section ang sabi nila ngayon palang sila
gagawa ng healing potion then hindi naman sila pinapatakbo sa quadrangle ng sampung
ikot" Sabi ni Bea.
"Pabayaan mo na, baka sa'tin lang talaga napunta yung mga terror,
strict, pero magagaling magturo na mga teachers" Pagmamayabang ko at nagkibit
balikat na lamang siya bilang pagsang-ayon. "Uy! Tayo-tayo ulit nila Red ang
magkakagrupo ah" Sabi ko sa kanya.
"Sige para maka-"A" ulit tayo" Natatawa niyang sagot.
Maaga muling natulog si Bea dahil napagod daw siya sa meeting nila
kanina samantalang ako ay napatitig muna sa labas at pinagmasdan ang mga bituin,
mas makikinang at mas makikita mo maigi ang mga bituin sa Altheria Academy ke'sa sa
normal na mundo. Mula sa mga tao hanggang sa mga bagay na nakapaligid ay punong-
puno ng mahika.
Napadako muli ang tingin ko ro'n sa may puno malapit sa room namin,
nakita ko na naman muli ang uwak. Nakatitig ito sa akin, "Binabantayan mo ba ako?"
Pagtatanong ko kahit hindi niya ako naririnig.
Biglang lumipad palayo ang uwak nung napansin niyang nakatingin ako sa
kanya. Sa pagkakataon na ito ay naramdaman ko na may pagka-weird yung uwak na 'yon.
Natulog na lamang ako para palipasin ang araw na ito.
Pagkagising ko ay agad ibinalita sa akin ni Bea na wala raw kaming
klase ngayon buong araw dahil may meeting daw ang lahat ng teachers at pinag-
uusapan ang event na mangyayari this month. Isang magandang balita iyon para sa
akin dahil hanggang ngayon ay medyo masakit pa rin yung katawan ko sa pagpapatakbo
sa amin ni Sir Ernie.
"Talaga walang klase? Matutulog na lang ulit ako" Muli ko na sanang
itatalukbong ang kumot ko sa akin ng biglang hilahin muli ito ni Bea. "Ba't ba?"
"May naghihintay sa'yo sa labas ng dorm" Wika niya.
Napakamot ako ng ulo, "Sino naman 'yan?" Hinila na ako ni Bea patayo.
Pinagkatulakan niya ako palabas ng room at sinara niya no'ng makalabas na ako.
Argh! Sino ba 'tong istorbo na 'to? As far as I know ay wala naman dapat naghahanap
sa akin ngayong araw, hindi naman ako busy na tao.
Pagkalabas ko ay napatingin agad ako sa mukha ng tao na nakasandal sa
dingding ng room namin. He's just wearing a plain black V-neck shirt at medyo
fitted jeans. "Anong ginagawa mo rito?" Bulalas ko kay Red.
Napalingon siya sa akin nung mapansin niya ang prisensya, Tinignan niya
ako mula ulo hanggang paa, na-conscious naman ako sa hitsura ko dahil sa ginawa
niya. I'm wearing a pink pajama and red shirt na may design na snow white, hindi pa
rin ako nakakapag-ayos ng sarili ko dahil agad akong hinatak ni Bea palabas.
"We will do our research tungkol sa cure potion, hindi mo ba ako
narinig kahapon? Masyado ka kasing na-overwhelmed sa pagkapasok mo sa White
Soldiers kaya hindi mo na inintindi ang sinabi ko sa'yo. Tsk." He scan me again for
the second time. "Anong akala mo cute ka d'yan sa suot mo? Magbihis ka na, isama mo
yung bestfriend mo"
Napairap na lang ako as a sign of forfeiting then nagmartsa papasok
muli ng room namin. "Hindi mo naman sinabi na si Red ang pupunta rito!" Sabi ko kay
Bea na ikinatawa niya na lang.
"Bakit? Na-conscious ka ba bigla sa hitsura mo? Si Red lang 'yan,
kaklase natin. Puwera na lang kung..." Nagkaroon ng malaking ngisi sa mukha ni Bea.
Bigla akong kinilabutan sa ini-imagine niya, "Tigil-tigilan mo ko sa
ganyan Bea, mandiri ka nga. Magbihis na raw tayo dahil magri-research tayo about sa
cure potion"
"Kayo lang dalawa ang magri-research. Pinapatawag kami dahil may urgent
meeting lahat ng class president. Bye"
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi makakasama si Bea. Ini-
imagine ko palang yung ideya na maiiwan ako kasama si Red, grabe! Paniguradong puro
bangayan lamang ang mangyayari sa aming dalawa.
Ilang minuto rin ang itinagal ng aking pagbibihis at naglakad na kaming
dalawa patungo sa school library. Pagkarating namin sa library, I decided na
basagin ang katahimikan sa aming dalawa. "Thank you nga pala sa pagliligtas mo sa
akin kahapon ah"
He just stare at me at itinuro ang sign na nasa gilid.
"Keep the silence inside the library"
Napa-ismid na lamang ako, wala talagang kabait-bait. Ilang beses na
kaming nagkakasama pero arogante pa rin siya tulad no'ng unang beses kaming
magkausap.
"I don't do it para sa'yo. Ginawa ko 'yon para sa klase dahil baka
mapatakbo kami ng ilan pang laps kapag pinabayaan lang kitang nakaupo at iika-ika
ro'n" He said without paying attention on me. Nakapokus lang siya sa librong
binabasa niya at nagsusulat siya sa maliit niyang notebook.
Napatahimik na lang ako at kunwaring nagbabasa ng libro pero wala rin
naman akong naiintindihan.
Inilapit sa akin ni Red ang upuan niya. "Oh bakit ka lumalapit?" Crush
yata ako ng lalaking 'to, galawang breezy 'to ah!
"Bawal ang maingay so magbubulungan lang tayo ng pag-uusap. Bakit may
ini-imagine ka ba?" Okay. Medyo assumerang froglet ako kanina. "Don't worry, hindi
ako pumapatol sa stupid and clumsy"
"So here's the ingredients of cure potion, kunwari ka pang nagbasa pero
wala ka ring naitulong. Nectar, Black Powder, Flour, Snake Venom"
Napa-ismid ako at napairap sa kanya. "Oh lahat ng ingredients na 'yan
makikita lang dito sa loob ng Altheria then pwede naman tayong manghingi ng snake
venom doon sa clinic. Keri na 'yan"
"Pero kung dito lang tayo kukuha sa school ng mga gagamitin. It might
be na makakuha tayo ng 'B' o 'C' na grade. I want to aim for 'A'" Wika niya sa
akin. Grade conscious din pala 'tong isa na 'to kagaya ko.
Saglit akong nag-isip at nasimulan ko ng malaman ang gusto niyang
iparating. "Huwag mong sabihin na lalabas ulit tayo ng school?"
"We will"
"Ayoko nga!" Napalakas yata ang pagkakasabi ko at sabay-sabay
nag-'Shhh' yung ibang estudyante. "Sorry"
"Ayoko nga, nakalimutan mo na ba? Muntik ng may mangyaring masama sa
atin nung last time na lumabas tayo" Sabi ko sa kanya.
"It will never happen again.Tsaka 'diba gusto mong mapasok sa Marsham
top 10 Alchemist?" Napalagok ako ng aking laway dahil alam na alam niya ang mga
bagay na magtutulak sa akin na pumayag sa kanyang gusto.
"Paano naman tayo makakalabas?"
"Nakalimutan mo na ba? Miyembro na tayo ng White Soldiers Family.
Hihingi tayo ng tulong kay Carlo" Napabuntong hininga na lang ako as a sign of
forfeit. Hindi ko naman alam na gano'n ka-eager si Red na makakuha ng "A".
***--***---
Naglakad kami ni Red tungo sa workshop ng white soldier family. Hindi ko masasabi
na isa siyang workshop dahil pagkapasok ko sa loob nito ay para siyang bahay na
sobrang modernize ng design.
"Oh napadalaw kaagad kayo Red at Jasmin? Sa sabado ko pa dapat kayo i-introduce sa
family" Bati sa amin ni Carlo na nakahiga sa sofa.
Sinabi sa amin ni Carlo nasa sentro ng paaralan ang mga workshops ng bawat family
kaya naman may access lahat ng miyembro nito mula sa Marsham, Wanester, at Exemena.
"Ba't ikaw lang ang tao rito?" Pagtatanong ko kay Carlo.
"Ah wala pa yung ibang miyembo eh, yung iba nasa misyon then samantalang yung iba
may mga kanya-kanya ring assignment" Sabi ni Carlo. Carlo na lang raw ang itawag
namin sa kanya dahil ayaw niyang kinu-kuya dahil nagmumukha raw siyang matanda.
"Gusto kasi naming magpatulong, magpapasama kami sa'yo bumalik sa Polto's forest"
Diretsong sabi ni Red. Masyadong straight forward 'tong lalaking 'to, hindi muna
binola-bola si Carlo bago humingi ng pabor.
"Para saan? Assignment?" Tumango naman kaming dalawa, "Delikado pa sa mga freshmen
na kagaya niyo ang gumala-gala sa labas ng school. May mga ingredients naman na
makukuha sa loob ng school, hindi niyo na kailangan lumabas"
"Pero gusto naming makakuha ng "A" na grade dahil parehas kaming naghahabol sa
Marsham Top 10 students" Pagpapaliwanag ni Red.
"Mapilit talaga kayo, well hindi naman kayo pipiliin bilang bagong miyembro ng
White Soldiers kung hindi matitigas ang ulo niyo. Paniguradong may espesyal sa
inyong mga freshmen kayo" Hindi ko alam kung sinasabi ba sa amin 'yan ni Carlo o
nagmo-monologue siyang mag-isa sa sarili niya. "Kailan ba ang pasahan niyan?"
"O sige magkita-kita nalang tayo sa huwebes, hihintayin ko kayo sa gate ng Marsham
Division. Mga ala-una ng tanghali. Wala naman kayong pasok tuwing huwebes 'diba?"
Sabi ni Carlo sa amin. Tumango naman kaming dalawa ni Red.
"Salamat" Sagot ni Red at naglakad na paalis. Siya na nga ang humingi ng tulong,
siya pa ang nagsunget. Tch. Wala talagang kabait-bait sa katawan.
Pagbalik ko sa dorm namin ay agad kong sinabi kay Bea ang tungkol sa gagawin naming
pagbalik doon sa Polto's forest.
"Babalik tayo ro'n?" Biglang kumunot ang kanyang noo, "Nung huling balik natin doon
ay muntik na tayong mamatay. Jasmin, hindi pa tayo pwedeng pumunta ro'n" Pagtutol
niya.
"Kasama si Carlo"
Nanlaki ang kanyang mata at parang kumikislap ito, "Sige pumunta tayo sa Polto's
Forest. Maganda nga yung may challenge eh!" Nangingiti niyang sabi sa akin.
Naikwento kasi sa akin ni Bea na nagka-crush siya kay Carlo no'ng araw na iligtas
kami nito.
*Araw ng Huwebes*
"Jasmin maupo ka nga" Hinila ako ni Bea paupo ulit ng bench, "Ako ang nahihilo sa
ginagawa mo, dadating din ang boyfriend mo 'wag kang excited"
Agad kong hinampas ang kanyang balikat dahil sa kung ano-anong ideya ang pumapasok
sa utak niya. "Mandiri ka nga, mas gugustuhin ko pang tumakbo ng sampung beses sa
quadrangle ke'sa magkatotoo 'yang sinabi mo"
Malakas na tawa naman ang iginanti sa akin ni Bea. Ilang minuto pa ang lumipas ay
dumating na si Red at masamang titig ang ipinukol ko sa kanya. Alam niyo yung mas
nakakaasar? Yung galit ako pero wala lang siyang pakielam. Hindi ko alam kung
dating bato ba 'tong si Red sa dating buhay niya at sobrang tigas ng puso.
Bago kami makalabas ng gate ay nakita namin na kinakausap ni Carlo ang mga
guwardiya na nagbabantay. Dinagdagan ng committee ang mga guwardiya na nagbabantay
sa bawat gate for security purposes. Hindi ko maintindihan ang committee, parang
may pinoprotektahan sila na nasa loob ng paaralan.
"Kuya Ronnel, pahiram muna ulet ng tatlong Marshams na ito. Miyembro sila ng White
soldier so sagutin ko naman kapag may nangyaring masama sa kanila" Sabi ni Carlo.
Binuksan ng guard ang gate, "O sige Carlo, basta ay ibalik mo sila rito bago
pumatak ang alas-sais dahil may mga gurong naglilibot sa buong school pagpatak ng
alas-siete. Nagkaroon kasi sila ng curfew sa mga marsham students"
"Okay kuya"
"Actually wala pa akong alam sa mga bagay na kaya kong gawin dahil kahit ako ay
nagte-training pa. Pero kaya ko kumontrol ng mga halaman... everything about
natures" Na-amaze naman kami sa kanya. Parang na-excite na ako na magising ang magi
sa katawan ko at malaman ang bagay na kaya kong gawin.
Iwinawasiwas ni Carlo ang kanyang saere habang may binibigkas na mga salita,nagulat
na lamang kami ng unti-untingnagkakakulay muli ang lantang bulaklak at nagkakaroon
ulit ito ng buhay. "Anggaling 'no? Galing kong magmahika 'no?" Kung may isang bagay
akong napansin kayCarlo, iyon na siguro ang madalas niyang pagpuri sa sarili
niya... in short,mahangin.
Naglakad kami tungo sa kabundukan ng Polto's Forest para kumuha ng Black powder,
sabi rin ni Carlo na nandito ang pinakamagandang kalidad ng nectar sa itaas ng
bundok.
Halos isang oras na kaming naglalakad at nakuha naman namin lahat ng bagay naming
kailangan.
Napatingin siya sa kalangitan at parang may bagay siyang napansin, "Teka, parang
kanina pa tayo sinusundan ng uwak na 'to ah. Mula kanina pa no'ng pag-alis pa lang
natin ng Altheria Academy"
"Ah gabi-gabi akong binabantayan ng uwak na 'yan. Feeling ko nga guardian angel ko
'yan eh" Sagot ko.
Unti-unting bumaba sa lupa ang uwak at laking gulat ko nung unti-unting maging
kamay ang mga kamay nito at ang tuka nito ay unti-unting nawala at napalitan ng
isang mukha.
Isang lalaki ang tumambad sa amin at nakasuot siya ng itim na balabal at ngumiti sa
akin. "Sa wakas ay nakaalis ka rin sa Altheria, Jasmin. Ako nga pala si Klein"
"ATRAS!" Biglang sigaw ni Carlo at inilabas niya ang kanyang mahiwagang libro na
nasa kanyang bag. "Isang miyembro ng Raven Clan"
Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila pero minsan ko ng narinig ang Raven Clan,
sinasabi nila na ito raw ang pinakamasamang grupo ng alchemy na nag-e-exist sa
magical world.
"Nandito lang ako para kuhanin ang batang may kakaibang mahika"
JASMIN
Kinakabahan ako habang pinagmamasdan ang namumuong tensyon sa pagitan ni Carlo at
miyembro ng Raven Clan na nagpakilala bilang si Klein.
"Anong kailangan mo kay Jasmin?" Pagtatanong ni Carlo habang matalim na
titig ang ibinibigay niya kay Klein. Nasa loob pa rin kami ng mga ugat na ginawa ni
Carlo na nagsisilbing protekta sa amin, sumisilip lamang ako upang makita ang
nangyayari.
"Hindi mo na kailangan malaman" Ikinumpas ni Klein ang kanyang kamay at
may dalawang lobo na lumabas sa magkabila niyang gilid.
"A-ano ba ang nangyayari?" Natatakot na tanong ni Bea at napayakap na
lamang ako sa kanya.
CARLO
Hindi ko alam ang nangyayari o kung ano ang kailangan nila kay Jasmin,
pero hindi ako makakapayag na galawin nila ang kahit sino na miyembro ng White
Soldier.
Ilang beses na kaming binabalaan ng aming mga guro sa Altheria na kung
may grupo raw ng tao na dapat kaming iwasan, iyon ang Raven Clan. Grupo ito ng
masasamang alchemist at para malaman kung isa silang miyembro ng Raven Clan, iyon
ay ang tattoo na parang singsing sa kanilang palasingsingan na daliri.
Sinugod ako ng dalawang lobo at agad kong binuksan ang libro kong hawak
at nagbigkas ng spell.
May mga malalaki at matutulis na ugat ang humabol sa mga lobo ngunit
masyadong matulin ang dalawang ito. "Kaasar" Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Kung nasa isang normal na labanan lang ako ay Malaya akong makakatakbo
upang magtago o ipahinga ang magi ko, pero hindi ako puwedeng lumayo kanila Jasmin
sa pagkakataong ito. Si Jasmin ang habol ng lalaki na 'to at kailangan ko siyang
protektahan.
Sinugod ako ng isa sa mga lobo at agad kong iwinasiwas ang aking
kaliwang kamay at may sanga ng puno na biglang sumangga sa ginawang atake ng lobo.
Pinagmasdan ako ni Klein, "Hindi na masama para sa Wanester student na
kagaya mo" Sabi niya sa akin.
"Hindi ako naging miyembro ng white clan para sa wala lang" Inilagay ko
sa likod ang aking kaliwang kamay at patagong iwinasiwas ito upang gumawa ng spell.
Nagulat na lamang siya ng may biglang mga ugat na kumapit sa kanyang
mga paa dahilan upang hindi siya makagalaw.
Ipinitik niya ang daliri niya at nasunog ang mga ugat na nakakapit sa
kanyang paa.
Hindi maaari, kung apoy ang specialty niya, may disadvantage ako lalo
na't nature ang kino-control ko.
Napasigaw na lamang ako sa sakit ng biglang may matatalim na pangil ang
bumaon sa aking binti. Masyado akong nagpokus kay Klein at nakalimutan ko ng may
dalawang lobo pa nga pala ang nandito.
"Carlo!" Malakas na sigaw ni Jasmin.
Akmang lalabas siya sa proteksyon kong ginawa sa kanila, "Huwag! Sa
oras na lumabas ka, kukuhanin ka niya! Manatili ka lang d'yan!" Malakas kong sigaw.
Habang tinitiis ang sakit na nararamdaman ko sa aking binti.
Kung may Priest o illusionist lang sana akong kasama sa laban na 'to ay
paniguradong matatalo ko siya eh. Kaasar. Pride ng White Soldiers ang nakataya
rito.
"Kalikasan ipahiram mo sa akin ang iyong lakas!" Malakas kong sigaw at
nagkaroon ng liwanag sa aking tapat, unti-unting lumabas dito ang isang espada na
napapalibutan ng tinik.
Eto na lang ang huli kong pag-asa. Hindi ko alam kung kakayanin ito ng
katawan ko dahil malaking puryento ng magi ang aking kailangang ilabas habang
ginagamit ko ang espada.
Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking hita at agad sinugod
ang isa sa mga lobo, hiniwa ko ito gamit ang espada at nawala na parang abo ang isa
sa mga lobo.
Napalingon ako ng biglang may isang fireball na papunta sa direksyon
nina Jasmin, agad akong nag-cast ng spell at nagpatubo ng isang malaking puno
upang sanggahan ang fireball, lumikha ito ng malaking pagsabog.
Napaluhod ako bigla sa damuhan dahil sa nararamdaman kong panghihina,
ito ang unang beses na magamit ko ang lahat ng magi ko.
"Bago ko kuhanin ang batang may kakaibang lakas, uunahin muna kitang
pakielamero ka" Ibinuka niya ang kanyang kamay at may maliit na baga ng apoy ang
lumabas rito.
Habang papalapit siya ng papalapit sa akin ay unti-unting lumalaki ang
apoy na nasa kanyang kamay at masama akong tinititigan. "Katapusan mo na at
makukuha na rin namin ang babaeng may kakaibang mahika na taglay"
Habang lumalakad siya papalapit ay lumalakas ang kabog ng aking dibdib.
Sinubukan kong tumayo ngunit maraming dugo na ang nawawala sa akin dahil sa kagat
ng lobo kanina. Mahina na rin ang katawan ko dahil nagamit ko na ang magi sa aking
katawan, baka kung magpapatuloy pa ako ay hindi ko na makontrol ang magi na lalabas
sa aking katawan na magiging sanhi ng aking pagkamatay.
Akmang ibabato niya na sa akin ang fire ball ngunit may isang tao na
tumunggo sa kanya kaya naman napigil ang mahika na kanyang ginagawa.
"R-Red!?" Malakas kong sigaw, "Anong ginagawa mo? Tumakas na kayo!"
Hindi ko alam kung paano siya nakalabas sa mga ugat na ginawa ko... pero lubhang
delikado ito para sa kanya dahil hindi pa niya gumamit ng mahika.
"Hindi! Po-protektahan kita! Ako ang may kasalanan kung ba't tayo
nandito!"
This is the reason why Red was chosen to be part of Shite soldiers.
He's a risk taker.
"Ang lakas ng loob mong bata ka!" Malakas na sinuntok ni Klein si Red
dahilan upang mapasubsob ito sa damuhan. Gusto sanang lumapit sa amin ni Jasmin
pero mabuti na lamang at pinipigilan siya ng kaibigan niyang si Bea.
Dahan-dahan na tumayo si Red, sinubukan ko pang mag-cast ng spell pero
hindi na talaga sapat ang aking lakas. "Tumakbo na kayo Red! Itakas niyo si Jasmin
dito!"
Unti-unting lumapit kay Red ang isa pang lobo. "Red tumakbo na kayo!"
"Po-protektahan ko kayo!" Malakas na sigaw ni Red at biglang may
liwanag na lumabas sa kanyang kwintas.
Hindi maaari... Unti-unti ng nagigising ang magi ni Red. Red was a very
special student, ngayon lang ako nakakita ng estudyante na nagising ang kanyang
magi in just 1 month. Unti-unting nagkakulay ang loob ng kanyang kwintas, kulay
pula.
Lumakas ang ihip ng hangin at unti-unting may namuong buhawi sa
kinalalagyan namin, napapikit na lang ako sa aking kinauupuan. Red is an Magic
Swordsman at kaya niyang kontrolin ang hangin... base iyon sa biglang pag-ilaw ng
kanyang kamay.
Palakas ng palakas ang hangin at naglaho na ang lobo. I don't know what
will happen next, pero masama ito... hindi pa alam ni Red kung paano kokontrolin
ang magi niya kaya naman at this rate... hindi pa kakayanin ng katawan niya.
"Pigilan niyo siya!" Malakas kong sigaw ngunit dahil sa lakas ng hangin ay
imposible naman na marinig nila ako.
Unti-unting nawala ang hangin at bumagsak na lamang ang katawan ni Red
sa lupa. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil unti-unti na akong nawalan
ng malay dahil sa hina ng aking katawan.
JASMIN
Halos mapahagulgol ako sa iyak ng makita ang nakabulagtang katawan nina
Red at Carlo sa damuhan. Napayakap kami ni Bea sa isa't-isa at parehas nanginginig
ang buo naming katawan.
"Ngayon, sumama ka na sa akin Jasmin kung ayaw mong madamay pati ang
kaibiga-"
"Sinong nandiyan!?" Malakas na tinig na narinig namin sa hindi
kalayuan. Si Sir Steven at si Sir Ernie, parehas silang mabilis na tumakbo no'ng
makita ang kalagayan namin.
"Masuwerte ka Jasmin, pero sisiguraduhin ko sa'yong magkikita pa tayong
muli" Tumakbo palayo si Klein at unti-unting nagbagong anyo bilang uwak, lumipad
ito palayo.
"Ayos lang ba kayo?" Pagtatanong sa amin ni Sir Ernie habang si Sir
Steven naman ay tumakbo tungo kanila Carlo at Klein.
Unti-unti akong nawalan ng malay dahil sa pagod. Sana ay ayos lang
sila.
Nagising na lamang ako na nasa loob ako ng clinic, "Uy Jasmin okay ka na ba?" Nag-
aalalang tanong ni Bea na nakaupo sa tabi ko at parang binantayan ako hanggang sa
magising ako.
"Oo, medyo masakit lang yung mga galos ko" Isinandal ko ang aking likod
sa headboard ng clinic. "Ikaw okay ka na ba?"
"Oo kahapon pa. Grabe ka! Hindi naman ikaw yung nakipaglaban pero
naunahan ka pa nila magising" Natatawang tugon sa akin ni Bea, base sa ekspresyon
niya ngayon... she's really in a good shape at okay na okay na siya.
"Anong balita sa kanila?"
"Kausap nilang dalawa ngayon ang school principal, hindi ko alam kung
bakit. Si Carlo, baka bisitahin ka raw niya mamaya ewan ko lang kay Red" Mahaba
niyang litana at nagbabalat siya ng mansanas.
Naalala ko na naman ang nangyaring labanan sa Polto's Forest, kung
hindi pa dumating sina Sir Ernie at sir Steven ay baka isang malamig na bangkay na
kaming apat. Nakakaasar din dahil nakatakas ang Klein na 'yon... pero ano ang bagay
na kailangan niya sa akin?
"Kamusta nga pala yung assignment natin?" Pagtatanong ko bigla,
importante sa akin ang grades ko kaya dapat lang na itanong ko 'yan.
Saglit na tumahimik si Bea at nagbuntong hininga, "Nakakuha tayo ng 'F'
na grade"
Nanlumo naman ako bigla, kapag kasi nakakuha ka ng F ay ibig sabihin
lamang nito na maliit na ang chance mo na makapasok sa Marsham top 10 student...
which is pangarap ko.
"Bakit daw?"
"Lumabag tayo sa school rule na bawal lumabas ng Altheria kapag first
year palang, nagkaroon ng malaking gulo at nasangkot tayong apat, naka-istorbo tayo
sa mga teacher lalo na kanila sir Ernie at sir Steven, nasira ang mga ingredients
nat-"
"Hindi mo na kailangan ituloy Bea, naintindihan ko na. Deserving natin
ang 'F' sa daming nangyari" Napahawak ako sa aking braso na may galos, "Ba't may
sugat ako? Hindi ba 'to ginamitan ng healing powers para mawala yung sakit?"
"That's our punishment. Hindi nila gagamitan ng kahit anong healing
spell ang mga sugat natin, kailangan daw nitong gumaling sa normal na paraan"
Ipinakita rin ni Bea ang galos niya sa kanyang balikat. Napabuntong hininga na
lamang ako, hindi ko naman alam na ganito katindi ang punishment dito sa Altheria.
Nakarinig kami ng pagbukas ng pinto at nakarinig kami ng isang boses,
"Ano ba bitawan mo nga ako! Wala akong balak bisitahin ang babaeng 'yan!"
Pumasok bigla si Carlo habang kinakaladkad niya papasok si Red, puro
galos ang kanilang katawan pero Masaya pa ring nakangiti sa amin si Carlo. "Oh
gising ka na pala Jasmin! Akala ko balak mong matulog hanggang matapos ang semester
eh"
"Ba't ka nandito? Akala ko ba bawal ang taga-Wanester Division dito sa
Marsham?" Pagtatanong ko.
"I have an excuse. Sabi ko bibisitahin ko lang ang kaibigan ko na nasa
malubhang kalagayan" Wow, galos lang ang natamo ko pero para sa kanya ay malubha na
ito? "Tsaka isang linggo akong suspended dahil sa nangyari.
Inagaw ni Carlo ang binabalatang mansanas ni Bea. "Hoy akin na 'yan!
Para kay Jasmin 'yan"
"Wala ng bawian tsaka ako ang pinakanapuruhan kaya hindi kailangan ni
Jasmin ng mansanas" Napalingon-lingon siya sa paligid, "Asan si Red? Oy Red halika
nga rito! Nahihiya ka ba!?" Hinatak niya si Red.
"Ako mahihiya? Ba't naman ako mahihiya? Ayoko lang makita ang
pagmumukha ng babaeng 'yan"
"Hoy! As if naman na gusto kitang makita!" Nagsimula na naman kaming
dalawa sa nonsense naming pagtatalo habang yung dalawa ay tumatawa lamang. Seems
everything backs to normal... I guess.
"Guys tignan niyo!" Inilabas ni Carlo ang kwintas ni Red, "Umiilaw na
ang loob ng kwintas ni Red. Pula katulad ng kanyang pangalan"
"Tatawa na ba 'ko sa joke mo?" Naiinis na sabi ni Red.
"Hindi, mamaya mo na lang itawa 'yan kasi sure naman ako nahahagalpak
ka sa nakakatawa kong joke"
Hindi pala peke ang nakita kong ilaw sa kanyang kwintas, totoong
nagising niya na ang magi na nakatago sa kanyang katawan, siyempre nakakainggit
dahil siya ang unang estudyante sa batch namin na nakagawa nito. "Congrats Red,
anong specialty ng pula Carlo?"
"Alchemist, Magic swordsman and he his unique skill was he can control
the wind" Sabi ni Carlo sabay kagat sa mansanas, "And it's too bad dahil hindi niya
pa kayang kontrolin 'yon"
"What do you expect? Gusto mo pagkailaw ng kwintas ko alam ko na kaagad
gamitin iyon?"
Nakinig lang ako sa nonsense nilang pinagsasabi, "Umalis na nga kayo,
mas lalo niyo lang pinasasakit yung ulo ko"
"Sure thing! Magpahinga ka na" Sabi ni Bea. "Babalik ako mamaya"
"Okay, by the way Jasmin, gusto kang makilala ng buong White Soldiers
Family. Bukasi 10AM sa workshop, hihintayin kita. Pinagyabang na kita and excited
silang lahat na makilala ka" Napairap naman ako ng wala sa oras. I'm pretty sure
pinagyabang niya lang ang sarili niya about sa ginawa niyang pakikipaglaban.
Nakalabas ng dalawa at hindi pa nakakalabas si Red, "Ano pang ginagawa
mo rito? Alis na! Shoo! Shoo!"
Tinignan ako ni Red mula ulo hanggang paa at tumalikod, "I'm glad that
you're fine now" Naglakad na siya paalis.
Nangiti naman ako ng wala sa oras. Concern din naman pala, pakipot pa.
CARLO
Bago pa man kami pumunta sa clinic para bisitahin si Jasmin ay nagtungo
muna kami sa Principal office ni Red. "Carlo, are you insane? Ba't mo naman
kakausapin ang principal" Pagpipigil sa akin ni Red.
Kapag tumitingin ako sa kanya, his eyes was burning with passion. Hindi
na kataka-takang siya ang pinakaunang tao na nakilala ko na nakapagpagising sa magi
in just one month.
White clan family chose the best of the best students dito sa Altheria
bago nila pasalihin sa Family. May kakaiba sa mga freshman na ito, kay Bea, Jasmin,
Jacob at Red.
Binuksan ko ang pinto ng principal's office at nakita namin si
Mrs.Evelyn na nakatayo at nakasilip sa bintana ng kanyang silid na parang laging
may pinagmamasdan na tao.
"Mrs. Evelyn excuse me po" Pagpasok namin at umupo ako agad sa couch na
parang feel at home.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta sa Principal's office, in fact
pabalik-balik nga ako rito dahil sa dami kong nilalabag na rules. "Ang kapal
talaga ng mukha" Bulong ni Red at napailing-iling sa akin.
"Anong kailangan mo Carlo?"
"Gusto kong malaman kung ano ba talaga si Jasmin?" Napatingin sa akin
si Red. Jasmin wasn't ordinary, hindi siya hahanapin ng Raven Clan kung hindi siya
nagpo-possess ng kakaibang kapangyarihan.
"She's just an ordinary student of Altheria"
"Nagsisinungaling ka Mrs. Evelyn. Hindi kami papatayin nung Klein na
'yon para lang sa isang ordinaryong estudyante ng Altheria, Mrs. Evelyn 'wag niyo
na kaming gawing tanga. Nakita namin kung paano nagpupumilit ang Raven clan na
kuhanin si Jasmin"
Nagbuntong hininga si Mrs. Evelyn at tinignan ako sa mata, "Miyembro
siya ng White Soldiers Mrs. Evelyn, hindi namin magagawang protektahan si Jasmin
kung hindi namin alam kung ano talaga siya"
Tahimik lang si Red sa aking tabi. Iyon ang isa sa mga napansin ko sa
kanya, he is more likely an a listener.
"Mangako ka muna na walang ibang makakaalam nito kung hindi kayong
dalawa lamang" Umupo si Mrs Evelyn sa tapat namin. "Kung mangagako kayo ay
sasabihin ko sa inyo ang totoo"
Nagkatinginan muna kaming dalawa ni Red at tumango. "Jasmin is the
granddaughter of Isolde Fernando"
Nanlaki ang mata ko at naalala ko ang pangalan na 'yon, "You mean, the
greatest alchemy in our history?"
"Hindi pa ako sigurado sa dahilan ng Raven Clan kung bakit nila
hinahabol si Jasmin. Pero baka dahil namana ni Jasmin ang kapangyarihan ng kanyang
lolo, there's an overflowing magi inside her body. Hangga't hindi pa nagigising ang
magi ni Jasmin ay hindi pa natin malalaman ang kanyang kakayahan"
"Kung mapupunta si Jasmin sa kanila, it means that they will use
Jasmin?" Pagtatanong ni Red.
"More likely. Paniguradong nalaman na nila na nandito sa Altheria
Academy si Jasmin, gagawa ng paraan ang mga Raven Clan upang makapasok dito" Sabi
ni Mrs. Evelyn.
"Ngayong alam niyo na ang katotohanan kung bakit siya hinahabol ng
Raven Clan. Gusto kong kayong dalawa ang magbantay kay Jasmin"
"No freakin' way-"
"Makakaasa ka Mrs. Evelyn" Pagsasalita ko, "Si Jasmin ang bagong
miyembro ng White Soldiers family. Hindi ko hahayaan na mapahamak ang miyembro ng
pamilya ko" Tumingin ako kay Red. "Ikaw Red, hindi ka ba nagi-guilty? Ikaw ang
nagsama sa kanya ro'n sa Polto's Forest no'ng nangyari ang insidente-"
"Mangongonsensya ka na naman. A'right payag na ko"
Bigla akong nakaramdam ng excitement. At the same time kaya ako pumayag
sa kundisyon ni Mrs. Evelyn, gusto kong gantihan ang Klein na 'yon. Magpapalakas
ako. Hihigitan ko ang kanyang kakayanan, ako ang tatalo sa kanya kapag muli kaming
nagkita.
"Yap may mga games and contest na magaganap, kung interesado kayong
sumali kahit saan ay lumapit lang kayo sa akin a'right?" Sabay-sabay na sumigaw ang
mga kaklase ko ng 'oo'.
"Okay that's it! Tsaka kung gusto niyong may gawing pakulo ang seksyon
natin ay agad niyong ipaalam sa akin para masabi ko sa committee at ma-approve
nila"
Naglakad na paalis ang mga kaklase namin, bago umalis ay inirapan muna
ako ni Charmaine at ngumisi naman sa akin si Charly. Bwisit na kambal, tinignan ko
si Charmaine... tagaktak ang pawis ng feeling maldita, tumakbo ba naman mag-isa sa
quadrangle.
Nag-aayos na kami ng gamit, "Bea, ano yung Unity festival?"
"ha? Eh 'diba na-explain ko na last tim-Ay oo nga pala wala ka pala
nung nag-explain ako" Naglakad na kami palabas sa Activity center. "Ang unity
festival is a three days event na ginagawa ng paaralan. Meaning lahat ng estudyante
from Marsham, Wanester, and Exemena ay malayang makakagalaw sa lahat ng division
for three days. It's a way of Altheria Academy para panatilihin ang bonds ng
seniors, juniors at freshmen"
Napatango-tango naman ako sa kanyang paliwanag. "Tsaka ang alam ko
nagpapapasok sila ng mamamayan sa labas ng academy, pero hindi ko lang alam kung
gagawin pa nila ulit ngayon 'yon dahil naghihigpit daw sila sa security"
Habang naglalakad kami at nagpapaliwanag si Bea ay aksidente naming
nakasalubong si Red. "Oh ikaw pala!" Pagbati ko sa kanya, bumaba ang tingin ko sa
kanyang kamay na puro sugat at hinawakan ko ito, "Oh napa'no 'tong kamay mo?"
Hinila niya ang kamay niya dahilan para mabitawan ko. "Pake mo?"
Tinunggo niya pa ang balikat ko nung naglakad siya palayo. Dapat ngayon ay sanay na
ako sa masungit na personality nung Red na 'yon pero ngayon...
Napahawak ako sa aking dibdib dahil parang may naramdaman akong kirot.
Maybe na-offend lang ako sa mga sinabi niya at hindi lang ma-take ng ego ko. Yeah!
That's it!
"Siguro nagsusugat ang kanyang kamay dahil sa kaka-practice" Konklusyon
ni Bea at napalingon siya sa akin. "Oh ba't nakahawak ka d'yan sa dibdib mo? May
masakit ba ulit sa'yo? Naku! Sinabi ko naman sa'yo na huwag ka munang pumasok eh"
"No I'm fine medyo nagutom lang ako. Ano nga ulit yung sinasabi mo
tungkol kay Red?"
"Ewan ko sa lalaking iyon, minamadali niyang matutunan na kontrolin ang
magi niya at makalikha ng mahika. Hindi ko alam sa lalaking 'yan kung may
pinapatunayan sa buhay o may bagay na nag-uudyok sa kanya na gawin lahat 'yan"
Pagsasalita niya at napatango-tango na lamang ako. Pipilitin ko na lang siyang
unawain... Kaibigan na rin kasi ang turing ko sa kanya.
"Nagugutom ako Bea, tara kain tayo"
"Gusto ko 'yan Jasmin!"
Unity festival huh? Umaasa ako namagiging Masaya ang next week para sa
amin.
Nitong mga nakaraang araw ay mas naging busy kami, napagdesisyunan kasi ng seksyon
namin na magkaroon kami ng isang simpleng food stand para naman mas ma-feel namin
ang gaganaping Unity Festival. Gagamitin namin ang kikitaing pera as a class fund
namin.
"Ha? Wala naman akong alam gawin do'n 'wag na lang ako. Tsaka mahina
ako sa mga physical activities, remember?" Nag-aalala kong sabi, medyo mahiyain
kasi ako sa harap ng maraming tao kaya naman kinakabahan ako sa paglista ni Bea sa
aking pangalan.
"Hoy ano ba kayong dalawa? Mag-uusap na lang kayo d'yan? Ang dami pang
gagawin oh" Biglang umepal si Charmaine at umirap sa aming dalawa, "Class president
pa man din, siya pa ang numero unong nakatanga"
"Oh sige, mamaya na tayo mag-usap tutulong muna ako" Sabi ni Bea at
pumunta sa mga kaklase ko na gumagawa ng mga banners at bandiritas. Naiwan na ako
ngayong mag-isa na nakaupo sa bench, kakatapos lang kasi ng shift ko sa paggawa. By
shifting kasi ang ginagawa namin para less hassle at para masigurado ni Bea na
lahat sa seksyon namin ay tumutulong.
"Uy Jasmin tara na, sino ba ang tinitignan mo d'yan?" Bigla ring
lumingon si Harly. "Bihira na lang pumapasok si Red sa klase natin 'no? Kahit kasi
ang mga teachers eh gustong i-prioritize ni Red ang pagkontrol sa kanyang magi"
"Wala. Wala. Cute mo haha!" Medyo weird din 'tong si Harly, hindi ko
maintindihan kung ano ang nais niyang ipahiwatig. "Tara na, baka hinahanap na ni
Ma'am Melanie yung potion"
Hindi ko maipagkakaila na si Red ang top student here at Altheria. Madalas siyang
pag-usapan ng mga teachers at imposibleng hindi siya kilala ng mga estudyante rito.
Minsan lang din siyang pumapasok but he almost perfect the quiz and exams.
Nagpatuloy lang ko sa paglalakad, "Jasmin lagpas ka na! Dito ang faculty ni Ma'am
Melanie"
Kakatok na dapat ako pero hindi ko muna itinuloy dahil may naririnig akong usapan
sa faculty.
"Huy Jasmin! Buksan mo na yung pinto, nabibigatan na 'ko sa dala ko" Wika ni Harly.
Pinihit ko ang door knob ng pinto ng faculty. Para namang nagulat ang mga guro
no'ng makita nila ako at napatigil sa pag-uusap. Ako ba ang pinag-uusapan nila?
Parang hindi naman, hindi naman ako peymus. 12 Likes nga lang profile picture ko sa
facebook eh.
"Sir kumatok po ako, busy lang po kayo sa pag-uusap niyo kaya hindi niyo napansin"
Sabi ko. "Ibibigay lang po namin 'tong mga potion kay ma'am Melanie" Itinaas ni
Harly ang kanyang mga bitbit para mapansin ni Sir.
"Sige ipatong niyo na lang sa desk ko then you may go" Sabi ni Ma'am Melanie at
ginawa naman namin ito.
Papalabas na kami ng may bigla akong nais sabihin, "Ma'am masaya po kapag maaaring
pumunta ang karamihan sa Unity festival, dagdagan na lang po natin ang mga guards
na nagbabantay" Suhestiyon ko at tuluyan na akong lumabas.
Tanging ngiti lang ang itinugon ko kay Harly at nagpatuloy na kami sa paglalakad
pabalik sa ginagawa naming booth. Biglang bumuhos ang maliliit na butil ng ulan at
nagsimulang mag-panic ang mga estudyante dahil nagmamadali silang sumilong.
"Jasmin tara na!" Biglang kinuha ni Harly ang kamay ni Jasmin at tumakbo sila
papunta sa kanilang booth.
***
3rd Person
"Pero hindi rin natin pwedeng baliwalain ang samahan ng ating paaralan
at ang bayan ng Alhemia, kung hindi natin sila papayagan na makapasok n gating
paaralan ay baka kung ano na lamang ang kanilang isipin" Pagtututol ni Sir Ernie.
"Pero-"
"No more but's." Kinalampag ni Mrs. Evelyn ang kanyang desk, "Sang-ayon
ako sa sinabi ni Ernie. We will allowed outsiders inside our Academy. At isa pa,
may mga inatasan akong magbantay kay Jasmin"
Dumating ang araw ng festival at napuno ng kulay ang buong Altheria Academy, ang
bawat daan ay may makikita kang banderitas na kumukuti-kutitap. Habang naglalakad
ako ay kung anu-anong klaseng nilalang ang aking nadadaanan, mayroong mga maliliit
na tao na may pakpak na mas kilala natin bilang sa tawag na Fairies.
Nagkalat ang mga booth dito sa loob ng school. "Oh ba't hindi ka
tumutulong do'n sa booth?" Pagtatanong sa akin ni Harly. Nasa tabi ko na pala siya,
hindi ko siya napansin dahil aliw na aliw ang aking mata na tignan ang mga
magagandang bagay na nakikita ko ngayon sa paligid.
Tutal ay wala naman akong gagawin ay sumama na lamang ako kay Carlo,
gano'n pa rin si Carlo, sobrang bubbly ng personality at puring-puri pa rin ang
kanyang sarili.
Habang naglalakad kami ay ang dami kong nakikitang mga bagay, tulad na
lamang na mga sirena na lumalangoy sa may lawa sa loob ng Marsham Division, mga
maliliit na fairies, mga goblins na gumagawa ng mga prank sa ibang estudyante, at
mga duwende na naglalaro sa may gardenn gaming school.
"Usually sa unang araw ay opening ceremony, may mga booths, and kung
ano-anong magic shows. Tapos sa second day ay may mga athletic games. Sa third day
ay may live band, fireworks display, at closing ceremony" Sabi ni Carlo. Ang dami
niya pang bagay na ikinuwento sa amin, napasarap din ang kwentuhan namin kaya hindi
ko napansin na nasa harapan na pala kami ng workshop.
"Oh Red ikaw pala!" Pagbati ng isang lalaki at nakipag-apir pa siya kay
Red. Agaw pansin ang kulay abo nitong buhok pati na rin ang asul na kanyang mata.
"Ano nagagawa mo ng kontrolin ang kapangyarihan mo?"
"Hindi pa rin kuya Hades. Pero hindi naman ako tumitigil sa pag-e-
ensayo"
Wala man akong ideya sa mundong pinasok ko o bakit ako nandito. Marami
pa ring tanong sa utak ko na patuloy gumugulo sa akin pero sa ngayon... masasabi
kong Masaya ako na dito ako sa Altheria nag-aral dahil sa kakaibang karanasan na
ibinibigay ng paaralan na ito at sa mga bagong kaibigan na aking nakikilala.
"Ano Jasmin, ready ka na ba?" Pagtatanong sa akin ni Bea dahil isa siya sa mga
organizer sa event na 'to kaya magkasama kaming dalawa ngayon.
"Pwede bang mag-back out?" Alanganin kong tanong at sumimalmal naman agad ang mukha
niya.
"Hindi pwede" Sabi ni Bea habang nakatingin sa list ng pangalan na kanyang hawak.
"Don't worry, kasali rin naman si Harly, Charly, Charmaine at si Red. Kayo ang
representative ng klase natin"
"Si Red? Pa'no mo napasali ang lalaki na 'yon sa ganitong klaseng palaro eh bihira
nga lang kayo magkita" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Inilista ko ang pangalan niya ng hindi niya alam, kanina niya lang din nalaman
kaya wala na siyang choice" Natatawang sabi sa akin ni Bea. She always love doing
that, mahilig siyang mambigla at magaling din siyang mam-blockmail sa ibang tao.
Naiwan na naman akong mag-isa. Matapos kasi naming mag-ikot kanina ni Rhian at
Marie ay agad akong bumalik sa Marsham division para tumulong sana sa aming booth.
Kaso umepal na naman yung dalawang kambal at pinaalis nila ako. Hindi ko alam kung
ano bang problema ng kambal na 'yon at ang laki ng galit sa akin.
"Oh nakita na naman kitang mag-isa" Napabalikwas ako at medyo napaatras ng biglang
may magsalita sa tabi ko.
Napalingon ako sa kanya at mabilis na tinignan ang kanyang mukha, "Ikaw lang pala
Harly. Ang hilid mo talaga sumulpot-sulpot. Kabute ka ba sa dati mong buhay?"
Pagtatanong ko sa kanya at isang malutong na tawa lamang ang natanggap ko sa kanya.
"Kinakabahan nga ako dahil baka mapahiya lang ako ro'n eh. Alam niyo naman na hindi
ako magaling sa kahit anong physical activities" Napayuko ako. "Baka ako lang ang
maging dahilan ng pagkatalo ng team natin eh"
"Ano ka ba!" Isang malakas na tawa ang sunod kong narinig. "Wala namang kaso sa
section natin kung manalo o matalo tayo. Ang gusto lang naman ni Bea in the first
place ay mag-enjoy ang section natin sa Unity Festival na ito. Kung matalo man
tayo, there's always be next year"
Napangiti naman ako sa binanggit ni Harly at kahit papaano ay napagaan niya ang
loob ko. "Tsaka nandoon ako. Kung mapahiya ka man, sasamahan kitang mapahiya... W-
were friends afterall" Umiwas ng tingin sa akin si Harly.
"Salamat ah, sige magpapalit lang ako ng damit" Itinuro ko ang girl's C.R. at
tumango naman siya as a sign that he's giving me permission to leave.
Pumasok ako sa C.R. upang magpalit ng damit ko and accidentally na nandito pala ang
nagmamaldita na kaklase ko. "Hoy Jasmin umayos ka, huwag kang magiging dahilan ng
pagkatalo natin kasi gusto ko mag-leave ng magandang impression kay Red" Pagbabanta
sa akin ni Charmaine, sobrang vocal talaga ng babae na 'to na crush niya si Red.
Wala naman akong tutol do'n, ade magsama sila.
"Bolero" Maikli kong sagot at muli na naman siyang tumawa. Napakasaya naman nitong
Harly na 'to at panay ang tawa.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang papunta kami sa bleacher ng aming team. No'ng
makarating kami sa aming puwesto ay kitang-kita ko ang maraming bilang ng
estudyante na nanunuod sa palarong ito.
"You still look dumb" Biglang may nagsalita sa tabi ko at iritado akong napatingin
sa kanya. Hindi ko inaakala na makakatabi ko muli siya sa upuan, ang tagal niya
kasing nag-absent sa ibang klase namin-si Red.
"Ewan ko sa'yo, wala akong panahon na makipagsumbatan sa'yo ngayon dahil kailangan
kong ma-overcome ko ang fear ko sa maraming tao-"
"Kailangan mo rin mag-isip kung paano mo malalayo ang sarili mo sa kahihiyan. May
balat ka pa naman sa pwet" Casual na sabi ni Red at humigop siya ng tubig.
Dahil sa inis ko sa kanya ay tinapik ko ang tubig na kanyang iniinom kaya medyo
nabulunan siya at may ilang patak ng tubig na tumapon sa kanyang damit. "What was
that for!?" Sigaw niya sa akin at sunod-sunod na ubo ang binitawan niya.
"For helping me to gain my confidence" Umirap ako sa kanya ngunit masamang tingin
lamang ang ipinukol niya sa akin.
"Ano ready ka na ba?" Pagtatanong sa akin ni Harly na nasa kabilang side ko lang,
pilit akong ngumiti dahil ayoko namang mag-alala siya sa lampang tulad ko.
Nagsimula na ang Athletic games at normal na laro lang naman ito. Ang unang laro ay
takbuhan kung saan ipapasa mo ang baton sa ka-team hanggang makarating sa dulo.
"Si Red na lang ang unahin natin para manguna agad ang grupo natin" Kinikilig na
sabi ni Charmaine habang nakatitig kay Red. Tsk. Laswa.
"I think it's wrong idea na unahin natin yung magagaling natin. Saves the best for
last. Ba't hindi na lang ikaw Jasmin ang mauna tutal epal ka lang naman sa grupong
'to" Pagsabat naman ng kakambal niya. Ang lakas talaga ng kaepalan sa katawan ng
magkapatid na 'to.
"Oh sige mauuna na ako" Pero sa isip-isip ko ay pinagdadasal ko na sana h'wag akong
madapa.
Dumagundong ang hiyawan ng maraming tao ng marinig nila ang malakas na pito ng
announcer bilang hudyat na simula na ng laro. Mabilis kong iginalaw ang aking paa
upan makatakbo, pero kung ikukumpara niyo ako sa mga kasabayan kong tumakbo... 'di
hamak na mas mabagal ako.
"Jasmin bilisan mo!" Sigaw sa akin ni Harly at iwinagayway pa ang kanyang kamay,
malaking ngiti ang nakapinta sa kanyang labi na halatang nag-e-enjoy siya sa larong
ito.
Malapit na sana ako para maiabot ang baton kay Harly ng biglang magkrus ang aking
binti at unti-unting mawalan ng balanse.
Parang nag-slow motion ang lahat at mabilis na ibinuka ni Harly ang kanyang kamay
upang saluhin ako. Ang alam ko ay babagsak ako kay Harly pero parang may kung anong
pressure ng hangin ang pumalibot sa akin at tinulungan akong makatayo at makabalik
sa aking balanse.
Iniabot ko kay Harly ang baton, "Mag-iingat ka next time ah!" Sabi niya at tumakbo
na siya.
I felt something weird dahil ang alam ko talaga ay babagsak ako sa damuhan or
masusubsob o kaya naman ay mahuhulog ako sa mga kamay ni Harly, pero may kung anong
pwersa ng hangin ang tumulong sa akin upang muling makabalik sa pagkakatayo.
Iisa lang naman ang tao rito na kilala ko na kumokontrol ng hangin... Pero
imposible! Eh wala ngang kabait-bait sa katawan yung lalaki na 'yon. Siguro ay
sinuwerte lang ako ngayong araw. Oo! Yun nga! Swerte lang ako.
Sobrang nag-enjoy naman ako sa athletic games na ito and thanks god dahil wala
akong naging galos sa aking tuhod. Achievement.
Nakakalungkot nga lang dahil hindi kami nanalo, "Kasalanan mo talaga 'to Jasmin!
Kukupad-kupad ka" Naiiritang sabi sa akin ni Charmaine at hindi ko na lamang siya
pinansin. Tama nga ang sinabi ni Bea, nakaka-enjoy rin pala ang ganitong mga
klaseng event.
"Sorry kung naging pabigat ako sa inyo" Sabi ko kay Red. Hindi ko alam sa sarili ko
pero feeling ko ay dapat akong mag-sorry sa kanila.
Matagal na tumitig sa akin si Red bago unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang
labi."Don't apologize. You've done a great job"
Sa unang pagkakataon, doon ako unang nakaranas ng pagkislot sa aking dibdib. Teka!
May sakit na ba ako?
Ang tulin ng mga pangyayari at last day na agad ng Unity Festival. Sobrang nakaka-
enjoy ang festival na 'to lalo na't ang dami kong nakakasalamuhang ibang tao.
"Sa wakas ay libre na rin akong makakapag-ikot sa Altheria Academy"
Nakangiting sabi sa akin ni Bea. Naging busy si Bea nitong mga nakaraang araw at
hindi kami masyadong nagkakasama. Isa kasi siya sa mga organizer ng mga naunang
events at kailangan siya para mag-assist sa ibang tao. "Tara mag-ikot tayo Jasmin"
"Nag-enjoy naman ako kaso natalo tayo dahil sa akin" Medyo naging
malungkot ang tono ng aking boses. Mas Masaya sana kung nanalo kami.
"Okay lang 'yon, ano ka ba!" Hinampas ni Bea ang aking balikat, "Ganoon
naman talaga sa laro eh, may nanalo at may natatalo. Tsaka hindi naman manalo ang
goal ng section natin eh, ang gusto ko lang ay mag-enjoy ang buong klase natin"
Pagpapaliwanag niya.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit na-elect bilang class president si
Bea dahil magaling at maganda ang leadership niya. She has a great mind set at
hindi siya nansisisi ng ibang tao kapag nagkakamali... Mahaba rin ang kanyang
pasensya.
Biglang may duwende ang biglang lumabas sa kung saan. "May nahuli sa
patibong! May nahuli sa patibong!" Paulit-ulit nitong bigkas. Imbes na mainis ako
ay natuwa pa nga ako dahil sa ka-cute-an nung duwende. Hanggang tuhod ko lang kasi
ang laki niya at nakasuot ito ng makulay na damit, agaw pansin din ang mahaba
nitong tenga at maputing kulay ng balat.
May lumapit sa amin na ibang first year. "Jail booth!" Sabi nila at
hinatak na nila ako.
***
"Wala akong dalang pera eh, naiwan ko ang wallet ko" Kinapkap pa ni Bea
ang kanyang bulsa.
"Ako" Nakangiting sabi nung lalaki-Si Harly lang pala. "Nakita ko kasi
kayong ipinasok dito so naisip ko na baka kailangan niyo ng tulong"
"Ah neto lang, naging busy ka kasi sa pag-o-organize sa event kaya lagi
akong naiiwan mag-isa. Lagi akong sinasamahan ni Harly that time kaya medyo naging
close na kaming dalawa" Pagpapaliwanag ko kay Bea at napatango-tango na lamang
siya.
Ngumiti naman kami. "By the way Marie, eto nga pala si Harly. Kaklase
namin" Kumaway naman sa kanya si Marie at isang ngiti ang itinugon ni Harly.
"Oh sige enjoy your stay here at Exemena Division. By the way, 'wag
niyong kalimutan manuod ng closing ceremony at fireworks display mamayang gabi.
That's the highlight of this festival" Kumindat pa sa amin si Marie bago tuluyang
umalis.
Puro ensayo lang talaga ang ginagawa ng lalaki na 'to at hindi man lang
hinahayaan ang sarili niya na magsaya sa ganitong mga klaseng kaganapan. "Red!"
Pagtawag ko sa kanya dahilan upang mapatigil siya sa kanyang ginagawa at mapalingon
sa akin.
"Wait lang ah. Aayain ko lang si Red" Sabi k okay Harly at Bea, pumayag
naman silang dalawa.
Hinatak ko ang kanyang braso. "Ano ka ba! 'Wag ka ngang K.J minsan lang
'to sa isang taon Red. Tsaka kaya nga ginawa ang ganitong klaseng festival para
mailayo sa stress ang bawat estudyante" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ayoko ng-"
Naglakad kaming apat nina Bea, Harly, at Red tungo sa may Stadium.
Nagtaka naman ako kung bakit huminto kami sa tapat ng lumang bodega. "Oh ba't tayo
huminto rito? Akala ko ba pupunta tayo sa stadium?" Pagtatanong ko sa kanila.
Nagsimula ang fireworks display at tama nga si Marie, eto ang highlight
ng Festival na ito.
Kapag sumasabog kasi ang mga fireworks ay nagkokorte ito ng kung ano-
anong makukulay na hayop tsaka gagalaw sa kalangitan. It's so magical. Saglit lang
itinatagal nito ngunit para silang nagsasayawan na fireworks habang pinagmamasdan
ko ito.
Pwede mo bang tignan 'to" Ipinakita niya ang kanyang daliri at napokus
ang atensyon ko roon. Ini-snap niya lang ang mga daliri niya at para namang instant
na nawalan ng lakas ang buong katawan ko upang makatayo.
Iminulat ko ang aking mata habang tumitingin sa paligid. Nanlaki ang mata ko no'ng
manpansin kong nakakulong ako sa isang kahon. Mukhang nakasakay ako sa isang
karwahe dahil sa naririnig kong tunog mula sa kabayo.
Pilit kong inalala ang mga nangyari. Sino ba ang gumawa ng pagdukot na
ito!? Si Klein na naman ba? Ano bang kailangan sa akin ng Raven Clan!?
Parang wala lang silang narinig at patuloy lamang pinaandar ang karwahe
habang palayo kami ng palayo sa Altheria Academy. Bigla na lang napatulo ang luha
galing sa aking kaliwang mata. Sino ang tutulong sa akin sa pagkakataong ito.
"Bilisan mo sabi eh!" Malakas nitong hinatak ang aking kamay dahilan
upang mapasubsob ako sa sahig at magasgasan ang aking tuhod. Napaluha ako dahil sa
ginawa nung lalaki. Takot ang nangingibabaw sa akin ngayon.
Ako lang mag-isa ngayon. "Pumasok ka!" Malakas na sigaw nung lalaki
habang itinuturo ang pinto ng isang lumang bahay.
"Larry! Ano ba! Huwag mo ngang sigawa ang bata" May isang matandang
babae ang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Base hitsura nito ay nasa
mid-60's na ito dahil na rin sa konting puti na hibla sa kanyang buhok at medyo
kulubot na mukha. Tinulungan niya akong maglakad papasok sa lumang bahay.
"Pasensya ka na kung ginawa namin ang bagay na ito, nautusan lang kami.
Wala naman kaming planong saktan ka" Wika sa akin nung matandang babae. "Ako nga
pala si Lena" Wika nito sa akin.
Hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang pakay niya sa akin pero
nakaramdam ako ng sinseridad sa bawat salita niyang binitawan, may parte sa akin na
gusto ko siyang pagkatiwalaan pero mas nakakaangat yung pakiramdam na kailangan
kong mag-ingat sa kanila.
May mga gustong dumukot sa akin? Biglang pumasok sa isip ko ang Raven
clan, paulit-ulit sa amin sinabi ni Klein na gusto akong kuhanin ng Raven Clan. "A-
ang Raven Clan po ba ang tinutukoy niyo?"
Alam kong iniiwasan niyang pag-usapan ang bagay na 'yon, kahit kapag
nagtatanong ako sa mga guro sa Altheria kung ano ba talaga ang pakay sa akin ng
Raven Clan ay ipinapasawalang bahala nila ito at ililipat sa ibang topic.
Dahil kilala nila ang aking ama, nakakasigurado ako na nasa ligtas
akong lugar. Hindi naman ako ipagkakatiwala ng papa ko sa dalawang ito kung hindi
niya ito labis na pinagkakatiwalaan. Pero gusto ko ng masagot lahat ng mga
katanungan, gusto ko ng malaman kung ano ba ang kailangan ng Raven Clan sa akin.
***
Red
"Baka mapahamak ka lang, hayaan na natin ang school ang kumilos para sa
problemang ito" Suhestiyon ni Harly pero sarado na ang tenga ko at buo na ang loob
ko sa bagay na gusto kong gawin.
Tumingin ako kay Bea upang hingin ang permiso niya sa gagawin kong
pagkilos. "Red pinagkakatiwalaan kita kasi ilang beses mo ng iniligtas si Jasmin.
Sana ay maiuwi mo siya rito sa Altheria kung kinuha man siya ng masasamang loob.
Kami na ang bahala ni Harly para lituhin ang mga guwardiya"
Ginawa nga namin ang planong napagkasunduan namin, nasa harap na kami
ng Gate at nakatingin sa dalawang guwardiya na nagbabantay rito. "Red mag-iingat
ka" Wika ni Bea.
Naglakad silang dalawa patungo roon sa dalawang guard. "Mga kuya! May
nangyari pong stampede doon sa may Stadium. Halika po! Baka mas lumaki ang gulo
roon" Pag-arte ni Harly at tumakbo ang mga guard kasama sila.
Isang karwaheng umaandar ang pumukaw ng atensyon ko, nasa gitna ito ng
gubat. Binabaan ko ang lipad ko ng bahagya at may narinig akong mga sigaw na
nanggagaling mula sa loob nito.
"Damn! Ba't ngayon pa!" Unti-unting akong bumaba sa lupa at hinabol ang
aking hininga dahil sa pagod.
Pinaupo ako ni Nanay Lena sa isang rocking chair at ginamot ang sugat ko. She's a
priest kaya madali lang para sa kanya na gamutin ang sugat ko. Priest was other
term for healer and supporter.
Hindi pa natatapos ang mga sinasabi ni Nanay Lena ng biglang may limang
bata ang lumabas sa kwarto galing sa ikalawang palapag.
"Nanay, nakauwi ka na po pala" Isa-isang yumakap ang mga bata kay Nanay
Lena. Hindi naman nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Nanay Lena no'ng makita
ang Masaya at mga galak na mukha ng mga bata.
Nakita naman ako nung isang bata na naka pigtail ang buhok, ang
napansin ko sa mga batang ito ay sira-sira na ang kanilang mga suot na damit.
"Nanay sino po siya?" Pagtuturo sa akin ng isang bata.
"Okay lang po 'yan ate. Hindi naman talaga madali gisingin ang magi"
Wika niya sa akin.
"Mga ulila na ang batang iyan" Pagsasabi sa akin ni Nanay Lena habang
nasa kusina kami at naghahanda ng makakain. Hindi naman maiwasan na may biglang
kumirot sa aking dibdib dahil sa kabila pala ng masasayang ngiti ng mga batang iyon
ay may mapait silang karanasan na nais na kalimutan. "Yung iba nakita namin na
palaboy-laboy sa bayan ng Alkhemia at kinupkop naming mag-asawa"
"Let me go! Kaya kong maglakad mag-isa" That voice... pamilyar sa akin
ang boses na iyon, paano naman siya napunta rito?
"Red?" Nagtataka kong tanong habang dampot-dampot siya nung lalaki
kanina, si Tatay Larry.
Nanlaki ang mata ni Red at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You're
safe? Okay ka lang?" Gulat niyang pagtatanong at puno ng pag-aalala ang kanyang
mata.
"Sinama lang nila ako rito. Tsaka gago ka ba, anong malay kong
dudukutin nila ako" napakagat siya sa ibabang labi niya na parang pinipigilan ang
kanyang inis. "Eh ikaw ba't ka nandito?"
"Raven clan?" Pagtatanong niya. Alam kong keyword lang ang sinabi niya
pero alam ko na agad ang nais niyang ipahiwatig kaya naman napatango-tango na
lamang ako.
"You're good at breaking the rules, umalis ka na. Baka sagabal pa ako
sa precious time mo" Inis kong sabi sa kanya.
Sa huli ay hindi ko natalo si Red at nag-stay nga siya rito. Lagi naman
siya magaling sa lahat ng bagay... specially kapag aasarin ako. Wala namang bagay
na pinagkakasunduan naming dalawa eh.
Nakikipaglaro si Red sa mga bata, aliw na aliw sila dahil nga may
kapangyarihan si Red. Habang pinagmamasdan ko siyang makipaglaro ay biglang sumagi
sa isip ko, sweet rin pala siya sa mga bata.
"Pero hija kung kaaway mo siya, hindi siya pupunta rito para lang
iligtas ka"
"Naku 'nay may lahing Boy Abunda ka pala haha! Narinig niyo naman ang
sinabi niya kanina, utos ng school na hanapin ako" Sabi ko at tinikman ang
nilulutong ulam ni Nanay Lena, "Ang sarap po nito 'nay"
"Suuus! Mga bata talaga ngayon. Oh siya tara na at kumain tayo" Sabi ni
Nanay Lena. Tumulong ang mga bata sa paghahain sa lamesa at sabay-sabay kaming
kumain lahat. Ang sarap pala talaga kapag may bata sa isang bahay, parang ito ang
nagsisilbi na stress reliever sa bawat miyembro ng pamilya o kahit sa mga taong
nakakakita lamang.
"Nagsusulat! Bobo ka talaga" Sagot niya sa akin at hindi man lang ako
binabalingan ng tingin, pilosopo talaga kahit kailan 'tong lalaki na 'to. Bwisit.
"Sa school. Ipagbibigay alam ko na nandito tayo para bukas na bukas din
ay masundo na nila tayo" Nalungkot naman ako bigla, sa saglit na panahon na nandito
ako ay napalapit na ako sa mga bata lalo na kay nanay Lena.
Lumaki kasi ako na tanging ang papa ko lang ang nagpapalaki sa akin at
hindi ko alam kung nasaan ang mama ko. Lumaki ako ng walang kalinga ng isang ina
kaya naman... mami-miss ko talaga 'to kahit isang gabi lang kami nagkasama.
"Pwede naman tayong bumalik rito kapag umilaw na 'yang kwintas mo"
Simpleng sagot niya na nakapag-enlighten sa nararamdaman ko. Sa bagay, tama naman
siya.
"Sana nga... sana ay umilaw na agad 'tong kwintas ko" Nakangiti kong
sabi. "Ang ganda ng mga bituin sa kalangitan 'no?"
"Oo ang ganda" Nabaling ang tingin ko kay Red pero hindi naman siya sa
kalangitan nakatingin kun'di sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa at nakaramdam na
naman ako ng kung anong pagkislot sa aking dibdib. Naku! Sisiguraduhin ko na
pagbalik namin sa Altheria Academy ay ipapa-check ko sa nurse 'tong puso ko.
Nagiging abnormal ang tibok paminsan-minsan eh.
aaGaG a1aQCEcQ'Cq$C;ACq|
Iminulat ko ang aking mata dahil parang may tao na nag-aalog sa akin. Ano ba 'to!
Ang aga-aga akong ginigising ni Bea. "Ate Jasmin, gising na po kayo. Handa na raw
po ang almusal sabi ni Nanay Lena" Isang tinig ng batang lalaki ang narinig.
Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang aking mata. Oo nga pala, nasa
bahay pa nga pala ako ni Nanay Lena. "Eto ate Justin" Iniabot sa akin ni Galope ang
isang damit, plain red na long sleeve lamang ito. "Magpalit ka raw po muna ng damit
sabi ni Nanay, kahapon niyo pa po suot 'yang uniporme niyo" Sabi niya sa akin at
tumakbo na siya palabas.
"Salamat dito, mag-ingat ka sa pagbaba ng hagdan" paalala ko sa kanya.
"Opoooo!" Sigaw niya sa akin sa mahabang tono. Ang cute talaga ng mga
bata.
Kahit umaga na ay madilim pa rin sa labas, siguro marahil ay nasa
liblib talaga kami na lugar. Mamaya lamang ay paniguradong susunduin na kami ng
Committee sa Altheria. Agad naman akong naligo at inayos ang aking sarili upang
maging presentable sa harap ng ibang tao.
Pinagmasdan ko sa salamin pulang long sleeve na ipinahiram sa akin ni
Nanay Lena. "Bagay naman pala sa akin ito, medyo may kahabaan nga lang" Pagmo-
monologue ko sa harap ng salamin. Sinuklay ko ang aking buhok sa huling beses bago
lumabas ng silid.
Lumabas ako ng silid at hindi ko inaasahan na kasabay kong magbubukas
ng pinto ang kabilang kwarto. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Red at parehas
namilog ang aming mata ng makita na parehas ng disenyo ang suot naming damit.
"Plano mo 'to 'no!?" Pagtatanong sa akin ni Red at naglakad papalapit
sa akin at masamang tingin ang ipinukol niya sa akin.
"Excuse me!?" Umarte pa ako na naduduwal, umagang-umaga pero nasira na
agad ang umaga ko. "Bakit ko naman gagayahin 'yang suot mo? Iniabot lang namans sa
akin 'to ni Galope kanina" Pagdadahilan ko.
"Eh iniabot naman sa akin ni Wei 'tong damit na 'to" Napakagat siya sa
ibabang labi niya sa inis, "Napagkaisahan tayo nung mga batang 'yon" Tumakbo siya
pababa ng hagdan at wala na akong magawa kun'di sundan siya.
"Hoy Wei! Galope! Bumalik kayo rito!" Malakas na sigaw ni Red habang
nag-iikutan sila sa loob ng sala at malakas na halakhak ng mga bata ang aking
naririnig.
"Uuuuy! Parang mag-asawa lang sina kuya Red at ate Jasmin" Panunukso sa
akin ng pinakabata na si Shin.
"Uuuuy! Makakabugbog ako ng batang mahilig mang-asar kapag nagpatuloy
ka pa" Panggagaya ko sa boses niya at nakipaghabulan,
Nabalot ng malakas na halakhakan ang lumang bahay na ito ngayong umaga.
"Naku kayong mga bata talaga kayo, bagay na bagay talaga kayo" Sabi ni
Nanay Lena habang naghahain ng pagkain sa lamesa.
"'Nay pati ba naman ikaw?" Medyo nagtatampo kong sabi ngunit tinawanan
niya na lamang ako.
"Oh sige na. Kumain muna tayo dahil maya-maya lamang ay dadating na ang
inyong sundo"Sabi ni Nanay Lena at napatigil kaming lahat sa paghaharutan. Tumingin
ako sa mga bata at tanging ngisi lamang ang ibinigay nilang tugon na para bang
inaasar pa kaming dalawa ni Red.
Umupo kaming lahat sa tapat ng hapag kainan at pinagmasdan ang
masasarap na niluto ni Nanay Lena. "Ang dami naman po nitong niluto niyo 'nay"
Mangha at curious na pagtatanong ni Fritz.
"Kailangan na maraming laman ang tiyan ni Ate Jasmin at kuya Red niyo
dahil mahaba-haba ang biyahe na kanilang gagawin pabalik ng Altheria" Sabi naman ni
tatay Larry.
Biglang lumungkot ang mga mukha ng mga bata at parang nadismaya sa
sinabi ni Tatay Larry. "Aalis na po kayo agad?" Pagtatanong ni Galope sa akin at
hindi nawawala ang lungkot sa kaniyang mukha. Malungkot din sina Fritz, Wei, Shin,
at Ella
Nagkatinginan kaming dalawa ni Red at agad naman ako nag-isip ng
dadahilan. "Kailangan kasi naming bumalik sa Altheria Academy kasi malapit na ang
midterm exam namin. Pero promise ko sa inyo, babalik kami ni Kuya Red niyo rito sa
bakasyon" Itinaas ko pa ang kanang kamay bilang simbolo ng pagpapangako ko sa
kanila.
Unti-unti ng sumilay ang mga ngiti sa kanilang mga labi. "Oh sige po,
hihintayin po namin kayo ni Kuya Red. Aabangan po namin ang muli niyong pagbabalik
ate Jasmin" Sabi ni Fritz.
Tahimik kaming kumain at matapos no'n ay nakipaglaro kami sa mga bata.
Ewan ko ba, hindi naman mahirap mahalin 'tong mga bata na 'to lalo na't
nakakapagbigay kasiyahan ang bawat ngiti na kanilang binibigay. Ngayon ay alam ko
na ang dahilan kung bakit ako ipinagkatiwala ni Papa kanila nanay Lena at tatay
Larry, parehas silang may malaking puso.
Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako kung ano ang kailangan sa
akin ng Raven Clan. Kung tutuusin ay si Red ang pinakamalakas na Marsham student sa
Altheria kaya bakit ako pa ang hinahabol nila? Anong pakay nila?
"Ate Jasmin salo!" Sigaw ni Fritz at inihagis sa akin ang bola, mabuti
na lamang ay mabilis akong nabalik ang sense ko at agad ko itong sinalo. Hinagis ko
naman ang bola kay Wei at malakas na hagikhik ang isinukli niya sa akin.
Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng tunog ng karwahe at palakas iyon
ng palakas. "Ayan na yata ang sundo natin Jasmin" Sabi sa akin ni Red habang
nakatanaw kami sa karwahe na papalapit dito.
"Aalis na po kayo?" Pagtatanong ng batang si Shin habang nanggilid ang
kanyang mga luha.
"Huwag ka ng umiyak" Sabi ko at pinahid ang kanyang luha. "Babalik
naman kami ni Kuya Red mo. Maglalaro ulit tayo" Nakangiti kong tugon
Huminto ang karwahe sa tapat namin at lumabas ang dalawang tauhan na
pinadala ng school para kami'y sunduin.
Lumabas na ng bahay sina Tatay Larry at Nanay Lena at tumingin sa akin.
"Red, pwede mo bang gamitin ang kapangyarihan mo upang maiparating ang mensahe na
'to kay Mrs. Evelyn?" Sabi ni tatay Larry at iniabot ang isang sobre.
"Bakit po kailangan ko pang gamitin ang kapangyarihan ko? Iaabot ko na
lang po ng personal"
"Gawin mo na lamang" Sabi ni Tatay Larry at may diin sa kanyang mga
binigkas.
Bumuntong hininga si Red at tinanggap ang sulat. Nag-cast siya ng spell
at pinalipad sa hangin ang sulat, hindi ko pa rin talaga maiwasan na hindi mainggit
kay Red. Malaya na kasi siyang nagagamit ang mahika niya. Ako kaya, kailan ko
magagamit ang kapangyarihan ko? Baka namali lang sila ng pasok sa akin sa Altheria
at wala talaga akong espesyal na kakayahan.
"Mag-iingat kayo sa biyahe" Sabi ni Nanay Lena at yumakap sa aming
dalawa ni Red. "Red, padalhan mo ako ng sulat kapag nakarating na kayo sa Altheria"
"Opo" Sagot ni Red.
"Sumakay na kayo dahil mahaba pa an gating biyahe" Sagot ng guard sa
amin. Pamilyar ang kanyang mukha at parang nagkita na rin kami dati. "Kayo na
namang dalawang bata kayo ang lumabas sa Altheria Academy" Piningot nito ang tenga
naming dalawa ni Red.
Naalala ko na! Siya yung guard na nagbabantay noong lumabas kami
papuntang Polto's Forest-Si Kuya Ronnel.
Hinampas ni Tatay Larry ang kamay ni kuya Ronnel. "Huwag mong saktan
ang dalawang bata. Hindi kasama 'yan sa trabaho mo" May diin sa bawat salitang
binitawan ni Tatay Larry kaya napatigil si kuya Ronnel sa pagpingot. Ang sakit nung
pingot na 'yon ah.
Sumakay na kaming dalawa ni Red sa loob ng karwahe at sinimulan na
itong paandarin. "Paalam! Hanggang sa muli po" Kumakaway ako habang palayo sa
kanila at ganoon din naman ang ginawa nila.
"Stop it, you're so noisy" Sabi ni Red na prenteng nakaupo sa aking
tabi.
Tumingin ako sa kanya, "Uyyy! Naluluha ka Red, aminin mo na! Mami-miss
mo rin sila" Sabi ko at tinuro ang kanyang mata.
"Asa ka naman" Mayabang niyang tugon at ibinaling ang kanyang mukha sa
may bintana. Sows! Pakipot talaga, mga lalaki talaga eh 'no?
Tumingin ako sa may bintana sa harap. "Kuya Ronnel, ilang oras ang
magiging biyahe natin pabalik sa Altheria Academy?"
"Mga isa't kalahating oras. Humanda na kayo sa sermon ni Sir Ernie,
paniguradong may points deduction na naman kayo" Pananakot ni kuya Ronnel at
napabuntong hininga na lamang ako.
"Sira na talaga ang pangarap kong masama sa Marsham top 10 Alchemist"
Hindi inaasahan na sabay naming bigkas ni Red. Kung may similarities kaming dalawa
iyon na siguro ang pagiging grade conscious naming parehas. Atleast may similarity
'diba?
"Red, alam mo ba ibig sabihin ng Magic swordsman? 'Diba iyon ang
kapangyarihan mo?"
"May power was wind, classification job ko lang ang magic swordsman"
Tumingin sa akin si Red ng mata sa mata, "Magic swordsman was created to protect
the royal family. Magic swordsman's job is to protect it's own queen"
Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya. Siguro ang swerte nung
queen na poprotektahan ni Red. Gwapo na si Red, maaasahan pa! Ang swerte niya
talaga kung sino man siya.
Ilang minuto na rin kaming bumbiyahe at nasa gitna na kami ng Polto's
Forest. Hindi ko pa rin talaga maiwasan na mamangha sa ganda ng gubat na ito.
Nagulat na lamang ako ng biglang mawalan ng balanse ang sinasakyan
naming karwahe at tuluyan ng bumagsak ang karwahe.
Napapikit ako ng mata at inaasahan ko na babagsak din ako. Pagdilat ko
ay nakalutang na kaming dalawa ni Red sa ere. "Ayos ka lang?" Pagtatanong niya
habang iniikot ang kanyang mata upang mahanap kung sino ang gumawa nung bagay na
iyon.
"A-ayos lang ako" Pinagmasdan ko ang karwahe at sira-sira ang gulong
nito.
"Dito lang kayo sa likod ko" Sabi ni Kuya Ronnel habang may malaking
shield at isang espada siyang hawak. Aegis knight. That was his classification job,
it's job was to protect the specific place at iyon nga ang Altheria Academy.
"Buhay ka pa? Sayang naman" Wika nung boses naming narinig at mula sa
madilim na parte ng gubat ay unti-unting sumilay ang kanyang mukha. "Ang tagal din
nating hindi nagkita Jasmin"
Masamang titig ang ipinukol ko sa kanya dahil hindi ko pa rin
nakakalimutan ang kanyang ginawa sa amin... dito rin sa Polto's forest naganap
iyon-Si Klein.
Chapter 22 "Amnesia"
"So ibig sabihin niyo ma'am eh may chance talaga na magka-amnesia siya? Hindi niyo
ba pwedeng gamitin yung kapangyarihan niyo para makaalala 'tong lalaki na 'to?"
Pagtatanong ko.
"Hindi naman ito permanent at maybe weeks or months ay makaalala na
ulit siya. Walang mahika ang kayang makapagpaalala sa mga nakalimutang bagay
Jasmin, tanging ang sarili mo na lamang ang maaasahan mo sa ganoong sitwasyon kung
makakaalala ka pa o hindi na" Sabi sa akin ni Ms. Melanie.
Nagbuntong hininga si Mrs. Evelyn, "Wala pa pala akong makukuhang
impormasyon sa ngayon" Sabi ni Mrs. Evelyn, tinignan niya muna si Klein bago
naglakad palabas.
"Teka Mrs. Evelyn! Hahayaan niyo lang ang lalaki na 'to sa loob ng
Altheria?" Pagtatanong ni Harly. "Eh siya yung gago na muntik pumatay kanila Red
eh"
"Mag-ingat ka sa pananalita mo Harly" Sabi ni Mrs. Evelyn at napakagat
sa labi si Harly. Ayan! Kasi nagmura pa. "Mas madali para sa akin na makausap siya
kung nandito siya sa Altheria Academy kapag nakaalala siya. Hindi naman makakagawa
ng kalokohan sa loob"
Naglakad na palabas si Mrs. Evelyn at iniwan na rin kami ni Ma'am
Melanie dahil may sunod pa raw siyang klase. "Teka tanda! Tinatanong kita tanda!"
Sumisigaw si Klein ngunit hindi na siya pinansin ni Mrs. Evelyn.
Padabog na lumakad patungo sa kanya si Bea at malakas siyang binatukan.
"Aray ko! Inaano ba-"
"Ang lakas naman ng loob mo na tawagin ang principal namin ng tanda!"
Sigaw ni Bea. Oo nga pala, member pala 'to ng student committee kaya naman ganoon
na lang kataas ang respeto niya sa aming pinakamamahal na punong-guro.
"Principal pala si tanda. Teka miss, alam mo ba ang pangalan ko?"
Pagtatanong ni Klein. Casual lamang siyang nagtatanong at halata naman sa kanyang
mga mata na wala talaga siyang matandaan.
"Klein. Klein ang pangalan mo" Ako na ang sumagot sa kanyang tanong.
"Klein? Ang baho naman ng pangalan ko. Ano ang apelyido ko?"
Pagtatanong niya at saglit naman akong natahimik.
"Klein... uhm..." Saglit akong nag-isip, "Klein Stanford!" Magiliw kong
sagot. Naalala ko kasi bigla yung nabasa ko sa wattpad dati, si Bryle Stanford ng
Girlfriend For Hire.
"Klein Standford," Napatango-tango siya no'ng makumpirma niya ito. "Eh
alam mo ba kung bakit ako nandito?"
Muli akong nag-isip pero hindi ko na alam ang idadahilan ko, grabe para
akong nag-e-exam dahil sa mga tinatanong niya. "Dito ka nag-aaral" Wika ni harly,
"Lumabas kasi kayo sa school nina Jasmin at Red. Napahamak ka"
"Ah ganoon pala ang nangyari" Humawak si Klein sa kanyang ulo na parang
nakaramdam ng kirot. "Sige lumabas na muna kayo, bigla kasing kumirot ang ulo ko"
Sabi niya at lumabas naman kami
Pagkalabas namin ay agad akong nagtungo sa Principal's office. "Good
day po Mrs. Evelyn" Pagbati ko sa kanya at umupo sa kanyang tapat. "Gusto ko lang
po sanang itanong kung tumawag nab a ang papa ko sa inyo?"
Parang nagulat si Mrs. Evelyn sa aking tanong ngunit agad din siyang
bumalik sa pagiging kalmado. "Sabi ng papa mo ay magbabakasyon daw muna siya sa
probinsya kasama ang ilan niyang mga kaibigan, hindi ko iyon nasabi sa iyo kasi nga
tumakas kayo at nakalimutan ko ng sabihin pagbalik niyo"
Aaah! Ganoon pala ang nangyari kaya naman pala hindi tumatawag si papa.
Atleast ngayon ay nakaramdam na ako ng ginhawa. Napaginipan ko kasi kagabi na
iniiwan ako ni papa, kaya pala niya ako iniwan sa panaginip ko dahil magbabakasyon
siya.
"Pero Mrs. Evelyn paano po si Klein, baka saktan niya po ako?"
Pagtatanong ko.
"Hangga't nasa loob ka ng apat na sulok ng Marsham Division ay nasa
ligtas kang pangangalaga Jasmin"
"Eh pero po bakit ako hinahabol ng Raven clan? Anong kailangan nila sa
akin?" Pagtatanong ko sa kanya, kung may tao man na nakakaalam nito ay si Mrs.
Evelyn lamang ito dahil siya ang huling nakausap ni papa.
"Kapag umilaw na ang kwintas mo. Doon natin pag-usapan lahat ng tanong
na tumatakbo sa iyong isipan" Sabi sa akin ni Mrs. Evelyn. "Siya nga pala, umakto
ka lang ng normal sa harap ni Klein, ituring mo siya na par among isang kaibigan
para sa oras na bumalik ang kanyang alaala ay madali na tayong makakakuha ng
impormasyon.
Tumango naman ako sa sinabi ni Mrs.Evelyn. Malaki ang tiwala ko sa
principal namin dahil sobrang bait niya salahat ng estudyante rito.
Sorry kung natagalan yung update, nagbasa pa kasi ako ng mga magic books or alchemy
facts para may imbak na ako ng ideas sa mga next updates :)
6[O(3)0]9 6[O(3)0]9 6[O(3)0]9 6[O(3)0]9
"Nakakapagod!" Malakas kong sigaw no'ng makaupo kaming dalawa ni Bea sa bench na
nasisilungan ng mataas na puno.
Kakatapos lang ng exam namin sa Crafting at hindi siya ganoon kadali
dahil actual kaming nagperform ng synthesization sa harap ni Ms. Melanie, may
kaunting mga mali ako pero sa tingin ko naman ay makakapasa ako sa Crafting na
'yon.
Habang nakaupo kami ay nakita namin si Klein na may buhat-buhat na
maraming test papers. By the way, habang nandito si Klein ay nag-aaral na rin siya
bilang utos n gaming punong guro na si mrs. Evelyn. Sa kabilang seksyon siya,
katabi ng room namin.
"Oh Klein saan ang punta mo?" Pagtatanong ko sa kanya.
Noong makita kami ni Klein ay ngumiti ito. "Galing ako doon sa isang
classroom para kuhanin 'tong mga test papers, dadalhin ko sa faculty"
"Aba himala, nagsisipag ka yata ngayon?" Mataray na pagtatanong ni Bea.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nakaka-get over 'tong kaibigan ko sa panlalait
na ginawa ni Klein kay Mrs. Evelyn.
"Nagsisipag? Utos ni tanda 'to. Ang sabi niya bilang kapalit daw ng
pananatili ko sa Altheria Academy ay magiging student assistant niya ako. Hangga't
hindi pa bumabalik ang ala-ala ko, dito muna ako sa Altheria Academy pansamantagal"
Nakangiting sabi ni Klein. "Ayos ba Jasmin?" Nag-thumbs up naman ako sa kanya
bilang pagsagot.
"Anong pansamantagal? Baka ilang araw lang ang lumipas bumalik na ang
ala-ala mo" Inis na sabi ni Bea. Dinilaan lamang siya ni Klein at kumaripas na ng
takbo paalis. "Aba't sinusubukan talaga ako ng taga-raven clan na 'yon"
Muling umupo sa tabi ko si Bea habang pinagmamasdan ang mga
estudyanteng nagdadaan. Mamaya ay may exam na naman kami sa predictology, huling
exam na namin iyon ngayong araw.
Napatingin ako sa kalangitan ng mapansin ko ang ibon na parang papunta
sa direksyon namin. "Uy Bea tignan mo yung ibon oh papunta rito"
Sakto naman na bumaba sa lupa ang magandang pipit na ibon at unti-unti
itong nag-anyong tao. "Jasmin! Bea!" Nakangiting sabi sa amin ni Kuya Hades. Siya
lang pala ang makulay na ibon na 'yon. Si kuya Hades ay isa sa mga miyembro ng
White Soldiers kung inyong matatandaan.
"Uy kuya Hades, ba't naparito ka? May kailangan ka ba?" Pagtatanong ni
Bea.
"Actually pinapunta ako ni Red dito kasi may technique daw siyang
gustong matutunan, eh bago ako pumunta sa kanya ay naisipan ko kayong bisitahin at
kamustahin" Nakangiting sabi sa amin ni Kuya Hades.
Naikwento na sa akin ni Kuya Hades na Human transformer siya o may
kakayahan siyang reconstruct ang kanyang cellular structure sa kahit anong hayop o
bagay na makita niya. So in short, kaya niyang mag-transform.
"Kuya Hades matanong ko lang, ba't hindi nadadalaw sa amin si Kuya
Carlo? Ang tagal na nung huling makita namin siya ah" Sabi ni Bea kay Kuya Hades.
"Exam din niya, mas kailangan niyang mag-effort ngayon dahil alanganin
lahat ng grades ni Carlo. After the exam, paniguradong manggugulo na naman 'yon
dito sa Marsham division," Sabi ni kuya Hades at parehas kaming natawa ni Bea. Puro
hangin lang kasi si Carlo sa ulo, medyo wala naman pala siyang binatbat pagdating
sa academics.
"Oh sige maiwan ko na kayo at pupuntahan ko pa si Red" Sabi ni kuya
Hades at nag-anyong ibon ulit at lumipad sa langit.
"Sana umilaw na 'tong kwintas ko..." Sabi ni Bea sa akin habang nakaupo
kami.
"Oo nga para naman makalaban na ako kapag nasa panganib tayo"
"Baliw! Gusto kong umilaw 'tong kwintas ko para ako naman ang turuan ni
kuya Hades, ang pogi kaya" Mahina pang hinampas-hampas ni Bea ang aking braso.
"Wala naman pangit sa paningin mo" Natatawa kong tugon sa kanya.
"Oy meron kaya, si Klein"
"Pero last time sabi mo gwapo 'yon"
"Pwede naman bawiin yung sinabi 'diba? Tsaka nakita mo naman ang ugali
ng taga-Raven clan na 'yon? Ang sama! Nakalimot na't lahat masama pa rin ang ugali.
Maygahd!" Pagmamaktol sa akin ni Bea na parang batang nagsusumbong
"Mabait naman si Klein ah, ang sarap nga niyang kausap eh" Totoo naman
'tong sinabi ko kasi sobrang bubbly ng personality ni Klein at ang sarap pang
kausap kapag kasama.
"Ba't mo ba pinagtatanggol 'yon? Alam mo gutom lang 'yan, kumain na
tayo sa cafeteria bago mag-start ang exam natin sa predictology" Hinatak na ni Bea
ang aking kamay kaya naman wala na akong choice kun'di samahan siya kahit hindi pa
naman ako gutom.
"Anong sa'yo? Ako na ang o-order" Sabi sa akin ni Bea kaya saglit akong
nag-scan sa menu list.
"Cheese cake na lang tsaka ice tea... Yung normal ah" Pagpapaalala ko
sa kanya, alam niyo naman sa mundong ito. Lahat ay may halong magic.
Pagkaalis ni Bea ay doon ko lang napansin na nasa kabilang table pala
ang isa sa mga kambal na si Charmaine, napansin niya naman ang aking prisensya kaya
naman inirapan niya ako. Hmp! As if naman na gusto ko rin siya 'no?
"Predictology ang next class natin hindi ba?" Pagtatanong ni Charmaine
sa kausap niya, "Mukhang nape-predict ko na kung sino sa mga classmate natin ang
babagsak, ang pangalan... Jasmin" Sabi niya at nagtawanan sila sa table nila. Luh?
Ano kayang nakakatawa ro'n? Mga nagsama-sama silang siraulo sa iisang table.
Ilang minuto lang ang lumipas ay bumalik na si Bea dala ang aming
order. "Oh nandito pala si Charmaine, inasar ka na naman ba ng bruhildang 'yan?"
Mahinang bulong sa akin ni Bea.
"Immune na ko sa bakulaw na 'yan, wala ng talab ang mga pang-aasar
niyan. Pakisabi naman sa kanya na next time i-improve niya yung mga sarcastic jokes
niya, siya lang ang natatawa" Wika ko kay Bea at nangisi naman kaming parehas.
Matapos naming kumain ay pumunta na kami sa classroom namin upang mag-
exam sa predictology. Ito na yata ang pinakamadaling exam namin sa lahat ng in-exam
namin dahil huhulaan lang namin ang mga pwedeng mangyari sa mga partikular na
sitwasyon na ibinigay sa test.
***
Matapos ang test ay may dalawang araw kaming pahinga at matapos no'n ay
malalaman na ang resulta na ang exam. Kung pasado ka, makakapagbakasyon ka sa
normal na mundo sa loob ng tatlong araw pero kung babagsak ka naman ay kailangan
mong manatili sa Altheria Academy.
"Oh ano Jasmin handa nab a yung mga gamit na dadalhin mo kapag bumalik
ka na sa normal world?" Pagtatanong sa akin ni Bea habang siya ay patalon-talon sa
kama dahil excited na siyang makabalik at makasama ang kanyang pamilya.
"Ang saya mo ah, sure ka na bang papasa ka?" Pagtatanong ko sa kanya
pero naglalagay na rin ako ng ilang gamit sa aking bag.
"Yup! Nakita mo naman kung paano ako magpuyat sa pag-aaral habang ikaw
ay nakikipagkwentuhan sa kung sino-sinong estudyante" Well she has a point there
kaya naman wala akong maiiangal. Mas mahirap pang mag-review ke'sa mag-synthesis ng
kung ano-anong magic items.
"Bea! Jasmin!" Malakas na sigaw ang aming narinig galing sa labas-Kay
Harly. "Naka-post na yung result sa Vaefonia Hall, tara na!"
Nagkatinginan kami ni Bea at agad na lumabas. Tumakbo kaming tatlo
papunta sa Vaefonia hall pero kasabay nito ang malakas na kabog ng aking dibdib
dahil dito nakasalalay ang Masaya kong tatlong araw na bakasyon sa piling ng aking
papa sa normal na mundo.
Pagkapunta namin sa Vaefonia Hall ay napakaraming estudyante ang
nagsisiksikan, may ilan na umiiyak sa sulok dahil hindi nakapasa pero mas marami
ang nagsisigawan sa tuwa.
Ilang beses akong natutunggo at hirap akong makipagsiksikan sa maraming
tao. "Hawakan mo yung kamay ko" Sabi sa akin ni Harly, hinawakan ko ang kanyang
kamay at pansin ko rin ang panlalamig ng kamay niya. Kinakabahan din siguro 'to sa
test result.
"Excuse me. Excuse me" Paulit-ulit naming sabi ni Harly habang hinahawi
ang mga estudyante. Pagkarating namin mismong harap ng bulletin board ay hinanap
agad namin ang pangalan. Nakakaayos naman ng by section ang listahan kaya naman
hindi ako nahirapan na hanapin ang pangalan ko.
"Pasado ko!" Malakas kong sigaw sa tuwa at napayakap kay Harly. Saglit
siyang natigilan at napangiti sa akin, "Sorry. Nadala lang ng bugso ng damdamin"
Lumabas na kami ng Vaefonia hall at hinintay si Bea. "Pasado ka
Jasmin?" Tumango ako sa kanya at nagyakapan kami habang nagtatalon dahil sa tuwa.
"Makakapagbakasyon tayo!"
"Eh ikaw ba Harly, pasado ka?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Sows! 'Wag mo ng tanungin 'yan. Andoon yung pangalan niya oh" Sabi
niya at itinuro ang malaking tarpaulin. Marsham top 10 Alchemist.
Tatlo sa mga kaklase ko ang pumasok. Si Harly na Top 2. Si Charly na
Top 7. At ang pinakakagulat sa lahat at medyo nagpainis sa akin ay ang pagpasok ni
Red na saktong pang-Top 10.
"Ba't nakapasok si Red!? Eh halos parehas kaming lagi wala sa Altheria.
Siya nga bihira ring pumapasok sa klase.
"Ano ka ba Jasmin, huwag mong ikumpara ang utak mo sa utak ni Red. In
born ang pagiging matalino no'n at mataas ang nakuha niya sa mga exam"
Pagpapaliwanag sa akin ni Bea.
Nasa gitna kami ng kasiyahan ng biglang sumulpot si Klein. "Hindi ko
naman gustong sirain ang kasiyahang nagaganap sa inyo pero Jasmin tawag kayo ni Red
sa Detention room"
"Ha? Bakit daw?" Kinakabahan kong tanong.
"Ewan ko. Utos lang ni tanda. Mauna na ako dahil hahanapin ko pa si
Red" Naglakad na paalis si Klein.
***
Pagkarating ko sa detention room ay tumambad sa akin ang nakakatakot na
aura ni Sir Steven. Guro namin sa recreation. Ilang minuto lang ang lumipas ay
dumating na si Red.
"Tawag niyo raw kami?" Arogante niyang pagtatanong. Tignan niyo 'tong
lalaki na 'to! Wala man lang greetings. Well, ayos na rin 'yon dahil gusto ko ng
umalis dito sa detention room.
"As you can see, marami kayong nilabag parehas na school rules-"
"Pero sir yung last time eh hindi naman kami talaga lumabas kasi
kinidnap ako" Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Rules are rules Ms. Jasmin. Si Mrs. Evelyn na rin ang nagbigay sa inyo
ng punishment na hindi muna kayo makakapagbakasyon sa normal na mundo this week
bagkus ay magkakaroon kayo ng school service for three days" Sabi ni Sir Steven.
"What!? Pero pasok ako sa Top 10 student!" Sigaw ni Red.
"Kay mrs. Evelyn kayo magreklamo huwag sa akin Red" Nakangiting sabi ni
Sir Steven na parang nang-aasar.
Gusto ko ng maiyak. Yung bakasyon na pinapangarap ko, nasayang lang.
Rules are rules pero gusto ko na talagang makita si papa.
Chapter 24 "Dare with Red"
"Wala!? Bakit wala pa rin si Mrs. Evelyn!?" Malakas kong sigaw kay Klein dahil ito
na yata ang pang labing apat na balik ko sa Principal office sa loob ng isang
linggo. Maraming araw na akong pumupunta rito ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin
siya. Gusto ko ng malaman ang totoo, gusto kong marinig ang kumpirmasyon sa kanyang
bibig ng harap-harapan.
"N-nasa meeting siya sa kabilang school Jasmin. P-pero promise ko sa'yo
na ikaw ang unang makakaalam kapag nakabalik na siya" Sabi sa akin ni Klein at
itinaas pa ang kanyang kanang kamay.
Mukhang natatakot na sa akin si Klein dahil sa mga ikinikilos ko no'ng
mga nakaraang araw. Kahit naman si Bea ay hirap din magkaroon sa akin ng isang
konbersasyon dahil sa pagiging tipid ng aking mga sagot. "Sorry sa biglaan kong
pagsigaw, it's just... may kailangan lang akong kumpirmahin"
Bumuntong hininga si Klein at bumalik sa pag-aayos ng mga papeles.
"Ayos lang 'yon, magkaibigan naman tayo kaya naiintindihan ko kung meron ka this
week hehe" Namula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Klein, wala naman akong PMS this
week dahil kakatapos ko lang pero I never thought na gano'n pala ang iisipin ni
Red. "Tsaka Jasmin medyo nagiging busy na rin si Tanda ngayon dahil sunod-sunod ang
kanyang inaasikaso... nag-aalala na nga ako sa kalagayan niya kasi baka hindi
kayanin ng katawan niya"
"Sige mauna na ako, inform mo ako kapag nan'dyan na si Mrs. Evelyn"
Nag-okay sign naman si Klein bago ako umalis. Student Assistant sa principal's
office si Klein kaya parati siyang nandoon.
Hindi ko naman in-expect na magiging kaibigan kong totoo si Klein at
mas lalong hindi ko in-expect na magiging close siya sa principal. How I wish na
hindi na niya maalala na taga-Raven Clan siya.
Malungkot akong umupo may bench na naliliman ng mataas na puno, eto ang
paborito naming tambayan ni Bea. May thirty minutes vacant pa ako bago mag-start
ang klase namin sa Naturology II.
Sa tuwing naalala ko yung mga sinabi sa akin ni Bea nung nakaraang
linggo ay biglang kumikirot ang aking puso. Kilala ko si Bea, hindi iyon magpa-
prank na patay na ang papa ko dahil may reputasyon siyang inaalagaan as a Student
committee member. Pero umaasa ako na hindi pa patay ang papa ko, imposibleng
mangyari 'yon.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap ni Red, hindi ko nga
maintindihan kung bakit galit pa rin siya sa nangyari last time eh ang tagal na
no'n. Biglang may kamay na may hawak na orange juice ang aking nakita, tumingala
ako para makilala ko kung sino iyon-Si Harly.
"Orange juice? Paborito mo 'yan 'diba?" Umupo siya sa aking tabi
without asking for my consent. Sa bagay, hindi ko naman binili yung bench na 'yon
para ipagdamot sa ibang estudyante.
"Para ka talagang kabute 'no? Bigla-bigla kang sumusulpot" I tried to
sound sarcastic pero hindi ko maitaas ang tono ng boses ko dahil sa lungkot. I try
to act like I'm okay... pero ako lang din naman ang paulit-ulit na nasasaktan.
"Magtapat ka nga sa akin Jasmin, nagda-drugs ka ba sa gabi at sobrang
lata mo?" Mabilis na kumilos ang kamay ko para hampasin ang kanyang balikat at
malakas siyang tumawa. "Haha! I'm just kidding, pinapasaya lang kita. Pero
seriously, ang laki ng eyebugs mo ngayon oh" Pabiro niya pang dinutdot ang ilalim
ng mata ko.
"Stress lang" Sagot ko.
"Stress lang? Kakatapos lang ng midterms uuuy! Anong ikaka-stress mo eh
halos wala ngatayong ginagawa" Well he has some point. "Tapos you almost perfect
yung mga quizzes natin last time"
That's quite true. Mas nagpokus na lang ako sa pag-aaral para hindi na
pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Bea. Pero hindi ko pa rin maiwasan na
hindi maalala ang papa ko. "T-teka, may masama ba sa sinabi ko Jasmin? Ba't ka
umiiyak?"
Hindi ko namalayan na may tumulong luha nap ala sa kaliwang mata ko.
"Tears of joy! Haha" Pabiro kong sabi.
"Liar, kapag ang luha galing sa kanang mata, it was the tears of joy.
Pero ang luha kapag galing sa kaliwang mata... it was tears from sadness. It was
base on the book that I've read" Oo nga pala, matalino nga pala si Harly. I almost
forgot that fact.
Hinawakan ni Harly ang kamay ko. "Basta kapag kailangan mo ng
masasandalan nandito lang ako ah. Magkaibigan kaya tayo"
Why I've always hear the word "kaibigan" today? Pinaparamdam ng mga tao
sa paligid ko na importante ang prisensya ko sa kanila. Biglang humangin ng malakas
dahilan para mapabitaw ako sa kamay ni Harly. Weird.
Tumingin ako sa aking relo at malapit na ang next class namin sa
naturology. As of now, tanging si Charly at Red pa lang ang may ilaw na kwintas sa
aming magkakaklase. Akala ko noon ay madali lang gisingin ang magi but it was
really hard.
Habang nagkaklase kami ay lutang lang ang utak ko, paminsan-minsan ay
kinakausap ako ni Bea pero wala talaga ako sa mood ngayon para maging Masaya. Sino
ba naman tao ang magiging Masaya kapag nalaman nila na patay na ang kanilang ama
'diba?
"Ms. Jasmin!" Pagtawag sa akin n gaming Naturology teacher na si Mrs.
Toni.
Napalingon ako sa kanya, "W-what is it ma'am?" Bigla kong naisagot at
narinig kong nagbungisngisan ang iba kong kaklase.
"Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero hindi ka nakikinig!"
Sigaw sa akin ni Mrs. Toni. "What is the basic item in crafting potions?"
Pagtatanong niya sa akin.
"Herbs and plants ma'am" Naisagot ko sa kanyang tanong, I've always
read books this past few days kaya medyo advance ang nalalaman ko.
"Give me some examples of it" Karugtong na tanong ni Mrs. Toni.
"Uhm... Huffin, twigs, spinachherbs and petal of flowers ma'am"
Pagsagot ko sa kanyang tanong habang pinagkikiskis ko ang kuko ko sa hinlalaki.
"What is the ingredients in creating or synthesizing Dietary fiber?"
"Huffin, twigs, and dirt ma'am" Pagsagot ko at napa-"Oh" yung mga
kaklase ko dahil nasagot ko lahat ng mga tanong ni Mrs. Toni.
Napatango-tango si Mrs. Toni, "Very good. Gayahin niyo si Ms. Jasmin!
Kahit nakatanga at tatamad-tamad sa klase ay kayang sagutin ang mga tanong ko"
Pagpupuri niya sa akin at nagpalakpakan ang mga kaklase ko.
Nagbuntong hininga ako and I will try to listen at her class more
often. "Good job Jasmin" Nag-thumbs up pa sa akin si Bea at isang ngiti naman ang
isinagot ko sa kanya.
Lumipas ang mga araw at hindi pa rin nakakabalik si Mrs. Evelyn. Parang
gusto ko na ngang umiyak maghapon dahil sa frustration na nararamdaman ko. Tanggap
ko na rin naman na may malaking chance na wala na rin siguro ang papa ko, I've even
try to reach him multiple times through telephone pero palaging walang sumasagot
dito. I just need a confirmation...just fucking confirmation.
Nakaupo lang ako sa garden at nagbabato ng bato sa fountain. I'm out of
myself, I can't figure out kung ako pa ba 'to, ang Jasmin kasing kilala ko ay
palaging palangiti. "Tigilan mo nga ang pagbabato sa tahanan ko!"
Isang kulay berdeng creature ang lumabas mula sa tubig at
napapapilantik ako dahil sa gulat, napaupo ako sa damuhan.Muling bumalik ang
creature na 'yon sa tubig.
"Kappa" Biglang may nagsalita sa tabi ko, tumingala ako upang makita
siya-'twas Red.
"Kappa? What?"
"Yung creature na 'yon. It was Kappa" Iniabot ni Red ang kanyang kanang
kamay at itinayo ako.
"Bakit naman ang bugnutin no'n" Matamlay kong sagot habang pinapagpag
ang palda ko.
"He live in this fountain for almost ten years. Wala ka pa sa Altheria
Academy ay nandito na ang kappa na 'yon. He granted the wishes of the students who
ask him. Wishing fountain" Pagpapaliwanag ni Red at umupo siya sa gilid ng fountain
na iyon.
"Hindi nawawala ang ngiti sa Kappa na iyon kahit mag-isa lang siyang
naninirahan d'yan"
"Mag-isa? Bakit? Wala na ba siyang pamilya? Pagtatanong ko. Ngayon lang
kami ulit nagkausap ni Red after ng mahabang araw. I will be lying kapag sinabi
kong hindi ko na miss ang prisensya niya.
"Kappa's real home was in lake. Nandoon talaga lahat ng Kappa, he was
alone here... but he isn't lonely" Sabi ni Red at tinignan ang repleksyon ng
kanyang sarili sa tubig. "Altheria Academy treats him as a family. Masaya ang Kappa
na iyan dito sa Altheria dahil minahal siya ng maraming estudyante, he feel at home
at here kahit wala ang mga mahal niya sa buhay sa tabi niya" Mahabang litana ni
Red.
Hindi rin pala nalalayo ang sarili ko sa isang Kappa. I'm alone here at
Altheria... ng walang kahit sinong masasandalan na pamilya.
"Jasmin!" Sa hindi kalayuan ay narinig ko ang tinig ni Klein na
tumatakbo patungo sa aming direksyon. "Si tanda! Dumating na si tanda"
After I heard that ay tumakbo na ako patungo kay Klein. "Salamat Red!"
Malakas kong sigaw at isang ngiti naman ang isinukli nito.
Kailangan ko ng makausap si Mrs. Evelyn.
***
Red
"Ba't nandito ka? Ba't hindi mo sinamahan si Jasmin" Inis kong
pagtatanong sa lalaking ito. His presence really irritate me.
Umupo si Klein sa tabi ko habang nakaupo sa gilid ng fountain. "Pribado
ang pag-uusapan ni Jasmin at ni Tanda, hindi dapat ako makielam doon o maki-tsismis
tungkol doon" May respreto pa rin naman palang natitira sa katawan ng lalaki na 'to
"Then good-"
"Bakit ka nagsinungaling? Bakit hindi mo sinabi kay Jasmin na ikaw ang
nakakita at tumulong sa kanya doon sa lumang school house?" Napatigil ako sa sinabi
niya. So he saw it.
"Para saan pa? Para magyabang? I don't need any recognition and praises
from other people"Casual kong sagot sa kanya.
"Alam mo ang nararamdaman ngayon ni Jasmin 'diba? Hindi ko man alam ang
pinagdadaanan ng kaibigan kong iyon pero ikaw alam mo. Si Jasmin ba ang napili mo?
As your queen? Every Magic swordsman needs a queen to protect to" So he really saw
everything.
"I'm just helping her..."
"Pero nakita ko, gumamit ka ng magic spell no'ng walang malay si Jasmin
sa lumang school house. You bound together with Jasmin, you chose her as your
queen" Sabi sa akin ni Klein. Wala naman akong nakikitang halong pagbabanta sa
boses niya, nagpapaliwanag lang siya pero nagtataasan ang balahibo ko sa kanyang
mga sinasabi.
"Shut up"
"You choose a dangerous woman as your queen. Dahil iisa na lang kayo ni
Jasmin,alam mo lahat ng nararamdaman niya but she will not know kung ano ang
nararamdaman mo kasi servant ka lang. Kapag nasasaktan si Jasmin, mararamdaman mo
rin ang sakit... If she die, mamamatay ka rin" Pagpapaliwanag ni Klein. Alam ko
naman ang tungkol doon, "Sana hindi mo pagsisihan ang mga consequence ng action mo"
Naglakad na paalis si Klein. I'm just staring at him, he's mysterious.
Napahawak ako sa dibdib ko ng makaramdaman ako ng kirot. She's hurting
right now, she's sad. Kahit ako ay napapatanong bakit siya ang napili ko as my
queen. There's an invicible string that attach between us.
Jasmin
Matapos kong marinig ang katotohanan kay Mrs. Evelyn, parang I feel a lot better
now. Nagkaroon na ng confirmation yung kutob ko or yung sinasabi sa akin ni Bea.
Pero atleast, hindi na ako aasa na tatawag pang muli ang papa ko sa telepono o kaya
naman ay hindi na ako aasa na may naghihintay sa akin pagbaba ko sa normal world.
"Sigurado ka okay ka lang?" Pagtatanong sa akin ni Bea habang kumakain kaming tatlo
nina Harly sa cafeteria. "I mean, nawalan ka ng tatay... masakit 'yon" Sabi sa akin
ni Bea habang nag-i-slice siya ng in-order niyang Blue berry cheese cake.
Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya, "Magsisinungaling ako kapag sinabi
kong wala ng kirot. Pero siyempre ilang linggo na ang lumipas mula nung nalaman ko
ang balitang iyon mula sa iyo, kaya inihanda ko na rin naman ang sarili ko kahit
papaano"
Napansin ko ang pagiging tahimik ni Harly ngayon at mukhang busy na busy siya sa
binubuo niyang puzzle. "Uy ano 'yan artwork? Ay iyan yung nakita ko sa libro! Iyan
yung babae't lalaki na sumasayaw habang napapalibutan ng maraming magical
creatures" Sabi ni Bea. "Habang pinagmamasdan ko nga ang larawang iyan ay
nakaramdam ako ng kirot eh.
Pinagmasdan ko lang si Harly na buuin ang puzzle, matatapos na siya ng may mapansin
ako sa isang gilid ng puzzle. "Uy Harly ba't may lalaki rito sa gilid" Pagtuturo
ko, halos hindi na rin mapansin yung lalaki dahil nasa isang maliit na puzzle piece
lang ang mukha nito at sobrang tago pa.
"Napansin mo rin pala" Sabi sa akin ni Harly at tinanggal ang kanyang reading glass
at humigop ng kape. "Iilang tao lang naman ang nakakapansin sa lalaking iyan"
"Actually para siyang hidden picture d'yan sa puzzle na binubuo mo" Muli kong
tinignan ang lalaki kong nakita sa puzzle. "Ba't siya nand'yan? Namamangha rin ba
siya sa ginagawang pagsayaw nung babae't lalaki d'yan sa puzzle?"
Nakitingin na rin si Bea sa puzzle piece. Inilagay ni Harly ang huling puzzle piece
bago niya sagutin ang tanong ko, "Feeling ko hindi siya namamangha. Parang
naiinggit siya, o kaya naman ay nagseselos sa dalawang tao na 'yon"
"Kawawa naman pala yung lalaki na 'yon" Pagsasalita ni Bea at inilapag ang
kutsarita sa gilid ng pinggan no'ng matapos na siyang kumain. "Parang isa lang siya
sa mga leading man sa isang telenobela. Siya yung laging nandoon para sa babae...
and yet, hindi siya pinili"
Masyadong mahaba ang vacant namin ngayon at crafting ang sunod naming subject so
magsi-synthesize lang kami.
Naalala ko na naman yung pangyayari kahapon doon sa Principal's office
***
Matapos sabihin sa akin ni Klein na dumating na si Mrs. Evelyn ay dali-
dali akong tumakbo patungo sa Principal's office Wala na dapat akong sayanging oras
sa pagtuklas sa katotohanan.
Pagdating ko sa Principal's office ay nakaupo si Mrs. Evelyn sa kanyang
table at nagbabasa ng ilang mga dokumento na hindi ko alam kung saan patungkol.
Naglakad ako palapit sa kanya habang may mga luhang bigla na lang pumatak ng hindi
ko inaasahan.
"Oh Jasmin-Ba't ka umiiyak? Nabu-bully ka ba rito sa Altheria?" Nag-
aaalalang tanong sa akin ni Mrs. Evelyn. Isa si Mrs. Evelyn sa mga
pinagkakatiwalaang tao ko rito sa Altheria kaya naman gusto ko malaman ang kanyang
dahilan kung bakit niya inilihim sa akin ang pagkamatay ng aking ama... kung totoo
man.
"Totoo po ba?" sabi ko at para namang isang gripo ang aking dalawang
mata na walang tigil sa pagluha, kumunot ang noo ni Mrs. Evelyn na wari'y
hinuhulaan ang susunod kong sasabihin. "Patay na po si Papa?"
Isang buntong hininga ang binitawan ni Mrs. Evelyn at tinanggal niya
ang suot niya salamin. "Nalaman mo rin pala ng mas maaga" Sa salitang binitawan ni
Mrs. Evelyn ay tuluyan na akong napaupo sa lapag dahil nanlambot ang aking tuhod ko
at parang nawalan ako ng lakas.
Kahit pala ilang beses kong sabihin sa sarili ko na handa na ako na
marinig ang katotohanan, masakit pa rin. Wala ng mas masasakit kapag nawawalan ka
ng taong mahalaga sayo, daig ko pa ang sinunog ng kapangyarihan ni Klein o kaya
naman ay mahatak ng mga ghoul... masakit.
"Balak ko sanang sabihin ang totoo sayo kapag umilaw na 'yang kwintas
mo, ayoko lang kitang masaktan Jasmin"
"Masaktan? Mrs. Evelyn, kahit sa isang taon ko pa malaman 'yan o kaya
naman nung una palang" Napahawak ako sa dibdib ko at hinayaan kong dumaloy ang mga
luha galing sa aking mata, "Wala ng mas sasakit pa para sa isang anak ang mawalan
ng ama. Wala na nga si Mama, pati ba naman si papa"
"Hiniling sa akin ng ama mo no'ng nabubuhay pa siya, maging Masaya ka
sa pananatili mo sa Altheria" Casual na sagot sa akin ni Mrs. Evelyn, "Mahalaga ka
para kay Ramon, ang makitang laging nakangiti ang kanyang anak... iyon ang
kasiyahan para sa isang ama"
***
Hindi ko alam kung saan ako tinangay ng aking mga paa, pero gusto kong
mapag-isa sa pagkakataong ito kaya naman saglit akong nagpaalam kanila Klein at Bea
na aalis muna ako.
Nagpunta ako sa loob ng garden maze dito sa Altheria, "Patawa ka
Jasmin, hindi ka okay sa kahit saang anggulo" Wika ko sa sarili ko at pinahid ang
luhang tumulo sa kaliwang mata ko.
Kahit pala ilang beses kong sabihin sa sarili ko na okay lang ako o
kaya naman kahit ilang beses kong sabihin sa mga nag-aalala sa akin na okay lang
ako... ako lang ang nakakaramdam ng totoo kong nararamdaman. Sinong ginago ko?
Sarili ko lang 'diba?
"Ngumiti ka Jasmin" Mahina kong tinapik-tapik ang aking pisngi. "Ayaw
ng papa mo na nakikita kang malungkot"
Saglit akong nanatili sa loob ng maze at naglakad-lakad. Ayoko namang
magpakita kanila Bea na maga ang mata ko dahil sa umiyak ako.
"Dapat bumalik na ako," Sabi ko sa sarili ko ngunit no'ng inilibot ko
ang paningin ko... bwisit! Trap ako sa loob ng maze na 'to. Hindi ko alam kung saan
ako dumaan kanina o kung paano ako makakalabas "Bakit bas a daming lugar na pwedeng
pag-dramahan ba't dito ko pa naisip. Mukhang tama si Red, ang idiot ko talaga"
Napakamot ako ng ulo dahil sa inis at kinagat ko ang ibabang labi ko,
"Sana lang ay makalabas pa ako rito"
Ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad tutal ay hindi ko na rin
naman alam kung saan ako nagsusuot.
Tumatama sa akin ang matinding sikat ng araw habang naglalakad. "Kanan
ba o kaliwa?" Pagtatanong ko sa sarili ko habang pumipili kung saan dadaan. "Okay
sabi ng puso at utak ko... sa kanan tayo" Sabi ko pero sa kaliwa ako dumaan. Wala
kasi akong tiwala sa instinct ko, last time na sinunod ko 'yon buong araw akong
naligaw... buti na lang at nakita ako ni papa.
Sa paglalakad ko ay matinding liwanag ang nakita ko, "Exit na!" Masaya
kong sigaw at nagtatalon pa ako. Tumakbo ako patungo roon.
Pagkalabas ko sa maze ay akala ko ay makikita ko na ang mga building ng
Altheria, pero mukhang ito ang dulo ng maze. May malawak na ilog rito na kumikinang
dahil sa sikat ng araw, ang dami ring garden fairies na naglalaro sa ibabaw ng mga
bulaklak at mga sirenang masayang naglalaro sa ilog.
Ang ganda rito, ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito, sa tinagal-
tagal ko rito sa Altheria ay ngayon ko lang nadiskubre na may ganitong kagandang
lugr dito.
May maliit na resting place sa gilid ng ilog at may tao akong napansin
na nakaupo roon. Tahimik itong nagbabasa ng libro.
"Red!" Pagtawag ko sa kanya, sa wakas! May tao ng makakatulong sa akin
na makalabas sa maze na 'to. Tumakbo ako papunta sa rest place at gulat na tumingin
sa akin si Red.
"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman 'tong sikretong lugar ko?"
Sabi niya at isinara ang librong kanyang binabasa.
"Naligaw ako tapos hindi ko alam kung saan ako dadaan"
"Idiot ka talaga"
"Oo na! Idiot na ako, nakakaasar naman. Tulungan mo akong makalabas
dito ah?" Ngumiti ako sa kanya, "Sa ngayon peace muna tayong dalawa. Medyo pagod
din ako sa dami ng nangyayari"
Iniunat ko ang aking mga kamay at masayang pinagmasdan ang kung ano-
anong creature na nakikita ko na naglalaro sa tabi ng ilog. Sobrang relaxing at
sobrang magical sa pakiramdam.
"Kamusta ka na?" Pagtatanong sa akin ni Red kaya napalingon ako sa
kanya. "Nabalitaan ko yung nangyari sa papa mo... I'm sorry about that"
"Ba't ka nag-so-sorry? Medyo masakit pero kakayanin ko naman-"
"Medyo?"
Mind reader ba 'to? "Fine, masakit pa rin pero wala naman akong
magagawa kun'di tanggapin ang nangyari. Tsaka ayaw ni papa na nakasimalmal ako"
Tumingin ako sa kalangitan. "Kung nasaan man si papa ngayon ay paniguradong
pinagmamasdan niya ako, binabantayan niya ang pinakamamahal niyang anak"
Lumingon muli ako sa kanya. "Eh ikaw? Ba't ka nandito?"
"Dito ako pumupunta kapag vacant o kaya kapag may mga problema ako.
Relaxing kasi ang lugar na ito tsaka nakakatanggal talaga ng stress ang tubig" Sabi
ni Red sa akin.
Umahon sa ilog ang ilan sa mga sirena at nagpatugtog ng siren,
lumilikha sila ng musika na napakasarap sa tenga. "Sayaw tayo?" Pagtatanong sa akin
ni Red at inilahad ang kanyang kamay.
"Ha? 'W'wag na. Hindi ako mar-"
"Come on, sabi mo peace tayo kahit ngayong araw lang. Kahit parati
akong naiirita sa prisensya mo... gusto ko pa rin naman na iparamdam sa'yo na
nandito lang ako lagi para sa'yo. Ako ang taong poprotekta sa'yo" Dug dug. Dug dug.
Napatingin ako sa mata ni Red, ano ba 'tong pagkislot na nararamdaman ko sa aking
dibdib? Sinasabi ko na nga ba! Kailangan ko talagang magpunta sa infirmary
Tinanggap ko ang kamay ni Red at hinapit niya ng kanang kamay ang aking
bewang samantalang hawak naman ng kaliwa niyang kamay ang aking kamay. Iginalaw
namin ang aming paa, habang hawak ako ni Red... palakas ng palakas ang kabog ng
puso ko, para akong mababaliw.
Sumayaw kami sa saliw ng musika na ginagawa ng mga sirena at nakisayaw
din sa amin ang ibang magical creature na nandito.
***
Harly
Malapit ng magsimula ang klase kaya naman naisipan ko na sundan si
Jasmin, nakita ko kasi siyang pumasok sa garden maze, medyo clumsy at walang sense
of direction pa naman ang babaeng iyon kaya baka maligaw iyon sa loob.
Ngunit pagdating ko sa dulo ng maze... hindi ko inasahan ang nakita ko.
Si Red at Jasmin na masayang nagsasayaw kasama yung mga magical creature.
Sumasayaw lang sia at hindi napansin ang prisensya ko. Kinuha ko sa
bulsa ko ang munting puzzle piece na itinago ko. Ito yung puzzle piece sa puzzle na
binubuo ko kanina. Yung lalaki na nakasilip habang masayang sumasayaw ang babae't
lalaki.
Tumingin ako sa puzzle piece na iyon, "Ako pala ikaw" Wika ko sa
lalaking nakasilip sa puzzle piece.
Masakit. Inihakbang ko na lamang ang paa ko paalis at iisipin ko na
lamang na hindi ko nakita ang bagay na iyon. I am just this fucking puzzle piece.
Medyo ilang araw na rin ang lumilipas at kahit papaano ay nagawa ko namang maging
okay. "Harly paabot naman nung bote" Pagsabi ko sa kanya.
Nandito kasi kami sa Lab at dito gumagawa ng synthesization, Si Ms. Melanie ang
nagtuturo sa amin at tinuturuan niya kami ngayon ng ice bomb para kahit hindi pa
raw umiilaw ang mga kwintas namin ay maproteksyonan namin ang aming mga sarili.
Inilapag ni Harly ang bote na hinihingi ko sa aking lamesa at muling nagpokus sa
kanyang ginagawa. Weird, dati-rati naman ay napakaraming kwento sa akin ni Harly.
Nakakapanibago ang ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw dahil kapansin-pansin
ang pagiging tahimik niya kapag ako ang kausap niya.
Nagkibit balikat na lamang ako dahil nagpopokus din ako sa paggawa ng ice bomb.
Pero na-o-awkward-an pa rin ako siyempre.
Muntik na akong mapasifaw ng may biglang sumabog sa katabi ko at napuno ng usok.
Kay Harly. "Harly, out" Sabi ni Ms. Melanie. Naglakad na palabas si Harly.
"Nakakapagtaka naman, ito yata ang unang beses na pumalpak si Harly sa crafting"
Kinabahan naman ako habang nagsi-synthesize ako. Kapag kasi nagkaroon ng pagsabog
sa ginagawa ko ay out na rin ako at ibig sabihin nito na palpak yung ginagawa ko.
Iilan na lamang kaming nandito sa lab dahil marami na ang pumalpak... unang-una na
roon si Charmaine, magmaldita lang talaga ang alam ng babae na 'yon.
Binasa ko yung nasa instruction at dinurog ang ice rock. Ilang pagsabog pa ang
aking narinig at talagang naubos na kami rito sa classroom. Ako, Si Red, si Charly,
si Bea at apat na iba pa naming kaklase.
"10 minutes remaining" Savi ni Ms. Melanie.
Pinanatili ko pa rin ang pagiging relax ko. Kapag crafting kasi ay kailangan
kalmado lang ang pisikal at mental mo upang makapagpokus ka ng mabuti sa iyong
ginagawa.
Ibinudbod ko yung dinurog kong ice rock sa magical pot. Nagkaroon ng maliliit na
snowflakes na lumabas at lumutang galing dito... Akala ko ay success na 'ko pero
ilang segundo lang ang lumipas ay sumabog ang Ginagawa ko.
napaubo ako dahil sa kapal ng usok, "Jasmin, out!" sabi ni Ms. Melanie at
napabuntong hininga naman ako at naglakad palabas.
"Sabi ko na nga ba, babagsak ka lang din" Mataray na salubong sa akin ni Charmaine.
"Sino kaya yung wala pang 5 minutes na nasa loob eh na-out agad" Nakangisi kong
sabi kay Charmaine.
"Nagpabagsak talaga ako kasi alam kong iyon din ang kahahantungan mo" Masungit
niyang sabi sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at iniwasan ko na ang
pakikipagtalo kay Charmaine dahil paniguradong hindi naman ako mananalo sa
pagmamaldita ng babae na 'to.
Makakakuha na naman siguro ako ng grade na "C" dahil sa pagpalpak ko sa pagsi-
synthesize ng Ice bomb. Medyo okay lang naman dahil pasado pa rin naman ang C pero
siyempre gusto ko talagang mapabilang sa top 10 marsham alchemist.
Saglit akong sumalampak sa lapag upang hintayin si Bea. Pagkalabas niya ay
sinalubong ko agad siya. "Ano, nagawa mo?" Pagtatanong ko sa kanya
Nagbuntong hininga si Bea. "Hindi rin eh, nagkamali ako nung bandang dulo na pero
si Red at si Charly nagawa nila" Napatango-tango na lamang ako. As expected,
parehas na matalino yung dalawa na 'yon eh lalo na si Charly.
Naglakad na kami paalis ni Bea pero no'ng bandang hapon na ay naghiwalay kami dahil
may meeting ang student committee na kung saan siya kasali, ayko naman na sumama
ro'n dahil paniguradong ma-o-OP lang ako dahil mag-e-alien talk lang sila roon.
Bago ko bumalik ng dorm ay naisipan kong dumaan sa infirmary. May gusto lang akong
ipa-check dahil baka may malalang sakit na ako eh.
"Oh Jasmin napadalaw ka ulit" Sabi sa akin ni Nurse Anne habang inaayos ang mga
gamot sa medical box.
"May itatanong lang sana ako" Umupo ako sa kanyang tapat, "Kasi minsan bumibilis
yung tibok ng puso ko, nagtataka lang ako kung normal ba 'yon"
"Normal kung sobrang pagod ka o kaya naman nakainom ka ng kape, Wala bang masakit
sa'yo? Pero kung titignan naman kita ay okay na okay ka naman" Pagpapaliwanag sa
akin ni Nurse Anne
"Hindi naman ako mahilig sa kape tsaka hindi ako mahilig magpagod. Pero kapag
kasama ko si Re-Itong tao na ito... parang biglang bibilis na lang bigla yung tibok
ng puso ko lalo na kapag may nasasabi siyang mga bagay na unexpected na lumalabas
sa bibig niya"
Nangiti sa akin si Nurse Anne, teka! Ba't 'to ngumingiti samantalang seryoso akong
nagpapaliwanag sa kanya, nakakatakot kaya dahil baka may malalang sakit ako or
what.
"Gusto mo siya 'no?"
"Sino? Si Red? Imposible nurse Anne!" Pagtatanggi ko at mas lalong lumawak ang
ngiti nito.
"Wala akong binanggit na pangalan pero may isang tao na pumasok sa isip mo" Ako
naman ang natigilan. "Alam mo, normal lang sa teenager ang mga ganyan-ganyan. Wala
kang malalang sakit o kaya naman disorder... nagkaka-crush ka lang" Nakangiti sa
aking sabi ni Nurse Anne.
"Crush? Imposible nurse Anne eh parati nga kaming nagtatalo no'n eh. Kahit maliliit
na bagay pinag-aawayan pa naming dalawa" Sabi ko sa kanya.
"Pero aminin mo, sa tuwing nakakagawa siya ng magandang bagay sa'yo bigla ka na
lang nakakaramdam ng pagkislot sa dibdib mo 'diba?" Saglit akong nag-isip at
mabagal na tumango sa sinabi ni Nurse Anne.
Bigla namang pumasok sa isipan ko yung mga ginagawang pagtulong sa akin ni Red pati
na rin yung ilang pag-aasaran namin. "O-oh sige salamat na lang Nurse Anne, alis na
'ko" Nagmadali akong tumakbo palabas at narinig ko pa ang mahinang pagbungisngis ni
Nurse Anne.
Paglabas ko ay napahawak ako sa dibdib ko. Si Red, crush ko? Lelang niya! "Uy
Jasmin!"
"Ay kalabaw na may sungay!" nagulat kong sabi at mahina kong hinampas sa braso si
Klein. Malakas na tumatawa si Klein. "Ano bang problema mo't nanggugulat ka d'yan?"
"Haha! Hindi kita ginulat, kakamustahin lang sana kita haha! Jasmin kailan ka pa
naging magugulatin. Nakakatawa yung ekspresyon mo dahil kaparehas ni tanda" Hindi
pa rin tumitigil si Klein sa pagtawa. Bwisit na lalaki 'to.
Malakas ko siyang itinulak at napaupo naman siya sa sahig at patuloy pa ring
tumawa. Nag-martsa ako palakas paalis. Ako may gusto kay Red? Asa!
***
Kinabukasan ay klase namin sa naturology. Sa tuwing lilingon ako sa
kaliwang table ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Si Red kasi ang nakaupo rito,
bwisit kasi si Nurse Anne dahil mas lalo niya lang pinagulo yung isip ko at mas
lumala pa ang pagkabog nitong dibdib ko.
"Nakatingin ka? Makinig ka nga" Inis na sabi sa akin ni Red no'ng
mapansin niyang nakatingin ako sa kanya
"Anong nakatingin sa'yo? Sa labas ng bintana ako nakatingin, assumero
ka rin eh" Sabi ko at kunwaring nagbusy-busy-han sa pagsusulat. Si sir Hafami ang
guro namin sa Naturology II, he is Human dwarf. No'ng una ay na-shock kami nung
nakita siya pero para rin naman pala siyang normal na tao ngunit ang kaibahan nga
lang ay ang korte ng kanyang tenga na patulis.
"Ito ang unang klase niyo na lalabas kayo ng Altheria-" Hindi pa
natapos ni sir ang kanyang babanggitin ay nagsigawan na ang mga kaklase ko. Kung
sila excited ng makalabas ng Altheria, puwes ako hindi! Jusko! Kapag lumalabas ako
eh kung ano-anong kapahamakan ang nangyayari sa akin. Wala naman akong balat sa
puwet pero grabeng kamalasan ang nangyayari sa akin tuwing lumalabas.
"Quite please" Sabi ni Sir Hafami ngunit hindi pa rin tumigil ang iba
kong kaklase dahil sa excitement. Ini-snap ni Sir Hafami ang kanyang kamay at
nagkaroon ng tape sa bibig lahat ng mga kaklase kong maingay kaya natahimik kami.
"Kailangan niyong pumunta sa Polto's Forest at mangolekta ng iba't-
ibang uri ng bulaklak na tumutubo roon. Mas marami, mas mataas ang grade...
maliwanag ba?" Napatango-tango naman kaming lahat. "Okay group yourselves into 6 at
magkita-kita na lamang tayo mamaya sa signboard papasok sa Polto's forest.
Lumabas si Sir at nag-usap-usap naman kaming magkakaklase.
Pinakamaraming nag-aaya kay Red at Charly dahil parehas ng may ilaw ang kanilang
mga kwintas, mas safe kasi kapag sila ang kasama.
"Ako, si Charly, si Red, si Bea, si Jasmin, at si Harly ang
magkakagrupo" Pagdedeklara ni Charmaine at maraming napaungol. "Bakit? May reklamo
kayong lahat!?" Mataray niyang sabi kaya tumigil na ang iba naming kaklase sa
pagtatanong sa dalawa.
Ayun nga, in the end kaming anim ang magkakagrupo dahil sa kagustuhan
ni Charmaine. Okay na rin ako sa grupo na 'to dahil kasama ko naman si Harly at si
Bea... sila lang naman ang matalik kong kaibigan rito sa Altheria Academy eh. Pero
may isang tao ngayon na nanggugulo na sumama sa amin-si Klein. Wala raw siyang
klase ngayong araw kaya napagdiskitahan na sumama sa amin, mabuti na lamang ay
hindi tumutol si Sir Hafami.
Habang nangongolekta kami ay pansin ko ang medyo pag-iwas sa akin ni
Harly. Kapag tinatanong o kinakausap ko siya ay sobrang tipid ng kanyang ibinibigay
na sagot.
"Harly pahawak naman nito" Sabi ko at iniabot ang mga piraso ng
bulaklak na aking nakuha sa pag-iikot namin sa Polto's Forest. Medyo komportable
naman ako na mag-ikot ngayon sa Polto's forest dahil may tatlong teacher na
nagbabantay sa buong lugar upang masigurado ang kaligtasan ng mga estudyanteng
naririto.
Kinuha ni Harly ang bulaklak at naglakad patungo sa direksyon ni Bea.
Napaka-awkward lang talaga, hindi ko alam kung may nagawa ba akong kasalanan sa
lalaking 'to. Kung mayroon man, magso-sorry na lang ako mamaya pagkabalik namin sa
Altheria Academy. Ayoko kasing nagkakaroon ng hidwaan sa isang kaibigan.
"Jasmin! Jasmin! Halika rito, tulungan mo naman ako bunutin 'tong
bulaklak. Jackpot 'to! Rare type ng bulaklak 'to" Pag-aaya sa akin ni Klein at para
namang pumalakpak ang tenga ni Charmaine nung narinig iyon, itinulak niya ako
paalis.
"Samahan mo na si Klein babae! Gusto kong maka-experience ng 'A' na
grade kahit ngayon lang" Wala na akong ibang nagawa kun'di sundan si Klein.
Naglakad kaming dalawa ni Klein palayo sa mga kasamahan namin upang
kuhanin ang bulaklak. "Klein malayo pa ba?" Pagtatanong ko sa kanya.
Habang naglalakad kami, "Jasmin may dumi ka sa mukha, wait lang
tatanggalin ko" Inilapit ni Klein ang kanyang mukha sa akin. May hinipan siyang
parang alikabok at nakaramdam naman ako ng antok.
"K-Klein anong ginagawa mo?" Unti-unti akong nahihilo at hindi makagawa
ng isang malakas na sigaw dahil sa panghihina.
"Pasensya na Jasmin pero kinakailangan kong gawin 'to. Tapos na ang
pakikipaglaro ko sa inyo"
Ang huli kong nakita ay nag-anyong lobo si Klein at tuluyan ng nagdilim
ang aking paningin.
Chapter 30 "Klein's Explanation"
Guys araw-araw naman akong nag-a-update so sana mag-comment naman kayo para
mapataas natin ang rank ng Altheria Academy at mas mapansin pa ng mas maraming
mambabasa. Maraming salamat :)
***
Iminulat ko ang aking mata at nakahiga ako sa malaking ugat ng puno. Pilit kong
inalala ang mga nangyari kanina, napatayo ako dahil sa kaba no'ng maalala ko na
tjnangka nga pala akong dukutin ni Klein.
"Oh gising ka na pala" Biglang may nagsalita sa gilid ko, "Nanghuli ako ng isda
upang ating makain. Halika na Jasmin saluhan mo 'ko" Nakangiting pag-aaya sa akin
ni Klein.
Dumistansya ako ng bahagya sa kanya, "S-saan mo ako binabalak dalhin? Nasaan sila
Red!" Pagsigaw ko sa kanya pero hindi pa rin nawawala ang malapad na ngiti ni
Klein.
Hinawakan ko ang parte ng katawan ko upang i-check kung nagasgasan o nasugatan ako.
Thanks God at wala naman.
"Isang buwan akong nakisama sa inyo sa Altheria Academy pero hanggang ngayon ba ay
masamang tao pa rin ang tingin mo sa akin?" Medyo may pagtatampo sa boses ni Klein.
Kumagat siya sa isdang kanyang nahuli. Pasado alas-kwatro na rin pala at
paniguradong nagsisibalikan na sa Altheria ang mga kaklase ko.
"P-pero bakit mo ako dinukot? Anong binabalak mo?" Pagtatanong ko sa kanya pero
hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog galing sa aking dibdib.
"Gusto ko lang sabihin sa iyo na nakakaalala na ako. Dapat kahapon ko pa 'to
sasabihin sayo sa infirmary kaso ay bigla kang tumakbo palayo" Sabi niya sa akin.
Kung nakakaalala na siya... ibig sabihin nito ay natatandaan na niya na miyembro
siya ng Raven Clan.
"H-huwag mo kong sasaktan!" Dumampot ako ng isang maliit na piraso ng kahoy upang
ipanlaban. Pero tinitigan lang ni Klein ang kahoy na iyon at unti-unting naging
abo.
"Sa tingin mo ba ay aalukin kita ng pagkain kung sasaktan kita. Alam mo Jasmin,
medyo engot ka talaga, buti na lang maganda ka" Mahinang bumungisngis si Klein
habang ngumunguya ng isda.
"Natatandaan ko na miyembro ako ng Raven Clan, NOON. Wala na akong balak bumalik sa
grupo na 'yon lalo na't itinuring ako ni tanda na parang isa niyang anak. Pero
Jasmin hindi naman masama ang Raven Clan tulad ng iniisip mo" Pagkukwento sa akin
ni Klein. Umayos ako sa pagkakaupo at nagsimulang makinig sa kanyang kwento.
"Nagiging masama lang naman ang isang grupo o tao kapag nagsimula kang mag-isip ng
masama sa kanila e" Yumakap si Klein sa kanyang tubod no'ng matapos niyang kumain.
This time ay naging komportable na 'ko kay Klein dahil nag-open up siya. Wala akong
tiwala sa Klein na miyembro ng Raven Clan pero malaki ang tiwala ko kay Klein na
aking kaibigan at kamag-aral sa Altheria Academy.
"Ano bang gusto mong sabihin sa akin Klein? Masyado ba itong personal at
kinakailangan pa nating mapag-isang dalawa?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Ang totoo niyan, kahit mahigit isang buwan ko lang kayong nakasama... nag-enjoy
ako. Itinuring ko talaga kayo na parang totoong kaibigan at pamilya ko kaya naman
ngayong bumalik na ang ala-ala ko, ayokong amgtago ng sikreto sa inyo" Pagkukwento
ni Klein.
"Hindi ko alam kung maniniwala ko o hindi, pinadala ako ng Raven Clan para kuhanin
ka at isama sa grupo namin" Sabi ni Klein which is totoo naman, ilang beses na
nilang tinatangkang kuhanin ako pero hindi ko naman kung ano ang dahilan ni Klein
sa pagkuha. Wala namang espesyal sa akin at higit sa lahat clumsy nga raw ako.
"Pero kinukuha ka lang ng Raven Clan dahil may isang masamang tao ang nasa loob ng
Altheria"
Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Klein.
"Parehas ka lang naman gustong protektahan ng Altheria Academy at Raven Clan. May
kakaiba kang kapangyarihan Jasmin, sa oras na umilaw ang iyong kwintas ay
paniguradong kikilos na ang taong iyon at kukuhanin ka at gagamitin" Tuloy-tuloy na
sabi ni Klein at naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.
Kakaibang kapangyarihan? Ako meron? Asa naman. "Huy Klein baka mali ka ng
kinakausap" Awkward akong tumawa sa kanya, "Baka si Red ang tinutukoy mong may
espesyal na kakayahan at hindi ako"
"Ba't naman kita lolokohin? Sa oras na umilaw ang kwintas mo, maaaring malagay sa
panganib ang buong Altheria academy o kaya naman ang buong magical world na ito!
Jasmin binibigyan kita ng babala at hindi kita niloloko" Seryosong sabi sa akin ni
Klein at tuluyan ng napawi ang matamis na ngiti na nakapinta sa kanyang labi.
Nagsimula na rin akong maging seryoso. "Sabihin na nating totoo 'yang sinasabi mo,
pero sino naman sa mga taga-Altheria ang kukuha sa akin?"
"Ewan ko. Nakarating lang naman sa Raven Clan ang balitang iyon at ipindala nila
ako para kuhanin ka upang dalhin sa aming lugar. Ligtas naman sa loob ng Altheria
pero kung may kasama kang isang masamang tao na umiikot at gumagalaw rin sa iisang
lugar... Delikado iyon para sa iyo" Pagpapaliwanag sa akin ni Klein, ngayon ay
bigla kong naisip kung ilang beses tinangka ni Klein na kuhanin ako at kung paano
siya nagbalat-kayo bilang uwak upang manmanan ako.
"Pero bakit? Ano bang meron ako? Mga Raven Clan ang gumawa ng pagpatay sa ama ko"
"Hindi ko alam kung Raven Clan ang may gawa dahil noong panahong minamanmanan kita
ay nawalan na rin ako ng komunikasyon sa mga kasamahan ko. Pero sinisigurado ko
sa'yo, ibang mga alchemist ang may gawa no'n sa ama mo"
"Klein! Jasmin! Nasaan na kayo!" Malakas na sigaw ang aming narinig kaya napatigil
sa pagkukwento si Klein.
"Basta tandaan mo lagi Jasmin na mag-iingat ka, gagawin ko ang lahat para
protektahan ka. Tandaan mo 'yan" Sabi sa akin ni Klein at tinulungan akong tumayo.
"Nandito kami! Tulong!" Malakas na sigaw ni Klein
"Fuck! Anong ginagawa niyo d'yan!" Malakas na sigaw ni Red at mukhang pawis na
pawis at todong nag-aalala.
Kumamot ng ulo si Klein, bumalik na siya sa Klein na kakilala ko na palaging
nakangiti at nakatawa habang ako ay nabato sa aking kinatatayuan. Hindi ko na alam
kung ano ang ligtas na lugar para sa akin, hindi ko na alam kung sino ang dapat
pagkatiwalaan lalo na't isa sa mga tao sa Altheria ang gustong kuhanin ako at
gamitin ang kapangyarihan ko... kung mayroon man.
"Oh Red!" Parang bata na sabi ni Klein pati ako ay napatingala na rin. "Nadulas
kasi kami kanina rito sa bangin habang kumukuha ng bulaklak. Iligtas mo na 'ko pati
yung kasintahan mo bilis! Haha!"
Ngumiti sa akin si Klein at parang sinasabi na umakto lang ako ng normal dahil siya
ang bahala sa akin.
"Just wait" Hinawakan ni Red ang kanyang kwintas at nagsabi ng magic spell at bigla
na lamang kaming lumutang sa ere ni Klein hanggang sa makaangat na kami sa bangin.
"Jasmin!" Mabilis na tumakbo patungo sa akin si Bea at mahigpit akong niyakap.
"Akala ko kung napaano ka na lalo na't itong taga-Raven Clan na lalaki na 'to ang
kasama mo"
"Ba't ba laging masamang tao ang tingin mo sa akin, kulang pa ba ang mala-anghel
kong mukha para patunayan sa'yo na sagad ako sa kabaitan?" Pabirong sabi ni Klein.
"Huwag mo nga akong pinagloloko, mukha kang unggoy!" Mataray niyang sabi at umirap.
"Thanks to you, first time ko yatang magkaka-'F' sa report card ko dahil hindi kami
makakapagpasa" Seryoso ngunit may otoridad na bigkas sa akin ni Charly kaya
napakagat ako sa ibabang labi ko.
Lumapit sa akin si Charmaine, "Ako thank you talaga dahil ang dami naming moments
ni Red kanina, CharRed for the win. Maligaw ka ulit next time ah" Mahina pang
bumungisngis si Charmaine.
"Sayang naman 'tong bulaklak na nakuha ko. Isang beses lang 'tong tumutubo sa
sampung taon, sayang naman kung hindi natin maipapasa" May inilabas na bulaklak si
Klein at kumikinang ito, hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha.
Nanlaki ang mga mata ng mga kasamahan ko at parang na-excite silang magpasa.
"Harly! Anong oras na!?" Malakas na tanong ni Bea.
"4:30PM! May 30 minutes pa tayo! Aabot pa tayo!" Sigaw ni Harly.
Nagkatinginan kaming pito at nagsimula na kaming tumakbo patungo kay Sir Hafami.
"Bilisan niyo! Kapag ako nagka-'F' sa report card ko!" Malakas na sigaw ni Charly
pero pare-parehas naman kaming nag-e-enjoy sa pagtakbo. Para kaming mga bata na
naglalaro lang habang ginagawa ang assignment na ito.
"Okay lang magka-'F' sa report card ko, normal na 'yon. Pero bigyan niyo ako ng
himala! Lagyan niyo man lang ng isang 'A' yung report card ko!" Malakas na sigaw ni
Charmaine at nagbungisngisan kaming lahat.
Kung totoo man ang sinabi sa akin ni Klein. Kailangan ko lang mag-ingat at
kailangan kong alamin kung sino ang tao na gustong dumukot sa akin.
Ngayon ay Masaya ako, dahil alam kong nandito ang anim kong kaibigan upang tulungan
ako. Nand'yan ang White Soldier family upang gabayan at protektahan ako, nandito
ang mga guro ng Altheria Academy upang hasain ang aming kakayahan.
Napatingin ako kay Red at ngumiti ito sa akin... Nandito rin si Red na palagi akong
inililigtas sa oras na kinakailangan ko ng tulong o makakausap.
Ngayon siguro ay maaamin ko na siguro ito sa sarili ko. Tama nga yata si Nurse
Anne, may gusto nga yata ako kay Red.
Sorry for the delay Update, nasira kasi ang charger ng Laptop ko so sa mobile ako
nagta-type kaya mabagal.
***
Nakabalik na kami sa Altheria Academy at nakakuha nga kami ng mataas na grado dahil
kay Klein. Laking tuwa namin dahil kahit papaano ay hindi naging "F" an gaming
grade. "Paano ba kasi kayo napunta sa bagin na dalawa ha?" Pag-uusisa ni Bea habang
nasa loob kaming dalawa n gaming kwarto sa dorm.
"Nadulas kasi ako habang kinukuha namin yung bulaklak tapos nahatak ko si Klein
kaya parehas kaming nalaglag, ilang beses kaming sumigaw kaso mukhang hindi niyo
narinig" Paggagawa ko ng kwento. Ayokong magsinungaling pero kinakailangan kong
gawin this time. "Buti na nga lang at dumating si Red eh"
"Alam mo minsan nagtataka ako sa mga ikinikilos ni Red" Umupo si Bea sa tabi ko at
yumakap ng isang unan. "Lagi kong napapansin na nakatingin siya sa'yo tapos kapag
wala ka, hinahanap-hanap ka niya" Pagkukwento sa akin ni Bea. Sa hindi ko malamang
dahilan ay biglang nag-init ang aking pisngi. "Oh ba't namumula ka?"
Inihampas ko sa kanya ang isang unan. "Baliw ka, kung ano-anong pinagsasabi mo.
Alam mo naman si Red, minu-minutong may regla yung lalaki na 'yon"
Ngumisi sa akin si Bea at inihampas niya sa akin ang hawak niyang unan at parehas
kaming naghampasan at malakas na tumawa.
"Sana parati na lang ganito 'no? Yung walang problema" Sabi sa akin ni Bea at
nagtawanan na naman kaming dalawa. Wala namang malungkot na araw kapag kasama ko
ang babaeng ito eh.
***
Lumipas ang mga araw at lagi kaming magkakasama nina Red, Bea, Charmaine, Charly,
Harly, at Klein. Ewan, sa hindi ko ring malamang dahilan ay naging isang malaking
samahan kami kahit na magkakaiba ang mga ugali namin.
Nagkakausap na rin kami ni Harly at medyo bumabalik na sa dati ang aming pagsasama.
Hindi ko nga inaasahan na magiging isang sikat na samahan kami sa Altheria Academy.
Madalas kaming usap-usapan ng mga tao dahil nagsama-sama raw kami. Si Red na sikat
sa Altheria dahil siya ang kauna-unahang estudyante na nakapagpailaw ng kwintas, si
Charmaine na queenbee, si Harly at Charly na parehas sikat dahil sa pagiging
matalino ng dalawa, si Bea na miyembro ng school committee, si Klein na parang anak
ni Mrs. Evelyn... at ako? Hindi ko alam kung bakit nasama ako sa mga sikat na taong
'to. Nadawit nga lang yata ako.
We've become talk of the the whole Marsham division and we've become the most
famous party around here. Unexpected pero iyon talaga ang nangyari.
"May activity na naman tayo mamaya sa Combat class kay sir Steven" Inis na sabi ni
Charmaine, "Kinakailangan ko pang madumihan ang aking mga kamay para lang sa klase
niya na 'yon like duh!" Inis na sabi ni Charmaine habang nasa loob kami ng
cafeteria.
Isa sa dahilan kung bakit sumasama sa amin si Charmaine ay dahil kay Red, pero
minsan hindi nakakasama si Red dahil sa praktis niya kaya hindi rin sumasama si
Charmaine. Ang goal niya talaga sa pagsama sa amin ay akitin si Red.
"Masaya naman yung klase na 'yon ah" Sabi ni Bea, "Yung tipong natututo tayo ng
self defense. Para kapag nalagay sa peligro ang mga buhay natin... mapagtatanggol
natin ang mga sarili natin"
Kapag tinitignan ko ang kwintas ni Red ay hindi ko maiwasang mainggit. Siya kasi ay
kaya niya ng kontrolin ang kapangyarihan niya. Samantalang ako, patapos na 'tong
unang semestre ay wala pa rin.
Nagsimula lang naman akong maging curious sa kapangyarihan ko simula no'ng sinabi
ni Klein na may espesyal akong kakayahan. Gusto ko kasing makumpirma kung totoo ang
sinasabi niya.
"What?" Inis na pagtatanong ni Red nung mapansin niya ako na nakatingin sa kanyang
kwintas. Isinara niya ang librong kanyang binabasa at itinago ang kanyang kwintas
sa ilalim ng kanyang polo. Tsk. Sunget.
"Sa library, ang iingay niyo" Tipid niyang sagot at kinuha ang lahat ng gamit na
nasa lamesa.
Nakatulala lamang kami habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo. Medyp sanay na
rin kami sa ugali no'n.
Ilang minuto ang lumipas ay nandito pa rin kami, kakwentuhan ko sina Klein at Bea.
Si Charmaine naman ay pilit binibwisit si Red. Si Klein ay bumalik na sa kanyang
classroom dahil may klase pa siya.
Natigil na lamang kami ng malakas na ibinagsak ni Red ang hawak niyang libro sa
lamesa at tumayo. Napatigil kami sa pagtawa ni Harly at napatingin sa kanya "Saan
ka pupunta Red?" Pagtatanong ni Charmaine.
"Class" Tipid na sagot ni Red at naglakad na palayo. Napatingin ako sa wrist watch
ko, Oo nga! Magsisimula na ang next class namin. Hindi ko napansin ang oras dahil
napasarap ang kwentuhan namin.
"Anong nangyari ro'n? Ba't biglang tinoyo?" Pagtatanong sa akin ni Bea , itinaas ko
ang balikat ko bilang tugon dahil hindi ko rin alam ang nangyayari kay Red.
***
Nagtungo kami sa malawak na puting kwarto. Sabi ni Sir Steven ay training ground
daw iyon dahil napapaligiran ng magi spells ang buong kwartong iyon kaya hindi ito
makakagawa ng pinsala sa aming paaralan. Si sir Steven ang combat trainer namin.
May bulung-bulungan na naman akong narinig galing sa mga kaklase ko. Mahigpit at
masungit kasi na guro itong si sir Steven. Nagawa niya ng ipahiya si Charmaine
dahil sa kalampahan nito.
"Ano kaya yung pinapagawa ni sir Steven doon?" Curious na pagtatanong sa akin ni
Bea pero napapakagat na ako ng kuko dahil sa kaba.
"Ano ba Jasmin!" Hinampas ni Bea ang balikat ko, "Ang laki ng takot mo sa multo"
Nangingisi niyang sabi sa akin.
"Jasmin and Bea" Pagdungaw ni Sir Steven at tinawag ang aming pangalan. Shit please
lord guide me huhu. Baka miyembro ng kulto itong si sir Steven.
Magkahawak kami ng kamay ni Bea na pumasok doon. Pagkapasok namin sa loob ay
isinara agad ni sir Steven ang pinto.
Napakapit ako sa balikat ni Bea no'ng biglang magdilim ang buong paligid. Hindi ko
alam kung ano ang nangyari sa puting kwartong ito, hindi na rin namin mahagilap
dapawa si Si Steven.
"Ano ka ba! May multo rito Bea, tumakbo na tayo palabas" Napayakap ako sa kanya at
napapikit.
Pero habang naglalakad kami ay may biglang may mga kamay na kumapit sa aking paa.
Paglingon ko rito ay tumambad sa akin ang nakakatakot na hitsura ng ghoul.
Mabilis akong hinatak ni Bea. "Bitawan mo ang kaibigan ko! Hindi mo pwedeng saktan
si Jasmin!" Malakas na sigaw ni Bea.
Noong makuha ako ni Bea ay mabilis niya akong niyakap. Tinignan namin dalawa yung
ghoul na naglalakad papalapit sa amin, pero ilang saglit lang ay unti-unting nag-
anyong tao yung ghoul at nawala na ang kulay itim sa paligid. Ang ghoul kanina ay
si Sir Steven.
"Magaling Bea, napailaw mo ang kwintas mo" Sabi ni sir at tinatakan ng 'A' ang mga
notebook namin. "Kulay purple? Nakakamangha dahil Yelo ang iyong kapangyarihan at
Isa kang Battle mage. Isa sa pinakamataas na job dito sa Altheria"
"Sir nasaan na yung ghoul?" Natatakot kong sabi at hindi pa rin nawawala ang
pagkakakapit ko sa aking kaibigan.
Natapos ang araw na iyon at natapos na rin ang practicum. Kagaya ni Bea, tuluyan na
ring umilaw kwintas ni Harly. Matingkad na asul ang kulay nito, sabi ni sir Steven
ay isang Warlord daw si Harly at kaya nitong kontrolin ang anino o dilim.
Masaya ako para sa dalawa kong kaibigan pero syempre... Mas lalong lumalaki ang
inggit kong nararamdaman.
"Ang saya ko para sayo" Yumakap ako kay Bea at nagtatalong kaming dalawa sa ibabaw
ng kama. Alam ko kasing matagal ng hinihintay ni Bea na umilaw ang kanyang kwintas
at sa wakas dumating na ang panahong iyon... Well, lahat naman kami ay naghihintay
ng pagkislap sa bawat kwintas namin.
"Kahit ako hindi ko rin inaasahan na iilaw yung kwintas ko eh" Napatigil kami sa
pagtalon at umupo na, "Alam mo, hindi ko naman intensyon na pailawin ang kwintas
know, that time kasi ay ang tunatakbo lang sa isipan ko ay protektahan ka eh.
Napangiti ako sa sinabi ni Bea at muli siyang yinakap. Mabuti na lamang at may
kaibigan akong katulad ni Bea na sobrang bait at sobrang talino.
"Ano ka ba Jasmin, hindi ko pa alam gamitin ang kapangyarihan ko. Maraming training
pa ang kinakailangan kong fawin," Tumayo si Bea at pumunta sa higaan niya. "At isa
pa sabi ni sir Steven ay huwag ko raw basta-basta gagamitin ang magic ko. It was
offensive type of magic kaya maaaring malaking pinsala raw ang maidulot nito"
Napatingin ako ulit sa kanya. Naiinggit ako, pero hindi ako pwedeng magpadala sa
inggit dahil paregas kong kaibigan si Harly at siya. "Masaya ako para sa inyo ni
Harly"
She mouthed 'thank you' at nagtungo si Bea sa banyo upang mag-ayos dahil matutulog
na kami.
Ngayong mag-isa muli ako ay muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni
Klein, sino naman kaya ang magtatangka rito na gamitin ang kapangyarihan ko kung
sakaling umilaw na ang kwintas ko? Isa kaya sa mga kaklase ko? Isa sa mga family
members ng White Soldier? Taga-ibang section? Who knows. Ang alam ko lang ay
nanganganib ang buhay ko pero wala akong ideya kung sino ang gagawa no'n
Kinabukasan ay wala ang mga guro. Nakakaasar nga dahil ang aga kong pumasok ngayon
pero wala naman sila.
"Bea ba't wala raw yung mga teacher?" Pagtatanong ng isa kong kaklase habang ako ay
napadukdok na lang muli sa desk ko dahil kulang na kulang ako sa tulog sa kakaisip
sa mga sinabi sa akin ni Klein.
"Hindi ko alam eh. Pero kapag nalaman ko, i-inform ko kayong lahat" Narinig kong
sabi ni Bea. Napakabait ni Bea sa lahat ng estudyante rito kaya naman hindi na
kataka-taka na hinahangaan skya ng karamihan dito sa Marsham Division.
Malakas na tumawa si Harly dahil siya ang may kagagawan no'n. "Kaya ang sarap mong
gulatin Jasmin eh, your reaction was always priceless haha!" Hinampas ko siya sa
balikat dahil sa inis pero mas lalo lang lumakas ang tawa ni Harly. Bwisit 'tong
lalaki na 'to, ang holig niya talaga na bigla na lang susulpot.
"Alam niyo ba kung bakit wala ang mga teacher?" Sigaw ni Harly at napalingon sa
kanya ang lahat dahil sa kuryosidad. "Marsham Ball. Nagmi-meeting sila sa
gaganaping ball"
Sa sinabing iyon ni Harly ay nagsigawan ang nga kaklase ko. Psh. Parang prom lang?
"Narinig mo 'yon Jasmin?" Hinampas-hampas ni Bea ang balikat ko. "Starting tomorrow
kailangan maging maganda ako para may mag-aya sa akin"
"Kahit hindi ka na magpaganda, paniguradong may mag-aaya sayo" Hello! Ang ganda
kaya ni Bea tapos ang talino pa! She's the epitome of beauty for me.
Hindi na natapos ni Bea ang kanyang sasabihin ng biglang pumasok sa class room si
Charmaine na hingal na hingal. "Guys! Guys! Guys..." Nagtatalon si Charmaine at
pinagmamasdan pang namin lahat siya kasi parang napapraning na 'tong babae na 'to.
"Oh eto tubig uminom ka muna" inabutan siya ni Harly ng bottled water at mabilis
itong ininom ni Charmaine.
Ilang beses muna siyang huminga bago nagsalita, "Si Red tsaka si Klein nasa
training room... Naglalaban"
Nagkatinginan kaming lahat. Dahil wala namang klase ay mabilis kaming nagtungo sa
training room. "Sigurado ka ba d'yan sa sinabi mo?" Tanong ko.
"Boba malamang! Kaninang umaga ko pa binubuntutan si Red then may pinag-usapan sila
ni Klein tapos nagpunta sila sa training room.l"
***
KLEIN
Habang naglalaban kami ni Red ay bigla na lamang sumulpot sina Jasmin. Exciting, si
Jasmin naman kasi talaga ang pinakarason kung bakit kami naglalaban.
Mabilis kong ginamit ang apoy upang umangat ako sa lupa dahil sinubukan patamaan ni
Red ng kutsilyo na pinapalutang niya sa hangin.
Kaya ako inaya ni Red ay gusto niyang malaman lahat ng pinag-usapan namin ni
Jasmin. I don't knwo to him. Bakit ba ingat na ingat siya kay Jasmin? Dahil ba
magkarugtong na ang buhay nilang dalawa? O baka naman may mas malalim pang
pinanghuhugutan 'to.
Panay iwas lang ako sa ginagawa niyang atake pero natatamaan pa rin ako ng ilang
kutsilyo. May advantage ako dahil apoy ang kapangyarihan ko... Pero mukhang nag-
practice ng todo si Red at nagagawa niyang kontrolin ng maayos ang kanyang magi.
Pero mukhang desidido si Red na malaman ang lahat dahil patuloy lang siya sa pag-
atake gamit ang hangin. Saglit akong umatras at nag-summon ng dalawang lobo upang
kalabanin si Red. Kailangan kong magpahinga.
Kumaway ako kay Jasmin upang maibsan ang kaba niya pero masama niya lang akong
tinitigan kaya napatawa ako. Hindi birong kalaban si Red, humawak ako sa aking
kwintas at nagsabi ng magic spell.
Red was one of the outstanding student here at Marsham. Nakakamangha dahil
napakatulin niyang matuto at napakabilis ng improvement niya. Kumpara sa unang
pagtutuos namin nung unang beses, Red was rapidly improving.
May lumiwanag sa harapan ni Red at lumabas ang isang manipis na espada. Napangiti
ako, kailan ba ako huling nakakalaban ng ganitong kalakas na tao... Hindi ko na
matandaan.
"Uy tumigil na kayo! Bea tumawag ka na ng teacher!" Naririnig kong boses ni Jasmin
at tumakbo naman palabas si Bea.
Tumingin ako sa kanya at nag-peace sign. "Huwag kang mag-alala Jasmin, hindi naman
kami aabot sa point na magpapatayan" Gusto ko lang maging kampante kahit medyo
masakit na ang balikat ko dahil sa ilang malalalim na hiwa.
Muli akong napatingin kay Jasmin, I have better plan now. "Gusto mo ba talagang
malaman ang lahat?" Pagtatanong ko habang sinasangga ko pa rin ang atake niya.
Malakas ko siyang sinipa sa tiyan dahilan upang mapaatras siya. "Better save your
queen now"
Tumakbo ako tungo sa direksyon ni Jasmin habang inihahanda ang aking kutsilyo. Wala
akong balak saktan si Jasmin pero iyon lang ang tanging paraan para maisahan si
Red.
Noong mapansin ni Red kung saan ako pupunta ay mabilis siyang lumipad at bakipag-
unahan sa akin.
Jasmin was her Queen, hindi niya hahayaang may masamang mangyari rito. They are now
connected with invincible string.
Nung akmang isasaksak ko na ang aking kutsilyo ay mabilis itong niyakap ni Red.
***
Jasmin
Hindi ko alam ang tumatakbo sa mga oras na iyon ni Klein sumusygod siya patungo sa
aking direksyon habang nakatutok ang kutsilyo. Putek! Naingayan yata sa akin si
Klein kaya uunahin niya akong patahimikin. Huhu.
Pero habang tumatakbo si Klein ay kumindar ito sa akin na parang sinasabi na
magtiwala lamang ako sa kanya.
Akmang isasaksak na ito ni Klein sa akin at napapikit na ako dahil sa kaba pero
maya-maya lang ay biglang may mga bisig na pumulupot sa aking bewang at mabilis
akong iniilag.
Ilang segundo rin ang itinagal bago ako dumilat. Si Red. Yakap-yakap niya ako at
punong-puno ng pag-alala ang kanyang mata.
"Hoy Jasmin tumayo ka nga d'yan. Huwag kang tumingin sa mata ni Red baka ma-inlove
ka" Tinulungan akong tumayo ni Charmaine at ipinagpag pa ang uniform ko. "Huwag ka
ngang maging kontrabida sa love story namin. CharRed for the win"
Tumayo na rin si Red pero pagkatayo palang niya ay itinutok na ni Klein ang
kutsilyo niya sa leeg ni Red.
Tanging tango lamang ang naging tugon ko sa kanya at napahawak ako sa aking dibdib.
Hanggang gayon ay parang ramdan ko pa rin ang yakap ni Red sa akin... Ang mga yakap
niya na puno ng pag-aalala, ang yakap niya na nagiging dahilan ng pagbilis ng tibok
ng puso ko.
"Monggoloid talagang budoy 'yon" Inis na sabi ni Bea habang ikinukwento ko sa kanya
ang mga nangayari sa practice room. 'Diba nga ay umalis siya para tumawag ng mga
teacher. "Pa'no nalang kung nasaksak ka talaga niya? Paano na lang kung hibdi ka
iniligtas ni Red?"
Hinila ko siya paupo sa bench. "Ano ka ba, eto naman ako oh, Buhay na buhay!"
Masaya kong sabi sa kanya para kahit papaano ay ma-relax na siya.
"Buti na lang talaga at okay ka! Kung nagkataon eh may unang abnormal akong
mapapatay" Inis pa rin na sabi ni Bea. "By the way kamusta na si Red at Klein"
"Community service for one week" Tugon ko sa kanya. Napagalitan silang parehas ni
Mrs. evelyn, lalo na si Klein pero tinarawanan lang siya nito... Mukhang totoo nga
yung sinasabi ni Bea, abnormal si Klein.
Kpansin-pansin naman na panay ang retouch nitong kaibigan ko. Dati naman ay wala
namang itong pake sa magiging hitsura niya sa harap ng maraming tao. "Jasmin ayos
ba?" Pagtatanong niya sa akin pagkatapos maglagay ng pulbos.
Pinunasan ko ang bandang ilong niya at nag-okay sign sa kanya. "Ba't ka ba nag-
aayos?" Pag-uusisa ko at inilapag ang isang alvhemy book sa table, kailangan ko
pang mag-review about sa crafting dahil may quiz kami.
Pero imbes na sagutin niya ay kumuha siya ng lip gloss at nilagyan ang aking labi.
Wala na akong nagawa kun'di ayusin ito. "Malapit na kasi ang Marsham ball,
kailangan maganda tayo for the whole week para may date tayo"
"Para saan ba? Kapag pupunta vang ball required bang may partner ka? May batas bang
gano'n?" Inis kong sabi, nagpupunta naman akong prom nung highschool ako kasi ay
solo flight lagi ako.
"No, but that was the standard of our norms. Alam mo ba yung cute na member ng
football team?" Inalala ko ang mukha nito, siya yung dahilan kung bakit madalas
kaming natatambay ni Bea sa may field. "Siya yung gusto kong maging partner sa ball
kaso hindi niya pa ako inaaya"
Napairap naman ako sa hangin. "Eh ba't hindi ikaw ang umaya?"
"That's a major turn off may friend. Kailangan tayo ang lalapitan ng lalaki. Tsaka
ang panget tignan kapag babae ang nag-aya" Inayos ni Bea ang pagkakatali ng buhok
ko. "Basta for the whole week, magpaganda ka lang"
Pero kahit papaano ay nag-aalala rin ako kung may mag-aaya sa akin sa Marsham ball.
Kung meron, ade ayos. Kung wala... Okay lang din, may paa naman ako kaya pupunta
akong mag-isa.
***
"Charmaine may research pa akong gagawin eh. Hello and bye" Tatayo na sana ako pero
muli niya akong hinatak.
"Lumalaban ka na? Gusto mong sampalin kita?" Mataray nitong tanong kaya wala na
akong nagawa, umupo ako sa tabi niya. Paniguradong tungkol na naman kay Red ang
sasabihin nito. "May ka-partner ka na sa Ball?" Pagtatanong niya.
"Well... Maraming nag-aaya na maging partner nila ako dahil maganda ako" Bumuntong
hininga ako. Parehas sila ni Carlo, mahilig magyabang.
"Good for you, mamimili ka na lang kung sino sa kanila" Walang gana kong tugon.
Nakakainggit, buti pa sila may date na. Hays.
"Pero wala akong balak na pumayag 'no! Hinihintay ko pang ayain ako ni Red" Maarte
pa siyang tumawa at hinampas ang balikat ko. Kinilig ang lola niyo.
"Asa ka naman! Sagad sa kasungitan 'yon. Baka nga hindi pa um-attend ng prom 'yon
eh" Sagot ko sa kanya at sinamaan niya ko ng tingin.
"Alam mo, ang nega mo. Maghintay ka lang, CharRed for the win" Sabi niya, mukhang
kumpiyansa talaga siyang magiging ball dare niya si Red. Well good luck sayo
Charmaine.
"Oh sige alis na ko. Isasauli ko pa 'tong mga libro sa library" Tumakbo na ako
palayo.
"Oh sige. Kapag may date ka na ako una mong sasabihan. Kaya kong i-distinguisg ang
matino sa gago" Narinig kong sigaw ni Charmaine. Kahit naman papa maldita 'to ay
maait siya bilang kaibigan.
Si Charmaine ang tumulong sa akin nung natumba ako sa labanan nina Red at Klein.
Palagi ko kasi siyang pinapakopya ng assignment, mas malaki ang napapala niya sa
akin.
Pumasok ako sa library at isinauli ang mga libro. Kumuha rin ako ng mga librong
mababasa para malibang.
Ball date? Sows! Pupunta lang ako doon para kumain, hindi ko kailangan ng kasama.
***
Nasa kwarto lamang ako tutal wala namang pasok. Busy na rin ang mga teachers dahil
pinaghahandaan nila yung ball.
Malakas na sigaw ni Bea ang aking narinig, kakapasok niya lang sa dorm room namin.
"Oh bakit ka sumisigaw? May nangyari ba? Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Congrats" Walang gana kong sagot dahil mas nakapokus ako sa librong binabasa ko.
Nainis yata sa akin si Bea dahil bigpa niyang hinablot yung libro. "Wait ipitan mo
man ang ng bookmark para alam ko kung saang chapter na ko" Nag-aalala kong sabi.
"Puro ka aral this sem eh kaya walang umaaya sayo" Tinanggal ni Bea sa pagkakapusod
ang aking buhok at inayos niya ito. "Jasmin, Altheria was a magic school ! Lahat ng
magical experience mararanasan mo... Pero hindi sa loob ng apat na sulok ng
kwartong 'to" Itinulak-tulak ako ni Bea palabas ng dorm.
"Bea! Bea--" Malakas na kalampag ng pibto ang aking narinig. Pinagsaraduhan na ako.
"Huwag kang babalik dito hanggang wala kang date. I'm dead serious"
Napabuntong hininga na lamang ako. Kailan ba nagkaroon ng batas na may dare dapat
sa ball or date. Paano naman yung mga single na pagkain lang masaya na? Hay kaloka.
Naglakad na lamang ako tungo sa library. Doon may libro, tsaka nandoon yung mga
fictional boyfriend ko... Hinihintay ako at pinagbabawalan na magkaroon ng ball
date.
Habang naglalakad ako ay may nakabunggo akong lalaki at napaupo ako sa sahig.
"Aray" Sabi ko habang hawak ang pwetan ko, grabe! Ang sakit ng bagsak ko na 'yon
ah.
Tinignan ko kung sino yung nakabangga sa akin. "Oh Charly ikaw pala, galing kang
library?" Napansin ko kasi ang dami ng libro na hawak nito. Puro naman iyon tungkol
sa pagkokontrol ng magi kaya hindi ako maka-relate.
Psh. Isnabero talaga. Hindi man lang nag-sorry, he's the perfect example of a
gentleman.
Maglalakad na sana ako. "Jasmin wait..." Sabi ni Charly at napalingon ako sa kanya.
"Ano?" Napakunot na ako ng noo habang siya ay kagat-kagat niya ang ibabang labi
niya na parang nahihirapan sabihin ang mga sunod niyang bibitawan na salita.
"Wala never mind. Try to read this novel book" Inabot niya sa akin ang isang novel
book at naglakad na paalis. Weird, pero okay na rin 'yon dahil hindi ko na
kinakailangan.
Sinubukan kong bumalik sa kwarto kaso mukhang seryoso talaga si Bea na hindi niya
ako papapasukin hangga't walang ball date. Huhu saan kaya ako matutulog nito?
Nagpunta na lang ako sa rooftop upang doon magbasa. Atleast dito at tahimik at may
covered so may lilim naman kahit papaano.
Habang nagbabasa ako ay biglang may humawak sa balikat ko. "JASMIN!" Muntik ko pang
ihagis yung libro kong hawak dahil sa gulat. "Wahaha ang panget mo talaga kapag
nagugulat"
Putek na Klein 'to. Kung si Harly mahilig sa pagsulpot-sulpot, eto naman si Klein
ay mahilig manggulat. Kapag ako inatake sa puso... Edi shing!
"May itatanong sana ako eh" Itinaas ko naman kilay ko para itanong kung ano 'yon.
"May kasama ka ng pupunta sa Ball? Ibig kong sabihin, may date ka na?"
Napabuntong hininga naman ako. "Wala pa nga eh. Pupunta na lang ako mag-isa doon.
Kakain lang ako tapos magte-take out, babalik sa room matutulog then tada! Nairaos
ang Marsham ball" Sagot ko sa kanya. Ba't ba tinatanong ni Klein? Siguro ay
pagtatawanan niya ako dahil mayroon na siya. Sikat din kasi 'tong mokong na 'to sa
Altheria.
"Ba't ba ang slow mo? Inaaya kita! Ikaw sana yung Prom date ko" Nakangiting sabi sa
akin ni Klein. Tinignan ko siya at may suot pa siyang shades. Monggoloid talaga,
ang kulimlim ng panahon tsaka nag-shades.
"Oo" Nakangiti niyang sagot. "Hihintayin ko ang sagot mo bukas ah?" Tumakbo na si
Klein paalis.
Napahawak ako sa aking pinsngi. Ito yata ang unang beses na may nag-aya sa akin
bilang date sa prom.
Gusto kong um-oo agad sa alok ni Klein pero bakit gano'n? Parang may hinihintay
akong tao na magtatanong sa akin?
Nasa kwarto na ngayon ako, mabuti na lamang at pinagbuksan na ako nitong si Bea.
Saktong alas dose ng hating gabi niya ako pinagbuksan, beastmode tuloy ang eyebags
ko ngayon dahil sa puyat.
"Inaya ako ni Klein as his Ball date" Sabi ko sa kanya habang kumakain kami ng
almusal. Parehas kaming may klase ng 10:00 AM. Predictology II.
"Oh anong sagot mo?" Nakakunot ang noo niyang tanong na parang excited na excited
malaman.
"Good ihuli mo si Klein sa choice mo. I'm pretty sure marami pang mag-i-invite
sayo. Kapag no choice ka na, kay Klein ka sumama" Mahabang litana niya at uminom ng
tubig.
"Pero hindi mo maaalis yung fact na monggoloid siya" Well it's quite true kaya wala
akong reklamo. "Oh sige, mauna na akong maligo sa'yo ah" Tumango naman ako at
itinuloy na ang aking pagkain.
Binuklat ko ang sunod na pahina kaso ay may isang papel na nahulog. Ang clumsy rin
pala nitong si Charly, idol yata ako. Nag-iipit ng papel sa novel book.
Nanlaki ako sa aking nabasa. "Omo ball date daw? Ang swerte naman nung inaya ni
Charly.
Ibabalik ko na sana yung papel... Pero teka! Jasmin ang pangalan ko 'diba? Ako yung
inaaya ni Charly? As his prom date?
"W-wala, mainit lang. Sige maliligo na 'ko" Sagot ko at nagmadaling pumunta ng CR.
Si Charly ba o Si Klein? Ang gulo naman! Pero bakita parang may hinihintay pa rin
ako?
Gusto ko si Red... No! I mean... Kung pwede sana si Red ang maka-partner ko sa
ball, mas komportable kasi kapag siya ang ka-partner ko. Ilang besea niya na akong
iniligtas kaya magiging okay kung siya ang makakapartner ko. Kaso mukhang
imposible.
Habang nagkaklase kami ay hindi ko maiwasang mailang kay Charly. Minsan nagtatanong
siya tungkol sa librong binabasa ko ngayon pero ang tipid lang ng mga sagot ko.
Hindi ko alam, parang biglang nailang ako.
Palabas na kami ng room at nagmamadali akong umalis, masyadong maliit ang classroom
para sa amin ni Charly at masyadong maliit ang Altheria Academy para sa amin ni
Klein.
"Ah Jasmin, wait" biglang lumapit sa akin si Red kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Ano?" Casual kong sagot pero umaasa ako na aayain niya ko sa ball.
"May I borrow your notes? Magre-review lang ako mamayang gabi, babalik ko rin
bukas" Sabi niya at hinatak ang isang notebook na hawak ko. Psh! Wala talagang bait
sa katawan. "Thanks" Anong magagawa ko eh hawak niya na.
"Bakit ano pa bang dapat kong sabihin?" Nakakunot ang noo niyang tanong. "Nababaliw
ka na naman" Nafsimula na siyang maglakad paalis.
***
Nakalimutan kong puntahan si Klein kahapon para ibigay ang magiging sagot ko. Balak
ko sanang humindi kahapon pero ngayon eh pag-iisipan ko na itong mabuti.
Naging busy na ang school para sa gaganaping ball. "Happily ever after" ang theme
ng ball, kailangan daw magmukhang prinsesa at prinsipe. Saan naman ako hahagilap ng
susuotin?
Napapikit ako ng biglang may humipan sa tenga ko. "Haha! Kung allowed lang ang
cellphone dito sa Altheria pi-picture-an kita eh. Your reaction was always
priceless" Sabi ni Harly at umupo sa aking tabi. Nasa cafeteria kasi ako, may ilang
minutong break kami bago ang sunod kong klase. Combat class, ang subject kung saan
ako pinakamahina.
"Problemado na nga ako tapos nanloloko ka pang ganyan" pumangalumbaba ako at masa
siyang tinitigan.
"Sorry na, eto oh binili kita ng orange juice" Inilapag niya iyon sa lamesa. "Ano
naman ba kasi ang tumatakbo sa isip mo?" Curious niyang tanong.
Sasabihin ko ba? Sige na nga, isa naman si Harly sa matatalik kong kaibigan dito sa
Altheria eh. "Eh paano inaya ako ni Charly at Klein sa ball. Naguguluhan ako kung
kanino ako sasama. Humigop ako ng orange juice na bigay ni Harly.
Pansin ko ang saglit na pagtigil ni Harly. "Oh ba't parang na-stroke ka d'yan?"
Pagtatanong ko sa kanya.
Saglit akong lumayo sa kanya, "'Wag mong sabihin na aayain mo rin ako? Nako Harly
umayos ka ah" Pabiro kong sabi.
"Oo" hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi habang ako naman ay unti-
unting nawala ang nakakurbang ngiti sa aking bibig. "Ikaw lang naman ang gusto kong
kasama sa ball eh"
Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita. Si Charly, si Klein, tapos ngayon naman
si Harly. Sabay-sabay bang tumira ng drugs 'tong tatlong 'to?
"Kailan ba ko nagloko pagdating sayo?" Inilapit pa ni Harly ang kanyang mukha kaya
ako ang bahagyang naatras. "Kaya ako na lang i-partner mo"
Itinulak ko siya palayo at natawa naman siya. "Ewan ko sa inyo. Dumagdag ka lang sa
mga pinoproblema ko" Kumamot ako ng ulo pero malakas lang na humalakhak si Harly.
"Ako na lang kasi piliin mo. I-reject mo na yung dalawang 'yon" Sabi niya pero
ginulo ko ang aking buhok.
Tumayo ako. "Bigyan niyo pa ko ng time mag-isip pwede?" Nagmartsa ako paalis ng
cafeteria pero malakas na tumawa si Harly.
Mas naging mahirap lang ang sitwasyon ko. Jusko po! Sino ang pipiliin ko.
***
Kahit naman kulang ng pitong buwan si Klein nung pinanganak eh marunong naman 'yon
tumanaw ng utang na loob. Grabe ang respeto no'n kay Mrs. Evelyn at lahat ng
iniuutos nito ay sinusunod niya"
Binuksan ko ang pinto ng faculty. Bumungad sa aking ang maraming guro na busy na
busy sa kanilang ginagawa, lahat sila ay busy sa paghahanda sa ball.
"Oh ba't nandito ka?" Pagtatanong ni Klein habang pinupunasan ang pawis sa kanyang
noo.
"Klein! Padala naman nitong kahon na 'to sa Gym" Sigaw ni sir Hafami.
"Opo!" Malakas na sagot ni Klein . "Bukas mo na lang sabihin Jasmin ah, medyo busy
kami ngayon eh. Dumating na kasi yung mga pinagawang materyales galing sa Alkhemia"
Sabi niya at tumakbo na papasok sa Faculty.
Nanlulumo akong bumalik ng dorm. Paano kaya kung pumunta na lang ako mag-isa? Eh
paano kasi hindi pa ko inaaya ni... Wala! Pipili nalang ako sa kanilang tatlo.
"Oh ba't nakabusangot 'yang mukha mo" Sabi ni Bea. Nasa harap siya ng lamesa ngayon
at sinusubukang gawing yelo ang isang baso ng tubig. Ilang beses na siya nagpa-
praktis, paminsan-minsan nagagawa niya... Pero mas madalas na pumapalpak siya.
Naikwento ko na rin sa kanya kagabi yung tungkol sa tatlo. "Hindi ko pa rin alam
ang isasagot ko eh! Tulungan mo naman ako Bea"
"Loka-loka ka! Ako ba inaya? Ako ba?" Sarkastiko niyang sabi. "Piliin mo kung sino
ang napupusuan mo... Pero mukhang wala naman sa tatlo eh" Ngumisi siya sa akin ng
malaki. "Hinihintay mong ayain ka ni Red 'no?"
"Alam mo Jasmin, kung gusto kang ka-partner ni Red, aayain ka na niya agad-agad.
Hello! Apat na araw na ang lumilipas pero nganga pa rin... Pumili ka na sa tatlo...
Huwag lang si Klein" Mahina naman akong napabungisngis.
Kung napapakilig kayo ng JaRed, HarMin, CharMin, at KleMin. Sana pakiligin niyo rin
ako by votes, comments, and shares :)
***
"Bea anong susuotin natin sa ball? Wala pa kong damit, hindi naman tayo papayagan
na lumabas ng Altheria para mamili" Sabi ko kay Bea. Dalawang araw na lamang kasi
ay Marsham Ball na.
"Tama 'yan! Magpakasaya tayo" Nakangiti niyang sabi at yumakap sa akin. Alam ko
namang iniisip lang lagi ni Bea na maging masaya ako. Ngayong wala na akong pamilya
na natitira, si Bea ang tumutulong sa akin. Parang isang kapatid na ang turing ko
sa babaeng ito.
Saglit akong lumabas ng dorm, busy kasi si Bea sa paglalagay ng design aa kuko
niya, wala naman akong hilig sa mga gano'n.
Saglit akong pumunta sa workshop ng white soldiers upang kamustahin sina Hades,
Marie, Carlo at ang iba pa.
Twice a week ay pumupunta ako sa workshop para makipagkamustahan sa kanila,
tinutulungan din naman nila ako sa mga synthesization na ginagawa ko at binibigyan
pa nila ako ng tips.
"Naiinggit lang ako kasi kayo may ball, samantalang kami wala" Sabi niya sa akin,
Oo nga papa, taga-Wanester Division nga pala 'tong lalaki na ito.
Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga. "Nandiyan ka lang pala" Nagulat ako sa
tinig na aking narinig galing sa pintuan ng rooftop. Napatingin ako rito at isang
nakatindig ang akinga nakita-- Si Red. Eto na ba 'yon?
"A-anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ko sa kanya at unti-unting tumayo.
Ayan na oh! Maganda na yung background! Romantic na yung atmosphere... Pero hindi
niya pa rin pala ako aayain sa ball. Huhu.
"Oh ba't nakabusangot ka d'yan" Kunot noo niyang tanong, hinablot ko na lamang yung
notebook ko sa kanya. "You're freakin' crazy. Magpatingin ka sa Infirmary mamaya"
Hindi ko siya sinagot bagkus ay sumalampak muli ako sa lapag. Umiiling na umalis
naman si Red. Pagkaalis niya ay tinignan ko yung notebook ko dahil baka nakasulat
doon or what katulad nung ginawa ni Charly... Kaso wala talaga, ako na yata ang
pambansang assumera ng taon.
Bukas talaga, paniguradong pipili na ako sa pagitan nina Klein, Charly, at Harly
***
"Jasmin paabot naman nung kurtina" Sigaw sa akin ni Bea habang nag-aayos ang buong
section namin sa Gymnasium. Napakalaki ng espasyo ng lugar na ito at kung hindi man
magkasya ang lahat sa loob ay pwedeng gamitin ang outdoor nito.
Nagdidisenyo kami ngayon ng gymnasium. Itinanong nga namin sa mga guro kung bakit
hindi na lang sila gumamit ng mahika nila upan dekorasyunan ang buong lugar pero
ang sabi na lamang nila ay huwag naming masyadong iasa sa magical powers namin ang
lahat kung kaya naman gawin ng dalawang kamay.
Ayaw rin nilang maging dependent kami sa aming mga kapangyarihan although hindi pa
umiilaw ang kwintas ko.
Inabot ko kay Jasmin ang kurtina at hinila naman nila ito paitaas.
Bandang alas-tres na ng hapon nung matapos namin ito. Naging maganda ang resulta
nito dahil sa pagtutulungan ng bawat isa.
"Good job guys!" Malakas na sigaw sa amin ni Bea dahil siya ang naatasan sa
proyektong ito, "gaya nga ng sinabi ni Mrs Evelyn, may free merienda tayo sa
cafeteria. So pumunta na lang kayo roon" Nagsigawan ang mga kaklase ko.
Habang isa-isang naglalabasan ang mga kaklase ko ay medyo marami pang kalat ang
naiwan kaya nagpresinta na ako ang maglilinis. "Sure ka Jasmin? Kaya mo na 'yang
mag-isa?" Pagtatanong sa akin ni Patty, isa sa mga kaklase ko.
Unti-unting nawala ang ingay galing sa tinig ng aking mga kaklase at naiwan akong
mag-isa. Hindi rin naman big deal iyon dahil gusto ko rin namang maglinis.
Habang mag-isa ako sa Gym ay biglang lumakas ang ihip ng hangin. Weird! Kulob na
kulob naman dito pero bakit biglang nakapasok ang hangin?
Inilatag ko ang aking dalawang kamay at doon ito bumagsak. Nakasulat sa papel ay...
Will.
Maya-maya pa ay may kasunod pang papel ang lumilipad. Nakita ko na ito dati eh,
ganito ang ginawa ni Red no'ng magpadala siya nung sulat sa Altheria nung na kanila
Nanay Lena at tatay Larry kami.
YOU
BE
MY
BALL
DATE
Biglang naging parang tambol na naman ang tibok ng aking dibdib at napakagat ako sa
ibabang labi dahil sa kilig. I suddenly shrug my hair, 'wag kang umasa Jasmin,
masasaktan ka lang.
The last paper was flying in the air and head towards me. JASMIN. Ibig sabihin
lamang nito ay para sa akin talaga ang mga papel nito.
Dug dug. Dug dug. Ayaw tumigil ng malakas na kabog sa aking dibdib habang ako ay
nabato lang sa kinatatayuan.
Hindi ko alam ang magiging ekpresyon ko, dapat ba kong matuwa, mainis, magalit,
maiyak... Mix emotion.
"Will you be my ball date, Jasmin" Pagtatanong niya sabay kamot sa ulo niya. "I
know it's pretty late, nung una kasi ay wala naman talaga akong sumama sa mga
korning stuff like this. Pero..." Napakagat siya sa ibabang labi niya, "Sinabi sa
akin ni Hades na minsan lang mangyayari ang ganutong bagay so dapat enjoy-in ko"
"Oo"
Ako naman ang napakagat sa ibabang labi ko habang may luhang namumuo sa aking mata.
"Oo... Iyan dapat ang isasagot ko kung mas maaga mo akong tinanong. Sa'yo na rin
nanggaling Red, you're pretty late"
Nawala ang ngiti sa labi ni Red at bumalik ang mukha niya sa walang emosyon,
katulad na katulad nung una kaming nagkita. "Nakapili na ako sa tatlo pang nag-aya
sa akin kaninang umaga"
"Red hinintay kita..." I don't know why I being emotional. Parang isang confession
lang ang nagaganap. "I've waited for you, ang daming beses o araw na pwede mong
sabihin... Pero umasa lang ako, but I'm sorry my answer is no"
"But--"
"Red ang unfair naman sa napili ko, they also asked me. They fight fair and square,
ayoko namang saktan siya dahil lang sa biglaan mong pagtatanong. Gusto kitang
partner Red kasi pakiramdam ko safe ako kapag kasama kita. Pero this time late ka"
Naglakad na ako palabas ng gym dahil biglang mag-burst na lang lahat ng emotions
ko. Hinintay ko 'tong mangyari, Simula umpisa hinintay ko si Red... Eto naman ang
gusto ko 'diba? Ang tanungin ako ni Red, nung ini-imagine ko 'to sobrang saya
pakiramdam... Ngayong actual na itong nangyayari, hindi ko alam na masakit pala.
***
(AN) Every votes and cpmments matters this time, sisikapin ko pa ang magagandang UD
Guys!
.
Sa mga may twitter, kung gusto niyong manalo ang Algheria sa #Wattys2016 just
tweet:
Magpapaalam na rin sana ako na wala munang update bukas, I will attend some party.
So I need to prepare for it :)
Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. "Inaya kasi ako ni Red kahapon"
"Para saan?"
"Sa ball"
Napaupo si Bea at napatingin sa akin. "Oh then good! 'Diba crush mo si Red? Ade
ayos dream cone true--"
Dumampot si Bea ng isang cheese ball at ibinato sakin. "Deny pa more" Natawa siya
ng bahagya. "So anong sagot mo?"
Ilang segundo ang lumipas bago ako muling nagsalita, "I reject him"
"What?! Bakit mo naman ginawa 'yon? Kawawa naman yung tao" Tumayo ako at hinila ko
ang buhok niya, "Aray naman Jasmin! Ba't mo ginawa 'yon?"
"Ikaw ang nagsabi sa akin na dapat pumili na ako kanila Charly, tapos manunumbat
ka"
"Si Red naman talaga ang may mali. Huwag mo na 'yang problemahin, ang isipin mo eh
kung ano ang magiging ayos mo para mamaya" Sabi niya sa akin.
Hindi pa rin naman maiaalis sa akin na makaramdam ng guilt, may mga ni-reject ako
para sa pinili kong maka-partner. Feeling ko nga ay nalamatan na ang pagkakaibigan
namin ng dahil sa akin.
Maya-maya pa ay may biglang kumakatok sa pinto ng kwarto namin. "Hey uglies! Open
the door" Malakas na tinig ang aming narinig. Base sa panlalait na bungad nito...
Si Charmaine ang babaeng ito.
Tumayo ako at binuksan ko ang pinti. "Ba' ang tagal mong buksan?" Naglakad pa si
Charmaine papasok ng room namin. Habang naglalakad si Charmaine sa loob ay may
isang maliit na creature na sumusunod sa kanya, kumikinang ito at kulay berde ang
katawan.
"Fairy, boba. Her name was Venus, actually she was Charly's pet pero hiniram ko
muna" Proud na sabi ni Charmaine at umupo sa side bg kama. "Siya ang mag-aayos sa
ating tatlo"
Nakatitig lang ako sa fairy, pa'no kasi ay sobrang naku-cute-an ako sa kanya. Ang
liit kasi nito at makulay ang pakpak sa likod. "Huy Jasmin, inggit ka na naman.
Halika na, ikaw muna ang unang aayusan ni Venus" Sabi sa akin ni Charmaine at
hinatak paupo sa isang upuan. "Gusto ko maganda rin ang mga kaibigan ko kagaya ko.
Ayoko ng pangit na kaibigan"
"Wala" Maikling tugon nito. Lumapit sa akin yung fairy at hindi ko alam ang
pinaggagawa nito sa mukha ko. Pero minsan nakikita ko itong gumagamit ng magic
spell.
"Wala?" Curious kong tanong, hindi ko maidilat yung mata ko kasi pinapapikit ako ni
Venus na fairy.
"Oo, hindi naman kasi ako inaya ni Red. Ke'sa pumunta ako ng may kasama, pupunta na
lang ako mag-isa dahil baka sabihin pa ni Red hindi ako loyal sa kanya" Sabi ni
Charmaine.
Ilang minuto ang lumipas at hindi ko na alam ang ginagawa ng fairy sa mukha ko.
Sana lang bumagay ang make-up na ginagawa sa magiging kasuotab ko roon sa ball.
"Tapos na" Sabi sa akin ni Charmaine.
"Ano, ayos pang ba ang hitsura ko?" Pagtatanong ko sa kanya but she just smiled on
me.
Yumakap sa akin si Charmaine at itinuturing niya talaga ako bilang isang totoong
kaibigan, ilang beses din niya akong tinulungan kahit mga simpleng bagay lang.
Kapag nalaman niya kaya na may feelings din ako kay Red, magiging parehas pa rin
kaya ang trato niya sa akin?
"Venus ako naman ang next" Sabi ni Charmaine, she smiled at me bago umupo.
***
Nakarating kaming tatlo sa gymnasium at sobrang magical nga ng lugar, may mga fairy
dust na kumikislap sa buong paligid, may mga elves na nag-a-accomodate ng mga
student. Magical.
"Sure ba kayong mapapalitan ang suot natin kapag pumasok tayo d'yan? Parang ang
imposible naman no'n" Nanlulumo kong sabi dahilan upang hilahin ni Charmaine ang
buhok ko
"Nasa Altheria Academy tayo, ang dami mo ng bagay na nakita pero hanggang ngayon
hindi ka pa rin naniniwala sa magic" Sabi niya at hinatak na nila akong dalawa ni
Bea.
Naunang pumasok si Charmaine sa loob. Saglit na nagliwanag ang buo niyang katawan
at maya-maya ay nakasuot na ito ng floral dress at isang tiara sa ulo kaya umangat
lalo ang kagandahan nito. Maganda si Charmaine dahil sa mala-porselana nitong
kutis, umangat ang kagandahan niya dahil isang fairy rin ang nag-ayos sa kanya.
Sabi nila iba-iba ang magiging kasuotan namin dahil nakabase ito sa. Nakaramdam ako
ng kaba no'ng biglang nagliwanag ang buong katawan ko at sa iglap ay napalitan na
agad ang suot kong damit.
"Ang ganda mo" Sabi sa akin ni Bea at yumakap silang dalawa sa akin ni Charmaine.
"Bolera" Sabi ko at agad naman lumapit si Alfred kay Bea. "Ayan na yung partner mo"
Hinampas ko siya sa balikat.
"Ang papangit niyo, ade kayo na may partner" Inis na sabi sa amin ni Charmaine
dahil siya lang mag-isa ang maiiwan sa table namin.
Inilibot ko ang mata ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin namamataan si Red.
I just wanted to say sorry to him, hindi rin naman kasi naging maganda ang huli
naming pag-uusap.
"You're stunning today" Humarap sa akin ang isang lalaki. Malapit na pala kaming
maglakad sa red carpet. He was wearing a tux and a red bow tie on his neck. His
hair was quite messy na bumagay sa porma niya.
"Ikaw rin Charly ang gwapo mo ngayon" Nakangiti kong sabi sa kanya. Yeah, I chose
him... Matagal kong pinag-isipan ito pero si Charly kasi ay walang kaibigang babae
bukod sa amin, He is quite introvert, alam kong he takes a lot of guts para
tanungin ako kasi minsan lang naman magtanong ang mga introvert so I chose him.
Wala namang naging sama ng loob si Klein at Harly dahil parehas ko silang kaibigan,
alam naman nilang paniguradong may mare-reject ako.
Matapos ng ginawa naming paglakad ay umupo kaming dalawa satable. "Oh em gee! Hindi
mo naman sa akin sinabi na ang kakambal ko pala ang ka-partner mo" Sabi ni
Charmaine habang kumakain.
"Anyway nakakatampo lang pero dahil friend kita, forgiven ka na agad na gaga ka.
Pero... May chemistry kayo" Sabi niya sa akin at bumungisngis.
Nandoon naman ako sa ball pero parang mentally absent naman ako, inililibot ko kasi
ang mata ko pero hindi ko pa rin nahahanap si Red.
"Hoy Klein! Kung ano-ano na naman ang sinasabi mo!" Humarap si Bea kay Alfred ,
"Alfred it isn't true"
"Bwisit kang budoy ka!" Malakas na sigaw ni Bea at naghabulan na naman silang
dalawa sa buong lugar.
Sa buong inaandar ng programa sa ball ay iniisip ko kung kamusta si Red at kung ano
ang rason niya kung bakit hindi siya um-attend. Hibdi rin naman ako mapapakali kung
hindi ako makakahingi ng tawad sa kanya.
Tumayo ako, "Oh saan ka pupunta?" Pagtatanong sa akin ni Charly "Samahan kita"
"Hindi na, magpapahangin lang ako saglit sa pabas. Babalik din ako after 5 minutes"
sabi ko sa kanya.
Isang lugar ang hindi ko napupuntahan at iyon ang maze sa garden. Naglakad ako
patungo roon pero nagulat na lamang ako ng bigla akong umangat sa lupa. Pataas ng
pataas. Dalawang kamay ang mahigpit na nakayakap sa akin.
Hindi ko alam kung anong tawag sa cretaure na kagaya niya. Kulay itiM ito at may
paa na parang lobo, matutulis ang kuko nito dahil ramdam ko ang pagbaon nito sa
aking braso. May kulay itim itong pakpak at tanging puti lang ang kulay ng mata
nito.
"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Malakas kong sigaw ngunit nakalabas na ito sa
Altheria Academy. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng Altheria Academy habang palayo kami
ng palayo.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to. Pero biglang may luhang bumagsak sa aking
mata.
***
RED
"Tumigil ka na" Sabi ni Hades sa akin habang nakaupo siya sa gilid at pinagmamasdan
ang ginagawa kong pag-e-ensayo. "Na-reject ka lang maging ball date pero ang OA ng
reaksyon mo"
He doesn't know kung gaano ko katagal pinaghandaab iyon, hindi niya alam ang
courage na kinailangan ko para itanong iyon... But still I'm rejected. I'm fucking
rejected.
Pinunasan ko ang pawis ko at muli kong sinubukan na gumawa ng buhawi gamit ang
aking kapangyarihan. "Wala ka bang balak pumunta sa ball?" Pagtatanong ni Hades.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumayo ako mag-isa. I don't need help from
anyone. Tumakbo ako, takbo hanggang sa mahanap siya.
Napahinto na lamang ako sa gitna ng garden maze ng may isang sapatos akong nakita.
Kilala ko ang nagmamay-ari ng sapatos na ito, minsan na itong nasuot ni Jasmin sa
Unity festival. She wouldn't left it without a reason.
Napatingin ako sa sapatos. Just fucking wait for me, I will find you.
***---***
Happy 10,000 reads Altherians! Thanks for waiting the update ahit medyo natagalan.
Please leave a comment and vote. Kung may twitter account naman kayo, just kindly
tweet:
Hindi naman inihinto ang programang nagaganap sa Marsham Ball pero mas pinili ng
mga kaibigan ni Jasmin na umalis roon..
Bumaba si Red sa school ground galing sa paglipad na tumatagaktak ang pawis. "Any
signs?" Pagtatanong ni Charly.
Umiling si Red at napahawak muli siya sa kanyang dibdib. Hindi mawala-wala ang
sakit sa kanyang dibdib. He must find Jasmin alive no matter what happen.
"Red huwag mo ng subukan na lumipad ulit" Pagsasaway sa kanya ni Bea dahil kitang-
kita niya sa kundisyon ni Red na nanghihina na ang binata. "Ipahinga mo na muna ang
magi mo. Magiging mas mahirap para sayo kapag nawalan ka ng kontrol dito"
Akmang gagamitin ulit ni Red ang kanyang kapangyarihan, wala na siyang pakielam sa
sitwasyon niya... Her queen was in danger. "Red ano ba! Nag-aalala rin naman kami"
Hinawakan ni Harly si Red.
"Itigil niyo 'yan" Isang matandang boses ang naglalakad tungo sa direksyon nila, si
Mrs. Evelyn kasama ang adviser nila na si sir Ernie.
Nasa school ground sila at napatigil sa pagtatalo. Napaharap sila kay Mrs. Evelyn.
"Alam kong nag-aalala kayo para sa kaibigan niyo ngunit hindi solusyon ang mga
padalos-dalos niyong desisyon" Wika ng matanda.
"Mrs. Evelyn! Payagan niyo na kaming lumabas, gusto naming hanapin ang kaibigan
namin" Wika ni Bea. "Umilaw na rin naman ang mga kwintas namin, kaya na namin
ipagtanggol ang aming mga sar--"
"Kaya niyong ipagtanggol? Ano ang kaya niyong gawin gamit ang kapangyarihan niyo?
Basic magic spells? Huwag na kayong makielam sa mga nangyayari, ang mga ganitong
problema ay mga opisyales at pamunuan ang gumagawa ng solusyon. Walang magagawa ang
mga estudyanteng kagaya niyo" Seryosong sabi ni Mrs. Evelyn.
"Ernie, ipahanda mo ang karwahe bukas ng umaga, ako mismo ang maghahanap kay
Jasmin" Wika ni Mrs. Evelyn. Sa totoo lang ay natatakot siyang hindi niya matupad
ang ipinangako niya sa namayapang ama ni Jasmin, po-protektahan niya si Jasmin
dahil lahat ng estudyante sa Altheria Academy ay itinuturing niyang pamilya.
"Tanda sasama ako" Wika ni Klein, tututol dapat si Mrs. Evelyn ngunit nakita niya
sa mata ni Klein ang nag-aapoy na determinasyon. "Marami akong alam na tagong lugar
at delikadong lugar sa labas ng Altheria Academy, baka sakaling makatulong ang mga
kaalamang kong iyon" Wika ni Klein, ibang-iba siya ngayon... Malayong-malayo sa
masayahin niyang personality.
"Hindi pwede" Mabilis na tutol ni Mrs. Evelyn. "Sir Ernie, ikulong mo ang mga
batang iyan sa silid kung saan mahihirapan silang makalabas"
"W-what?! Teka! Bakit parang pinaparusahan niyo pa kami? Concern lang kami sa
kaibigan namin" Inis na sabi ni Charmaine, siniko siya ni Charly dahil ang
principal ng Altheria Academy ang pinagtataasan nito ng boses. "I'm sorry"
"Concern kayo sa kaibigan niyo kaya't paniguradong gagawa kayo ng paraan para
makalabas ng Altheria. Sikat ang barkada niyo sa Altheria bilang mga pasaway na
estudyante" Tumalikod si Mrs. Evelyn. "Bukas Klein, alas-siete ng umaga. Sa oras na
ma-late ka ay iiwan ka namin"
"Huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat upang maibalik dito si Jasmin"
Nakangiting sabi sa kanila ni Klein. Kahit hindi sila sigurado kung
mapagkakatiwalaan nga ba si Klein ay aasa sila sa kakayahan nito.
"Wala tayong choice kun'di ang magtiwala sa pambansang budoy ng Altheria Academy"
Nagbuntong hininga si Bea at tumingin kay Klein. "Hoy Klein, ibalik mo dito si
Jasmin"
Nag-okay sign naman si Klein sa kanya. "Halika na" Pinasunod na ni Sir Ernie sina
Red patungo sa silid na sinasabi ni Mrs. Evelyn.
***
KLEIN
Nakasakay kami ngayon sa karwahe habang binabaybay ang daan patungo sa Alkhemia,
sabi ni tanda ay susubukan muna naming magtanong-tanong.
"Iyon nga rin ang pinagtataka ko dahil inaayos naman ang barrier linggo-linggo"
Pumangalumbaba si Tanda habang ako ay inisip mabuti ang bagay ba pwedeng naging
sanhi no'n.
"May nakakita ba kung anong klaseng creature ang kumuha kay Jasmin?" Pagtatanong
ko.
"May ilan na nakapansin. Kulay itim ito at parang lobo ang paa, iyon lang ang
deskripsyon na ibinigay ng ilang nakakita" Pagkukwento ni Tanda. Pinagkakatiwalaan
niya naman ako, tsaka nasa isang misyon kami. Kailangan mag-open kami ng
impormasyon sa isa't-isa.
"Base sa deskripsyon na ibinigay mo tanda, isang Imp ang dumukot kay Jasmin" Iyon
lang naman ang creature na pumasok agad sa isip ko. Marami na akong klase na
creature na nakita sa mundo ng mahika. Marami na rin akong nakasagupa at
nakakasigurado ako na isang Imp 'yon.
"Hindi kaya tanda..." Napatingin sa akin si Tanda. "Nasa loob ng Altheria Academy
ang nag-summon sa Imp. Mataas ang kalidad ng barrier na nakapalibot sa buong
Altheria Academy at imposileng makapasok ang isang imp. Puwera na lamang kung may
isang summoner na magsasamon ng imp mula sa loob ng Altheria dahil malaya itong
makakalabas ng academy" Pagpapaliwanag ko.
Matagal na akong may hinala na may isang tao sa loob ng Altheria ang gustong kumuha
kay Jasmin, pero isang malaking tanong pa rin kung sino iyon.
"Hindi ko alam tanda e. Hehe" Kumamot pa ako sa aking ulo. "Ikaw nga 'tong
principal dapat ikaw ang nakakaalam niyan eh"
"Bastos ka talagang bata ka! Sinasabi mo bang may pagkukulang ako sa pagpapatakbo
ng Altheria Academy" Inis na sabi sa akin ni Tanda.
Sumipol ako ng bahagya, "Sa'yo nanggaling 'yan tanda hindi sa akin"m-- Aray! Aray!"
Bigla kasing piningot ni tanda ang aking tenga. Ang sakit niya pa naman mamingot.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na rumespeto ka sa nakakatanda sayo" Wika niya
ngunit tinawanan ko na lamang siya. Sanay na rin naman siya sa mapaglaro kong
personalidad at ang madalas kong pagsagot sa kanya. Nagpapasalamat nga ako dahil
hibdi nagsasawa si tanda na alagaan at intindihin ako.
Habang nakasakay kami sa karwahe ay may biglaang pag-uga kaming naramdaman galing
sa itaas. "Anong nangyayari?" Pagtatanong ni tanda ngunit walang sumagit galing sa
labas.
Saglit kong inunat ang aking kamay dahil mapapasabak na naman ako sa matinding
bakbakan, "Wala naman masyado tanda, may mga gusto lang makipaglaro sa atin pero
ako na ang bahala"
Biglang may Imp na sumugod sa akin ngunit mabilis akong gumulong palayo at
ginamitan ito ng fireball. "Kalma lang muna kayo, hindi naman yata patas ang
nangyayari"
Humawak ako sa aking kwintas at nagbigkas ng magic spell. Matagal-tagal na rin nung
huli kong na-summon ang mga pinakamalalakas kong halimaw.
Ginamit ko ang buong lakas ko upang i-summon si Pyra. Isang diwata ng apoy.
Mas humigpit ang kapit ko sa aking kwintas upang i-summon ang isang demonyo galing
sa impyerno. Matagal na panahon ang ginugol ko bago ko matutunan i-summon si Ifrit.
Napansin kong napatigil ang mga Imp nung nakita ang mga summon monsters ko. "Akala
ko ba gusto niyong makipaglaro? Sugod na!"
May lumapit sa aking Imp at mabilis kong sinaksak iyon gamit ang nagbabaga kong
kutsilyo. Nasunog ang buong katawan nito hanggang sa maging abo. Hindi ko inaasahan
na hindi pa rin nawawala ang galing ko sa pakikipaglaban.
Patuloy lang ako sa pag-atake pero parang hindi nauubos ang bilang ng mga imp na
ito. Nanghihina na rin ako dahil ginagamit ko ang buong magi ko sa katawan.
Bumuga ng malakas na apoy si Ifrit at agad kong sinapo ang lahat ng apoy na iyon.
Ginamit ko ang buong lakas ko upang i-cast ang pinakamalakas na spell na alam ko.
"Hell rain!" Malakas kong sigaw.
Naglaho na si Ifrit at Pyra dahil sa pagod ko at tumatakas na rin ang mga Imp na
nakita ko.
"Tanda! Sundan natin ang mga Imp!" Malakas kong sigaw. "Kuya pakibilisan!" Sigaw ko
sa may nagmamaneho at mabilis niyang hinapas ng latigo ang kabayo upang umandar ito
ng matulin.
Nag-okay sign ako sa kanya pero hinahabol ko pa rin ang aking hininga dahil sa
pagod.
Ang dapat namin ngayong gawin ay sundan ang mga imp dahil nakakasigurado akong
maituturo nito kung nasaan ang lokasyon ni Jasmin.
***
RED
"Red kumalma ka nga" Pinaupo ako ni Harly sa isang sofa. "Magtiwala ka kay Klein"
Napakagat ako sa ibabang labi ko nung muli akong makaramdam ng kirot sa aking
dibdib. She's definitely not fine. There's an invisible string between us and I can
feel the pain.
"Hindi pwedeng wala akong gawin" Sabi ko at muli kong sinubukang gumawa ng buhawi.
Pinatama ko ito sa bakal na pinto ngunit wala pa ring epekto. Fuck.
"Just stop it okay. Walang magagawa ang mahika mo d'yan" Wika ni Bea.
Saglit akong nag-isip, walang magagawa ang mahika ko... Pero sa tulong nila,
paniguradong makakalabas kami rito. "Guys tulungan niyo ako puntahab natin si
Jasmin.
Nanlaki ang mga mata nila. Hindi ako masyadong close sa kanila... Pero bihira ko
pang ibaba ang pride ko para humingi ng tulong sa iba. Hindi ko kayang gawin mag-
isa.
I'm not the only one soldier who's protecting my queen. I have my friends.
Chapter 38 "Finding her"
Nakakatampo yung iba kasi hindi man lang nagko-comment at nagbo-vote, guys kaya po
ako araw-araw nag-U-UD dahil kasali ang Altheria sa Wattys2016. Sana tulungan niyo
akong manalo kahit isa lang please :)
***
RED
Tahimik lamang kami sa loob ng silid habang hinihintay ang pagdaan ng guwardiya na
nagbabantay sa amin. Kailangan ng perpektong team work upang maisagawa ang aming
plano. Gusto ko na rin makalabas dito.
"Guys ayan na! Ayan na!" Malakas na sigaw ni Charmaine at nagtago kaming lahat sa
likod ng isang kurtina.
"Charly ngayon na" Wika ni Bea. Siya ang nagplano ng lahat ng ito, she has a great
leadership at mabilis din ang kanyang utak sa pag-iisip ng taktika.
"Shut up. It was just an illusion, hindi totoo ang butas na 'yan. Gagamitin lamang
natin 'yan as a bait" Pagpapaliwanag ni Charly. He was illusionist pero hindi pa
gano'n kahasa ang kanyang kapangyarihan kaya ilang minuto pang ang itatagal ng
ilusyon na kanyang ginawa.
"Pare nakatakas ang mga bata" Narinig naming sigaw ng isang guard. Kumakagat na
sila.
"Ha? Patay tayo nito kay sir Ernie at mrs. Evelyn, kabilin-bilinan nila na bantayan
ang mga batang iyon! Buksan mo! Buksan mo!" Sigaw nung guard. Narinig namin ang
pagkalampag ng pinto at mukhang sinusubukan na nilang buksan ito.
Humawak si Bea sa kanyang kwintas at may mga iyelo na gumapang patungo sa paa ng
dalawang guard. Nabalot ng yelo an g kanilang paa na umakyat hanggang sa kanilang
hita. "T-teka anong nangyayari!?" Sigaw nung isa habang pilit na kumakawala sa
magic spell na ginawa ni Bea.
Hindi ko alam kung nasaang parte kami ng Marsham division ngunit pansin kong bihira
ang mga estudyateng napapadpad dito.
"Of course lalabas tayo at tutulong hanapin ang kaibigan natin" Sabi ni Charmaine
at kita ko ang kanyang pag-irap.
"Ikaw lalabas ka ng Altheria? Hindi pa nga nagkakaroon ng ilaw 'yang kwintas mo"
Inis na sabi sa kanya ni Charly. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makinig sa
maingay na pagtatalo ng magkapatid na ito. "Ano naman ang maitutulong mo ro'n?"
Maghintay ka lang Jasmin, makakalabas din kami rito. Kaming mga kaibigan mo ang
hahanap sa'yo. Napahigpit ang kapit ko sa aking dibdib ng bigla na naman itong
kumirot... Habang tumatagal ay pasakit ito ng pasakit.
"Red ayos ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni Bea. Kailangan kong hindi ipahalata
sa kanila na nahihirapan ako dahil baka maging cause lang 'yon ng pagka-delay namin
sa paghahanap kay Jasmin..
"Medyo hinihingal lang ako, napasobra yata ang paggamit ko ng magi kanina" Wika ko
sa kanya at pilit na ngumiti.
Hindi ang kundisyon ko ang importante ngayon. Alam kong mas nahihirapan si Jasmin
sa pagkakataong ito.
***
KLEIN
"Kuya, wala na bang ibibilis 'to?!" Malakas kong sigaw sa taong nagpapaandar ng
karwahe pero hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagod. Nasobrahan ako sa
pagganit ng magi kanina at hindi ito maganda. Aabutin ng ilang araw 'tong pagod na
nararamdaman ko.
Palayo na kasi ng palayo ang distansya sa amin ng mga Imp. Mahirap na kapag
natakasan nila kami.
"Huminahon ka nga Klein, walang magagawa 'yang pagpa-panic mo d'yan" Wika ni tanda
habang kumakain ng tinapay, hindi ko alam kung saan nanggaling ang tinapay na iyon.
"Pero tanda, yung mga Imp na iyon ang magiging daan upang mahanap natin si Jasmin"
Wika ko rito ngunit isang malakas na pingot ang natanggap ko sa kanya. "Aray! Ano
na naman ba tanda?" Naiinis kong sabi. Napapakagat na ako sa ibabang labi ko habang
nakatanaw sa mga Imp sa labas.
"Walang rason para mag-panic. I-relax mo lang ang katawan mo para mapabilis ang
pag-recover ng magi mo" Doon ko napagtantong tama si Tanda.
"Aba! Bastos na bata, ade sana nagbaon ka ng saiyo" Inis na sabi nito sa akin. Tsk.
Damot.
"Ewan ko ba kung bakit ang taas ng respeto sa'yo ng mga estudyante sa Altheria pero
kapag tayong dalawa lang ang magkasama ugaling jejemon ka rin tanda" Isang malakas
na pingot na naman ang natanggap ko sa kanya.
Ilang oras na rin kaming naglalakbay, mabuti na lamang at nasusundan pa rin namin
ang mga imp. Pero habang naglalakbay kami ay mas dumidilim ang mga paligid...
Habang palayo kami ng palayo sa Altheria Academy ay mas delikadong mga halimaw ang
maaari naming masagupa.
Nagulat na lamang ako ng biglang bumalik ang mga Imp papunta sa amin.
Sunod-sunod na pag-atake ang kanilang ginawa, nasa kalagutnaan kami ng isang
nakakatakot na gubat at hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatanaw na bahay.
"Nalintikan na" Nabigkas ko na lamang.
Akmang lalabas na ako ng karwahe ngunit pinigil ako ni tanda. "Huwag mong
puwersahin ang magi ko, magpahinga ka lang dito at ako na ang bahala" Sabi tanda.
Ni-minsan ay hindi ko pa siyang nakita na gumamit ng mahika dahil madalas ay
inaayos niya ang mga problema sa maayos na usapan.
Nagulat na lamang ako ng may malakas na sigaw ang narinig namin... Nasa
pinakamalalim kami na bahagi ng gubat kaya hindi na nakakapagtaka na may troll
dito.
Malalaki itong halimaw na may malaking katawan. Mukhang matanda ang hitsura nito at
kalimitang may hawak na club o kaya naman ay baston.
May munting apoy akong nakita sa kanyang daliri. Ibig sabihin lang nito ay parehas
kami ng kapangyarihan. Kaya pala ino-obserbahan niya lang ako habang nakikipaglaban
ako sa mga Imp kanina.
Walang nakakalapit na Imp kay Tanda dahil sa oras na makalapit ito ay unti-unti na
itong nasusunog at nagiging abo. Nakakamangha ang lebel ng kanyang kapangyarihan.
Hindi lang pala puro pabebe ang alam nito.
Ipinitik niya ang kanyang daliri at may hell wave na nangyari na umubos sa
karamihan ng Imp. Hindi naman makalapit ang mga troll dahil nature ang attribute
nila, alam nilang masusunog sipa kapag tinangka nila iyon.
Isa pang napansin ko kay tanda ay kulay asul ang apoy na lumalabas sa kanya. Hindi
biro 'tong si tanda, kung alam ko lang na parehas kami ng attribute ade sana
nagpaturo na ako sa kanya. Maraming bagong teknik at magical skill ang maituturo
niya sa akin.
Para akong bata na namamangha sa mahika na ginagawa na aking nanay. Hindi man kami
magkamag-anak ni tanda ay parang isang ina na ang turing ko sa kanya. Pero siyempre
hibdi ko sasabihin 'yon! Baka kiligib si tanda at mas lalo pang magpabebe.
Pansin ko ang pagtakas ng isang Imp kaya gumamit ako ng maliit na apoy upang
tirahin siya.
Naglabas ako ng apoy sa aking kamay upang gawing panakot. "Madali akong kausap,
basta ba ituturo mo kung nasaan ang TOTOO niyong pinagtataguan"
***
JASMIN
Nakakaramdam ako ng hapdi sa buo kong katawan habang nakakulong ako sa isang
kulungan. Wala akong ideya kung nasaan ako. Masyadong madilim ang paligid.
"Tulungan mo ako! Tulungan mo ako" Pagmamakaawa ko sa kanya. May mga tinik kasing
nakatusok sa aking mga kamay at dumadaloy ang dugo mula rito. Nanghihina ako unti-
unti dahil doon.
"Ba't naman kita tutulungan kung ako mismo ang dumukot sa iyo" Wika ng babaeng
kaharap ko ngayon, wala akong laban sa kanya, mataas ang lebel ng kanyang mahika
samantalang ako ay wala pang ilaw ang loob ng aking kwintas.
"Nung una ay matiyaga kong hinihintay ang pag-ilaw ng iyong kwintas, ngunit pitong
buwan na ang nakakalipas ay wala pa rin" Mariib niyang hinawakan ang aking pisngi
dahilan upang mapaungol ako sa sakit. "Walang bagay ang nakukuha sa matiyagang
paghihintay, kung gusto mong may mangyari, gumamit ka ng dahas"
Malakas niyang sinampal ang aking pisngi, hinihiling ko na pamang na sana ay may
taong tumulong sa akin. Dahil sa nangyayari ngayon ay hindi ko na alam kung sino pa
ang pagkakatiwalaan ko. Lumalabas kasi na kung sino pa pala yung itinuring kong
kaibigan ay siya pa ang biglang sasaksak sa akin patalikod.
"Hangga't hing kumikislap 'yang kwintas mo... Hindi matatapos ang paghihirap na
dadanasin mo" Wika niya.
"Just great," narinig kong bigkas ni Charmaine habang naglalakad kami. "Nakalabas
nga tayo ng Altheria pero hindi naman natin alam kung nasaan si Jasmin dahil sa
laki ng magical world na ito. We're just risking our lives for noth--"
"Just shut up sis. Una, hindi ka namin pinilit na sumama. Pangalawa, hindi natin
ito ginagawa para sa wala... Ginagawa natin ito para kay Jasmin" Mahabang litana ni
Charly na nakapagpangiti sa akin kahit papaano.
Naglalakad lamang kami ng biglang may mga goblins na pumalibot sa amin. Hindi ko
alam kung bakit nagiging violent ang mga magical creatures ngayon. Baka may nagpu-
push sa kanila upang gawin ang mga pag-atake, hindi rin naman pwedeng labanan namin
silang lahat dahil baka maubusan kami ng magi.
"Wait 'wag mong sabihin na lalabanan mo silang lahat?" Pagtatanong ni Bea, "Naku
Harly umayos ka, kailangan makaalis tayo rito ng sama-sama"
Medyo mataas na rin ang sikat ng araw dahil kanina pa kami naglalakbay. Naglalakad
pang kami ng hindi ko alam kung saang direksyon ang dapat naming puntahan.
"Takbo!" Sigaw ni Harly at hinawak niya ang kanyang kamay sa lupa. Lahat ng anino
ng goblins ay dumiretso sa kanyang kamay na parang pinipigilang gumalaw ang mga
ito.
"Let's go" Wika ko sa kanila. Wala naman kaming ibang choice kun'di ang tumakbo
paalis. Si Harly na rin naman ang nagdesisyon at paniguradong hindi na namin siya
mapipigilan.
"Of course hindi natin siya iiwan, kailangan lang natin isahan yung mga goblins
para hindi tayo gumamit ng masyadong maraming magi" Pagpapaliwanag ko habang
nagtago kami sa likod ng malaking tipak ng bato.
Naghihintay lamang ajo ng tamang oras upang tulungan si Harly. Wala dapat kaming
aksayahing panahon sa ngayon, kailangan namin ng isang perpektong team work.
Mabilis kong ikinumpas ang aking kamay at pinalutang si Harly sa hangin. Kung may
advantage kami rito... Goblins can't fly. Hangga't maaari ay iniiwasan namin ang
dahas o makasakit ng kahit anong creature na namumuhay rito sa magical world. Ang
misyon namin ay iligtas si Jasmin, hindi para saktan ang mga creature na
naninirahan sa labas ng nagtataasang pader ng Altheria Academy.
Ibinaba ko si Harly sa likod ng malaking tipak na bato kasama namin, "Salamat" Wika
ni Harly at nakipag-apir sa akin.
Tumakbo kami palayo sa mga goblins na may malakas na halakhak at ngiti na nakaguhit
sa aming labi.
Sasakyan? Sa pagkakaalam ko ay may sasakyan sina Nanay Pena at tatay Larry. May
karwahe silang ginamit nung dinukot nila si Jasmin. "May alam ako kung saan tayo
makakahiram" Bigkas ko sa kanila.
Habang naglalakad ay bigla na lang akong napaupo sa mabatong daan dahil sa biglaang
pagkirot muli ng aking dibdib. Hindi na ito normal, habang tumatagal ay mas
sumasakit ang pagkirot... Kinakabahan ako na baka hindi ko na kayanin pa ang sakit
pero ang mas ikinatatakot ko ay ang mawala si Jasmin, mamamatay rin ako 'pag
nagkataon.
"Uh Red ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Charmaine. Alam ko naman na
may gusto sa akin si Charmaine because she's really vocal about that, pero ang
awkward pa rin. "Kaya mo bang tumayo"
"Yeah I'm fine. Medyo nahilo lang ako sa ginawa nating pagtakbo" Sinubukan kong
tumayo at naglakad kasama nila.
Kaya kong tiisin ang sakit. Alam kong mas masakit pa ang nararanasan ni Jasmin
ngayon. Just fucking wait for me.
***
KLEIN
"Sigurado ka ba sa daan na tinatahak natin?" Tinutok ko ang kamay kong may apoy sa
may Imp habang nasa loob kami ng karwahe. Subukan lang nitong manlaban dahil
paniguradong magiging abo siya.
"O-Oo tama! T-tama!" Natatakot nitong sagot habang si tanda ay tahimik na kumakain.
Ang dami niyang magi na nagamit kanina pero mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin
siya pagod.
"Huwag mo ngang takutin ang munting creature na 'yan Klein. Nagmumukha kang
kontrabida" Sabi sa akin ni tanda at kumagat siya ng tinapay. Sinubukan kong kumuha
kabina kaso ay bigla niyang hinampas ang kamay ko.
"Kontrabida naman ako sa simula palang tanda. Tsaka ba't ka ba naaawa rito?"
Hindi sumagot si tanda bagkus ay lumingon siya sa labas at pinagmasdan ang paligid.
Palalim na kami ng palalim sa gubat. Ilang bundok na rin ang aming nalampasan.
Hindi ko akalain na may mga tao pang titira sa ganitong klaseng lugar.
"N-nandito na tayo" Sabi ng Imp habang sumisilay sa amin ang isang mataas na
palasyo.
"Salamat" Sagot ko sa kanya at inapuyan ko ang buong katawan niya upang maging abo.
"Hindi ako maaawa sa'yo dahil isa ka rin sa may kasalanan kung bakit nawawala si
Jasmin ngayon.
Bago kami makapasok ni tanda sa kastilyong iyon ay may makapal na mga sanga ang
nakaharang sa malaking pinto nito, parang nagsisilbi itong gate.
Sinubukan kong sunugin ang makapal na bushes at sanga ngunit agad itong bumabalik
sa dati na parang may sariling buhay ang mga halamang ito. Mukhang ayaw talaga
kaming padaanin.
"Tanda anong gagawin natin?" Pagtatanong ko kay Tanda habang siya ay nakatingin
lang sa mataas na kastilyo.
Hinubad niya muli ang kanyang suot na balabal. "Ikaw ang pumasok sa loob Klein,
gagawa ako ng malaking butas sa mga sanga na 'yan" Wika ni tanda.
"Seryoso ka?" Ngiti lamang ang itinugon niya sa akin. "Pero ikaw ang malakas sa
ating dalawa ikaw pa ang may kayang lumaban"
"Pero ang gusto ni Jasmin ay ang mga kaibigan niya ang tutulong sa kanya" lumapit
sa akin si tanda at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Itong tatandaan mo Klein,
walang kahit anong mahika o magic spell ang makakasira sa tibay ng pagkakaibigan.
Hindi iyan nasusukat sa tagal ng pinagsamahan niyo bagkus ay nasusukat ito sa
pagpapahalaga niyo sa isa't-isa. Kung may mga kaibigan ka... Iyan ang magic na
habang buhay mong dadalhin"
"Drama ko? Ba't ka umiiyak?" Pinahid ni tanda ang mga luha ko sa pisngi. "Ang laki
na ng pinagbago mo Klein at masaya ako na parte ako sa pagbabagong iyon... Mag-
iingat ka"
Mahigpit na yakap ang ibinigay sa akin ni tanda. Para akong bata na nawawalay sa
aking ina.
Isang malakas na apoy ang ginawa ni tanda dahilan upang magkaroon ng malaking butas
ang harang. Agad ako tumakbo papasok ng kastilyo bago pa man manumbalik ang harang.
***
JASMIN
"Dahil gusto kong makuha ang kwintas mo, hindi ikaw ang babaeng sisira sa magical
world. Hindi isang tatanga-tangang babae kagaya mo" Wika niya at muli akong
sinampal. Hindi naman ako makalaban dahil nakaposas ang aking mga kamay.
"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko. Wala rin naman nasasabi ang ama ko
tungkol dito. "Imposible 'yang sinasabi mo! Baka mali ka ng tao na tinutukoy!"
Sigaw ko sa kanya.
"Mas maganda nga kung mali eh. Itinuring kasi kitang kaibigan Jasmin"
Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Hindi ko inaakala na ikaw ang taong gagawa sa
akin nito. Parang kapatid ang turing ko sayo Marie" Siya ay isa sa mga kasamahan ko
sa White soldier.
"Ganoon talaga ang buhay dear" Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at mariing
pinisil. "Wala ka bang balak talagang pailawin 'yang kwintas mo ha?"
Para sa akin ay balewala naman ang mga sakit na dinadanas ko ngayon eh. Ang masakit
lang... Isang kaibigan ko pa ang gumagawa nito, para akong sinasaksak ng paulit-
ulit. Mas masakit. Mas mahirap.
"Kung kaya ko lang pailawin ang kwintas ko tulad ng gusto niyo ade sana ginawa ko
na!" Umiiyak kong sigaw. "Bakit ko naman ipagkakait sa kaibigan ko ang mga bagay na
gusto nila?"
"Ano sa tingin mo ang rason kung bakit nakasali ang lampang gaya mo sa White
soldiers?" Inilapit niya ang mukha niya at ngumiti, "Simple lang... Dahil lahat ay
plinano ko mula umpisa"
Umupo siya sa isang barrel at pinagmasdan ako. "Kapag sinabi kong umpisa, mula
umpisa. Sa tingin mo ba aksidente ka lang na makikita ni Carlo sa Polto's forest?
Sa tingin mo ba coincidence lang ang pagkapasok mo sa White soldier? Sa tingin mo
ba tinutulungan ka namin dahil sa gusto ka naming tulungan?"
Walang tigil ang mga luha ko. Ang sakit-sakit ng mga naririnig ko ngayon. Ang white
soldier family na itinuring kong pamilya... Ginamit lang ako.
"Sinabi ko naman sa'yo, sa amin ibinilin ni Ramon ang kanyang anak. Habang nasa
amin kayo ay naglagay ako ng magical device para kahit papaano ay alam ko kung
nasaan si Jasmin" Sabi niya ngunit nakapokus lamang siya sa pagmamaneho.
"Makakarating din tayo ro'n at paniguradong magbabayad ang mga taong may gawa no'n"
"Red may problema ba?" Pagtatanong sa akin ni tatay Larry, napatingin na siya sa
direksyon ko sa pagkakataong ito. "May masakit ba?"
"W-wala 'to tatay Larry. Medyo napagod lang kami dahil kanina, ilang oras ang
aabutin natin bago tayo makarating sa lokasyon ni Jasmin?" Hindi ko na maiwasan na
maging atat o magmadali. Sa oras na mapahamak si Jasmin ay mararamdaman ko rin
iyon.
"Mga ilang oras pa ay makakarating na rin tayo ro'n" Bigkas ni Tatay Larry. "Gusto
mo siya?"
"P-po?"
"Si Jasmin. Gusto mo" Sabi ni tatay Larry. Napayuko ako at maliban sa makirot kong
dibdib... Nakaramdam ako ng mabilis na pagtibok rito na parang isang tambol na
tumutunog sa saliw ng tugtugin.
Nung una ay hindi pa maliwanag sa akin ang lahat. Akala ko ay pinoprotektahan ko
siya dahil ako ang dahilan kung bakit kamuntik na siyang mapahamak sa Polto's
forest. Akala ko ay gusto ko siyang protektahan dahil curious din ako sa taglay na
kapangyarihan niya.
"H-ha? Kahit naman po gusto ko siya nakikita niya lang ako bilang tagaprotekta
niya" Si Charly ang gusto niya. Siya ang pinili upang maka-partner sa Marsham ball
kahit inaya ko rin siya.
"Gusto mo, ba't hindi mo ipaglaban?" Pagtatanong ni tatay Larry. "Ganyan na ganyan
din kami ng nanay Lena mo" Tanging ngiti na lang ang naisagot ko.
Ba't ko pa ipaglalaban kung malinaw naman ang resulta? Talo na 'ko. Hindi ko na
ipagsisiksikan ang sarili ko sa taong hanggang kaibigan lang ang maibibigay sa
akin.
"Malapit na ba tayo?" Narinig kong sigaw ni Harly habang nasa loob siya ng karwahe.
"Maghintay ka lang bata, konting tiis na lang" Sagot ni tatay Larry sa kanya.
Hindi ko na alam kung nasaang parte na kami ng gubat, basta palalim ito ng palalim
at palayo ng palayo sa Altheria. Hindi ko naman inasahan na magiging ganito
kakomplikado ang sitwasyon. Ano ba ang mayroon kay Jasmin at lahat na lang gusto
siyang kuhanin?
***
KLEIN
Habang tumatakbo ako sa loob ng kastilyo ay maingat pa rin ang aking mga kilos,
nasa teritoryo ako ng mga kalaban. Malaki ang tiyansa na hindi na ako makalabas ng
buhay dito.
Kailangan kong lumaban dahil umaasa sa akin si Tanda. Ayoko siyang biguin.
Habang tumatakbo ako ay napatigil na lamang dahil napunta ako sa isang silid kung
saan bakanteng-bakante. Masama 'to, masama ang kutob ko sa ganitong senaryo.
Mabilis akong napatalon ng may biglang mga tinik na lumabas sa lapag. Mabuti na
lamang ay mabilis ang flexes ko dahil naiwasan ko pa rin ang malaking tinik, pero
hindi naman maiiwasan na magalusan ako dahil sa nangyari.
"As expected sa Raven clan na kagaya mo" Isang tinig ang aking narinig, nung una ay
anino niya lang ang nakikita ko na papalapit sa akin hanggang sa makita ko na ang
mukha niya, hindi ko inaasahan na isa siya sa may pakana nito.
"Traydor ka" Wika ko sa kanya ngunit tinitigan niya lamang ako, minsan na kaming
nagkasama sa Old school house. Kaibigan siya ni Jasmin kaya itinuring ko siya
bilang kaibigan-- Si Carlo.
"Hindi ako naging traydor dahil simula't sapul ay hindi niyo naman ako naging
kakampi" Wika niya, may umilaw sa kanyang harap... Inilabas na niya ang kanyang
alchemy weapon. Isa itong espada na nababalutan ng berdeng tinik. Seseryosohin niya
'tong laban namin.
Simpleng magic spells lang ang magagawa ko dahil nagamit kong lahat sa
pakikipaglaban sa mga Imp. Bwisit na mga Imp 'yan! Mga sagabal.
"Gusto ko mang makipaglaro sayo kaso ay naubos ang magi ko kanina eh. Hehe" Wika ko
sa kanya at kunwaring tumawa.
"Ade maganda, hindi na ako mahihirapan na iligpit ka" Nagulat na lamang ako nung
biglang nasa harap ko na siya, napakatulin ng paggalaw niya.
Sunod-sunod na sangga ang aking ginawa, may mga dumadaplis at nasira na ang
uniporme kong suot. Ibang-iba ang level ng kapangyarihan at lakas niya kumpara sa
unang beses ko siyang makalaban.
Imbes na sagutin niya ako ay nag-cast siya ng magic spell at muling may mga lumabas
na matutulis na ugat sa lapag. Mabilis akong tumalon paitaas upang maiwasan ito.
Hindi ako pwedeng mag-summon ng kahit anong monster ngayon. Kaasar.
Wala akong ibang choice kun'di labanan siya sa paraan na alam ko. I'm a magic
thief, mas kaya kong gumalaw ng one-on-one. Dinoble ko ang kutsilyo kong hawak at
mabilis na tumakbo tungo sa kanyang direksyon. Malakas ko siyang sinipa sa kanyang
baba dahilan upang matumba siya.
"Masakit ang sipa mo, pero mas masakit ang kapalaran mo" Wika niya sa akin,
ipinitik niya ang kanyang kamay at biglang may mga tusok na lumabas sa mga ugat na
nakakapit sa paa ko. Bumaon ang karamihan sa loob ng katawan ko at napasigaw ako sa
sakit.
Mabilis kong itinapat ang kamay ko sa may ugat at nagpakawala ng fireball upang
masunog ito. Pero nanghihina na rin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa akin at
pagkaubos ng mana ko.
Kung tutuusin ay may advantage ako dahil fire ang attribute ko at samantalang siya
ay nature pero hindi pantay ang laban ngayon... gamit ko na ang lahat ng lakas ko
bago pa man ako mapunta rito.
"Sa oras na umilaw na ang kwintas ni Jasmin, kaming white soldiers na ang mamumuno
sa buong magical world" Nakangiti niyang sabi habang naglalakad tungko sa direksyon
ko. Sinubukan kong tumayo ngunit masyadong makirot ang aking paa. Kaasar.
"Ang kapal din pala ng kalyo mo sa mukha 'no? Ikaw mamumuno sa magical world? Mukha
kang pangit na ogre na naka-wacky, gago!" Ginamit ko ang huli kong lakas. Bago pa
man siya makalapit ay gumawa na ako ng barrier na napapalibutan ng apoy upang hindi
niya ako magalaw.
Makakaalis pa ba ko rito?
"Klein!" Isang malakas na tinig ang aking narinig. Nakita ko sina Red, tunatakbo sa
direksyon ko.
Sa wakas kampante na ako na may magliligtas kay Jasmin, ipinikit ko ang aking mata
dahil sa pagod.
***
JASMIN
Nakaupo lang ako sa sahig, hindi ko maigalaw ang kamay ko dahio nakaposas ito. Puro
sugat at galos na rin ang katawan ko. Parang kahit anong oras ay bibigay na ang
mata ko, pero kailangan kong lumaban... Makakaalis ako dito.
"Hades ikaw muna ang bahala rito. Mukhang may mga taong nakapasok sa kastilyo" Sabi
ni Marie at nag-salute naman sa kanya si Hades. May taong nakapasok?
"Sina Red 'yon! Nakakasigurado akong nandito sila para iligtas ako!" Masaya kong
sigaw ngunit malakas na sampal ni Marie ang aking natanggap. "Tanggapin mo na,
matatapos na ang kahibangan niyo" Masama ko siyang tinitigan.
"Anong magagawa ng mga taga-Marsham mong kaibigan sa katulad naming nasa Wanester
at Exemena Division na?" Sabi niya at mahigpit na hinawakan ang magkabila kong
pisngi. "Ikaw at ang mga kaibigan mo, mamamatay kayong lahat dito" Sabi biya at
naglakad palabas.
"Hades ikaw muna ang bahala d'yan" Nawala na sa paningin namin si Marie.
Ayokong maging sanhi ng pagkamatay ng mga kaibigan ko. Ayokong makita silang
nahihirapan ng dahil sa akin. Hindi ko na naiwasan na maluha, ganito ba talaga ako
kahina? Tanging pag-iyak lang ang magagawa ko sa ganitong klaseng sitwasyon?
Nakakaawa ka Jasmin.
"T-tama na!" Malakas kong sigaw habang nagkakarerahan ang mga luha ko pabagsak
galing sa aking mata.
"Isa kang pabigat sa mga kaibigan mo. Problema lang ang dala mo"
"Wala ka bang gagawin para tulungan sila? Mamamatay kayo ng sama-sama rito"
Nakangiting sabi ni Hades.
"Mahina ako. Paano ako may magagawa kung nakatali ang mga kamay ko" Umiiyak kong
sabi. "Ako lagi yung nadudukot kasi ako ang mahina"
Mahina ka Jasmin. Mahina. Parang mga sampal sa akin ang bawat salitang binibitawan
ni Hades. Parang mga kutsilyo na sumasaksak sa akin.
Nagulat na lamang ako ng biglang kinalagan ni Hades ang mga posas ko. "Ngayong wala
ka ng mga posas, anong gagawin mo?"
"H-Hades..."
Hinawakan ni Hades ang ulo ko. "Itong tandaan mo, nagiging mahina ka kasi iniisip
mo na mahina ka. Malakas ka Jasmin. Ikamusta mo na lang ako kay Red kapag nagkita
kayo"
Hindi ko alam ang rason ni Hades kung bakit niya ito ginagawa. "Maraming salamat
Hades"
Takbo lang ako ng takbo upang matagpuan ko kung nasaan sina Red. Masyadong malaki
itong kastilyo at hindi sila madaling makita. Isa pa ay hindi dapat ako makita ng
mga White Soldiers.
Itinuring ko silang parang pamilya, para sa akin ay replacement sila ng nmatay kong
ama... Pero sa huli ay puro panloloko lang lahat ng ipinakita nila. Mula sa
pagtulong nila sa assignments ko, sa pagturo sa akin ng pagsi-synthesize, pagturo
sa akin ng lahat ng subjects... It was all fake. The knowledge was real but the
bond was fake.
Napapapikit na lamang ako sa sakit tuwing humahapdi ang mga sugat ko. Hindi ko
alintana ang sakit na dala nito dahil mas binibigyan ko ng pansin ang nag-aapoy
kong determinasyon na makita ko ulit ang mga kaibigan ko.
Takbo lang ako ng takbo. Papaliko na sana ako sa isang pasilyo. "At saan mo
binabalak pumunta?" Biglang sumalubong sa akin ang nakakatakot na ngisi ni Marie.
Hindi ko alam na ang mga taong inakala kong anghel... Mga may nakatago palang
sungay at buntot.
Malakas na hiatak ni Marie ang buhok ko. "Sa tingin mo ba'y makikita mo ang iyong
mga kaibigan?"
"M-Marie itigil mo na 'to please" Umiiyak kong bigkas. Malakas si Marie, sa oras na
manlaban ako ay kayang-kaya niya akong patayin.
"Gusto mo bang matapos na ito?" Mas hinigpitan niya ang pagkakasabunot sa ulo ko.
"Puwes pailawin mo na ang kwintas mo at ipakita mo kung ano ang tunay momg lakas"
Bakit ba sila habol ng habol sa akin? Lahat sila ay sinasabi na may kakaiba akong
lakas, pero normal lang naman ako. Kung may kakaiba akong lakas... Ade sana
pinrotektahan ko na sina Red. Ade sana nakakalaban ako ngayon.
"Bitawan mo na ako Marie! Itigil niyo na 'to!" Pilit akong nanlalaban ngunit mas
malakas si Marie.
Pilit akong hinihila ni Marie upang sumama sa kanya. Kung may kapangyarihan lang
sana ako...
Napaupo na lamang ako ng may biglang yelo na tumama sa tiyan ni Marie. "Huwag mong
sasaktan ang kaibigan ko" Narinug kong boses... Kilala ko kung kanino nagmumula
iyon. Galing iyon sa babae na araw-araw kong nakakasama, ang babaeng umiintindi sa
akin sa buong pananatili ko sa loob bg Altheria Academy.
"Mabuti naman at ligtas ka" Mas humigpit ang yakap sa akin ni Bea, isang yakap na
puno ng pag-aalala at pagmamahal. "Kayo pala ang may kasalanan nito" Matalim niyang
tinitigan si Marie.
***
RED
Nahihirapan ako sa pakikipaglaban lalo na't si Carlo ang kalaban ko. Parang isang
kapatid ang turing ko sa kanya. Isa pang iniintindi ko ay wala pa ring malay si
Klein hanggang ngayon. Nagpapasalamat ako kay Klein dahil pinrotektahan niya talaga
si Jasmin.
Akmang susugod sa akin si Carlo ngunit mabilis na kinuha ni Harly ang anino niya
dahilan upang hindi makagalaw si Carlo.
Tumakbo ako sa kanya at itinapat ang talim ng espadang hawak ko sa kanyang leeg.
"Nakakahiya ka, handa mong saktan ang kaibigan mo para lang sa kapangyarihan" Gusto
ko siyang saksakin pero bilang estudyante ng Altheria... Hindi kami tinuruan na
manakit ng kapwa namin estudyante.
"Gusto ko 'tong isaksak sayo pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil kaibigan kita"
Nanginginig ang kamay ko dahil sa galit.
"Red ano pang ginagawa mo? Hindi ko na 'to kayang hawakan ng matagal!" Sigaw ni
Harly na nasa hindi lamang kalayuan.
Ibinagsak ko ang espada ko sa sahig at niyakap si Carlo. "Itigil niyo na 'to" Hindi
naiwasan na may bumagsak na luha sa aking mata. Ang bakla ko tignan. "Kalimutan na
lang natin lahat ng nangyari, mas mahalaga sa akin ang mga pinagsamahan natin ke'sa
ipaghiganti si Jasmin"
Kaya kong kalimutan ang lahat ng nangyayari ngayon... Basta huwag lang mawala ang
mga kaibigan ko.
"Red! H-hindi ko na kayang kontrolin pa 'to. Tapusin mo na!" Narinig kong tinig ni
Harly habang nakakapit pa rin siya sa sahig tagaktak na ang pawis niya pero hindi
pa rin ako susuko. Alam kong babalik sa dati ang white soldiers na nakilala ko.
"Hindi mo kaya?" Pagtatanong ni Carlo at malakas na tumawa. Biglang gumalaw si
Carlo...
"Red! Red!" Malakas na sigaw ng aking mga kasamahan ang aking narinig.
***
JASMIN
"Malapit na tayo! 'Wag ka munang pumikit Jasmin!" Mahinang tinapik ni Bea ang aking
pisngi habang inaakay niya ako. Hindi na talaga kaya ng katawan ko, maraming dugo
na ang nawala sa akin.
Binuksan ni Bea ang isang pinto at bumungad sa akin ang malakas na tinig ni Harly.
"Hayop ka! Anong ginawa mo!" Sunod-sunod ang atakeng kanyang ginagawa. Hindi ko
mamukhaan ang kanyang kalaban dahil nagdidilim na ang paningin ko.
"Jasmin! Jasmin!" Yumakap sa akin si Charmaine ng makita niya ako. "Si Red!
Nasaksak si Red!"
"Ayos ka lang ba Charly?" Pagtatanong ni Bea kay Charly na tumatagaktak ang pawis.
Sabi sa akin ni Bea ay gumagamit si Charly ng spell upang makapagtago kami sa mga
kalaban. Kanina pa raw ginagamit ni Charly ang spell at hindi rin magtatagal ay
mauubos na rin ang kanyang lakas.
"Kaya pa," Ngumiti si Charly pero napapakagat na siya sa ibabang labi niya.
Napatingin ako sa taong nakahiga sa sahig. Umaagos ang dugo galing sa kanyang paa
at puro galos ang buong katawan. "A-anong nangyari kay Klein?" Pagtatanong ko
ngunit mabilis akong lumapit kay Klein kahit na masakit ang buong katawan ko.
"Hello! He's not okay!" Umirap pa si Charmaine. "Pero gusto ka namin iligtas. It's
a relief na makita kang okay... You're not in a good shape but atleast you are
fine" Yumakap pang muli sa akin si Charmaine.
Sunod-sunod na pag-atake ang ginagawa ni Harly gamit ang kanyang alchemy weapon na
spear. Pinoprotektahan niya si Red na ngayo'y naliligo sa sarili niyang dugo.
Sinubukan kong tumakbo palabas sa spell na ginawa ni Charly ngunit agad akong
pinigilan. Gusto kong tulungan si Red. "Huwag mo ng tangkain, ibang klase ang mga
kapangyarihan nila. Totoo ang sabi nila, walang-wala tayong mga taga-Marsham sa
kakayahan ng mga taga-Wanester at Exemena division"
Pero... Si Red ang laging pumoprotekta sa akin, ilang beses niya ng iniligtas ang
buhay ko. Siya yung taong laging pumupunta kung nasaan man ako, siya ang
nagpapakalma sa akin tuwing nasa hindi kami magandang sitwasyon.
"Kuhanin man lang natin si Red! Dalhin natin dito sa loob ng magic na ginagawa ni
Charly" Suhestiyon ko pero nag-aalala talaga ako kay Red. Nag-aalala rin ako kay
Harly na halatang nahihirapan sa pakikipaglaban kay Carlo.
"Hindi pwed--"
Hindi ko na pinakinggan si Bea. Gusto kong magdesisyon para sa sarili ko... Kahit
ngayon lang. Gusto kong ipakita kay Hades na hindi siya nagkamali sa pagtulong sa
akin.
Tumakbo ako palabas ng collage na ginagawa ni Charly. Sinigaw nila ang aking
pangalan ngunit hindi ko sila pinakinggan. Kahit ngayon lang... Gusto kong making
matapang.
Nakaramdam ako ng malakas na pgkislap sa aking dibdib. May kakaibang enerhiya akong
naramdaman sa aking katawan. Parq kusang gumagalaw ang katawan ko.
***
Idinilat ko ang aking mata. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa sakit.
"Jasmiiin" Malakas na tinig ang aking narinig.
Papalapit sa direksyon ko si Klein habang iginagalaw niya ang gulong ng wheel chair
na kanyang inuupuan. "Sa wakas nagising ka na!"
"A-anong nangyari?"
Kumagat sa ibabang labi pero muli ring ngumiti. "Mabuti ng huwag mong malaman hehe"
Sabi sa akin ni Klein. "Sige tatawagin ko lang yung iba. Ipapamalita ko na nagising
ka na"
***
3RD PERSON
"Pero tanda nakita mo naman yung pagkislap ng kwintas ni Jasmin nung nasa kastilyo
tayo" Si mrs. Evelyn ang nagligtas sa kanila at mabuti ay dumating ang ibang guro.
"Kulang na lang ay patayin ni Jasmin lahat ng nanakit sa amin eh. Nakakatakot"
"Anong plano mo? Nawala ang kislap ng kwintas ni Jasmin matapos ang pangyayari"
"Ilihim muna natin ito kay Jasmin. Kailangan pang maging handa ang katawan ni
Jasmin bago muling umilaw ang kwintas niya. Nakita mo naman, wala siyang kontrol
nung nakaraan"
Napatango-tango si Klein pero hindi niya naiwasan na mapangisi tuwing naaalala niya
ang nangyari. Iyon kasi ang unangpagkakataon ng ganoong klaseng kalakas na mahika.
Napagtanto niya sa pagkakataong ito kung bakit maraming naghahabol sa kapangyarihan
ni Jasmin. It was destructive, kaya nitong sirain ang buong magical world ng isang
magic spell lamang.
"Kamusta sina Carlo?" Pagtatanong ko kay Bea habang ipinapasyal niya ako sa
Altheria Academy, kailangan ko pa rin daw gumamit ng wheel chair upang maging fully
recovered ako. "Okay ba sila?"
"Bea naging kaibigan ko rin naman sila, gusto kong malaman kung ano ang mangyayari
sa kanila"
Na-guilty naman ako bigla dahil pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat,
hindi naman sila aakto ng ganoon kun'di dahil sa kwintas ko. Ano ba kasing
kapangyarihan ang mayroon ako?
"Nakita mong umilaw ang kwintas ko nung nasa kastilyo tayo 'diba?" Tumingin ako kay
Bea at mukhang nagulat naman siya. "Nakakapagtaka dahil wala na yung ilaw nito,
tapos wala akong matandaan matapos kong mapailaw. Ano bang nangyari Bea?"
Pagtatanong ko sa kanya.
Mahina niyang hinampas ang balikat ko at tumawa. "Ano ka ba! Hindi mo naman
napailaw ang kwintas mo that time. Habang tumatakbo ka papunta kay Red, nagulat na
lang kaming lahat nung bigla kang mahimatay. Baka ibang liwanag ang nakita mo?"
Napakamot ako sa ulo, "Baka nga tama ka, hindi ko rin kasi masyadong matandaan ang
mga nangyari " Sabi ko. Baka nga akala ko pang ay umilaw na ang kwintas ko.
"Alam mo, instead na intindihin mo 'yan. Bakit hindi mo na lang intindihin yung
finals" Sabi niya at nanlaki ang mata ko. Omo! Wala pa akong nare-review. "'Wag
mong sabihin na hindi ka pa nagre-review?" Mabagal akong napatango.
"Hala Bea! Paano na 'to? Pinangako ko pa naman sa sarili ko na dapat makapasok ako
sa top 10 Marsham Alchemist. Panay ang basa ko nung nakaraan, ayokong masayang ang
pagod ko" Nagsusumamo kong sabi sa kanya. "Halika na! Um-attend na tayo ng klase"
pag-aaya ko sa kanya.
"Hindi pa pwede, magpagaling ka muna. Sabi naman ng mga professor eh bibigyan daw
nila tayo ng chance na ma-take yung mga quiz na na-miss natin" Pagpapaliwanag sa
akin ni Bea. Pagkabalik na pagkabalik ko sa dorm, magre-review talaga ako.
"Alam mo namang bumagsak ako last time kaya hindi ako nakapagbakasyon 'diba. Pero
this time summer vacation 'to! Ayokong maiwan dito sa loob ng Altheria for 2
months" Oo nga pala. Isa rin 'yan sa mga dahilan kung bakit gusto kong maipasa
lahat ng subject ko, gusto kong makabalik sa normal na mundo. Nakaka-miss din kasi
yung dati kong buhay, walang magic, walang crafting, walang elves o kung ano mang
creaures... Yung normal lang.
"Good luck sayo" Nakangiti kong sabi sa kanya habang tinutulak niya yung
wheelchair. Bihira lang naman magseryoso sa isang bagay si Charmaine, nakakatuwa
kung lahat kami papasa.
"Thank you! Paniguradong this summer vacation ay makukuha ko na ang puso ni Red"
Mahina niya pang hinampas-hampas ang balikat ko. "Ini-imagine ko pa lang kinikilig
na ako. CharRed for the win"
"Ayun latang-lata pa rin, medyo hindi pa raw nakakabawi ng lakas. Pero ano ka ba!
Kailan ba naging masigla si Charly?" Oo nga naman, bihira lang gumawa ng physical
activity.
Kinabahan ako bigla no'ng nakita ko si Sir Ernie, baka kasi hindi na naman niya ako
pagbakasyunin dahil lumabag ako sa school rules. Kasalanan ko ba kung ba't lagi
akong naki-kidnap? Huhu.
"Oh Jasmin nandito ka na pala" Iginilid ni sir Ernie ang nga papel na binabasa
niya. Iginulong ko ang gulong ng wheelchair upang makapunta sa puwesto ni Sir
Ernie. "May gusto lang sana akong sabihin about sa nangyaring insidente"
Maya-maya pa ay may isang lalaki na pumasok sa loob ng faculty. "Oh nandito ka na
pala"
Ngumiti sa akin at umupo sa kabilang chair. "Oh Jasmin nakabalik ka na pala. I'm
glad you're okay!" Nakipag-apir pa siya sa akin. "Sir ba't niyo nga pala ako
pinatawag?" Kasual niyang pagtatanong.
"The reason kung bakit kita pinatawag dito Jasmin, gusto kong malaman kung may
kinalaman ba si Hades sa mga nangyari sa'yo. Miyembro siya ng white soldier at ikaw
lang ang makakapagkumpirma nito dahil nandoon ka sa pinangyarihan" Sabi ni sir at
nag-tap ng ballpen sa kanyang desk na parang hinihintay ang magiging sagot ko.
"Sir ang kulit niyo naman sinabi ko naman sa inyo na wala ako roon"
Pagsisinungaling ni Hades pero nauunawaan ko naman siya dahil baka ipatanggal din
siya sa Altheria kapag sinabi niyang nandoon siya.
"Tss."
Sa pagkakataong ito ay magsisinungaling ako para kay Hades, tinulungan niya ako
nung nasa kastilyo kami. Kung hindi dahil sa kanya eh baka malamig na bangkay na
akong ibinabalik sa Altheria ngayon.
"Wala po si Hades doon sir" Sabi ko kay si Ernie. "Hindi po siya kasama sa mga
taong nanakit sa amin"
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatingin kay Hades. Ngumiti lang ito sa akin
at mukhang walang balak akong tulungan. "S-sir nandoon po si Hades pero siya po ang
tumulong sa akin para makatakas. Sir 'wag niyo pong parusahan si Hades wala po
siyang kasalanan" Pagtatanggol ko.
Bumuntong hininga si Sir Ernie. "Bilang parusa mo Hades..." Umaasa ako na hindi
ipatanggal si Hades diti sa Altheria, mabuting kaibigan siya ni Red. "School
service for one week at hindi ka papayagan na umuwi sa normal world ngayong summer
vacation"
Napangiwi ako sa daming gagawin ni Hades. "I'm fine with that, basta makakapag-aral
pa rin ako sa Altheria"
"You both may leave" Pagkasabi no'n ni sir ay itinulak ko na ang gulong ng wheel
chair palabas.
"Gusto ko 'yang ideya mo! Isama din natin sina Charly! Tapos ayain natin si Red
hihi!"
***
Next will be the epilogue of season 1. Don't worry, dito ko pa rin isusulat yung
season 2 :)
Kasi sa season 2 nasa wanester division na sila. Tuloy-tuloy pa rin ang UD Dont
worry.
Sana mag-vote and comment na yung iba, kasali po ang altheria sa contest sa wattpad
kaya malaking tulong ang bawat comment at votes niyo
"Jasmin paano na 'ko!" Yumakap pa sa akin si Charmaine. Simula nung naging kaibigan
ko 'to ay naging sobrang clingy na niya sa akin. Sinong mag-aakala na ang malditang
si Charmaine ay may soft side pagdating sa mga kaibigan. "Mukhang magsa-summer ako
dito mag-isa"
"Eh kasi, nag-group study tayo pero ano ginawa mo? Tinitigan mo lang si Red buong
gabi" Pansusumbat ni Bea kay Charmaine.
"Kasalanan ko bang may gwapong nilalang ang nasa harap ko habang nagre-review? Wala
akong choice kun'di ang matulala" Hinampas niya na naman ang braso ko. Ilang pasa
na kaya ang pinagdaanan ng braso ko dahil lang sa kilig nitong si Charmaine.
Hihintayin na lang namin ang result ngayon, after few days eh ilalabas na rin naman
nila 'yon. Kapag nakapasa ako, makakabalik ako sa normal world... Hindi ko nga lang
alam kung may babalikan pa ako.
"Hirap ng exam kanina 'no?" Umupo si Harly sa tabi ko at inabutan ako ng paborito
kong orange juice. Parati niya namang ginagawa 'yan eh, kaya nga masarap kasama si
Harly dahil parating nanlilibre.
"Mahirap daw pero top 2 ka nga! 'Wag mo nga kaming ginagago" Inis na sabi ni
Charmaine. "Kung kasing talino ko lang ang kakambal ko ade sana hindi na ako
namomroblema ngayon"
Napatingin si Bea sa relo niya, "'Diba ngayon ibabalik sa normal world sina Marie?
Hindi ba natin sila pupuntahan?" Pagtatanong niya.
Dapat before exam palang ay ipapatapon na sila ngunit nag-request si Marie na gusto
niyang mag-take ng exam... Gusto niya raw ma-experience na estudyante siya ng
Altheria sa huling pagkakataon.
Ilang minuto ang lumipas at nakarating na rin ako sa mismong harapan. "Carlo!"
Pagtawag ko sa kanya, mukhang nagulatvsila at natakot. "Mag-iingat kayo"
Kahit gaano pa man kalaki ang kasalanan na nagawa nila sa akin, kaibigan ang turing
ko sa kanila at walang magbabago roon. Sila ang umagapay sa akin nung panahong wala
pa akong alam dito sa Altheria.
Lumapit sa akin si Carlo, akala ko ay mag-so-sorry siya ngunit malakas niya akong
itinulak dahilan upang makadagan ako ng ibang tao na nasa aking likod. "Huwag ka
ngang magbait-baitan! Kamuntikan mo kaming patayin! Ikaw ang taong sisira sa buong
magical world! Ikaw ang salot sa loob ng Altheria!"
Tinulungan akong tumayo ni Harly pero napaluha ako dahil sa masasakit na salita na
binitawan ni Carlo.
"Anong karapatan mong sigawan ang kaibigan ko?" Malakas na sigaw ni Charmaine. "Ang
sama ng ugali mo! Nababagay lang sayo na mapaalis dito sa Altheria dahil ang mga
walang modo na kagaya mo, hindi deserve maging isang alchemist.
Naglakad si Charmaine at Bea papunta sa akin. "Ayos ka lang ba? Halika na! Hayaan
mo na sila Jasmin, ang papanget nila" Iritang sabi ni Bea at naglakad na kami
paalis.
Mabuti na lamang at nandito sina Harly, Bea, at Charmaine kaya kahit papaano ay
naging maayos ang aking pakiramdam.
"Ano okay ka na ba talaga? Gusto mong upakan ko yung lalaking 'yon?" Inid niyang
sabi.
Umiling ako, "Hindi na, okay na rin naman. Salamat sa inyo" nakangiti kong bigkas.
"O sige iwan ko na muna kayo, may gagawin pa kami eh" As expected, parati namang
busy si Bea.
Napatingin ako kay Charmaine. "Charmaine nasaan nga pala yung kapatid mo? Ibabalik
ko lang yung libro na pinahiram niya last time, natapos ko ng basahin eh"
Pagtatanong ko sa kanya.
Bago pa man magbugbugan yung dalawa ay nagpaalam na ako sa kanila para hanapin si
Charly. Nakakahiya naman kung hindi ko pa naibabalik yung libro na hiniram ko, ang
tagal na no'n.
Kinuha ko muna sa dorm namin yung librong hiniram ko bago ko hinanap si Charly.
Pumunta ako sa library kasi doon naman madalas si Charly. Taong libro 'yon eh.
Inilibot ko ang paningin ko pero wala si Charly.
Oo nga pala, hindi niya kilala 'yon dahil hindi naman palakausap si Charly. "Yung
masungit, medyo matangkad, tapos--"
"Pogi?"
"Kanina nandito siya kasi nanghiram ng mga libro pero umalis din agad" napatango-
tango naman ako.
Umakyat ako ng rooftop dahil iyon na lang naman ang alam kong lugar na tahimik.
Pagkaakyat ko ay hindi naman ako nagkamali dahil nakaupo si Charly sa gilid ng
pader habang nagbabasa ng libro.
Nung mapansin niya ang prisensya ko ay tinignan niya lang ako tapos binaling ulit
ang tingin sa libro. "Hindi mo man lang ako kakamustahin?"
"Para saan pa? Nagkita naman tayo kanina habang nag-e-exam" Oo nga naman, may point
din.
"Ibabalik ko lang sana 'to. Thanks, ang ganda ng storya" Sabi ko sa kanya at inabot
ang libro.
"O-okay na 'ko" Mabilis kong sagot. "Eh ikaw ba, okay ka na?" Pagbabalik ko ng
tanong sa kanya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. May pagka-weirdo rin pala 'tong si Charly, kung
ano-ano ang lumalabas sa bibig. "Remember, may utang ka pang sayaw sa akin"
Oo nga pala, siya nga pala ang ka-partner ko sa Marsham ball. Hindi kami
nakapagsayaw kasi nga ay dinukot na ako ng mga Imp.
"Sure. Pero ang corny ah, wala man lang tugtog" Tinanggap ko ang kanyang kamay.
"Ewan ko sa'yo, kung ano-anong sinasabi mo" Wika ko at nagtawanan naman kaming
dalawa.
***
RED
"Ano raw ang parusa sayo?" Pagtatanong ko kay Hades habang tinuturuan niya ako.
Siya ang laging nagtuturo sa akin sa paggamit ng mahika at alchemy weapon kaya
naman ang laki ng utang na loob ko sa kanya.
"No summer vacation pero mabuti na rin 'yon ke'sa naman ipatanggal ako"
"Kagaya niyo wala rin naman akong alam sa plano nila, nalaman ko lang nung nakuha
na si Jasmin. Tsaka pagbalik ko naman sa Altheria eh humingi agad ako ng tulong sa
mga teacher" Wika nito.
"Pero maiba tayo" Umupo si Hades sa aking tapat kaya napatigil ako sa aking
ginagawa. Kumunot ang noo ko, "Ano na kayo ni Jasmin?"
"Anong kami? Walang kami" Wika ko sa kanya. Totoo naman, hindi pa naman kami
nagkakaroon ng masinsinan na usapan ni Jasmin.
"Ang tagal mo na siyang gusto 'diba. Ikinukwento mo pa nga sa akin na first day
palang nagka--" Malakas kong binatukan si Hades. Kahit mas matanda siya sa akin ay
parang ka-edad ko lang siya, ang hilig niya akong asarin.
"Yung locker mo may litrato ni Jasmin, lagi kang nakatanaw sa kanya, hindi pa ba
inlove ang tawag doon. Ipapa-blotter mo siya kaya ka may litrato gano'n?"
"Kung ako sa'yo magpu-first move na ko. Ikaw ang lalaki eh" Sabi niya at humiga sa
damuhan. "Apat pa naman kayong mga lalaki na close kay Jasmin, hindi lang 'yon!
Apat din kayong may tama sa kanya tsk. Tsk."
Napatigil ako sa aking ginagawa. "Tigilan mo nga 'yan. Mas mahalaga ang
pagkakaibigan ke'sa sa pag-ibig na 'yan" Wika ko.
"Sabi mo eh. By the way Red, naiwan ko yung hiniram ko sayong libro sa rooftop.
Ikaw na lang ang kumuha" Nag-anyong ibon si Hades at lumipad sa kalangitan.
Magrereklamo sana ako kaso tuluyan na siyang nakaalis.
Pinahid ko ang pawis ko at uminom ng tubig. Nagpalit na rin ako ng damit dahil puro
pawis ito bago umakyat ng rooftop.
Mapait akong napangiti at naglakad na pang pababa. Mabuti na lang pala at hindi ako
umamin, sabi ko na nga ba... Talo na ako simula palang.
***
Epilogue upnext.
Book 1 "Epilogue"
"Jasmin halika na!" Malakas na sigaw sa akin ni Bea habang hila-hila niya ang
maleta niya. Samantalang ako ay hindi pa ako tapos mag-empake, nakakaasar! Kung
alam ko lang na ang dami kong gamit ade sana kagabi palang ay inayos ko na ito.
"Wait lang, patapos na 'to" Sabi ko habang pilit isinasara ang maleta. Pinagkasya
ko ng lahat sa iaang maleta at isang bag.
Nagbuntong hininga si Bea. "Jasmin wala ka na bang balak bumalik sa Altheria? Daig
mo pa ang pinalayas sa dami mong dalang gamit" Inis niyang sabi.
"Ano ka ba mas maganda na yung sigurado" Itinayo ko na ang maleta. "Ke'sa naman
kulangin ako ng dala 'diba? Mas awkward 'yon"
"Oh siya! Siya! Tandaan mo ah, bawal mong sabihin sa ibang tao ang tungkol sa
Altheria"
"Yes ma'am " Nag-salute pa ako sa kanya. "Pinaliwanag na sa atin 'yan eh"
"So let's go?" Pagtatanong sa akin ni Bea at inalok ang isa niyang kamay.
"Tara na!" Nakangiti kong sabi sa kanya. "'Diba ngayon din ipapakita yung result
nung test?"
"Oo, dadaan muna tayong Vaefonia hall bago tayo pumunta sa quadrangle"
Pagpapaliwanag niya sa akin.
"Ang daming tao" Tumitingkayad pa ako para makita ang nasa harapan kaso bigo pa rin
ako. Grrr. Ang hirap talagang maging maliit.
"Don't worry akong bahala" Nagulat na lang ako ng biglang kumapit sa balikat ko si
Charmaine habang nakasunod naman sa kanya si Charly.
Napatingin ako sa dalang maleta ni Charmaine. Aba! Kumpiyansa talaga 'tong babae na
'to na papasa siya. Well, mas maganda ng maging positive thinker.
Habang naglalakad si Charmaine ay nahahawi ang mga estudyante. Queenbee nga pala
'to, lahat tinatarayan. "Oh ano pang tinutunganga niyo d'yan? Tara na" Napasunod
naman kaming lahat sa kanya.
"Okay lang 'yon" Biglang sumulpot sa tabi ko si Harly at nakipag-apir. "May next
year pa, atleast hindi naman ako nalalaglag sa top 10"
Sumunod naman kay Red ay ang top 7 na si Charly. Tumingin ako sa kanya, "Congrats"
Wika ko at ngumiti naman siya sa akin.
"Congrats din sayo you manage to enter at top 10" Nanlaki ang mata ko at napatingin
ulit sa tarpaulin. "Top 9, hindi na masama"
Dahil sa pagkatuwa ko ay napayakap ako kay Harly. "Harly nakapasok ako! Nakapasok
ako!"
"C-congrats" Nauutal niyang sabi. "M-masyado kang malapit Jasmin" Napahiwalay naman
ako sa kanya.
"Sorry"
"Okay lang"
Napabuntong hininga ako dahil 75 ang passing rate dito sa Altheria Academy. Mababa
man ang grade niya, atleast nakapasa.
"Sa mga nakita na ang result! Lahat ng nakapasa pwede ng pumunta sa Quadrangle
dahil bukas na ang portal" Sigaw ni Klein habang may hawak na mega phone. "Sa mga
hindi nakapasa, maiiwan kayong lahat sa Altheria para i-retake ang mga nabagsak
niyong subjects"
Oo nga pala, maiiwan dito si Klein dahil marami siyang inaasikaso. Tsaka wala rin
naman siyang bibisitahin sa normal na mundo at ni-minsan ay hindi pa siya
nakakatuntong doon.
"Pero mami-miss ko kayo, see you next sem" Nakipag-apir si Klein kanila Charly at
Harly samantalang yumakap naman siya sa aming mga babae.
"Picture tayo! Remembrance of our Marsham days" Sabi ni Charmaine at inalabas ang
iPhone niya.
Ibinalik na ang cellphone namin kahapon habang sinasabi yung rules. Pero of course
hindi kami makakatawag at makakatext sa mga kakilala namin sa normal mundo dahil
wala namang signal dito sa magical world. Wala namang tore ng Sun o Globe dito.
"T-teka parang kulang tayo" Sabi ni Harly at isa-isa kaming binilang. "Wala si Red"
"Hayaan niyo na mag-picture na tayo ng wala siya! First time kong makakapag-
picture" Masayang sabi ni Klein, hindi naman masyado marami ang alam niya sa mga
ginagawa sa normal na mundo. Natututo nga lang mag-english 'yan dahil naririnig
niya sa mga estudyante rito sa Altheria.
"Ah siguro uuwi muna ako sa Raven Clan, matagal-tagal na rin akong hindi
nakakabalik doon. Mga isang linggo akong mananatili roon tapos balik ulit ako dito
sa Altheria para tulungan si tanda"
Napatango-tango ako sa kanyang sinabi pero patuloy pa rin sa paglibot ang aking
mata sa paligid. Nagbabaka-sakali ako na makita ko si...
"Baliw ba't ko naman hahanapin 'yon. Hinahanap ko si Sir Ernie, magpapaalam ako.
Adviser pa rin natin 'yon 'no?" Of course it's a lie. Si Red talaga ang hinahanap
ko.
"Ba't mo ba hinahanap 'yon? Ilang beses kaya no'n pinahiya yung section natin.
Patakbuhin ka ba naman ng tatlong bibe habang tumatakbo sa Quadrangle" Kunwaring
nanginig si Bea. "Grr. Kinikilabutan ako kapag naaalala ko"
Tumingin lang sa amin si Red at isinuot ang kanyang headset at pumunta sa unahan ng
pila kung saan malayo kami. "Anong problema no'n?" Pagtatanong sa akin ni Bea
ngunit itinaas baba ko na lang ang balikat ko kasi hindi ko alam.
Bumalik na naman siya sa pagiging cold just like the first day. Well, baka masama
lang gising.
"Text-text na lang tayo para kamustahin ang isa't-isa ha? Hoy Jasmin makipag-face
time ka sakin!" Bulyaw sa akin ni Charmaine at nag-okay ako sa kanya.
"Kayo man mag-ingat kayo, kita-kita na lang tayo" Nakangiti kong sabi sa kanila.
***
There's a book 2 guys! Obvious naman dahil wala pang love story na nabubuo :D
RANT
Pwede bang mag-rant kahit isang beses lang?
"Update. Bitin."
Seriously? Araw-araw na nga akong nag-a-update tapos ganyan pa nababasa ko. Yung
ilang oras na binubuno ko sa pagta-type ganyan lang sasabihin niyo?
Kung iyan lang ang iko-comment niyo, please! Ako na ang nakikiusap, huwag na kayong
mag-comment. Hindi nakakagana, mas lalong nakakatamad.
Alam kong nabibitin kayo kasi paganda ng paganda yung nangyayari pero sana
iniintindi niyo rin ako. Sa tuwing nagno-notif na may nag-comment sa Altheria,
excited akong buksan kasi akala ko mababasa ko yung mga reaction niyo... But
still... "Update na po"
Isa pang may mag-comment na gano'n, seriously, mas lalong babagala ng update or
worst... Masa-satisfy na ako sa ending ng book 1.
"Ah worth it ang pagta-type ko kasi maganda ang feedbacks nila! Mas pagagandahin ko
pa ang Update"
Guys I'm hoping for your kind consideration. Let's keep cool dahil mag-a-update ako
bukas.
Klein's Misadventure 1
Klein
Kung alam lang ni kuya Ronnel na sinisiraan ko siya kay tanda hehe. Ang dami lagi
ng kaltas sa sahod niya, buti na lang 'di niya pansin.
Para naman tanga si kuya Ronnel. Malamang nakabalik na ako kasi nandito na ako sa
loob. "Oo kuya Ronnel, sinabi ko na rin kay tanda na naging mabait kang guwardiya"
Kaplastikan.
"Wala 'yon, sige pupunta na ako kay tanda. Na-miss ko na yung boses niya eh" Sabi
ko at nagpaalam kay kuya Ronnel.
Medyo nakakapanibago ngayon sa Altheria dahil iilang estudyante lang ang gumagala
sa campus, wala pa yatang isang daan ang mga nandito eh.
Hindi ko rin naman ka-close ang mga nandito, grabe! Isang linggo mahigit pa lang
nawawala sina Jasmin pero sobrang miss ko na sila.
"Hello tanda!" Masaya kong bati pagpasok ko sa office. Pero napatahimik ako bigla
nung makita ko na nandito ang lahat ng professor sa Altheria. May meeting pala na
nagaganap. "Sorry" Mahina kong bulong at dahan-dahang isinara ang pinto.
Ilang oras din akong naghintay sa labas ng Principal's office. Nung nakita kong
naglalabasan na ang mga guro ay agad akong pumasok.
Napakamot ako sa ulo ko, "Eh bukas naman ang pinto tanda eh. Pasensya hehe"
"Ayon nag-aalala sila sa nangyari kay Jasmin, balak sana nilang kuhanin si Jasmin
pero dahil mabait ako, ang sabi ko ay kaya mo na siyang protektahan" Nakangiti kong
sabi sa kanya at nag-thumbs up.
"Huwag kang mag-alala tanda, nandito naman kaming mga kaibigan niya upang bantayan
siya.
"By the way Klein," Naglakad si tanda papunta sa drawer ng kanyang desk. "Pakibigay
naman 'tong kwintas na ito kay Sir Ernie"
"Eto na, kikilos na" Kinuha ko ang kwintas. "Kanino naman 'tong kwintas? Ganda ah"
Pagpupuri ko.
"Sa akin 'yan kaya ingatan mo ang paghawak d'yan. Hindi basta-bastang kwintas 'yan
dahil pinapahalagahan na 'yan sa Altheria sa mahabang panahon" Bigla naman akong
kinabahan dahil malaki pala ang importansya ng kwintas na ito.
Tinanggap ko ang kwintas at naglakad na palabas ng silid. Ibibigay ko lang naman
'to kay Sir Ernie tapos pwede na akong magpahinga.
"Galing talaga" Nakangiti kong bigkas. Nakakatuwang makita na nagbunga ang lahat ng
hardworks ng kaibigan ko.
Habang naglalakad ako ay biglang may goblin na nangharot sa akin. Normal naman na
makakita ng goblin dito lalo na't mababait na goblin ang nasa loob ng Altheria.
Pero as a goblin... Hindi pa rin sa kanila maiiwasan ang pagiging sobrang harot at
gulo.
"Hoy! Ibalik mo nga 'yang kwintas!" Malakas kong sigaw ngunit tumakbo ito patungo
sa Quadrangle.
Kung pwede lang kaming gumamit, paniguradong sunog na 'tong goblin na 'to. Pati
kaluluwa niya ako na rin ang susunog ng mabawasan ang trabaho ng demonyo.
Hinihingal na ako kakahabol pero hindi ko pa rin ito nahahabol. Kung hindi lang
talaga importante yung kwintas na 'yon kay tanda ade sana hindi ako nagpapakahirap
na habulin 'to.
Tumayo ang goblin sa isang desk at nagtatalon pa para asarin ako. Kapag nahuli ko
pang 'tong pandak na berde na 'to.
Malapit ko na sanang maabot ang tenga nung goblin pero bigla na lamang itong
pumasok sa portal. Huli na para mapigil ko ang takbo ko, tuluyan akong napasok at
nahigop ng portal. Anong gagawin koooooo!?
***
3rd person
Tumakbo ang guwardiyang si Ronnel papunta sa principal office upang ipaalam ang
nangyari. "Mrs. Evelyn! Mrs. Evelyn!"
"Isinara ko na po, gaya nung sabi niyo kanina sa meeting dahil wala na rin naman
estudyante na babalik sa mundo ng mga tao 'diba?" Pagpapatuloy ni sir Steven.
"Ibalik niyo ang portal" Malakas na sigaw ni Mrs. Evelyn, hindi naman siya nag-
aalala kay Klein dahil malaki na ang monggoloid na 'yon pero mas nag-aalala siya sa
importanteng bagay na nasa kamay nito.
"P-pero..."
Mrs. Evelyn aabutin po ng ilang linggo bago ulit mabuksan ang portal.
Napatampal na lang sa kanyang mukha si Mrs. Evelyn. "Klein ano na naman ba 'tong
kalokohan na ginawa mo" Mahina niyang pagmo-monologue. "Sa oras na makabalik ka
rito sa Altheria hintayin mo ang magiging parusa mo"
***
CATHY
"Cathy! Cathy!" Dinig na dinig ko ang malakas na hiyawan ng aking mga fans mula sa
labas. Nasa backstage ako ngayon at kakatapos ko lang mag-perform.
"Tubig" Request ko sa isang staff at mabilis biya akong inabutan. Kumuha rin siya
ng pamaypay at nagsimula akong paypayan.
"I know" Tipid kong sagot at nagbasa na lang ng mga tweets galing sa mga fans.
Hindi talaga madaling mabuhay bilang artista. Hectic schedules, minsan ka lang
makakalabas dapat may disguise pa, higit sa lahat maraming nakikipagplastikan sayo.
Mga nakikisakay sa kasikatan ko.
kumamot ito ng ulo. "Sabi ko naman sayo hindi ka pa pwedeng mag-leave lalo na't
kabi-kabila ang TV guesting mo"
I just rolled my eyes. "Pwede ba! Gusto ko naman magpahinga!" Malakas kong bulyaw
ko sa kanya. "Sa buong pag-a-artista ko sinusunod kita, sana naman pagbigyan mo
yung request ko kahit ngayon lang!"
Akala ng iba ay masarap ang ganitong buhay. Sa totoo lang, sa umpisa lang masaya.
Nung tumagal-tagal na, para na akong nakatali at hindi makawala sa mga trabahong
ito.
"I will try. Pero kailangan may kasama kang bodguard kung sakali mang umalis ka"
Nagbuntong hininga siya as a sign of forfeiting. Napangiti ako ng wala sa oras.
Good.
"Sige lumabas na muna kayo ng lahat, gusto kong mapag-isa" Wika ko at tinignan ang
sarili ko sa salamin. Sa wakas, may time na rin ako para mag-enjoy.
Narinig ko ang pag-click ng pinto , ibig sabihin lamang nito na ako na lang mag-isa
ang nandito.
Nagulat na lamang ako ng biglang may ingay akong narinug sa kabinet sa gilid.
Napatayo ako at biglang kinabahan. "Sino 'yan!?" Malakas kong sigaw.
Nanlaki ang mata ko nung biglang bumukas ang cabinet at iniluwa ang isang lalaki.
"Aray, aray!" Wika niya habang hinihimas ang hita niya. "Nakuha ko rin 'tong
kwintas"
Tumayo siya at mukhang nagulat siya no'ng nakita. "Eh ikaw! Sino ka?! Anong
ginagawa mo rito!?"
"Eh dito ang assign room ko sa backstage! Magpapatawag ako ng guard kapag hindi ka
umalis"
"Miss, kahit hindi mo sabihin aalis talaga ako dahil paniguradong hinahanap na ako
ni tanda" Inis niyang sabi sa akin.
Pero napaisip ako bigla, wala naman akong relatives dito sa may Pilipinas dahil
nasa Amerika silang lahat. In just few years nga eh baka sumunod na ako sa kanila.
Ini-scan ko siya.
Gwapo? Medyo.
Maganda ang katawan? Medyo.
Makapal ang mukha? Oo.
Lumabas ako saglit upang silipin kung nandoon si Manager Ella. "'Diba sabi mo
kailangan may kasama ako kapag pumuntang Ilocos?" Pagtatanong ko nung makita siyang
nakasandal sa pader.
"Actually hindi ko na kailangan ng bodyguard. May pinsan kasi ako na umuwi galing
amerika, siya na lang ang isasama ko" Pumasok ako sa loob upang hatakin ang
lalaking nakatayo.
Wala naman akong balak isama siya sa vacation trip ko 'no! Gagamitin ko lang siya
then babayaran ko, so that makakapag-enjoy ako sa Ilocos. Alone.
My Ilocos trip will start soon. Malayo sa fandom. Malayo sa hectic schedule. Malayo
sa stalker. At higit sa lahat, malayo sa trabaho!
***---***
Bago ko simulan ang season 2 ay magkakaroon muna ng special chapters si Klein. 5-7
chapters lang siya :)
Klein's Misadventure 2
CATHY
Sa wakas ay pumayag din si Ella, next week ay makakaalis na ako papuntang Ilocos
for my vacation. Ang masama nga lang ay babantayan niya kami nitong si... Kung sino
man siya.
"Ngayon lang ako nakapunta sa mundo ng mga tao kaya lahat ay nakakapanibago"
Napatigil ako sa naging sagot niya. ANO RAW?! Joker pala 'tong koya niyo.
"Salamat ha! Ako nga pala si Klein" Inabot niya ang kamay niya sa akin.
"Eh nagpakilala naman ako ah! Ade kilala mo na ako" Napairap ako ng wala sa oras.
Keep calm Cathy, siya ang tutulong sayo para makapagbakasyon ka.
"Okay. I'm Cathy, pero huwag na tayong magkamay" Tumango naman siya at kumain na
nung tsitsiryang inalok ko. "Saan ka nakatira?"
"Sa Altheria Academy. Kaso mukhang nasarado na yung portal kaya hindi na ako
makakabalik eh" Napa-ubo ak ng mahina. Mukhang monggoloid 'tong kausap ko. What?
Altheria Academy? Sa tanang buhay ko hindi ko pa naririnig na may school na ganoon
sa Pilipinas.
"Altheria Academy?" Napailing ako bigla. Hindi ko alam kung bakit nakikipag-usap
dito, kakakilala pa lang namin.
"Oo! Kaso bawal sabihin ang detalye tungkol sa paaralang iyon. Pero alam kong
gagawa sina tanda ng paraan para maibalik ako" Sabi niya sa akin. Weirdo.
Nagbuntong hininga ako upang pigilan ang sarili kong mainis. "After mong kumain
umuwi ka na ha?"
"Wala akong matitirahan sa mundo niyo"
Nanlaki ang mata ko. Breathe in, breath out. Biglang pumasok si Manager Ella. "Oh
wala palang matitirahan 'tong pinsan mo Cathy. Ba't hindi na lang sa bahay mo tutal
magpinsan naman kayo"
Nanlaki ang aking mata pero of course kailangan kong sakyan 'tong trip na 'to. Kung
gusto kong magbakasyon, kailangan manatili akong kalmado.
"Akala ko ba galing Amerika 'yang pinsan mo?" Pagtatanong ni Manager Ella at bigla
naman akong kinabahan.
Mabilis akong nag-isip ng dahilan, napatingin ako sa lalaking nasa harap ko at wala
siyang pakielam sa nangyayari sa paligid. Nakaka-beast mode. "Jetlag. Alam mo na,
napagod sa biyahe kaya wala siyang oras makipag-english-an sa ngayon"
"Oh sige, hatid mo na siya, umuwi ka na tutal tapos na rin naman ang show" Sabi ni
Manager Ella at lumabas.
"T-teka huwag kang magalit sa akin, sabi mo sakyan ko ang trip mo" Sabi niya sa
akin. "At isa pa, wala naman talaga akong matitirahan, hindi pa ako makakabalik ng
Altheria"
Sa hindi ko malamang dahilan heto ako! Akay-akay ang abnormal na ito papunta sa
parking lot. Mabuti na nga lang at walang mga fans at paparazzi na naghihintay.
Pinindot ko ang car key upang mabuksan ang sasakyan. "Anong tawag niyo sa bagay na
'yan tagalupa?" Pagtatanong niya sa akin habang turo-turo ang mini cooper kong
kotse.
Hello! Sa panahon ngayon sino ang hindi nakakaalam sa kotse. Parang ewan 'tong si
Koya. Ah baka ang brand ng kotse ko ang gusto niyang malaman. "This is a mini
cooper worth---"
Hindi na niya ako pinansin dahil bigla siyang sumakay sa driver's seat. "Ay kapal
ng mukha? Kotse mo? Kotse mo? Ako ang magda-drive, doon ka sa shotgun seat"
Bumuntong hininga ako, keep calm Cathy. Keep calm. Siya ang tutulong sa iyo para
makapagbakasyon. "Sa kabila, doon ka umupo"
Umusog na siya at in-start ko na ang engine ng sasakyan. "Ano ang tunog na 'yon
tagalupa?" Nagpa-panic niyang tanong.
"Engine lang 'yon, wala pang namamatay sa pagtunog ng engine" Inis kong bigkas.
"Huwag mo sabihing tagabundok ka kaya hindi mo alam ang mga bagay na 'to?"
"Galing ako sa malayong-malayong lugar. Napunta lang naman ako rito para sa kwintas
na ito" Ipinakita niya sa akin ang kulay gintong kwintas at kumikinang ito.
"Hindi ako magnanakaw dahil unang-una kay tanda itong kwintas at ang sabi niya sa
akin ay ingatan ko 'to" Yeah whatever. Pakielam ko sa tanda niyang sinasabi.
Pinaandar ko na ang kotse at lumabas ng parking lot. "Whoah! Tagalupa! Ang tulin ng
ginagamit niyong transportasyon!"
Hindi ko na lang siya pinansin dahil mukha namang taga-probinsya siya, mas maganda
na 'yon ke'sa daldalin niya ako.
"Billboard"
"Truck"
Nababanas na ako sa puro tanong niya. Ito ang unang beses na makakilala ako ng
ganitong ka-ignoranteng tao.
"Okay" Sabi niya at nanahimik, pero tuwing tinitignan ko siya sa rear mirror ay
talagang manghang-mangha siya sa nakikita niya. Napangiti naman ako dahil parang
may bata akong kasama.
"Nandito na tay--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakatulog pala itong
katabi kong lalaki. "Pambihira, ginawa pa akong baby sitter"
Nag-unat siya. "Talaga? Nasaan ang kama? Matutulog muna ako" Aba! At home 'tong
taga-mental na 'to.
Hahayaan ko na rin siyang mag-stay sa bahay ko as a token dahil sinakyan niya ang
trip ko, hindi naman ako gano'ng kasama na tao.
Lumabas ako at binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang aso kong si Mocha.
"Ang cute naman niyan!" Biglang yinakap ni Klein ang aso ko. If I remember, Klein
ang pangalan niya.
Napatigil ako nung dinila-dilaan siya ni Mocha sa pisngi. "Tinitingin mo?" Aba may
attitude!
"Wala, nakakamangha lang dahil ito ang unang beses na magpayakap si Mocha sa ibang
tao. Kahit manager ko hindi 'yan nahahawakan"
"Gusto mo ba mag-summon pa ako ng maraming aso rito? Kung hindi mo naitatanong isa
akong magaling na summoner sa mundo namin" proud niyang sabi.
"No thanks, hindi ako pumapatol sa kabaliwan ng takas sa mental na gaya mo" Sabi ko
at binuksan ang guest room. "Dito ka muna mananatili pansam--"
"Hangga't hindi pa ako nakakabalik sa Altheria dito muna ako. Sige magandang gabi
na lang sayo" Pumasok na siya sa silid at wala na akong nagawa.
Kinaumagahan ay bumangon agad ako para magluto ng almusal. "Ano ba 'yan wala pa
bang pagkain?"
"Hoy 'wag ka ngang magreklamo! Bahay ko 'to" Inis kong sabi. Aligagang-aligaga na
nga ako sa paghahanda ng makakain tapos gagatungan pa ng lalaking ito.
Kumuha ako ng baso, pagtingin ko sa kalan ay nakapatay na ang apoy nito. "T-teka
napatay mo na? Hindi ka naman tumatayo sa kinauupuan mo ha?"
"Ah eh. Ikaw ang pumatay niyan kanina, hindi mo lang napansin" Kumakamot sa ulo
niyang tugon.
Pinatay ko ba? Sa pagkakaalam ko ay wala pa akong ginagawa? Hay naku! Baka nga
napatay ko na, nagiging makakalimutin na ako dahil sa dami ng trabaho. Kailangan na
kailangan ko na talaga ng bakasyon.
Habang kumakain kami. "Nasaan ang pamilya mo?" Pagtatanong niya habang sumusubo ng
kanin. Patay gutom ba siya? Kung makakain akala mo namang sasabak sa gyera.
"Ang lungkot naman pala sa murang edad eh wala kang kasama rito" Sagot niya. "Eh
kaibigan wala ka? Ako kasi marami akong kaibigan sa mundo namin kaya pakiramdam ko
ay hindi naman ako nag-iisa"
"Mayroon naman, pero puro pakitang-tao. Ganoon naman talaga sa showbiz kaya medyo
sanay na rin ako"
Nagiging komportable na akong kausap siya dahil ito ang unang beses na may makausap
ako na hindi ko fan. Yung parang normal conversation lang, ang tagal ko na 'tong
hindi nararasan. "Eh ikaw nasaan ang magulang mo?"
"Nasa ibang lugar din, wala rin naman akong balak bumalik doon. Pero sa Altheria
Academy, may mga kaibigan ako tsaka nandoon si Tanda. Inaalagaan nila akong lahat"
Sabi niya sa akin.
Matapos kong kumain ay naglakad ako patungo sa sala. Mamayang hapon pa ang
interview ko sa isang talk show kaya makakapag-enjoy ako this morning. Pero nanlaki
ang mata ko nung nakita kong basag ang screen ng TV sa sala at mukhang sinuntok.
"KLEIN!" Malakas kong sigaw at agad naman siyang dumating habang hawak-hawak si
Mocha. "Anong ginawa mo sa TV ko!?"
"Eh kagabi may lumabas na mga taong duguan diyan at mga pumapatay. Akala ko nga
makakain din ako pero mabuti na lang agad kong nasuntok ang mukha niya hehe. Galing
ko 'no?"
"Tang--" Pinigilan ko ang sarili kong magmura. "Pati TV first time mo rin
makakita?! Maygahd!" Napahilot ako sa aking sentido.
"SA SUSUNOD KASI 'WAG KANG MANUNUOD NG THE WALKING DEAD! Maninira ka pa ng TV!"
Argh! Kailangan ko pa tuloy palitan yung nasira niya. Seriously? Ngayon lang ako
nakakita ng ganito ka-ignorante.
Klein's Misadventure 3
"Ano ba kasing nangyari?" Pagtatanong sa akin ni Manager Ella habang idini-deliver
ang bagong T.V sa bahay ko.
"Wala, 'wag ka na lang magtanong about that. Nababalik lang ang asar ko kay Klein"
Bwisit na taga-mental na 'yon kung umasta ngayon parang wala lang yung nangyari.
Ilang libo rin ang presyo ng isang TV. "By the way kamusta yung pina-book kong
flight?"
"Okay naman, 2 days from now pwede ka ng makapagbakasyon kapag tapos mo sa isang
fan meeting bukas" Gumuhit ang malapad na nguti sa aking labi. "Kinuha ko rin ng
plane ticket si Klein. 1 week vacation 'yon sa Ilocos"
"Thank you, magkita nalang tayo mamaya sa interview" Sabi ko kay manager Ella at
pumasok na sa loob ng bahay.
"Kapag may lumabas ulit na taong duguan at nangangagat, para naman mabawasan 'yang
pera mo"
"Hangga't wala pang sumusundo sa akin" Ewan ko ba! Saan bang lugar 'yang Altheria
na 'yan? Puro tungkol doon na lang ang sinasabi ni Klein. "Siya nga pala, aalis ba
tayo? Bakit puro bakasyon ang naririnig ko kapag kausap kayo nung babae na 'yon?"
Tinutukoy niya ay si Manager Ella.
"Ella. Hindi siya basta-basta babae lang, may pangalan siya" Wika ko. "Ako lang ang
magbabakasyon, maiiwan ka rito" Ayokong magbitbit ng sakit sa ulo sa bakasyon ko
'no.
"Sayang naman, paniguradong masisiyahan ka kapag kasama mo ako" Proud niyang sabi.
Siyempre hindi naman pwedeng manirahan siya ng libre rito sa bahay ko, kung plano
niyang magtagal, aba! Pagtrabahuhan niya! Buhatin niya lahat ng gagamitin kong
gamit sa interview.
Ilang oras lang ay nasa sasakyan na kaming dalawa ni Klein. Mabuti na lamang dahio
may mga panlalaki akong damit kaya may nagamit siya. Naaawa ako ngayon kay Klein,
ignorante na nga, mahirap pa, takas pa sa mental. Haist hindi ko naman alam na nag-
e-exist ang ganitong kamalas na tao.
As usual napakaingay niya pa rin at mukhang hindi nawawalan ng kwento. "Ang ganda
pala rito sa mundo ng mga tao 'no?" Wika niya habang nakatingin sa labas ng kotse.
"Ba't ba sabi ka ng sabi ng mundo ng mga tao? Hindi ka ba tao? Kung maka-tagalupa
ka sa akin parang hindi ka umaapak sa lupa" Iritado kong sagot sa kanya ngunit
tinawanan lang ako ng monggoloid.
Napapreno ako ng wala sa oras dahil sa malakas niyang sigaw. "What's your problem!"
"Ihinto mo saglit itong sasakyan na ito" Wika niya kaya napatigil ako sa isang
gilid ng kalsada. Anong probpema ng probinsyanong ito.
Pagkahatid niya sa matanda ay nakipag-apir siya rito at kumaway. Ang jeje nung apir
ah.
Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Ang tumulong sa kapwa ang bagay na parating
sinasabi sa akin ni tanda. Wala namang masama kung hindi ka tutulong pero mas
walang masama kung tutulong ka" Wika niya sa akin. "Parati akong tumutulong sa
Altheria, nagmumukha na nga akong katulong ng buong Academy dahil sa ginagawa ko"
Noong makarating kami sa TV Station ay agad kong pinark yung kotse. "Nandito na
tayo" Sabi ko kay Klein. "Bitbitin mo lahat ng gamit ko"
"Oo na tagalupa"
"Ba't ba ang hilig mo kong tawaging tagalupa. Sinabi ko na sayo 'diba? Cathy ang
pangalan ko"
"Mas madali kapag ganoon. Tsaka mga malalapit na tao lang sa akin ang binibigyan ko
ng bansag kaya dapat matuwa ka" Ay ganoon? Utang na loob ko pa na tagalupa ang
tawag niya sa akin. Baka kapag lumangoy ako sa dagat maging biglang tagatubig na
ako?
Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng isip ng lalaking ito, minsan matino
kausap pero mas madalas, para siyang humithit ng isang dosenang droga kada-araw.
Palaging high.
"Yeah whatever" Sagot ko sa kanya at pumunta sa assigned room kung saan gaganapin
ang interview. May mga fans din na naghihintayvsa labas.
"Cathy! Cathy!"
Iyan ang malakas na sigaw ng mga tao sa paligid. Nung umpisa nakakatuwa dahil may
nagmamahal sa iyo pero nung tumagal-tagal eh napagtanto ko na walang permanente sa
mundo ng showbiz, mahal ka lang nila kapag maganda ang takbo ng career mo pero sa
oras na makagawa ka ng isang pagkakamali... Kung makalait wagas! Mga bandwagon.
"Ikaw yata ang kriminal sa ating dalawa" Mahinang bulong sa akin ni Klein habang
bitbit-bitbit niya ang isang bag na malaki at basket.
Hindi ko pinansin ang mga nadadaanan naming fans. Tipid na ngiti lang ang ibinigay
ko sa kanila. "Bakit naman?" Ako kriminal? Haler! May disente akong trabaho 'no.
"So sinasabi mong pangit ako?" Napahinto ako sa paglalakad at masama siyang
tinignan.
Namilog ang mata ko ng biglang ilapit ni Klein ang mukha niya. "Sa'yo nanggaling
'yan" Ngumiti siya at naunang maglakad.
"Hoy for your information. Ako ang pinakasikat na teen artist ngayon sa Pilipinas.
Maganda? Check! Sexy? Medyo alanganin pero magiging sexy rin ako"
Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong hatakin ni Manager Ella. "Cathy bakit
ang tagal mo? Kanina ka pa hinihibtay, halika na sa dressing room malapit ng mag-
start. Ayaw pa naman ni direk ng late"
Wala na akong nagawa kun'di ang magpahatak kay manager Ella at nginitian niya na
lang ako. Weird, ano bang meron sa ngiti niya? Pinagyayabang niya ba yung pang-
toothpaste commercial niyang ngipin. Maganda rin ngipin ko 'no!
***
Natapos ang interview at lumipas ang dalawang araw, sa wakas ay makukuha ko na rin
ang bakasyon na matagal ko ng hinihintay... Nang kasama si Klein.
Nasa eroplano na kami at mukhang excited na excited 'tong probinsyanong kasama ko.
"Tagalupa! Paano ito umaandar? Panibagong transportasyon na naman ba ito? Paandarin
mo na tagalupa! Paandarin mo na!"
Sa lakas ng boses ni Klein ay napapalingon ang ibang pasahero, buti na lang first
class 'to. Walang pakielamanan... Pero nakakahiya pa rin dahil ang iskandalosa
niya.
"Umupo ka nga" Hinatak ko yung damit niya para mapaupo siya ng maayos. Pagkaupo
niya ay agad kong dinampot ang libro upang takpan ang aking mukha. Gosh nakakahiya.
"Tagalupa paand--"
"Klein hindi ako ang magpapaandar, hindi ko kayang magpaandar ng eroplano. Binigyan
mo pa nga ako ng sakit ng ulo dahil sa pagkuha natin ng VISA mo kahapon" Gusto kasi
talaga ni Manager Ella na kasama ko 'tong Monggoloid na 'to.
***---***---
Klein's Misadventure 4
Touch down Ilocos. Saglit pa akong nag-unat habang nasa labas kami ng airport,
mabuti na lamang at hindi naibalita ang pagpunta ko rito. Gusto ko kasing maka-
experience ng isang normal na bakasyon.
Pinagmasdan ko ang paligid, as usual maganda talaga ang lugar na ito. Paborito ko
itong balik-balikan. Habang inililibot ko ang aking paningin...
"Hindi pa ba tayo kakain? Kanina pa ako nagugutom" May isa talagang tao na panira
eh. Yung feeling na nilalasap ko pa yung moment pero pambasag yrip talaga 'tong
peobinsyanong ito. Kaasar.
"Kumain muna tayo" Hinatak niya ang aking kamay at wala na akong nagawa kun'di ang
sumunod sa kanya.
"Alam mo ba kung saan ang kakainan dito?" Pagtatanong ko sa kanya at inalis ang
pagkakahawak niya. "Sundan mo ako"
Tutal umaga naman kami nakarating rito and breakfast is the most important meal of
the day, kumain kami sa isang restaurant. Siyempre ang in-order ko ay ang mga
putaheng pinagmamalaki ng Ilocos, Bagnet at Longganisa.
"Bakit ba ang hilig mong ngumiti? Kaya ka napagkakamalang takas sa mental eh" Inis
kong sabi bago ako sumubo ng pagkain.
Mukhang unti-unti na akong nare-recognize ng mga tao kaya isinuot ko muli ang aking
hoodie kahit medyo tirik ang araw. "Bilisan mong kumain" Utos ko sa kanya habang
mahinang tinatapik ang kanyang braso.
"Masamang minamadali ang pagkain" Sagot niya at tuluyang nagkamay kumain, gosh!
Nasa restaurant pa man din kami, nakakahiya!
"Tumayo ka na, tara na" Medyo naiilang na rin ako dahil may ilang kumukuha na ng
litrato. "Kinukuhanan na nila tayo oh"
Nagulat na lamang ako ng biglang sumigaw yung ibang tao kaya napalingon ako rito.
"Biglang nagliyab"
Naririnig kong reklamo. Ba't naman masusunog phone nila eh wala namang apoy rito,
mga gumagawa lang ng eksena 'to eh. "Ano may kumukuha pa ba?" Pagtatanong sa akin
ni Klein.
Napalingon ako sa paligid. "Wala na, nasunog yung mga phone nila 'no? Ang weird"
"Enjoy-in mo na lang yung pagkain. Huwag mo na lang silang pansinin" Wika niya sa
akin. Aba't ako pa ang inuutusan ng probinsyanong ito.
Pagkatapos naming kumain ay masayang-masaya ang monggoloid kong kasama. "Ang ganda
naman dito Tagalupa. Daig pa nito ang mga nakikita ko sa Altheria"
Nakasakay kaming dalawa sa taxi papuntang Vigan. "Huwag mo ngang ilabas yung ulo mo
sa bintana" Inis kong sabi sa kanya.
"Nandito na po tayo" Sabi nung taxi driver, mahigit isang oras din kaming bumiyahe
bago makarating dito.
Ninamnam ko pa ang ganda ng paligid lalo na ang Calle Crisologo sa Vigan, the view
was really good. Nakikisabay din ang ganda ng panahon, hindi masyadong crowded.
"Tagalupa, wala ba tayong titirahan dito? Ang init, pinagpapawisan na ako" Naputol
mulo ang pagmo-monologue ko dahil sa pag-epal ng probinsyanong monggoloid. Wala ba
siyang ibang kayang gawin kun'di bwisitin ako?
Sumimangot akong lumingon sa kanya. "Eh sinabi ko naman sa'yong mainit yung panahon
nag-long sleeve ka pang damit at nag-jacket ka pa. Alam mong summer tapos ganyan
ang pormahan mo? Ayos ka rin eh 'no" Inis kong sabi habang binababa ang mga gamit
namin. "O dalhin mo 'to"
Kinuha niya ang mga gamit at nakipag-usap naman ako sa driver. "Kuya alin aa mga
hotel dito yung hindi masyadong napapansin ng maraming tao? I mean, yung medyo okay
lang"
"Ah ma'am doon po sa Vigan Heritage Mansion. Nasa dulo po kasi siya ng Calle
Crisologo kaya hindi masyadong napapansin. Pero maganda roon ma'am dahil mura lang
ang bayad"
Kapag ako nainis nito iiwan ko 'to. Pagkapasok namin sa hotel ay agad kaming nag-
check in. "Ang ganda sa lugar na 'to 'no?" Pagtatanong sa akin ni Klein.
Saglit akong napangiti, dahil kahit din pala aiya ay na-a-appreciate ang ganda ng
Vigan. Eto kasi ang paborito kong lugar na bakasyunan. "Oo" Tipid kong sagot sa
kanya. "Magpalit ka na, ako ang naaawa sayo sobrang init ng suot mo"
Maghuhubad sana siya sa harap ko. "Teka! Pumasok ka ngang CR" Tinakpan ko pa ang
aking mga mata.
"Arte mo naman"
Tumatawa siyang pumasok sa C.R habang ako ay humiga sa kama. Isang room with 2 beds
na lang ang kinuha kong room para less expenses.
Ipapahinga ko na muna ang mata ko dahil ang tagal din ng biyahe namin. Papikit
palang ako ng biglang may lumundag-lundag sa kama ko. "Tagalupa gising! Mamasyal na
tayo!"
"Mamaya na--"
Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hatakin ang dalawang kamay ko dahilan upang
mapaupo ako sa kamay. Nanlaki ang mata ko dahil ilang metro lang ang layo namin sa
isa't-isa. Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko. "Tara na!"
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa masayahing personality niya o maaasar dahil
dahil nakakaalibadbad na puro ngiti lang ang nakikita ko sa kanya. Bakla ba 'to?
Ba't napakahilig sa skinship? Bwisit na probinsyano 'to.
Naglakad kaming dalawa sa Calle Crisologo ng Vigan at sobrang na-amaze ako dahil
na-preserve nila ang kalumaan nito.
Nasa isang tindahan kaming dalawa ni Klein. Bigla niya akong kinalabit at nung
napalingon ako sa kanya ay may suot-suot siyang wig at nag-make face. "Ano 'yan?"
Kunot noo kong tanong sa kanya.
May ilang nagpapa-picture sa akin at hindi naman ako tumatanggi. I'm in a good mood
kasi.
Habang naglalakad kami sa gabi ay sobrang magical ng paligid. Mukhang hindi naman
na-a-appreciate 'yon ng probinsyanong kasama ko dahil panay lang ang kain. Ang
ganda ng street lights at ang ganda rin ng scenery.
Napairap ako sa ere. Bakit ba ako na-stuck sa lalaking ito? Kung tutuusin pwede ko
naman siya iwanan pero si Klein kasi kahit abnormal 'yan naging totoong kaibigan
siya sa akin.
Habang naglalakad kami ay may maliit na patak ng ulan ang dumampi sa aking balat.
Ang maliliit na ulan na ito ay biglang lumakas. Napatakbo kami ni Klein sa isang
duyan na may silong.
"Tag-araw naman ngayon pero umuulan. Weird" Wika ko habang isinasahod ang aking
kamay sa ulan.
Biglang tumayo si Klein at naligo sa gitna ng ulan. Parang tanga dahil siya lang
ngayon ang nasa gitna ng Calle Crisologo samantalang yung ibang tourist ay
nakasilong din.
"Ano pang hinihintay ko?! Tara na!" Humilamos pa siya sa kanyang mukha at
iwinagayway ang kanyang kamay sa akin. Monggoloid talaga.
"Ayoko, bawal akong magkasakit. May shooting pa ako pagbalik" Hindi ko maiwasan na
magtaas ng boses uoang magkarinigan kami dahil sa lakas ng ulan.
Hinatak niya ako papunta sa gitna ng ulan. Argh! No choice basa na rin naman ako.
"Nagbakasyon ka pa kung puro trabaho naman ang iisipin mo, alam mo dapat mag-enjoy
ka rin sa buhay. Minsan sa buhay, masarap gumawa ng kabaliwan para sumaya"
This time, magpapaka-immature ako tutal na-stuck na rin naman ako kasama ang baliw
na probinsyanong ito.
Winisik ko ang aking kamay sa kanyang mukha upang mabasa siya atsaka tumawa.
Sa unang beses, nakaramdam ako ng malakas na kabog sa aking dibdib dahil sa tuwa.
Totoo nga yung sinasabi sa akin ng ibang tao, minsan kailangan mo talagang lumabas
sa comfort zone mo para makaramdam ng saya.
***---***---
Klein's Misadventure 5
https://www.youtube.com/watch?v=5VhkGa0MPxY
Napatingin ako kay Klein at parang bata siyang tuwang-tuwa sa mga hayop. "Ganitong
klaseng hayop pala ang mayroon sa inyo tagalupa" Wika niya sa akin habang
nakatingin sa tigre.
Bumuntong hininga ako. Kahit saang zoo ka naman pumunta mayroong tigre, anong bago
roon? "Sa lugar kasi kung saan ako nanggaling ay walang ganitong klaseng hayop"
Pinagtitinginan siya ng ibang turista dahil sa mga katakaang ginagawa niya. Simula
ng nakilala ko siya, kailan ba siya hindi gumawa ng kahihiyan? Ano pang bago
'diba?"
May suot din akong shades at sumbrero ngayon para umiwas sa mata ng maraming tao.
Ayoko naman maging hassle ang bakasyon ko.
Parang ako naman ang napatigil sa pagbabalik niya ng tanong sa akin. Kahit ako
napatanong na rin sa sarili ko kung gusto ko siyang umalis. Parang nung nakaraan
lang gusto ko talaga siyang umalis pero ngayon... Hindi ko na alam. Nag-e-enjoy na
akong sakyan ang kabaliwan niya.
"Huwag kang mag-alala, siguro mga ilang linggo o buwan lang makakaalis na ako.
Bawal din naman ako manatili sa lugar na 'to sa mahabang panahon" Nakangiti niyang
tugon.
Parang nalungkot ako sa sinabi niya... Teka! Ba't naman ako malulungkot?
"Parati ka bang bumabalik dito? Sa lugar na ito?" Pagtatanong niya, ang ibig
sabihin niya ay yung sa Ilocos.
"Pangatlong beses ko ng napupunta rito pero yung first and second time ko hindi ko
masyadong na-enjoy kasi dahil sa work 'yon. Pero nakakamangha talaga ang ganda ng
Ilocos" Masaya kong kwento sa kanya.
"Ade masuwerte pala ako kasi ako ang kasama mo sa kauna-unahang bakasyon mo rito"
Kinabog pa ni Klein ang dibdib niya na parang nagyayabang. Baliw talaga.
"Bakit? Uuwi na tayo? Akala ko ba isang linggo tayo rito?" Sunod-sunod niyang
tanong.
"Yung sumbrero mo, aayusin ko" Inayos niya ang sumbrero kong suot at tsaka ngumiti.
"Ang ganda mo talaga hehe" Kinurot niya ang dulo ng ilong ko.
Hindi ko alam kung baliw talaga si Klein dahil sa mga sinasabi niya. Kung ano yung
pumasok sa isip niya ay bigla niya na lang sasabihin.
"Ang ganda mong sipain haha!" Malakas ko siyang tinulak at tumawa naman siya.
"Sorry na. Picture na lang tayo"
Inagaw niya sa akin ang cellphone ko at kumuha ng mga litrato. "Teka lang hindi pa
ako nakaka-post" Pagsaway ko sa kanya. "Bakit ba panay ka kuha ng litrato. Ang dami
na nating pictures dito"
"Para kapag umalis na ako, maraming remembrance! Hindi ko rin naman alam kung
kailan ako ulit makakapunta sa mundo niyo. At tsaka kapag bigla akong pumasok sa
isipan mo, matititigan mo pa rin ako sa pamamagitan ng litratong iyan" Wika niya sa
akin at napailing na lang ako.
Wala talaga akong gana kapag ang topic ay ang pag-alis niya. "Halika na, bumalik na
tayo sa hotel para makapag-check out na tayo"
Habang nasa loob kami ng hotel room ay nagba-browse lang ako ng facebook ko habang
siya ay naliligo. "Ano ba 'to! Kahit facebook account wala siya?" Ilang beses ko
kasing sini-search yung pangalan niya. May mga result pero iba yung picture.
Maygahd! Sino bang tao ngayon ang walang facebook? Si Klein lang! Itong taga-mental
lang!
"Tagalupa! Paabot naman ng panloob ko, naiwan kong nakapatong sa kama" Sigaw niya
habang dumungaw sa pinto ng banyo. Dali-dali ko namang pinatay yung phone ko, baka
akalain nung lalaki na 'to eh ini-i-stalk ko siya. Lelang niya.
"A-ano ba Klein ang baboy mo naman! Pati brief mo iniiwan mo rito" Maarte ko itong
dinampot.
"Arte eh ikaw nga ang namili niyan, ikaw rin ang nag-empake niyan" Inabot ko na sa
kanya ito. "Gusto moba makita kung gaano ako kagwapo?" Tinaas-baba niya pa ang
kanyang kilay.
"Biro lang tagalupa" Pumasok na mulo siya sa banyo. Bwisit talaga! Napakalakas
mang-asar.
Bumalik ako sa pagba-browse. Ano ba 'yan kahit twitter, instagram eh wala siya.
Kahit friendster wala! Bwisit na probinsyano 'to. Cellphone din wala siya, ganoon
ba talaga siya kahirap? Saang bundok ba 'to nakatira? Ba't mukhang hindi man lang
inabutan ng sibilisasyon.
Pagkaligo ni Klein ay agad na rin akong naligo para mamayang gabi ay makarating na
kami sa Pagudpud, limang oras din kasi ang biyahe roon from Vigan.
Nasa biyahe kami at panay ang pag-iingay ni Klein. Napakaraming kwento lalo na
tungkol sa mga kaibigan niya. "Saan ba yung Altheria na 'yan? Malayo ba 'yan"
Panay ang kwento niya tungkol sa paaralang iyon pero kapag tinatanong ko sa kanya
kung saan o anong klaseng paaralan iyon ay mabilis siyang umiiwas. "Huwag mong
sabihin na hideout iyon ng mga drug pusher"
Oo nga pala, hirap umintindi ng english ang abnormal na ito. "Wala, joke iyon kaso
probinsyano ka kaya hindi mo na-gets"
"Anong tawag doon! Parang malalaking halimaw!" Inalog-alog niya pa ako kaya mas
nagising ang diwa ko. Bwisit na lalaki 'to, hindi marunong rumespeto sa taong
kulang sa tulog.
Itinuro niya ang nasa labas ng bintana kaya napalingon ako rito. Yung mga windmills
pala ang tinutukoy niya. Sa totoo lang ay nakakatakot nga ang hitsura nito dahil sa
laki. "Windmill lang 'yan. Manong pwede naming buksan yung bintana?"
Nakadungaw lang kami habang pinagmamasdan ang paligid. "Tignan mo!" Itinuro ni
Klein yung dagat na nadaanan namin.
Masaya lang kaming nagtatawanan ni Klein habang nakadungaw. Ngayon ko lang nalaman
na nakakahawa pala ang kabaliwan, jusko ang lakad manghawa ni Klein.
Habang nakatanaw ako sa bintana ay bigla na lang akong nakaramdam ng bigat sa aking
balikat. Nakatulog na papa ang monggoloid kaya pala naging tahimik kanina.
Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya at unti-unti na ring bumabagsak ang
mata ko.
Gabi na nung makarating kami sa Pagudpud, as usual kahit gabi eh ang dami pa ring
tao dahil summer, peak season.
Sa Hannah's hotel kami nag-check in para secured ang privacy ko. "Ang ganda naman
dito! Pwede ba nating subukan 'yon?" Itinuro ni Klein yunh zipline.
"Bukas na, gabi na eh. Hindi mo naman mae-enjoy ang view kasi wala kang makikita"
Sagot ko sa kanya.
Naglakad kaming dalawa sa may beach at may nagpa-fire dancing pala kaya nanuod
kaming dalawa.
Kinapa ko ang bulsa ko. "Hindi ko dala yung phone eh, naiwan ko sa room na naka-
charge" Napasimalmal naman siya. "May bukas pa naman huwag kang O.A"
Habang naglalakad kami ay bigla nalang akong umangat sa lupa. "Hoy Klein ibaba mo
nga ako! Gabi na!" Wala pa akong balak mag-swimming ngayon dahil paniguradong
mabgangatog lang ako sa lamig.
"Ano ka ba! Isang linggo lang 'to, dapat sulitin natin ang bawat araw. Hindi natin
alam kung kailan ito mangyayari ulit" Lumapit kaming dalawa sa dagat.
"Bwisit ka!"
"Matagal ko ng alam haha!" Malakas pa siyang tumawa kaya mas lalo akong naasar.
Winisikan ko siya ng tubig sa mukha pero gumanti lang ang lokong monggoloid.
Hindi ako makapaniwala na gumagawa ako ng mga childish things kasama si Klein. It's
my first time na gawin ang lahat ng ito... At sobrang thankful ako kay Klein dahil
na-experience ko siya.
***---***---
Klein's Misadventure 6
Nasa buhanginan kaming dalawa ngayon ni Klein, ako nagsa-sun bathing samantalang
gumagawa ng kung ano-ano si Klein gamit ang buhangin. Isip bata talaga.
"Zip Line tayo" Pag-aaya sa akin ni Klein, kagabi niya pa sinasabi at pinipilit
'yan.
"Puro ka naman mamaya. Ngayon na!" Hinatak niya na ako at wala na akong nagawa
kun'di mapaupo sa buhanginan. "Tara na"
Tinawanan lang ako ng monggoloid. Sumakay kami ng tricycle para makapunta sa start
ng zip line. Nandito kasi sa Pagudpud ang longest zip line kaya worth it ang bayad.
"Anong magagawa ko nandiyan ka na. Kuya pakitulak ng malakas 'yan ah, gusto ko
pagdating niya sa dulo ay matinong tao na 'yan" Sabi ko sa nag-a-assist at
napangiti naman si kuya.
"Maginoo? Saang banda? Naiwan mo yata sa Vigan ang pagiging maginoo mo"
Magsasalita pa sana si Klein pero mabuti na lang at itinulak na siya ni Kuya. Dinig
na dinig ko ang malakas na sigaw ni Klein, grabe! Enjoy na enjoy ang monggoloid
samantalang ako ay butas na butas ang bulsa ko sa sobrang gastos niya.
Pagkatapos naming mag-zip line ay saglit kaming umupo at kumuha ng mga litrato.
Nakikipag-usap si Klein sa mga batang taga-isla at pinapakinggan ko lang sila.
"Alam niyo ba yung babaeng iyan..." Itinuro pa ako ni Klein kaya automatic na
nagtaas ang kilay ko, ako na naman ang pinagkekwentuhan ng monggoloid na 'to. "Ang
sungit-sungit niyan"
"Hoy! Huwag mo ngang i-pollute ng ka-monggoloid-an yung mga utak ng mga bata"
Mahina kong hinampas ang braso niya. Infairness Matigas ang biceps.
"Pero kahit ganyan 'yan eh mabait naman 'yan. Tsaka masaya kasama" Ako naman ang
napatahimik sa sinabi ni Klein. "Oh ba't napatigil ka? Kinilig ka ba?"
Bumalik ako sa huwisyo at ngumiwi. "Asa ka, nandiri ako sa mga pinagsasabi mo,
halika na kumain na tayo"
Para kaming bata ni Klein na nagsasaya sa dagat, ini-enjoy namin ang bawat sandali
dahil katulad nga ng sinabi niya... Hindi namin alam kung kailan ito mauulit. Baka
after this vacation ay umuwi na si Klein sa kung saang probinsya galing at ako?
Baka bumalik lang ako sa pagiging robot na Cathy, yung sunud-sunuran sa dinidikta
ng maraming tao. Gano'n naman talaga sa showbiz.
Nag-banana boat kaming dalawa ni Klein at masayang nagsisigaw. Yung pakiramdam ko,
sobrang saya kapag kasama si Klein.
Nung una naaalibadbaran ako sa mga kabaliwan niyang ginagawa pero ngayong nahawaan
niya na ako, dito ko na-realize na ang sarap palang maging baliw. Tinatawanan mo
lang ang problema.
"Hoy tagalupa! Tignan mo" Pinagmayabang niya sa akin ang sand castle niyang ginawa,
kaya pala ilang minuto na natahimik itong si Klein naging busy pala sa paggawa ng
sand castle.
Malakas kong sinipa ang ginawa niya at dinilaan. "Aba! Tagalupa! Hindi mo alam na
parang sinira mo na rin ang puso ko sa pagsipa mo ng sand castle 'yan"
"Kapag ikaw nahuli ko, humanda ka. Matitikman mo ang higanti ng isang api" Mabilis
na tumayo si Klein at inihakbang na ang kanyang paa.
"Kapag ikaw nahabol ko!" Sigaw niya sa akin kaya mas lalo kong binilisan ang
pagtakbo.
Kailan ko ba huling naranasan na maging ganito kasaya? Siguro nung mga panahong
kasama ko pa ang nga magulang ko, yung mga panahong iniisip ko lang na maging
masaya ako kasama ang pamilya. Ngayon kasi ay iba na ang sitwasyon, nasa ibang
bansa silang lahat samantalang ako ay nandito sa Pilipinas upang tuparin ang
pangarap ko.
Nahila ni Klein ang isang kamay ko at ikinulong sa kanyang bisig. Sa unang
pagkakataon, may lalaki na naging sanhi ng biglaang pagbilis ng kabog ng aking
dibdib. Halo-halo ang nararamdaman ko. Teka ano bang nangyayari sa akin.
"Ang bilis kong tumakbo 'no!" Parang bata niyang sabi at pinisil ang dulo ng aking
ilong.
Napatigil ako nung magkaharap kaming dalawa ni Klein, hanggang ngayon ay nakakulong
pa rin ako sa kanyang mga bisig. "Ang ganda mo pala talaga sa malapitan"
Mas lalo akong napatigil sa kanyang binitawang salita, parang umakyat lahat ng dugo
ko sa aking pisngi. "E-ewan ko sa'yo. Halika na nga bumalik na tayo sa hotel, lakas
nitong mambola"
Kumalas ako mula sa kanyang pagkakayakap at naglakad na. Sumabay naman siya sa
paglalakad ko.
"Hindi" Umirap naman ako sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako. Bwisit talaga.
"Bakit mo iniwan? Paano tayo makakagawa ng bonfire nito?" Nag-effort pa naman din
ako sa pag-aayos ng kahoy kaso useless din pala.
"Balikan ko?"
"Huwag na, malayo yung hotel na pinag-i-stay-an natin dito" Sumalampak ako sa
buhanginan ay napangalumbaba. Trip ko pa naman ang bonfire ngayon dahil sa lamig ng
gabi.
"Ah eh ganito na lang, pikit ka" Pilit tinatakpan ni Klein ang mata ko.
"Basta! Pumikit ka na lang, huwag kang didilat ah" Sabi niya sa akin. Nagbitaw ako
ng isang malalim na buntong hininga bago pumikit. Ano na naman kayang trip ng
probinsyanong monggoloid na ito?
Pagkadilat ko ay may apoy na yung bonfire. Hindi ko alam kung paano iyon nangyari
pero napangiti ako dahil nag-effort talaga si Klein.
Umupo si Klein sa tabi ko. "Bakit ganyan ka?" Pagtatanong niya sa akin kaya
napakunot ang noo ko. "Ang ibig kong sabihin, bakit hirap kang ipakita sa harap ng
maraming tao ang totoong ikaw"
"Pero ikaw masaya ka ba?" Napatigil ako. Minsan nakakagulat din ang mga lumalabas
sa bibig ni Klein.
"Importante pa ba 'yon?"
"Oo, wala na nga yung mga magulang mo rito. Sabi kasi sa akin ni tanda na ang
pamilya ang pinanghuhugutan ng lakas ng bawat tao. Hindi mo ba alam na mas
mapapasaya mo ang ibang tao kung nagpapakatotoo ka lang. Walang arte. Walang
pagkukubli" Wika niya sa akin at parang may luhang namuo sa aking mata.
Napagakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ito. "Alam mo kasi sa pag-arte lang
naman ako nag-e-excel. Dito ako trabahong ito komportable dahil ito lang alam kong
gawin, kaya hangga't maari gusto ko perpekto ako sa harap ng maraming tao".
Iniakbay ni Klein ang kamay niya sa balikat ko, "Kailangan bang maging perpekto ka
bago ka sumaya? Bakit ako? Ang dami kong pagkakamali sa buhay, pero sa kabila nito
masaya ako"
Ang sarap lang sa pakiramdam dahil may taong nagpa-realize sa akin ng pagkukulang
ko. May taong tunulong na baguhin ang pananaw ko sa buhay, may taong dumating para
tulungan ako sa oras na down na down ako. Salamat, gusto kong sabihin ang salita na
'yan pero kinimkim ko na lang. Siguro alam naman ni Klein kung gaano ako ka-
thankful sa kanya.
Habang nag-uusap kami ay may narinig kaming sunod-sunod na putok. May fireworks
display pala ngayon, napatingin ako sa makulay na mga paputok na parang isang
mahika na nagliliwanag sa kalangitan.
Ngayon ay bumalik sa akin ang mga ala-ala kung bakit ako nag-artista, dahil ang
pagiging artista ang kasiyahan ko. Ang pag-arte. Pagkanta. Pagpapasaya ng ibang
tao. Iyon, iyon ang kasiyahan ko.
Klein's Misadventure 7
Napapatanong ako sa sarili ko, bakit kapag ang lungkot-lungkot ng isang tao parang
ang bagal ng oras para sa kanya? Pero kapag dumadating naman sa punto na sobrang
saya ng isang tao... Ang tulin paglipas ng oras, para itong pangkarerang motor na
mabilis dumaan sa buhay mo.
Tapos na ang araw ng bakasyon namin, ang bilis ng mga pangyayari. "Oh ba't 'di ka
pa nakakaligo tagalupa? Akala ko ba aalis na tayo?" Pagtatanong ni Klein sa akin
habang inilalagay niya sa bag niya ang mga gamit niya.
Hinila ni Klein ang aking kamay. "Tumayo ka na d'yan! Tara na! Gustong-gusto ko na
ulit makasakay nung higanteng sasakyan na lumilipad sa kalangitan"
Take note mga bes, with action niya pang kinukwento 'yan. Kahiya talaga 'tobg
abnormal na 'to... And yet, nasanay na rin naman ako kaya dinadaan ko na lang sa
tawa.
"Eroplano 'yon. May bibigay nga pala ako sa'yo" Sabi ko sa kanya at may kinuha sa
bulsa ng bag ko. Ilang mga litrato na pina-develop ko kagabi. "Eto mga pictures.
Wala ka naman kasing facebook, twitter, instagram paano kita mata-tag? Kaya as a
remembrance totoong picture na lang"
"Salamat ha!" Tuwang-tuwa si Klein habang pinagmamasdan ang mga litrato. Iilan
lamang iyon sa mga pictures naming dalawa. "Iingatan ko 'to, ipagyayabang ko sa mga
kasamahan ko na nakapasyal ako sa mundo ng mga tao at nakilala ang isang tulad mo"
Ngumiti naman ako sa kanya at tinahak ko na ang daan patungo sa banyo. Hindi dapat
ako malungkot dahil paniguradong pagbalik namin ni Klein sa Manila ay magkakasama
pa naman kami.
Sa ilang araw namin dito sa Ilocos ay marami kaming lugar na napuntahan, marami
kaming mga activities na ginawa na na-enjoy naming dalawa. Lalo na siya, maluwag
ang turnilyo niya sa ulo kaya ang babaw ng kaligayahan ng mokong.
Napatingin ako sa kanya. "Wow Klein, ngayon mo lang na-realize 'yan. Nailibre na
kita't lahat eh" Hindi ko naman siya sinusumbatan or what, gusto ko lang siyang
asarin.
"Salamat sa libre hehe" Napairap na lang ako. Si Klein nga pala ang kausap ko,
hindi ko 'yan maaasar kasi monggoloid nga pala siya, hindi tatablan.
"Wala namang kaso ang pera, nag-enjoy naman akong kasama ka and that's the most
important"
"Babalik sa trabaho, but this time, susundin ko ang sinabi mo... I-enjoy ko lang
ang lahat at huwag matakot na ipakita sa ibang tao kung sino ang totoong ako" Mas
lumawak ang ngiti niya at nag-okay sign sa akin.
"Hindi pa oras ng flight, maghintay ka" Inis kong sabi habang inaayos ang suot know
ng sumbrero. Nasa public place kami eh, baka may makakilala sa akin at gawan pa ng
isyu.
"Sige sumakay ka para lalong hindi ka makauwi sa inyo" Hinatak ko ang suot niyang
pantalon at pinaupo sa tabi ko. "Huwag kang tumayo, nuknukan ka ng likot"
"Sows gusto mo lang akong katabi hehe. Sabihin mo lang--" Madiin kong kinurot ang
kanyang balikat. "A-aray! Tagalupa masakit!"
"Assumero"
"Siya nga pala, kapag balik ba natin sa Manila eh hahayaan mo pa rin akong manatili
sa bahay mo" Pagtatanong niya sa akin.
"Wala naman akong choice. Tsaka kaibigan na rin naman ang tingin ko sayo kaya okay
lang na doob ka muna" Ngumiti ng malapad si Klein.
Ilang minuto rin ang aming hinintay bago kami makasakay ng Plane, sa wakas ay
babalik na rin ako sa Manila. Ewan ko ba sa sarili ko, parang ang passionate ko
ngayon pagdating sa trabaho, parang I'm looking forward na makabalik muli ako sa
pag-arte.
"Ang tagal naman umalis!" Malakas na sigaw ni Klein. Nagtakip ako ng libro sa
mukha. Jusko hindi ko po kakilala ang abnormal na 'yan
Nung lumipad na ang eroplano ay wala pang ilang minuto ay nakatulog na si Klein.
Mabuti nga iyon dahil mababawasan ng maingay. Napagod siguro kagabi, paano kasi ay
nag-swimming siya kagabi hanggang 10 ng gabi. May hinahabol daw siyang gold fish.
Pinagmasdan ko ang mga kuha naming litrato ni Klein na nasa aking cellphone. Hindi
ko maiwasan na may gumuhit na ngiti sa aking labi.
Nag-text na rin ako kay Manager Ella na pauwi na kami para masundo niya kami.
Pinagmamasdan ko si Klein sa mga litrato, napaka-genuine ng ngiti niya na para bang
wala siyang mabigat na problema. Pero imposible namang walang problema ang isang
tao, baka may problema din si Klein pero magaling lang siyang magtago.
"Uy mukhang tanga" Pagganti ko sa kanya at umirap, nagsuot ako ng eye mask at
kunwaring natulog. Teka bakit ba ako nagpa-panic? Ang gulo, hindi ko maintindihan
ang sarili ko minsan.
"Crush mo ko 'no?"
"Klein kilabutan ka nga" Nanginig pa ako kunwari at mas lalo siyang natawa.
Magiliw niya lang pinagmasdana ng tanawin sa labas ng bintana. "Dito ka lang ba
nakasakay ng eroplano? Dito ka lang naka-experience na maabot ang langit?"
"Ha? Hindi, sa mundo namin abot kamay mo lang ang kalangitan. Maraming paraan para
makalipad ka" Pinagmasdan niya ang kwintas na kanyang suot. Ngayon ko lang napansin
ang ganda ng kwintas niya dahil sa kulay nito.
"Ah so parang Globe kayo? Abot niyo ang mundo gano'n?" Sinubukan ko mag-joke kaso
naalala ko na si Klein nga pala ang kausap ko. Hindi makaka-pick up ng joke na
pantao 'to.
"Wow Klein sayo pa talaga nanggaling 'yan" Nagkatinginan kaming dalawa at malakas
na tumawa.
Ilang oras lang naman ang itinagal ng biyahe from Ilocos to Manila dahil nag-
eroplano kami. Nung makalapag na ang eroplano ay agad kaming bumaba.
As usual masaya kaming nagtatawanan at nag-uusap ni Klein. Isinuot ko ang itim kong
sumbrero at salamin upang hindi makilala ng ibang tao.
Parang hindi ako narinig ni Klein dahil nakapokus lang siya ng tingin sa isang tao.
Sinundan ko ng tingin ang kanyang tinititigan.
"Tanda!" Malakas niyang sigaw, mabilis siyang tumakbo at yumakap sa isang babae.
Ang ganda ng ayos ng babae at halatang mayaman, kumpara kay Klein na mukhang
tumakas sa mental.
Naglakad ako palapit sa kanila habqng si Klein ay mahigpit na yumakap sa babae. Eto
pala ang babaeng tinutukoy na 'Tanda' ni Klein sa mga kwento niya. Malayong-malayo
ito sa mga kwento ni Klein, akala ko ay kagaya rin ni Klein na takas din sa mental
ngunit ang ayos ng pananamit ng matandang babae na ito.
"Oo naman tanda! Iningatan ko ito katulad ng sabi mo" Tumingin si Klein sa akin
nung napansin niyang naguguluhan ako. "Tanda eto nga pala ang tagalupang tumulong
sa akin habang nandito ako"
"Sige po mag-iingat po kayo" Ngumiti sa akin ang matanda at napatingin naman ako
kay Klein. "Mag-iingat ka rin at salamat sa lahat"
Yumakap sa akin si Klein. "Galingan mo ah! Iingatan ko ang mga litratong ibinigay
mo sa akin" Wika ni Klein.
Ang makita si Klein na naglalakad palayo, parang may mga karayom na tumutusok aa
dibdib ko. Si Klein ang kauna-unahang tao na naging totoong kaibigan ko. Siya ang
nagturo sa akin kung paano tumawa at ngumiti muli.
Palayo na ng palayo sina Klein. "Oh nandiyan ka na pala" Biglang may kamay na
humawak sa aking balikat. Si manager Ella. "Umiiyak ka ba?"
Maglalakad na sana ako papasok ng van pero may kamay na biglang humawak sa aking
kamay at pilit akong pinaharap.
Ang magical ng pangyayari, parang nag-slow motion ang lahat. Parang sa sandaling
ito ay nawala ang pagiging monggoloid niya at naging makisig siya sa aking
paningin.
"Oo may nakalimutan ako, hindi muna ako tatawa o ngingiti ngayon dahil lahat ng
sasabihin ko sa pagkakataong ito ay totoo" Seryoso niyang bigkas.
May mga matang nakatingin sa amin pero parang wala akong pakiramdam sa buong
paligid. Siya lang ang taong nakikita ko, sa kanya lang nakapokus ang aking mga
mata.
Marami na akong naka-partner sa mga drama, pero sa kanya lang lumalakas ang kabig
ng aking dibdib. Para itong tambol, sunod-sunod na tunog at nanlalambot ang aking
tuhod.
"Hindi ko alam kung kailan ako makakabisita ulit sayo, sa bakasyon? Sa susunod na
taon? Hindi ko rin alam. Pero ang alam ko, babalikan kita at mag-e-enjoy ulit
tayong dalawa"
Gusto kong magsalita ngunit parang nablangko ang utak ko at hindi ko maisip ang mga
tamang salita na sasabihin. Ang gulo!
Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso ng biglang tumama ang malambot niyang
labi sa aking pisngi, smack lang 'yon pero iyon na yata ang pinaka the best na
isang segundo ng buhay ko.
"Sa ngayin sa pisngi muna. Pero sa susunid hindi na sa pisngi mo tatama ang labi
ko. I-reserve mo 'yang labi mo" Wika niya sa akin. "Ako na ang nagmamay-ari niyan.
Bihira lang akong mang-angkin ng isang bagay. Pero kapag ibinakod ko na, mamamatay
ang gumalaw" Dugtong pa niya.
Tumakbo na paalis si Klein upang puntahan ang matandang naghihintay sa kanya. Nag-
wave hand siya sa akin bago umalis.
Hindi ito ang good bye. Nangako siya, babalik siya. Aasa ako roon.
***---***
Sorry for the typo's 12 midnight na kasi and I'm already half asleep. Sorry kung
may mga typo.
***
Bitbit-bitbit ko ngayon ang gamit ko, mabilis na lumipas ang dalawang buwang
bakasyon at oras na para bumalik kami sa Altheria. Excited na akong makita sina Bea
at Charmaine dahil puro face time lang sa facebook ang nagawa namin.
"Aalis ka na?" Pagtatanong sa akin ni lola Susan. Siya ang nag-alaga sa akin habang
nandito ako sa mundo ng mga tao. Kapitbahay lang namin siya.
Nung unang uwi ko nga sa bahay namin ay doon lang nag-sink in na wala na talaga si
papa, dati-rati ay maririnig ko ang sigaw no'n at mahigpit na yayakap sa akin kapag
galing akong school pero ngayon ay wala na. Mabuti na lang ay may mabuting loob si
Lola Susan at hinayaan niya akong manatili sa kanyang tahanan.
Nagbuntong hininga si Lola at umupo sa tabi ko. "Maiiwan na naman akong mag-isa
rito"
Byuda na kasi si Lola Susan habang nasa abroad naman ang dalawa niyang anak. Wala
siyang ibang kasama rito kun'di ang isang katulong.
"Nandiyan naman po si Ate Cecille" Hinawakan ko ang kamay ni lola. "Babalik naman
po ako rito sa bakasyon, kailangan ko lang po talagang bumalik sa school"
"Ano pa bang magagawa ko? Mag-i-ingat ka apo" Yumakap sa akin si Lola Susan.
"Naku lola kayo nga po ang dapat mag-ingat" Wika ko at isinukbit na sa aking
balikat ang bag. "Huwag po kayong magkakasakit 'la. Babalik po ako sa bakasyon"
"Ipapahatid ba kita?"
Naglakad na ako palabas ng bahay. Hinihintay ko ang bus na susundo sa akin. Sabi ni
Bea ay kulay pula raw ito, ito na raw ang maghahatid sa amin. Mala-Harry Potter
kaya ang bus na sasakyan namin?
Ilang minuto lang ay huminto na ito sa tapat ng bus stop. Pagpasok ko pa lang sa
loob ng bus ay nakita ko agad si Sir Steven. "Good morning po sir" Pagbati ko sa
kanya bago naglakad papasok sa loob.
"Ang aga mo namang babalik ng Altheria?" Nagulat ako nung biglang magsalita ang
katabi ko kaya napalingon ako rito.
"Uy Harly! Kamusta ka na?!" Hinampas-hampas ko pa ang kanyang balikat dahil sobrang
na-miss ko rin itong lalaki na 'to. Siyempre siya kasi ang pinaka-close kong lalaki
sa Altheria. "Nangitim ka yata?"
"Ah galing kami ng Zambales last week" Sabi niya sa akin. Nagkamustahan pa kaming
dalawa.
One week pa naman ang natitira bago mag-start talaga ang actual na klase, medyo
nauna nga lang ako dahil gusto ko na rin makita ang mga kaibigan ko. At tsaka this
time ay nasa Wanester Division na kami kaya panibagong environment na naman at
kailangan ko kaagad na makapag-adapt sa norm.
Patuloy lang sa pag-andar ang bus, as usual kinumpiska na muli ni Sir Steven ang
lahat ng gadgets namin. Hindi naman kasi allowed iyon sa loob ng Altheria.
Habang bumabiyahe ay ino-orient na naman kami ni sir Steven tungkol sa mga rules
and regulation, na-discuss na sa amin 'to dati pero mas maganda ng ipaalala muli.
Dumaan na naman kami muli sa gubat kung saan dumaan ang ama ko nung unang punta
namin sa Altheria. Bigla ko tuloy siyang na-miss dahil sa lugar na ito ko huling
nakasama at nakausap si papa. "Oh bakit parang naiiyak ka?" Nag-aalalang tanong sa
akin ni Harly.
Nakakamangha. Nakaka-miss din palang makakita ng mga ganitong bagay dahil dalawang
buwan ang lumipas mula nung huli akong makakita ng magic spell. Hanggang ngayon
kasi ay wala pang ilaw ang kwintas ko pero karamihan sa mga estudyante na kasabayan
ko ay mayroon na. Umilaw ang kwintas nila bago pa man magbakasyon.
Unti-unti ng lumabas ang daan patungo sa Altheria. Just like the old times, nung
unang punta ko roon ay hindi ko alam na nag-e-exist pala talaga ang magic.
Umaandar na ulit ang bus hanggang marating namin ang Altheria academy. Wala naman
masyadong pinagbago ang Altheria.
Ibinaba kami ng bus sa Wanester Division, medyo may alam na rin naman ako sa lugar
na ito dahil nakabisita kami rito noong nakaraang Unity Festival.
"Kanina lang din, kailangan naming maghanda para i-welcome yung mga freshmen na
papasok" As usual. Parati namang busy si Bea as a member of school commitee.
Nakakamangha nga dahil ang galing niya sa time management eh.
"Oo naman! Ginawan ko ng paraan dahil hindi ako makakapayag na mahiwalay ako sayo
'no"
Pagkapasok namin sa room ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit. "Kamusta si
Charly at Charmaine? Kailan daw sila babalik sa Altheria?" Pagtatanong ko.
Wala naman pinagkaiba ang dorm namin dati sa dorm namin ngayon, mas maluwag nga
lang ngayon at mayroon kaming Alchemy pot sa kwarto. Kahit anong oras ay pwede na
kaming mag-synthesize ng maraming bagay.
"Baka the day before the class na raw. Nasa Palawan ang kambal, sinusulit ang
bakasyon" Wika niya sa akin.
Kumuha siya ng isang basong tubig at humarap sa akin. "Jasmin tignan mo"
Ginawa niyang yelo ang tubig na laman ng baso at maya-maya pa ay ibinalik niya ulit
ito sa pagiging tubig. "Sanay na 'kong mag-de froze"
"Congrats, ako eto..." Pinagmasdan ko ang aking kwintas na patay ang kulay. "Wala
pa ring kislap"
Kung hindi lang talaga ako lampa paniguradong may ilaw na 'to huhu.
"Si Red wala kang balak itanong kung nandito na siya?" Napatigil ako sa sinabi ni
Bea, ang tagal ko ng hindi naririnig ang pangalan na 'yon dahil nung nasa mundo
kami ng mga tao, siya lang ang hindi kumamusta sa akin. "Uy napahinto, kilig ka
'te?"
"Actually kasabay ko siya dumating, hanapin mo na lang I'm pretty sure gumagala-
gala 'yon dito sa Wanester Division" Hindi ko alam kung bakit ini-inform pa sa akin
ni Bea ang lahat ng bagay na 'yan... Wala naman akong pakielam.
"Ade gumala siya" Kumuha ako ng damit at naglakad tungo sa banyo. "Maliligo muna ko
ah"
"Oh sige maiwan na rin kita, may aasikasuhin pa kami. Kung may kailangan ka nasa
faculty room lang ako" Naglakad palabas si Bea habang ako ay tumungo sa banyo.
Matapos kong maligo... Argh! Hindi rin ako nakatiis, naglakad-lakad ako sa paligid
ng Wanester Division. Pero hindi ko hinahanap si Red.
Mas maraming magical creature ang nandito lalo na sa Garden dahil ang daming gnome
at garden fairy na sumasabay sa aking paglalakad.
Ang kaibahan nito sa Marsham Division ay may training ground ito lalo na't
karamihan ng nasa Wanester ay may kislap na ang kwintas at kailangan ng palakasin
at matutunang gamitin ang kanilang mahika.
Dahil busy ako sa pagtingin sa paligid ay bigla akong tao na nabangga. "Sorry" Ako
na ang unang humingi ng paumanhin dahil ako naman ang may kasalanan.
"Okay lang, sorry rin" Wika niya at ngumiti sa akin. Grabe! Ang ganda ng babaeng
kaharap ko ngayon, para siyang manikin sa ganda ng hulma ng kanyang mukha at kurba
ng katawan.
Napansin ko ang bitbit niyang bag at mukhang kararating niya lang din sa Altheria.
"Uhm pwede bang magtanong? Saan ba dito yung girls dormitory?" Nahihiya niyang
tanong.
"Tamang-tama pabalik na rin ako sa dorm. Samahan na kita" Nakangiti kong sabi sa
kanya.
Nanlaki ang mata niya at huminga ng malalim. "Maraming salamat, kanina pa kasi ako
naliligaw. By the way, I'm Trixie" Nakipagkamay pa siya sa akin.
Grabe! Ang lambot ng kanyang kamay at babaeng-babae gumalaw. "Transfer lang kasi
ako"
Natawa siya ng bahagya. "Oo naman. Galing ako sa Eplixith school of sorceress. All
girls school" Sabi niya.
Pagkapasok namin sa dorm. "Anong room mo ba? Hatid na kita baka maligaw ka kasi
ulit hehe"
"Ay naku mabuti nalang at sasamahan mo ako, wala kasi akong sense of direction"
Napatawa naman kaming dalawa. "Room 208 kami"
"Same floor lang pala tayo, room 202 ang room namin" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Nakakainggit talaga ang kagandahan nitong si Trixie.
Naglakad na kami patungo sa tapat ng kanyang room "Salamat" Kinamayan niya muli
ako. "Ay by the way, kanina pa tayo magkausap pero hindi ko pa alam ang pangalan
mo. Nagmumukha tuloy akong F.C" Natawa naman siya.
"Jasmin" Pagpapakilala ko. "kung kailangan mong libutin yung Wanester division
sasamahan kita para ma-familiarize ka sa mga lugar"
"Salamat ulit"
Nakakatuwa dahil may bago akong nakilala sa unang araw ko bilang estudyante ng
Wanester. Nakalimutan kong itanong kung anong kapangyarihan niya, de bale! May
bukas pa.
Pumasok muli ako sa silid namin, as usual wala pa si Bea. Daig pa no'n ang
presidente sa dami ng gawain. Binuksan ko ang bintana, magdadapit-hapon na kaya
hindi na gano'ng kainitan.
Dire-diretso lang siyang naglakad na parang hindi ako nakita, pero alam ko...
Napatingin siya sa direksyon ko. May galit ba sa akin si Red? Pansin ko ang malamig
niyang trato bago pa man kami umalis ng Altheria.
***---***---***
Okay sa wakas magbabalik na sa Altheria! Dahil season 2 na, maraming mga lugar ang
mapupuntahan, mas maraming challenges, at maraming bagong karakter, example na ro'n
si Trixie.
Chapter 45 "Meeting"
Bukas na ang simula ng klase pero sobrang apektado talaga ako sa hindi pagpansin sa
akin ni Red, dati-rati ay madalas ko siyang kasama pero parang sa isang kisapmata
lang nagbago ang lahat.
"Baka naman pagod" Sabi ni Charmaine, mabuti na lamang ay nakabalik na sila. Medyo
napaaga dahil na-miss niya na raw kami.
Nasa cafeteria kaming tatlo nina Bea at naikuwento ko na sa kanila ang hindi
pagpansin sa akin ni Red.
"Tumigil na nga kayong dalawa, baka kung saan pa mapunta 'yang mga sinasabi niyo"
Wika ko sa kanila. "Uy Bea, totoo ba yung reshuffling ng section?"
"Oo eh, mas maraming nag-enroll this year kaya magdadagdag ng isang section.
Magkakaroon daw ng reshuffling para maging close daw ang mga estudyante ng Wanester
divisiom" Sabi ni Bea, "May chance na magkahiwa-hiwalay na tayo"
Nalungkot naman ako sa balitang iyon dahil masaya na ako na sila ang kaklase ko,
tsaka marami silang naitutulong sa akin.
"By the way Jasmin baka next week lumabas kayo ng Altheria" Pagbabalita sa akin ni
Bea at biglang kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"Bakit daw? Hindi pa nga nag-i-start yung klase. Tsaka 'diba bawal tayong lumabas
ng Altheria"
"Baliw" Mahinang hinampas ni Charmaine ang balikat ko. "Nasa Wanester division na
tayo, pwede na tayong lumabas ng Altheria kung may consent ng nga teachers"
Napatango-tango naman ako sa sinabi niya. "May seminar daw kayong a-attend-an,
kasama mo yung ibang top 10 last sem"
Habang kumakain kami ay biglang tumabi sa amin si Klein. "Uy pahingi ako nito ah"
Biglang dinampot ni Klein yung orang juice at uminom
"Huwag na, may rabist ka pa naman, sa'yo na 'yan" Umirap pa si Bea. Hindi na talaga
nagkasundo ang dalawang 'to. Nagtinginan na lamang kami ni Charmaine at natawa sa
pagtatalo nung dalawa. "I'm pretty sure nabagot ka lang dito sa loob ng Altheria"
"Iyon ang akala mo babaeng masungit" May nilabas na mga litrato si Klein.
"Nagbakasyon din ako sa mundo niyo"
Nanlaki ang mata naming tatlo at pinagmasdan mabutu ang litrato. "Sa Vigan 'to ah!
Wait is that Cathy Gonzales? Yung sikat na artista?" Pagtatanong ni Bea. Sobrang
kilala si Cathy sa normal na mundo at makikita mo lagi ang kanyang mukha sa
nagtataasang mga billboard.
"Edited lang 'yan. Imposibleng makasama niya 'yan" Sabi ni Charmaine pero halata
namang naiinggit.
Habang nagkakasiyahan kami ay bigla akong tinawag ni Patty. Siya yung kaklase ko
dati, medyo mataba siya at mala-dora ang buhok. "Jasmin pinapatawag ka raw sa
office"
"Bakit daw?" Nagkibut balikat si Patty at naglakad paalis. "Sige mauna muna ako ah"
Pagpapaalam ko sa kanila at pumayag naman sila.
Naglakad lamang ako at may ilang mga estudyante na bumabati sa akin at ngumingiti
naman ako. Karamihan sa kanila ay pamilyar ang mukha dahio nakikita ko na rin naman
sila sa Marsham Division dati. Isang bagay kasi na itinuturo rito sa Altheria ay
kahalagahan ng pakikipag-communicate sa ibang estudyante. Kaya nga nay reshuffle na
naganap 'diba.
"Hindi naman ako nakapagbakasyon, nakakulong lang ako sa Altheria" Sabi niya sa
akin, oo nga pala, iyon nga pala ang parusa na ipinataw kay Hades. "Eh ikaw
kamusta?"
"Okay lang ako" Maglalakad na sana muli ako ng may maalala akong gawin na isang
bagay. "Hades salamat nga pala sa pagtulong mo nung nakaraan, hindi pa kita
napapasalamatan ng personal"
Tumungo naman ako sa Principal's office upang malaman ang pakay sa akin ni Mrs.
Evelyn.
Pagpunta ko sa office ay hindi lamang ako nag-iisa, nandoon din ang ibang top 10
marsham students nung nakaraang buwan. "Sorry po na-late ako" Wika ko at umupo sa
tabi ni Harly.
"Sa wakas ay nakumpleto na rin kayo" Wika ni Mrs. Evelyn, "Gusto ko pamang ipaalam
sa inyo na magkakaroon ng seminar sa susunod na linggo"
Nagulat ang iba pero dahil nabalita na sa akin ni Bea ang tungkol dito, naihanda ko
na ang aking tenga na marinig ang tungkol doon"
"Seminar about how magi should properly control. May iba kasi sa inyo," Biglang
lumingon sa amin si Mrs. Evelyn. "Na sinasagad ang paggamit sa magi porke't umilaw
na ang mga kwintas"
Alam kong sina Red, Charly, at Harly ang pinapatamaan niya. Kahit naman kasama ako
sa gulo, wala pa naman ilaw yung kwintas ko kaya hindi ako nakakagawa ng malalaking
pinsala.
Itinaas ko ang aking kamay as a permission to speak. "Ade pwede pala akong hindi
sumama sa seminar na 'yan Mrs. Evelyn, wala pa pong ilaw ang kwintas ko" Pagwiwika
ko.
"T-teka, kung hindi ka sasama hindi na rin ako sasama" Biglang pagsingit ni Harly.
Dahil si Mrs. Evelyn na ang nag-insist ay wala na akong magagawa. "Saan gaganapin?"
Pagtatanong ng isa sa mga estudyante naririto.
Hindi ko naman kasi sila kilala lahat dahil hindi ko naman sila kaklase Kilala ko
sila sa mukha pero by their names, hindi pa.
"Sa Floriton Academy" Napasigaw ang ilan pero ako nakatahimik lang. Hindi ko naman
kasi alam kung saan yung school na 'yon.
Ayun nag-discuss sa amin si Mrs. Evelyn patungkol sa gaganaping seminar, kung ano
ang mga dapat dalhin at kung sino-sino ang mga pupunta.
Marami palang eskuwelahan ang makikilahok sa seminar na iyon so baka marami raw
kaming makilala na ibang estudyante.
"Ma'am hindi po ako makakasama" Pagsingit ni Dexter, siya ang top 1 mula pa nung
nasa Marsham Division kami. "May crafting contest po akong sasalihan and by this
month na po gaganapin iyon"
Napaisip ako na parang normal din na school ang Altheria sahil may mga contest-
contest at seminar ding mga nagaganap. Ang kaibahan nga lang ay lahat ito ay
patungkol sa mahika.
"Lunch?" Biglang may nagsalita sa tabi ko, si Charly. Of course ang rude ng
pagkakatanong ng lalaking 'to, ano pa bang bago kay Charly.
"Kakakain lang namin nina Bea at Charmaine kanina, next time nalang" Nakangiti kong
sambit sa kanya. Bumuntong hininga naman siya na parang nanghihinayang. "Sige mauna
na--"
"Wait!" Wika niya at may kinalikot sa sling bag niyang dala. "Uwi ko sayo" Namumula
na sabi ni Charly? Luh problema ng lalaki na 'to eh air-condition naman 'tong
principal's office.
Kagagaling lang kasi nila 'diba sa bakasyon. "Ah salamat" Sabi ko at kinuha ang
paperbag na binibigay niya. "Next time kapag ako naman ang magbabakasyon uuwian ko
rin kayo hehe"
Kaibigan ko na rin naman si Harly kaya hindi ako nasisindak sa pagsusungit niya.
"Mamaya na sa kwarto"
"Eh yung regalo ni Charmaine natanggap mo na?" Kumunit ang noo ko sa pagtataka
dahil eaoa pa namang naibibigay si Charmaine.
"Ha? Wala, tsaka hindi naman na ako kailangang bigyan ni Charmaine, ang dalas niya
na akong ilibre"
"She buy two pairs of new shoes for you. Napansin niya na kasi na medyo luma na raw
ang mga sapatos mo"
Oo medyo luma na nga ang mga sapatos ko, wala naman din akong perang pambili. Tsaka
importante 'tong sapatos na ito dahil isa ito sa mga huling bagay na ibinigay sa
akin ni papa.
Naglakad ako papalapit sa kanya, mukhang naramdaman niya ang prisensya ko kaya't
napalingon ito. "Kamusta ka na Red?" Nakangiti kong pagbati.
Tinitigan lang ako ni Red at tumigil sa paggamit ng mahika. Lalapitan ko sana siya
pero dinampot niya ang kanyang mga gamit at naglakad paalis.
Huminga ako ng malalim at pinigil ang pabagsak kong luha. Kung ayaw na niya ako
kausapin, rerespetuhin ko ang desisyon niya.
"Sino yung lalaking 'yon?" Biglang sumulpot si Trixie sa aking harapan. "Boyfriend
mo?"
Pinahid ko ang luhang namuo sa aking mata. "Hindi 'no! Kaibigan ko lang 'yon"
"Huwag kang mag-alala Jasmin tutulungan kita. Magkaibigan na tayong dalawa 'diba?"
Nakakainggit talaga ang ngiti ni Trixie dahil sobrang ganda niya.
Ngumiti na lamang ako sa kanga dahil hindi na rin naman ako umaasa na magkakaayos
pa kaming dalawa ni Red.
***---***---
Update done!
For some clarification, hindi po ako babae haha! Itigil niyo na ang pagtawag ng Ms.
Author.
Paglabas ko ng pinto ay sakto na kakalabas lang din ng isang tao sa hindi kalayuang
room. Kumaway ito sa akin. "Jasmin ikaw pala! Papasok ka na rin?" Pagtatanong sa
akin ni Trixie.
"Oo, sabay ka na baka maligaw ka ulit" Natawa naman siya ng bahagya sa aking
sinabi.
Lumabas kaming dalawa sa dorm at naglakad patungo sa mga classroom, ang daming
estudyante ang nagkukumpulan at nag-iikot dahil kagaya namin ay hinahanap din nila
kung anong section sila. "Ano kayang section ako? Sana magkasama tayo" Sabi niya sa
akin.
Lumingon siya sa akin at tumakbo patungo sa aking direksyon. "O Jasmin, nakita mo
na kung anong section ka?" Umiling-iling ako. May tinignan siyang listahan ng mga
pangalan. "Section B ka"
"Huwag kang mag-alala, marami akong mga kaibigan. Ipapakilala kita" Nakangiti kong
sambit at pumasok na kami sa room. "Doon tayo umupo" Pagturo ko sa dalawang
bakanteng upuan na nasa bandang likod.
"Hindi naman madaling mag-adjust, galing ako sa all girls school kaya ang laking
pagbabago nito para sa akin. Pero huwag kang mag-alala sa akin, magiging okay din
ako after some days" Nag-thumbs up pa si Trixie sa akin. Habang pinagmamasdan ko
talaga si Trixie ay hindi ko maiwasang mainggit sa ganda ng kanyang balat. Halatang
galing sa isang marangyang pamilya.
Umupo si Charmaine sa kaliwang upuan. "By the way sino siya?" Mataray na tanong ni
Charmaine kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Kaibigan mo siya Jasmin?" Tumangi ako kay Charmaine. "Kung kaibigan ka ni Jasmin,
magkaibigan na rin tayo, okay?" Ngumiti si Charmaine. "I don't do handshakes sa mga
taong hindi ko pa masyadong ka-close. Ibaba mo na 'yang kamay mo"
Lumingon ako kay Trixie at mahinang ibinulong, "Ganyan talaga 'yan, masanay ka na"
Tanging mahinang hagikhik lang ang kanyang naitugon sa akin.
Nagkuwentuhan lang kaming dalawa ni Charmaine lalo na sa mga nangyari nung bakasyon
at kung gaano niya raw ako na-miss. Minsan nakikisali sa usapan namin si Trixie
lalo na kung may katanungan siya.
Lumingon siya sa akin pero agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko. Halata namang
ayaw niya akong makita kaya niya ako iniiwasan kaya iiwasan ko na rin siya para
hindi mahirap para sa kanya.
Umupo siya sa bandang unahan, malayo sa amin. "Bakit ba ganyan si Red ko? Iniiwasan
niya ako huhu" Sabi ni Charmaine kaya napangiti ako.
Dumating na ang magiging professor namin, this time ay si Ms. Melanie ang adviser
namin dahil mas naka-focus daw ang Wanester sa pagkontrol sa magi.
Naging estudyante naman na ni Ms. Melanie ang ibang estudyante rito kaya hindi na
siya nagpa-introduce yourself... Puwera na lang sa katabi ko.
"Trixie Sandoval" Pagtawag ni Ms. Melanie kaya tumayo itong katabi ko. "Galing ka
sa ibang school so kindly introduce yourself please"
Naghiyawan ang mga lalaki kong kaklase, sino ba namang hindi mapapasigaw kung
ganyang klaseng babae ang naglalakad. Para siyang isang diyosa na nag-transfer
school namin. Trixie how to be you po ba? Haha!
"I'm Trixie Sandoval galinh ako sa Explicith School of Sorceress. My specialty was
water and my classification job was gunslinger"
Tumango naman si Trixie bilang pagsagot sa tanong ni Ms. Melanie. "Opo, sana maging
magkakaibigan tayong lahat"
Naghiyawan muli ang mga kaklase ko, bumalik na ulit si Trixie sa tabi ko. Nag-
thumbs up ako sa kanya para sa nice introduction.
Ipinaliwanag sa amin ni Ms. Melanie na hindi na magiging madali ang magiging mga
assignments namin dahil kadalasan daw ay kailangan lumabas ng school.
May trauma na nga yata ako sa paglabas-labas na 'yan, ilang beses na akong
napahamak.
"Dahil nga nasa Wanester Division na kayo ay may ilang estudyante sa inyo na
pwedeng ipadala sa mga errand mission. That's not an easy job so mas magandang
maghanda na kayo" Pagpapaliwanag ni Ms. Melanie.
Pinatayo kaming lahat ni Ms. Melanie dahil magkakaroon daw kaming seating
arrangementm nakakaasar nga dahil masaya na akong katabi si Charmaine.
"Bakit ba kasi may seating arrangement pa? Ginawa pa tayong pre-school" Mahinang
bulong ni Charmaine.
"W-wala po ma'am, tinatanong ko lang kay Jasmin kung anong kakainin namin mamaya"
Pagpapalusot niya.
Tinatawag na isa-isa ang pangalan namin at kung saan kami dapat umupo. Huwag ko
sanang makatabi si Red please... Huwag sana.
"Jasmin"
"Yes ma'am!"
"Sa third row, sa tabi ni Patty at Charly" Nagbuntong hininga ako, yes! Safe.
"Buti na lang ikaw ang katabi ko" He give me a satisfying smile kaya ngumiti rin
ako pabalik.
Masaya na ako sa seat ko, malayo ako kay Red na nasa likod at isa pa, katabi ko si
Charly na isa sa mga top students.
Iilan na lang ang estudyanteng wala pang inuupuan at isa roon si Trixie. "Trixie"
"Yes ma'am"
Nakatingin lamang ako kay Trixie at hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.
"Trixie pumunta ka na ro'n" Pag-uulit ni Ms. Melanie.
"Ma'am tutal transfer student naman po ako, pwede po bang umupo ako kung saan ako
komportable? Galing po ako sa All girls school kaya it takes time bago ako fully
makapag-adjust" Wika ni Trixie.
Oo nga naman, medyo mahihirapan si Trixie kung sa isang lalako siya itatabi. Saglit
na nag-isip si Ms. Melanie. "Okay, kung saan ka komportable"
"Okay. Jasmin magpalit kayo ni Trixie, ikaw ang umupo sa tabi ni Red" Wala na akong
nagawa kun'di sumunod. Iniiwasan ko nga si Red tsaka naman napagtabi ng upuan,
haaay tadhana, ang sarap mong upakan.
"Ayusin mo yung problema niyo ng boyfriend mo" Nanlaki ang mata ko sa bulong ni
Trixie ngunit tinawanan niya lang ako. Bakit ba iniisip niya na boyfriend ko si
Red? Hindi niya ba napapansin na may malaking wall sa pagitan naming dalawa.
Nagbuntong hininga muna ako bago umupo sa tabi ni Red, inusog ko pa ng bahagya yung
upuan ko para magkaroon ng distansya sa pagitan naming dalawa.
Nakakaasar, ako pa ngqyin ang nasa pinakadulo. Wala akong makokopyahan, nasaan na
ba si Bea? Kailangan na kailangan ko ng suporta ng aking kaibigan... Ba't ba kasi
siya nalipat pa ng ibang section.
Ikinumpas ni Ms. Melanie ang kanyang kamay at may mga librong lumulutang ang
pumasok sa silid.
Sahil nga first merting palang ay maagang na-dismiss. Pinaliwanag lang ang mha ayaw
at gusto ni Ms. melanie habang nagkaklase siya.
Ako na ang unang lumabas ng classroom upang magkadistansya sa amin ni Red. Huuuu
nakahinga rin ng matiwasay.
"Madaling-madali ka lumabas sa room niy ah" Biglang dumating sina Bea, Harly, at
Klein. Mabuti na lamang ay parehas ang mga schedule namin ngayong araw.
"Guys guess what!" Biglang sumisigaw si Charmaine. "Katabi niya si Red, eh 'diba
nga umiiwas si Red sa barkada natin... Hashtag #awkward"
"Excuse me! Ex-crush ko na siya, break na kami. Kung ayaw niya sa mga kaibigan ko
ayaw ko na rin sa kanya" Kung may bagay na maganda kay Charmaine, iyon ay ang
malaking respeto niya sa pagkakaibigan namin.
Dati ay sumasama lamang siya sa amin dahil kasama namin si Red pero ngayon, mas
mahal niya ang mga kaibigan niya at never niyang ipagpapalit 'yon kahit saan.
Tumakbo ako sa direksyon niya at hinatak ang kanyang kamay. "Sure ka? Nakakahiya
naman sa mga kaibigan mo"
In the end ay walang nagawa si Trixie dahil masyado talaga akong makulit.
***
RED
Matapos ang klase ay agad akong pumanik sa rooftop ng lumang building dito sa
Altheria. Atleast dito ay wala masyadong tao.
Habang nakaupo ako sa lapag ay pinagmamasdan ko lang ang isang sapatos. Ito yung
sapatos na napilot ko nung panahong madukot si Jasmin ng mga Imp.
"Ikaw na ang magbalik" Masungut kong tugon at hinilot ang aking sentido.
"Ikaw ang nakakuha kaya ikaw dapat ang magbalik" Hinagis sa akin ni Hades ang
sapatos. "Kung gusto mo ba't 'di mo ipaglaban? Hindi yung ididistansya mo yung
sarili mo"
Tang ina! Kung apam pang ni Hades kung gaano ko kagusto kausapin si Jasmin. Pero
nung nakita ko yung ngiti niya nung makatabi si Charly, doon ko naisip na hindi
niya talaga ako kailangan.
Nung napalipat siya sa tabi ko ay bigpang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako
makatitig dahil sa hiya. Pero inusog niya palayo yung upuan niya.
"Ballpen" Mabilis kong tugon, ewan ko ba kung bakit sinakyan ko ang trip ni Hades.
"Cellphone o libro?"
"Libro"
"Karne o gulay?"
"Karne"
"Charmaine o Jasmin?"
"See? Kusang lumabas sa bibig mo ang totoo dahil iyon ang sinasabi ng puso mo"
Pagpapaliwanag ni Hades. "Hindi solusyon ang pag-iwas"
"Ilang beses ko bang ipapaliwanag na ibang klaseng babae si Jasmin. Kung hindi mo
kayang ipakita na mahal mo siya, maraming lalaking kayang gawin 'yon para sa kanya"
Pinagpatuloy ko lang ang pagtingin sa sapatos habang nari-realize ko ang nga bagay-
bagay. "Tandaan mo, hindi ka mananalo kung wala kang ginagawa. Kung simula pa lang
ay wala ka na talaga ginawa... Ade simula palang ng laban talo ka na talaga!"
Buo na ang desisyon ko ngayon. I will win her heart because I'm her strongest
knight. Hindi ako magpapatalo sa iba.
***---***
Sana yung mga silent readers eh mag-comment at mag-vote na dahil patuloy pa rin ang
contest sa wattpad. Thank you sa sumusuporta!
Chapter 47 "Ballpen"
"Jasmin" Yumakap sa akin si Bea habang nasa loob kami ng dorm. Hanggang ngayon raw
kasi ay hindi niya pa rin natatanggap na nagkahiwalay kami ng section dalawa. Nami-
miss ko rin naman siya eh, kaso nga lang tanggapin na ang mga nangyari.
"Magkasama naman tayo sa iisang dorm 'no!" Sabi ko sa kanya habang binabasa ko ang
isang libro patungkol sa crafting. Kailangan daw naming magbasa ng marami para sa
nalakapit na seminar.
"Wala akong ibang kausap doon kun'di si Harly at maghapon akong pinepeste ni Klein"
Natawa naman ako ng bahagya dahil mortal nga pala niyang kaaway si Klein. "Malapit
na aslis mo ah?"
"Oo nga eh, kinakabahan nga ako. First time kong pupunta sa ibang school"
"Nakahanda na ba yung mga dadalhin mo? Naku Jasmin mag-iingat ka roon ah" Paalala
sa akin ni Bea at napangiti naman ako sahil damang-dama ko ang pag-aalala ng isang
kaibigan. "Kung may mga estudyante ka man dapat na iwasan ay iyon na ang mga taga-
Arcane Institute of Magic"
"Ha bakit naman? Sabi nga ni Mrs. Evelyn na maging friendly kami sa ibang
estudyante" Isinara ko ang libro kong hawak dahil nga naging interesado ako sa
topic.
"All boys school, puro mga flirt at playboy nandoon naku Jasmin. Minsan gumagamit
pa sila ng magic spell para lang mauto ka" Wika sa akin ni Bea at natawa naman ako
sa kanyang paalala.
Madalas na rin naman lumabas ng school noon si Bea para sa mga leadership training.
"Sino nga pala yung babaeng kausap mo nung pasukan? Trixie ba 'yon?"
"Ah nakilala ko lang din siya last week. D'yan lang siya sa 208"
"Baka ipagpalit mo ako ro'n Jasmin ah? Porke't magkaiba na tayo ng section"
"Baliw ba't ko naman gagawin 'yon? Ang dami na kaya nating pinagsamahan dalawa"
Parehas naman kaming natawa ni Bea. "Oh siya mamaya na tayo magkwentuhan, ang dami
ko pang librong dapat basahin"
Naglakad na rin si Bea palayo dahil may nga dokumento rin siyang inaayos.
Kinabukasan ay medyo naging busy kami sa klase dahil sa sunod-sunod na mga gawain.
Mas nakadagdag pa sa inis ko ang pagkakaroon ng P.E juicecolored naman talaga dahil
sobrang nakakahingal.
Parang military training ang ginagawa naming PE ngayon dahil sa daming obstacle na
dapat lampasan. Kailangang umakyat, gumapang, tumakbo. Nakakahingal sobra. Kung
sino man ang nag-imbento ng ganitong klaseng training, mababaril ko sa inis.
"Jasmin!" Tinawag na ni sir Steven ang aking pangalan at turn ko na upang gawin
yung training.
Una kong tumalon-talon sa nga gulong na nakakalat sa field... As usual, ang bagal
ko. Ano pa bang bago sa lampang kagaya ko 'diba?
"Bwisit ka!" Malakas na tawa niya lang ang aking narinig pero inabutan niya rin ako
ng tubig.
"Thank you" Nag-uusap lang kaming dalawa habang pinapanuod na gumawa ng training
yung iba naming kaklase. Sa Classroom yata namin ay lilima ang wala pang kislap
yung kwintas... Isa na ro'n si Charmaine at ako.
Matapos ang PE namin ay agad akong nagpalit ng damit kasama si Trixie, si Charmaine
kasi ay kinakausap ni Sir Steven, mas mabagal kasi sa akin ang babaeng iyon.
"Nino?"
Isinara ko ang locker ko at hinarap siya. "Hindi ko boyfriend 'yon tsaka wala naman
kaming problema dalawa"
"Hindi boyfriend pero 'pag nagtatama yung mga mata niyo eh may sparks" Kinikilig
nitong sabi habang ako ay napangiwi sa mga kinukwento niya.
"Mayroon" Natatawa naman ako sa kanya dahil sobrang gulat yung ekspresyon niya.
"Wait lang ah" Kumaripas ng takbo paalis si Trixie dahil mukhang magla-last minute
review kaya maagang umalis. Sabi pa naman niya tutulungan niya ako sa
synthesization ko mamaya.
Palabas na ako ng CR ng makita si Red sa 'di kalayuan. Ano bang problema nito? Ang
dalas ko namang makita ang lalaking 'to?
Mabuti na lamang at nadaan sina Harly at Klein kaya sumabay ako da kanila hanggang
makarating sa room.
Medyo nasasanay na rin naman ako, lalo na't paulit-ulit kong ginagawa. Puro iwas
lang dahil iyon ang gusto ni Red.
Nag-review ako sa huling pagkakataon upang ma-refresh sa utak yung mga binasa ko
kaninang madaling araw.
Kinalikot ko ang bag ko at naghanap ng ballpen. Dahil nga ako ang pinakasuwerteng
tao ngayong araw, naiwan ko pala ang ballpen ko sa ibabaw ng study table ko sa
dorm. How lucky I was.
Nagsasagot na ang mga kaklase ko pero ako eto, nakatunganga lang at naghihintay
kung may magpapahiram sa akin ng ballpen.
Nagbabalak na akong gumapang patungo kay Charmaine na may taong biglang maglapag ng
ball sa aking desk. Sa unexpected na tao pa, kanino pa ba? Ade sa katabi ko na si
Red.
"S-salamat" Tipid kong sagot, bigla akong nanlamig dahil sa ginawa niya. Ewan ko.
Heto na naman siya, nagpapaka-knight in shining armor ko. Parati niya na lang akong
tinutulungan kapag nasa delikadong o mahirap na sitwasyon ako. "Ibabalik ko na lang
sa iyo mamaya" Mahina kong bulong.
Nagsisimula na akong magsagot, salamat naman dahil medyo madali lang dahil mahilig
nga akong mag-advance reading.
Naunang tumayo si Red at sinundan ko siya ng tingin. Siya ang unang natapos at
naglakad na rin siya palabas.
Pagkalabas niya ay mabilis ko na rin tinapos yung akin ay naglakad na ako patungo
kay Sir Jerome. "Pati ikaw Jasmin tapos na rin?"
"Yes po sir" Inilapag ko na ang test paper sa kanyang desk. "Mauna na ako sir"
Agad kong kinuha ang bag ko at pagkalabas ng room ay tumakbo agad ako sa hallway.
Hindi ko alam kung isisigaw ko ang pangalan niya dahil baka hindi na naman niya ako
pansinin. Nakaka-trauma rin yung sunod-sunod na rejection na ginawa niya sa akin.
But still, kahit ako nagugulat sa mga unexpected actions ko. "Red!" Malakas kong
sigaw kahit nasa dulo siya ng hallway.
"No need for returning that" Bigla na naman bumilis ang tibok ng dibdib ko. Ang
babaw ko yata sa pagkakataong ito, parang kinausap lang ako ni Red pero parang
nagro-roller coaster ang feelings ko. Ngayon lang ako muli kinausap ni Red after a
week.
"A-ah hindi, may ballpen naman ako" Parang hirap akong sabihin ang mga salitang
gustong lumabas sa aking bibig. "Salamat ulit"
Gusto kong itanong kung bakit siya umiwas, gusto kong itanong kung kamusta na
siya... But I don't have any guts. I'm not strong enough to ask that kind of stuff
dahil baka isipin niya na sobrang F.C ako.
Bumuntong hininga si Red. "Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo eh" Napatingin ako
sa kanya ng mata sa mata, para akong tutumba ano mang oras dahil sa panpalambot ng
aking tuhod. "Thank you for talking to me... Again and I'm sorry for the things
that I've done this past week"
Naguguluhan ako bigla. Ang sarap sa pakiramdam, masaya na ako na narinig ko ang
salitang sorry galing sa kanyang bibig.
"Naguguluhan lang ako kaya ako umiiwas, but everything was clear now"
"Paanong naguguluhan?"
Sorry kung short update, filler chapter lang naman 'to dahil sa sunod na update pa
magsisimula ang mga magagandang happenings. By the way! Happy 55,000 reads sa atin.
Hindi ko inaasahan na may magbabasa ng fantasy kyeme kong story.
"Huy Jasmin ang likot mo naman, gabi na eh" Biglang nagsalita si Bea na nasa ibaba
ng double deck na kama. Napatigil ako sa pag-ikot at pinigilan ko ang sarili kong
mangiti.
"Sorry" Tipid kong sagot pero yung tibok ng puso ko... Juicecolored wala yatang
balak na patulugin ako nito.
Nakangiti lang ako sa kawalan ng biglang nakita ko ang pagmumukha ni Bea. "Kung
makangiti parang mapupunit na ang labi" Agad na nawala ang ngiti ko. "Matulog-tulog
ka na Jasmin, aalis na kayo bukas. Bawal ka magpuyat" Pagpapaalala sa akin ni Bea.
"Opo nanay"
"Nanay ka d'yan" Hinila ni bea ang aking buhok. "Matulog ka na. Mami-miss kita"
Ang bilis lumipas ng araw at bukas na nga ang punta namin sa Floriton Academy.
Mananatili kami roon ng three days pero pwede pa raw ma-extend kung may madadagdag
sa seminar.
Tuwing naaalala ko talaga ang mga salitang iyon ay daig ko pa ang taong uminom ng
dalawang bote ng Kopiko 78c. Daig ko pa ang taong may insomnia. Parang magic na
nagpapagising ito sa aking diwa.
Muli akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi talaga mawala iyon sa aking
isipan. "JASMIN!"
"Eto na, matutulog na" Nagtalukbong na ako ng kumot at pilit ipinikit ang aking
mata.
Hindi ko naman mai-share kay Bea yung mga nangyari kanina dahil baka sabihin niya
ang ambisyosa ko talaga. Baka naman... Nanaginip lang ako kanina?
Dalawang oras lang ang naging tulog ko at hanggang ngayon ay dama ko pa rin ang
antok.
"Jasmin bilisan mong kumilos" Paaalala sa akin ni Bea habang tinutulungan niya
akong mag-ayos ng gamit. "Yung mga bilin ko sayo ah, seminar ang ipupunta mo roon
ah! Hindi paggagala"
Marami na kaming pinagsamahan dalawa ni Bea kaya parang magkapatid na ang turingan
naming dalawa, siguro marahil ay mga kaibigan na lang ang mayroon ako ngayon kaya
ganoon na lang ako ka-attach kanila Charmaine, Bea at sa iba pa.
"Oh sige na, see you after three days" Yumakap ako ng mahigpit kay Bea bago lumabas
ng dorm. Mabilis akong tumakbo papunta sa school gate dahil doon ang tagpuan naming
lahat.
"Hindi na 'no! Ano ka ba magaan lang 'to" Wika ko pero inagaw pa rin ni Harly ang
nakasukbit na bag sa aking balikat kaya naman wala na akong ibang nagawa kun'di ang
iabot sa kanya ito.
"Magkakasama na naman tayo ulit. Magkaiba na kasi tayo ng section kaya bihira na
tayong magkausap eh" Wika ni Harly, as usual, napakamasayahin pa rin ng taong ito.
Matalino na si Harly tapos maalaga pa sa kaibigan kaya siguro maraming nagkakagusto
sa kanya.
"Baliw ka talaga, I-enjoy na lang natin 'tong seminar" Habang naglalakad kami ay
nabigla na lamang ako ng may biglang mga bisig na pumalibot sa aking leeg.
Napangiti na lamang ako, hindi ko naman kasi inaasahan na magiging gan'to kami ka-
close ng pinakamalditang tao rito sa Altheria. "Babalik din naman ako agad sira"
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at para kaming tanga na nagtatalon-talon,
mabuti na lamang at maaga pa kaya walang ibang estudyante na nakakakita.
"Kahit na! Basta mag-iingat ka roon ah! Hoy Charly, ingatan mo 'tong kaibigan ko,
sisipain kita kapag may nangyaring masama kay Jasmin" Pagbabanta niya sa kanyang
kakambal, tinignan lamang siya ni Charly at inirapan. "Aba! Huwag mo kong
ginaganyan kakambal mo ako!"
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Ms. Melanie kasabay ang karwaheng
aming gagamitin. Dahil nga pitong estudyante kaming a-attend ay dalawang karwahe
ang gagamitin para sa paglalakbay.
Medyo nakakaramdam ako ng excitement ngayon dahil ito ang unang beses na lalabas
ako sa school na may valid reason. Nung una ay tumakas kami nila Red, tapos puro
pagdukot... Pero this time ay pakiramdam ko ay safe ako dahil may kasama kaming
guro.
Isa-isang tinatawag ni Ms. Melanie ang aming mga pangalan. Upang makumpirma kung
nandoon na nga ang lahat.
"Harly"
"Nandito na ma'am"
"Zia"
"Nandito na rin ma'am" Si Zia ay isa rin sa mga top 10 kaso ay hindi kami masyadong
close dahil nga magkaiba kami ng section.
"Red!" Sigaw ni Ms. Melanie ngunit walang naging sagot, dito ko lang napansin na
wala pa pala siya. Nung marinig ko naman ang pangalan ni Red ay naaalala ko na
naman yung mga kaganapan kahapon. Grabe! Fresh na fresh pa sa isipan ko yung mga
nangyari kahapon. "Red!" Pag-uulit ni Ms. Melanie.
Dumungaw ako sa bintana ng karwahe upang makita ang mga nangyayari sa labas. Nakita
ko si Red na naglalakad, tignan niyo 'tong lalaking 'to. Late na nga nagpapa-cool
pa maglakad.
Nung makita ko ang kanyang mukha ay may kung anong init ang gumapang tungo sa aking
pisngi. "May problema ba Jasmin? Ang pula ng mukha mo" Nag-aalalang sabi ni Harly
na nasa aking tabi.
"Eh basta" Umayos na ako ng puwesto at hindi na muling nagtangkang dumungaw. Baka
maging isa na akong tomato sa sobrang pula ng mukha ko.
Kahit nasa loob na ako ng karwahe ay naririnig ko pa rin kung paano sermonan ni Ms.
Melanie si Red dahil sa pagiging late niya.
"I'm sorry ma'am, napuyat lang po ako kagabi dahil may iniisip lang ako"
Sa sinabing iyong ni Red ay hindi ko maiwasang mag-assume na ako 'yon. "Huy Jasmin,
okay ka lang ba talaga? Baka may lagnat ka?" Hinawakan pa ni Harly ang aking noo.
Biglang bumukas ang pinto ng karwahe naming sinasakyan. "Pwede bang dito na lang
din ako?" Boses pa lang ay alam ko na kung kanino nanggaling ito, hindi na ako
nagtangkang tumingin pa sa kanya dahil ayokong makita niya kung gaano kapula ang
mukha ko ngayon.
"Red dito ka na sumakay! May mga ibibilin pa ako sayo patungkol sa meeting" Malakas
na sigaw ni Ms. Melanie, nagbitaw ng isang buntong hininga si Red at naglakad na
patungo sa kabilang karwahe.
Ilang minuto lang ang lumipas ay sinabi na ni Ms. Melanie na aalis na kami upang
simulan ang paglalakbay tungo sa Floriton Academy. Hinihiling ko lang sa ngayon ay
maging smooth ang biyahe namin. Sana ay walang imp na lalabas, walang ambush,
walang kidnapper, walang kung ano-anong magical creatures ang lumabas.
Ipinikit ko ang aking mga mata pero ang hirap ng sitwasyon ko. "Harly, padantay sa
balikat mo, hirap makatulog eh" Hindi pa man nakakasagot si Harly ay humiga na ako
sa kanyang balikat dala na rin ng antok.
Ipinikit ko na ang aking mata. Naalimpungatan na lamang ako ng may mga kamay na
biglang umalog sa akin. "Jasmin, gising na. Nandito na tayo"
Unti-unti kong iminulat ang aking mata at nag-unat. Tirik na tirik na ang araw
ngayon, gaano kaya katagal ang naging biyahe namin?
Hinanap ko ang mga gamit ko pero bitbit na pala ito ni Harly. "Feeling better?"
Tumabi sa akin si Charly at inabutan ako ng tubig.
Isang lalaki ang lumapit sa direksyon namin at binati kami. "Ako nga pala si Alex,
maligayang pagdating sa Floriton Academy. Sasamahan ko na kayo upang makilala niyo
na ang iba pang estudyante na makikilahok sa seminar na ito"
Dinala kami ni Alex sa lounge room at ang dami kong nakitang estudyante na may
iba't-ibang klase ng uniform.
Pagkapasok namin sa lounge room ay natahimik silang lahat at napako ang tingin nila
sa amin--- specifically sa akin. Luh, anong probpema ng mga estudyante 'to?
***---***---***
~~~***~~~***~~~
Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang bulong-bulungan nila, hindi ko mang direktang
naririnig ay hindi naman ako ganoon katanga upang hindi malaman na patungkol ito sa
akin.
Sa bawat kwentuhan nila ay lumilingon sila sa akin. "Ano bang problema ng mga 'to?"
Mahina kong bulong sa aking sarili, dapat masayang experience para sa akin itong
seminar
"Ah-eh Jasmin, tara na sa gagamitin mong room" Hinatak ni Harly ang aking kamay.
"Red kayo na ang bahala d'yan"
Mahigpit ang pagkakahawak sa akin ni Harly kaya hindi na rin ako nakapalag at
sumunod na ako sa kanya. "May problema ba sa akin yung ibang estudyante Harly?
Bakit parang kilala ako ng karamihan"
Sinusundan lamang namin si Alex. "D-dito, eto ang silid niyong gagamitin. Pasensya
ka na kung naging hindi ka komportable sa kaganapan kanina Jasmin" Paghingi ng
paumanhin ni Alex, "Humihingi ako ng paumanhin"
Nagulat naman ako sa ginawang pagyuko ni Alex dahil wala naman siyang naging
kasalanan sa mga nangyari. "Okay lang 'yon, wala kang kasalanan. 'Wag ka ng mag-
sorry"
"Pagsasabihan ko na lang yung ibang estudyante patungkol sa nangyari kanina. Eto
ang silid niyong gagamitin" Itinuro ni Alex ang katapat naming pinto. "Kung may mga
kailangan kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa mga estudyante ng Floriton
Academy. Gusto naming maging okay kayong lahat habang nananatili rito"
Naglakad na paalis si Alex at naiwan kaming dalawa ni Harly, inaya ako ni Harly
papasok ng silid at tinulungan niya akong ayusin ang aking mga gamit. "Ang weird
Harly 'diba? Ba't kilala ako ng mga estudyante galing sa ibang school?"
"Anong weird doon?" Binuksan ni Harly ang isang kabinet at inayos naman niya ang
kanyang mga gamit. "Kahit nga ang mga Marsham student ngayon sa Altheria Academy ay
kilala ka"
Nagtaka naman ako bigla dahil hindi pa naman ako nadadaan sa Marsham Division sa
ngayon. "Bakit naman?"
"Lahat ng biggest issue ng Altheria Academy ay sangkot ka. Yung paglabas niyo sa
Altheria, yung kidnap scene, yung nakuha ka ng mga imp, yung nangyaring insidente
sa may kastilyo--"
"Oo na, may balat na ako sa puwet. Happy?" Napairap ako kay Harly ngunit tinawanan
lang ako ng loko. Hindi ko naman ginusto na masangkot sa lahat ng problemang iyon
pero nadamay pa ako huhu.
Iyon pala ang dahilan kung bakit ako kilala ng ibang estudyante, sikat ako sa
pagiging trouble maker ko. "Magbibihis ka pa ba?" Pagtatanonh ni Harly.
"Bakit?"
"Pupunta na tayo sa AVR room nitong Floriton, mag-a-attendance for this seminar"
"Ah hindi na, malinis pa naman 'tong uniform kong suot. Sasabay na ako" Wika ko kay
Harly.
Naglakad na kaming muli matapos niyang ayusin ang kanyang gamit. Bukas pa ang start
ng seminar kaya may oras pa kaming maglibot dito sa Floriton Academy.
Maraming kinukwento sa akin si Harly lalo na sa nga kabaliwang ginagawa ni Klein sa
section nila. Feeling ko nga ay ang sayang kasama ni Klein sa isang section,
masarap na may kasamang monggoloid na kulang ng pitong buwan no'ng pinanganak.
Habang naglalakad kami ay biglang mqy isang lalaki na humarang sa aming dinadaanan.
Hindi kamukha ng taga-Floriton Academy ang kanyang suot na uniform kaya't masasabi
kong gqling siya sa ibang school.
"A-anong kailangan mo?" Pagtatanong ni Harly. "Kung wala kang kailangan, mauna na
kami dahil pupunta pa kami sa AVR room"
"I'm Bryan" Inilahad nito ang kamay niya sa akin at hindi pinansin ang mga sinasabi
ni Harly.
Nag-alangan pa ako kung kakamayan ko siya o hindi, pero naisip ko na nandito ako sa
seminar na ito upang makakilala ng iba pang estudyante. "Nice meeting you, ako
naman si--"
"Jasmin. I already know you" Isang awkward smile na lang ang naibigay ko sa kanya,
ganoon ba ako kasikat dahil sa pagiging trouble maker ko? "Sana makapag-bonding
tayo sa seminar na ito"
Tinapik ni Harly ang kamay ni Bryan which I find it rude. "Hindi kailangang
makipag-bonding ni Jasmin sa isang taga-Arcane na kagaya mo. At isa pa, huwag mong
binabalewala ang prisensya ko"
Hinatak na ni Harly ang aking kamay, habang naglalakad ay tinunggo niya sa balikat
si Bryan. Ngayon ko lang nakitang ganito kainis si Harly, bago pa man kami makalayo
ay kumaway ako kay Bryan bilang pamamaalam.
"How rude you are" Natatawa kong bigkas dahil ayoko naman magalit pa kay Harly
dahil parang ginatungan ko lang yung inis niya. Baka mag-super saiyan bigla.
"He is from Arcane, lahat ng galing sa school na 'yon puro gago. Halata namang may
motibo ang pakikipagkaibigan niya sayo" Hindi ko alam kung matatawa ako o
seseryosohin ko yung mga sinasabi sa akin ni Harly.
"Oo na! Sorry na" Kumapit ako sa kanyang balikat. "Pero hindi pa ring tama na
husgahan mo yung isang tao dahil sa paaralang pinapasukan niya. Tsaka nandito tayo
sa Floriton Academy upang makakilala ng marami pang ibang estudyante, 'diba mas
maganda kung maging kaibigan natin lahat ng representatives ng bawat school?"
Umiling-iling na lamang si Harly at hindi pinansin ang aking sinabi. Mabilis kaming
nakarating sa AVR Room at mukhang alam ni Harly ang mga pasikot-sikot sa lugar na
ito. "Harly ba't alam mo na kaagad kung nasaan ang AVR?"
"Nag-contest na ako dito ng dalawang beses last year"
"Ha? Lumalaban ka na pala since last year, ba't 'di ko alam?"
"Nagtatanong ka ba?"
"Hindi" May point siya, hindi ko naman kasi ugaling mangalkal ng buhay ng iba.
Tsaka at that time siguro ay hindi pa kami masyadong close ni Harly.
May pinirmahan lamang kami at naghiwalay na kami. Pumunta ako sa library,
nagbabaka-sakali ako na doon ko makikita si Charly. Nitong mga nakaraan ay nag-e-
enjoy talaga akong kasama si Charly dahil parehas nga kaming dalawa na magbasa ng
libro, marami siyang book recommendations na nabibigay sa akin at marami rin naman
akong natututunan sa kanya.
Habang naglalakad ako, as usual, may mga bulungan na naman akong naririnig pero
siguro medyo nasanay na rin naman ako. "Ba't ba kasi naglakad ka mag-isa Jasmin eh
hindi mo naman kabisado itong buong Floriton Academy" Pagkakausap ko sa aking
sarili nung naligaw ako.
Habang nag-iikot ako dahil sa pagkakaligaw ay namataan ko ang grupo ng mga lalaki,
pamilyar ang mukha nung isa dahil nagkita na kami nito kanina-- Si Bryan. May apat
siyang kasamahan na lalaki.
Nung mapansin niya ako ay kinawayan niya ako at nahihiya naman akong lumapit sa
kanya. "May problema ba Jasmin?"
"Naliligaw kasi ako eh, alam mo ba kung saan yung Library?"
"Uy Bryan! May nakilala ka na agad ha!" Pang-aalaska nung isa sa mga kasamahan
niya, medyo natatakot ako sa prisensya nila dahil puro sila babae. "Pakilala mo
naman kami"
"Ah Jasmin, eto nga pala yung mga school mates ko na kapwa representatives ng
Arcane Institute of Magic. Si Kyle, Inho, Shin, at Henry" Pagpapakilala niya sa mga
kasamahan niya.
Awkward naman akong ngumiti dahil hindi ko naman sila kilala lahat ng personal, at
isa pa, hindi naman kami ganoong ka-close ni Bryan para ipakilala niya na ako sa
mga kakilala niya. "Uhm... Saan yung library?" Nahihiya kong tanong.
"Ano ka ba 'wag kang mailang sa amin" Biglang umakbay sa balikat ko ang lalaking
nagngangalang Shin. "Ilang araw din tayong magkakasama dito kaya mas maganda na
dapat ay komportable na tayo sa isa't-isa.
Bumuntong hininga ako and I should keep calm, ayokong gumawa ng kalokohan dahil
nasa ibang school kami. Reputasyon pa rin ng Altheria Academy ang mahalaga. Dahan-
dahan kong inalis at ibinaba ang kanyang kamay. "Mukhang mali yata ako ng mga taong
napagtanungan, sige mauna na ako" Pinanatili ko pa rin ang aking ngiti.
Tama nga si Harly, etong mga klaseng estudyante ang mga dapat iwasan.
"Wala ka bang kasama? Samahan ka na lang namin" Wika naman nung Inho.
"Guys, h'wag niyo namang takutin si Jasmin" Pagtatanggol ni Bryan sa akin. "Sige
Jasmin umalis ka na--"
"Huwag kang mangielam dito"
Maglalakad na sana ako paalis nung bigla na naman isinukbit ang kanilang kamay sa
balikat ko. This was a real scary situation, dapat pala ay hindi na ako humiwalay
kay Harly kung alam ko lang na ganito ang mga mangyayari.
Nagulat na lamang ako ng may isang tinig na nanggagaling sa aking likuran.
"Bibitawan niyo siya o sisirain natin ang reputasyon ng paaralan niyo" Tinig pa
lang ay kilala ko na kung kanino ito nanggagaling, sa taong laging tumutulong sa
akin, sa taong nagiging dahilan ng mabilis na pagtibok ng aking puso-- Kay Red.
Hindi pa man nakakalapit si Red ay may kung anong puwersa ng hangin ang nagtanggal
sa mga kamay ng mga lalaking ito sa aking balikat. "Sa oras na saktan o takutin
niyo ulit sa Jasmin... Mas pababahuin pa natin ang reputasyon ng Arcane Institute
of Magic"
Mukhang hindi naman nasindak itong lima na 'to, bagkus ay ngumiti pa ng mapang-
asar. "Halika na," Wika nung Inho. "Magkikita pa tayong muli Jasmin lalo na't
konektado ka pala rito kay Red"
Naglakad na sila paalis at lumiko sa isang pasilyo. "Ba't ka ba nakikipag-usap sa
mga 'yon?" Pagsermon ni Red nung nasa harapan ko na siya.
"Malay ko bang ganoon ang mga ugali nila, at tsaka naliligaw ak--"
Napatigil ako sa pagsasalita nung maalala ko yung ginawang pag-amin ni Red. Kaming
dalawa lang ang tao ngayon sa pasilyo kaya naramdaman ko ang biglaang pag-angat ng
init patungo sa aking pisngi.
"Anong sinasabi mo? Tuloy mo"
"W-wala, kailangan ko ng pumunta sa library. Hinahanap na ako ni Charly" Nagdire-
diretso ako sa paglalakad, pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ang
library.
"Sa kanan ang library"
Napatigil ako sa paglalakad at lumiko. "A-alam ko"
"Just kidding, nasa kaliwa talaga ang daan patungo sa library... alam pala ha?"
Nagbuntong hininga ako at ipinadyak ang aking paa dahil sa aking inis. I think this
seminar will be my worst week of my life. Gusto ko ng makabalik sa Altheria,
tulungan mo ako Beaaaaaa! Huhu!
~~~***~~~***~~~
Update done guys! Keep on reading Altheria: School of Alchemy! Let's aim for the
100,000 reads! Haha!
~~~***~~~***
"That jerks" Kinuwento ko kay Chaely ang mga nangyari kanina at hindi niya talaga
maiwasang magalit. Kung malaman man ito nila Bea eh paniguradong magagalit din sila
sahil kaibigan ko sila.
"Shhhh!" Sabay-sabay na bigkas ng mga estudyanteng nandito na nagre-review sa
library. Hindi sila pinansin ni Charly, of course, hindi siya si Charly kung hindi
siya masungit.
"Ano ka ba, okay na rin naman. Hindi na lang ako didikit doon sa mga taga-Arcane
para maiwasan yung gulo" Pagbubulong ko sa kanya.
"Dapat lang"
I diverted the topic tungkol sa seminar and kung ano ang gagawin. Ang sabi ni
Charly ay wala rin siyang ideya dahil ito rin daw ang unang beses niyang um-attend
sa ganito.
Matapos namin manghiram ng libro sa library ay sinamahan ako ni Charly ma mag-ikot
sa buong Floroton Academy upang hindi na raw ako maligaw at agad na makaiwas sa mga
taga-Arcane.
Habang naglalakad kami, "Charly ganoon ba talaga ang mga nag-aaral sa Arcane? I
mean... Wala sa mukha nila na top students sila dahil sa kanilang attitude"
"Arcane was an all boys school. Ano pa bang i-e-expect mo sa kanila" He answered.
"Hindi ko naman sinasabing lahat ng nasa Arcane Institute of magic ay mga gago. May
ilan din namang mga matitino pero bilang pa sa daliri ang mga 'yon"
"Yes boss, by the way, kumain ka na ba?"
"Not yet"
"Tara, kain muna tayo bgo tayo bumalik sa room natin" Pag-a-aya ko sa kanya.
Nadaanan na namin kanina ang cafeteria kaya paniguradong hindi na ako maliligaw.
Pumayag naman si Charly at nag-enjoy lang kaming dalawa sa pagkain. Kung tutuusin,
sa lahat ng mga lalaking kaibigan ko ay si Charly ang paborito kong kasama. Marami
kasi kaming similarities puwera na lang sa pagiging masungit niya.
"Anong balak mo Charly kapag nagtapos na tayo?" Pagtatanong ko habang kumakain
kami.
"I don't know, as of now wala pa akong plano"
"Alam mo,you should be a professor" Pagsa-suggest ko sa kanya.
Tinawanan lang ako ni Charly. "I have a messy attitude. Hindi ako bagay sa ganoong
propesyon"
"Hindi 'yan totoo. Naalala mo nung nagre-review tayo, sobrang tinuruan mo kaming
lahat no'n and ang galing mo sa bagay na 'yon kaya nga ako nakapasok sa top 10 eh"
Pagpuri ko sa kanya. Tinitigan lang ako ni Charly at inismiran. Pinuri na nga, ayaw
pa.
Habang kumakain kaming dalawa ay biglang dumating si Zia. "Nandiyan lang pala
kayong dalawa, pinapatawag tayong lahat ni Ms. Melanie sa room dahil may sasabihin
daw siya sa atin"
"Sige, susunod kami after naming kumain" Casual na sagot ni Charly at tumakbo na
paalis si Zia. "Bilisan mo na yung pagkain mo"
"Yes boss!"
Matapos nga naming kumain ay dumiretso kami sa assigned room namin. Ipinatawag lang
naman kaming lahat ni Ms. Melanie upang ipaalala ang mga do's and dont's namin
habang nandito sa lugar na ito. Ipinaalala niya na kailangan naming maging role
model na mga estudyante dahil pangalan ng school namin ang nakataya rito.
Kinagabihan ay natulog na kami. Ayos lang naman na magkakasama kaming lahat sa
iisang kwarto dahil apat na double deck naman ang kama. At isa pa, alam ko namang
matitinong tao ang mga nandito. Subukan lang nila akong galawin, ma-e-experience
nila ang karate kick ko.
Kinabukasan ay maaga kaming pinulong lahat sa gymnasium. Hindi ko mabilang ang mga
estudyante na galing sa iba't-ibang paaralan. Totoo ngang hindi lang ang Altheria
ang nag-iisang alchemy school rito.
As usual, a simple opening program. Matapos no'n ay pumunta naman kami sa AVR upang
simulan na ang seminar.
Katabi ko si Harly para kahit papaano ay may madaldal ako, kapag kasi oras ng
discussion ay sobrang tahimik at nakikinig talaga si Charly. "Alam kong karamihan
sa inyo ay nagkailaw na ang kanilang mga kwintas. Ngunit ano nga ba ang magi? Lahat
ba ng tao ay pwedeng magkaroon nito?"
Napaisip ako sa sinasabi ng speaker, pero siyempre kinakabahan pa rin ako dahil nga
wala pa ring ilaw ang kwintas ko. Malay niyo, isang normal na tao lang pala ako.
Walang kapangyarihan, walang magic, at walang kakayahang makipagsabayan sa mga
estudyante ng Altheria.
"Hindi" Pagtituloy ng guest speaker, "Piling tao lang ang binigyan ng kakayahan na
kumontrol ng iba't-ibang uri ng elemento. Kaya kayo lahat nandito sa magic world ay
dahil may mga potensyal kayong lahat na maging isang magaling na alchemy"
Habang tumatagal ang discussion ay mas lalo akong nagiging interesado sa topic kasi
lumalawak ang kaalaman ko patungkol sa mundong ito. Sinusulat ko ang mga
importanteng bagay sa note book ko para kung sakali mang umilaw ang kwintas ko ay
may mga points ako na dapat tandaan.
Isang oras na rin akong nakikinig at tuluyan na nga akong nakaramdam ng antok,
"Harly--- teka ba't ikaw ang nandiyan!?"
Paano ba naman kasi naging bigla si Red ang aking katabi. "Nakipagpalit ako ng
puwesto" He smiled at me pero napaismid na lang ako. "W-wait, galit ka ba?"
Inilapit niya ang kanyang mukha kaya bahagya akong napaatras.
"B-bakit naman ako magagalit? Makinig ka nga do'n!" Ibinaling ko ang kanyang ulo
doon sa nagsasalita.
"Bakit ba ayaw mong nilalapit mo ang mukha ko sa mukha mo?" Muli niya na namang
inulit kaya naman bigla akong napaatras at nalaglag sa upuan.
Dahil nga monoblocks lang ang inuupuan namin ay malakas itong tumunog. Napatigil sa
pagsasalita yung guest speaker kasabay ng paglingon sa akin ng iba pang estudyante.
"Okay ka lang ba hija?" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa hiya, na-special
mention pa ako nung guest speaker.
"O-opo" Nahihiya kong sagot. "Ituloy niyo na po yung dini-discuss niyo"
Itinayo ko yung monoblock at mabuti na lamang ay hindi na sa akin nakaktingin yung
ibang estudyante. Tinignan ko ng masama si Red na kasalukuyang nagpipigil ng tawa.
"Ano tatawa ka?" Inis kong sabi sa kanya.
Itinikom niya ang kanyang bibig pero halata namang nagpipigil.
Asar.
Natapos ang unang bahagi ng seminar at nagkaroon kami ng dalawang oras na break
pero kailangan din naming bumalik sa AVR.
Agad na nagkumpulan ang mga schoolmates ko sa akin. "Artista ka na!" Natatawang
sabi ni Harly.
"Ha-ha-ha, ayan tatlong tawa. Masaya ka na?"
"Oo naman! Haha!"
Hindi pa rin sila tumigil sa pang-a-alaska. Bwisit talaga 'tong si Red, bumabalik
na naman ang ugali niyang hinugot sa impyerno. Nagiging mortal enemy ko na naman
siya, grrrrrr!
Si Charly at Harly ang kasabay kong kumain pero patuloy pa rin si Harly sa pang-
aasar. Si Charly? Ayun as usual tahimik, mabuti na nga lang at hindi na dumagdag sa
pang-a-alaska eh.
Nasa isang round table lang kaming tatlo malapit sa garden ng Floriton. "Himala
yata, nag-uusap kayo ni Red. 'Diba nung nakaraan eh hindi kayo nagpapansinan" Sabi
ni Charly. "Nagkaayos na kayo?"
Hindi naman tanga si Charly, sobrang observer ng lalaking 'to, at isa pa kaklase ko
siya at kaibigan pa kaya paniguradong kilala niya kaming dalawa. "Nitong nakaraan"
"Paano kayo nagkaayos?" Pagtatanong naman ni Harly
Saglit akong napatigil, paano nga ba kami nagkaayos? Yung confession niya lang agad
ang biglang pumasok sa isip ko. "B-basta. Secret. Bilisan niyo na lang kumain,
kailangan pa nating bumalik doon"
"May secret-secret ka pang nalalaman ngayon" Tumawa naman si Harly sa sinabi niya.
Bumalik na ulit kami sa AVR as usual nakinig na naman kami ng discussion, pero
dahil nga seminar 'to, may activity raw kaming gagawin bukas. "Gusto kong mag-
grupo-grupo kayo para mag-synthesize ng Fortune ring"
Siyempre umingay sa loob ng silid, sa tingin ko ay medyo mahihirapan ako rito dahil
mga simpleng crafting lang naman ang kaya kong gawin. Mahihirapan akong gumawa ng
ganyang klaseng bagay, pero dahil groupings naman 'to, makakagawa naman kami kung
magshe-share kami ng mga ideya at kaalaman.
"But in this activity, hindi ang mga school mates niyo ang magiging kasama niyo sa
paggawa niyan" Napatigil ang maiingay na bulungan at nagpokus doon sa nagsasalita.
"Napag-usapan namin ng mga teachers kanina habang nagla-lunch kayo na ija-jumble
natin, so lahat kayo ay mahahalo sa iba't-ibang school"
Mas lumakas ang bulungan matapos sabihin 'yon, kahit ako rin naman ay ayokong
mahiwalay sa schoolmates ko pero naisip ko na isa itong magandang pagkakataon upang
makipagkaibigan sa mga taga-ibang school.
Maya-maya pa ay may pinamigay na sa amin na papel kung saan nakasulat ang mga
magiging kagrupo namin.
Hinanap ko ang aking pangalan... nasa group# 3 ako.
"Jasmin magkagrupo tayo!" Boses agad ni Harly ang narinig ko.
---------
Sira (Floriton Academy)
Sean (Floriton Academy
"Yes, para makagawa tayo ng white steel ay kakailanganin natin ng Elemia silver,
Blacksteel, Liquid metal"
Napahilot ako sa sentido ko dahil sa dami ng alchemic terms na naririnig ko sa
ngayon at idamay mo na rin ang dami naming kailangang gawin at hanapin.
"F*ck!" Masama kong tinitigan ang taga-Arcane na nagmura-- si Shin. "Ade kailangan
pa nating mag-synthesize ng black steel? So we need to find Clear water, Beast
fangs, and Legien steel?"
"Ganoon na nga" Wika ni Therese. "May dalawang araw lamang tayo para magawa iyan so
kailangan nating sulitin lahat ng oras"
"Bago tayo makagawa ng Fortune Ring ay gagawa muna tayo ng White steel. Bago rin
tayo makagawa ng White steel ay gagawa muna tayo ng Black steel" Pagpaplano ni Sean
"Magpi-prisinta na kami ni Kyle sa paggawa ng black steel. Ibibgay namin sa inyo
bukas ng tanghali" Sabi ni Shin. Mabuti naman at nag-volunteer siya dahil ayoko rin
naman siyang kasama. "Naiinip na rin kami rito sa Floriton, gusto naming lumabas"
"So habang hinihintay namin yung Black steel ay maghahanap naman kami bukas ng mga
gagamitin para makagawa ng White steel" Pagsasabi ni Harly.
Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko dahil sa dami ng gagawin. Totoo nga ang
sinabi ni Bea, hindi bakasyon ang ipinunta ko rito. Akala ko ba naman makakaligtas
na ako sa exam namin kay Sir Hafami pero mas matindi pa ang mga ginagawa rito.
Gusto ko ng bumalik sa Altheriaaaaa! Huhu!
~~~***~~~***~~~
Sorry kung natagalan ang UD, medyo kinailangan ko kasing mag-research for some
ingredients names haha!
Siguro dapat haluan ko ng kaunting Alchemy itong storya ko dahil school of alchemy
ang nasa title haha!
Thank you sa mga nagbabasa! Advance 70,000 reads sa atin! Maraming salamat!
"Yes. Kilala ko si Sira, hindi basta-basta magpapatalo 'yon" Sabi ni Sean sa amin.
"Halika na, makakasunod naman sila dahil taga-Floriton si Sira. Alam niya kung saan
dapat tutungo"
Dahil kasama ko naman si Harly at si Sean ay medyo naging komportable ako, although
hindi ko alam ang kakayahan ni Sean pero sa paraan kung paano niya plinano lahat ng
aming gagawin ngayon ay masasabi kong katiwa-tiwala naman talaga siya.
Ilang minuto pa ang tinagal ay may natatanaw na akong kuweba. Pagkarating namin sa
kuweba ay kami pa lamang ang estudyanteng naroroon. Siguro marahil ay maaga kaming
nakarating dito.
Agad akong naglabas ng garapon at kumuha ng liquid metal mula sa tubig na
nanggagaling sa kuwebang iyon.
Pumasok sa loob ng kweba si harly at Sean dahil maghahanap sila ng Gravity stone,
which is rare to find. Ako naman ay naiwan lang sa labas upang hintayin sina Sira
at Therese.
Mag-isa lang ako sa labas ng kuweba, tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng
mga dahon ng puno ang maririnig. "Ang tagal naman nila" Naiinip na ako dahil halos
limang minuto na rin akong naghihintay and in the same time ay nakakaramdam na rin
ako ng kaba dahil nga nasa hindi ako pamilyar na lugar.
Habang naghihintay ako ay bigla akong nakarinig ng pagkaluskos ng mga dahon dahilan
upang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. "S-sino 'yan!"
Pagsigaw ko. "H-hindi ako natatakot sa'yo magpakita ka!" Pinilit kong magmatapang
pero sa loob-loob ko ay sobrang takot na takot na ako.
Napasigaw na lamang ako ng biglang mga babae na lumilipad sa kalangitan. May pakpak
ito na parang mga ibon at may paa na katulad din ng ibon. Puwera na lamang sa mukha
at katawan nito na hubog tao.
Kung hindi ako nagkakamali ay isang Harpy ang mga ito.
"Tulong!" Ako lamang kasi mag-isa rito at ang tagal pa dumating nina Sira at
Therese.
Isa pang pinagtataka ko ay ang pagkakaroon ng Harpy sa ganitong klaseng lugar
samantalang kadalasan silang matatagpuan sa tabi ng mga dagat. Napadako ang tingin
sa akin ng isang Harpy at inilabas nito ang matutulis at matatalim nito na kuko sa
paa.
"Tulungan niyo ako!" Malakas kong sigaw habang unti-unti kong ginagalaw ang aking
paa upang simulan na tumakbo palayo.
Sa bawat hakbang ko palayo ay kasunod ko ang mga Harpy, mas naaabutan nila ako
dahil lumilipad ang mga ito.
Akmang susugurin na nito ako ngunit may mga fireball na tumama sa mga Harpy.
Napatigil ako sa pagtakbo at tinignan kung kanino galing ito-- Kay Sira. Naglaho
ang mga Harpy.
"Ayos ka lang?" Nag-aaalalang tanong sa akin ni Therese at dahan-dahan naman akong
tumango dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang aking tuhod dahil sa kaba.
"Naglaho ang mga Harpy, ibig sabihin lamang nito ay may nag-summon lang sa mga ito"
Wika ni Sira. "Halika na Jasmin, hindi magandang naiiwan ka mag-isa sa ganito
kadelikadong lugar"
Tumango naman ako kay Sira at sumunod sa kanila pabalik sa kuweba kung nasaan sina
Harly. Pagkakita pa lamang namin sa kanila ay agad tumakbo si Harly palapit sa
aking direksyon at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Okay ka lang ba? Narinig
kitang sumigaw, nasaktan ka ba? May masakit ba sayo?"
"O-okay lang ako" Ngumiti naman ako sa kanya upang maibsan na ang kanyang pag-
aalala, "Mabuti na lamang at dumating sina Sira at Therese bago pa man ako magawang
sugurin ng mga Harpy"
"Harpy? Ba't naman magkakaroon ng Harpy dito eh malayo naman tayo sa dagat" Iyon
din ang bagay na gumugulo sa aking isipan.
"May summoner na nagtangka sa buhay ni Jasmin" Pagsasalita ni Sira.
"Wala naman ibang tao rito bukod sa atin" Pagpapaliwanag ko.
"Baka nagtatago lang siya at minamanmanan ang bawat kilos mo. Mas mabuti pang
bumalik na tayo sa Floriton Academy tutal nakuha na rin naman natin lahat ng
kailangan natin" Wika naman ni Sean habang nakabalot sa isang tela lahat ng bagay
na nakuha namin.
Bandang alas-onse na ng umaga ng makabalik kami sa loob ng Floriton at ilang beses
akong kinukulit ni Harly kung may masakit daw ba sa akin. Habang tumatagal, hindi
ko alam kung bakit mas nagiging over protective ng mga kaibigan kong lalaki sa
akin.
Agad akong bumalik ng room namin upang magpalit ng damit bago namin gawin ang
synthesization. Pagkapasok ko sa loob ng room ay nandoon si Red, nakaupo sa kanyang
hinihigaan. "Ayos ka lang ba?"
Napakunot naman ako ng noo dahil sa salubong niya, nagtataka lamang ako kung may
alam si Red sa mga nangyari kanina. "O-okay naman ako" Simpleng sagot ko.
Nagbitaw ng isang malalim na buntong hininga na parang nakahinga siya ng maluwag sa
aking naging sagot. Tumayo si Red at akmang lalabas na, "Mag-ingat ka sa susunod"
Huli niyang sinabi bago lumabas.
Weird. Ipinasawalang-bahala ko na lang ang naganap dahil nagmamadali kami para sa
synthesization na aming gagawin.
Pagkalabas ko ng pinto ay nakatanaw galing sa kabilang building ang isa sa mga
estudyante ng Arcane, kung hindi ako nagkakamali ay si Inho ito. Ngumisi lamang ito
sa akin at naglakad na paalis.
RED
Maaga akong umalis kanina habang isinasagawa namin ang pangangalap ng mga gamit
para sa Synthesization dahil nakaramdam ako ng biglaang kaba sa aking dibdib.
Matagal-tagal na rin nung huli kong naramdaman ang mga nararamdaman ni Jasmin kaya
nakakagulat ang pagiging kabado niya. Pakiramdam ko ay nasa panganib siya kaya
mabilis akong bumalik ng dorm para hintayin siya.
Nung sinabi niyang ayos lang siya ay naging ayos na rin ang pakiramdam ko.
Nararamdaman ko lahat ng nararamdaman ni Jasmin kaya ganoon na lang ang kaba ko
nung maramdaman kong nasa panganib siya. Iisa lang ang buhay namin ni Jasmin kaya
kinakailangan ko siyang protektahan.
Pagkalabas ko ng room namin kanina ay napansin kong nakasilip ang isang Arcane
student sa kabilang building. Mabilis akong tumakbo papunta sa kabilang building.
Nung makaalis si Jasmin ay doon ko kinuwelyuhan ang taong ito. "May kinalaman ka ba
sa nangyari kanina kay Jasmin?" Mas dumiin ang pagkakahawak ko sa kanyang damit
dahil sa galit.
"W-wala"
Bumuntong hininga ako dahil hindi ako pwedeng magpadala sa galit ko dahil ayoko
namang madungisan ang pangalan ng Altheria Academy. Pero hindi ko pa rin maiwasan
na magalit lalo na't involve si Jasmin dito.
"Sa oras na malaman kong may ginagawa kayong kalokohan... Hindi ako magdadalawang-
isip na saktan kayong lima" Malakas ko siyang tinulak dahilan upang mapaupo siya sa
sahig.
Naramdaman ko na hindi magiging maganda ang mga susunod na araw namin dito sa
Altheria lalo na't kalat na kalat sa lahat ng estudyante rito ang kapangyarihang
taglay ni Jasmin. Alam nila kung gaano ka-destructive ang kapangyarihan nito kaya
alam kong pipilitin ng ilang estudyante na makita ito para pagkatuwaan lamang.
Poprotektahan ko si Jasmin, ano man ang mangyari.
~~~***~~~***~~~
UPDATE DONE!
ADVANCE 80,000 READS GUYS! BAKA BUMAGAL NA ANG MGA UPDATE KO STARTING THIS WEEK
DAHIL START NA NG KLASE NAMIN. COLLEGE STUDENT NA AKO SO MAS PRIORITIZE KO ANG PAG-
AARAL KO, SALAMAT SA MGA TAONG MAKAKAINTINDI.
"Hihintayin pa natin 'to" Itinuro ni Sean ang Alchemy pot. "Hintayin muna natin
kung successful nga yung ginawa nating White steel. At isa pa, bukas pa raw ng
umaga magiging available yung Alchemic symbal"
"So hindi na natin siya hahanapin?" Pagtatanong ni Therese.
"Hindi na, ibibigay na lang sa atin ito bukas" Wika ni Sean, "Pero sa ngayon
magtanghalian muna tayo. Hindi pa tayo kumakain, libre ang lunch dito sa mga nagpa-
participate sa seminar"
Umalis na kami palabas ng Workshop at babalikan na lang namin ang ginawa namin
maya-maya.
Ang nakakatuwa rito is kahit magkakaiba kami ng mga paaralan ay nagawa naming
maging magkakaibigan lima. Sobrang bait nila at nakatulong talaga ang seminar at
ang activity na ito para magkaroon ng mga bagong kaibigan.
Habang naglalakad kami ay may isang babaeng nag-approach sa akin. "Hello, ikaw si
Jasmin 'diba?" Pagtatanong nito.
Napatigil kaming lima at tumingin sila sa akin na parang nagtataka kung bakit ako
hinahanap, nagkibit balikat lamang ako dahil kahit ako ay walang ideya kung bakit
ako hinahanap ng babaeng 'to. "Ako nga, anong kailangan mo?" Nakangiti kong
pagtatanong.
"Hinahanap kayo sa gymnasium ni Zia ba 'yon? Basta ang sabi pumunta ka raw doon"
Sabi nung babae, "Excuse lang" Naglakad na siya paalis.
"Samahan ka na namin?" Pagtatanong sa akin ni Harly.
"Hindi na mauna na kayo, saglit lang naman ako dahil paniguradong may sasabihin
lang si Zia" Suhestiyon ko.
"Okay. Anong gusto mong i-order ko sayo?"
"Orange juice at kahit anong tinapay na lang"
"Ang hilig mo talaga sa orange juice. Sige, hintayin ka namin sa cafeteria. 'Wag
kang maliligaw ah"
Naglakad na sila paalis habang ako ay naglakad sa kabilang direksyon upang pumunta
sa Gymnasium, nakakapagtaka nga lang kung bakit sa dami ng lugar na puwedeng
puntahan ay sa Gym pa.
Pagkarating ko sa gym ay wala namang katao-tao. "Zia!" Pagsigaw ko ngunit um-echo
lamang ang boses ko sa apat na sulok ng gym. "Pinagloloko lang yata ako ng babaeng
nagsabi sa amin kanina eh"
"Kamusta na Jasmin?" Biglang may nagsalita sa likod ko kasabay ng pagsara ng pinto
ng Gym. "Nag-e-enjoy ka ba sa ngayon sa pananatili mo sa Floriton?"
Naglakad patungo sa direksyon ko si Inho kasama ang mga alagad niyang sina Shin,
Henry, at Kyle... wala si Bryan dahil panigurado kong hindi kasama sa mga kalokohan
si Bryan.
"A-anong ginagawa niyo rito? Nasaan si Zia?" Pagtatanong ko, pero hindi ko maiwasan
na kabahan lalo na't babae ako at napapaligiran ng mga lalaki... at isa pa, walang
ibang katao-tao rito sa Gym kun'di kami lamang.
"Uy Inho, bawal tayo matagal na mawala. Baka makahalata na yung iba" Pagsasalita ni
Henry.
"Anong binabalak niyo?"
Hindi nila ako pinansin dahil busy sila sa pag-uusap na apat.
"Kung wala kayong kailangan sa akin ay lalabas na ako, wala akong interes na
makipag-usap sa inyo" Ihahakbang ko na sana ang aking paa ng biglang humarang si
Shin at Kyle. "Ano ba!? Padaanin niyo nga ako! Hindi niyo ba alam ang maging
gentleman, try niyong matutunan, hindi nakakamatay" Umirap ako at akmang maglalakad
palabas.
Bigla na lang akong hinawakan ni Shin at Kyle sa magkabilang braso ko dahilan upang
mahuli nila ako. "Ano ba! Bitawan niyo nga ako! Nakakababae na 'tong ginagawa
niyong kalokohan ah"
Lumakad palapit sa akin si Inho at ngumiti, "Sabihin na lang natin na ito ang
paraan ko upang makaganti sa lahat ng pamamahiya na ginawa sa akin ni Red"
Nanlalaban ako ngunit sadyang mahigpit ang pagkakahawak sa akin nina Shin at Kyle.
"Ipasok niyo na 'yan sa storage room"
"T-teka! Ano namang kinalaman ko sa pagtatalo niyo ni Red? Pwede ba! Kung may
alitan man kayong dalawa, labas na ako doon"
"Ano ang kinalaman mo? Malaki, hindi hinahayaan ni Red na may mangyaring masama sa
iyo"
Kinaladkad na ako nina Shin at Kyle at hinagis papasok sa storage room. Tumakbo ako
patungko sa pinto ngunit tuluyan na nila itong naisara. "Buksan niyo 'to! Buksan
niyo!" Pagsigaw ko at kinalampag ko ang pinto
"Mabulok ka d'yan!" Sigaw ng isa sa kanila habang naririnig ko ang pagkandado nila
sa pinto.
Hindi naman madilim sa storage room dahil bandang tanghali naman at may sinag pa ng
araw, pero the fact na makukulong ako rito mag-isa sa walang kwentang kadahilanan,
nakakabanas lang. "Pakawalan niyo ko!"
Paulit-ulit kong kinalampag ang pinto ngunit wala na akong narinig na ingay galing
sa labas, mukhang nakaalis na sila. Lagot talaga 'tong mga taga-Arcane na ito
pagkalabas ko.
"Bwisit!" Malakas kong sinipa ang malapit na trashbin sa gilid.
"INGAY!" Nagulat na lamang ako at napahawak pa sa aking dibdib ng biglang sigaw
akong narinig, nanggagaling din siya rito sa loob ng storage room.
"S-sino 'yan"
Maya-maya pa ay may naaninag akong lalaki na naglalakad galing sa sulok. "Ako nga
ang dapat nagtatanong niyan sin-- Jasmin?"
"Red?" Parehas pa kaming nagulat nung makita namin ang isa't-isa. "Anong ginagawa
mo rito?" Halos sabay naming bigkas.
"Sleeping, and you?" Pagtatanong niya.
"Ade inilagay rito nina Inho"
"Inilagay? Ade buksan mo yung pinto para makalabas ka"
"Kung ganoon lang kadali 'yon eh. Kinulong nila ako rito" Bigla ko na naman naisip
yung ginawa nung apat na mokong na 'yon. "Grrrr! Nakakainis! Nakakainis!"
"Ikinulong ka nila? For what reason? Ayos ka lang ba?" Pagtatanong niya sa akin.
"Dahil sayo. Ako ang ginagamit nila para makaganti sayo" Sumalampak ako sa sahig at
sumandal sa pader. "No choice, mukhang maghihintay na lang tayo ng magbubukas ng
pinto"
"You mean... tayong dalawa lang ang nandito?" Pagtatanong ni Red.
"Oo," Pero mukhang may ibang naiisip si Red. "Subukan mong may gawin sa akin
uupakan kita"
"Uupakan? Crush mo nga ako"
"Hoy kapal mo!"
Nagbuntong hininga ako. Lord please sana makalabas na kaming dalawa ni Red dito,
ang init na nga rito sa Storage room pero mas lalo pang nakakadagdag sa init kapag
naiisip kong kaming dalawa lang ni Red ang nandito. Help me lord huhu.
~~~***~~~***~~~***
Update done guys :)
Don't forget to vote and leave a comment. Inuulit ko, baka bumagal na ang update ko
dahil na rin magpapasukan na. Huwag na sana kayong mangulit kasi nung bakasyon
naman napakadalas kong mag-UD
***~~~***~~~***
"May tao ba diyan?!" Malakas kong sigaw habang kinakalampag ang pinto. Hanggang
ngayon kasi ay nakakulong pa rin kami sa storage room ni Red.
Alam niyo ba ang mas nakakadagdag sa inis ko? Eto si Red, nakaupo. Walang ginagawa,
kung umasta 'tong lalaki na 'to parang wala lang ang nangyayari ngayon.
"Huwag ka na ngang sumigaw, walang makakarinig sa iyo dahil wala namang pumapasok
ng Gym ng ganitong oras" Wika niya. "Nagpapagod ka lang para sa wala".
"So anong gusto mo? Umupo na lang din ako at magdamag kang makasama rito?"
"Because you don't have any choice" Sabi niya at nag-indian sit. "Sooner or later
mapapansin din nila na nawawala tayo kaya hahanapin nila tayo"
"Ewan ko sayo" Muli kong hinarap ang pinto at kinalampag ito, "Tulong! Tulong!"
Malakas kong pagsigaw. "Bakit ka ba kasi nandito?"
"Like what I've said earlier, nandito ako para matulog. Anong malay ko na
makukulong ako dito dahil sayo" Sabi niya sa akin.
"Excuse me? Kinulong nila ako rito ng dahil sa iyo. It's your fault"
Nagbuntong hininga na lang si Red. Ilang minuto pa akong nagsisigaw pero wala
talagang nakakarinig.
Hindi ba ako hinahanap nina Harly? Halos isang oras na rin akong nawawala ah.
Sumuko na lamang ako at umupo sa sahig, ilang metro rin ang layo ko kay Red.
Mahabang katahimikan ang nanaig sa paligid, hindi ako komportableng kasama si Red
dahil nagiging hindi normal ang tibok ng puso ko. Para itong bomba na sasabog,
parang tambol na walang tigil sa malakas na kabog. Pero hindi ko pwede ipahalata
iyon.
"K-kamusta ka naman?" Pagtatanong ko. Ayoko naman din mapanis ang laway ko,
makikipagkwentuhan na lang ako kay Red bilang pampalipas oras.
Hindi ako makatingin sa kanya at nakapokus lamang ang aking mga mata sa mga bagay
na aking nakikita rito sa storage room.
"So concern ka rin sa akin?" Hindi ko man nakikita pero ramdam kong nakangisi siya
ngayon base sa pamamaraan ng kanyang pagsasalita.
"Never mind. Balewalain mo na lang pala yung tanong ko" Sagot ko.
"I'm fine right now. Much better kumpara noon kasi pinapansin mo na muli ako" Sagot
niya sa akin. Hindi ako sanay na magkaroon ng seryosong usapan sa pagitan namin ni
Red.
Mainit na nga rito sa loob ng storage room dahil sa pagkakakulob nito ay mas
nakadagdag pa sa init ang mga salitang binibitawan ni Red.
"E-ewan ko sayo" Tumayo ako at bahagyang nag-unat. "Ang tagal naman nilang buksan.
Ang inut na rito aa loob"
"Bakit naiilang ka ba sa akin? Hindi mo man sabihin Jasmin, alam ko ang itinitibok
ng puso mo" Bahagya siyang natawa pero hindi ko pa rin siya binabalingan ng tingin
dahil na rin sa hiya.
"Oo"
"Patawa ka. Ha-ha-ha, tatlong tawa para sa iyo" Naglakad muli ako sa pinto at
malakas itong sinipa. "May tao ba diyan! May mga nakakulong dito sa Storage room"
Malakas kong sigaw.
Tinakpan ko ang aking tenga. "Bla! Bla! Bla! Wala akong naririnig"
Maya-maya ay mabibigat na paghinga na lamang ang aking narinig, naging tahimik ang
buong paligid kagaya kanina. Siguro ay napagod na rin si Red na asarin ako. Hindi
ko pa rin siya tinititignan kahit gustong-gusto ko, nakapokus lang ako sa pinto.
"Hello! May tao rito sa storage room, pakibukas naman!" Malakas kong sigaw ngunit
wala pa rin talagang nagbubukas at wala pa rin akong naririnig na ingay galing sa
gym.
"Stop shouting. It's nonsense" Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Isa
pa itong si Red, imbes na tulungan niya ako para makalabas kami ay nakaupo lang sa
isang sulok.
Bigla kong naalala na umilaw na nga pala ang kwintas ni Red. "Red bakit hindi mo
subukang gamitin yung kapangyarihan mo?" Nakatingin lang ako sa pinto.
"A-ayoko nga"
"Bakit hindi ka makatingin? Gusto mo na rin ba ako?" Kung alam mo lang na mas nauna
pa akong na-fall. Natatakot lang ako na tumingin sa iyo dahil kung ano ang lumabas
sa bibig ko, baka masabi ko ang mga salita na matagal kong tinatago.
Nagbitaw muna ako ng malalim na buntong hininga bago ako lumingon sa kanya. Mabilis
ang ginawa kong pagharap upang hindi mahalata na kinakabahan ako. "Oh ayan nakah--"
Napatigil ako sa pagsasalita nung makita ang kundisyon ni Red.
Puro pawis ang kanyang katawan at mabibigat na paghinga ang binibitawan niya at
parang hinang-hina siya. "A-ayos ka lang ba?" Tumakbo ako patungo sa kanyang
direksyon niya. Hinawakan ko palang ang kanyang palad at may naramdaman akong
init... Literal na init, dahil inaapoy ng lagnat si Red.
"Ano ba! Iyon pa rin yung iniintindi mo!" Pasigaw ko dahil naaawa talaga ako.
"Kailangan na nating makalabas, tignan mo yung kundisyon mo oh"
Tumakbo ako tungo sa pinto at malakas itong kinalampag. "May tao ba d'yan! Tulungan
niyo kami" Tumakbo muli ako kay Red. "Uy Red ayos ka lang ba? Wait lang ah"
Hinawakan ko ang kanyang noo at sobrang init talaga.
Naluluha na ako kasi sobrang tanga ko. Halos isang oras na kaming nandito pero
hindi ko man lang nalaman na ganoon ang sitwasyon ni Red."Huwag ka ng magpakahirap
pa" Sabi ni Red. "Just stay by my side... okay na 'ko no'n"
"I'm being honest" Tinapik-tapik ni Red ang sahig sa kanyang tabi. "Dito ka"
"Reeed..." Naiiyak na talaga ako dahil hinang-hina talaga ang katawan ni Red.
"Just sit beside me" Naglakad na ako upang umupo sa tabi niya. Hiniga niya naman
ang ulo niya sa aking balikat. "This is the most comfortable place, pakiramdam ko
ay ayos na ako ngayong nasa tabi na kita"
Humagulgol naman ako ng iyak dahil puro pawis talaga ang mukha niya, para siyang
mamamatay kapag hindi nadala sa Clinic. "Bakit ka umiiyak?" Medyo natawa siya.
"Naaawa? Ba't pakiramdam ko ang saya-saya ko?" Mas isiniksik niya pa ang ulo niya
sa aking leeg. "Nasa tabi kita, nahahawakan, naaamoy, nakakausap. Just like the old
times"
Nakatahimik lang ako at pinapakiramdaman ang kanyang kalagayan, pero kasabay no'n,
pinapakiramdaman ko rin ang sarili ko dahil sa lakas ng kabog ng aking dibdib.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong
tulungan si Red kaso'y wala akong sapat na lakas. "Why are you crying again?"
Pagtatanong niya.
"Pakiramdam ko lang ay ang hina-hina ko. Nung mga panahong kailangan ko ng tulong
ay parati kang nandiyan para sa akin, ikaw ang unang taong sumasaklolo sa akin.
Pero sa simpleng bagay na ito, hindi man lang kita matulungan, wala man lang ako
magawa para sayo, hindi ko man lang masuklian--"
Hindi na natapos ang aking sinasabi nung unti-unting lumapit ang mukha ni Red at
tumama ang labi niya sa aking labi. Napakabilis ng pangyayari, naramdamab ko na
lamang ang mainit at ang malambot niyang labi na direktang nakatama sa aking labi.
Ilang segundo ang itinagal ng halik na iyon, ngunit pakiramdam ko ay pinabilis nito
ang tibok ng puso ko ng sampung beses. Nakakaloko. Nakakabaliw.
"You don't know, you're saving me over and over again" Pagkasabi no'n ni Red ay
bigla na lang natumba ang kanyang katawan sa aking lap.
Hindi ako makatayo dahil nga nakahiga sa aking hita si Red. "Nandito ako! Tulungan
niyo ako" Malakas kong sigaw.
Ilang minuto ang lumipas at tuluyang bumukas ang pinto, nakita ni Harly ang
posisyon namin ni Red. "Help me, nilalagnat si Red"
Nagmadali namang lumapit sa akin si Harly at inakbay sa kanya si Red. "Eh ikaw ayos
ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?"
"Ayos lang ako. Si Red ang hindi ayos, pakidala naman siya sa Clinic"
Nakalabas na ako ng storage room at nakita ko sina Sira at ang iba ko pang kagrupo.
"Hala sino ang nagkulong sa inyo doon?" Pinahid ni Sira ang mga pawis sa aking noo.
"Sina Inho" Tipid kong sagot habang pinagmamasdan si Harly na nilalabas si Red para
dalahin sa Clinic.
Nagpamewang si Sira. "Alam mo, wala talagang dala 'yang mga taga-Arcane na 'yan.
Kahit saang school paulit-ulit na gagawa ng gulo. Tara samahan kita, isusumbong
natin 'yan sa disciplinary office"
"H-hindi 'wag na" Pagtutol ko. Ayoko naman na maging dahilan pa ako para magkaroon
ng mabigay na parusa ang mga lokong iyon. Ayoko ng maulit yung dati na kinailangan
pang ma-expell nina Marie at iba pa dahil lang sa gulong hindi naayos.
"Sigurado ka?"
"Oo"
Napahawak ako sa aking labi nung naalala ko ang ginawa ni Red. Sa unang
pagkakataon... Iyon ang unang pagkakataon na ako'y nahalikan.
***---***---***
Bago man lang mag-start ang pasukan ay mapakilig ko kayo, pero gaya nga ng mga
sinasabi ko sa past update. Babagal na ang UD because of my studies.
Chapter 54 "Apology and Goodbye"
Matapos ang nangyari sa stock room ay pinanatili ko na lamang tahimik ang aking
bibig panandalian. Ayokong maging malaking issue ang ginawang kalokohan sa amin ng
mga taga-Arcane. Ayokong makasira ng pangarap.
"Okay ka lang ba talaga?" Pagtatanong muli sa akin ni Harly, ilang beses niya ng
tinatanong ang bagay na iyan.
"Oo okay lang ako, tsaka huwag na kayong magtangka na isumbong ang mga taga-Arcane
sa disciplinary office. Wala akong balak magreklamo at baka mas lalong lumaki lang
ang gulo" Sagot ko sa kanya.
Gaya nga ng napag-usapan, ito ang huling araw namin sa Floriton Academy at bukas
lamang ay makakabalik na kami sa Altheria Academy. Na-miss ko na rin naman ang mga
kaibigan kong naiwan doon.
"Kailan pa naging weakness ang pagiging mabait? Ibig sabihin lang no'n ay mas
naiintindihan ko ang sitwasyon ng mas malawak, ayoko lang gumawa ng malaking gulo.
Ayokong gumawa ng gulo sa ibang school" Tipid kong sagot sa kanya at ngumiti.
"Kamusta na nga pala si Red?"
"K-kaibigan ko siya" Pagdadahilan ko. "Kaibigan mo rin naman siya Harly. At isa pa,
ako ang huling nakasama ni Red kaya baka makonsensya ako kung hindi ko kinakamusta
ang kanyang kalagayam"
"He's fine right now, kailangan niya na lang ng kaunting pahinga" Ngumiti sa akin
si Harly. "Halika na, malapit na mag-start yung next na lesson na ituturo"
Habang naglalakad kami tungo sa AVR ay nakasalubong namin sina Inho, nakabuntot sa
kanya ang ibang estudyante ng Arcane. Nung nakita nila ako ay bakas sa mukha nila
ang pagkagulat, siguro ay hindi nila ini-expect na makakalabas ako.
"Jasmin halika na" Hinatak ni Harly ang aking pulso ngunit nanatili akong nakatayo
sa harap nina Inho at tinignan sila ng mata sa mata.
"Mauna ka na Harly, gusto ko lang sila kausapin" Matapang at madiin kong bigkas.
"Pero Jasmin..."
"Magiging ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Gusto ko lang makausap ng pribado
itong sina Inho"
Bumaling ng tingin sa akin si Inho at malaking ngisi ang kumurba sa kanyang labi.
"Ang tapang mo rin na muli kaming harapin 'no? Kulang pa ba ang ginawa namin sa
iyo?"
"To be honest, sobra pa nga eh" Simula nung nangyari yung sa storage room, nawala
na ang takot ko kay Inho. Napalitan ito ng inis.
Tumingin ako sa kanya ng mata sa mata. "Ano Inho? Ngayong nakaganti ka na kay Red,
na-satisfy ka naman ba? Fulfilling ba ang makaganti sa isang tao?" Pagsumbat ko sa
kanya.
"Nasasabi mo iyan dahil hindi ikaw ang napahiya noon dahil kay Red"
"Bakit natalo ka niya sa mga contest? Hindi mo nakuha yung mga gusto mo?" I bravely
speak to him without uttering a word. "Ngayong nakaganti ka nga, masaya ka na?
Ngayong nasa clinic si Red dahil sa kalokohang ginawa mo, masaya ka na? Mission
accomplished ba?"
Kinagat niya ang ibabang labi niya dahil sa inis, hindi niya ako magagawang saktan
dito dahil may ilang mga estudyante na nagdadaan.
"Alam mo Inho, itigil niyo na ng mga kaibigan niyo ang pananakit. Hindi niyo 'yan
ikina-astig, mas lalo lang kayong nagmukhang mahina dahil pisikal na lakas ang
ginagamit niyo para umangat sa iba" Pagwiwika ko.
"Ano bang alam mo? Porke't ba sikat ka sa buong magical world? Eh wala ngang ilaw
'yang kwintas mo kaya wala kang karapatang magmalaki"
Malalim na paghinga ang aking ginawa, "Nakaganti ka na, itigil mo na please lang.
Kung gusto mong linisin ang pangalan ng school niyo ay gawin mo sa maayos na
paraan. Kung gusto mong umangat sa iba ay magsumikap ka pa. Hindi yung manghihila
ka pababa para lang maiangat ang sarili mo" Matapang kong bigkas.
"Eh ikaw ano rin bang alam mo sa mga nangyari kahapon? Sa sobrang selfish mo muntik
ng mapahamak ang buhay ng isang tao" Pagbigkas kom "Please lang itigil niyo na 'to
dahil kung walang titigil at walang magpapakumbaba, hindi matatapos ang alitang
ito"
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Inho at nagsimulang maglakad palapit
sa akin. Halatang-halata na sa mukha ni Inho ang galit.
Akmang sasaktan niya ako kaya naman napapikit ako ngunit ilang segundo na ang
lumilipas ay walang kamay na tumama sa aking pisngi. Dahan-dahan kong idinilat ang
aking mata at hawak na ni Red ang kamay ni Inho.
"R-Red!" Nanlaki ang mata ko nung makita ko siya. "Bakit ka nandito? Dapat ay
nagpapahinga ka lang sa ospital"
"Dumb. Ikaw, ba't ka nakikipag-usap sa mga 'to?" Itinulak ni Red palayo si Inho na
agad namang sinalo nina Kyle.
"Tangina Inho! Hindi mo ba gustong matapos 'tong awayan na 'to?" Kahit hinang-hina
si Red ay nagulat pa rin ako sa pagtaas ng kanyang boses. Bihira ko lang din
marinig magmura si Red kaya't masasabi kong seryoso siya sa pagkakataong ito.
Napatigil si Inho sa sinabi ni Red. "Itigil na natin 'to, dahil ba natalo kita sa
mga contest dati kaya mo ba ginagawa 'to?" He bravely speak. "Tama si Jasmin, kung
walang magpapakumbaba sa ating dalawa ay wala talagang mangyayari"
Napatigil si Inho pero alam kong naapektuhan naman siya sa mga sinabi ni Red dahil
may namuong mga luha sa kanyang mata. "Sorry sa pagiging mayabang ko. Sorry sa
madalas na pang-aasar ko sayo tungkol sa pagkatalo mo. Sorry sa pagtawag na basura
ang paaralan mo... I'm sorry dahil sinaktan kita"
Nakatayo lang si Inho, ganoon din sina Kyle. Pero alam ko, naapektuhan sila sa
sinabi ni Red dahil sa pagbabago ng kanilang ekspresyon.
Pagkaalis nila ay nabaling ang atensyon ko kay Red. "A-ayos ka lang ba? Halika na,
ibabalik kita sa clinic" Pag-aaya ko sa kanya.
"No need medyo maayos na ang kalagayan ko" He smiled at me. "At isa pa, hindi naman
mga gamot doon o kagit sinong healer ang nagbibigay lakas sa akin"
"Ha? Ano?"
"Ikaw. Ikaw ang lakas ko" Hindi ko alam sa sarili ko pero bigla na lang na ngiti
ang gumuhit sa aking labi. Alam niya talaga kung paano magpakilig ng isang babae.
"Joke lang. Naniwala ka naman"
Sa sinabi niya sa huli ay biglang nawala ang ngiti ko. "Bwisit ka! Bahala ka
d'yan!" Naglakad na ako papunta sa AVR.
"Sandali lang biro lang! Makakaya mo bang iwanan ang may sakit na tulad ko?"
Narinig kong sigaw niya pero nagtuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad.
Pero habang naglalakad ako ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi, siguro marahil
ay masaya ako sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ko naman masasabi na okay na ang
lahat sa pagitan ni Red at Inho pero atleast... May naganap na pagso-sorry.
"Oh ba't nakangiti ka riyan?" Napasinghap pa ako nung narinig ko ang tinig ni Harly
na nasa harap ko na ngayon. "May ginawa ba sila Inho sa iyo?"
"Wala nga! Kulet mo halika na" Hinatak ko na siya papasok ng AVR at tumabi sa mga
ka-school mates namin.
Hindi na sumunod si Red dito sa AVR, Siguro marahil ay bumalik na lang siya sa room
namin upang magpahinga. Kahit naman nasa magical world kami ay may mga bagay o
sakit na hindi nadadaan sa magic. Pwedeng gumaling si Red pero kailangan niya pa
rin namang magpahinga.
Nagsimula na ang huling speech o ituturo sa amin ng speaker. Sa totoo lang ay kahit
wala pang ilaw ang kwintas ko ay marami ako natutunan sa seminar na ito, isa pang
natutunan ko ay kung gaano ka-importante ang makitungo sa ibang tao kahit na
magkakaiba kami ng school at pinanggalingan.
"Oo kapag bakasyon at nasa mundo tayo ng mga tao. Let's try to hangout together"
Sabi naman ni Therese na aming ikinatuwa.
Nakakatuwang isipin na nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan dito sa magical world,
mga kaibigan na nakasama ko lamang sa maikling panahon pero buong puso nila akong
tinanggap sa kanilang mga buhay.
"Ah Jasmim, may gusto sana kaming ibigay sa iyo bilang tanda ng ating pagkakaibigan
at bilang pasasalamat na rin" May inabot sa akin si Sira na isang maliit na kahon.
"Nag-abala pa kayo, pasensya na at wala akong maireregalo sa inyo ah" Malugod kong
tinanggap ang kanyang binibigay. "Pwede ko ng buksan?"
Nung mahingi ko na ang permiso nina Sira ay dahan-dahan kong binuksan ang kahon...
Ang laman nito ay ang fortune ring na aming ginawa. "Hala nag-abala pa kayo, sa
inyo na 'to"
"Hindi Jasmin para sa iyo iyan. Hiningi pa namin 'yan sa nga professor matapos ma-
grade-an" Nakangiting sabi ni Sean sa akin. "Dahil ikaw ang pinakamasuwerteng babae
na nakilala ko ay ibinibigay na namin iyan sa iyo" May halong panlolokong sabi ni
Sean.
Oo nga naman ako ang pinakamasuwerte. Muntik na akong atakihin ng mga Harpies at
na-trap din ako sa may sotrage room. Ang suwerte ko talaga.
Bukas pa kami uuwi pero may mga taga-ibang school na nagsisimula ng umalis dahil
malayo pa ang kanilang mga pinanggalingan.
Bilang huling araw namin dito sa Floriton Academy ay naisipan ni Ms. melanie na
mag-camping kami sa school ground. May permiso naman kami ng Principal nila.
"Meron. Nangako ako kay Charmaine na poprotektahan at babantayan kita pero hindi ko
nagawa" He hissed.
"Okay lang 'yon tsaka naging masaya naman ang experience ko rito"
"Hindi 'no! Hindi mo naman ako obligasyon. Tsaka kaibigan kita Charly, hindi isang
utusan. Yung pagiging magkaibigan nating dalawa, sobrang thankful na ako roon" Wika
ko sa kanya at itinapat ang aking kamay sa bonfire.
Habang nagkekwentuhan kaming lahat ay bigla na lamang lumapit sa akin ang isang
estudyante-- Si Bryan. "Jasmin pwede ba kitang makausap saglit?"
"Oh Bryan, ikaw pala! Akala ko ay umalis na kayong mga taga-Arcane kanina. Anong
sadya mo at naparito ka?" Pagtatanong ko sa kanya.
"May gusto lamang akong sabihin, pero huwag dito" Tumingin ako sa paligid at
nakikinig nga ang mga schoolmates ko. "Don't worry hindi rin ako magtatagal, may
importanteng bagay lang ako sa iyong sasabihin"
May tiwala naman ako kaya sumama ako sa kanya. Doon naman nagsisimula ang
pagkakaibigan eh, sa pagbibigay ng tiwala sa tao. "Ano bang gusto mong sabihin?"
Nakangiti kong tanong sa kanya.
"Ano naman ang dahilan para hindi kita kaibiganin? Haha!" Natatawa kong tugon sa
kanya.
"Siyempre masama ang reputasyon ng school namin at maraming iwas sa Arcane students
na gaya ko" Pagpapaliwanag niya sa akin.
"Hindi naman school mo ang magiging batayan ko kun'di ang pagkatao mo. At tsaka
thank you rin dahil binigyan mo ako ng chance na maging kaibigan mo" Kinamayan ko
si Bryan at ngumiti.
May kinuha si Bryan sa kanyang bulsan. "By the way, may tao nga palang nagpapabigay
sa iyo ng sulat na ito. Hindi kasi siya makapagpaalam sa iyo ng personal"
"Basta, pinaabot niya ang sulat na 'yan" Wika niya at tumakbo paalis. "Paalam
Jasmin, hanggang sa muli nating pagkikita"
Nag-wave naman ako kay Bryan at bumaling ang atensyon ko sa sulat. Sino naman kaya
ang magpapadala nito? Eh wala naman akong ibang ka-close.
I'm sorry and thank you. Sa susunod nating pagkikita, sisiguraduhin kong mas maayos
na tao na ang makikita ko. Aayusin ko muna ang sarili ko bago muling makipagkita sa
iyo. Pangako, ibabalik ko ang tulong na ibinigay mo sa akin. -INHO
Napangiti naman ako nung nabasa ko kung kanino galing ang sulat.
***---****----
I'm a BSMath major in computer science. Double major yung course ko kaya hindi
nagiging madali sa akin para isingit ang pagsusulat. Kailangan ko rin kasing
magkabisa ng napakarami.
Naging masaya ang pagbalik ko sa Altheria lalo na't nagkaayos sina Inho at Red at
nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan.
Mahigpit din naman na yakap ang iginanti ko sa kanya. "Na-miss din kita"
Matapos ang yakap ay si Bea ang nagbuhat ng mga gamit na aking bigbit. "Kamusta ka
naman doon? Naging masaya naman ba ang pananatili mo roon?" Pag-uusisa niya.
Saglit akong napangiti dahil puro kamalasan lang ang nangyari sa akin sa Floriton
Academy and yet... Nag-enjoy naman ako sa mga kamalasan na 'yon. "Masaya naman,
although nalagay ako sa mga problema"
"Well, hindi naman ikaw si Jasmin kapag hindi ka nalalagay sa problema eh" Natatawa
niyang sabi at pabiro ko siyang hinampas sa balikat.
"Baliw ka, eh ikaw kamusta naman kayo rito sa Wanester division habang wala kami?"
"Yung Altheria, okay lang, wala namang pagbabago. Pero ako! Ang sakit na ng ulo ko
dahil sa isang tao" Pagrereklamo niya agad sa akin habang naglalakad kaming dalawa
sa hallway. Halatang-halata talaga ang inis sa ekspresyon ng mukha niya.
"Bakit naman?"
"Sandali! Sinong Jacob? Yung kasama natin sa White soldiers dati?" Kahit naman
kilala ko siya ay hindi ko naman siya na-meet kahit isang beses.
"Oo yung member ng white soldiers na ni-minsan ay hindi tumuntong sa Workshop. Wala
kang aasahan sa loko-loko na 'yon" Inis na sabi ni Bea, ngayon ko lang siyang
nakita na namroblema sa isang tao bukod kay Klein. "Sige, iiwanan muna kita.
Sasapakin ko lang ng tatlo si Jacob"
Naiwan ako mag-isa at dinala ang aking gamit pabalik sa dorm namin. Habang inaakyat
ko sa second floor ay sakto naman na pababa si Trixie. "Oh Jasmin nakabalik ka na
pala" Nakangiti niyang bigkas sa akin.
Naalala ko naman bigla yung kwento ni Therese sa akin about nung nasa Explicith pa
si Trixie. Kaya pala ganoon na lang kalaki ang kagustuhan ni Trixie na magkaroon ng
mga kaibigan dahil na-bully siya noon.
"Huy Jasmin natulala ka na d'yan" In-snap niya ang kanyang daliri. "Tulungan na
kita dalhin yung mga gamit mo" She smiled to me brightly at sinuklian ko rin yun ng
ngiti.
Tinulungan lang ako ni Trixie na dalahin ang aking mga gamit sa aming kwarto ngunit
agad din naman siyang umalis dahil na rin may class pa na dapat silang dapat
attend-an. Pinayagan naman kami ni Ms. Melanie na huwag muna sumama sa mga klase
dahil na rin pagod sa biyahe.
Malakas na tumatawa ang lalaking iyon at may makisig na pisikal na anyo. Base sa
inis ni Bea kanina ay mukhang siya si Jacob. Gaya nga ng sabi ko, kilala ko lang
siya sa pangalan pero hindi ko naman siya na-meet dahil hindi siya uma-attend sa
workshop ng White soldiers dati.
Nung malapit na siya sa akin ay agad akong gumilid at parang hangin lang niya akong
nilagpasan sa bilis ng kanyang pagpapatakbo ng flying hoverboard at lumipad patungo
sa himpapawid.
Parang biglang nahuli ako sa mga balita sa mga nangyayari rito sa Altheria, hindi
ko naman alam na biglang magkakaroon ng sakit ng ulo rito.
Mabuti na lamang at may dala akong bottled water nung mga oras na iyon. "Oy Bea,
ayos ka lang ba? Eto tubig uminom ka muna"
Dali-dali niya naman itong dinakot sa aking kamay at mabilis na inubos ang tubig.
"Salamat dito Jasmin pero hindi ako okay, ilang araw na rin ako iniimbyerna ng
Jacob na 'to. Araw-araw na lang gumagawa ng kalokohan and ako pa naman ang incharge
sa pagiging peaceful dito sa Wanester Division" Mahaba niyang litana.
Base sa mukha ni Bea ay halatang-halata ang sobrang pagkainis nito. "Sige Jasmin,
may susugpuin pa akong kampon ng demonyo. Maiwan muna kita ulit. Sorry kung hindi
kita maasikaso, panira lang talaga 'tong Jacob na 'to"
"Ano ka ba okay lang, sanay naman akong busy ka. Pagsabihan mo ng matindi 'yang
Jacob kapag nahuli mo" Natatawa kong sagot sa kanya.
"Hay nako! Hindi ko lang siya pagsasabihan, itatali ko siya sa puno para hindi na
makapanggulo pa" Muli ng tumakbo si Bea nung makita niyang nasa ere si Jacob sa may
quadrangle. "Bumaba ka rito! Sa oras talaga na mahabol kita"
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nung mapagod ako ay kumuha ako ng mga libro sa
Library upang magbasa kahit papaano, hindi naman maganda na ma-late ako sa mga
lessons at hindi rin dahilan na excuse ako.
***~~~***~~~***
BEA
Tatlong araw. Tatlong sunod-sunod na araw lang naman akong binibuwisit ng lalaki na
'to! Hindi ko in-expect na may hihigit pa sa ka-abnormal-an ni Klein. He's a total
jerk.
"Huy Ms.Officer pagod ka na ba?" Natatawa niyang sagot sa akin. Nakakaasar dahil
ang dami kong bagay na pwedeng gawin sa araw na 'to pero dahil sa panggugulo niya
lagi sa Altheria, nasa kanya lang tuloy ang atensyon ko.
"Huy Jacob, wala akong panahon sa mga kagaguhan mong 'yan" Kaso ay muli siyang
lumipad gamit ang hoverboard papasok sa hallway. "Huy Jacob! Argh!" Inis akong
napapadyak.
"Bea!" Pagtawag sa akin ng isa sa mga kasamahan ko sa school committee. "Si Klein,
gumagawa na naman ng kalokohan sa cafeteria"
Napabuntong hininga ulit ako. Okay, this time hindi na ako makakakalma. Ibubuntong
ko lahat ng inis ko doon sa isa pang monggoloid. Jusko! Bakit ba unti-unting
nagiging school ng mga siraulo itong Altheria? Isang gunggong at isang monggoloid.
Baka may balak pang dumagdag?
Naglakad ako patungo sa cafeteria at nasa labas pa lang ako ay naririnig ko na ang
mala-megaphone na bunganga ni Klein. Paniguradong may pinaglalaban na naman itong
walang kwentang bagay. Anong bago?
As I walked papasok sa may cafeteria ay nahahawi ang mga tao, hindi dahil
nagrereyna-reynahan ako or what. Mas madali kasing maayos ang gulo kung officer
lang ang mag-aasikaso at lalayo ang mga usisero.
"Ate ba't ka ba natatakot sa akin!? Nagtatanong lang ako" Sabi ni Klein akmang
lalapit siya ngunit pinakita ko yung kamao ko.
"Paanong hindi matatakot sayo eh mukha kang manyak na naghahanap ng s*x buddy.
Umayos ka nga Klein" Inis kong sabi sa kanya. "Ano bang problema?"
Maygahd! Hindi ba matatahimik ang Wanester division kahit isang araw lang?
"T-tinatanong ni sir Klein sa akin kung nakakalasok daw yung expired na pagkain"
Nahihiyang sabi nung isang staff at nagbungisngisan naman ang mga estudyante sa
paligid.
Napailing naman ako. See? Abnormal talaga 'tong si Klein. He loves to ask nonsense
questions. Hindi naman siya makagalitan ng ibang guro o school staffs dahil na rin
malapit ang kanyang loob sa mismong punong guro.
"Nang-iistorbo ka. That's the right term" Tumingin ako sa relo ko. "Pumasok ka na
sa room, malapit namext class natin"
"Paano yung tanong ko? Importante yun! Nakasalalay doon ang buhay ko" O.A talaga.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Jacob and Klein
are doing great in pissing me off.
Habang naglalakad ako ay may mga estudyanteng bumabati sa akin. Isa naman talaga
ako sa mga nirerespeto rito sa Altheria for being a school committee member. Yung
iba binabati ako para makasipsip, as if naman na may plus points silang makukuha
doon.
Nilagpasan ko lang siya nung akmang sasakay ulit siya sa hoverboard niya. "T-teka
miss Officer! Hindi mo ba ako susuwayin!"
"Ba't naman kita papansinin close ba tayo!?" I just shouted pero nagpatuloy sa
paglalakad. Siguro ay kailangan ko ng dumiretso sa infirmary para maiwasan na
maging trangkaso itong sakit ng ulo ko.
"Uy sandali lang. Hindi pa akong tapos bwisitin ka!" Malakas na tawa niya ang
narinig ko. Tatapusin ko buhay nito 'pag ako nainis eh.
Habang naglalakad ay bigla kong naramdaman ang pagbigat ng aking katawan at unti-
unti akong bumagsak sa sahig.
"Uy miss officer! Okay ka lang ba miss officer?!" Iyan ang mga huling salita na
aking narinig hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
***---***---***
Dahil ang tagal na walang pasok, here's the update. No tentative date again sa
kasunod.
So here it is, bagong arc na naman! Tapos na ang Floriton Academy arc.
Fact: sa storyang ito ay iniiwasan ko talaga ang pagmumura, hindi niyo ba napansin?
Unlike sa ibang horror stories ko... Dito talaga binawasan ko ang mga foul words.
Binawasan lang ah, may mga kaunting foul words pa rin d'yan.
Naisip ko kasi na maraming bata na mahilig magbasa ng fantasy so binawasan ko
talaga, ayokong maging bad example in other kids :)
MATAPOS kong mabalitaan ang nangyari kay Bea ay agad akong tumakbo patungo sa
infirmary. Huminto talaga ako sa pagre-review upang siya'y mapuntahan.
"Ah sa ngayon ay kailangan niyang magpahinga, gumawa na rin ako ng sulat upang mai-
excuse siya sa academics niya para makapagpahinga siya" Pagpapaliwanag nito.
"Ngayon ay pinainom na namin siya ng healing potion, overfatigue ang naging sanhi
ng kanyang pag-collapse"
Bea was a very responsible student and leader. Baka sa sobrang pagtatrabaho niya
kaya nangyari ito.
Pinuntahan ko siya sa bed kung saan siya nagpapahinga. Nananatili pa rin siyang
tulog ngunit napansin ko ang isang lalaki na nasa kanyang tabi at nagbabantay. It
was Jacob.
Nagkibit-balikat ito, "I don't know, bigla na lang siyang hinimatay habang
naglalakad sa hallway. Tsaka narinig mo naman ang sabi ng nurse, overfatigue" Tama
nga ang sabi ni Bea, he's a jerk. Ang lakas mamilosopo.
"May ginawa ka na namang kalokohan ano? Hindi naman soya mahihimatay kung hindi
niyo siya pinagod ng pinagod. Nag-e-enjoy ka kasing makitang nahihirapan si Bea"
"Teka bakit sa akin bigla napunta ang sisi?" He bit his lower lips. "Ako na ang
nagmagandang loob na dalhin siya sa infirmary. Hindi ka ba magpapasalamat doon?"
Padabog siyang naglakad palabas ng infirmary.
Hindi ko siya pinansin dahil natuon ang atensyon ko sa akimg kaibigan na tahimik na
nagpapahinga.
"Nurse, kailan makakalabas ang kaibigan ko?" Sigaw ko upang kanyang marinig.
Napakabuting kaibigan sa akin ni Bea dahil walang bagay na hindi niya nagagawa para
sa akin. Para ngang siya ang tumatayo sa batch namin dito sa Wanester division
dahil sa buti ng kanyang loob at sa magandang pakikitungo sa ibang estudyante.
Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng Infirmary at iniluwa nito ang aking nga
kaibigan na nandito rin para dalawin si Bea na tahimik na natutulog.
Abnormal talaga. Kinamusta lang naman nila ang kalagayan ni Bea. "Ayos lang siya.
Kailangan niya lang raw ng pahinga"
Umupo sa tabi ko si Charmaine. "Na-miss kita Jasmin" Yinakap niya 'ko ng mahigpit.
"Dahil sobrang na-miss kita, sa room niyo ako matutulog mamayang gabi"
"Don't worry I will help you. Na-miss ko lang din naman ang binding nating tatlo"
Sabi niya sa akin at napangiti na lamang ako. Na-miss ko rin naman kasama 'tong
daoawang babae na 'to. Nitong nakaraang araw kasi ay madalas na mga lalaki ang
kasama ko sa seminar.
Napansin ko ang kamera na nakasabit sa leeg ni Charmaine. "Oh akala ko ba bawal ang
gadgets? Bakit may dala kang camera?"
"Ah! Mag-a-audition sana ako for photo journalist dito sa school natin. May
approval naman 'to ng mga teachers kaya okay lang" Napatango-tango na lamang ako sa
kanyang bigkas. "Mahilig akong kumuha ng litrato, maybe gagamitin ko na rin yung
hobby na 'yon para makatulong sa Altheria"
I raise my thumb dahil sa kanyang desisyon at yumakap muli siya sa akin. Sinong
mag-aakala na ang queenbee ng school namin ay sobrang clingy pagdating sa kanyang
mga kaibigan.
Dumalaw lang naman sila at nung magising na si Bea ay agad ko na siyang hinatid
tungo sa aming silid.
"Anong nangyari?"
"Over fatigue. Nasobrahan ka sa pagtatrabaho ang you need some rest" Pagpapaliwanag
ko sa kanya. "Huwag kang babangon ng kama mo ah. Use this chance para
makapagpahinga ka"
"Masyadong marami kaming ginagawa sa committee. Ikaw ang may kailangan ng pahinga
Jasmin dahil--"
Wala pang ilang oras ang nakalilipas ng biglang may kumatok sa pinto ng aming
silid. "Jasmin! Bea! Si Trixie ito!" Sigaw niya.
"Ano ka ba Jasmin!" Pabirong sabi ni Bea at ngumiti sa akin. "Saglit lang naman ako
doon at isa pa, ang principal ang nagpapatawag sa akin. Wala akong karapatang
umangal" Sabi niya sa akin.
Wala na akong nagawa kun'di ang pagmasdan si Bea at Trixie na maglakad palayo.
Ibinagsak ko muli ang katawan ko sa kamay upang magpahinga.
***---***
BEA
Mabigat man ang aking pakiramdam ay naglakad ako tungo sa Principal's office.
MKasalanan 'to ng dalawang monggoloid na gumagala sa Altheria. Next time nga ay
ire-request ko sa Principal na mag-hire ng psychiatrist upang maiwasan ang paghawa
ng Klein's monggoloid virus at Jacob's kagunggongan virus.
"Oo, medyo nahihilo lang ako. Ba't nga pala ako pinapatawag?"
Hinatid lang ako ni Trixie sa labas ng Principal's office. "Hihintayin na lang kita
rito. Ihahatid kita ulit pabalik sa dorm" I smiled at her and mouthed 'okay'
"Mrs. Evelyn, bakit niyo po ako pinatawag?" Magalang kong pagtatanong at hangga't
maaari ay hindi ko pinapakita na ako'y may sakit.
"Oh Bea nandiyan ka na pala, take a seat first" Itinuro niya ang couch at umupo ako
roon.
Napansin kong ako lang ang tao ngayon sa Principal's office. Mukhang pribadong
bagay ang pag-uusapan namin dahil kahit si Klein na monggoloid ay wala rito. "Ano
po ang inyong sadya sa pagpapatawag sa akin dito"
Humigop si Mrs. Evelyn sa tasa ng tsaa bago magsalita. "May misyon akong ipapagawa
sa iyo. The preparation for this mission was one and a half month"
Base sa araw ng preperasyon... Mukhang hindi uto isang simpleng mission. "Mukhang
mahirap po ang misyon na 'yan ah. Bakit hindi na lang po sa Exemena students niyo
ipagawa 'yan tutal mas malakas ang kanilang kapangyarihan at mas kaya nilang
kontrolin ang kanilang magi"
"Ang misyon na ito ay konektado kay Jasmin" Saglit akong napahinto nung narinig ko
ang pangalan ng aking matalik na kaibigan.
"May mga kilala akong magagaling na Alchemist, kaya nilang i-train si Jasmin bago
pa man umilaw ang kanyang kwintas. Kaya nilang sanayin si Jasmin upang makontrol
niya ng mas maayos ang kanyang kapangyarihan" Pagpapaliwanag sa akin ni Mrs.
Evelyn. "Ang kaso nga lang ay nasa Raven Clan ang mga alchemist na ito"
"Nasa Raven clan naman pala, bakit hindi niyo po kay Klein i-request 'yan dahil
doon naman talaga siya galing"
"Dahil ayaw ni Klein. Ayaw niya ng bumalik sa Raven clan" Nung bakasyon lamang ay
gustong-gusto ni Klein ang bumalik sa lugar na iyon. Kataka-taka naman na sa
pagkakataong ito ay ayaw ng bumalik ni Klein sa lupang kanyang sinilangan.
Siguro naka-ban ang mga monggoloid sa Raven clan kaya hindi siya makabalik.
"Ikaw ang pinili ko para sa misyong ito dahil ikaw ang pinakamalapit kay Jasmin,
ikaw ang pinaka-willing at gagawin mo ang lahat para sa kapakanan ng iyong
kaibigan" Natahimik ako at inisip mabuti anh inaalok na misyon sa akin ni Mrs.
Evelyn. "Papayag ka ba?"
"Bago ako pumayag, gusto kong magsama ng ilang tao para sa misyong ito"
"Si Red"
Red was the ace of Altheria academy. His past pacing improvements was no joke. At
isa pa, kapag si Jasmin ang nakasugal sa isang laban, naipapakita ni Red ang isang
daang porsyento ng kanyang kakayahan. Kung may isa pang tao ang gustong tumulong
kay Jasmin, si Red na 'yon. Magagamit namin ang kapangyarihan niyang hangin sa
paglalakbay tungo sa Raven clan.
"Si Charly"
Hindi man maaasahan si Charly sa mga pisikalang labanan, magaling naman siyang
support sa mga front line members. Matalino si Charly pagdating sa panlilinlang ng
mga kalaban, sumakto sa kanya ang pagiging illusionist niya. We can escape sa
malalaking labanan gamit iyon.
"Si Jacob"
This jerk was really good pagdating sa labanan. Hindi ko pa man nakikita ang
kanyang magi, pero kapag napapanuod ko siyang makipagbasag ulo sa ibang estudyante.
His fighting skill was good. At isa pa, titiisin kong kasama ang gunggong na ito
para kay Jasmin. This is a mission, hindi ito ang oras para magpabebe.
"Si Klein"
Ginamit niya ang apoy para nakalipad gamut ang pressure. Ginamit niya rin ang apoy
bilang barrier sa kanya. Magaling si Klein sa pag-iisip ng technique. At isa pa,
galing si Klein sa Raven Clan kaya't paniguradong alam niya ang lahat ng shortcut
upang mapadali ang aming paglalakbay.
"Sila lang ba ang gusto mong makasama?" Tumango ako bilang sagot.
"SANDALI LANG PO!" Isang malakas na sigaw galing sa may pintuan ang aming narinig.
It was Trixie. "Gusto ko rin pong sumama"
Nakalimutan ko na nasa labas nga lang pala siya pero hindi ko naman inakala na may
pagka-tsismosa itong si Trixie.
Dahil sikretong misyon ito at narinig niya ang lahat. We don't have any choice
kun'di ang isama si Trixie.
Pagkalabas namin sa Principal's pffice ay diretso kong tinanong si Trixie, "Ano
bang koneksyon mo kay Jasmin?"
"Huh?" She innocently ask on me. "Si Jasmin ang kauna-unahang naging kaibigan ko
rito sa Altheria. May dark past ako sa dati kong school kaya naman gusto kong
protektahan si Jasmin because she accepts me.
I have 50 days para paghandaan ang misyon na ito... Gagawin ko ang lahat para sa
aking kaibigan.
***----***---
Baka sa mga susunod na chapter, mas gamitin ko ang POV ni Bea or baka third person
ang gamitin ko, mawawala sa eksena panandalian si Jasmin.
Mas malawak na ang season 2 kaya naman hindi lang kay Jasmin iikot ang storya.
Mag-iisang linggo na rin ang nakalipas mula nung makabalik ako rito sa Altheria.
Masaya at naging panatag ang loob ko nung makahabol na ako sa lesson at makakuha ng
special quizzes na hindi ko nagawa dahil sa Seminar.
Naging mabuti na rin ang kalagayan ni Bea at balik trabaho na naman siya bilang
tagapangasiwa ng kaayusan dito sa Altheria.
"Kasi nitong mga nakaraan parang puro praktis ng magic ang ginagawa niya. Parang
naging sobrang busy niya unlike before, ewan ko ba sa babaeng 'yon" Iritableng sabi
ni Charmaine but I'm pretty sure na nami-miss niya lang na kasama si Bea kasi
simula nung makauwi ako galing sa seminar ay bihira talaga kaming nakumpleto.
Pinahid ko muna ng tissue ang bibig ko dahil tapos na ako kumain. "Alam mo kasi,
balak tumakbo ni Bea as a president ng school committee kaya ganoon na lang ang
dedication niya sa trabaho niya"
Kung tutuusin naman talaga ay mas matalino sa akin si Bea, kaso nga lang, nahahati
ang atensyon niya sa studies niya pati na rin sa trabaho niya.
Buti nga ngayon ay wala kaming masyadong ginagawa. "Charmaine 'di pa rin umiilaw
ang kwintas mo?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Wow, nagsalita ang may ilaw na" Sarkastiko niyang tugon sa akin. "Wala pang ilaw.
Mantakin mo, mahigit isang taon na tayong estudyante ng Altheria pero halos tayong
dalawa na lang ang estudyante na wala pang ilaw ang kwintas" Pabiro niyang sabi
pero ang totoo, naiinggit na talaga kami sa ibang estudyante na may mga ilaw na ang
kwintas.
"Crush mo ba si Charly at parati mong hinahanap, ikaw ha!" She laugh suddenly.
"Nagiging busy siya sa pagpapraktis ng kanyang magi. Ewan ko ba, bakit ba halos
lahat sila ay pinapalakas na ang kanilang magi"
Naputol ang pag-uusap naming dalawa ni Charmaine nang may lumapit na isa sa aming
kaklase, sinabi lamang nito na mag-i-start na ang klase.
Agran naming inubos ang aming kinakain at iniinom upang tumungo sa classroom.
BEA
Isang linggo na ang nakakalipas mula nung sinabi ni Mrs. Evelyn ang aking magiging
misyon at hanggang ngayon ay pinipilit ko pa rin ang iba kong kasamahan na sumama.
"Klein, para kay Jasmin naman 'tong gagawin natin eh" Sabi ko habang sinusundan
siya na naglalakad tungo sa Faculty. May bitbit si Klein na makapal na papel at
mukhang inuutusan siya.
"Kung si tanda nga ay hindi ako napilit ikaw pa kaya." Sabi niya ng hindi man lang
ako binabalingan ng tingin. "Ayoko ng bumalik sa lugar na iyon. Altheria academy na
ang bago kong tahanan"
I don't have any idea kung bakit ayaw ni Klein na umuwi sa Raven Clan. Sinong tao
ang ayaw umuwi sa sarili niyang tahanan 'diba? Ang weird talaga ng monggoloid na
'to.
"Ano ba ang pumipigil sa iyo at ayaw mong bumalik doon?" I asked on him
Huminto si Klein sa paglalakad. "Marami" Pagsagot niya. "At isa pa masaya na ako
rito"
Magsasalita pa sana ako ngunit tinawag na nung isang teacher si Kleon. "Klein!
Bilisan mo kailangan ko na ngayon 'yang evaluation result"
"Eto na!" Bumaling ng tingin sa akin si Klein. "Pwede akong tumulong sa ibang
paraan huwag niyo lang ako pasamahin sa misyong iyan" Tumakbo na palayo si Klein.
Huminto na ako sa pagsunod sa kanya. Hindi pa rin ako susuko, muli ko siyang
kukulitin bukas. "Failed again?" Isang boses ang narinig ko galing sa isang
palikong pasilyo-- kay Charly.
"Oo eh. Charly salamat nga pala sa pagsama mo sa akin sa misyong ito" As of now, si
Red at Charly pa lang ang napapapayag ko.
"Hindi ko naman 'to gagawin para sayo. Para kay Jasmin 'to" Naglakad na siya
paalis. Rude as always, well hindi namn siya magiging si Charly kung hindi siya
ganoon kasungit.
Matapos kong kulitin si Klein ay tumungo naman ako sa bakanteng lote sa likod ng
Vaefonia hall kung saan laging tumatambay si Jacob.
"Hindi naman basta-bastang tao ang sinasabi ko sayo! Ba't ba ang kulit mong
gunggong ka?" Pagrereklamo ko.
"Dahil siya ang may pinakamalakas na kapangyarihan sa Altheria? Wala akong planong
tulungan siya. Hindi naman ako mag-e-enjoy sa bagay na iyon" Wika niya at umupo sa
isang bench. "Umalis ka na miss Officer, wala ako sa mood na makipagbwisitan sa iyo
ngayon" Wika niya.
"Ano bang kinakailangan kong gawin para mapapayag ka?" I asked on him.
Kung tutuusin ay pwede namang sabihin ni Mrs. Evelyn na magiging kasama ko sila sa
misyon ngunit mas pinili kong isa-isahin silang imbitahin upang kahit papaano ay
makilala sila.
"Gusto ko magka-dare tayong dalawa. Yung may thrill, yung bagay na hindi mo pa
nagagawa" A sudden smirk formed on his lips. Napalagok ako ng sarili kong laway
dahil bigla akong kinabahan sa kanyang sinabi.
"Ano Ms. Officer, papayag ka ba? Kung sakaling magawa mo ang ipapagawa ko, baka
sakaling magbago ang isip ko" Pagpapatuloy niya.
"Depende rin sa ipapagawa mo. Magkaroon tayo ng contract para sa maayos na usapan"
"Slight pero hindi pa naman masyado" Tumawa siya ng malakas. "Ms. Officer, I dare
you to break some rules"
"What?"
"Role model ka ng school natin. Lagi kang sumusunod sa mga orders ng mga teachers
or school committee. Para naman maging exciting, I dare you to break some rules at
ma-detention room"
"Aba nagrereklamo ka, Break some school rules, detention room, and community
service. Isa pang reklamo mo madadagdagan ang kundisyon ko" Humarap sa akin si
Jacob at nilapit ang kanyang mukha at halos magdikit ang dulo ng aming ilong. "Now
miss Officer? Papayag ka ba?"
"Sinasabi mo bang maging rule breaker ako kagaya mo?"
"Hindi naman totally maging kagaya ko. Gusto ko lang i-try mo, breaking rules are
much fun than following the rules" Pagpapatuloy niya.
"Ade ayaw mo, pero alam ko namang kakailanganin mo ng tulong ko" Bumalik na siya sa
bench at humiga. "Ikaw kasi ang pinaka-boring na tao na nakilala ko. You're just
following orders everyday. Paulit-ulit, pero hindi ka nagsasawa kahit na halata
namang naiinis ka rin sa ginagawa mo"
"Bahala ka. Tatanggapin mo ba Miss Officer ang inaalok ko? Kapag pumayag ka sa
dare, sasama na ko sa misyon mo. Parehas na Ice ang kapangyarihan natin, baka
sakaling maturuan kita ng mga bagay na alam ko"
"Gunggong ka talaga"
"Pero gwapo naman. Hihintayin ko ang sagot mo Miss officer mamayang gabi,
hihintayin kita rito"
Iniwan ko na roon si Jacob habang pinag-iisipan ang kanyang inaalokm bwisit talaga
na gunggong iyon, sobrang galing niya kapag binibuwisit niya ako.
Habang naglalakad ako ay nakita ko sina Jasmin, Charmaine, Charly, at Klein na nasa
may malaking puno malapit sa school ground.
Naglakad ako tungo sa kanila. "Oh Bea nandiyan ka na pala. Dito ka sa tabi ko" Pag-
a-alok sa akin ni Jasmin.
"Kamusta ka naman Bea sa pagiging busy mo" Pagsasalita naman ni Klein. "Malapit ka
na naman bang madala sa infirmary? Congrats!" Monggoloid talaga kahit kailan.
"Charly 'diba matalino ka sa Science?" Tinignan lang ako ni Charly at kumunot ang
kanyang noo to aso 'why'. "Paki-dissect naman 'tong utak ni Klein, baka sakaling
tumino. Baka may chance pang agapan"
"Ha-ha-ha!" Sabay-sabay nilang bigkas pero imbes na mainis ako ay natawa na lang
din ako sa kalokohan nila.
Matapos ang pagkekwentuhan namin ay mas nalinawan ako. Gusto kong tulungan si
Jasmin, ngayong wala na ang ama ni Jasmin ay pakiramdam ko ay kaming mga kaibigan
niya na lang ang kanyang pamilya. Gusto ko siyang tulungan.
Naglakad ako muli patungo sa bakanteng lote sa likod ng Vaefonia hall upang ibigay
ang sagot ko sa inaalok na hamon ni Jacob.
Nakita ko siya roon at nilalaro niya ang kanyang flying hoverboard. Napalingon
naman siya sa akin nung maramdaman niya ang aking prisensya. "Oh ang bilis mo naman
yatang makabalik miss Officer. May sagot ka na ba sa dare k--"
"Tinatanggap ko" Matapang kong bigkas. "Pero hindi ito nangangahulugan na gusto
kong maging katulad mo na isang gunggong"
A sudden smile form on his lips. "Oh sige miss Officer, sisiguraduhin kong mag-e-
enjoy ka sa mga gagawin natin"
***---***----
Inuulit ko po, walang tentative date kung kailan ako mag-a-update pero sana
makapaghintay kayo :)
lets aim for 200,000 reads bago matapos ang August! Salamat guys!
Ano nga kaya ang mangyayari kung ang babaeng parating sumusunod sa mga rules ay
turuan ng isang lalaki na ang paglabag sa rules ang kasiyahan? Abangan!
***
Bea
Alam niyo kung anong nakakairita kay Jacob? Lahat. The way he smirked, yung pang-
iinis niya, at pati na rin yung mukha niya. Panget niya. Pwe.
"Oh kung makasimalmal ka naman d'yan, kulang na lang ay sumayad ang nguso mo sa
lupa" Pabirong sabi ni Jasmin but of course, agad na napalitan ang ekspresyon ng
mukha ko dahil ayoko naman pati ang kaibigan ko ay malungkot.
"Hanggang ngayon pinoproblema mo pa rin sila? Haha!" Umupo si Jasmin sa tabi ko.
"Magpahinga ka rin kahit minsan, huwag mong i-pressure ang sarili mo"
Si Jasmin ang maituturing kong bestfriend dito sa Altheria Academy. She's caring,
she's too innocent. Nasa kanya halos lahat ang katangian na hinahanap ko para sa
isang kaibigan kaya naman gusto ko rin siyang tulungan.
"Kung maka-'ma'am' ka naman sa akin eh ikaw nga itong parang nanayvsa ating dalawa
dahil sa sobrang protective mo"
"Nanay? Nanay ang tingin mo sa akin" Kiniliti ko siya sa bewang dahilan upang
mapahalakhak siya.
Yumakap ako kay Jasmin matapos naming magharutan. "Ipangako mo sa akin na magiging
malakas ka Jasmin ah? Para kahit ano man ang mangyari ay kaya mong protektahan ang
sarili mo"
"Ano bang pinagsasabi mo d'yan? Oo naman magpapalakas ako, hintayin mo lang umilaw
ang kwintas ko at kapag nangyari na 'yon... Sabay na tayong magpa-practice"
Si Jasmin ang bestfriend ko at batid kong kaming mga kaibigan niya na lang ang
itinuturing niyang pamilya.
***
Kinabukasan ay naglakad na ako patungo sa una kong klase at iniisip ko pa rin kung
paano ko mapapapayag si Klein na sumama sa aming misyon. "Miss officer! Good
morning"
Agad akong napasimalmal nung marinig ko ang kanyang tinig. Badtrip. Sira na ang
magandang umaga ko.
"Wala pa akong balak makipag-inisan sayo Jacob ngayong umaga ah. Next time na lang,
hindi ito ang araw para makipaglaro ako sa gunggong" I said to him ngunit sinabayan
niya na lamang ako sa paglalakad.
"Let's do the first violation" Sabi niya sa akin. Hindi talaga maganda sa pandinig
ko ang word na violation.
"Anong first violation? Bakit may susunod pa?" Sarkastiko kong sabi and he agreed
happily again.
Kung si Klein mukhang monggoloid kung ngumiti, utong gunggong na 'to... Kulang
lahat ng mura upang i-describe kung gaano ako kainis sa kanya.
Binuksan niya ang bag niyang dala at ipinakita sa akin ang isang bagay. "Spray
paint. Tara mag-vandal tayo"
Kung mag-aya naman 'tong lalaki na 'to eh parang kakakain lang kami. Hello! Labag
kaya sa school rules 'yon. "Saan mo naman nakuha 'yang spray paint na 'yan. Bawal
magdala ang estudyante niyan unless may permisyo ng committee" Pagsusuway ko sa
kanya. "Akin na 'yan"
"Miss officer, kailan ba ako sumunod sa rules niyo?" Oo nga naman may point siya,
once a gunggong... Always a gunggong. Pinangatawanan niya talaga ang pagiging
gunggong niya.
He suddenly grab my right hand at hinatak kung saan man kami tutungo. "H-hoy teka!
Bitawan mo nga ako!" Imbes na bitawan niya ako ay mas lalong humigpit ang
pagkakahawak niya rito. "Okay fine, susunod na ko sayo. Bitawan mo lang ako,
naiimbyerna 'ko sayo"
"Ikaw naman kasi miss officer, sinabi ko naman sayo mag-e-enjoy tayong dalawa sa
pagba-violate ng rules pero puro angal ka mula pa kanina"
"Gunggong ka pala, sinong matinong babae ang papatol sa kalokohan mo. Kung may
pumatol man, I'm pretty sure bobo siya"
"Ewan ko sayo! Argh!" Sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad habang siya ay
masayang-masaya dahil nasira na naman niya ang araw ko.
Bakit kayang may mga taong mambwisit ang ikinaliligaya sa mundo? Sarap suntukin ng
mga ganoon.
Dinala niya ako sa gilid ng bagong building. It was a magic laboratory building,
dito pina-practice at pinag-aaralan ang iba't-ibang uri ng elements at pwede kang
gumamit ng magic sa loob because it was protected by a barrier.
"Huy anong gagawin natin dito? Kakapatayo palang nitong magic laboratory building
last tear so it's quite new at wala pang ka-vandal-vandal.
Instead of answering my question, iniabot niya sa akin ang isang spray paint.
Naisip ko na agad ang gusto niyang ipahiwatig. "Ayoko nga, baka mamaya eh may
makakita sa ating mga teachers mapapagalitan pa ako"
"Kaya nga subukan mo as a first violation mo eh" He insisted. Itinaktak niya ang
spray paint na kanyang hawak at nag-spray ng malaking "X" sa puting pintura ng
pader.
"Huy ano ba!" Hinampas ko siya sa kanyang balikat at tinawanan niya lang ako.
Hello! Walang nakakatuwa sa paggawa ng violation.
"Mapapagalitan tayo kung magpapahuli tayo. Hindi naman tayo magpapakita sa mga
kahit sinong school staff" Pagkukunsinti niya. "I-try mo na. Kaya nga natin 'to
ginagawa eh"
Of course malakas ang loob niyang mangsulsol dahil alam niyang may kailangan ako sa
kanya. This jerk was getting on my nerves now.
Bumuntong hininga ako at inalog ang bote at naglagay ng maliit na tuldok gsa padet
gamit ang spray paint. "Happy?"
"Not yet. Isulat mo kung ano ang tumatakbo sa isipan mo, tulad nito. Inalog niya
ang spray paint at nagsimulang gumawa ng mga lrtra sa pader.
I find it amazing how he do that kind of act happily. Parang hindi siya takot sa
maaaring kahinatnan.
I am happy right now.
Iyan ang nakalagay sa pader. "Alam mo, jerk ka na nga, jejemon ka pa. Ayoko ng mga
ganyan ang baduy" Hindi ko maiwasang matawa.
"Atleast I express myself. Ikaw 'diba gusto mong manalo bilang president? Ano ang
gusto mong mangyari?" He asked.
Saglit akong nag-isip, inalog ko ang spray paint at nagsimulang maglagay ng mga
letra.
Iyan ang nakalagay. Huli na nung matauhan akong mali utong ginagawa namin. "Aish
bwisit ka! Isinali mo pa talaga ako sa kalokohang it--"
May biglang humatak sa aking kamay at masayang tumawa. "Takbo!" Malakas niyang
sigaw.
"Miss officer ang bagal mong tumakbo!" Mas humigpit ang hawak sa akin ni Jacob at
mas bumilis ang kanyang takbo.
Ilang minuto kaming tumakbo hanggang humahangos kaming tumigil sa may maze garden.
Malakas na tumawa si Jacob na mukhang nasiyahan talaga sa aming ginawa.
"Pero aminin mo miss Officer nag-enjoy ka" Sa hindi ko malamang dahilan ay sumabay
na ako sa kanyang pagtawa...
Sa unang pagkakataon ay bumilis ang takbo ng puso ko dahil lumabag ako sa school
rules. Bumilis ito dahil nakagawa ako ng isang bagay na sa tungin ko'y imposible
kong magawa. 'Twas fun.
***---****
RED
Nandito ako ngayon sa training ground kasama si Hades and we are still practicing
my magic skills. Alam ko naman na kulang pa rin ang lakas ko so kailangan ko pa
ring matuto.
"Red, secondary magic lang naman ang kapangyarihan mo kaya hindi madaling gumawa ng
mga magical techniques gamit 'yan," Sabi niya sa akin nung nagpapahinga na kami.
"Nasa Wanester division ka palang naman, marami ka pang matututunan. Hindi lang
naman ikaw ang nag-iisang gusto protektahan si Jasmin" Yeah, maaaring tama si Hades
pero gusto kong ako ang unang tao na tutulong kay Jasmin at gusto kong ako lang ang
taong sasandalan ni Jasmin.
Tumayo si Hades at saglit na nag-isip. "Hindi ko alam kung pwede kong ituro sa inyo
or baka masyadong advance ang magic na ituturo ko sa inyo"
"Ano ba 'yan napadaan lang ako tapo magma-magic pala ako" Pagrereklamo ni Klein.
"Red kaya mo bang gumawa ng buhawi gamit ang hangin?" Hindi ko alam kung bakit
biglang naitanong ito ni Hades. But base on his face, mukhang seryosong bagay ang
ituturo niya sa amin.
"I can but hindi ko kaya itong panatiliin ng matagal. It might stay up for thirty
seconds" Pagsasabi ko.
"Klein standby ka lang" Sabi niya kay monggoloid. "Gawin mo nga Red"
Unti-unting may umikot na hangin sa paligid namin. Nag-aangatan ang mga patay na
dahon at umiikot ito sa kalangitan. Hudyat ito na may namumuo ng buhawi.
Itinapat ni Klein ang kanyang kamay sa buhawi at naglabas ng kulay asul na apoy.
Namangha ako sa mga sumunod kong nakita dahil humalo ang apoy sa buhawi. Lumakas na
lumakas ang apoy hanggang maging tuluyang apoy na buhawi na ito.
"It was combination of magi, pero magagawa lang ito kung compatible ang dalawang
elements or magic type. Air can strengthen fire kaya nakagawa ng fire tornado."
Pagpapaliwanag ni Hades. "But of course kinakailangan nito ang great amount of team
work para ma-perform ang combination of magi sa aktwal na labanan" Dugtong pa niya.
Right now, nabuhayan ako ng loob. Kaya ko pang mapalakas ang kapangyarihan ko. I
will do my best para maging successful ang misyon na ito. Para kay Jasmin... I will
be a better alchemist.
***---***---***
Salamat guys! Thanks for loving Jasmin, Red, Klein, Charmaine and Charly, Bea... At
iba pang characters ng Altheria!
Thanks for your support and bilang kabayaran sa inyo ay mas pagbubutihan ko pa ang
mga updates! Thanks guys! God bless!
At isa pa, iba-iba tayo ng place na pinanggalingan. Minsan may mga words kami na
ginagamit sa Bulacan na unfamiliar sa iba... Pero aayusin ko naman 'yon. Pero
please happy lang tayo, bawal mang-bash haha!
***---***
Bea
Nakaupo ako ngayon sa meeting room habang pinakikinggan ang mga ideya ng aking mga
kasamahan. "Nakita niyo ba yung vandal doon sa Magic Laboratory building"
Pagbubukas ng topic ng isa sa mga kasamahan ko.
Saglit akong napatigil at bigla akong napalagok ng sarili kong laway. Bwisit!
Mahuhuli kaya nila ako? Huhu! Kasalanan tapaga ito ni Jacob na gunggong eh. Iyon na
tapaga ang first and last time na sasama ako sa kalokohan niya.
"Oo ang laki nga ng mga nakasulat na letra, ang masama ay hindi nakilala nung guard
na nakakita yung dalawang tao na gumawa ng vandal" Saglit akong nakahinga ng
maluwag sa sinabing iyon, mabuti na lang talaga ay hindi kami namukhaan nung guard.
"Oh ba't parang nakahinga ka ng maluwag Bea? May problema ba?"
Napatigil ako saglit. "A-ah eh nahihirapan kasi akong huminga kanina. Medyo okay na
ako ngayon" Pagdadahilan ko, I'm hoping na sana kumagat sila sa dahilan. Sumpain ka
sana Jacob, sumpain ka. Kasalanan mo kung bakit ako nahihirapan ngayon.
Napatango-tango sila at gagawan na lang daw ng paraan upang maialis ang mga vandal
sa Magic Lab. Naging smooth ang mga pinag-usapan namin patungkol sa mga gagawing
pakulo sa Unity Festival at kung paano mapapahigpit ang seguridad upang maiwasan na
ang mga nangyaring masama last year.
https://www.youtube.com/watch?v=e2iU_ACNo-E
"Yoh! Miss officer" Agad na nagsalubong ang kilay ko nung marinig ko ang kanyang
tinig. Speaking of the devil. Bwisit. This past week, wala na talagang tahimik na
araw para sa akin. Jusko! Bakit ba ang laki ng chance rate na makita ko ang
gunggong at ang monggoloid eh ang laki-laki naman nitong Altheria Academy?
Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad paalis. "Hoy miss officer, tinatawag kita"
Huwag mong pansinin Bea kung ayaw mong masira ang araw mo. Baka kapag sumama pa ako
d'yan ay ma-kick out na ako kasama siya.
Pero mabilis na kumilos si Jacob at napunta na sa harap ko nga ngayon. Sinipa niya
ang pader upang magsilbing harang sa aking dinadaanan. "Kamusta miss Officer?"
Malaking ngiti ang
"Kanina ayos lang, pero after I see you, sira na ang araw ko" I rolled my eyes.
Magdidiretso sana ako sa paglalakad kaso nakaharang siya.
"Ayoko na, baka mamaya ikapahamak ko na naman 'yan Jacob" Hindi ko naman maiwasan
isisi ito kay Jacob, although nag-enjoy naman tapaga ako. Ayoko pang sabihin sa
gunggong na 'to dahip baka pumalakpak ang tenga sa tuwa.
"Hindi ka na mapapahamak this time" He raise his right hand na parang nangangako.
"Promise"
"Bulol mo, padaanin mo na ko" Iaalis ko na dapat ang paa niya ngunit mabilis na
kumilos ang katawan niya.
Iniikot niya ako at isinandal sa pader. Nakaharang ang dalawang kamay niya sa
magkabilang gilid ko at mata sa matang tumitig sa akin. Hindi naman ako natinag sa
kanya. "Hoy gunggong umalis ka nga"
"Ang ganda mo pala sa malapitan miss officer" He said. "Sumama ka na sa akin ulit,
last na 'to pero promise hindi ka na mapapahamak ulit"
"Ba't ba ang boring mo?" He said again. "Maraming ways para i-enjoy ang buhay miss
officer, huwag mo lang ikulong ang sarili mo sa kung ano ang gustong makita sa iyo
ng ibang tao" Nakatitig siya ng mata sa mata sa akin habang seryosong binitawan ang
mga salitang iyon.
Ayoko naman maging rude talaga kay Jacob, nag-enjoy naman kasi talaga akong kasama
siya. Pero ang akin lang, ayoko namang mapahamak pa ako sa kakadikit sa kanya. May
pangarap ako at mahigpit ang batas dito sa Altheria kung hindi ka magtitino.
"Sasama ka sa akin o hahalikan kita?" Mas lalo niyang inilapit ang kanyang mukha
kaya namilog ang aking mata. Akala ko nga ay tatama na ang kanyang labi sa akin.
"Mamili ka miss Officer, but I like the second one"
Huli na nung malaman kong hatak-hatak na ako ng gunggong na ito, nawala ako sa
sarili ko panandalian dahil sa mga sinabi niyam. Bwisit, mabaril sana 'tong si
Jacob. "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" I hissed to him.
"Hoy Jacob umayos ka ah, kapag kalokohan na naman 'tong gagawin natin aalis agad
ako"
"Sinabi ko naman sayo miss officer hindi ito kalokohan. Porke't trouble maker ako
eh wala ka ng tiwala sa akin?"
Dinala niya na naman ako sa lungga niya, sa may bakanteng lote malapit sa Vaefonia
hall. Paboritong-paborito niyang tumatambay dito. There's nothing special about
this place.
"Ano na naman ngayon? Kapag ako napahamak Jacob ah" Pero may kinuha lang siya sa
bag niya-- flying hoverboard. "Hoy ano na namang trip 'yan?"
"Ha? Hindi na kailangan 'no!" Pero hinila niya lang kamay ko at pinasakay sa Flying
hoverboard. Pagkantuntong ko pa lang ng aking paa ay umangat na ito. Hindi ako
bumibitaw sa kamay ni Jacob dahil baka bigla akong lumipad ng mataas. "Hoy Jacob!
Ibaba mo ako rito, hindi ako sanay gumamit nito"
"Miss officer, ikalma mo lang kasi ang katawan mo. Isipin mo lang kung saang
direksyon mo gustong pumunta" He said to me, inaalis niya nga ang kamay ko sa
pagkakakapit sa kanya kaso ay ayoko tapagang bumitaw. Bwisit na gunggong 'to.
"Ade hayaan mong mahulog ka, sasaluhin naman kita miss officer" Mata sa mata niyang
bigkas sa akin. "Magtiwala ka kasi sa akin kahit ngayon lang, masarap lumipad sa
kalangitan"
"Jacob!" Unti-unti na akong nawalan ng balanse hanggang napapikit na lang ako dahil
sa pagbagsak ko.
Hinintay kong bumagsak ako sa malawak na damuhan ngunit dalawang braso ang sumalo
sa akin bago tuluyang bumagsak sa damuhan. "Aray ko!" Pag-inda ni Jacob sa sakit.
"Sinabi ko naman sa'yo miss officer sasaluhin kita eh"
"Asa ka. Maiwan ka na nga d'yan!" Tumayo ako, magmamartsa na sana ako paalis...
"You. Are. Boring" Tumayo siya at dinampot ang flying hoverboard. "Ba't ko nga ba
inaaksaya ang oras ko sa iyo. Eh ikaw na rin ang may ayaw"
Biglang nag-init ang aking mukha dahil sa inis. Kung pagsabihan niya ako ay parang
napakahina kong babae. Ang taas ng respeto sa akin ng mga estudyante rito sa
Wanester Division pero itong gunggong na 'to ang baba ng tingin sa akin.
He smiled playfully. "Itungtong mo muna kasi ang paa mo miss officer. Isipin mo
para ka lang naglalakad na hindi ginagalaw ang paa mo. Isipin mo lang kung saang
direksyon mong gustong pumunta" Pagtuturo niyam "Ano game ka pa ba?"
"Aagawin ko ba sayo 'tong hiverboard kung hindi ako game" Itinuntong ko ang paa ko
at muling umangat sa lupa ang hoverboard. Mahigpit akong kumapit kay Jacob. "H-
huwag mo muna akong bibitawan. Hayaan mo muna kong mag-prepare mentally"
"Wait lang miss Officer?" Naglakad siya patungo sa kanyang gamit at kinuha ang isa
pang hoverboard.
Muli niya akobg binalikan at sumakay sa hoverboard. Pero nakakapit pa rin ako sa
kanya.
"Tumingin ka lang sa mata ko" Wika niya. Unti-unti na kaming umangat sa lupa.
"Bibitawan na kita--"
"Huwag muna gago ka!" Napapapikit ako at parang batang napapaluha pero itong kasama
ko ay malakas na tumatawa.
Hindi naman ako mahilig magmura, but the fact na nasa taas kami at isama mo pa ang
pang-aasar ng gunggong... Mapapamura ka na lang talaga ng wala sa oras.
Habang nasa itaas kami ay nakatitig lang ako sa kanyang mukha at pinagmamasdan ang
wangis ng kanyang mukha. Ayokong tumingin sa ibaba dahil baka matakot ako sa
heights.
Habang nasa ere kami ay maya-maya ay biglaang mga lumabas na Pixie at sumabay sa
aming paglipad sa himpapawid. Nagbabagsak sila ng fairy dust kaya naman mas nagung
magucal ang buong paligid
Mas lumiwanag ang buong paligid. Parang nagsilbing makulay na ulan ang ibinabagsak
na fairy dust ng mga pixies. Ang saya nitong pagmasdan dahil lumiliwanag uto kapag
nasisinagan ng araw.
Aaminin ko, first time kong makaranas ng ganito. Hindi man ako nakatawa o nakangiti
sa mga sandaling ito pero galak na galak naman ang aking puso dahil sa mga
nangyayari.
"Miss officer, habulin mo nga ako sa pagkakataong ito" Paghahamon sa akin ni Jacob.
"Oo, bakit?"
Nahulog? Ano raw? Eh hindi nga siya bumabagsak sa lupa at hindi ko naman siya
nakitang nahulog.
"Ewan ko sayo. Gunggong kana nga, weird ka pa" Isinahod ko ang aking kamay upang
makakuha ng makukulay na fairy dust. Sobrang magical.
"Payag na ko. Payag na kong sumama sa misyon na sinasabi. Parang nagkaroon na ako
ng dahilan para sumama... Mag-e-enjoy na ako panigurado"
***---***---
Done for the update! Hope you like it. Alam konb maraming nag-aabang sa mga susunod
na mangyayari but please let's take it easy. Sa mga JaRed kaunting tiis muna haha.
Let's give way para sa misyon ni Bea.
Next up: Ano nga ba ang dahilan ni Klein kung bakit ayaw niyang bumalik sa Raven
clan? Abangan! Mas kikilalanin natin ang pambansang monggoloid ng Altheria Academy!
"Ano bang kailangan kong gawin para tulungan mo akong muling mag-practice" I never
see myself na susundan itong monggoloid na ito at pipiliting tulungan ako.
"Wala ka namang kailangang gawin eh. Handa naman akong tulungan kayo, pero sobra
naman yung oras-oras eh magpapraktis tayo Red. Ano 'to? Ubusan ng magi sa katawan
gano'n?" Sabi niya habang kinuha ang isang makapal na papeles sa desk at mukhang
ihahatid niya muli iyon sa faculty.
"Alam mo Red, kahit mag-ensayo pa tayo araw-araw. Wala lang din namang mangyayari
dahil wala naman akong balak sumama sa inyo papunta sa Raven clan" Pumasok siya sa
loob ng Faculty at ilang minuto ang lumipas bago siya muling bumalik. "Tigilan mo
na 'to. Magpokus ka na lang sa pagpapalakas ng iyong kakayahan. Huwag mo ng subukan
muli ang pagsasama ng dalawang magi"
Wala akong ideya kung bakit nagiging matigas ang ulo ni Klein. Sa Raven clan siya
lumaki ngunit ayaw niyang bumalik.
Nilagpasan niya na naman muli ako. "What's your reason? Bakit ayaw mong bumalik sa
Raven Clan?" I bravely asked.
Napahinto si Klein sa paglalakad. "Ayoko lang. Kailangan bang may sapat akong
dahilan para hindi niyo ako kulitin"
Balak ko sana siyang muling habulin ngunit may mga kamay na biglang humatak sa
akin. "Pinapatawag tayo sa Principal's office" Galing ito sa lalaking kinaaayawan
ko ang prisensya-- kay Charly. Close siya kay Jasmin... Sa sobrang close, it makes
me feel jealous.
"Nandito na pala kayong apat" Sabi ni Mrs. Evelyn na kakapasok lang ng silid. "I'm
sorry I'm late, may faculty meeting kasi na naganap"
"Okay lang po mrs. Evelyn. Naiintindihan po namin iyon" Sabi ni Bea, here it goes
again, she's being too nice. Wala naman akong problema kay Bea.
"Kayo ang mga espesyal na Wanester students na napili para sa espesyal na misyon"
Sabi ni mrs. Evelyn at umupo sa couch sa harap namin. Her graceful moves, hindi na
ko magtataka kung bakit ang daming rumerespeto kay Mrs. Evelyn.
"Hindi ito basta-basta isang misyon dahil nakataya ang buhay niyong apat dito. Alam
kong batid niyo na mainit sa mata ng ibang masasamang grupo rito sa Altheria si
Jasmin" Pagpapaliwanag ni Mrs. Evelyn. "Hangga't maaari ay iniiwasan kong magkaroon
ng information leakage patungkol sa misyong ito"
Batid kong hindi magiging madali ang misyon na ito kaya iyon ang pinakadahilan ko
kung bakit gusto kong lumakas pa, kung bakit gusto kong mag-ensayo pa. Gusto kong
protektahan at tulungan si Jasmin sa abot ng aking makakakaya.
"Upang tulungan kayo sa inyong pag-e-ensayo ay tuturuan kayo ni Sir Ernie at sir
Steven" I find it amazing dahil maituturing kong yung dalawang guro na iyo ay ang
pinakamagaling na alchemy teacher dito sa Altheria. "May espesyal na silid na
inihanda para sa inyo sa Magic laboratory building upang malaya kayong gamitin ang
inyong kapangyarihan ng hindi nakakagawa ng malaking pinsala sa paligid"
Tumango naman kaming apat. "Hindi magiging madali ang misyong ito dahil maaaring
hindi na kayo makabalik ng Altheria. Nasa team work niyo nakasalalay ang buhay ng
bawat isa.
Marami pang bagay ang sinabi si Mrs. Evelyn at isa sa mga paalala niya ay ang huwag
ipagsasabi sa kahit na sino ang tungkol sa misyong ito upang maiwasan ang pagkalat
nito at upang hindi makarating sa ibang bayan o paaralan anh balita.
Mabilis kong sinanay ang pagbuo ng hangin sa paligid. Ngunit napatigil ako sa aking
konsentrasyon ng biglang may bumubulusok na matulis ma iyelo ang muntik na tumama
sa akin. Mabuti na lamang at nakayuko ako.
"Uy bro sorry! Nawala ang kontrol ko" Pagsasalita nung lalaki habang nakatawa, I'f
I'm not mistaken ay siya si Jacob.
"Sorry? Muntik mo na akong matamaan tapos sorry!" Malakas kong sigaw. Ume-echo ang
buong boses ko sa apat na sulok ng practice room na ito.
Hindi ko maiwasang magtaas ng boses because it almost killed me. Kung hindi ko
yumuko ay paniguradong tatamaan na ako ng yelo.
"Saan ka pupunta?"
"Sa tahimik. Magpa-practice na lang akong mag-isa" Umalis si Charly habang kami
naman na natira sa practice room ay nabalot ng katahimikan.
"Kung hindi niyo kaya kontrolin ang magi niyo, huwag kayo ritong mag-practice"
Pagpaparinig ko.
"Kung hindi mo kayang ikontrol ang temper mo, huwag ka rin ditong mag-practice"
Pagganti ni Jacob sa akin and smile.
Binitawan ni sir Steven si Charly at hinagis papunta sa direksyon namin. "Lima kayo
para sa misyong ito ngunit hindi niyo man lang magawang magtulungan at intindihin
ang isa't-isa"
"Tinamaan ka ba?"
"But--"
"Wala ka namang galos. Kung hindi ka tinamaan, huwag ka ng mag-inarte" Naglakad
pabalik-balik si sir. "Ako ang magiging guro niyo sa pagpapalakas ng inyong mga
kapangyarihan. I'm your teacher that will incharge of offensive"
"Pero bago ko kayo simulang sanayin ay may isa pa akong tao na gustong isama sa
misyong ito" May isang babae ang pumasok sa training room. Kilala ko itong babae na
ito dahil naging kaklase namin siya nung nasa Marsham division pa lang kami-- Si
Patty.
She smiled brightly to us na parang walang nangyaring tensyon kanina. "Eto si Patty
and she's a healer. Magmula ngayon ay kasali na siya sa misyon niyo at mag-e-ensayo
siya kasama ninyo"
Tahimik lamang kaming lahat dahil nga sa nangyaring tensyon kanina. Kung kaming
lima nga lang ay hindi pa magkasundo-sundo. Paano pa kaya kapag nagsali pa ng isa?
Baka hindi pa actual mission at nagpapatayan na kaming lahat.
"Ang unang bagay na dapat niyong matutunan... Teamwork. Sa isang grupo ay hindi
maaaring may sariling desisyon ang bawat isa. Hindi maaaring wala kayong pakielam
sa inyong kasamahan. Kapag pinabayaan niyo ang isa, mamamatay na kayong lahat"
Pagpapaalala sa amin ni Sir Steven.
"Sa tingin mo ba Jacob ay tama ang ginawa mo kanina? Muntik mo ng patamaan si Red
dahil gusto mo lang siyang asarin"
Natahimik si Jacob. Sabi ko na nga ba eh, babawian ko talaga 'tong may sapi na 'to.
"At ikaw Red, tama ba yung ikinilos mo kanina? Agarang nag-init ang iyong ulo"
"Bibigyan ko kayo ng pagkakataon bukas upang subukan ang inyong pagkakaisa. Kapag
nagawa niyo akong patamaan sa kahit saang parte ng aking katawan ay bibigyan ko
kayo ng pabuya" Bigkas ni sir Steven at naglakad na palabas.
"Oh Red ikaw pala hehe. Balita ko nagsisimula na kayong mag-ensayo bilang grupo.
Ade ayos hindi mo na ako kukulitin" Naglakad na paalis si Klein.
I wanted to know the reason kung bakit ayaw bumalik ni Klein sa Raven clan. Gusto
kong malaman ang lungkot sa likod ng mga masayahing ngiti ni Klein.
"Hahamunin kita Klein" Seryoso kong bigkas. "Gusto kong magtuos tayong dalawa. Sa
oras na manlo ako ay sasama ka sa amin"
***---***---
Jusko pasalamatan niyo ang maulang pqnahon, siya ang dahilan kung bakit nakapag-
update ako haha! Short update muna tayo pero sa mga next chapters ay mapupuno ng
bakbakan.
***---***---***
RED
"Handa na ba kayo?" Pagtatanong sa amin ni sir Steven. "Tandaan niyo, hindi ito
isang kumpetisyon kung saan magpapagalingan kayo... Isa itong paraan ng ensayo
upang masukat at masubukan ang inyong pagkakaisa"
"Yes sir"
"Yes Sir!" Malakas naming sigaw. Naglakad sa kabilang dulo si Sir Steven. May
tatlumpung minuto lamang kami upang magawa ang misyong ito.
"Patty, hindi ka kasali sa combat training. Magsisimula ang pagsasanay mo kapag may
nasugatan sa kanila, doon natin masusukat ang kakayahan mo bilang isang healer.
Isang malakas na pito ang aming narinig, hudyat ito na simula na ng aming
tatlumpung minuto.
Agad na nagsimulang balutan ni Jacob ang kanyang kanang kamay ng yelo. Matulis ang
dulo nito at nagmukhang espada.
Mas maganda ang naisip na ideya ni Jacob imbes na gamitin niya ang alchemy weapon
niya. Mas makakatipid siya sa magi sa ganoong paraan.
"Sandali Jacob wala pa tayong plano!" Sigaw ni Bea ngunit hindi siya pinansin ni
Jacob dahil dire-diretso itong sumugod patungo sa direksyon ni sir Steven.
Lumutang ako sa ere gamit ang hangin upang sumugod din. Ako dapat ang makagawa ng
misyong ito.
Nakatayo lang si sir Steven sa iisang puwesto. Akmang susuntukin siya ni Jacob
gamit ang nagyeyelo niyang kamay ngunit mabilis siyang nahawakan ni sir Steven sa
leeg at malakas na inihagis sa sahig.
Habang nasa ere ako ay inilabas ko ang dalawang kutsilyo na nakatago sa aking bulsa
at pinalutang ito sa ere.
Akmang gagawa na ako ng atake ngunit unti-unting napalitan ang buong paligid.
Parang sa isang iglap ay nasa itaas na kami ng bundok at isang malakas na hagis
lang ay malalaglag ang bawat isa.
Nung humarap ulit ako kay sir ay wala na siya sa kanyang puwesto. Inilibot ko ang
aking paningin ngunit malakas na tumalon si sir galing sa ibaba at malakas akong
sinipa sa aking mukha. Nakakagulat ang bilis na taglay ni sir.
Ramdam ko ang sakit sa aking pisngi, para nga yata akong nabalian ng buto dahil sa
ginawa niya.
Umiiwas lang si sir sa kanya. Wala pang ni-isang galos si sir Steven sa katawan.
Ilang minuto rin kaming tumagal sa pakikipaglaban hanggang mapaupo na pang kami sa
sahig, ubos na ang magi sa katawan namin... Masyado ng na-overuse ang kapangyarihan
namin at kung sasagarin pa namin ito ay baka ikapahamak na namin.
"Pagod na kayo?" Seryosong tanong ni Sir Steven. Walang bakas ng pagod sa kanyang
mukha at diretso pa rin ang kanyang tingin. "Iyon lang ba ang ibubuga niyo?"
Dalawampu't tatlong minuto lang ang itinagal namin sa labanan. Kami na ang sumuko
dahil mukhang imposible mapatamaan siya.
"Patty, gamutin mo sila. Babalikan ko kayo mamaya" Sabi ni Sir Steven at naglakad
palabas. Damn.
Itinapat ni Patty ang kanyang kamay sa parte ng katawan ko na may sugat. "Okay ka
lang?" Pagtatanong niya.
"Sabi ko nga hindi hehe" Nagsimulang umilaw ng puti ang kamay ni Patty at unti-unti
kong naramdaman ang pagwala ng sakit sa aking katawan. Her healing powers was 5
times much faster ke'sa sa paggamit ng mga healing potions.
Habang ginagamot ni Patty ang iba naming kasamahan ay napaisip ako kung ano ang
pagkukulang sa amin at kung bakit hindi namin magawang masugatan o masuntok man
lang si sir.
Pumasok na muli si Sir Steven sa loob ng training room. "Napansin niyo bang habang
ginagawa natin ang pag-e-ensayo ay nakatahimik lang ako? Dahil iyon pinagmamasdan
at iniibserbahan ko ang inyong pagkukulang bilang grupo"
"Pero sir, illusionist lang naman ako. There's nothing special with my powers.
Hindi naman ako makakapatay gamit ang kapangyarihan ko"
"Kung bobo ka sa paggawa ng mga ilusyon, maaari mong masabi na walang kwenta ang
pagiging illusionist. Ngunit kung kaya mo itong laruin maigi, illusionist can be
one of the deadliest classification job dahil hindi man kayo pisikal na
makapanakit... Mental na kaisipan ang inyong tinitira"
"Jacob sa tingin mo ba ay tama ang ginawa mong pagsugod sa akin ng walang kalano-
plano? Hindi fame ang habol o papuri ang habol niyo sa misyong iyon. Huwag kayong
sumugod ng naaayon lang sa inyong kagustuhan"
"Trixie, sa tingin mo ba na tamang sumugod ka kung baril ang iyong gamit? Hindi mo
ba naisip na mas mapapakinabangan ka ng grupo sa malayuang pag-atake? Ikaw lang ang
gunslinger na nakilala ko na sumugod sa kalaban"
"Kailan pa naging attacker ang Aegis knight. Ang role ng aegis knight ay para
protektahan ang isang tao... Ikaw ang member na nasa front row upang maiwasan ang
malalaking pinsala, because you can handle the pain more kumpara sa iyong mga
kasamahan"
Nawala sa isip ko 'yon. Tama naman ang sinabi sa amin ni sir Steven. Direct to the
point... Masakit dahil nagmukha kaming bobo lahat, pero iyon naman ang totoo.
"Hindi man lang ako nahirapan sa inyo. Hindi niyo man lang napalabas ang magic ko"
Sabi ni sir. "Hindi mahirap talunin ang isang grupo na walang pagkakaisa. Kung nasa
aktwal tayong labanan ay kayang-kaya ko kayong mapatay lahat"
His harsh words really hit me so hard. Totoo ang kanyang sinasabi.
"Kung wala kayong unity, consider your mission as a failure. Isang malaking misyon
ang inilagay sa inyong mga balikat. Hindi ba't nakakahiya kung papalpak kayo?"
Nakakatakot talaga ang mga binibitawang salita ni sir Steven. Pero totoo lahat ng
iyon. "Pag-isipan niyo ang pagkukulang ninyo. Alamin kung anong posisyon kayo
nababagay"
"Kasalanan mo 'to eh, kung hindi ka sana sumugod agad" Pagsisi ni Trixie kay Jacob.
"Aba! Ba't naging kasalanan ko? Offensive type ang magic ko natural susugod ako.
Kasalanan 'to ni Charly dahil sa palpak niyang pag-i-ilusyon. Labanan sa tuktok ng
bundok? Edi wow" Pagsisi naman ni Jacob kay Charly.
"What? Kayo nga 'tong walang ginawa kun'di sumugod ng hindi man lang iniintindi ang
mga kasamahan niyo--"
"Tama na!" Malakas na sigaw ni Bea. "As a leader of this team, inuutusan ko kayong
manahimik. This time mas aayusin natin ang ating grupo. Sa ayaw at sa gusto niyo ay
susunod kayo sa sasabihin ko sa oras ng practice"
Ang unang bagay na pinagawa sa amin ni Bea? Iyon ay ang mag-sorry raw sa isa't-
isa... May kasalanan man o wala, kailangang humingi ng tawad. I thought it was a
corny setup pero nakakagaan sa pakiramdam na marinig silang mag-sorry dahio sa mga
mistakes na nagawa namin sa isa't-isa.
Pangalawa ay inayos namin ang battle position. "Trixie, sa tabi ka lang lagi ni
Patty para may taga-protekta siya" Pagtatalaga ni Bea.
Magaling si Bea sa pamumuno, siguro ay mas napangunahan lang siya ng kaba kanina
kaya hindi niya ito naipakita. At isa pa, nagmamagaling kaming lahat that time kaya
walang team work na nabubuo.
After that practice ay nagtungo ako sa library upang mag-research about sa air ng
biglang tumabi sa akin si Harly.
"Oh Red ano 'yang binabasa mo?" Pagtatanong niya sa akin. Ang tagal na rin pala
mula nung huli kong nakita si Harly, nagbago ito ng ayos specially the haircut at
mas naging manlier ito kumpara nung nasa Seminar kami. "About air?"
"Nagpapatawa ka ba? Hindi mo pa kayang talunin si Klein. He's far way better than
us" Sabi ni Harly sa akin habang nakikibasa rin sa libro. "Pero may alam ako na
makakatalo kay Klein"
"Air can strengthen fire pero kaya mo ring tanggalan ng hangin ang apoy upang
mamatay ito. Pero sobrang advance ng magic na iyon Red, kahit mga taga-Exemena
division ay nahihirapang i-perform ang ganoong klaseng skill"
Ngayon ko lang nalaman na maaari pala ang bagay na iyon. Sa dami ng disadvantage ko
laban kay Klein, may isang paraan pala para magkaroon ako ng advantage. "Saan mo
naman natutunan ang bagay na iyan?" Pagtatanong ko.
Saglit akong natahimik. Sikreto nga lang pala dapat ang misyon namin. "Nagkaroon
kasi ng atraso sa akin ang monggoloid and napag-usapan na pang namin na mag-duel
kami" Pagdadahilan ko. Napatango-tango si Harly na para bang kumagat sa dahilan na
ibinigay ko.
"Oh sige aalis na ako. Kailangan ko pang mag-synthesize para sa assignment namin"
"She's fine. Balita ko ay nag-e-excel siya ngayon sa kpase niya at hindi malayong
makapasok muli siya sa Top 10 Alchemist ng ating batch" I sigh as a relief.
Lahat ng bagay na ginagawa ko ngayon ay para kay Jasmin kaya hindi dapat ako
manghinayang. I want her to be fine para sa oras na umilaw ang kanyang kwintas ay
walang maging problema.
***---***---***
Update done again! Sorry sa mga typos dahil sa mobile ko lang na-type 'yan hehe.
Please a comment (yung nakaka-flatter sana para naman ganahan ulit ako mag-type
next week)
Please mag-vote din kayo. I'm not really good at writing fantasy kaya
pagpasensyahan niyo na kung medyo sablay ang fighting scene.
"Charmaine paabot naman nung black liquid" Paghingi ko sa kanya ng tulong at inabot
niya naman ito.
"Harly, gaano ba karami ang ilalagay ko rito?" Pagtatanong ko kay Harly na nakatayo
lamang at pinagmamasdan ang synthesization na aking ginagawa.
Binuksan ko ang bote ng black liquid at nagsimulang magsalin. "By the way
kinakamusta ka nga pala ni Red nung nakaraang linggo. Ngayon ko lang masabi kasi
ngayon lang naman tayo nagka-time"
Napatigil ako saglit. Halos magtatatlong linggo na rin pala nung huli kong makita
si Red. Nakakasalubong at nakikita ko naman siya pero parang parati siyang busy,
may ibang bagay siyang pinagkakaabalahan. And I don't have any idea kung ano iyon.
"Jasmin, tama na!" Sigaw ni Harly at doon naman ako napatigil sa aking malalim na
pag-iisip, muntik na palang sumobra ang nilalagay kong Black Liquid sa Alchemy pot.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong.
Ipinagpatuloy namin ang pagsi-synthesize hanggang sa magawa namin ang mga bagay na
kinakailangan namin sa assignment namin.
Yung paggawa ng chocolate Robe ang project namin for this Semester, nakakalahati na
rin naman kami ng semester at ilang linggo na lang siguro ay exam na namin. Hindi
rin naman ganoon kadali ang paggawa ng chocolate robe dahil hihingi pa kami ng
permiso sa mga nakakataas upang makalabas.
Baka isipin ng iba ay tunay na gawa ang robe sa tsokolate. It was a brown robe na
may aroma o amoy ng tsokolate. The smell of chocolate can release stress in our
body, useful din naman ito dahil kami rin ang gagamit after ma-grade-an.
"Let's start next week. Ikaw na lang ang gumawa ng letter para humingi ng permiso"
"Wait lalabas tayong dalawa? Wala pa namang ilaw ang kwintas nating dalawa, baka
mapahamak tayo" Napa-face slap na lang ako dahil sa katotohanan. Kung may isang
bagay man kaming pinagkaparehas ni Charmaine, iyon ay ang walang julay naming
kwontas at parehas kaming hindi pa naa-identify ang klase ng magic na meron kami.
"Pwede naman natin isama si Charly o kaya naman etong si Harly" Itinuro ko si Harly
na tahimik lang na sumasabay sa aming paglalakad.
"Okay, sabihin niyo lang kung anong araw basta para say-- Sa inyo" He smiled at us
at gumanti naman ako ng ngiti. Ang bait talaga ni Harly, isang perfect example para
sa mabit na lalaking bestfriend.
"Hindi makakasama si Charly, busy siya ang sabi sa akin ng kambal ko ay may contest
daw siyang sasalihan. Kahit nga ang alaga niyang si Venus ay kanyang sinasama eh"
Pagkukwento ni Charmaine tungkol sa kanyang kapatid. Kung maaalala niyo ay si Venus
ang maliit na alagang fairy ni Charly, siya ang nag-ayos sa akin sa Marsham ball
last semester.
"Bakit ba ang busy ng mga tao ngayon?" Nalulungkot bigkas. Medyo nakukulangan kasi
ako sa oras para sa aming magkakaibigan. Dati kasi nung nasa Marsham division kami
ay nasanay ako na lagi kaming magkakasama.
Habang naglalakad kami sa hallway ay may mga ilang estudyante kaming nakita na
nagtatakbuhan. Parang may malaking commotion o event na nagaganap. "Teka ano bang
mayroon ngayon?" Pagtatanong ko kanila Charmaine habang nakaturo sa mga estudyante.
Napanganga na lang kami bigla ni Harly nung biglang hatakin ni Charmaine ang buhok
ng isa sa mga tumatakbo.
"Aray ko naman sino ka-- ikaw po pala 'yan Ms. Charmaine" Biglang naging isang
maamong tupa ang babae nung nakita niya na si Charmaine ito. Well, hindi pa rin
talaga nawawala ang title ni Charmaine as a Queen bee of our batch. Marami pa ring
estudyante ang takot sa prisensya niya.
"Anong mayroon at bakit kayo nagtatakbuhan?" Pag-uusisa ni Charmaine pero bakas ang
authority sa kanyang boses. Mahina ko siyang tinapik sa kanyang balikat pero
kinindatan niya lang ako. Si Harly naman ay tawa ng tawa na para bang na-amaze sa
kanyang nasaksihan na pagmamaldita.
"Si Klein at Red po, mukhang may balak ngayong maglaban sa malawak na training
ground" Natigilan naman ako sa aking narinig. Hindi lang ako, pati ang mga kaibigan
ko. Ano na naman bang nakain ng dalawang ito? Ilang beses na silang naglalaban. May
pinapatunayan ba ang mga ito?
"Let's go, mukhang magiging masaya 'to" Hinatak ni Harly ang kamay naming dalawa ni
Charmaine. Um-echo sa buong hallway ang tunog ng mga sapatos namin dahil sa
pagmamadali.
"Tumabi kayo!" Malakas na sigaw ni Charmaine while raising her eyebrows. Parang
instant na nahawi ang daan at nakapuwesto kami sa unahan. Perks of being a queen
bee.
Maraming nanunuod ngayon sa laban na ito, dalawang leading students si Red at Klein
pagdating sa paggamit ng magic.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nararamdaman ko ang tensyon sa kanilang mga
titig. Ano na naman bang drugs ang tinira ng mga 'to? I asked myself silently.
They started the match. Nagulat ako sa bilis ng pagkilos ni Red na para bang inagos
siya ng hangin papunta sa puwesto ni Klein. Partida, nasa magkabilang dulo sila
kanina.
Akmang bibirahin ni Red si Klein ngunit mabilis soyang nasipa ni Klein sa tiyan. It
wasn't just an ordinary kick dahil napansin ko ang pagliyab ng kanyang paa.
Monggoloid man si Klein, pero iba ang pag-iisip niya pagdatinf sa labanan. He is
more serious, the other side of Klein.
"It's impossible for Red to win in this match" Wika ni Harly habang nakatingin sa
dalawa.
"Klein has an advantage at isa pa, Summoner si Klein but he is also an Magic thief.
Dual classification job. Based na rin sa karanasan ni Klein sa pakikipaglaban, kaya
niyang basahin ang galaw ng kanyang kalaban"
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba para kay Red. Alam kong once na natalo na ni
Red si Klein, pero nagpatalo lang no'n si Klein para makapasok sa Altheria.
Pansin kong iniiwasan ni Red na gamitin ang kapangyarihan niya bilang offensive.
Hile only using it para mapabilis ang kanyang galaw. Fire was a strong type of
magic, imposibleng matalo ito ng hangin.
Lumipad si Red paitaas at hinagis sa ere ang limang pocket knife at pinalutang ito.
Sabay-sabay niya itong pinakilos patungo sa direksyon ni Klein.
Klein was able to dodge some pero hindi pa rin naiwasan na masugatang siya sa
pisngi. It was intense fight, gusto kong tumutol kaso ay baka magiyera ako ng ibang
nanunuod at masabihang K.J.
Gumamit si Klein ng apoy para makalipad siya. Nag-insert siya ng pressure sa lupa.
Pumikit si Klein at lumakas ang ilaw ng kanyang kwintas. This fight was getting
more and more serious.
Nag-summon si Klein ng isang Phoenix na nagpa-amaze sa aming lahat. It's not easy
for a summoner na makapag-summon ng ganoong klaseng monster. Isang malaking magi
ang kinakailangan para rito
Sumakay si Red sa likod ng Phoenix habang si Red naman ay napilitan ng ilabas ang
alchemy weapon niya. A shield and a sword.
If I'm not mistaken, kapag ginamit na ni Red ang kanyang alchemy weapon, his
defense was greatly increase... It was the nice thing about being an aegis knight.
Jusko babawasan ko na ang pagtawag ng monggoloid kay Klein. Kayang-kaya niya akong
gawing isang abo in just a flash.
"See?" Bigkas na naman ni Harly sa akin. "Puro depensa si Red. Hindi siya maka-
atake"
Ewan ko kay Harly. Nakangiti siya habang nanunuod sa match, para bang may
hinihintay siyang gawin si Red. Boys always be boys. Gustong-gusto talaga nilang
makakita ng nag-aaway.
Napasigaw ang lahat nung biglang malaglag si Klein sa Phoenix. Mukhang may ginawa
si Red na may kinalaman sa hangin. Pagkahulog ni Klein ay agad inatake ni Red ang
phoenix at naglaho ito.
Nag-uusap silang dalawa habang naglalaban ngunit masyadong malaki ang distansya
nila sa amin kaya wala akong ideya kung ano iyon.
"Yap. Natural ang pagiging summoner ni Klein pero ang pagiging magic thief niya ay
natutunan niya lang somewhere. He learned it." Pagpapaliwanag ni Harly.
Habang naglalaban sila ay akmang sasaksakin ni Red si Klein pero naging pagkakataon
iyon kay Klein upang maging open ang depensa ni Red. Malakas itong tumalon at
sinipa sa mukha si Red.
"Red!" Hindi ko maiwasang mapasigaw dahil parang slow motion ang pagbagsak ni Red.
Klein was the strongest Wanester student. Napatunayan ko ito ngayon lang. His skill
was no joke, fire lang ang element niya pero nagagamit niya ito sa iba't-ibang
paraan. Katibayan ito na si Klein ay magiging isang magaling na Alchemy someday.
Habang nasa ere si Klein ay unti-unti siyang bumuo ng fireball. In every seconds na
lumilipas ay mas lalong lumalaki ito.
"Red tumayo ka d'yan!" Malakas kong sigaw. If mahihirapan pa rin siyang gunalaw,
baka lamunin siya ng apoy na nililikha ni Klein.
Napatingin sa akin si Red nung narinig niya ang aking boses. A smile formed on his
lips, malayo man ay napansin ko pa rin ito.
Lahat ng estudyanteng nanunuod ngayon ay nakapokus ang paningin sa akin. Habang ako
naman ay kulang na lang ay kainin ng lupa dahil sa kahihiyan.
Unti-unting lumaki ang fire ball na ginagawa ni Klein. Si Red naman ay nakatayo
lang doon na parang handang salubungin ang atake ni Klein.
Napatingin ako kay Charmaine dahil alam kong gusto niya si Red.
"Why are you looking at me like that?" She raise her left eyebrow. "Huwag mo kong
titigan ng ganyan Jasmin na para bang nakabase sa akin ang sagot mo"
"What is your answer Jasmin!? Gusto mo rin ba ako!?" Red shouted again.
Nung biglang pinakawalan ni Klein ang fireball, parang nabigla din ako at naitulak
na ng dila ko ang mga salitang mga gusto kong sabihin kay Red.
Mabilis na bumulusok kay Red ang fireball ngunit bago makarating iyon kay Red.
Umilaw ng matingkad ang kwintas niya.
It looks like na ginagamit ni Ref ang buong magi niya para sa isang magic spell.
Ipinu-push niya sa limit ang magi na maaaring magpahamak sa kanya.
Pero bago makalapit ang fireball sa kanya ay unti-unting namatay ang apoy. Humina
ito hanggang sa tuluyang mawala. Hindi ko alam ang ginamit ni Red na skill but it
was quite amazing.
Tumakbo ako sa direksyon ni Red. Habang si Klein ay naglakad patungo kay Red at
tinulungan itong tumayo. "Natalo ka Red" Rinig kong bigkas ni Klein.
Matapos ang pangyayaring iyon ay hinatid namin nina Charmaine si Klein at Red sa
Infirmary. Ang sara ngang bigwasan nungbdapawa dahil parang tuwang-tuwa pa sipa sa
nangyari.
Bigla namang namula ang pisngi ko kaya napatakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha
ko dahil sa hiya. Sana lamunin ako ng lupa. Kahit this time lang please.
Napahinto kami ni Charmaine sa tapat ng malaking patay na puno. We're talking about
sa gagawin naming pagkolekta ng mga materyales sa paggawa ng Chocolate Robe
hanggang sa mapunta ang usapan sa mga walang kwentang bagay. Normal girl's talk.
"Matagal ma raw patay ang puno na 'yan. Ten years ago pa, ang sabi sa amin, napag-
trip-an daw sunugin ng mga prankster iyan" Pagkukwento ni Charmaine. "Pero noon
daw, rtng puno na ito ang pinakamaganda sa buong Wanester division dahil sa
makukulay at makikinang na dahon nito. Para raw itong isang bituing sumasayaw sa
iyong paningin. Great old tree pa ang bansag dati rito."
"Sayang naman. Sana mabuhay ulit ang puno na iyan upang masaksihan natin ang ganda
nito" Bigoang lumabas sa bibig ko.
Nung napalingon ako kay Charmaine ay nanlalaki ang mata nito. Napakunot ako ng noo
to asked 'why?'
"Yung kwintas mo. Nakita kong kumislap. I saw it" Sabi ni Charmaine pero nung
tinignan ko naman ito ay wala pa ring ilaw.
"Baka nasinagan lang ng araw. Imposible namang umilaw ito ng wala akong ginagawa"
"But I definitely saw it" Saglit na natahimik si Charmaine. "Pero siguro nga
namamalikmata lang. Gutom lang"
"Halika na kumain na tayom kung ano-ano ang pumapasok sa isip mo" Pag-aaya ko sa
kanya.
But the next day... A miracle happens. Naging usap-usapan ito ng mga estudyante
maging ang mga guro.
Ang great old tree... Nagsimulang magkaroon muli ng dahon at bumabalik ang dati
nitong buhay. Weird.
***---***---***
I'm a little unsatisfied with this chapter. Sa tingin ko kasi sobrang kulang pa rin
ako sa pagpapaliwanag ng labanan na may kasamang magic. I hope I improve (sariling
motivation haha!)
Nag-rank #1 na naman tayo last September 01, 2016. Ang lakas niyo guys!
Sa hindi ko malamang dahilan ay nagsimula ng mabuo ang kaba sa aking dibdib lalo
na't palapit na ng palapit ang araw ng aming pag-alis. Isa pang problema namin ay
ang pagkabigo namin na maisama si Klein sa misyon.
We're doing an outdoor training and nasa Polto's forest kaming lahat. In the past
days, mas maayos na ang teamwork namin kumpara noon.
Nasa front line kaming dalawa ni Jacob ang kaibahan nga lang ay nasa kabilang dulo
siya para maisagawa namin ang ambush plan.
Nakatuntong lang ako sa malaking sanga ng puno, mahina akong tumalon-talon upang
subukan ang tibay nito. Tinignan ko muli ang black wolves... Their are 12 of them.
I give an okay sign kay Patty na naka-binocular sa amin. Alam ko kung nasaan siya
base na rin sa kislap nito.
Red was our defense or our bait. Mag-isa siyang nagpakita sa mga black wolves but
he use he strenthen his defense so he can endure pain more.
Nung nakuha ni Red ng atensyon ng mga lobo ay doob na kqmi umatake. I created a big
ice hail at ibinagsak sa isa mga lobo samantalang si Jacob ay ginamit ang yelo
upang magkaroon ng tqlim ang kanyang kamao at malakas na sinuntok ang isa rito.
Jacob use his element as a melee. Para raw magmukha siyang cool, gunggong talaga.
"Bea sa likod mo!" Sigaw sa akin ni Red saktong pagkaharap ko ay ang pagsugod sa
akin ng isang lobo.
Akmang kakagatin na ako nito ng bigla itong tumumba sa damuhan. May tama ng baril
ang ulo nito.
Maya-maya ay naging matindi ang sikat ng araw, black wolves really hates daylight
kaya may tendency na tumakas sila ngayon. Pero kapag nangyari iyon ay nakaabang sa
hindi kalayuan si Trixie.
Humawak ako sa lupa at gumawa ng matutulis na yelo upang mapatay ang dalawang lobo
na nasa aking harapan.
Hindi nagtagal ay naubos naming silang lahat. Akmang makikipag-apir ako kay Jacob
ngunit iniwas niya ang kanyang kamay. Bwisit talaga.
I scan my members kung may mga nasaktan. "Si Red at si Jacob pakigamot"
It's not a serious injury dahil puro galos at maliliit na wounds lang ito.
Nabawasan na nga ang mga injuries namin, hindi katulad noon na kinakailangan pa
naming isugod sa infirmary para lang maging okay.
Inasikaso ni Patty sina Jacob at Red at isang mahinang palakpak ang narinig namin
sa 'di kalayuan. It was from sir Ernie.
Hinahayaan lang kami ni Sir Ernie na makipaglaban at nagmamasid lang siya. Ibang-
iba ang estilo ng kanyang pagtuturo kay sir Steven na sobrang higpit.
Napangiti naman kami sa sinabi ni Sir Ernie at pinunasan ko ang pawis ko sa noo.
Sir Ernie loves to praise us while sir Steven love to criticize us. Magkaibang
pananaw sa pagsasanay pero nag-i-improve kami ng dahil sa kanila.
Matapos magamot ni Patty sina Red at Jacob ay agad na kaming bumalik sa Altheria
upang mag-take ng test.
In the next three days pa talaga ang exam pero ite-take na namin ito agad para
walang maging sagabal sa pagsasanay namin.
"Sir Ernie pwede bang i-excuse na lang kami. Wala kaming oras mag-review"
Pagrereklamo ni Jacob at napairap naman ako sa ere. As if naman na nagre-review
siya.
"Kung hindi kayo kukuha ng test ay hindi namin malalaman kung saan namin kayo
ilalagay na section next year" Pagpapaliwanag ni sir Ernie.
Habang nasa biyahe kami pabalik sa Altheria ay ang Great Old Tree pa rin ang topic
namin. Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hindi mamatay-matay ang balitang iyon.
After 10 years kasi ay muling nasilayan ng lahat ang magaganda't makikinang na
dahon nito.
Expected ko na mababa ang makukuha ko sa pagsusulit na ito dahil we're all focus in
our trainings. Nag-aaral lang kami if we have free time.. But it was rarely to
happen.
Alam ni Jasmin na advance ako kukuha ng test at ang alam niya rin ay contest ang
sasalihan namin. "Good luck sa iyo ah" Mahigpit na yumakap sa akin ang aking
kaibigan.
Sobrang sweet ni Jasmin sa lahat ng kaibigan niya. Hindi na kataka-taka kung bakit
gusto siyang protektahan ng lahat. She's pure and innocent, that's how everyone's
love her.
"Babalik ako soon" Wika ko sa kanya. "Magiging busy ka rin naman kaya hindi mo ako
masyadong mami-miss"
"Baliw mami-miss kita. Pero magka-craft kasi kami ng chocolate robe kaya magiging
busy nga kami"
"Ikaw nga dapat ang mag-ingat. Bring home the bacon" She speaks at nagtawanan naman
kaming dalawa.
"Aba! Nagda-drama kqyo ng hindi ako kasama?" Biglang may nagsalita sa tapat ng
pinto. I open my arms na para bang hinihintay siyang makiyakap. "Ang corny nito
pero para sa pag-alis mo Bea gagawin ko ah"
Nagyakap kaming tatlo ng mahigpit kasabay ang mahinang hagikhikan. Bukod sa mama ko
ay itong dalawang babae na ito ang pinaka-importante ngayon sa buhay ko. They are
my bestfriends.
Nung bandang ala-una ay pumunta na ako sa designated room upang magsimulang mag-
exam. As expected, mahirap ito dahil kulang ako sa review.
May mga test din kung saan magsi-synthesize, ilang beses akong pumalpak sa
synthesization kaya hindi na ako aasa na papasa pa ro'n. Hindi naman puro masama
ang nangyari dahil sa combat test ay halos ma-perfect ko ito.
Matapos kong mag-exam ay isang malalim na buntong hininga na lamang ang aking
pinakawalan. I am mentally dead.
"Uy Bea!" Nagulat na lamang ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Actually
hindi siya tapik dahil muntik na akong masubsob.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at binalingan ang taong gumawa no'n. "Hoy
pambansang monggoloid, masakot ulo ko ngayon. Bukas mo na ko bwisitin"
"Kamusta na nga pala ang misyon niyo? Wala na yatang nangungulit sa akin ngayon" He
smiled brightly to me na para bang hindi siya apektado... Pero I know, may tinatago
siya about sa Raven Clan.
Sa pagkakataong ito ay mas naging seryoso ako. "Klein hindi ka na namin kukulitin
kung sasama ka ba o hindi dahil ikaw rin naman ang bumubuo ng sarili mong desisyon"
"Klein ikaw ang pinakamalakas dito sa Wanester Division pero bakit pakiramdam ko ay
may tinatakbuhan kang problema o responsibilidad sa Raven clan?" Sa isang taon na
nandito si Klein... Ano bang alam namin tungkol sa kanya? Ang alam lang nami ay ang
ka-monggoloid-an niya pero kahit minsan ay hindi siya nagkwento tungkol sa buhay o
pamumuhay niya sa Raven clan.
"Wala kayong ideya kung gaano nakakasakal sa lugar na iyon kaya niyo 'yan nasasabi"
May lungkot sa tono ng boses ni Klein.
Huminga muna ako ng malalim bago ko ipagpatuloy ang aking sasabihin. "Klein malakas
kang tao pero duwag kang harapin ang mga problema mo,"
"Iba ang malakas sa matapang. There's a big difference between that. Pero pwede
mong gamitin ang lakas mo para maharap ang mga problema. You can be strong and
brave at the same time"
Nung sinabi ko sa kanya iyon ay naglakad na ako paalis. Wala naman akong galit kay
Klein dahil desisyon niyang hindi sumama, wala kaming magagawa sa bagay na iyon.
Pero desisyon niya rin na takbuhan na lamang ang problema o responsibilidad niya...
Wala akong magagawa, pero siya mayroon.
Nagtungo ako sa Training room dahil tinipon kaming mga members dito ni sir Steven.
It was a very tiring day for us dahil nalalapit na ang pag-alis namin. Ito ang
unang beses na binigyan nila ng mabigat na task o mission ang ilang Wanester
division na estudyante.
"Ibibigay ko sa inyo ang bagay na kailangan niyong tandaan habang nasq labas kayo
ng paaralan at habang nasa misyon kayo"
Nakatahimik naman kaming lahat habang naka-indian sit sa puting kulay ng sahig.
Wala man ako sa mood makinig pero as a leader, kailangan.
"Pangalawa, always follow your plan. Ang misyon niyo ay mapapayag ang mga
nakakatanda sa Raven clan. Hindi kayo lalabas ng paaralan para maglaro"
Nakatahimik lang kami habang ini-isa-isa ni Sir Steven ang mga dapat naming
tandaan.
At first akala ko ay pinapaalala lang sa amin ni sir Steven ang mga dapat tandaan
pero nung nasa kalagitnaan na ng eksplenasyon ay mas lalong naging seryoso ang
topic.
"Alam naman natin hindi sa lahat ng misyon o hindi lahat sa mga pinadala sa
misyon... Ay makakauwi ng buhay" Napalagok ako ng sarili kong laway at sumagi sa
isip ko ang mga pwedeng mangyayari. "Maraming estudyante rin ang nawala sa Altheria
dahil sa paggawa ng misyon. Umaasa ako na makakabalik kayo ng buhay lahat"
Napatingin ako sa mukha ng mga kasamahan ko. "Imposible 'yan sir. We have a really
good team work" Pagsabat ni Trixie.
"Walang kasiguraduhan. Pero kung alam niyo ng you are in a dangerous scenario. Save
yourself. Hindi iyon pagiging selfish, iniiwasan lang natin ang great number of
loss" Seryosong bigkas ni sir Steven. "Kung sa loob ng Wanester division ay kayo
ang pinakamagagaling na estudyante... Ibang-iba iyon pagdating sa labas dahil
paniguradong mas may hihigit sa inyo"
The pressure and the burdened was much more heavier unlike before. Tinanggap namin
ang misyong ito, para na rin naming ipinasok ang ulo namin sa nakataling lubid,
kung magkakamali kami... Mamamatay kami, as simple as that.
The time passed by at dumating na ang araw ng pag-alis namin. Walang karwaheng
maghahatid sa amin at isa itong paglalakbay.
Isinuot ko ang PE uniform dahil mas komportable akong gumalaw dito, ngunit may suot
akong iron plate sa loob ng aking damit at nakasukbit sa akin ang isang malaking
bag na punong-puno ng magic potions. I wear a combat shoes
Madaling araw palang ngunit sinimulan na namin ang paglalakbay. Hawak ko ang mapa
at nakasaad dito na aabutin ng isang linggo bago kami makarating sa Raven clan.
They just smiled at me puwera kay Jacob na kumindat sa akin. Manyakis talaga.
Binuksan na ni kuya Ronnel ang gate ng Altheria. Ang malakas na ugong ng gate ang
naging hudyat ng pagsisimula ng aming misyon. Hindi ko na nagawang magpaalam sa
hulinh pagkakataon sa mga kaibigan ko dahil maaga rin kaming umalis.
Bago ko ihakbang ang paa ko palabas ng aming mahal na paaralan ay isang sigaw ang
aking narinig. "Guys! Wait lang"
Nung napalingon ako ay lumaki ang ngiti sa aking labi. Isang budoy na monggoloid
ang tumatakbo tungo sa aming direksyon.
"Sasama ako" Humahangos niyang bigkas at napayakap naman anh ilan kay pambansang
monggoloid.
Hindi man sabihin pero malaki talaga ang maitutulong ni Klein sa misyong ito.
"Hoy baka sipain kita, ikaw ang mukhang unggoy sa ating dalawa" Napairap ako sa
ere. Ang lakas ng loob na twagin akong unggoy. "Ba't wala kang dalang gamit?"
"Kanina ko lang kasi nasigurado na sasama ako ehm wala akong dala hehe. Pahiramin
niyo ko ng brief ah"
"Maiwan ka na lang d'yan. Hindi namin kailangan ng balahurang kasama" Sabi naman ni
Red.
"Sandali lang guys! Sasama ako! Hintayin niyo ko!" Humabol sa amin si Klein.
"Parang brief lang pinagdadamot niyo! Yung panty mo na lang Bea!"
As of September 05.. Nag#1 na naman tayo guys. Bilib na talaga ako sa inyo, ang
lakas niyo!
Huwag niyo kalimutang mag-comment at mag-vote para mapanatili natin ang Altheria sa
mataas na puwesto.
There's no specific date kung kailan ang next update. Basta chill lang muna. Sa mga
grammar nazi, pasensya na kung may mga typo's... Sinadya ko talaga yan para inisin
kayo (lol)
PS. May mga part na medyo baboy at mahirap ma-gets. Edit ko na lang by Saturday :)
Sana mabasa niyo at mahalin niyo rin kagaya ng pagmamahal niyo sa Altheria.
***---***
Bea
Nasa Polto's forest pa lamang kami ay mabilis na kaming tumatakbo upang makarating
sa bayan ng Alkhemia ng mas maaga. Marami kaming creatures na nakita ngunit mabilis
lamang namin silang iniiwasan dahil kagaya nga ng bilis sa amin ni sir Steven,
iniiwasan namin ang paggamit ng dahas at may oras kaminghinahabol paravsa misyong
ito.
Malakas kaming tumatalon sa malalaking sanga ng mga puno. It was quite risky dahil
may chance na malaglag kami ngunit mas mapapabilis kami sa ganitong paraan.
"Ilang bayan pa ang dadaanan natin bago makarating sa Raven clan?" Pagtatanong sa
akin ni Trixie sa pagitan ng kanyang paghinga.
Malakas akong tumalon sa isang malaking sanga bago ko sagutin si Trixie. "Tatlong
bayan, dadaan tayo sa bayan ng Alkhemia, Norton, at Damerel"
Ang bayan naman ng Norton ay ang sentro ng kalakalan dito sa Magical world. Malapit
kasi ito sa dagat kaya mabilis nagaganap ang pagpapalitan ng mga gamit.
"Kailangan natin makarating sa Alkhemia bago kumagat ang dilim upang may
mapagpahingahan tayo ngayong araw" Sabi ni Charly. Ewan ko ba kung bakit parating
seryoso si Charly, kapag kaharap niya nga lang si Jasmin ay doon lang siya
naglalabas ng mas masayang emosyon. May saltik talaga ang kambal na 'to.
Isang bagay ang napansin ko kay Charly, parati niyang kasama sa pagsasanay maging
dito sa misyon ang maliit na fairy. Jasmin said that her name was Venus. It was his
pet.
Malakas akong tumalon upang tumapak sa lupa, muntik pa akong ma-out of balance pero
mabilis naman akong nakabawi. Nagpatuloy lang kami sa paglalakbay ng sumabay sa
aking pagtakbo si Jacob. "Okay ka lang?" He suddenly asked.
Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. Wow ah, biglang naging concerned ang
gunggong. Alam niyo yung feeling na hindi kayo sanay na biglang magkakaroon sa inyo
ng pake ang isang tao... that kind of feeling. "Okay lang ako, kaya ko pa naman"
"Bahala ka d'yan maiwan ka d'yan" Pang-aalaska ko. Pero siyempre hindi namin iiwan
ang baliw na 'to.
"Let's take some rest" Huminto sa pagtakbo si Red kaya napatigil kaming lahat.
"Don't push ourselves into our limit" Wow nagsalita ah. Siya nga 'tong mahilig
sagarin ang kanyang magi.
Dahil si Red na ang nagsabi, wala na kaming nagawa kun'di ang huminto. Kahit na ako
ang leader ay... Ewan ko ba! Si Red pa rin ang may authority. Gumagawa lang ako ng
plano pero sila pa rin ang nasusunod.
Huminto muna kami panandalian sa lilim ng isang malaking puno at doon nagsimulang
kainin ang mga baon naming tsitsirya as a snack. "Guys pupunta kami sa may batis,
kukuha kami ng tubig. Ubos na ba ang laman ng mga lalagyanan niyo? Sabay na namin"
Pagtatanong ni Patty habang kasama si Trixie.
"Klein sa tingin mo ilang araw ang aabutin natin?" Pagtatanong ko kay Monggoloid
habang pinagmamasdan maigi ang mapa to keep our track.
"Mali ang mapa na 'yan" Casual na sagot ni Klein habang kumakain ng tsitsirya.
Sinabi niya yun na parang hindi big deal. Monggoloid talaga eh eto nga ang
sinusundan namin.
"Bea, nagtatago sa mga tao ang Raven clan. Ayaw ng grupo namin ang makihalubilo sa
ibang tao. Sa tingin mo ba ay matutuklasan nino man ang aming lugar?" Si Klein na
ang nagsabi, taga-Raven Clan siya. Wala na akong tutol doon.
Naputol ang aking sasabihin ng biglang may palaso na muntik tumama sa akin, mabuti
na lamang at napaatras ako ng bahagya kaya sa isang malaking trunk ito ng puno
tumma. Nalintikan na. Bandits.
Tumalon ako paatras, "May bandits!" Malakas kong sigaw dahilan upang pumosisyon ang
aking mga kasamahan.
Ang mga bandits ay grupo ng mga masasamang alchemist o mahikero na nagtatago sa mga
magugubat na lugar. Ang kanilang parating ginagawa ay kinukuha ang mga gamit ng
ibang manlalakbay na napapadaan.
Muling may umatake sa aming pana pero this time ay may kasama na itong apoy.
Mabilis akong umikot at gumulong upang magtago sa trunk ng isang puno.
Red use his magic para palakasin ang hangin hanggang sa umuga ang mga puno at
tuluyang mahulog ang mga bandit. Wala ngayon si Trixie na nag-iisang long range
fighter sa aming grupo dahil sumama siya kay Patty kumuha ng tubig.
Iniiwasan namin ang paggamit ng masyadong maraming magi ngayong araw dahil malayo
pa ang aming lalakbayin ngunit hindi namin iyon maiiwasan sa pagkakataong ito.
Nung may makita akong isang lalaking nakaitim na tumatakbo ay mabilis akong nag-
cast ng yelo upang patamaan ito sa paa. Natumba ito at ininda ang matinding sakit
sa paa dahil sa pagkakabaon ng yelo. You deserve it, jerk.
Akmang papanain ako nito ngunit mabilis na tinapakan ni Jacob ang kamay nito.
Ngumiti sa akin si Jacob at nag-okay sign ba na parang nagyayabang sa kanyang
ginawa. Napairap ako ng wala sa oras.
Sumatutal ay limang bandits ito. Pinagtali-tali namin ang mga kamay nito sa isang
malaking trunk ng puno. "Sa susunod kasi piliin niyo yung mga aatakihin niyo"
Sinampal pa isa-isa ni Klein ang mga bandits.
Napatingin sa akin ang isa sa mga bandits, specifically sa logo ng school. "Taga-
Altheria kayo? Mga estudyante kayo ng Altheria"
Binatukan muli ni Klein ang mga lalaki. "Oo, gulat kayo 'no? Next time mamili ng
mga aatikihin ah"
Si Red naman ay nagpalipad sa hangin ng sulat tungo sa School upang ipahuli itong
mga bandits na nakita namin.
Habang inililigpit namin ang aming pinagkainan ay sakto namang dumating sina Patty
at Trixie na dala-dala ang aming water pouch. Mukhang nabigla pa sila nung makita
nila ang limang bandido na nakatali sa puno. "Teka anong nangyari rito?"
Pagtatanong ni Patty habang inaabot sa akin ang aking water pouch.
"Wala, nakipaglaro lang sila sandali. Hindi natin sila dapat pag-aksayahan ng oras
dahil kinakailangan pa nating makarating ng Alkhemia bago kumagat ang dilim" Wika
ko at isinukbit sa aking likod ang mabigat na bag. "Halika na, ang mga guwardiya na
ng Altheria ang bahala sa kanila" Pag-aaya ko sa aking mga kasamahan.
***
Jasmin
Charmaine just rolled her eyes at may kinuhang papel sa kanyang bag. Iniharap niya
sa akin ang papel, "Ayan oh! May tatak, it means na pinapayagan nga tayo as long na
may kinalaman ito sa paggawa ng project" Pagbigkas niya sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Harly. May tinapos pa kasi siyang
klase kaya natagalan ang aming paghihintay sa kanya. It was fine on me dahil
humihingi lang naman kami ng pabor kay Harly, puwera na lang kay Charmaine na
kanina pa naiinip.
"Ay hindi! Ay hindi" Pamimilosopo ni Charmaine at umirap. "Halika na, baka abutan
pa tayo ng dilim kapag hindi tayo kumilos agad"
Napailing naman ako. Imposible namang abutan kami ng dilim dahil sa Alkhemia lang
naman kami pupunta para bilihin ang mga kailangan namin. Kailangan din namin mag-
ikot sa Polto's forest upang maghanap ng Slime ball at Mammoth's fur.
Naglakad na kami paalis ng Wanester division ngunit bago kami makaalis ay ipinakita
muna namin kay Kuya Ronnel ang papel.
Napag-alaman ko rin na umalis na rin sina Bea kaninang madaling araw. Siguro ay sa
malayong bayan magaganap ang contest na kanilang sinalihan kaya ang aga nilang
umalis. Sana ay manalo sila.
Mabilis naming inihakbang ang aming paa palabas ng Altheria. Kung sila ay
ginagalingan nila para sa contest na kanilang sinalihan, dapat ay galingan din
namin para sa aming Synthesization. Alam kong nasa magkaibang lugar ang aming
barkada pero ginagawa lamang namin ang lahat para sa Altheria.
***---***
Short update muna tayo kasi medyo hindi pa clear sa akin kung paano ang magiging
takbo ng story habang naglalakbay ang dalawang grupo.
So yeah, Aabot ang season 2 ng hanggang Chapter 80. Then 81 pataas ay Third season
na.
https://www.youtube.com/watch?v=cfxy_Nir5X0
Dito na magsisimula ang rising action for season 2. Ihanda niyo ang maraming feels
niyo dahil susubukan ko kayong paiyakin this time. ;)
"Gusto ko ng humiga" Mahinang sabi ni Klein. Kulang na lang ay lumawit ang dila
niya sa buong paglalakad namin dito sa bayan.
Pare-parehas kaming tagaktak ang pawis at ibig na naming makakuha ng maayos na ligo
at pahinga. Nag-ikot lang kami sa bayan upang maghanao na matutulugan na Inn o kaya
naman ay hotel.
Limitado lang ang perang ibinigay sa amin ng Altheria kaya hangga't maaari ay sa
murang mga inn's or hotel lang dapat.
Dalawang kwarto ang binayarang which is one for the boys and one forthe girls.
RED
I don't know why I am stucked up in this team. Isang gago, isang monggoloid, at
isang arogante... What a nice combination. Inilapag ko sa kama ang aking mga gamiat
panandaliang umupo at minasahe ang aking paa. Maghapon kaming naglalakbay kaya
kailangan ko itong i-relax.
"Ako muna unang maliligo" Sigaw ni Klein habang naglalakad sa buong kwarto na
tanging brief lang ang suot. Abnormal talaga. Hindi marunong mahiya, ang pangit
naman ng katawan.
Habang nasa bayan kami kanina at nag-iikot ay nagprisinta na akong ibili siya ng
nga damit na panloob. Kahit naman abnormal si Klein ay may utang na loob pa rin ako
sa kanya dahil bukod kay Hades, siya rin ang isa sa mga tumulong sa akin upang
mahasa ang aking kakayahan at mas lumawak ang kaalaman ko pagdating sa mahika.
Saglit lamang akong nagpalit ng damit at agad ding lumabas ng aming kwarto. "Saan
ka pupunta?" Pagtatanong sa akin ni Jacob habang nakahiga siya sa kama.
"Sa labas lang. Looked for some stuffs" Wika ko at isinara ang pinto.
"Bumalik ka rito bago mag-alas otso. Sabay-sabay daw tayong maghahapunan sabi ni
Ms. Officer" Huli kong narinig bago ko tuluyang isara ang pinto
I headed out and stroll around Alkhemia. Maraming bagay akong nakikita which is
bago lang sa aking paningin. Pero ang isang lugar na gustong-gusto kong puntahan
mula rito ay ang tahanan nina tatay Larry at nanay Lena. Sila at ang mga batang
inaalagaan nila ang dahilan kung bakit na-excite din akong pumunta sa Alkhemia.
Sila ang mga taong kumupkop sa amin ni Jasmin noon. Sila ang mga taong itinuring
kami na parang tunay na anak.
Buong akala ng iba, ang bayan ng Alkhemia... Maunlad, masaya, maingay, at masigla.
Pero sa kabila ng magagandang katangian na ito ay may isa silang liblib na kanto
kung saan nakatira ang mga iskwater, mahihirap, at mababang uri ng mamamayan. Mga
taong itinatago sa publiko, mga taong ikinakahiya ng sarili nilang bayan.
Ilang minuto akong naglakad mula sa inn na tinutuluyan namin upang makarating sa
dulong bahagi ng Alkhemia.
Huminto ako sa tapat ng isang lumang bahay, hindi ako sigurado kung ito nga mismo
iyon dahil matagal-tagal na nung huling punta namin.
Kumatok ako ng tatlong beses. "Ate Fritz may kumakatok!" Nasa labas pa lamang ako
ay napangiti na ako nung marinig ang maliit na tinig ng batang si Wei. Hanggang
ngayon ay natatandaan ko pa rin ang mga batang nangulit sa akin noon.
Bumukas ang pinto at napasigaw si Fritz nung makita niya ako. "Kuya Red!" Yumakap
sa akin si Fritz at agad naman na sumunod ang apat na iba pang bata nung makita
nila akong nakatayo sa tapat at labas ng pinto.
Hindi ko alintana ang pagiging marumi at madungis nila dahil nagalak naman ang
aking puso nung sila'y aking makita.
"Papasukin niyo muna ako sa loob. May binili akong pagkain para sa inyo" Pambungad
ko at mas lalo silang natuwa. Pagkapaspk ko ay nakita ko si Tatay Larry na
nagkukumpuni ng gamit habang si Nanay Lena naman ay naglilinis ng buong bahay.
Nakakatuwa dahil ganoon pa rin ang atmosphere dito. Maliit man ang tahanan na ito
ay punong-puno ito ng pagmamahal.
Nagmano muna ako sa kanila bago ko inilapag ang binili kong cake malapit sa bayan.
Galak na galak naman ang mga batang sina Fritz, Galope, Ella, Wei, at Shin.
"Napadaan ka yata Red. Sinong kasama mo?" Pagtatanong sa akin ni Nanay Lena habang
pantay na pantay hinahati ang cake para sa mga bata.
"Opo, nakikituloy po kami sa isang inn. May pupuntahan po kami" Magalang kong sabi
habang iniupo ang batang si Shin sa aking hita.
"Oh bakit hindi mo kasama si Jasmin na tumungo rito? Matagal-tagal na rin nung huli
kong makita ang mga batang iyon"
"Nagiging busy rin po si Jasmin, nalalapiy na kasi ang exam namin. Hayaan niyo po,
sa oras na makabalik ako sa Altheria ay agad-agad kong sasabihin ang inyong sinabi"
Ngumiti naman sa akin si Nanay Lena.
Bandang 7:30 ng gabi na nung naisipan kong umalis. "Tatay Larry mauuna na po ako"
"Aalis ka na agad? Bakit hindi ka na lang dito maghapunan bago ka bumalik sa inyong
tinutuluyan" Sabi ni tatay Larry na hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos ang
makina niyang kinukumpuni. "Nagluto pa naman ng marami ang nanay Lena mo"
"Naisipan ko lang po kasing bisitahin kayo pero nakapangako ako sa mga kasamahan ko
na sabay-sabay kaming maghahapunan" Kahit gusto kong sumabay sa kanila ay pinigil
ko pa rin ang aking sarili dahil nakapangako ako kanila Jacob.
"Oh sige, pababaunan ka na lamang namin" Sabi sa akin ni Nanay Lena. "Mag-iingat ka
kung saan ka man pupunta" Wika niya at pinahid ang pawis na namuo sa aking noo.
Isa-isa munang yumakap sa akin ang mga bata bago ako tuluyang umalis. Naglakad na
ako patungo sa Inn. Sana ay mabigyang pansin ng Alkhemia ang mga taong naghihirap
sa kanilang bayan. Sana'y matulungan nila sina nanay Lena
Pagkarating ko sa inn ay agad kong nakita sina Jacob at Klein na naglalaro ng chess
sa isa sa mga table. Labanan ng mga monggoloid, pero sa tingin ko ay si Klein pa
rin ang mananalo.
"Nag-confess ka na pala" Biglang niyang sabi ngunit hindi niya ako binabalingan ng
tingin na parang pokus nq pokus sa kanyang ginagawa.
Kahit magkasama kami sa iisang misyon ay ramdam ko ang tensyon. Siya ang karibal ko
kay Jasmin... Ang matindi kong karibal kay Jasmin. "Yes. And it's mutual" I
grinned.
Isinara niya ang zipper ng kanyang bag. "But you're not official so may chance ako"
Ganti niya sa akin.
Tumayo siya at humarap sa akin. "Gaya nga ng sabi ko, hindi pa kayo official... May
pag-asa pa ako. Hanggang wala kayong label, lalaban ako" Charly speak bago lumabas.
***
JASMIN
Sinimulan na nanin nina Charmaine ang paglalakbay, actually kanina pa pero ngayon
lang ng hapon kami nakarating sa polto's forest kung saan may mga mammoth's fur at
kung saan may nakukuha na mga slime ball. Ilang minuto na kaming nag-iikot ngunit
wala pa rin kaming nakikita.
"Ang kati na ng tuhod ko" Reklamo ni Charmaine dahil kanina pa kami naglalakad sa
madamong bahagi.
Nung may namataan akong mammoth ay mabilis kong tinawag si Harly. He use his
Alchemy weapon para mapatay ito which is spear.
Nung masigurado naming wala na utong buhay ay agad kong kinuha ang balahibo nito.
Napangiti ako nung masigurado kong magandang klaseng balahibo itom naka-jackpot
kami.
"Mukhang dito na tayo magpapalipas ng gabi dahil malapit ng kumagat ang dilim" Sabi
ni Charly habang nakatingin sa kalangitan. "Ako na ang maglilibot upang kumuha ng
mga kahoy, kayo na ang magtayo ng tent"
Sa kabuuan ay nakakuha lang kami ng Mammoth's fur at dalawang piraso ng slime ball.
Kulang pa ang slime ball na aming hawak. Walo ang kailangan namin.
"Kamusta na kaya sila?" Pagtatanong sa akin ni Charmaine. "Hindi ito ang unang
beses na malalayo sa akin ang kambal ko, pero ewan ko. Kinakabahan ako this time"
Wika niya habang inaayos namin ang tent.
"Huwag kang mapraning, malakas si Charly. Tsaka nasa contest lang sila, kung
magsalita ka naman eh parang pinadala sila sa mahirap na misyon" Natatawa kong
tugon sa kanya.
"Sa bagay. Pero bilisan natin mag-ayos ng tent. Kailangan ko ng mag-beauty rest"
Wika niya. Nagsalita na naman si Charmaine na parang siya ang pinakanahirapan pero
in fact, halos nakasunod lang siya sa amin kanina.
Ilang oras ang lumipas ay dumating na si Harly na may dalang kahoy at naka-plastic
na tatlong malalaking isda. "Nanghuli na rin ako kanina nung mapadaan ako sa ilog"
Wika niya.
Si Harly na siguro ang masasabi kong perfect boyfriend para sa isang babae. Mabait,
kalog, maintindihin, matulungin, gwapo, parating nandiyan. Ang swerte ng kanyang
magiging girlfriend.
Nakatingin din kaya siya sa kalangitan kagaya ko? Siguro marahil ay hindi. Hindi
naman siya marunong um-appreciate ng magagandang bagay sa paligid niya eh.
Habang kumakain kami ay napadako ang mga mata ko sa isang parte ng gubat. May
nakamasid sa amin, lalaking nakaitim at nakasuot ng puting maskara. "May tao!"
Malakas kong sigaw at tinuro ang direksyon..
Ngunit nawala ang taong nakita ko na yun. "Wala naman Jasmin eh. Alam mo, gutom
lang 'yan. Kumain ka na dahil mahaba pa ang lalakarin natin bukas ng umaga" Sabi ni
Harly sa akin.
Weird.
***---***---
Hope you understand, hindi naman kasi promotion wall ang comment box ng story ko...
Pero hindi ko kayo pinagbabawalan (dumaan din ako sa ganyan lol) pakibawasan
lang :)
Mula nung September 05 hanggang ngayon (september 10) number 1 ang Altheria. No
chill guys! Walang babaan sa #1 spot!
Kung kayo ay nae-excite basahin ang chapter, ako naman ay na-e-excite basahin ang
inyong mga komento. Comment na! Guve and take lang yan guys! Comment para ma-
energize ako hehe.
"Hindi tayo pwedeng magpahinga. Tatlong araw lang ang hiningi nating request sa
Altheria at bawal tayo sumobra doon. Kailangan natin makabalik bukas din" Sabi ko
sa kanya at napairap na lambg si Charmaine sa ere. Kung hindi ko lang kaibigan 'to
eh baka isipin ko na napakaarte niya... Which is quite true.
Biglang pumasok sa isipan ko ang taong nakita ko kagabi. Nakaitim talaga siya at
nakaputing maskara. Pero wala naman siyang ginawa sa amin o kaya nama'y namalik-
mata nga lang talaga ako.
"Malapit na ba tayo?" Pag-uulit niya makalipas ang ilang minuto. Grabe, kung
makareklamo namab 'to.
"Malapit na ba tay--- malapit na kong mapamura ang sakit na ng paa ko" Huling
reklamo ni Charmaine na tinawanan naman ni Harly. Wala na kaming choice kun'di ang
panandaliang magpahinga.
"Oh sige guys magkita-kita na lang tayo rito ng bandang alas-dos" Pagpapaalala sa
amin ni Harly. May mga bagay din kasi siyang bibilihin sa Market habang kaming
dalawa ni Charmaine ay bibili ng mga tela na aming kinakailangan para sa aming
synthesization. Bakit ba kasi nagkaroon kami ng ganutong kahirap na project? Huhu.
De bale, tela lang naman ang bibilihin ko at matapos no'n ay maaari ko ng bisitahin
sina nanay Lena. Ang usapan namin ay bandang alas-dos ay magkikita-kita kami sa
tapat ng arko upang maghanap na ng matutulugan.
Pumunta ako sa street kung saan nagbebenta ang maraming manlalakbay ng kanilang
gamit. Minsan kasi ay mabibili sa kanila ang mga tela sa murang halaga at bukod pa
doon, magagandang klaseng tela ito dahil hina-hunt o talagang kinukuha nila iyon.
Ang maingay na bahagi ng siyudad na ito ang nagbigay sigla sa akin. Maririnig ang
maraming tao na nagtatawaran ng presyo, nagtatawanan, at kwentuhan sa paligid. May
ilang kaiibang tao rin akong nakita sa paligad.
Mayroong mga beastman o ang mga kalahating tao at kalahating leon. Mayroon ding
elves sa paligid. Iba't-ibang hayo din ang aking nakita. Ang sarap lang makita na
nagsasama-sama ang lahat ng mga race dito sa Magical world ng walang discrimination
o pag-aaway na nagaganap.
Binili ko lang ang mga kimakailangan na kagamitan para sa chocolate robe. Wala rin
naman ako masyadong dalang pera kaya sakto lang ang nabili ko at wala na akong
pagkakataon na bumili pa ng ibang bagay.
Masaya akong nakangiti nung naglalakad na ako sa tagong bahagi ng Alkhemia. Ang
maruming bahagi ng Alkhemia kung saan nakatipon lahat ng mahihirap. Ganoon talaga
ang buhay, may magandang mukha ang isang siyudad na inihaharap sa ibang tao at
mayroong panget na mukha na pilit itinatago..
That's life. Ikinakahiya sina Nanay Lena at tatay Larry ng sarili nilang bayan.
Habang papalapit ako ng papalapit sa bahay nina nanay Lena at tatay Larry ay may
mga taong nagtatakbuhan. Parami sila ng parami... Ngunit natanaw ko, lahat sila ay
sa tapat ng bahay nina Nanay Lena at tatay Larry nag-u-umpok.
Doon na ako kinabahan. Mayroon akong masamng pakiramdam dito. Tumakbo ako sa
direksyon na iyon at nakipagsiksikan sa mga tao. "Padaan po! Kakilala ko po ang
nakatira rito padaan po" Paulit-ulit kong bigkas.
Nanlumo ako sa aking nakita. Biglang pumatak ang aking mga luha. Nanlambot ang
tuhod ko at parang instant na nawala ang saya ko... S labas ng pinto, nakita kong
nakahandusay na katawan ni Tatay Larry. May malalalim na sugat ito sa braso at may
nakasaksak na isang dagger sa kanyang dibdib.
"Tatay Larry!" Umiiyak kong sabi at tumungo sa walang buhay niyang katawan. May mga
opisyales ng Alkhenia ang pumipigil sa akin ngunit hindi ko alintana iyon. "Bitawan
niyo ako! Pamilya ko sila! Bitawan niyo ko, pakiusap!" Malakas kong sigaw.
Walang nagawa ang mga opisyal at bantay. Tumungo ako sa direksyon ni tatay Larry at
niyakap ito. "Tatay! Gumising po kayo! Tatay Larry!"
Napatigil ako nung maalala ko sina nanay Lena. Pumasok ako sa loob ng bahay...
Pagkapasok ko pa lang ay pansin na pansin ang pagkabalot sa dugo ng buong lugar.
Ang masasayang apat na sulok ng tahanang ito, puro pighati lang ang nararamdaman ko
ngayon. Bakit? Bakit kailangang mangyari 'to?
Napaiyak ako ng malakas nung makita ko sa sahig si Galope. Walang buhay rin ito at
gaya ni tatay Larry... Puro saksak ang katawan.
Ang itinuring kong pangalawang pamilya... Nandito, nakahiga lahat sa sahig. Walang
buhay. Sa pangalawang pagkakataon, nawalan na naman ako ng pamilya.
Pumunta ako sa may kusina, nandoon ang bangkay ni nanay Lena. It was really a
heartbreaking moment. Hindi ko inaasahan ang ganitong senaryo, ang buong akala ko
ay sasalubungin nila ako ng may ngiti sa labi, magtatawanan kami at
magkukwentuhan... Pero hindi ko inaasahan 'to. Hindi ko inaasahan ang senaryong
wawasak sa aking puso.
"P-parang pamilya po" Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap kay nanay Lena.
"May isang bata na nakaligtas sa nangyaring aksidente, nasa loob siya ngayon ng
karwahe namin" Nung marinig ko yun ay agad akong tumakbo palabas.
Pumunta ako sa karwahe, nakita ko si Wei. Puro dungis ang kanyang katawan at may
ilang blood stain ang katawan. Mabilis kong binuksan ang karwahe at mahigpit na
niyakap ang batang si Wei.
Umiyak ng umiyak sa akin si Wei. "Ate Jasmin! Ate Jasmin! Natatakot po ako"
Pagsasalita niya sa pagitan ng kanyang hagulgol. Nakakalungkot na makitang nasa
ganitong sitwasyon si Wei, nakaka-trauma ito para sa kanya... Pati sa akin.
Tumulo ang luha ko at hinigpitan ang yakap sa kanya. "A-anong nangyari Wei.
Ikuwento mo" Pinunasan ko ang kanyang luha.
"Hindi ko po alam! Hindi ko po alam" Pagsasabi niya. "Huwag mo akong bitawan ate
Jasmin natatakot ako" Pagpapatuloy ni Wei.
Kinarga ko ang bata at pilit pinakalma. Pero mahira iyon sa pagkakataong ito. Sa
isang iglap, parehas kaming nawalan ng pamilya. "Kagabi inutusan ako ni Nanay na
hatiran ng damit at sulat si Kuya Red... Pagbalik ko... Pagbalik ko... Wala na sila
ate Jasmin. Wala na" He cried a lot nung maalala niya ang mga pangyayari.
"Dapat pala hindi na ako umalis ate, dapat kasama na nila akong namatay. Wala na
akong pupuntahan ngayon. Wala na ang pamilya ko" Umiiyak niyang bigkas. Wala ring
tigil ang pagbagsak ng luha galing sa aking mata habang nakikita kong inilalabas
isa-isa ang bangkay nina Nanay Lena at ng ibang bata.
"N-nandito si Red?"
"Opo kahapon pero umalis din sila" Sabi niya sa pagitan ng kanyang pag-iyak. "May
dalawang nakaitim na nanggaling sa bahay ate Jasmin... Nakasuot sila ng puting
maskara. Nakakatakot sila Ate. Nakakatakot"
***
RED
Tinatahak namin ang gitna ng bundok habang nakasakay sa mga sinummon ni Klein na
Griffin. It was less hassle at si Klein lang ang nahihirapan sa amin ngayon. Pero
deserve naman ng monggoloid dahil inubos niya ang pangdalawang araw naming supply
ng pagkain. Monggoloid na nga, timawa pa.
Hindi naging madali para sa amin ang paglalakbay dahil nasa ibang lugar na kami.
May ilang creatures na rin kaming nakasagupa kanina tulad ng Golems at trolls...
Pero mas madalas kaming umiwas.
Sa tuwing may kalaban kaming nakikita ay nagbabago kami ng ruta kaya naman
nakakapagod. We're avoiding using our magi and we're avoiding to harm any magical
creatures.
"Guys pagod na ako!" Reklamo ni Klein. Hinayaan na rin namin siyang magpahinga at
tanggalin ang mga ni-summon niyang griffin dahil tatlong oras na niyangginagamit
ang kapangyarihan niya. "Gusto ko... Ng... Pagkain" Sabi ni Klein na kulang na
lamang ay lumawit ang dila dahil sa gutom.
"Hindi pwede. Inubos mo yung 2 days stock natin ng pagkain. Baka nga hindi tayo
makarating sa bayan ng Norton na may dalang pagkain eh. Baka mag-hunt pa tayo dahil
sayo" Sabi ni Bea at parang bata naman na nag-tantrums si Klein.
Umupo muna kami sa malalaking tipak ng bato upang magpahinga. We're all tired at
medyo masakit na rin ang aming paa dahil maghapon kaming naglakad kahapon. Muscle
pain. Habang nakaupo kami ay may narinig kaming ingay sa buong paligid.
Hindi ko matukoy king nasaan ang mismong kalaban dahil sa iba't-ibang parte
gunagalawa ang mga bushes at sanga ng puno. It was confusing, pero ang
nakakasigurado ako ay nasa paligid lamang sila.
Nagulat na lamang ako sa biglaang pagsigaw ni Trixie dahil may isang Kunai na
nakatusok sa kanyang kaliwang balikat.
"De Lorgans?" Mahinang bulong ni Klein. "Imposible. Matagal ng wala ang grupong
iyon, patay na matagal na ang mga miyembro ng De Lorgans" Pagmo-monologue niya pero
ito ang unang beses na nakita kong puno ng pag-aalala at pangamba ang mukha ni
Klein.
Wala akong ideya kung sino ang tatlong tao na ito, tanging mata lang nila ang aking
nakikita. Imposibpeng malaman nila ang tungkol sa misyon dahil wala naman kaming
ibang pinagsabihan. But how?
"De Lorgans. Wala akong pakielam, simula na ng bakbakan" Binalutan ni Jacob ng Yelo
ang kanyang kanang kamay at sumugod.
"Patty tapalan mo ang bibig ni Klein. Isama mo yun sa trabaho mo" Pagputol ni Bea.
Muli akong tumingin sa De Lorgans. Habang tinitignan ko palang sila ay alam kong
may masamang prisensya na sa kanila. Inihakbang ko ang kanang paa ko at tsaka
tumakbo.
Panandaliang kumirot ang aking dibdib. Nalulungkot si Jasmin. I don't know the
reason but that's what I felt. Kailangan isantabi ko muna si Jasmin dito. Ako ang
uubos sa labing dalawang De Lorgans.
***---***---***
RIP TO TATAY LARRY, NANAY LENA, FRITZ, GALOPE, ELLA, AT SHIN. Nagkaroon din sila ng
papel sa season 1 (masasabi ko na medyo malako-laki)
SA MGA NAGTATAKA KUNG BAKIT HINDI NAGTAGPO SI JASMIN AT RED. MAGKAIBANG ARAW PO
SILA NAKARATING SA ALKHEMIA. SO MEET THE "DE LORGANS".
So kung nabasa niyo ang ilan sa mga previous chapters, medyo familiar na kayo sa
Arcane :)
***---**
Red
Ngayong kaharap namin ang De Lorgans o tatlong miyembro sa mga De Lorgans, hindi ko
alam ang mararamdaman ko. It was really frustrating lalo na't hindi namin alam kung
sino ang mga nasa likod ng maskara.
Sa totoo lang kahit talo silang nandito, isa lang ang lumalaban sa kanila. Isang De
Lorgans labg ang katumbas naming pito. Tubig ang kapangyarihan niya, same as
Trixie. Pero etong De Lorgan na ito ay bihasang-bihasa.
Akmang patatamaan niya ako ng malaking bola ng tubig ngunit mabilis akong tunalon
patungo sa isang sanga ng puno. Mabuti na lamang at nakokontrol ko ang bigat ko
gamit ang hangin. Lahat kami ay nakaposisyon. Bea and Jacob was in charge of
attacking samantalang ako naman, hangga't maaari ay ako ang sasalo ng lahat ng
atake.
Sumugod si Jacob gamit ang malaking yelong nasa kanang kamay niya. Susuntukin dapat
ito ni Jacob ngunit biglang nakulong si Jacob sa isang higanteng bola ng tubig.
Dali-daling lumabas si Bea at gumawa ng malalaking Ice hail at ibinato doon sa
aming kalaban.
It pissed me off dahil nakamasid lang ang dalawa pang De lorgans na parang sinasabi
na hindi namin sila kalevel. Wala pa sa kalingkingan ng lakas nila ang pinagsama-
samang lakas namin. Nakakaasar.
"Red ilag!" Malakas na sigaw sa akin ni Bea, but it's too late dahil sumaboy na sa
akin ang malaking bilog na tubig dahilan upang ma-out of balance ako at mahulog sa
puno na aking kinatatayuan.
Tumama ako sa ilang sanga at nagkaroon ng galos sa aking pisngi at braso. Pero ang
mas ininda ko ang sakit na naramdaman ko sa aking likod dahil sa malakas kong
paglagapak sa malaking piraso ng bato.
"Camouflage. For the mean time hangga't hindi pa tapos gamutin ni Patty si Trixie
ay itatago muna kita." He speak. "I know nagtataka ka, pero hindi naman yatang
mamatay ang karibal ko rito. Hindi De Lorgans ang malaking paban natin Red... Ang
puso ni Jasmin, hindi kita hahayaang mamatay dito" He said, napangiti naman ako ng
palihim pero agad ding nawala iyon nung makaramdam ako ng matinding sakit sa likod.
Damn, mukhang nabalian yata ako ng buto ah.
I'm just watching kung paano makipaglabas si Bea at Jacob. They protect each other,
si Jacob ang nagsisilbing main attacker habang bina-back up-an siya ni Bea. Hindi
ko alam kung may connection talaga silang dalawa o dahil parehas yelo ang kanilang
kapangyarihan.
Ilang beses sinusubukan na suntukin ang De lorgans na kalaban namin, ngunit ni-isa
ay walang tumatama. Tumalon palayo si Jacob. "Bea!" Pagtawag niya sa dalaga.
Ilang minuto pang tumagal ang labanan at kita ko na ang pagod sa mukha ni Bea,
unlike Jacob na may strong stamina. Inilabas ng De Lorgans na kalaban ang kanyang
Alchemy weapon, it was small box... Not just an ordinary box, nabasa ko na ito
dati. Kaya ng maliit na box na yun na mag-form sa kahit anong weapon.
Our enemy's classification job was MAGI. Kinokontrol niya ang kahon na iyon gamit
ang kanyang magi. It was one of tge rarest classification job.
Napakagat ako sa ibabang labi ko, wala kaming chance manalo. "Tapos na ako kay
Trixie" Biglang tumakbo sa direksyon namin si Patty, "Saan ang pinakamasqkit nq
parte Red? Yung major injury muna ang gagamutin ko" Pagtatanong ni Patty.
Itinuro ko ang aking likod. "Maiwan ko na kayo" Tumalon paitaas si Charly and
naghanap ng matataguan. Humahanap lang si Charly ng tamang tiyempo kung paano niya
made-deceive ang kalaban.
Pinagmasdan ko muli ang labanan sa kabilang banda. It was really intense, ginamit
na rin ni Bea ang kanyang classification job which is being battle mage. It
strengthen her magics pero hindi rin ito magtatagal dahil parehas na silang pagod
ni Jacob.
Ginamit na rin ni Jacob ang kanyqng classification job which is Viken. May hawak
siyang isang mahawak na scythe na nababalutan ng yelo.
Yung De lorgans nilang kalaban ay tanging galos lang sa kaliwang balikat ang natamo
sa kanina pang labanan. "Wala bang mas mabilis na paraan Patty upang mawala yung
sakit?" I asked on her.
"Patty, nahihirapan na ang mga kasamahan natin! We need to do something about it" I
shouted on her.
She bit her lower lip bago nagsalita, "Mayroon. Pero hindi ito makakabuti sayo Red"
"Kaya kong pamanhidin ang buong katawan mo for 5 minutes. Wala kang mararamdaman na
sakit kahit ano, pero after 5 minutes... Doon mo matitikman ang consequence ng
iyong ginawa" Pagpapaliwanag sa akim ni Patty. Nung tinignan ko sina Jacob at Bea
na nahihirapan sa pakikipaglaban...
"Red alam mo ba ang sinasabi mo? It will be hard for you" Nanatili akong nakatitig
sa kanyang mata na parang sinasabi na seryoso ako sa mga binitawan kong salita. "Oh
sige, pero Red, limang minuto lang ito"
Habang naghahanda si Patty ay isang malakas na sigaw ang aking narinig. Napalingon
ako sa pinanggalingan nito, si Jacob, may malaking saksak sa tagiliran. "Jacob!"
Malakas na sigaw ni Bea at lumapit kay Jacob na namimilipit sa sakit.
"E-eto na" May ibinigay siyang maliit na medicine tablet sa akin. "Sa oras na
inumin mo 'yan ay wala ka ng mararamdamang sakit. Pero Red, hindi pa lubusang
magaling ang injury mo sa likod mo... Baka sumakit ng todo ang katawan mo after 5
minutes"
"Five minutes was enough" Sabi ko at tumayo, inilabas ko ang Alchemy weapon ko at
mabilisang sumugod sa De Lorgan naming kalaban. "Bea! Dalahin mo si Jacob kay
Patty" I command.
Aatakihin ko sana ng espada ang aking kalaban ngunit mabilis na naging espada ang
box na kanyang hawak at sinangga ang aking atake. Tanging mata niya lang ang aking
nakikita. Kung makikita ko lamang ang kanyang mukha sa likod ng kabyang maskara.
Sinipa niya ang aking paa dahilan upang mapahiga sa maputik na bahagi na bahagi,
akmang sasaksakin niya ako ngunit mabilis akong umikot at tumayo. I will not let
him win, Ipaghihiganti ko ang mga kasamahan kong sinaktan niya. Ginamit ko ang
hangin at mabilis siyang sinaksak kaso ay mabilis din siyang nakailag at nasugatan
niya ako sa aking braso.
"Red!" Sigaw nung iba. Pero wala akong sakit na nararamdaman, totoo nga ang sinabi
ni Patty. My body was numb.
Napatayo ako sa isang gilid at hinabol ang aking paghinga. Nakatingin pa rin ako sa
kanya, maya-maya ay biglang may tumabi sa akin. "Kailangan mo ng tulong?"
Pagtatanong ni Klein.
He was furious this time. Kulay asup ang kulay ng kanyang mata. Mukhang parehas
lang kami na gustong iganti ang mga nasaktan naming kaibigan. "Hindi ako kasali sa
Raven Clan para sa wala" He smirked
**--**
Jasmin
Akay-akay ko ang batang si Wei at matindi ang kapit niya sa laylayan ng aking
damit. Kinuha ng mga officers ang bangkay nina nanay Lena at sila na raw ang bahala
dito. Hindi man lang sila binigyan ng maayos na burol. Kung bakit? Dahil mahirap
sila. Hindi sila priyoridad sa Alkhemia dahil hindi naman sila ang nagpapasok ng
pera upang umunlad ang bayan.
Naglalakad lang kami ni We patungo sa main street. Pinahid ko ang luha na tumulo sa
aking mata nung makita ang kalagayan ni Wei. He become emotionless, nakatulala na
lamang siya at wala ng pakielam sa mangyayari sa kanya. Simula nangyari ang
pagkamatay nina nanay Lena, hindi na muling ngumiti si Wei. Ang masayahing bata na
si Wei.
"Magiging okay din ang lahat" Pagpapalakas ko sa kanyang loob. "Isasama kita. Ako
ang mag-aalaga sayo, babangon tayo Wei" Yinakap ko siya ng mahigpit.
"Ate... Gusto ko ng mamatay. Wala na akong rason para mabuhay pa. Dapat pinatay na
lang din nila ako" Paiyak na muling sabi ni Wei. Lubhang napakahirap para sa isang
bata ang dinadanas ni Wei.
"Magiging matapang ka Wei. Ano nga ulit ang sinasavi sa iyo ni tatay Larry dati?"
"Tumahan ka na, nandito pa si Ate Jasmin para sa iyo" Kinarga ko siya at naglakad
kqmi patungo sa tagpuan namin nina Charmaine.
Napatigil siya nung makita ang aking hitsura pati na rin ang batang karga-karga ko.
"Anong nangyari Jasmin! May nanakit ba saiyo?"
"Sina nanay Lena, Charmaine... Wala na sila" Pinigilan kong umiyak ngunit ayaw
makisama ng aking mata, kusa pa rin dumaloy ang luha mula rito. Alam ni Charmaine
ang tungkol dito at alam niya rin kung gaano sila kaimportante sa akin. Madalas
kong ikwento sa kanila iyon.
Tinitigan ako ni Charmaine na may lungkot sa kanyang mata. She hugged me tightly
kasama si Wei. "Hindi na ako magsasalita pa. Alam kong kailangan na kailangan mo
ang yakap ko" She said.
"I'm sorry to hear that," Sabi ni Harly. "Pero anong gagawin mo sa batang kasama
mo? Hindi maaari ang batang katulad niya sa lugar natin"
Nakatulala lamang si Wei at walang pake kung saan man siya mapunta. Pakiramdam ko
nga ay buhay si Wei ngunit patay na patay siya sa loob. Isa itong napakalaking
challeng para sa pitong taong gulang gaya ni Wei.
"Isasama ko siya. Walang ibang mag-aalaga kay Wei, ako na lang ang itinuturing
niyang pamilya" I bravely speak.
"Pero Jasmin mahihirapan kang ipasok ang batang iyan pabalik ng Altheria" Paalala
ni Harly. Hindi naman sa nagsusungit Harly, alam ko namang nag-aalala din siya kay
Wei lalo na sa akin. "Pwede mo naman siyang dalhin sa mga ampunan at bisitahin"
"Ayoko. Hindi ko iiwan si Wei, ako ang mag-aalaga sa kanya. Pipilitin ko si Mrs.
Evelyn"
Tumango ako sa kanya. Kung sino man ang mga taong naka-maskarang iyon, magbabayad
sila sa ginawa nila sa pangalawang pamilya ko.
***---***
Puputulim ko muna diyan. Haha! Masyadong mahaba ang ideya ko pero hindi ko kaya i-
type ng isang chapter lang lahat. (Tamad kasi lol)
"Update na po"
"UD na"
Hindi nakakagana guys. Nakakatamad lang lalo. I'm trying my best para mag-UD ng
mabilis pero estudyante rin naman ako. May pag-aaral akong hindi maaaring pabayaan
dahil lang sa hobby ko. Hope you understand :)
Ilang beses na rin kaming nagsama ni Klein sa practice, ilang techniques na ang
aming nasubukan at masasabi kong may teamwork na kaming dalawa. Si Klein yung tipo
ng tao na sobrang seryoso pagdating sa labanan. Ang kailangan lang naming gawin
ngayon ay i-apply ang ang mga sinanay naming dalawa.
Nagbago ng anyo ang box na hawak ng kalaban naming De Lorgans at naging dual knife
ito. Wala akong ideya kung sino ang nasa likod ng kanyang maskara, basta ang tangi
ko lamang alam ay tubig ang kapangyarihan niya at magi ang classification job niya.
"Onse" Bigkas ni Klein sa akin habang nakatingin kami sa De Lorgans naming kalaban.
Naka-defense position kaming dalawa habang hinihintay ito na lumapit sa direksyon
namin.
"Ano?"
"Tignan mo ang maliit na burda sa gilid ng kanyang cloak" Bulong sa akin ni Klein
at mas naging observant ako this time. Number 11.
Nagulat kaming dalawa ni Klein ng biglang may rumaragasang tubig ang tumungo sa
aming direksyon, agad kaming tumalon sa magkabilang direksyon para umiwas dito.
"Red!" Malakas na sigaw ni Klein.
Ibig sabihin lamang nito na kailangan ko ng gumawq ng buhawi. Mas mabilis na akong
nakakagawa ng mas malaking buhawi kumpara noon. Mas kaya ko na 'tong kontrolin ng
mas matagal. Malakas na hangin ang bumalot sa buong paligid.
Akmang lalapit sa amin si Onse ngunit napatigil siya nung may biglang bumaril sa
kanyang tuhod. Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Trixie. Okay na nga pala siya dahil
tuluyan na siyang nagamot ni Patty, pero ang iniisip ko ngayon ay ang kalagayan ni
Jacob. Sobrang pinsala sa kanyang katawan ang kanyang natamo.
Akala ko ay gagawin ni Klein ang fire Tornado ngunit nag-summon siya ng isang fire
dragon. Umikot ang fire drqgon sa ginawa kong buhawi kaya mas lalong kumalat ng
apoy. Klein's idea was no joke. His every single idea pagdating sa mga labanan ay
talaga namang nakakamangha. Malaki talaga ang advantage na nasama sa misyong ito si
Klein.
"Trixie patayin mo ang apoy!" Utos ni Klein. Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil
hindi ko alam ang mga pumapasok sa utak niya "tatakas tayo. We don't have chance to
win this time at isa pa, nasa hindi magandang kondisyon si Jacob... At ikaw" Sabi
ni Klein.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil unti-unti ko na ngang naramdaman ang sakit.
Gumapang ang sakit sa buo kong katawan. Napaupo ako dahil sa sakit at mabilis
naman akong inalalayan ni Klein. "Trixie gawin mo na!"
Trixie use all her strength para mapatay ang mga apoy na ginawa ni Klein. Now I
know kung bakit iyon ginawa ni Klein. Nagkaroon ng mga fogs sa buong paligid dahil
sa pag-angat ng usok mula sa lupa. "Halika na. Ang genius ko 'no? hehe" Klein
smiled at me. Pinasan niya ako sa kanyang likod.
Pumunta kami sa banda nila Patty at doon kaming naipon lahat. "Halika na hangga't
makapal ang usok" sigaw ni Klein.
"Pero paano si Jacob? Hindi natin siyang pwedeng iwanan" Nag-aalalang sabi ni Bea
dahil dumarami na ang dugong nawawala sa kanya.
"Don't worry I'm here" Sabi ni Charly at pinasan niya sa likod niya si Jacob.
"Halika na"
Nagsimula silang tumakbo habang ang iba sa amin ay pasan-pasan ng iba. Lahat kami
ay tumutungo sa norteng bahagi ng bundok. Hindi namin alam kung saan kami pupunta,
basta ang gusto lamang namin ay makalayo sa mga De Lorgans. I will admit it, wala
kaming laban sa kanila. They are far way better than us. Pito kami samantalang isa
lang ang kalaban namin at hindi pa namin ito lubhang nasugatan. Kahihiyan kami sa
Altheria.
Mabilis silang tumatakbo habang ako naman ay napapakagat sa ibabang labi ko dahil
sa sakit na aking iniinda. Hindi ko na sinubukang gumawa ng ingay dahil sa oras na
sumigaw ako sa sakit ay maaaring matunton nila kami.
"Hin--" Naputol ang sasabihin ko ng biglang may bumubulusok na palaso ang mabilis
na sumusugod tungo sa aming direksyon. "KLEIN YUKO!" Malakas kong sigaw, naglikot
naman ako sa kanyang likod para ma-out of balance siya.
Naiwasan naming dalawa ang palaso. Hindi maaari, alam nila kung nasaan kami ngunit
hinahayaan lang nila kaming tumakas. Pinaglalaruan lamang nila kami.
Naiwasan namin ni Klein pero yung mga nasa harap namin... Hindi. Isang malakas na
daing galing kay Patty ang aming narinig. Hindi siya nagtangkang sumigaw dahil alam
niya ang aming sitwasyon. Nakabaon ang palaso sa kanyang tiyan at tagusan ito.
Gusto kong magmura dahil sa mga nangyayari.
We're all in not good shape and this is dangerous, baka hindi pa kami nakakarating
a raven clan ay malagutaj na kami ng hininga. "Patty ayos ka lang ba?" Pagtatanong
ni Bea habang inilalayan sa balikat si Patty. Umaagos ang dugo mula sa kanyang
kanang bahaging tiyan. Mariin na napakagat sa labi si Patty nung sinibukan niyang
tqnggalin ang palaso.
"Masama 'to, magtago muna tayo" Sabi sa amin ni Charly. "Kung magpapatuloy tayo ay
baka hindi lang kayanin ng ating katawan"
Sinundan naming lahat si Charly at nagtago kami sa masukal na bahagi ng gubat.
Hindi ito malayo sa kinatatayuan namin kanina dahil nga sa aming kalagayan. "Jacob
ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Bea. Sinubukang ngumiti ni Jacob pero
mariin siyang napakagat sa kanyang ibabang labi nung maramdaman niya ang kirot sa
kanyang sugat.
Natanggal na ni Patty ang palasong bumaon sa kanya. "F*ck may lason" Mahinang
reklamo ni Patty. Sa isang parte ng palaso ay may nakarolyong papel.
Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa inis. Alam ko naman kung sino ang
kanilang tinutukoy, siya lang naman ang babaeng pumukaw sa atensyon ng lahat ng
Alchemist-- si Jasmin. Ang babaeng nakasira sa isang malaking kastilyo gamit ang
isang mahika. Pero t*ng ina lang, hindi ko alam na malalaman nila ang tungkol sa
misyon... Puwera na lamang kung may miyembro ang De Lorgans sa loob ng Altheria.
Ayokong maghinala sa mga tao sa Altheria Academy pero lahat ng bagay ngayon
posible.
Sinubukan kong tumayo ngunit lubhang napuruhan ang aking likod, dagdagan mo pa ang
ilang malalalim na sugat na aking natamo habang nakikipaglaban kay onse. "Huwag mo
ng subukan tumayo, just stay on your position" Wika sa akin ni Patty. "Gagamutin ko
lang si Jacob"
"Pero Patty, unahin mo muna ang sarili mo. May lason ang palasong tumama sa iyo"
Nag-aalalang sabi ni Trixie.
"Pero kung uunahin ko ang sarili ko, mamamatay si Jacob" Naiiyak na sabi ni Patty.
"Tungkulin naming mga healer ang magligtas ng buhay. Hindi ko kakayanin na may isa
sa atin ang mawala"
Pero Patty kapag ipinagpatuloy mo iyan ay ikaw ang mawawala. "Stop it Patty--"
Itinapat ni Patty ang kamay niya kung saan napuruhan si Jacob. "Hindi, gagawin ko
'to. Malayo pa tayo sa bayan ng Norton. Walang ibang magliligtas sa atin kun'di
ako" Napaubo si Patty at may kasama itong dugo. Matulin na kumakalat ang lason sa
katawan niya.
"May antidote ba tayo d'yan?" Sabi ni Bea habang kinakatikot ang ilang gamit na
aming nabitbit. Hindi lahat ay nadala namin dahil naiwan ito sa mismong
pinaglabanan namin. Sa kabutihang palad ay may nakitang antidote si Bea sa bag ni
Trixie. "Eto... Eto Patty inumin mo ito" Bakas ang takot sa kanyang boses.
Habang nasa practice kami ay ang sabi namin sa aming mga sarili ay iiwasan naming
mag-panic sa mga hindi magagandang sitwasyon at pipilitin naming kumalma. Pero iba
pala kapag aktwal na itong nangyayari, iba pala kapag totoo na ang lahat. Magpa-
panic ka talaga dahil buhay ng bawat isa ang nakasugal, totoong nasa pahamak ang
aming mga buhay.
Ininom ni Patty ang antidote ngunit makalipas lang ilang segundo ay napaubo na
naman siya ng may kasamang dugo. Hindi tumalab ang antidote. Hindi tumigil si Patty
sa paggamot niya kay Jacob. She's doing her best para makaligtas si Jacob. But her
life was in danger right now.
Sa sinabing iyon ni Klein, doon kong napagtanto na bobo nga ako. Pakiramdam ko ay
matalino ako dahil nasa puder kami ng Altheria, ngunit ngayong nasa labas kami...
Ang mangmang ko, wala man lang akong ideya na maaaring mangyari ang ganitong bagay.
Naikuyom ko ang aking mga palad at pinipilit na huwag bumagsak ang aking mga luha.
Ang bobo ko. Ang bobo ko.
"M-magiging okay na si Jacob" Medyo hirap ng magsalita si Patty. Umubo siyang bigla
at nagtalsikan ang dugo sa suot na damit at balat ni Jacob. Namumutla na rin ang
kanyang kulay ng balat. "Red, gagamutin ko na 'yang likod mo" Wika niya sa akin.
Itinapat niya ang kamay niya sa aking likod. "Patty itigil mo na 'yan..." Mas
lalong dumiin sa pagkakakuyom ang aking palad at tuluyan na ngang bumagsak ang mga
luha sa aking mata.
Saglit na nawala ang liwanag sa kamay ni Patty at lumuluha ang kanyang mata habang
nakatitig sa akin. "Alam ko sinubukan naman natin gamutin gamit ang antidote 'diba?
Kaso ay hindi tumalab Red, ibig sabihin lamang nito na hindi basta-bastang lason
ang kumakalat sa buong katawan ko"
Muli siyang napaubo at nagtalsikan ang mga dugo sa aking katawan. "Mamamatay na 'ko
Red. Gusto mo ng totoo? Mamamatay na ko!" Napahagulgol ng iyak si Patty. "Please...
Hayaan niyo ako na gawin ang trabaho ko sa huling pagkakataon" Dugtong niya.
Eto ang unang beses na nakita ang sakripisyo ng isang healer. Napapaagaling niya
kami, ngnit siya ay walang kakayahan na tulungan ang kanyang sarili. She can't heal
herself. Itinuloy ni Patty ang kanyang ginagawang paggamot sa akin.
Hindi naman sa hindi kayang gamutin ng isang healer ang kanyang sarili pero hindi
sapat ang kaalaman at kakayahan ni Patty upang gamutin ang isang mataas na klase ng
lason.
Lahat kami ay naiiyak sa nangyayari. Tama nga ang sinabi ni Klein, eto ang totoong
mundo sa magical world. Hindi ito kasing ganda tulad ng iniisip namin, hindi ito
kasingpayapa tulad ng iniisip namin. It was a nightmare, it was a real survival.
"We need to run, I can't hod it anymore" Napapakagat sa labing sabi ni Charly at
puno na ng pawis ang kanyang mukha. He's overusing his magi.
Maya-maya ay isang malakas na pag-ubo ang narinig ko galing kay Patty, parang isang
tubig na isinaboy sa akin ang dami ng dugo ng lumabas kay Patty ngayon. Nabalutan
ako ng pulang dugo galing kay Patty. Hindi pa niya natatapos ang paggamot sa akin
ay unti-unting bumagsak ang katawan niya sa damuhan na kinauupuan namin. Parang
nag-slow motion ang lahat.
"Patty!" Inalog-alog ko ang kanyang balikat. Hindi ko na pinansin ang medyo masakit
ko pang likod. "Patty!" Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko inaasahan na
mababawasan kami ng kasamahan.
Napaiyak kaming lahat dahil si Patty ang pinaka naghirap sa aming lahat. We lost
our healer.
"Guys kailangan na nating umalis dito. Mukhang hindi na sila nakasunod sa atin"
Sabi ni Charly at tinigilan na ang paggamit ng kanyang Magi. Tumayo siya at
naglakad patungo sa norte. "Kailangan nating diretsuhin ang lugar na ito upang
makarating sa Norton"
"Iniisip mo ba talaga na wala akong pake? Red nasaktan din ako!" Tinignan niya ako
at may puhang tumulo sa kanyang mata. "Pero Red kung hindi tayo magpapatuloy,
maaaring hindi lang si Patty ang mawala. Pumayag tayo sa misyong ito, pumayag
tayong itaya ang buhay natin para kay Jasmin. Red, kaipangan nating mapagtuloy,
Alam komg iyon din ang gusto ni Patty.
Binuhat ko ang katawan ni Patty. Medyo sumakit ang likod ko pero kumpara naman sa
naranasan ni Patty kanina... Walang-wala ang sakit na ito. Wala ito sa kalingkingan
ng sakit na naramdaman ni Patty. "Red!" Mahinang sigaw ni Trixie.
"Hindi natin pwedeng iwanan si Patty rito. Bibigyan natin siya ng maayos na libing"
Wika ko sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagpatuloy kami sa paglalakbay ng puno ng sakit ang aming dibdib. Sinimulan namin
ito ng pito, ngunit nagpapatuloy kami ngayon bilang anim.
***---***
So guys puputulin ko muna ulit siya dito... So say goodbye to Patty. Haha! Next up
naman is yung side nila Jasmin. :)
GUYS, KUNG MAY TWITTER, FACEBOOK, INSTAGRAM KAYO... KINDLY USE THE HASHTAG
#Altheria20 TAKE NOTE NA CAPITAL YUNG "A"
So in that way, nakikita ko yung mga reaction niyo and post about sa Altheria. :)
Malapit na ang midterm namin so asahan niyo na babagal ng kaunti anh update, sana
ay magbigay kayo ng nakakasiglang comments :) huwag yung mga comments na magiging
dahilan upang lalo akong tamarin mag-type (lol)
Thanks for your inspiring comment. Nakakagana talaga, ang sarap sa pakiramdam na
masabihan ng tamad at mamura ng malutong.
Mas inuuna ko kasi pag-aaral ko ke'sa sa hobby ko eh. Sorry ha? Tamad talaga ko.
Kaya ikaw mag-aral ka na lang din ke'sa nagmamayabang sa wattpad.
***---***
Red
"You did a great job" Wika ko sa walang buhay na katawan ni Patty habang
inaalalayan akong tumayo ni Klein. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin gumagaling
ang injury ko sa likod. Kinakailangan naming makarating sa susunod na bayan upang
mapatingin ito pati na rin ang kalagayan ni Jacob.
Pinahid ko ang aking luha ko at inilagay ang isang puting rosas sa dibdib ni Patty.
She did a great job. Ginawa niya ang parte niya bilang isang healer, wala siyang
pinabayaan sa amin ni-isa. Pero kami... Pero kami... Hindi man lang namin siya
nailigtas. Wala kaming nagawa kun'di panuorin siyang mamatay sa harap namin.
Napaiyak na kaming lahat nung sinimulang tabunan ng lupa ni Charly ang walang buhay
na katawan ni Patty. Sisiguraduhin kong magbabayad ang lahat ng De Lorgans na 'yan.
"Ako ang uubos sa kanila" Bulong ko sa sarili ko at narinig naman ito ni Klein
dahil siya ang umaakay sa akin.
"Halika na" Wika ni Jacob. Mabuti na nga lamang ay nagising na siya kani-kanina.
Mukhang naging successful naman ang ginawang panggagamot sa kanya ni Patty pero
kailangan pa rin naming magpatingin sa mga healer sa bayan ng Norton upang
masigurado ang aming kalusugan. "May misyon pa tayong dapat tapusin" Walang
emosyonna dugtong niya pa.
Naging tahimik ang sunod naming paglalakbay. Pati ang dalawang maloko na si Jacob
at Klein ay walang kibo. Katahimikan lang ang bumabalot, isang nakakabinging
katahimikan. Ganito pala ang pakiramdam ng mamatayan ng malqpit sa iyo... Ang hirap
paniwalaan na wala na ang kanyang prisensya.
Habang naglalakad kami qy biglang may naramdaman akong matinding kirot sa aking
dibdib. Napaluhod ako sa damuhan at napapaimpit sa sakit.
"P-papel! Pahinging p-papel" Nanghihina kong bigkas habang hinahabol ko ang sarili
kong paghinga. Paniguradong may kinalaman na naman dito ang nga De Lorgans, si
Jasmin naman talaga ang mismong pakay nila. Gagawin nila ang lahat upang makita ang
kapangyarihan ni Jasmin.
"Para saan?" Pagtatanong ni Bea. Pero mas lalong kumirot ang aking dibdib.
Matinding kaba na ang nararamdaman ni Jasmin ngayon. Natunton na kaya siya ng mga
De Lorgans? Pero imposible dahil nasa loob ng Altheria si Jasmin.
"Si Jasmin ang pakay ng mga De Lorgans. Kailangan nating magpadala ng liham sa
Altheria" Wika ni Charly na parang nabasa ang tumatakbo sa aking isipan.
Inabutan naman ako ni Trixie ng lapis at papel upang doon gumawa ng liham. Imbes na
kay Mrs. Evelyn ko ipadala ang sulat ay mas pinili kobg ipadala ito kay Hades, si
Hades lang ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng mga masa Altheria ngayon. Bahala na
si Hades kung nais niya itong sabihin sa pamunuan ng Altheria. Alam kong gagawin
namab ni Hades ang kanyang makakaya upang iligtas si Jasmin.
Nag-cast ako ng spell sa may papel at hinayaan ko itong tangayin ng hangin. Alam
kong makakarqting ang liham na ito sa Altheria. "Halika na, ipagpatuloy na natin
ang paglalakbay" Wika ko sa kanila at pilit ko pa ring hinahabol ang aking
paghinga.
***
Jasmin
Ilang beses din na tinatanong ni Charmaine kung ayos lang daw ba ako. Alam niya
kasing maaaring nasaktan ako emotionally dahil sa biglaang balita na sumalubong sa
aking kanina. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala" Iyan ang paulit-ulit na naging
tugon ko aa kanyang tanong... Which is not true. Hanggang ngayon ay masasaktan pa
rin ako. Ngunit pinipilit ko lang maging matatah para kay Wei.
Gusto kong makita ni Wei na malakas ako, gusto kong panghugutan ako ngayon ng lakas
ni Wei.
Habang naglalakad kami ay iniharang Harly ang kanyang kamay sq amin na parang
sinasabi na huwag kaming magpatuloy. "Bakit Harly? May problema ba?" Pagtatanong ni
Charmaine.
"May nakasunod sa atin" Wika ni Harly kaya naman saglit kaming napatugil ni
Charmaine at may kabang gumapang sa aking katawan. Maaaring yung taong nakaitim at
may puting maskara ang aming muling makita.
"Anong gagawin natin Harly? Kailangan nating protektahan si Wei" Nag-aalala kong
sabi. Gusto ko mang harapin ang mga taong nakasunod sa amin ay hindi ko magagawa
dahil hindi ko na gugustuhin na makakita pa ng brutal na senaryo si Wei. Ang
kalagayan muna na bata ang aking iniisip.
Tumingin si Wei sa akin. "Hayaan niyo na lang akong mamatay ate Jasmin" Napakunot
ang noo ko sa kanyang sinabi. Sinong pitong taong gulang ang gugustuhin na mawala
siya sa mundong ito.
Saglit akong umupo upang maging magkasingpantay kami. "Wei huwag mong sinasabi
'yan. Hindi ka mamamatay, okay?"
"Pero ate wala na akong pamilya... Wala na rin akong pupuntahan. Kumpara sa buhay
niyong mga taga-Altheria, basura na lang itong buhay lo" Muling naiiyak si Wei.
"Maiiwan na lang po ako rito" Sabi ni Wei. "Umalis na po kayo ate Jasmin"
"Wei naririnig mo ba ang sarili mo? Halika na!" Pilit ko siyang hinatak at kinarga
ko na siya. "Harly, mag-iingat ka" Huli kong bigkas sa kanya at ngumiti naman sa
akin si Harly.
"Jasmin. Bilisan nating maglakad" Wika ni Charmaine. Bakas sa mukha nito ang kaba,
kahit sobrang maldita ni Charmaine ay marunong din naman siyang matakot. "Kung may
masakit sa iyo sabihin mo lang sa akin"
Habang naglalakad kami ay isang malakas na pagsabog ang aming narinig at napaupo
kaming tatlo sa lapag. "Takbo!" Narinig naming sigaw ni Harly.
Mabilis kong hinatak ang kamay ni Wei at tinulungan kong tumayo si Charmaine.
"Kailangan na nating makaalis dito" Wika ko. Siyempre nag-aalala ako kay Harly,
pero naniniwala ako sa kanya. He is smart enough para matakasan ang ganitong
klaseng labanan.
"Bilisan natin! Jasmin wala na tayong oras" Sabi ni Charmaine at muli naman kaming
tumakbong dalawa.
Grabeng kaba ang kumakabog ngayon sa aking dibdib. Gumagapang ito mula sa aking paa
hanggang sa aking likod. Habang tumatakbo kami ay biglang may isang nakaputing
maskara at itim na cloak ang bumaba galing sa puno. May burda sa gilid nito. "7"
(Siete)
Napatigil kami sa pagtakbo ni Charmaine at napayakap naman ako sa batang si Wei.
Gusto kong sumigaw ngunit sa 'di kalayuan ay sunod-sunod na pagsabog ang aking
naririnig. Nagba-vibrate nga ang lakas nito sa lupa.
"Sa wakas nagkita rin tayo... Jasmin" Sabi nung taong naka-maskara. Hindi ko nga
ma-distinguish kung babae ba ito o lalaki dahil nakukulob ang kanyang boses sa
maskara niyang suot. Ibig sabihin ay ako nga ang habol nila.
Parating ako na lang ba ang mabibigay ng problema sa mga kasamahan ko. Ano bang
mayroon sa katawan ko? Anong klaseng mahika ba ang mayroon ako? Hindi ko ito
ginusto. Hindi ko ginustong nawawala ang mga taong mahahalaga sa akin dahil lang sa
kapangyarihan ko.
Inihakbang ni Siete ang kanyang paa. "Huwag kang lalapit!" Mabilis na pigil ni
Charmaine. "Walang ibang makakapanakit sa kaibigan ko" Wika niya at iniharang niya
pa ang kanyang kamay na parang pinoprotektahan ako.
"Charmaine wala pang ilaw ang kwintas mo. Mapapahamak ka lang, halika na tumakbo na
lang tayo" Pagpupumilit ko sa kanya ngunit nakatuon lang ang kanyang paningin sa
taong kaharap namin at matalim na titig ang kanyang pinupukol.
"Anong kayang gawin ng babaeng kaya mo?" Mahinang tumawa si Siete na parang nang-
aasar.
"Sorry Jasmin kung hindi ko ito sinabi sa iyo" Sabi ni Charmaine. Tinanggal ni
Charmaine ang kwintas niyang may patay na kulay at may kinuha sa kanyang bulsa--
isang panibagong kwintas ngunit sa pagkakataong ito ay may kulay dilaw ng ilaw ito
sa loob. "Matagal ng may kislap ang kwintas ko. Hindi ko lang sinasabi sa iyo dahil
ayokong ma-left out ka... Ayokong maramdaman mo na nag-iisa ka kasi kaibigan kita"
Nagulat ako sa mga sinabi ni Charmaine pero mas naintindihan ko siya. Yung effort
niya na samahan ako na walang ilaw ang kwintas naming dalawa... Kahit nagpapanggap
lang siya, na-appreciate ko iyon at mas napatunayan kong tunay na kaibigan ko si
Charmaine.
***---***
Haha medyo hindi rin ako sanay na intense ang mga nangyayari sa Altheria (LOL).
Pero sana'y patuloy niyo siyang suportahan at balalapit na rin ang pagwawakas ng
season 2... So malapit ng mag-start ang season 3 pero ibubukod ko na siya sa ibang
book.
Please guys don't forget to vote and comment. Excited akong mabasa ang mga
reactions niyo :)
Akmang ihahakbang ulit ni Siete ang kanyang paa ngunit mabilis na nagpakawala ng
kidlat si Charmaine. Bakas ang takot sa mukha ng kaibigan ko at nanginginig din
siya. Ito ang unang beses na mapapalaban siya.
Kinabahan din ako para kay Harly dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos
ang malalakas na pagsabog na aming naririnig sa kalagitnaan ng gubat. Sana ay ayos
lang si Harly.
"Charmaine tumakbo na tayo" Wika ko sa kanya at hinaltak ang long sleeve na uniform
na kanyang suot. Pero instead na pansinin ako ni Charmaine ay nakatayo pa rin siya
sa kanyang kinatatayuan.
"Bakit ko naman sasabihin sa iyo?" Siete replied, I still can't distinguish kung
babae ba siya o lalaki dahil sa kulob niyang boses. But his plyful voice irritates
my ear.
Nung tumingin ako kay Siete, wearing a black cape and white mask. Bigla kong
naalala si Wei, sila ang mga taong nakita ni Wei na pumatay kay tatay Larry at
nanay Lena. Tumingin ako sa mukha nung bata, nakakuyom ang kanyang mga palad at
puno ng galit ang mga mata ni Wei.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat! Ikaw!" Tumakbo sa direksyon ni Siete at huli na
ang lahat upang mapigilan ito. Bata lang si Wei, hindi ko siya masisisi kung
makagawa siya ngmga reckless actions.
"Malakas na sinampal ni Siete ang batang si Wei dahilan upang mapadapa ito sa
makapal na bush. "Wei!" Pagsigaw ko sa kanyang pangalan.
Akmang tatakbo na ako papalapit ngunit pinigilan ako ni Charmaine. "Dya'n ka lang
sa likod ko. Ikaw ang pakay niya, hindi natin alam ang kaya niyang gawin" Pero...
Si Wei. Ayokong mawala si Wei.
"Ang talino mo naman pala talaga bata, akalain mong nabuhay ka pa sa ginawa naming
pagpatay sa pamilya mo. Anong pakiramdam? Ulila ka na ngayon" Pansusulsol ni Siete
kay Wei. Dahan-dahang bumangon si Wei, namumula ang pisngi nito dahil sa sampal.
"K-kasalanan mo ang lahat! Kasalanan mo! Masama kang tao" Umiiyak na tugon ni Wei.
Ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni Wei... Bakas dito ang galit ng isang anak,
isang anak na kinuhanan ng magulang.
Biglang may mga lumabas na ugat sa mahabang cloak ni Siete, it means na parang
katulad kay Carlo ang kanyang kapangyarihan, katulad ni Carlo, nature din ang
kanyang kapangyarihan.
"Huwag mong sasaktan si Wei!" Malakas kong sigaw. "Huwag mong idamay ang walang
muwang na bata rito. Huwag mo na siyang idamay sa mga kaguluhan na nangyayari"
Pakikiusap ko. Walang kasalanan si Wei rito. Ako ang habol nila at hindi si Wei.
Tumingin sa akin si Siete. Ang mga nakakakabang titig ng kanyang mga mata, hindi ko
man nakikita ang kabuuan ng kanyang mukha ngunit sapat na ang mata na 'yon upang
sindakin at takutin ako. Inihagis ni Siete si Wei tungo sa aming direksyon.
Mabilis kong niyakap si Wei. Hindi ko magawang magalit kay Wei, bata lang siya,
normal lang ang makagawa ng mga reckless actions. Hindi mawawala sa kanya ang bagay
na iyon.
"Jasmin magtago ka" Wika ni Charmaine sa akin at mas lumakas ang kuryenteng nasa
kanyang palad.
"Pero Charm--" Hindi na natapos ang aking sasabihin ng biglang may nagtataasang
matutulis na ugat ang biglanh lumabas sa lupa. Mabilis na tumalon si Charmaine dito
upang makaiwas.
Napapakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa kaba para sa aking kaibigan. It was
intense fight. Medyo napapapikit ako ng mata dahil sa liwanag na produkto ng
kidlat. Ilang beses na sinubukan ni Charmaine na patamaan si Siete ng makailang
besee ngunit parati naman siyang nabibigo.
***
Charmaine
Medyo hinihingal na ako dahil sa paglaban dito sa siete na ito. It was really hard
for me pero gusto kong protektahan si Jasmin. Siya ang kauna-unahang naging totoong
kaibigab ko sa Altheria Academy bukod sa aking kakambal. Gusto kong suklian ang
lahat ng kabutihan niya at pag-intindi sa akin.
To be honest, hindi patas ang nagiging laban ngayon dahil beginner lang ako
pagdating sa paggamit ng magi. Limited lang ang oras na nakakapag-practice ako
ngunit itong si Siete ay mukhang bihasang-bihasa na. Bwisit na taong nakamaskara
'to.
Naramdaman ko ang medyp pag-uga ng lupa na tinatapakan ko kaya naman mabilis akong
tumalon ng malakas at kumapit sa isang sanga ng puno. As expected, may
naglalakihang mga ugat ang lumabas mula sa lupa na iyon.
Habang nakakapit ako sa sanga ay nagulat na lamang ako ng may malking sanga pa ng
puno ang humampas sa aking likod. Napasigaw ako sa sakit at nahulog sa puno.
"Charmaine!" Malakas na sigaw ni Jasmin habang mahigpit na yakap ang batang si Wei.
"H-huwag kang lalapit" Nahihirapan kong sabi. Unti-unti akong tumayo para maiwasan
na mag-alala si Jasmin, pero sa totoo lang ay mukhang napuruhan ako sa hampas na
iyon. "Okay lang ako" then smile at her.
Ilang beses ba akong tinutulungan ni Jasmin at sa mga tulong na iyon, wala man lang
akong narinig na reklamo mula sa kanya. All the projects, assignments, and mission
ay tinulungan niya ako. Maliit na bagay lang itong gagawin ko para kay Jasmin, I
wanted to help her.
Nung una aaminin ko sobrang inis ako kay Jasmin, I even asked myself kung anong
mayroon ang babaeng iyon why everyone loves her. Ngayon ay alam ko na ang sagot,
she was too innocent, she was friendly... Siya nga yung tipo ng kaibigan na
nanaisin mong protektahan, yung kaibigan na gusto mong i-value dahil sa sobrang
fragile niya.
Nung nakatayo na ako ng maayos at akmang susuvod ay may mga ugat na biglang kumapit
sa aking paa. "Bingo" sabi ni Siete in a playful tone. Damn.
Humigpit ng humigpit ang kapit nito sa aking paa. Tumingin ako kay Siete, ipinitik
niya ang kanyang mga daliri at napaimpit ako sa sakit dahil may biglang mga tusok
na lumaba sa ugat na nakakapit sa aking paa.
Bumaon ito ng sobrang lalim at umagos ang napakaraming dugo, ilang segundo kong
naramdaman ang sakit hanggang sa wala na akong maramdaman sa bandang paa ko. Ito
ang napapala ng isang baguhan na alchemy na makikipaglaban sa isang bihasang
alchemy. Instant ka lang na mapapatay nito, para ko lang ibinigay ang sarili ko sa
isang lobo na atat na atat kumain.
"I'm fine" I replied. Pero sa totoo lang ay hindi ko na maramdaman ang paa ko. It
was like the first time na nakaramdam ako ng ganitong katindi na kirot.
Akmang tatakbo si Jasmin ngunit mabilis naman siyang hinawakan ni Wei. I smiled to
the young boy. Tama 'yan, Jasmin must be protected.
Nung una naiinggit ako kung anong klase ang kapangyarihan niya, jealousy is the
reason why I hate her nung simula. But that jealousy make me love her as a friend.
Sa totoo lang, Jasmin was my very first friend. Ayaw sa akin ng ibang tao because
of ky attitude, the way I talk, the way I sarcastically speak to them. I'm the most
hated person.
Pero ipinaramdam sa akin ni Jasmin na despite sa ganitong ugali ko, may mga totoong
tao na handa akong tulungan, na handa akong baguhin in a good way. Love me the way
I am.
Nahirapan akong huminga ng biglang may mga ugat na kumqpit sa aking leeg. Naging
mahirap sa akin ang paghinga.
"Charmaine" Malakas muling sigaw ni Jasmin habang ako ay nakatingin lang kay Siete
na nasisiyahan sa nangyayari, if I can't win this fight... Sisiguraduhin kong
isasama ko siya sa kamatayan.
Iyak lamang ng iyak ang kaibigan ko sa isang gilid. Akmang lalakad siya papalapit
sa akin ngunit gumamit ko ang lakas ko upang hindi siya makalapit. Gumawa ako ng
isang maliit na kidlat at pinatama ito malapit sa kanyang paa. "Subukan mong
lumapit. S-sasaktan kita" Banta ko sa kanya.
Napahinto saglit si Jasmin at umiiyak na tinitigan ako, akmang ihahakbang niya muli
ang kanan niyang paa. "H-huwag mong subukan!"
Mas lalong humigpit ang kapit ng ugat sa aking leeg. Pilit oo ng hinahabol ang
aking hininga at medyo nagdidilim na rin ang aking paningin. Unti-unti kong itinaas
ang aking dalawang kamay hanggang mahawakan ko ang ugat sa aking leeg na
nakakonekta sa kanyang kamay..
Ginamit ko ang nalalabi kong lakas upang pagapangin ang kuryente mula sa akin
patungo sa kanya sa pamamagitan ng ugat na hawak ko.
Sayang nga lang at hindi ko na maririnig sa huling beses ang tinig ng aking
kakambal.
***
CHARLY
Habang naglalakbay kami ay tumataas na ang sikat ng araw, nasa itaas na kami ng
isang bundok at natatanaw na ang bayan ng Norton, ang masiglang bayan ng Norton.
Sumasampal sa amin ang malamig na simoy ng hangin dahil na rin malapit ito sa
karagatan. Ang bayan ng Norton ay arang nagsilbing bagong pag-asa namin. Bagong
simula.
Inilabas ko sa maliit kong bag si Venus-- ang fairy na aking inaalagaan. It was
nice dahip parang ngayon lang ako nakangiti after a few days. Pasan-pasan ngayon ni
Klein si Red na kahapon pa walang malay. Buhay pa naman ito ngunit napagod siguro
sa pakikipaglaban niya at sa sakit ng kanyang mga sugat.
Habang naglalakad na kami pababa ay biglang kumabog ang aking dibdib at bigla kong
na-visualize ang imahe ng aking kapatid.
"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong sa akin ni Jacob nung napansin niya ang biglaang
pagtigil ko sa paglalakad.
"I just missed my sister" Hindi ko naman madalas ma-miss si Charmaine dahio sanay
naman kaming nagkakahiwalay. Pero ito ang unang brses na ang tagal naming
nagkahiwala na sobrang layo sa isa't-isa kaya naman siguro pumasok siya sa aking
isipan.
Tunabi namn sa akin si Trixie at ngumiti. "Don't worry, malapit na nating matapos
ang misyon na ito. Makikita mo na ulit siya" Seatmate kaming dalawa ni Trixie kaya
naman masasabi ko medyo close kami. Not totally close dahil hindi ko naman ugaling
makipag-usap sa ibang tao.
Kamusta na kaya si Charmaine? Nasa maayos nga lang kaya siyang kalagayan?
***---***
Sa mga readers na namba-bash lang itigil niyo na agad ang pagbabasa. I'm not a good
writer, aminado akong maikli ang tolerance ko pagdating sa mga bashers. Papatulan
at papatulan ko kayo.
Para sa ibang writer na ginagawang promotion wall ang comment box ng story ko.
Hindi na nakakatuwa, kaunti na lang ire-report ko kayo isa-isa. Kung gusto niyong
mag-promote, may mga clubs tayo para d'yan, may mga Threads tayo para d'yan.
Matutong maghanap sa wattpad hindi yung mambabastos kayo ng ibang writer (Oo
pambabastos 'yang ginagawa niyo kahit itanong niyo pa sa ibang writer)
This is the first and I'm hoping the last na magpo-post ako ng ganito. Medyo hindi
na kasi ako natutuwa sa mga nababasa ko sa comment box na kadalasan "UD na po"
"please basahin niyo rin po story ko insert title)". Hindi ko gustong basahin ang
ganyang comment, nakakatamad lang.
Please guys magtiwala kayo sa flow ng story... May mga mawawala pero babawi tayo
after this part. There's always a rainbow after the rain.
Kapag talaga nasagad yung pasensya ko, baka i-hiatus ko muna ito at after midterms
ko na lang ulit i-update. Huwag na nating hintayin umabot sa ganoong point.
PS: I'm just really stressed about school works. 'Twas overloaded to the point na
kapos na kapos na ako sa tulog. I only got 4-5 hours sleep. Intindihin niyo na lang
kung bakit ako nag-drama ng ganyan (LOL)
Masama ko siyang tinitigan. "Alam mo, imbes na tanungin mo ko niyan, ba't 'di ka
pumunta roon at magpa-chech up" Itinuro ko ang room kung nasaan ang healer. "Mas
maganda ng makita natin na isang daang porsyento na ayos ka ke'sa umasta ka d'yan
na parang walang masakit sa iyo. Umalis ka dito, shoo! Shoo!"
"Sabihin mo lang miss officer kung nag-aalala ka sa akin. Huwag mong idaan sa 'para
sa team 'to bla! Bla! Bla!'" Nag-make face pa siya na parang ginagaya niya ang
paraan kong magsalita. Napairap naman ako, assumerong gunggong.
"Pwede ba, kahit pumunta ka man sa kahit saang lugar ng magical world... Wala kang
mahahanap na pake ko sa'yo" Pagganti ko sa kanya. Of course in a sarcastic way,
ayokong ma-offend si Jacob dahil hindi ko man aminin... Naging close kami talaga
kami.
Ironic right? Isang Officer at isang rule breaker naging close na magkaibigan...
Iniisip ko palang natatawa na ako. Paano ba naman ang panget ni Jacob.
"Sows! Nasasabi mo lang 'yan kasi pa-tsundere type ka pa" Ano raw?! Ewan ko ba sa
sinasabi ng gunggong na 'to. "Aminin mo na, crush mo rin ako... Kasi ako crush
kita"
Nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi ng gunggong na 'to. "Sabi ko na nga ba may
internal damage ka eh. Nawawala ka na sa sarili mo, pumunta ka na roon sa room ng
healer. Shoo! Shoo!" Pagtataboy ko sa kanya.
Ngumiti lang sa akin ang lalaking gunggong at mabuti naman at pumasok na siya sa
may Healer's room upang mapatignan ang kanyang sugat.
Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga at kapag ipinipikit ko ang aking mata ay
naaalala lo ang mukha ni Patty. Ako pa man din ang leader sa misyong ito ngunit
wala man lang akong nagawa upang iligtas ang buhay ni Patty. Tama nga ang sinabi sa
akin ni sir Steven, sinisira ko lang ang tiwalang ipinagkaloob sa akin ng mahal na
principal ng aming paaralan.
Wala namang madaling misyon, actually parang ito pa yata ang pinakamahirap na
misyon dahil para kay Jasmin ito. Para sa kaibigan ko 'to, ayokong mag-failed kami
dahil para sa kapakanan ni Jasmin 'tong ginagawa namin. Kahit na nawala si Patty,
gaya nung sabi ng iba... Kailangan pa rin naming magpatuloy. Alam naming lahat na
iyon din ang gusto ni Patty, ang matapos namin ang misyong ito.
Habang nakaupo ako ay sa may lobby ay napansin ko naman si Klein doon sa may
Veranda na nakaupo at tinitignan yata ang tahimik at payapang alon sa karagatan.
Kakaiba ang naging katahimikan ni Klein ng mga nakaraan. Sa aming lahat ay siya ang
may pinakamalaking naitulong.
Oo, monggoloid si Klein, pero hindi ibig sabihin nito na hindi siya nasasaktan.
Hindi parating ngiti ang makikita sa kanyang mukha, darating ang pagkakataon na
kahit ang pinakamasayahing tao sa Altheria Academy ay mahihirapan ding hanapin ang
kanyang source of happiness. Hindi parating mabait sa iyo ang tadhana na kung saan
ay parati kang nakangiti.
Tumayo ako qt naglakad tungo sa direksyon ni Klein. Nakatulala lamang siya sa dagat
na para bang may malalim na iniisip. "Ayos ka lang?" Kaswal kong pagtatanong sa
kanya at umupo sa kanyang tabi.
Mukhang nagulat si Klein sa aking prisensya at pilit siyang ngumiti. "Himala yata
Bea, naging concern ka sa akin hehe" He smiled and laugh at me... Pero alam kong
peke iyon. Sa tagal na naming nag-aasaran ni Klein, batid kong iba ang tawa niya
ngayon sa mga tawa niya dati na sobrang natural.
"Klein, okay ka lang ba?" Mas seryoso kong pagtatanong sa kanya. As a leader, gusto
kong maging sandigan ako ng bawat kasamahan ko. Ayokong isipin nila na boss ako,
gusto ko ay isipin nila na isa akong kaibigan na parating nandirito para sa kanila.
"Ako pa man din ang pinakabihasa sa atin sa pakikipaglaban ngunit hindi ko nagawang
iligtas si Patty" Pumikit si Klein at hindi ko inaasahang tutulo ang luha galing sa
kanyang mata. "Akala ko malakas na 'ko... Akala ko magaling na 'ko, pero mali
pala... Mahina pa rin ako dahil hindi ko kayo nagawang protektahan lahat"
As a skilled warrior from Raven clan, Paniguradong mahirap para kay Klein ang
nangyari kay Patty. Siya ang pinakabihasa sa amin pagdating sa pakikipaglaban.
"Lahat tayo may kasalanan Klein, lahat tayo may pagkukulang" Hinawakan ko ang kamay
niya para i-comfort siya. "Huwag mong akuin ang lahat. It's all our mistake and
we're all suffering in the same consequence. Tapusin na lamang natin ang misyong
ito para kay Jasmin... At para kay Patty"
"Hindi ka bayani Klein para iligtas ang lahat. Isa ka lang normal na kabataan na
kagaya namin na nagkakamali at nakakagawa ng maling desisyon. Malalampasan din
natin ang problemang kinakaharap natin sa ngayon" I gave her an assuring smile.
Hindi ko alam kung nakatulong ito sa pambansang monggoloid... But I hope so.
Napakalaking burden at pressure kasi ng misyon na ito para kay Klein.
"Ito yata ang unang beses tayo ng matino Bea" He smiled at me kasabay ng pagpahid
ng kanyang luha.
"Una't huli na 'to. 'Wag kang assuming" Sagot ko naman at nagtungo sa kwarto kung
saan namamahinga si Red.
Tumango ako sa kanyang paalala. "Oh sige kanina ka pa nagbabantay dito. Magpahinga
ka na"
"Okay pa naman ako. Pupunta muna ako sa pamilihan ng bayan ng Norton upang mamili
ng mga potions na gagamitin natin" Pagpapaalam ni Trixie.
Napatingin ako sa Kalendaryo na nakasabit sa silid. Limabg araw na rin pala kaming
nawawala sa Altheria. Kamusta na kaya sila roon?
***
Jasmin
Walang tigil ang pagbagsak ng luha ko habang pinagmamasdan ang walang buhay na
katawan ng aking kaibigan. Natalo nga niya si Siete... But still, she lost her
life. Wala na si Charmaine at kasalanan ko itong lahat. "Charmaine! Gumising ka
d'yan. Charmaine!"
Ilang beses kong mahinang tinapik-tapik ang pisngi ni Charmaine at umaasa akong
muli siyang gigising, ngunit wala... Harap-harapang namatay ang kaibigan ko, wala
akong nagawa. Kasi mahina ako, kasi tanga ako, kasi lampa ako. Ako yung tao na
pabigat lang sa mga kaibigan ko.
"Ate Jasmin, umalis na tayo rito" Pag-aaya sa akin ni Wei ngunit ayokong iwanan si
Charmaine dito.
Tumayo ako at tumakbo papasok muli sa masukal na bahagi ng Polto's forest. "Ate
Jasmin!" Pagtawag sa akin ni Wei. "Huwag ka ng pumunta d'yan ate. Baka mapahamak ka
lang, ikaw na lang ang pamilya ko" Malungkot na boses ni Wei.
Alam kong nag-aalala para sa akin si Wei ngunit mas nangingibabaw ang kaba ko para
kay Harly. Isang malapit na kaibigan si Harly sa akin at lahat ng mga kaibigan ko
sa loob ng Altheria Academy y itinuturing ko rin bilang isang malaking pamilya.
Habang tumatakbo ako ay mas lalong lumalakas ang mga naririnig kong pagsabog at mas
lumalakas ang pagyanig na aking nararamdaman. Ilang segundong pagtakbo pa ay nakita
ko na si Harly na nakatayo sa isang sanga ng puno at mabilis na tunatalon papunta
sa kabilang sanga. Hindi ko alam kung makakaya ba ni Harly ang labanan na ito dahil
subtype lang naman ang kanyang magic at pang-support lamang ito.
"Harly" Pagsigaw ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin. Namilog ang kanyang mata
at saglit na napatigil sa pagtalon dahilan upang mahabol siya ng nakamaskara na
humahabol sa kanya at malakas siyang sinuntok sa tiyan. "Harly!" Muli kong pagtawag
sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito? U-umalis ka na!" Malakas niyang sigaw habang iniinda ang
sakit ng kanyang tiyan. "Umalis na kayo ni Charmaine!"
Ibig sabihin pala nito ay hindi lang nag-iisa ang mga taong nakamaskara. Marami
sila at maraming buhay na rin ang kanilang inubos.
Hindi ko na kakayanin kapag nawala pa si Harly. This wasn't a joke situation. Nasa
life and death sotuation kami at hindi ko hahayaan na may masaktan pa sa mga
kaibigan ko. "Tapos na ang pakikipaglaro bata" Sabi nung babae kay Harly.
Akmang tatakbo ako tungo kay Harly ngunit kinintrol niya pala ang anino ko upang
hindi makagalaw. Gusto kong tumakbo at ipagtanggo siya ngunit hindi ako pinapayagan
ni Harly. "Harly lumaban ka! Bitawan mo ako!" Malakas kong sigaw.
Nagulat ako ng unti-unting humakbang ang paa ko palayo. Gusto kong tumakbo papunta
sa kanya ngunit siya ang pumipigil. Ganoon ba ako ka-importante? Bakit kailangan pa
nilang gawin ang mga bagay na 'yan para sa akin. Bakit?
"Harly itigil mo yung spell mo! Hindi kita iiwan dito! Hindi" Sunod-sunod kong
sigaw habang bumabagsak anh aking mga luha.
Ngumiti lamang sa akin si Harly ngunit mabilis ding nawala iyon nung bigla siyang
saksakin sa hita ni Sais. It was terrifying... Ang makita mo harap-harapan ang mga
kaibigan mo na isa-isang nawawala.
"Harly!" Malakas kong sigaw. Ngunit maya-maya pa ay may lumabas muli na isang taong
nakamaskara na bumaba sa isang puno. Napakuyom ko ang aking palad ng makita ang
burda na numero sa kanyang cloak-- si Siete. Buhay pa pala ang gago, siya ang
demonyong responsable sa pagkamatay ni Charmaine.
Gusto ko siyang sugurin ngunit pinipigilan nga ako ni Harly na makagalaw. Ang
nakakapagtaka pa ay mas maayos ang hitsura nito kumpara kanina.
"Ha? Bakit naman nila ako ipinapatawag eh nasa bundok sila ng Ignis upang sundan
ang iba pang manlalakbay" Pagrereklamo nito. Napanson ko ang pagsuka ng dugo ni
Harly kaya mas lalo akong kinabahan. Huwag kang bibitaw Harly, sana ay may taong
dumating upang tulungan kami.
"Ako na ang bahala rito, pumunta ka na doon. Ako na ang tatapos sa lalaking ito
gaya ng ginawa ko sa kanyang kasamahan" Sabi nito kaya mas lalong sumama ang timpla
ng mukha ko.
"Hayop ka! Magbabayad ka sa ginawa mo!" Malakas kong sigaw. Hindi lang basta tao
ang pinatay mo... Kaibigan ko siya. Kaibigan ko.
Saglit na tumingin sa kanya si Sais. "Oh sige ikaw na ang bahala sa kanya. Magkita
na lang tayo mamaya. Pero bago mo galawin ang lalaking ito ay may munting regalo
muna ako sa kanya"
May kinuha si Sais sa kanyang bulsa at para itong makikinang na alikabok. "Paalam
bata, sayang nga lang dahil ito na ang huling beses na magkikita tayo" Inihipan ni
sais sa mata ni Harly ang alikabok na kanyang hawak at napasigaw sa sakit ang aking
kaibigan.
"Ikaw na ang bahala sa kanya Siete" Tumalon paitaas si Sais at mabilis na
nagtatalon sa mga sanga ng puno paalis
Nung makalayo na si Sais ay tumakbo ako tungo sa direksyon ni Harly. Wala na akong
pakielam kung nandoon si Siete, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang buhay ng
kaibigan ko. "Hayop kayo" Malakas kong sigaw kay Siete at matalim siyang tinitigan.
"Calm down. Ako 'to Jasmin" Sabi ni Siete. Unti-unting nag-iba ang kanyang hitsura
hanggang maging sa mukha na ito ni Hades. "Remember kaya kong manggaya ng kahit
anong anyo"
Saglit akong napatigil, kung ganoon ay totoo ng patay si Siete at niloko lang ni
Hades si Sais para iligtas kami. "Kailangan mo ng makabalik ng Altheria Academy at
ipagbigay-alam ang mga nangyayari" Sabi ni Hades.
"Harly ayos ka lang ba? Idilat mo ang mata mo" Sabi koa sa kanya habang naluluha.
Nakakalungkot kasi na makita siyang nasasaktan. "Ako 'to Harly. Kumalma ka"
***---***---***
Sa mga magtatanong, yes patay na po si Charmaine. Planado na rin kasi ang plot sa
utak ko and kasama doon ang pagbibitaw sa ilang mga characters. No hate guys :)
Salamat sa mga umiintindi. Comment your reaction guys, don't worry matatapos na ang
malungkot na mga chapters :)
Nasa isang inn kasi kami dahil doon kami nagpalipas ng gabi. "Nawa'y maging ligtas
na ito sa pagkakataong ito" Sabi ko naman sa kanya at isinukbit ko ang isang
malaking bag sa aking likod.
Medyo kailangan na rin naming magmadali dahil nauubos na ang perangibinigay ng
Altheria at baka abutan pa kami ng mga de Lorgans.
Tinignan ko ang isa pang kwintas na may kulay puting kulay sa loob-- ito ang
kwintas ni Patty. Ito ang isang tanda o alaala na miyembro siya ng grupong ito at
kasama siya sa misyong ito. Isinuot ko ang kwintas niya katabi ng akin at itinago
sa loob ng damit ko.
"Paniguradong pinapanuod tayo ni Patty kung nasaan man siya" Wika ni Trixie na
kanina pa pala ako tinititigan. Ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon at inaya ko
na siyang lumabas.
Lumabas na kaming dalawa ni Trixie ng aming silid habang hinintay ang mga lalaki sa
may baba ng inn. Ako na ang nagbayad sa counter. Iilan na lamang ang pera namin at
baka kumasya na lamang ito ng tatkong araw. Naubos kasi ito sa muli naming pagbili
ng mga kagamitan at potions.
Bumukas na ang pinto nila at unang iniluwa nito si Jacob na kumindat sa akin.
Bwisit na lalaki 'to, sira na ang araw ko.
Kung may bagay man kaming natutunan sa pagkawala ng aming kasamahan... Mas lalo
kaming tumatag. Mas lalo kaming lumakas. Mas nag-mature kami at naintindihan namin
lahat ng nagyayari sa iba't-ibang anggulo.
"Medyo nag-aalala lang ako kay Charmaine. It's been a long time since I last saw
her, nakakapanibago lang" Pag-o-open ni Charly. Kambal nga pala sila, malamang ay
nag-aalala siya kay Charmaine at normal naman iyon sa magkapatid.
"Huwag kang mag-alala, nandoon naman si Harly at Jasmin. Paniguradong ligtas ang
kapatid mo" Pilit kong pinagaan ang loob ni Charly. Paniguradong wala namang
mangyayari sa kanila dahil nasa loob sila ng Altheria.
A little smile form on his lips. "Yeah right, wala akong dapat ipag-alala dahil
hindi pababayaan ni Jasmin ang kapatid ko" Tumango ako bilang pagsang-ayon, hindi
basta-basta iiwanan ni Jasmin ang mga kaibigan niya. Sobra-sobrang magpahalaga si
Jasmin dahil pamilya niya ang turing niya sa aming lahat.
"Tara na?" Pagtatanong ni Jacob at lumabas na kaming lahat. Ang nakakapasong sinag
ng araw ang unang sumalubong sa amin at samahan pa ng malamig na simiy ng hangin
dahil ang lapit namin sa karagatan.
"Bwisit ang init, balik tayo sa loob" Pagsasalita ni Klein habang nakalawit ang
dila.
"Mukha na naman akong tanga sa suot ko?" Si Klein na ang nagtuloy. Alam niya naman
pala na mukhang tanga siya, monggoloid talaga. Ang alam ko kasi maglalakbay kami at
hindi magbabakasyon. Naka-Hawaiian shirt pa kasi ang monggoloid at khaki short.
Magbabakasyon? Magbabakasyon? Bwisit.
Sabay-sabay naman kaming tumango bilang sagot sa kanya. "Sige ganyan kayo, ang
malait ako ang kasiyahan niyo" Parang bata na sabi ni Klein at nilagpasan na lamang
namin siya, wala kaming time para pajinggan ang pagdadrama ni pambansang
monggoloid.
"Trixue pahiram nga nung mapa" Pakiusap ko kay Trixie at dali-dali niya naman itong
kinuha sa kanyang bag. Titignan ko kasi kung malapit na kaming makarating sa Raven
clan, pero sa tingin ko ay aabutun pa rin kami ng ilang araw.
Tinignan lang ako ni Red. Alam ko namang magiging pasaway 'to eh pero sana ay
makinig naman siya kahit sa isang paalala ko lang.
"Saan mo naman nakuha 'yang cotton candy mo? Wala ka namang pera" Pagsita ko sa
kanya.
Bumalik ako sa katinuan nung maalala ang sinabi sa akin ni Klein kanina. "Malapit
na tayo? Anong ibig sabihin mo monggi?"
"Ibig sabihin nito ay malapit na nating marating ang Raven clan at malapit nq
nating matapos ang misyong ito" Yumakap sa akin si Trixie dahil sa tuwa.
"O-oo naman"
"Bakit bigla kang kinabahan nung nalaman mong malapit na tayo? May tinatago ka
'no?" Pagtatanong ni Red at napalunok ng laway si Klein.
Batid ko naman na may itinatago si Klein. Kung tutuusin ay wala naman talaga
masyadong alam sa background ng kanyang buhay dahil sobrang malihim ni pambansang
monggi. Pero sa oras na makarating kami sa kuta ng Raven clan ay paniguradong
maliliwanagan din kaming lahat.
Sa wakas, malapit na rin naming matapos ang misyon na ito at makikita na naming
muli si Sina Jasmin.
***---***---***
Jasmin
Napakasakit ng mga nangyayari sa akin ngayon at walang tigil ang pagdaloy ng luha
mula sa aking mata. Kasalanan ko ang lahat ng ito, ang daming mahal ko sa buhay ang
nawala dahil lang sa punyetang kapangyarihan ko.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo" Paalala sa akin ni Ms. Melanie habang ginagamot
niya ang ilang mga gasgas sa aking katawan. Hindi ko siya sinagot at nanatili pa
rin akong nakatingin sa kawalan.
"Jasmin! Jasmin! Wala akong makita nasaan ka!" Paulit-ulit na bigkas sa akin ni
Harly habang pilit na nangangapa.
"Nandito lang ako Harly! Nandito lang ako" Sabi ko at hinawakan siya sa dalawang
kamay niya. Ito ang unang beses na makita kong nagpa-panic ng gabito si Harly at
namumula rin ang gilid ng kanyang mata. Hindi ko maiwasan na maiyak dahil sa
kanyang kalagayan.
Inalalayan ko siyang maglakad ngunit patuloy ang pagsigaw ni Harly. "J-jasmin waka
akong makita... Wala akong makita" Paguulit-ulit niya habang may mga luha na
tumutulo sa kanyang mata.
Nakakalungkot isipin na ako ang dahilan kunh bakit hindi na muling makikita ni
Harly ang mundo, kung bakit nawalan siya ng paningin at kung bakit siya nahihirapan
ngayon... Ako lahat ang dahilan.
Karga-karga naman ni Hades ang walang buhay na katawan ni Charmaine... And it stull
hurts na makita ang kaibigan kong wala ng buhay. Napakawalang silbi kong kaibigan.
Hinayaan kong mangyari ang lahat ng ito. I'm just... Weak.
"Jasmin. Jasmin" Napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin ni Ms. Melanie ang aking
pangalan. Tapos na pala siya sa paggagamot sa aking mga galos. "Alam kong mahirap
para sa iyo ang mga nangyari pero kailangan mong magpakatatag"
Tumulong ang luha sa aking mata, "Si Harly po kamusta? Makakakita pa ba siya?"
Bumuntong hininga si Ms. Melanie. "We're all doing our best pero sa kalagayan ni
Harly. Parang imposible muna siyang makakita unless mahanap natin ang solusyon"
"Bakit hindi niyo po mapagaling si Harly? Healer kayo! White magicians kayo! Bakit
hindi niyo po magawan ng paraan!" Iyak ako ng iyak habang nakaupo sa itaas ng kama.
It was too heavy for me, masyadong mabigat ang mga nangyayari na umaabot sa point
na hindi ko na kaya. Gusto ko ng sumuko.
"Kumalma ka Jasmin, Healer kami pero hindi namin kayang gumawa ng himala. Hindi
namin kayang makakita ang isang bulag o kaya nama'y mabuhay ang patay. Right now,
ang kailangan mo ay magpahinga" Muling sabi ni Ms. Melanie sa akin.
Sinamahan ako ni Ms. Melanie papasok sa girls dorm at maraming mata ang nakatitig.
Marami akong narinig na masasama tungkol sa akin o kaya naman aa mga kaibigan.
Ganito na ba kakitid ang mga utak ng mga tao ngayon? Walang may gusto ng mga
nangyayari. Walang may gusto na mamatay si Charmaine at Mabulag ai Harly.
Sa tuwing naaalala ko ang mga nakamaskarang tao na iyon ay napupuno ng galit ang
puso ko. Kung paano nila pinatay sina nanay Lena at inulila si Wei, kung paano nila
pinatay ang pangalawang pamilya ko. Kung paano nila pinatay ang kaibigan ko. At
kung paano nila tanggalan ng kakayahan na makakita si Harly. Lahat iyon nakita ko.
"Jasmin magpahinga ka na" Iniupo ako ni Ms. Melanie sa kama ko. "Huwag kang mag-
alala, susubukan naming gumawa ng gamot para kay Harly" Pagpapalakaa niya ng aking
loob.
Pero narinig ko ang usapan nilang mga school nurse... Imposible na raw kay Harly na
makakita.
Naiwan akong mag-isa sa loob ng aking silid habang malalim na iniisip ang mga
nangyayari.
***---***
3rd person
"Sa tingin mo ba'y magagawa ng mga batang iyon ang misyon na ibinigay mo?"
Pagtatanong ni Sir Ernie. "Base sa pagde-describe ni Hades aa mga naka-engkuwentro
nila Jasmin ay mga De Lorgans ang may gawa nito"
Biglang kumunot ang noo ni Mrs. Evelyn dahil sa pagkakaalam niya ay matagal ng
patay ang masqmang organisasyon na iyon. Nagtataka lang siya kung sino ang mga tao
sa likod nito na pilit itong ibinabalik.
"May tiwala ako sa mga batang iyon" Matipid na sagot ni Mrs. Evelyn pero ang totoo
ay nag-aalala na rin siya dahil dapat sa araw na iyon ay nakabalik na dqpat sina
Red... Ngunit hindi.
Nasa malalim silang diskusyon ng iaang malakas na pagsabog ang kanilang narinig at
isang mataas na liwanag. Nagulat ang dalawang guro dahil pinagbabawalan nilang
gumamit ng magi ang mga estudyante sa loob ng Altheria unless ay magpapraktis sila.
Napaayos ang tindig nila at pinagmasdan kung saan nanggaling ang malakas na
pagsabog-- Sa girls dorm.
May konklusyon na biglang naisip si Mrs. Evelyn. Mabilis niya isinukbit sa kanyang
leeg ang kanyang balabal. "Sir Ernie. Papuntahin mo lahat ng pinakamagagaling na
defense magician natin sa girls dorm" Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad siya
palabas.
Agad na naisip ni mrs. Evelyn ang mga estudyante. "Buksan mo ang portal pabalik sa
normal na mundo, pauwiin mo na lahat ng Marsham students gayundin ang mga Wanester
division. Ihanda mo naman ang mga taga-Exemena sa iaang malaking laban"
Pagpapaliwanag ni Mrs. Evelyn.
Nagtungo si Mrs. Evelyn sa Girls dorm. Namilog ang kanyang mata nung makita itong
sira-sira. Mabuti na lamang at oras ng klase kaya walang napuruhan. Agad niyang
namataan si Jasmin.
Masamang titig ang nasa kanyang mata at nababalot ng itim na aura ang kanyang
katawan. Dumating din si Hades na karga-karga si Wei. "Mrs Evelyn kailangan nating
ilabas si Jasmin dito"
Pero mrs. Evelyn hindi nakokontrol ni Jasmin ang kanyang kapangyarihan. Kung
magpapatuloy 'yan, maaaring masira ang buong Altheria Academy. Kailangan natin
siyang ilabas" Suhestiyon ni Hades habang nakatingin ito sa malakas na kinang ng
kwintas ni Jasmin.
"Maaari mong ikamatay 'yan. Hindi ko isusugal ang buhay ng mga estudyante ko para
lang sa isang labanan" Hindi sumagot ai Hades at ngumiti lamang ito.
"Pagod na rin ang katawan ni Jasmin, maya-maya lang ay mawawalan na siya ng malay.
Magtiwala kayo mrs. Evelyn"
Biglang pumasok sa isip ni Mrs. Evelyn ang buong Altheria Academy. Kapag nagkataon
ay mapipilitan siyang pauwiin lahat ng estudyante at ipatigil ang buong semestre
kung patulog na mangyayari iyon.
***---***---***
Update done guys! Happy 500,000 reads, ang lakas niyo haha!
Mas tumitindi na ang mga nangyayari sa Altheria. Pero sana kumalma kayo huwag niyo
akong i-pressure dahil mas lalo akong hindi mag-a-update
Madalas sa magic world ay ang tao ang kumokontrol sa magi. Ngunit sa sitwasyon ni
Jasmin at dahil na rin sa kanyang mga pinagdaanan ay siya ang kinokontrol ng magi.
"Pumasok na kayo rito!" Malakas na sigaw ni sir Ernie habang iwinawagayway ang
kanyang kamay at nasa tapat siya ng portal pabalik sa normal world. Basta ang
priority nila ay maialis ang mga estudyante sa lugar na iyon.
Altheria was the safest school around magical world ngunit ngayon ay nasa red alert
sila dahil sa nangyayaring pagsabog at pagkasira ng mga building lalo na sa
Wanester division. Mabilis na tumatakbo ang mga estudyante papasok ng portal habang
binabantayan ito ni Sir Ernie upang walangmangyaring stampede o ano mang
makakasakit sa mga estudyante.
Nung mamamataan siya ni Jasmin ay mabilis siyang tumakbo para makarating sa gate.
Masama siyang tinitigan ni Jasmin at hinagisan ng fireball. "Jasmin gumising ka!
Huwag mong hayaan na kontrolin ka ng magi mo!" Malakas na sigaw ni Hades sa pagitan
ng kanyang paghinga dahil sa pagod.
Ngunit parang walang naririnig si Jasmin, sarado ang kanyang tenga sa lahat.
Tuluyan na siyang nilamon ng galit niya dahil sa mga De Lorgans pati na rin sa
pagkawala ni Charmaine na isa niyang matalik na kaibigan.
Dahil nga nag-anyo si Hades bilang miyembro ng De Lorgans ay nasa kanya lamang ang
atensyon ni Jasmin. Sunod-sunod na fireball ang pinapakawalan nito kasabay ang
malakas na pagyanig ng lupa. Tumatakbo si Hades upang marating ang labas ng
Altheria.
Everything was on fire, ganyan ngayon ang sitwasyon sa Wanester Division. Karamihan
sa mga pasilidad nito ay nawasak na o kaya nama'y tuluyang nasira na. Matagumpay na
nakalabas si Hades ar tumakbo sa malawak na damuhan ng Altheria. "Good job Hades.
Kami ng bahala sa depensa" Pagsasalita sa kanya ng isang estudyante sa Exemena
division na nakasakay sa flying board.
***
Pinagmasdan lamang ni Mrs. Evelyn ang buong paligid ng Altheria Academy, hindi niya
inaaasahan na mangyayari ang bagay na iyon sa paaralang ilang taon niyang
pinaghirapan at pinalawig.
"Team A at C sa depensa kayo!" Pag-uutos niya habang gamit ang isang megaphone.
Agad na kumilos ang mga estudyante ng Exemena division upang protektahan din ang
kanilang paaralan
Matagal ng alam ni Mrs. Evelyn na maaaring mangyari ang bagay na iyon dagil
kaakibat iyon ng pagtanggap niya kay Jasmin na may kakaibang kapangyarihan. Hindi
niya lamang inasahan na magkakaroon ng ilaw ang kwintas ni Jasmin sa pagkakataong
iyon. "Team B at D, tulungan niyo ang mga estudyanteng nasugatan dahil aa nangyari!
Lahat ng mga healer ay maglagay ng pulang bandana sa inyong ulo upang malaman nila
ang classification jobs niyo!"
"Lola h-huwag niyo pong sasaktan ang ate Jasmin ko. Iligtas niyo po siya" Sabi ni
Wei sa pagitan ng kanyang paghikbi.
Malungkot na ngumiti si Mrs. Evelyn, hindi niya rin naman gustong saktan si Jasmin
ngunit kung hindi titigil ang dalaga sa kanyang ginagawa ay baka mapilitan siya.
Mas mahalaga ang kaligtasan ng naraming estudyante
Napatigil siya nung biglang kumalas sa pagkakahawak niya si Wei. "Saan ka pupunta?
Delikadong umalis ngayon!" Malakas na suway ni Mrs. Evelyn sa batang si Wei ngunit
nung nasa malayo na si Wei ay tsaka siya nito binalingan ng tingin.
"Pupuntahan ko po ang ate Jasmin ko, kailangan ako ng ate ko" Muli ng tumakbo si
Wei.
***---***
Bea
"Hoy Monggoloid, dalawang oras na tayong naglalakad ngunit wala pa tayo sa ating
pupuntahan" Inis kong sabi kay Klein. Paano ba naman kanina pa niya sinasabi na
malapit na kami pero wala pa rin... Jusko! Hindi na talaga ako maniniwala sa mga
sinasabi ng monggoloid na ito.
"Labing walong beses mo ng sinasabi 'yan ngunit wala pa rin tayo sa 'malapit na' na
sinasabi mo" Napairap ako sa kanya at inunat saglit ang paa ko upang ma-relax kahit
papaano. Nagugutom na ako.
Hindi ko rin inaasahan na ganito katago ang kuta ng mga taga-Raven Clan. Palalim na
kami ng palalim ng gubat na dinadaanan namin, mabuti na lamang at walang masyadong
creature na naninirahan dito kaya naging tuloy-tuloy ang aming paglalakad.
"Eh paano naman minu-minuto ka yatang nagtatanong. Excited ka? Excited?" Pambabara
sa akin ni Klein.
"Miss officer chill ka lang, kung pagod ka naman nandito naman ako. Pwedeng-pwede
kang sumakay sa muscle ko" Inilabas pa ni Jacob ang biceps niya. Jusko, sana may
himalang mangyari para tumino itong monggoloid at gunggong na ito.
This past days ay mas naging aware na ako sa mga nararamdaman ng mga kasamahan ko
and parang isang obligasyon ko na rin kung may nararamdaman silang sakit
Ngumiti ako sa kanya, "Huwag kang mag-alala dahil paniguradong nasa loob lang ng
Altheria si Jasmin. Ligtas siya doon" Tumingin naman ako kay Charly. "Ikaw man
huwag ka ng mag-alala sa kambal mo. Paniguradong nagmamaldita lang sa school 'yon.
Huwag kayong ma-praning.
"Kuweba lang 'yan eh. Paano naman magiging kuta ng Raven clan 'yan?" Nagtatakang
pagtatanong ni Trixie. Ako man ay pakiramdam ko na inuuto lang kami ni pambansang
monggi.
"Pumasok kasi tayo sa loob, makikita niyo ang lugar na hinahanap niyo. Ang Raven
Clan" Wika ni Klein at nanguna siya sa pagpasok doon.
Habang naglalakad kami ay biglang iniakbay ni Jacob ang kamay niya sa aking
balikat. Masama ko siyang tinitigan ngunit nagtaas baba lang ng kilay ang lalaking
gunggong. Flirt. "Ibababa mo 'yang kamay mo o sasapakin kita?"
Sa ilang minuto naming paglalakad ay may liwanag na kami muling namataan. Hindi ko
alam na may labasan pa pala sa kabilang parte ng kuweba, kumbaga naging passage
lang ito.
Habang papalapit kami ng papalapit ay namataan ko na rin ang isqng malaking flag na
may simbolo ng uwak. Ibig sabihin na tama nga si Klein, nasa Raven clan na nga
kami.
Napangiti ako at humawak sa puting kwintas na nasa aking dibdib. "Sa wakas Patty,
nandito na tayo" Mahina kong bulong sa aking sarili.
Pagkapabas namin sa kuweba ay medyo nag-adjust pa ang mata ko dahil sa sinag ng
araw. Nagulqt ako ng makita na oarang may maliit na village dito sa parteng uto na
kung saan ay mga miyembro ng Raven Clan ang nakatira.
"Sino kayo?!" Malakas na sigaw ng isang lalaki at inilabas ang alchemy weapon niya.
May kasama pa siyang apat na lalaki. Pumosisyon kami na parang makikipaglaban.
"Pinadala kami ng Altheria para kausapin ang ilang sa inyong pinuno" Pagsasalita ko
at iniikot ko ang paningin sa lugar dahil baka may mga patibong pala sila.
"Huwag kayong maniwala sa mga iyan dqhil paniguradong miyembro na naman iyan ng mga
bandido. Tugisin!" Malakas na sigaw ng iaa.
Akmang suauvod na sila ng bigpang iniharang ni Klein ang kanyang kamay at nagpakita
sa mga lalaki. Napatigil sila sa pagtakbo at namilog ang mata dahil aa gulat.
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ng lalaki. Ano raaaaaaw?! Ang pambansang
monggoloid ng Altheria ay isang prinsipe? Ohmaygaaaahd!
***---***
Short update muna guys! Please cheer me dahil midterms ko na bukas (ipagdasal niyo
ko kung kinakailangan) makapasa lang sapat na.
So asahan niyo na maaaring walang maging updates dahil eto na ang test na
pinaghandaan ko (lol)
Short update pero karamihan sa inyo ay nagulat sa mga nabasa haha! Every update may
mga pasabog talaga hangga't maaari ;)
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko ngayon. Ang
monggoloid na parati kong inaasar at binu-bully isa palang susunod na pinuno ng
Raven Clan.
"Oh nakatahimik ka lang d'yan Bea? Bakit hindi ka kumain?" Pagtatanong sa akin ni
Klein habang may nagse-serve sa amin ng masasarap na pagkain. "Hindi ka
makapaniwala 'no?" Ngumisi pa ang monggoloid.
Napairap ako sa ere. Che! Kahit saang anggulo ko tignan si Klein ay hindi ko makita
sa kanya ang pagkakaroon ng dugong bughaw. Dugong tanga manapa, wala sa kanya ang
pagiging prinsipe sa pagiging dugyot niya.
"Bakit hindi mo naman sinabi sa amin ang tungkol dito?" Pagtatanong ko sa kanya at
nag-tap ako ng daliri sa ibabaw ng lamesa na para bang hinihintay ang kanyang
magiging sagot.
"Hindi naman maayado itong importante para malaman niyo pa" Nakangiting bigkas sa
amin ni Klein. Wow! Hindi pala big deal sa kanya prinsipe.
Imbes na sagutin siya ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa aking pagkain. Hindi
ko lubos maisip na iniwan ni Klein ang magara at komportableng buhay ni Klein dito
para lamang mag-aral sa Altheria Academy. Sobrang komportable na ng buhay niya lalo
na't isa siyang prinsipe.
Habang kumakain kami ay biglang may pumasok na isang lalaki, sa palagay ko ay mas
bata lamang ito sa amin ng dalawang taon. "Nandito ka pala ulit kuya" Nakangiti
nitong sabi at nakipag-fist bump kay Klein.
Ang layo ng hitsura nila sa isa't-isa... Pero feeling ko ay parehas lang silang
monggoloid. "Kamusta ka naman Alter?"
"Ayos lang ako kuya. Medyo mahirap dahil sinasanay na rin ako ni ama sa pamumuno
rito sa Raven Clan" Nakangiting sabi ni Alter... Alter yata ang pangalan niya dahil
kakabigkas lang ni Klein kanina. Inobserbahan ko naman si Klein habang kumakain at
pansin ko ang paglungkot ng kanyang mukha, pero agad niya itong pinalitan ng ngiti.
Isang taon na kaming magkasama ni Klein sa Altheria Academy at ngayon ko lang siya
tuluyang nakikilala. Ang tagal naming magkasama dati ngunit ni-katiting ay wala
akong alam tungkol sa kanyang buhay. Bakit pakiramdam ko ay ang layo ng buhay ni
Klein dito sa Raven Clan sa buhay niya roon sa Altheria.
Matapos kumain ay humiwalay muna ako sa kanila at umupo sa isang sanga ng puno
malapit sa tirahan nila Klein. Ntatanaw ko ang ilang mga tao rito na nag-e-ensayo
ng kanilang mahika at nag-e-ensayo ng pakikidigma. Hindi na kataka-taka kung bakit
ganoon na lang kagaling ang isang Raven clan pagdating sa labanan. They was born to
fight.
"Oh ba't mag-isa ka miss officer?" Pagtatanong sa akin ni Jacob na biglang umupo sa
tabi ko. Bumuntong hininga ako and I was hoping na sana ay tao mode itong lalaki na
ito ngayon.
"Wala. Iniisip ko lang ang Altheria Academy. Nami-miss ko na rin kasi mag-aral at
gusto ko na rin ang mga kaibigan kong naiwan doon" Pag-amin ko.
"Eh malay mo naman magustuhan mo siya lalo na't nalaman mo na isa siyang prinsipe"
Hindi ko alam kung matatawa ko o mababanas sa mga sinasabi ni Jacob ngayon. Para
kasi siyang batang nagtatampo sa akin.
Tumingin ako sa kanya at umirap. "Kung magkakagusto man ako sa isang tao, hindi
dahil sa kung ano ang mataas na estado niya sa buhay. At isa pa, may ibang
nagugustuhan si Klein sa mundo ng mga tao" Parating kinukwento sa amin dati ni
pambansang monggoloid ang naging bakasyon niya raw sa mundo ng mga tao. Hindi ko
alam kung totoo iyon o kathang isip lang ng isang monggoloid.
"Kasi gusto kita. Sobrang vocal ko naman sayo na gusto kita 'diba?" Seryoso niyang
sabi. Hindi ko alam kung totoo ang pinagsasabi ng flirt na 'to o baka nilalandi
lang ako. At isa pa, hindi ito ang tamang oras para pag-usapan ang mga ganyang
bagay. May misyon kaming dapat tapusin at dapat i-set a side muna ang feelings.
"Umayos ka nga"
"Maayos ako miss officer" Tinitigan ko na pang si Jacob at hindi na sinagot dahil
baka mas lumawig lang ang topic about sa bagay na iyon.
Nagpaalam na ako kay Jacob na mag-iikot muna ako sa Raven clan. Hindi naman uto
ganoong kalakihan dahil isang maliit na samahan lamang ito. Pero hindi ko inakala
na ama pala ni Klein ang namumuno rito.
Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya sa akin at kumaway.
Hindi ko naman alam ang aking gagawin kaya ngumiti na lamang din ako sa kanya.
Nagpaalam siya sa kausap niya at naglakad tungo sa aking direksyon.
"Kamusta ang pananatili mo rito? Maayos naman ba? Kung may kailangan kayo ay huwag
kayong mahiyang magsabi" Mahaba niyang litana at ngumiti sa akin. Ramdam ko na
maaaring siya nga ang susunod na pinuno ng Raven clan dahil sa magiliw niyang
pagtanggap sa bisita at sa magalang niyang pamamaraan ng pananalita.
"Okay lang kami. Hindi rin naman kami magtatagal dahil may gusto lang ipakiusap sa
amin si mrs. Evelyn" Sagot ko sa kanya.
Napajagat sa ibabang labi si Alter. "Kamusta naman ang kuya ko sa paaralan ninyo?
Masaya ba siya?" Ramdam ko ang pagmamahal niya sa kanyang kapatid.
Kung alam niya lang kung paano magsaya ang kapatid niya sa loob ng Altheria
Academy, jusko, baka mabaliw din siya at matawag niyang monggoloid ang kanyang
kapatid. "Ayos lang ang kuya mo. Pakiramdam ko nga ay sobrang saya ng pananatili ng
kapatid mo sa aming paaralan" Matapat kong sagot. Although medyo nahihirapan si
Klein sa dami ng pinapagawa sa kanya.
"Mabuti naman kung ganoon" Huminga ng malalim si Alter na parang natuwa sa kanyang
narinig.
Dahil naungkat na rin naman si Klein ay hindi ko na maiwasang ungkatin kung paano
siya namuhay dito sa Raven Clan. "Bakit? Hindi ba masaya si Klein dito?"
Pagtatanong ko.
Ang masayang ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng lungkot. "Siguro... Kaya nga
umalis si Kuya eh"
"Noon kasi ay pinipilit siya ni ama na maging sunod na pinuno ng aming hukbo.
Ngunit hindi iyon ang pangarap ni kuya, mas gusto niyang maglakbay sa iba't-ibang
lugar. Mas gusto niyang magsaya ke'sa tumanggap ng seryosong responsibilidad"
Pagpapaliwanag sa akin ni Alter at napatango-tango na lamang ako. Halata naman kay
Klein na siya yung tipo ng tao na hindi gustong tumanggap ng mabibigat na
responsibilidad.
Nakatahimik lamang ako habang pinapakinggan ang mga lumalabas na salita kay Alter.
"Itinakwil siya ni ama kapalit ng kalayaan na gusto niya. At ngayon, ako ang
sinasanay sa posisyon na dapat sa aking kapatid"
"Gusto mo ba?" Pagtatanong ko bigla. "Gusto mo bang maging iaang pinuno ng isa sa
pinakamalakas na samahan dito sa magical world?"
Saglit na natahimik si Alter at ngumiti sa akin. Sa murang edad ay ang mature niya
mag-isip. "Wala naman akong magagawa. At isa pa, nung mga bata kami ay parati akong
tinutulungan ni kuya... Ngayon ay ginagawa ko ito para makabawi sa kanya. Kaya kong
panindigan ang posisyong ito" Nakangiting sabi ni Alter.
Ramdam ko ang pagmamahal sa bawat salitang binitawan niya. Siguro ay sobrang close
nila ni Klein nung sila'y mga musmos pa lamang.
Kaya pala ayaw bumalik ni pambansang monggoloid dito... Sarili niya ng ama ang
nagtaboy sa kanya. Ganoon ba kahalaga ang posisyon na pagiging pinuno ke'sa aa
kasiyahan ng sariling anak? What a jerk.
May itatanong pa sana ako ngunit narinig ko ang tinig ni Klein, "Bea!" Malakas
niyang sigaw at tumakbo tungo sa aming direksyon. Tinignan ako ni Alter na parang
sinasabi na huwag kong sabihin ang aking mga nalaman. "Anong pinag-uusapan niyo?"
"Nagtanong lang si Bea kuya kung ano ang ikinabubuhay ng mga Raven Clan. Mauuna na
ako, kakamustahin ko pa ang mga mandirigma sa kanilang pagsasanay" Ngumiti sa amin
si Alter at naglakad paalis.
Nakatingin lang ako kay Alter habang naglalakad palayo. Nakakaawang isipin na sa
murang edad ay nape-pressure na si Alter upang maging sunod na pinuno ng Raven
Clan, hindi niya na-enjoy ang pagiging teenager niya. Pero lahat iyon ay ginagawa
niya para sa kapatid at saludo ako sa dahilan niya. Patunay lamang ito na kahit
kulang ng pitong buwan si Klein ay mahal niya pa rin ito.
"Uy Bea" Napalingon ako kay Klein ng bigoa niya akong tawagin. "Kanina pa kita
tinatawag eh, handa na raw si pinunong Xandro upang kausapin kayo" Wika ni Klein.
Isa si pinunong Xandro sa pakay namin dito dahil isa siya sa magtuturo kay Jasmin
na kontrolin ang kanyang mahika. Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Halika na"
"Ano halikan na? Grabe ka Bea, ang bastos ng bibig mo" Napairap muli ako sa ere
dahil sa winika ni Klein.
***---***
Harly
Nandito lamang ako sa loob ng clinic sabi nila. Nakakapanibago dahil wala akong
makita, itim lahat ng paligid ko. Tinanggalan ako ng mga De Lorgans ng kakayahang
makakita.
"Ano ang mga ingay na iyon?" Pagtatanong ko sa healer na tumitingin sa aking mata.
Ilang beses na nilang sinabi na baka raw hindi na ako makakitang muli kaya tuluyan
ko ng pinatay ang pag-asa ko roon. Sunod-sunod na pagsabog ang naririnig ko sa
labas at wala akong ideya sa mga nangyayari.
"Wala lang iyon, may nagsasanay lang sa labas" Wika nito sa akin at napakagat ako
sa ibabang labi ko. Alam kong hindi iyon ang dahilan.
"Bulag ako pero hindi ako tanga. Alam kong may masamang nangyayari sa labas" The
worst part of being blind... Wala kang ideya sa mga nangyayari, isa pa rito ang
madalas na pagsisinungaling ng mga tao.
Sinasabi nila sa akin na gagaling ako, makakakita ako... Pero hindi na. Akala yata
nila porke't nabulag ako ay magiging tanga na ako.
"Sabihin mo na ang totoo" Wika ko sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan siya pero
naririnig ko ang pagtunog ng mga kagamitan kaya alam kong nandito pa siya.
"Maliit na gulo?"
"Okay, may malaking gulo na nangyayari sa labas. Pero huwag mo ng i-stress ang
sarili mo tungkol doon. Mas kinakailangan mong magpahinga, kapag fully recovered ka
na ay susubukan nina Miss Melabie na ayusin ang mata mo"
But that's not the case. Umilaw na ang kwintas ni Jasmin, sa tagal ko siyang kasama
alam kong hindi niya ito makokontrol dahil minsan ko ng nakita ang kapangyarihan
niya nung nasa kastilyo kami. Maybe sinisisi niya ang sarili niya sa mga nangyayari
kaya ganito ang kinalabasan. "Dalhin mo ako sa kanya"
"Dalhin mo ako. Kailangan ako ni Jasmin sa pagkakataong ito" Wika ko at tumayo ako.
Nagsimula akong maglakad ngunit paulit-ulit akong natunggo sa mga kama o kaya naman
sa pader. Damn. "Dalhin mo ako. Parang awa mo na"
"O-okay, pero huwag mo akong isusumbong ah" Hinawakan niya ang kamay ko upang
alalayan akong maglakad.
"H-hah? Daylight. Daylight ang pangalan ko" Wika niya. (Daylight, pronounce as
Deylayt)
"Daylight? Ang kakaiba naman ng pangalan mo" Hindi na siya sumagot pero patuloy
niya pa rin akong gina-guide sa paglalakad. "Maraming salamat, Daylight"
***---***---***
Update done again guys! The next update will be next week na. :)
Guys, itatanong ko lang kung gusto niyong dito ko na lang din isulat ang season 3
or sa another book? Napakahaba na kasi dito eh kung saan kayo madadalian sa
pagbabasa doon ako :)
Mabuti na lamang at itinuro sa akin ni Klein kung saan nakatira si pinunong Xandro
upang aking mapuntahan. Jusko! Ayokong magsama ng isang monggoloid, baka magkaroon
ako ng unang baliw na mapatay.
Si Red at Charly ang kasama kong makipag-usap kay pinunong Xandro ngayon upang mas
maayos ang maging takbo ng usapan dahil kapag isinama ko sina Jacob at Klein ay
baka sa kung saan lang mapunta ang usapan.
Nasa bandang dulo ito ng Raven clan at maraming kawal o mandirigma ang nagbabantay
sa bahay ni pinunong Xandro, hindi nga siguro basta-basta normal na tao si pinunong
Xandro dahil sobrang pinahahalagahan siya ng samahang ito. Hindi rin magarbo ang
bahay nito, kung tutuusin ay para siyang dojo sa mga napapanuod kong anime eh.
"Nandito na tayo" Bigkas ko sa kanilang daliwa, as usual seryoso lang ang dalawang
ito. Magkakaibigan kami pero pakiramdam ko ay parating may tensyon sa pagitan
nilang dalawa, para bang itinuturing nila ang isa't-isa na karibal sa lahat ng
bagay.
"Kakausapin lamang namin siya, mga kaibigan kami ni prinsipe Klein at naparito kami
upang humingi ng pabor sa isa sa inyong mga pinuno" Gusto kong punasan ang dila ko
sa pagsabi na isang 'prinsipe' si Klein. Jusko! Hindi ko pa rin lubos maisip na
dugong bughaw ang monggoloid na iyon.
Nagkatinginan ang dalawang bantay na parang hindi kumbinsido sa aking sinabi. "Kung
gusto niyo ay isasama pa namin ang inyong prinsipe. Hindi ba't kabastusan iyang
ginagawa ninyo kung pinaunlakan naman kami ni pinunong Xandro na makausap siya? Mas
gusto niyo pa bang mapagalitan ke'sa papasukin na lamang kami ng wala ng tanong-
tanong" Mahabang litana ni Charly. Nakakatakot talaga ang awra ng masungit na
lalaki na ito kapag seryosong nagsasalita.
Bumuntong hininga ang isang mandirigma at binuksan ang pinto. "Maaari na kayong
pumasok, ngunit sa oras na may mangyaring masama sa aming pinuno ay tatapusin namin
ang inyong mga buhay" banta nila.
Bakit naman ako kikilos ng hindi maganda kung nasa kuta kami mismo ng Raven clan?
At isa pa, batid kong magaling sa pakikipaglaban ang lahat ng nandirito, kayang-
kaya nilang pulbusin ang estudyanteng gaya namin pagdating sa labanan.
Pagkarating namin sa sala ay nakaupo ang isang matandang lalaki. Malawak ang ngiti
nito sa labi na para bang sinasabi na malugod niya kaming tinatanggap sa kanyang
tahanan. "Magandang araw po" Pagbati ko sa kanya.
Tumingin ito sa akin... Actually, hindi ko alam kung sa akin siya nakatingin o sa
katawan ko. "Maligayang pagdating din hoho!" Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.
"Pinunong Xandro, wala po sa dibdib ni Bea ang kausap ninyo. Eto po kami" Magalang
na sabi ni Red. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng jacket sa pagkakataong ito,
kinuha ko ang dulo ng jacket upang ma-zipper ito.
Mukhang manyakis na matanda pa yata itong si pinunong Xandro nila. Umubo ng mahina
si pinunong Xandro at sumeryoso ang tingin sa amin. "Anong kailangan ng mga taga-
Altheria Academy sa akin? Hindi naman kayo pupunta sa ganitong kalayong lugar para
lamang sa wala"
Mukhang alam naman niya na may pakay kami sa kanya. "We need your help" Si Red na
mismo ang nagsabi. Walang paligoy-ligoy at tinumbok niya agad ang aming kailangan.
"Para saan?" Nagsindi ito ng tobacco at umihip ng usok sa hangin. Sucks, I hate
smokes.
"Para kay Jasmin, ang babaeng may kakaibang kapangyarihan" Pagtutuloy ni Charly.
Hindi ko alam pero parang nakajqtqkot ang atmosphere sa bahay na ito, napakaseryoso
ng topic at direct to the point ang mga binibitawan nilang mga salita.
"Bakit ko naman tutulungan ang mga taga-Altheria? Matapos niyong sabihan na isang
masamang grupo ang Raven Clan ay hihingi kayo ng tulong sa amin?" Muling umihip si
Pinunong Xandro sa tobacco. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil totoo ang
kanyang sinabi, naniwala kasi kami na masamang grupo ang Raven Clan... Noon.
"Nung sinubukan naming kuhanin sa inyo ang babaeng may kakaibang kapangyarihan ay
hindi niyo siya ibinigay sa amin, tapos ngayon ay pupunta kayo rito para lang
hingin ang aking tulong?" All he said was true. Nakakaasar dahil wala kaming
maipambalik sa kanyang sinasabi. Sinubukan nilang kuhanin noon si Jasmin sa
pamamagitan ni Klein.
"Pero batid niyo ang lakas ni Jasmin, alam niyo rin na kayo lamang ang makakatulong
upang makontrol niya ito ng maayos" Wika ko, hindi ko alam kung saan ako humugot ng
lakas ng loob upang magsalita ngunit as a leader... Pakiramdam ko ay trabaho ko ito
at may mga taong umaasa sa akin na ayokong mabigo.
"Hindi ko na problema iyon, kaya nga nasa pamamahala niyo ang babaeng may kakaibang
taglay ng kapangyarihan. Responsibilidad niyo siya" Bumuga siya ng usok at ilagay
sa ash tray ang tobacco upang patayin.
"Kinokonsensya mo ba ako bata? Akala mo ba'y porke't nakarating kayo sa aming lugar
ay papayag na ako. Unang-una, hindi ko hiniling na kayo'y tumungo rito, kayo mismo
ang nagpunta rito upang hingin ang tulong ko"
Magsasalita sana ako pero biglang umubo si Charly at seryosong tumingin kay
Pinunong Xandro. "Kung wala pa pong nagsasabi sa inyo mahal na pinuno. Nagbalik na
po ang mga De Lorgans at plano nilang kuhanin si Jasmin"
"Hindi kami gumagawa ng kwento! Pinatay ng isa sa kanila si Patty, pinatay nila ang
healer namin" Depensa ko. Namatayan kami ng isang kasamahan at pagkatapos no'n ay
sinungaling lang ang iisipin niya sa amin? Pathetic.
"Kung totoo ang inyong sinasabi ay nasa panganib nga talaga ang lahat maging ang
mga ibang nilalang na naninirahan dito. Tuluyan na bang umilaw ang kwintas ng
babaeng itinakda?" Pagtatanong niya.
"Hindi pa nung umalis kami ng Altheria, pero nararamdaman naming lahat na malapit
na ito. Kaibigan kaming lahat ni Jasmin, wala naman kaming benefit na makukuha sa
ginagawa naming ito. Gusto lang namin lahat tulungan ang aming kaibigan" Mahaba
kong litana.
Lumuhod ako sa kanyang harapan upang makiusap. "Please. Ayokong gamitin si Jasmin
ng kahit na sino para lamang sa masamang gawain. Tulungan niyo kami, kailangan ni
Jasmin ng inyong gabay" Nilunok ko na ang lahat ng pride ko para rito. I'm one of
the most respected student sa Altheria, pero heto ako ngayon, nakaluhod at
seryosong nakikiusap.
Matagal akong tinitigan ni pinunong Xandro, mukhang ina-annalyze niya kung gaano
kalaki ang kagustuhan namin para rito. "Pumapayag ako, sa isang kundisyon"
Tinignan namin siya maigi at may ngiting gumuhit sa aming labi. "Patingin ulit ng
dibdib mo" Halos lumuwa ang mata ko sa kanyang sinabi habang yung dalawa kong
katabi ay naramdaman ko ang pag-alog ng balikat at halatang-halata na nagpipigil ng
tawa.
Sabi ko na nga ba tama ang first impression ko eh, walang normal na tao rito sa
Raven Clan. Isang prinsipeng monggoloid at isang pinunong manyak. May mga diprensya
ba sa utak ang mga tao rito?
"Ayoko nga!" Malakas kong reklamo. Pero siyempre hindi naman pwedeng hindi namin
mapapayag si Pinunong Xandro kahit manyakis 'yan.
Habang kinakabahan ako ay biglang may isang tao na pumasok sa aking isipan.
Maganda? Check! Sexy? Check! May malaking hinaharap? Pak na pak na check!
"Pero may kakilala akong magandang babae na ikakasaya ng mata niyo" I suddenly
smirked, salamat dahil magagamit na namin ang ganda niya-- Si Trixie.
***
Jasmin
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin o kung bakit ginagawa ko ang sunod
sunod na pagsabog. Gumagalaw ang katawan ko ng hindi naaayon sa nais kong gawin.
Sunod-sunod na pagsabog ang aking nagagawa. Blangko ang utak ko, pigilan niyo ko,
please.
"Jasmin 'wag kang magpalamon sa galit mo, gumising ka Jasmin. Wala kang kasalanan
sa mga nangyayari" Wika nung miyembro ng de Lorgans ngunut imbes na sagutin siya ay
muli ko siyang hinagisang ng fireball pero nakaiwas lamang siya. "Huwag mong hayaan
na kontrolin ka ng magi mo!"
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ko ba ginagawa ang bagay na ito? Bakit hindi ko
makontrol ang sarili kong katawan. Napapagod na ako, tulungan niyo ako.
Muli ko sana siyang aatakihin ngunit unti-unting nagbago ang kanyang hitsura. "H-
Hades" Mahina kong bulong at may luhang tumulo sa aking mata.
"I-itigil mo na 'yan Jasmin" Nanghihina niyang bigkas. Nakatayo lamang ako at hindi
makagalaw. Hindi ako makapaniwalang nagawa kong saktan ang isa sa mga taong
tunutulong sa akin, wala na akong pinagkaiba sa mga De Lorgans na walang ibang
ginawa kun'di ang manakit ng kapwa.
Habang nakatayo ko ay biglang may yumakap sa aking bewang. "Ate Jasmin itigil niyo
na po 'yan. Ate tumigil na po kayo" Ramdam ko ang mahigpit na yakap sa akin ni Wei
at ang pagkabasa ng laylayan ng aking damit tanda ng pag-iyak niya.
Nakatayo lamang ako at isa-isang bumagsak ang mga luha ko. Unti-unti ko ng naigalaw
ang katawan ko at dahan-dahan akong napaluhod sa damuhan. Ano ba 'tong nagawa ko?
Nagawa kong sirain ang paaralang nagsilbing aking tahanan.
"Jasmin!" Isa pang tinig muli ang aking narinig, pagkalingon ko ay si Harly ito
habang akay-akay siya ng isang babae. "Jasmin, hindi man kita nakikita... Pero
nararamdaman kong umiiyak ka. Itigil mo na 'yan Jasmin" Nakangiti niyang bigkas.
Nakakapanibagong tignan si Harly dahil ang patay ng kulay ng kanyang mata.
"Jasmin, wala kang kasalanan sa mga nangyayari... Kaya halika na, itigil mo na
'yan" Dugtong pa ni Harly.
Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak. Nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan
akong hindi ako pinapabayaan at hindi ako iniiwan kahit gaano pang kalaki ang
kasalanang aking nagawa.
***---***
Sabi ko next week ako mag-a-update pero hindi rin ako nakatiis. So I decided na
ituloy-tuloy ko na ang Altheria hanggang last season sa book na ito.
Guys may I ask kung paano kayo napapasaya ng Altheria Academy or nadadala din ba
kayo sa mga eksena? Iko-compile ko lahat ng comments niyo at gagawin kong isang
video para sa ending ng book 2 :)
Attention!
Plano ko sanang i-self publish yung season 1 ng Altheria (Chapter 1- Chapter 43).
Now magka-canvass muna ako kung gusto niyo rin bang magkaroon ng hardbound copy ng
Altheria: School of Alchemy Season 1. Dapat kasi talaga eh sariling kopya ko lang
ang bibigyan ko kaso naisip ko kayo, baka may ibang may gusto
Ang price range po siguro ay 250-320 pesos pwera pa yung Shipping fee. (Wala akong
kickback d'yan, kung ano talaga yung magagastos sa print ay iyon ding presyo ang
ibibigay ko sa inyo... Hindi ko naman pagkakakitaan 'yan)
Isang batch lang po ang mangyayari if ever na matuloy 'tong plano na 'to so ngayon
magtatanong ako...
IF EVER ISE-SELF PUBLISH KO BA SIYA, BIBILI KAYO?
Huwag po kayong mag-alala, matapos ang Season 2 ay ganoon din ang gagawin ko.
Huwag pong talkshit ah, seryoso po 'to. Dahil nag-i-start na po akong asikasuhin
yung mga kailangan.
Kung taga-Bulacan or Kayang pumunta sa SM Pampanga, SM North/Trinoma. Hindi niyo na
po kailangan problemahin yung shipping fee dahil baka pumunta na rin ako d'yan para
ihatid sa inyo yung mga libro. Pero kung hindi kaya, pwedeng mag-shipping.
If lagpas sampu ang sigurado, ipu-push ko 'to.
Inuulit ko po, hindi ito sapilitan at itutuloy ko pa rin ang Altheria sa wattpad
hindi ko po siya idi-delete. Sa mga gusto lang magka-copy ng book version... ayun
bumili tayo :)
Sa mga gustong mag-avail just kindly PM me para mabilang ko kung ilan ang o-order
(yung sure na po ah, ayoko ng talkshit)
***---***
BEA
Kinuha ko ang kwintas sa aking leeg na may puting ilaw at tinitigan ito. "Nagawa
natin, Patty" Napangiti ako at hinawakan ko ng mahigpit ang kwintas.
Umusog ako para makaayos siya ng upo. "Mamaya na ako kakain, ikaw ba't hindi ka pa
kumain doon?" Pagbabalik ko sa kanya ng tanong.
"Mamaya pa kakain ang lakas ko eh, mamaya na rin ako" Napaiwas ako ng tingin sa
kanya dahip nagsimula na naman siya sa pagbabato ng mga corny niyang pick up lines.
Gunggong talaga.
Paratibg sinasabi ni Jacob na vocal siya sa nararamdaman niya sa akin pero madalas
ay pakiramdam ko qy pinaglalaruan niya lang ako, past time para asarin. Sinong
flirt ang magtitino para sa isang babae 'diba?
"Malapit na rin tayo makauwi miss officer. Babalik na sa normal ang lahat" Jacob
said habang inuunat ang magkabila niyang kamay. Muli akong napangiti. Muli ko na
kasing makikita ang mga kaibigan kong naiwan doon. Sina Charmaine, Jasmin, at
Harly.
"Sana nga ay maging maayos na ang lahat. Sana matapos na lahat ng gulo"
Habang nakaupo kami ay napatigil kami sa pag-uusap ng bigpang humilera ang mga
miyembro ng Raven clan at parang nagbibigay pugay sila. Dahil na-curious kaming
dalawa ni Jacob ay napatayo kami at nakisingut sa mga taong nakatayo sa daan.
Isang may edad na lalaki ang naglalakad, siguro ay nasa early 40's palang ito dahil
ang bata ng kanyang hitsura kahit na may kaunti siyang man's beard. Nakakatakot ang
aura ng lalaki at halatang-halata ang pagiging strikto at masungit nito. "Sino
siya?" Mahina kong bulong kay Jacob ngunit nagkibit balikat lamang siya dahip wala
rin siyang alam.
Dahil sa kuryosidad ko ay hindi ko na maiwasang magtanong sa katabi kong lalaki.
"Kuya, sino po siya?"
"Siya ang hari ng Raven Clan, si Haring David. Ang ama nina prinsipe Klein at
prinsipe Alter" Wika nito na aking ikinagulat, sa tingin pa lang ay mukhang malayo
na ang ugali niya sa ugali ng magkapatid.
Mabilis na itinuro ng mga tao rito kung saang bahay kami nanatili at nagtungo naman
si Haring David sa direksyon na iyon. "Halika" Pag-aaya sa akin ni Jacob.
"Saan tayo pupunta?" Mahina kong bulong sa kanya ngunit hinatak niya ang kamay ko
at sumunod kami kay haring David. "Huy Jacob ano ba! Bitawan mo nga ako"
Nanlaban man ako ngunit huli na ang lahat, namalayan ko na lamang na nasa tapat na
kami ng aming tinutuluyan. Akmang papasok kami ngunit narinig namin ang seryosong
pag-uusap sa loob ng silid.
***
Klein
Naiwan akong mag-isa rito sa aming tinitirahan dahil maagang natulog si Charly
dahil sa pagod samantalang si Red naman ay nasa training ground at nag-e-ensayo
kasama ang ibang miyembro ng Raven Clan. Si Trixie? Ayun! Ibinenta ni Bea kay
pinunong Xandro at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik. Tiwala naman ako na
walang gagawing masama si pinunong Xandro kahit may pagkamalibog iyon.
Pinunasan ko ang lamesa upang makuha lahat ng mugmog ng biglang bumukas ang pinto.
"Oh Bea nandit--" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang iniluwa ng pintuan.
Napaayos ako ng tindig at napakagat ako sa ibabang labi ko, "Kayo po pala A-ama"
Hindi ko alam kung tatawagin ko ba siyang ama o haring David dahil sa pagkakatanda
ko ay itinakwil na niya ako nung huling punta ko rito.
"Bakit napunta rito sa Raven Clan ang isang prinsipe na tinalikuran ang kanyang
posisyon para lamang magsaya sa isang paaralan" Ang malamig na tono ng kanyang
boses at pagiging ma-otoridad nito ang nagpalakas ng kabog sa aking dibdib. Kung
may tao man akong kinatatakutan-- siya 'yon.
"Hindi ko naman po kasi gustong mamahala sa buong Raven clan. Nandiyan si Alter,
gusto niya pamunuan ang buong Raven clan... huwag niyo na po akong ipilit d'yan"
Pagpapaliwanag habang nakakuyom ang aking palad, nangangatog din ang aking tuhod
dahil sa kaba. Pakiramdam ko nga ay tutumba ako ano mang oras.
"Isa kang duwag. Wala akong anak na hindi marunong tumanggap ng responsibilidad,
tinalikuran mo ang pagiging prinsipe mo... para saan? Para maglaro? Para mag-aral?"
Naglakad papalapit sa akin si ama. Duwag, iyan ang tingin niya sa akin simula ng
talikuran ang responsibilidad na kanyang pinipilit.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Habang nasa loob ng Altheria Academy ako ay pilit
kong itinatago ang tungkol dito, bakit ko ipagyayabang sa iba na prinsipe ako eh
kahit minsan ay hindi ko naman itinuring ang sarili ko bilang isang dugong bughaw.
Dito sa Raven clan, lahat ng tao rito ay iginagalang ako, mataas ang tingin sa
akin. Pero sa Altheria Academy... doon ko naramdaman na normal ako, doon ko
naipakita ang totoong Klein. Doon mas nahubog ang pagkatao ko at mas naging
malakas.
"Pero ama ni-minsan ba ay tinanong mo sa akin kung ano yung bagay na gusto kong
gawin? Minsan din ba natanong mo kung gusto ko talagang maging pinuno ng Raven
clan?" Hindi ko namalayan na may mga namuo na palang luha sa aking mata, siguro
marahil ay ito talaga ang mga salita na gusto kong sabihin matagal na. "Ni-minsan
ba ama natanong mo kung masaya ako sa mga gusto mong gawin ko?"
"Ama bakit hindi niyo maintindihan na mas masaya ako na makarating sa iba't-ibang
lugar ke'sa manatili sa Raven clan upang pamunuan ang ating samahan. Ama, puro
pamumuno na lang ba ang iniisip ninyo? Ni-minsan ba ay hindi sumagi sa iyong isip
ang kasiyahan ng iyong anak? Puro na lang ba gusto niyo ama?" Hindi ko namalayan na
may mga luha na rumaragasa galing sa aking mata.
This is the reason kung bakit ayokong bumalik sa lugar na ito... Sawang-sawa na ako
sa paulit-ulit na utod ni ama sa mga bagay na dapat kong gawin. Isa lang akong
gamit para sa kanya at ni-minsan ay hindi ko naramdaman ang pagiging tatay niya sa
akin.
"Ayun na nga eh, sana hindi na lang ako naging prinsipe. Hindi ko rin naman
hiniling ang bagay na iyan" Pinahid ko ang luha galing sa aking mata.
"Alam mo kung ano ang gusto ko ama? Ang pagmamahal mo, ang suporta mo, ang
ipagmalaki mo ako... Iyon ang gusto ko ama. Gusto ko man lang kahit minsan sa buhay
ko, maramdaman kong may ama ako. Kahit minsan man lang sa buhay ko, maramdaman kong
may pamilya akong sumusuporta sa akin" Napaluhod na ako at hindi na kinaya ang mga
nangyayari. "Kahit minsan lang ama. Kahit minsan lang. Mahalin niyo ako hindi
bilang isang prinsipe, mahalin niyo ako bilang si Klein. Si Klein na anak mo at
hindi isang gamit. Kahit minsan lang ama, kahit minsan lang"
Napatigil ako ng bigoang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Bea at Jacob.
Tinulungan ako ni Bea na makatayo, "Tumayo ka Klein, huwag mong luhuran ang isang
tao na sarado ang tenga at maski ang puso pagsating sa kanyang anak" Wika ni Bea.
Sa totoo lang ay takot ako sa ama ko. Pero simula nung nakilala ko ang mga kaibigan
ko, nakita ko kung paano nila nilagpasan ang problemang dumating sa kanila, nakita
ko kung paano nila tulungan ang isa't-isa. Kung kaya nila, kaya ko rin harapin ang
sarili kong problema.
Napatingin ako kay ama na nakatayo lamang at pinagmamasdan ako, siguro marahil ay
tumama sa kanya ang mga salitang ipinukol ko kanina o kaya naman ay wala lang sa
kanya iyon.
"Hindi niyo alam kung anong hirap ang dinadanas ni Klein, bago niyo isumbat ang mga
pagkakamali niya... Bilangin niyo muna ang mga bagay na nagawa niyang tama para sa
inyo. Minsan hindi na si Klein ang mali, kayo na" Huling sinabi ni Bea at inakay
niya ako, hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin maramdaman ang tuhod ko dahio sa
takot. "Halika na"
"Pasensya na"
***---***
Puputulin ko muna siya rito. Guys! Kindly report this account dahil sa paggamit
niya sa ilang parts ng Altheria ng walang paalam. His UN was JayCarnerHealer
Kinopya niya ang mga De Lorgans at Polto's Forest. Si Jacob, Sir Steven ng
Altheria. Maging si Claire ng Arcane. His using all of that without my consent.
Thanks!
Artwork made by me, sinubukan ko lang pero hindi talaga ako artist kaya huwag niyo
sanang i-bash haha!
"A-ah oo, pasensya na kung naistorbo kita. Pinapabantayan ka kasi sa akin ni Ms.
Melanie" Ngumiti ako kahit hindi ko alam kung nasaang direksyon siya. Ang sakit
lang isipin na may mga bagay na talaga ako na hindi magagawa tulad ng dati. May mga
bagay na kinakailangan kong gawin ng may kasama para lang magpatuloy.
"Yung totoo, Daylight" Alam ko namang white lies ang ginagawa ni Daylight pero
ayoko lang nung pakiramam na pinagmumukha akong tanga. Bulag lang ako, hindi ako
tanga. Kung tutuusin nga ay mas matalino pa ako sa ibang estudyante, pero
nakakapanghinayang din na mababalewala na ang talino na iyon.
Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga as a sign of forfeit, "Ayun, malaking
pinsala ang nangyari sa Wanester Division kaya nag-iisip pa ang mga guro at mga
namamahala kung paano ang kanilang gagawin" Naramdaman ko na may bed table na
ipinatong si Daylight sa kama. "Kumain ka na muna. Kaya mo ba?"
"Ah i-guide mo muna ako sa simula pero ako na ang magtutuloy pagkatapos"
Hindi naman pwedeng parati na lang akong umasa kay Daylight, dapat paunti-unti ay
masanay na ako sa sitwasyon ko. Kailangan kong tanggapin na may mga bagay na
imposible ko ng magawa.
Habang kumakain ay biglang pumasok sa aking isip si Jasmin. Nung huling beses na
pinuntahan ko siya kasama si Daylight ay wala raw itong malay. Sa laki ng pinsala
na kanyang nagawa sa buong Wanester division at sa iba pang parte ng Altheria
Academy ay paniguradong naubos ang kanyang magi at mahaba-habang pahinga ang
kakailanganin upang makabalik siya sa dating sigla.
"Kamusta nga pala si Jasmin?" Pagtatanong ko sa kanya habang nginunguya ang sinubo
niyang pagkain.
Hindi ko naman sinisisi si Jasmin kung bakit ako nagkaganito, kung bakit ako
nawalan ng paningin. Dahil unang-una, kagustuhan kong protektahan si Jasmin.
"Ayos lang na samahan kita kaso ay baka kapag nakita ka ulit ni Jasmin ay maging
emosyonal na namang muli siya. 'Diba nga ay sinisisi niya ang kanyang sarili sa
pagkawala ni Charmaine at pagkawala ng paningin mo" Saglit na natigil si Daylight.
"Pasensya na. Hindi ko lang maiwasan ang pagiging madaldal ko"
"N-nagalit ka ba? Pasensya na sa pagiging madaldal ko" Bakas sa boses niya ang
takot sa akin.
Ngumiti ako sa kanya, "Hindi ako galit. Inisip ko lang na baka tama ka, baka kapag
nakita ako ni Jasmin ay muli siyang malungkot. Papalipasin ko muna ang mga araw
bago siya muling makaharap, gusto ko ay sa susunod naming pagkikita ay buo at
maayos na siya"
***
Bea
Kasalukuyan na naming inililigpit ang aming mga gamit upang paghahanda sa pag-uwi
ng Altheria. Nae-excite na nga akong muli dahil sa wakas ay makikita ko na ang mga
ngiti ng kaibigan kong naiwan sa loob ng Altheria. Ilang araw din ang aming nilagi
rito sa kuta ng Raven Coan bago mapapayag ang isa pang pinuno na tutulong kay
Jasmin-- si pinunong Cesar.
Saglit akong tumahimik dahil hindi naman ako sanay na okay kami ni Klein dahil nga
mortal enemies kaming dalawa, isinilang kami para bwisitin ang isa't-isa. "Hoy
monggoloid, masaya ako dahil okay na kayo ng tatay mo" Wika ko sa kanya at
nagmadaling lumabas ng silid.
Hindi ko na nakita ang naging ekspresyon ni Klein pero siguro marahil ay magiging
masaya 'yon.
Nung isinara ko ang pinto ay nagulat ako dahil pagtalikod ko ay nakita ko ang
pigura ni Jacob na nakatingin sa akin. Muntik pa akong mauntog sa dibdib niya sa
ginawa ko mauti na lamang ay mabilis kong naiilag ang mukha ko.
"W-wala, padaan" Sabi ko. Akmang aalis na ako kaso ay bigla niyang iniharang ang
dalawang kamay niya sa pinto, ang resulta? Eto na-corner niya ko. Bwisit na
gunggong 'to. "Ano ba Jacob! Padaan kako"
"Ang ganda mo pala sa malapitan miss officer" Sabi ni Jacob habang seryosong
nakatingin sa mukha ko. Ano na naman bang trip ng lalaki na 'to?
Naputol ang aking sinasabi ng mas lalong ilapit ni Jacob ang kanyang sa aking
mukha. Halos magdikit ang dulo ng aming ilong. "Mas maganda ka pala sa MAS
MALAPITAN" Halos umakyat ang dugo ko sa buo kong pisngi dahil sa mga sinasabi ng
lalaking ito. Napakuyom ako ng palad, huwag kang bibigay Bea. Pinaglalaruan ka lang
niyan.
"Tatlo, apat, lima. Sanay din akong magbilang miss Officer" Hindi pa rin siya
umaalis sa pagiging sobrang lapit sa akin kaya naiilang ako... Sobra.
"May pupun--"
"Gusto kita" Napatigil ako nung binanggit niya na naman ang mga salitang iyon.
Ilang beses na ba niyang sinabi ang salitang iyan? Hindi ko na mabilang. Pero
habang tumatagal ay mas lalo na akong naniniwala sa kanya. "Ilang beses ko ba
kinakailangang ipukol sa iyo ang mga salitang iyan bago mo maramdaman?"
Malakas ko siyang inapakan sa kanyang paa dahilang upang makawala ako sa pagkaka-
trap niya. "Ewan ko sayo"
Naglakad na ako pababa at nakita ko sina Red at Charly na parehas tinitignan ang
mga gamit namin habang si Trixie ay nakaupo lang sa isang upuan at mukhang
nangingilabot pa rin sa mga nangyari. Okay lang yun, maganda naman siya.
"Oh bakit ang tamlay niyong dalawa? Hindi ba't dapat ay masaya kayo dahil sa wakas
ay makakauwi na tayo? Mas mapapabilis nga ang ating biyahe dahil pinahiram tayo ng
kalesa ng Raven Clan"
Napatingin ako kay Red na panay hawak sa kanyang dibdib. Hindi ko malaan kung may
hika ba itong lalaki na 'to at panay hawak sa kanyang dibdib o kaya naman ay may
masakit talaga siyang nararamdaman. "Ikaw, okay ka lang ba Red"
"Not really. Pakiramdam ko kasi ay may masamang nangyari sa Altheria Academy" Sagot
naman sa akin ni Red. Ang sobrang O.A naman ng dalawang ito, dapat nga ay positive
lang kami dahil sa wakas ay makakabalik na kami sa Altheria. Basta ako, masaya lang
ako dahil sa wakas ay muli ko ng makikita ang mga kaibigan ko na naiwan sa loob ng
Altheria Academy. Alam kong kahit sila ay excited na rin na makita kami.
"Worth it naman dahil pumayag si pinunong Xandro na tulungan tayo. Anong ginawa
niyo?"
"Handa na ang karwaheng inyong gagamitin para sa inyong pag-alis. Siguro ay aabutin
kayo ng tatlong araw bago makabalik sa Altheria Academy" Wika ni Alter at napangiti
naman ako, mas mabilis ito kumpara sa ginawa naming paglalakbay patungo rito sa
Raven Clan.
Sa murang edad ni Alter ay hanga na talaga ako sa kanya dahil ang bigat ng kanyang
responsibilidad ngunit nagagawa niya ito ng maayos. Hindi nalalayo na mabigyan niya
ng magandang pamumuno ang Raven clan sa darating na panahon.
Saglit akong pumasok sa silid upang kuhanin ang mga naiwang gamit.
Bago ako sumakay ng karwahe ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng Raven clan at humawak
sa aking kwintas. Sa wakas Patty, makakabalik na tayo.
***
3rd Person
"Paano ang gagawin natin ngayon? Hindi naman natin pwede ituloy ang klase sa
Wanester division dahil karamihan ng mga pasilidad at silid aralan nito ay nasira
dahil sa nangyari" Pagpapaliwanag ni miss Melanie.
"Karamihan din ng mga estudyante natin ay nasa mundo ng mga tao dahil sa nangyari"
Dugtong pa ni sir Hafami.
Nag-tap ng daliri si Mrs. Evelyn na tila ba nag-iisip kung anong desisyon ang
kanyang gagawin.
Hindi na rin pinagtalunan ang tungkol kay Jasmin dahil wala na silang magagawa
kun'di tulungan ang babaeng may kakaibang lakas na kontrolin ang kanyang
kapangyarihan. Hinihiling niya rin ang matagumpay na oaglalakbay nila Bea upang
magkaroon sila ng kaagapay sa paghasa sa magi ni Jasmin.
Nagtaas ng kamay si Sir Ernie, "Bakit hindi natin tanggalin ang bakasyon ngayon?
'Diba may one week break tayong nagaganap kapag tapos ng exam? Bakit hindi natin
gawing isang linggo ang mga bakasyon ng estudyante sa mundo ng mga tao pero ang
kapalit nito ay wala na silang sembreak" Umugong ang malakas na bulungan na
sumasang-ayon sa ideya ni sir Ernie.
"Ang malaking problema natin sir ay kung paano aayusin ang Wanester Division" Sabi
ni miss Melanie.
"Imposible talagang maayos natin ang Wanester division in such a ashort period of
time" Si mrs. Evelyn na ang nagsalita. "Pagsamahin muna natin ang mga taga-Marsham
division at Wanester division ng sa ganoon ay may isang buong semestre tayo upang
ayusin ang pinsala sa Wanester Division. Sir Steven, ikaw ang inaasahan kong
mamumuno sa gagawing pagkumpuni sa mga nasirang pasilidad"
***---***
Sa mga readers na medyo nalilito pa sa Marsham, Wanester, Exemena Division:
-> Ang tatlong division po na ito ang humahati sa malaking paaralan ng Altheria
Academy.
***---***
Hell week was done! The two freakin' two weeks was done! Haha! Wala na kong pake sa
score ko, basta ang mahalaga nakaraos na ko haha (joke, kailangan wala akong
bagsak)
Hindi ko maipapangako na araw-araw may Update pero this time babalik na ulit sa
pagiging mabilis haha!
Chapter 78 "Friendship"
Jasmin
Nakakulong lamang ako sa isang kwarto sa Magic laboratory building. Puting-puti ang
apat na sulok ng kwarto at maging ang tiles nito ay kulay puti. Isang malaking
salamin lamang ang aking nasa harapan upang makita ko kung sino ang bumibisita sa
akin. Hindi sila pinapayagan na makalapit sa akin dahil baka mawalan na naman ako
ng kontrol sa aking kapangyarihan.
Tinignan ko ulit ang kwintas ko na wala na muling kislap. Sana ay hindi na lang ako
ang babaeng may kakaibang kapangyarihan.
Hindi ko pinangarap 'to. Hindi ba pwedeng mamuhay na lang ako katulad ng ibang
estudyante ng Altheria Academy na malaya nilang nagagawa ang kanilang mga gusto at
hindi nalalagay sa peligro ang kanilang buhay? Bakit kasi ako pa? Bakit
kinakailangang ako pa?
Hindi po ako ayos. Tulungan niyo ako. "Okay lang po" Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Iche-check ko lang ulit ang kalagayan mo ah. Wala ka bang kakaibang nararamdaman?
Umilaw na ba muli ang iyong kwintas?" Pagtatanong ni miss Melanie at umiling naman
ako bilang tugon. "Mukhang natutulog muli ang iyong magi, mas mabuti na iyon
hangga't hindi mo pa kayang kontrolin ang kapangyarihan mo"
"K-kamusta na po sa labas?" Kahit hindi nila sabihin ay alam kong malaking pinsala
ang aking nagawa sa Wamester division. Ang laki ng gulo na aking nagawa dahil
lamang hindi ko nagawang kontrolin ang aking emosyon.
"Hanggang ngayon ay kinukumpuni pa rin ang lahat ng pasilidad. Huwag mong sisihin
ang sarili mo, magpahinga ka pang muna sa ngayon" Nakangiting sabi sa akin ni Ms.
Melanie. "Kung may kailangan ka ay pindutin mo lang ang pulang button sa gilid ng
pinto at paniguradong darating ako"
Ngumiti sa akin ng matamis si Ms. Melanie. "Isa ka sa mga batang may mabuting loob
na aking nakilala Jasmin" Iniipit niya ang hibla ng aking buhok sa aking tenga.
"Wala kang kasalanan. Hindi ka nila sinisisi sa mga nangyayari"
Ngumiti ako dahil kahit papaano ay napagaan ni Ms. Melanie ang aking loob at kahit
papaano ay naisip ko na hindi ko nga dapat sisihin ang aking sarili.
Lumabas na si Ms. Melanie at muli na naman akong naiwang mag-isa. Halos apat araw
na rin magmula nung ikinulong nila ako rito. Wala naman akong dahilan magalit dahil
sa akin naman talaga may mali.
Kakain na dapat ako ng biglang may muling pumasok sa aking silid. Isa itong babae
na may suot na malakong salamin habang nqkqtirintas ang kanyang itim na buhok. May
mga freckles din siya sa gilid ng kanyang pisngi at halatang subsob sa pag-aaral.
Habang pumapasok siya qy may akay-akay siyang wheelchair papasok. Nung tinignan ko
kung sino ang nakaupo sa wheelchair-- Si Harly.
"Pasensya na sa abala" Wika nung babae habang ako naman ay hindi ko malaan ang
aking gagawin dahil sa muli naming pagkikita ni Harly. "Ako nga pala si Daylight.
Ako ang kasalukuyang naatasan upang tulungan si Harly"
Nabato ako sa aking kinatatayuan habang unti-unti niyang iginugulong ang gulong
wheelchair palapit sa akin. Kitang-kita ko ang walang buhay o kulay abo na mata ni
Harly. "Kamusta ka Jasmin?" Nakangiti niyang bigkas, pero imbes na maging masaya
ako dahil sa mga ngiti niya ay parang may mga karayom na tumusok sa aking dibdib.
"Iwan ko muna kayo" Sabi nung Daylight at naglakad palabas ng silid. Masyadong
kulob dito sa loob kaya imposibpeng marinig niya ang aming usapan sa labas.
"K-kamusta ka Harly?" Medyo nautal pa ako dahil hindi ko alam kung paano haharapin
si Harly. Sa tuwing nakikita ko kasi ang abong kulay ng kanyang mata ay hindi
maiwasan na manumbalik sa akin ang mga ala-ala nung nasa Polto's forest kami.
"Okay naman ako, medyo nasasanay na rin ako sa aking sitwasyon. Ikaw ayos ka lang
ba rito? Ikinukulong ka nila sa silid na ito" Hindi man siya nakakakita ngunit alam
niya ang mga nangyayari sa akin, "Huwag ka ng magtaka kung bakit alam ko pa rin ang
kalagayan mo, madalas ka sa aking ikwento ni Daylight"
Pinaypayan ko ang aking mata gamit ang aking kamay upang hindi tumulo ang aking
luha at pinilit oong huwag pumiyok sa aking boses, "Okay lang ako rito. Mas mabuti
ng nandito ako ke'sa naman makagawa pa ulit ako ng malalaking pinsala"
Saglit akong tumahimik at kumagat sa ibabang labi ko. "Uhm... Pasensya na Harly ah"
Ngumiti muli sa akin si Harly. "Wala kang kasalanan. Hindi kita sinisisi. Huwag mo
ng dalhin ang bigat ng problema na baka galit ako sa iyo. Hindi ako galit sa iyo
Jasmin at hinding-hindi ko kayang magalit sa iyo"
Napahikbi na ako at tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha dahil nung marinig ko
ang mga salitang iyon galing kay Harly ay nabawasan ang bigat sa aking dibdib.
"Huwag ka ng umiyak, naririnig ko ang iyong paghikbi"
***
Bea
Isang lalaki ang naglakad patungo sa amin, may bandage siya sa ulo at maging sa
kaliwang braso niya-- Si Hades. "Nandito na pala muli kayo"
"Anong nangyari sayo? Anong nangyari sa Altheria?" Pagtatanong ni Red kay Hades.
Wala kaming ideya sa mga nangyari, hindi ko nga inaasahan na ganitong bagay ang
sasalubong sa amin.
Kami naman ang lumungkot ang mukha dahil may isang masamang balita rin kaming
bitbit. "Si Patty, namatay siya nung nakalaban namin ang mga De Lorgans"
"I'm sorry to hear that" Sabi ni Hades. "Tumuloy muna kayo sa Principal office para
mag-report ng naging resulta ng inyong nangyaring paglalakbay" Tumango naman kami.
Ang sakit pang sa dibdib ng senaryong nakikita namin ngayon, malayong-malayo ito sa
Altheria Academy na madalas naming makita. Sirang pasilidad, magulong kapaligiran,
at maging ang magical na pakiramdam na nararamdaman ko tuwing nandito ako ay nawala
na rin.
"Wala na si Charmaine"
Isang balita na bumigla sa aming lahat. Isang balita na nagpatigil kay Charly.
***---***
Once again, hindi ko po bubuhayin si Charmaine kahit ang dami niyong nagre-request.
Book 2 "Epilogue"
Charly
Sa isang malungkot ma balitang dumating sa akin ay parang dinurog ang aking puso.
Walang kapantay ang sakit nung nalaman kong wala na ang kakambal ko, wala na ang
taong unang umintindi sa akin, wala na ang taong minahal ako ng buong-buo sa kabila
ng kasungitan ko. Wala na siya... Wala na.
Nandito ako ngayon sa may school church, pinagmamasdan ang kapatid ko na nakahimlay
sa sentro ng simbahan. Dito siya inilagay upang ma-preserve ang katawan niya,
hinintay daw talaga nila akong dumating bago nila ilibing si Charmaine.
Naglakad ako palapit sa kapatid ko at walang tigil ang luha sa aking mata. Hindi ko
'to inaasahan. Hindi ko in-expect.
Tinulungan ako ni Nurse Anne na tumayo, "Charly tumayo ka d'yan. Oras na para
magpaalam--"
"Magpaalam?! Tangina Nurse Anne, hindi ako naglakbay ng napakalayo, hindi ako
nawala sa piling ng kapatid ko para lang sa ganito! Tangina! Tangina!" Malakas kong
sinipa ang malapit na bangko. "Healer kayo 'diba?! Buhayin niyo ang kakambal ko!
Parang awa niyo na buhayin niyo ang kakambal ko!" Unti-unti akong napaluhod at wala
pa ring tigil ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay ang hina ko dahil hindi ko nagawang
protektahan ang sarili kong kapatid.
"Healer kami, pero hindi kami gumagawa ng himala Charly. Ang tanging basbas mo na
lamang ang hinihintay namin upang mabigyan ng maayos na pamamaalam ang kaka--"
"Hindi! Walang magpapaalam! Hindi lilisan ang kapatid ko! Alam kong gigising siya!
Gigising si Charmaine" Malakas kong sigaw at um-echo iyon sa buong simbahan. Hindi
ko kakayanin kung mawawala ang kakambal ko. Siya ang lakas ko, sa kanya ako
humuhugot ng confidence na mayroon ako ngayon... Hindi pwedeng mawala si Charmaine.
Hindi pwede...
Habang humahagulgol ako ng iyak ay isang tunog ng paa ang nanggagaling sa labas at
palakas ito ng palakas habang papasok sa loob ng simbahan. Napuno ng galit ang
aking puso ng makita ko ang kanyang mukha--Si Jasmin. "Bakit nandito ka?! Ikaw ang
may kasalanan kung bakit nawala ang aking kakambal! Umalis ka!" Malakas kong sigaw.
Oo, alam ko na ang kwento tungkol sa nangyari.
Kung dati ay puno ng pagmamahal ang nararamdaman ko kay Jasmin, ngayon ay napalitan
ito ng poot at galit. Isang gqlit na unti-unting sumisiklab habang nakikita ko ang
kanyang mukha.
"Ilang beses kang tinulungan ni Charmaine Jasmin. Hindi niya sinabi na umilaw na
ang kanyang kwintas dahil ayaw niyang maiwan kang mag-isa. Isa ka sa mga taong
pinoprotektahan ng kakambal ko... And yet, hinayaan mo siyang mamatay. Ginawa namin
ni Charmaine ang lahat para sa iyo, pero wala kang ginawa kahit iligtas man lang
ang kakambal ko" Being emotional was not my thing. Pero hindi ko maiwasan na
manumbat o mangonsensya dahil napupuno ng galit ang aking puso.
Sa tuwing nakikita ko ang nakahimlay kong kapatid na walang buhay, galit kay Jasmin
ang una kong iniisip. Hindi maibabalik ng kahit ilang libong sorry niya ang buhay
na nawala.
"Tumigil ka na nga lang sa paliwanag mo, pwede ba" Tumingin ako sa kanya ng
diretso, puno ng galit ang aking mata. "Alam mo, kalimutan na natin ang
pagkakaibigan na 'to. Wala akong kaibigan na hinahayaang mamatay ang isang
kasamahan. Umalis ka na"
"Charl--"
Wala pa sana siyang balak umalis ngunit tinulungan lang siya ni Nurse Anne na
lumabas. "Jasmin halika na. Hindi pa handa si Charly na makausap ka ng maayos" Wika
niya.
Hindi ko na siya binalingan ng tingin bagkus ay tumingin muli ako kay Charmaine.
Pinapangako ko sa sarili ko na ito na ang huling beses na tutulong ako kay Jasmin.
Yung misyon naming ginawa ang bagay na itutulong ko sa kanya.
BEA
Ngumiti sila sa akin bilang tugon. Minsan kasi, yung maliliit na bagay na ginagawa
nila para sa paaralan namin ay kailangan i-appreciate. Sila yung mga taong
nagsisipag para ayusin ang mga nasira naming pasilidad.
Naglakad ako papunta sa magic laboratory building para sana bisitahin sana si
Jasmin. Pero ewan ko ba, dinala ako ng aking paa sa likod ng building upang i-check
ang isang bagay.
Napangiti ako ng muli itong makita, yung pader na sinulatan namin ng spray paint ni
Jacob. "Akala ko ba binura na ito?" Nakangiti kong bigkas habang hinahawakan ang
pader.
"Anong palusot ka d'yan?! Feelingero ka ring gunggong ka eh. Asa ka" Sabi ko at
muling kinuskos ang pader.
Biglaan na naman kumabog ang dibdib ko dahil sa mga sinasabi ng gunggong na ito. "O
anong gusto mong gawin ko ngayon?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya."Aalis na k--"
Napatigil na naman ako dahil bigla na naman iniharang ni Jacob ang kamay niya sa
pader kaya na-corner na naman ako. "Eto ka na naman, hindi ka ba talaga aalis?!"
Malakas kong sigaw. Pero sa totoo lang ay mas dumoble ang kabog ng dibdib ko dahil
ang lapit na naman naming muli sa isa't-isa.
"Miss officer, hindi mo ba talaga napapansin lahat ng effort ko? Ang tagal ko ng
ginagawa ang lahat. Kulang na lang ay minu-minuto kong sabihin sa iyo na gusto
kita. Kahit ba katiting ay wala kang pagtingin sa akin?" Mas sumeryoso ang mukha ni
Jacob habang ako naman ay hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Nakakagulat ang
biglaan niyang pagiging seryoso.
"A-ano ba Jacob. Tumabi ka na, bibisitahin ko pa si Jasmin" Naging mas intense ang
tingin niya sa akin at wala na ang ngiti sa kanyang labi. Parang in just snap,
bigla kaming nagkaroon ng seryosong usapan ni Jacob.
"Sige miss officer. Kapag umalis ka ngayon, titigil na talaga ako. Hindi na kita
guguluhin, ito na ang magiging huli" Wika niya na biglang nagpakirot sa aking
dibdib. Parang sa ilang segundo na lumipas ay in-imagine ko na walang Gunggong na
manggugulo sa akin... Ang hirap.
"Will you stay or leave? Kapag umalis ka, tapos na 'to. Hindi na ako manggugulo sa
iyo" Sabi niya at nakatitig pa rin ng diretso sa aking mata..
Ilang segundo ang lumipas at ang segundo na iyon ay hindi ko namalayang naging
minuto. Ang tagal na pala namin sa ganoong posisyon.
Sinasabi ng ma-pride kong utak na umalis na ako dahil malamang ay ginagago na naman
ako ni Jacob pero sinasabi ng nangangamba kong puso na 'paano kung tumigil siya,
kayanin ko kaya?'
Saglit akong napalunok ng laway dahil sa kaba. I gave him a straight look.
"Umalis ba ako? Malamang alam mo na ang sagot. Gunggong ka talaga" Pahina ng pahina
ang boses ko habang sinasabi ang mga salitang iyan dahil sa hiya. Oo na, nahulog na
ako dito sa rule breaker na ito kahit total opposite kaming dalawa.
Unti-unting may sumilay na ngiti sa labi ni Jacob. "Oh ngumingiti ka d'yan? Mukha
kang tanga kaya paali--"
Imbes na umalis si Jacob sa pagkaka-corner niya sa akin ay mas lalong lumapit ang
kanyang mukha sa akin. "Sabihin mo muna na gusto mo rin ako miss officer"
"Jacob, ang baduy ng mga ideya mo" Napairap ako pero ewan ko ba, kahit ako ay hindi
rin maalis ang ngiti sa aking labi.
"Sabihin mo na lang"
Pagkasabi ko ng mga salitang iyon ay unti-unting lumapit ang mukha ni Jacob sa akin
habang nakasandal kami sa pader. Naramdaman ko na lang na tumama na ang kanyang
malambot na labi sa aking labi... At hindi ko na rin namalaya na tumutugon na ako
sa halik na iyon.
Gunggong talaga.
***
CATHY
"Ang galing mo talaga Cathy!" Pagpuri niya sa pag-arte ko, well hindi ko naman
itatanggi iyon dahil doon ako sa bagay nag-e-excel. Mukhang nahawaan na ako ng
monggoloid na iyon. "Pero mas maganda sana iyon kung mayroon kissin--"
"Sinabi ko naman manager Ella, ayoko ng tumanggap ng kahit anong scene na may
kissing scene" Dahil nangako ako sa isang tao na naka-reserve ang labing ito para
sa kanya.
Malapit na pa lang dumating ang kapaskuhan. Halos limang buwan na rin pala nung
huli ko siyang nakita, kamusta na kaya siya? Nasa maayos kaya siyang kalagayan?
Sana ay alam ko man lang kung nasaan siya para kahit papaano ay mabisita ko man
lang siya o kaya naman ay sana may cellphone siya para matawagan ko siya. Bakit ba
kasi ang hirap ng monggoloid na iyon.
"Hoy Cathy!" Mahinang tinapik ni Manager Ella ang aking balikat kaya nabalik ako sa
huwisyo. "Saan mo ba kako gustong kumain? May next scene ka pang ishu-shoot mamaya
kaya hindi dapat tayo lumayo"
Ngumiti ako sa kanya. "Sa loob na lang ako ng Van, ang lamig na kasi ng panahon
manager"
Naglakad ako paalis habang napalingon ako sa isang kumpol ng mga fans na isinisigaw
ang aking pangalan. Ngumiti at kumaway ako sa kanila at halos hindi sila magkamayaw
sa pagsigaw.
Naisip ko bigla si Klein, siguro kung nandito iyon ay baka kung ano-ano na namang
kabaliwan ang ginawa no'n. Gaano ba katagal akong maghihintay?
Binuksan ko ang pinto ng van at pumasok sa loob. May kukuhanin sana ako sa aking
bag ngunit isang tinig ang nakapagpagulat sa akin, "Kamusta ka na tagalupa?"
In-examine ko ang mukha niya kung siya talaga iyon. Mula sa singkit niyang mata,
makinis niyang balat, maging sa pang-monggoloid niyang ngiti. "Pogi ko pa rin 'no
hehe"
Napatulak ako sa kanya. Confirm, si Klein nga siya. "Bwisit ka, ang tagal mong
nawala ang sabi mo pupunta pa tayo sa magaganda lugar ng magkasama pero nawala ka
ng matagal na pana--"
Hindi pa natatapos ang saksakan na haba ko rant ng biglang may tumamang labi sa
aking labi na nagpatigil sa aking pagsasalita. Nagulat man ako sa nangyari... Oo
na, leche! Kinilig ako.
Tumagal ng ilang segundo ang halik na ginawa ng baliw na ito. Sa kanya ko lang
naman sine-save ang kiss ko eh dahil nangako ako sa kanya. "Kinukuha ko lang yung
bagay na para sa akin" Seryoso niyang sabi.
"Na-miss din naman kitang tagalupa ka eh. Pero sa ngayon ay kailangan ko na muling
umalis"
"Klein!" Malakas kong sigaw, inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid
ngunit wala na si Klein. Hindi ko alam kung nasaan na siya, pero isa lang ang
nasisigurado ko... Totoong nandito si Klein kanina, totoong nagtama ang aming mga
labi, otoo ang nangyari kong pagyakap sa kanya.
"Oh Cathy, malapit na ang next scene mo, standby na raw. Sino bang hinahanap mo?"
Sabi sa akin ng isang staff.
"May lalaki ka bang nakita na lumabas ng Van?" Pagtatanong ko sa kanya. "Saan siya
dumaan?"
"Lalaking lumabas? Walang lalaki na lumabas galing d'yan" Wika niya. "May problema
ba? Ninakawan ka ba?"
Oo, nanakaw ang puso ko. "Wala, pakisabi kay Direk papunta na ako"
Napangiti ako... Alam kong muli siyang babalik para sa akin, aasa ako sa kanyang
pagbabalik at muli kaming pupunta sa magagandang lugar ng magkasama.
***
JASMIN
Matapos ang nangyari kanina sa simbahan ay umiiyak akong bumalik sa loob ng silid
kung saan ako nakakulong. Bakit ba sa akin nasisi ang lahat ng nangyari? Kahit ako
rin naman ay nasaktan, kahit ako rin naman ay nawalan.
Pero sino ba naman ako para kwestyunin ang pagmamahal ni Charly sa kanyang kapatid
kaya naiintindihan ko kung bakit naging ganoon ang kanyang ekspresyon. Ako naman
talaga ang may kasalanan dahil sa lintik na kapangyarihan na mayroon ako.
Bakit ba kasi ako pa ang may ganitong klaseng kapangyarihan? Hindi ba pwedeng
maging isang normal na alchemist na lang ako? Hindi ko kailangan anh ganitong
klaseng kapangyarihan kung puro kapahamakan lang ang mangyayari sa mga mahal ko sa
buhay at aking mga kaibigan.
Isang katok sa bintana ang narinig ko galing sa labas kaya naman napukaw nito ang
aking atensyon. Si Red, nakatayo... Nakangiti sa akin.
Alam kong masyado ng hirap ang dinanas ni Red para sa akin pero kahit kailan ay
hindi niya ako iniwan, parati siyang nasa tabi ko kapag may problema ako o
kailangan ko ng tulong.
Walang tigil ang pagbagsak ng luha ko ng makita ko siya. Parang gusto kong sumandal
sa kanya kahit ngayon lang. Masyadong marami na akong sakit na naranasan, kailangan
ko ng taong masasandalan kahit ngayon lang... Please kahit ngayon lang.
"R-Red" Nanginginig ang aking boses nung pumasok siya sa loob ng silid. Akmang
lalakad ako patungo sa kanya...
"Huwag kang lalapit!" Sigaw niya sa akin. Iiwan na rin ba ako ni Red? Susukuan niya
na rin ba ako?
"Masyado ng maraming hirap ang dinanas mo. Ako na ang lalapit para sa iyo. Kung
dati ay pinipilit mong mapalapit sa akin, ngayon ay ako na ang lalapit sa iyo" Wika
niya kaya napahagulgol ako ng iyak.
Inihakbang niya ang paa niya palapit sa akin. Huminto siya nung magkalapit kaming
dalawa, pinahid niya ang luha na gumagapang sa aking pisngi. "Pasensya ka na kung
wala ako nung mga panahong kinailangan mo ako" Wika niya. "I'm sorry".
Wala kang kasalanan Red, ako ang may mali. Nasa akin ang pagkukulang dahil mahina
ako.
Hinawakan ni Red ang aking pisngi at hinalikan ang aking pisngi na may tumutulong
luha. "Tumigil ka na sa pag-iyak. Nandito na ako, poprotektahan kita. Kahit
makalaban mo pa ang lahat sa magical world, nandito ako... Nakatayo sa tabi mo at
sisiguraduhing ililigtas ka. Kakampi mo ako"
Ang dami kong gustong sabihin kay Red. Gusto kong mag-sorry, gusto kong magkwento,
gusto kong magpasalamat sa kanya... Pero walang lumalabas na salita sa aking mga
labi.
Minsan pala ay hindi mo na kailangan ng bibig para makausap ang taong mahal mo...
Dahil sa mga sinasabi niya ngayon, parang nag-uusap ang aming puso na parang ayaw
pakawalan ang isa't-isa.
Mula umpisa ay si Red ang taong nasa tabi ko at parating nagliligtas. Mula sa pag-
atake ng mga wolves sa Polto's forest, sa pagdukot sa akin ni Klein, sa pag-kidnap
sa akin ng makailang beses nangyari, maski sa maliliit na bagay... Si Red ang taong
nandiyan para sa akin mula umpisa.
"Salamat Red" Garalgal man ang aking boses ay ngumiti lamang siya sa akin.
"'Diba minsan mo ng naitanong kung sino ang queen ko as a magic swordsman?" Biglang
lumuhod si Red at may kinuhang sapatos mula sa kanyang likod-- iyon yung sapatos na
naiwan ko nung nadukot ako noong Marsham ball.
Isinuot niya ang sapatos sa aking paa at tumayo para muli akong titigan. "You. You
will always be my Queen. Wala akong pakielam kung hindi mo ako tinuturing bilang
king ng puso mo... Pero sa puso ko, ikaw ang babaeng gusto kong protektahan. Ikaw
yung babaeng ayaw na ayaw kong nakikitang umiiyak. Ikaw lang Jasmin. Ikaw lang"
Hinawakan niya muli ang aking pisngi at unti-unting lumapit ang kanyang mukha sa
aking mukha. Nagtama sa pangalawang pagkakataon ang aming mga labi. Isang halik na
punong-puno ng emosyon, isang halik na nagbigay linaw sa aming nararamdaman.
Biglang nagliwanag ang kwintas naming dalawa habang magkadikit ang aming mga labi
at parang may kung ano-anong magical orbs na lumutang sa hangin at nagliwanag din
ang buong paligid.
***---***
I know mix emotion kayo ngayon dahil kay Charly pero paniguradong marami sa inyo
ang kinikilig sa dami ba naman na halikan na naganap (LOL!)
For some question, gagawa ako ng chapter na sasagutin ko ang mga tanong ninyo.
So sana ngayon ay umaasa ako na makatanggap na mga nobelang comments niyo about sa
thoughts niyo sa buong season 2
Ayan so tapos na siya at sasagutin ko muna ang ilang mga katanungan na napansin ko
habang tumatakbo ang istorya.
1. Author bakit Magi ang term na ginamit niyo sa mga magical chuchu nila instead of
MAGIC?
- Ayan, alam niyo po ba ang Final Fantasy? Doon ko nakuha ang magi. Hindi siya magi
magic sarap, at mas lalong hindi ako tanga na MAGIC daw dapat yun at kinapos ng C.
Magi po talaga ang term na ginamit ko sa magical powers nila.
PS. Alam kong wala tong connect sa tanong pero, KLEIN po ang basa sa pangalain ni
Klein, hindi KLIEN. Okay?
-Definitely not, nakita niyo naman na ngayon palang papasok ang mga tunay na
kontrabida (De Lorgans). At plano ko sana, hanggang maka-graduate sila Jasmin ang
takbo ng istorya. So baka masunda siya hanggang season 4 or 5.
Definitely may season 3 pero ibubukod ko siya ng book. Kasi masyado ng mahaba 'to.
Inabot na yata ng 91 parts. So ibubukod ko na siya.
Kung dati puro kayo ang nagde-demand ng update, ngayon naman ako naman haha!
Pagbigyan niyo na ko please! Haha!
Actually sinulat ko 'tong Altheria as a tribute for IOI dahil magdi-disband na sila
sa January.
Pero sa season 3, hindi na ako gagamit ng mga pictures ng mga characters. Hahayaan
ko na ang imagination niyo ang tumakbo para sa hitsura nila :)
6. Author bakit may similarities ang simula ng Altheria sa simula ng Charm Academy?
-Ayan, ewan ko ba kung bakit naging big deal ito dahil samantalang Chapter 1 lang
ang almost na magkamukha and the rest ay wala na. Dati plano ko talaga siyang
gayahin... PLANO lang ah, pero naisip ko, nag-writer pa ako kung manggagaya pa ko
so iniba ko yung plot. (As in ibang-iba)
Actually sa Altheria lang naman ako talagang nagpambabaeng POV na seryoso eh.
Horror writer kasi ako and 3 of my books na horror ay puro POV ng lalaki (dahil
iyon ang madali para sa akin)
Pero isinulat ko nga yung Altheria ng trip-trip lang so ni-challenge ko yung sarili
ko na gawing POV ng babae. Ayun effective naman ata (although I'm not sure kung
tama yung emotions na inilalagay ko kasi pinagbabasehan ko lang naman yung mga
emotion ng mga babae kong kaibigan kasi ganoon sila kiligin or minsan tinatanong ko
sila kung ano yung feeling na kiligin ang babae)
So literally, isang malaking observation sa mga taong nakapaligid sa akin ang pag-
create ko kay Jasmin and kay Bea.
It was challenging pero masaya dahil naisip ko kasi bigla one time, 'ah ganito pala
sola kapag kinikilig! Ah ganito pala yung mga babae kapag bla bla bla'
Ang pinakaayaw ko eh si Jasmin, yeah kahit storya niya 'to... I hate the
protagonist. Masyado kasing mahina si Jasmin, ewan ko ba! Kapag binabasa ko yung
story ko eh ang sarap kaltukan ni Jasmin kasi ang hina-hina then sobrang fragile.
***
Kung may karagdagan kayong tanong. Comment kayo sa baba and I will try my best na
sagutin iyon, hindi lahat sasagutin ko dahil pipili lang din ako ng matino-tinong
tanong.
Ayan po ang aking hitsura so stop bugging me mapa-wall, comment, or pm. Medyo
nakukulitan na rin ako eh haha!
The picture will only available for 3 days for security puposes (LOL)
No seriously, pinakita ko lang para tantanan na ng iba yung pag-message pero ayoko
rin pong tinatawag akong Author, mapa-facebook or twitter ko. Hindi kasi ako
komportable. Pinakita ko na rin para ipaalala sa mga Panay ang Rant na normal na
tao lang ako, hindi ko kayang mag-update porke't sinabi niyo. May studies, may
social life, may pamilya, at may buhay ako bukod sa wattpad.
And hindi ako yung writer na gagamitin yung mukha para makahakot ng followers (I
always keep my life private). Wala akong ine-namedrop dahil pansin ko sa ibang
readers na babae, nalaman lanh nila na lalaki yung writer ng specific story eh
crush na raw nila bla bla bla.
***
Bea
"Good morning po" Bati sa akin ng mga babaeng Marsham student na nakaupo sa isang
bench. Ngumiti ako sa kanila nung madaanan ko sila at pinagpatuloy ang paglalakad
sa Vaefonia hall.
Masyadong maraming estudyante ngayon ang nasa Marsham division dahil na rin
pinagsama ang mga Marsham students at Wanester students sa iisang division. Dahil
sa pinsalang nangyari sa Wanester division ay pinagsama muna ang dalawang year
level sa iisang Division, ang resulta? Sobrang daming estudyante.
Kinuha ko ang megaphone at sumakay sa flying hoverboard upang makita ako ng ibang
estudyante. "Umayos po ang lahat! Lahat ng Marsham students ay sa kaliwa
samantalang sa kanan naman ang mga Wanester students!" Malakas kong sigaw.
Naging mas hassle para sa akin ang nangyaring merge ng dalawang division dahil
madadagdagan ang trabaho ko. Anong magagawa ko? Miyembro ako ng school committee
eh.
Biglang nagbukas ang malaking pinto ng Vaefonia Hall at pumasok ang napakaraming
Pixies at fairies habang nagbabagsak ng Fairy dust kaya nagliwanag ang buong
paligid, sinabayan pa ito ng mga dwarves na naglalakad sa gitna habang tumutugtog
ng banda o pangpiyesta na tugtugin. Nagsigawan ang mga estudyante sa engrandeng
pagbabalik o pagbubukas muli ng Altheria Academy.
Pinaghandaan namin ng school committee itong back to school na ito dahil marami sa
mga estudyante ang na-trauma dahil sa nangyaring gulo at sa biglaang pagpapauwi sa
mundo ng mga tao. Gusto naming mga school committee na muling maramdaman ng mga
estudyante ang magic.
Binigyan ko lang ng maikling speech ang mga estudyante bago ako bumaba ng platform,
pagbaba ko ay nag-aabang agad sa akin si Jacob na nakangiti, "Girlfriend ko 'yan"
Bigkas niya.
Aba! Miss officer, masama na ba ngayon na maging proud sa girlfriend ko?" Nakangisi
niya pa ring sabi, he cleared his throat at nagulat na lamang ako sa biglaan niyang
pagsigaw, "Girlfriend ko 'to! Girlfriend ko!" Malakas niyang sigaw habang tinuturo
ako.
Napairap ako sa ere. "Huwag kayong maniwala, hindi ko siya kilala" Malakas ko
siyang siniko sa tiyan bago naglakad paalis.
Lumabas na ako ng Vaefonia hall, panibagong simula na ito para sa akin at para sa
amin. Bagong pahina na naman ng aming buhay ngunit hinihiling ko ay sana ay maging
maayos na ang lahat. Masyado ng maraming sakit ang dinanas namin.
"No using of magic sa loob ng school unless nasa training ground ka or ni-required
ka" Pagsita ko sa isang Wanester student na ginagamit niya ang kapangyarihan para
magmagaling sa mga Marsham.
Eto na nga ba ang sinasabi ko, hindi talaga dapat pinagsasama ang dalawang division
dahil masyadong masakit sa ulo. Dumami lang ang mga mangmang at pa-epal na dapat ko
sitahin araw-araw. Kailan ba ako magkakaroon ng tahimik na araw? Yung tipong walang
bwisit. Yung tipong hayahay lang ako buong maghapon.
Ngumiti ako sa kanya ngunit diretso lamang aa daan ang kanyang tingin, "Good mor--"
Hindi ko na naituloy ang aking sinasabi ng bigla akong lagpasan ni Charly na parang
isang hangin. Nilagpasan niya lang ako na para bang hindi ako nag-e-exist. Alam ko
namang nasaktan siya dahil sa nangyari sa kanyang kapatid... Pero hindi niya ba
alam na nasaktan din naman ang lahat? Walang may gusto ng nangyari at wala rin
naman magandang idudulot ang pagbibintang sa kapwa.
"Ikaw pala 'yan Nicole," Nakangiti kong bigkas sa kanya. "May kailangan ka ba? May
concern ka ba regarding sa nangyaring pag-merge ng dalawang division?" Pag-uusisa
ko sa kanya.
Ngumiti sa akin si Nicole at umiling. "Hindi wala akong problema. May gusto lang
sana akong ibigay sa iyo" Inabutan niya ako ng isang camera. "Kay Charmaine na
gamit 'yan nung sumali siya sa School publication. Baka kasi may makita kayong
importante diyan. Don't worry, wala akong kinalkal diyan"
Nahihiya kong tinanggap ang kamera. "B-bakit sa akin mo ibinibigau ito, bakit hindi
kay Charly? Nakasalubong mo naman yata siya kanina"
Napakamot ng ulo si Nicole at muling ngumiti sa akin. "Nakakatakot kasi ang awra
ngayon ni Charly, nakakatakot siyang lapitan. Sige mauna na ako"
"Salamat"
Tumakbo na paalis si Nicole pero napatingin naman ako sa kamera. Dapat pala ay
ibigay ko na lang ito kay Charly dahil kung may tao man na una dapat na makakita ng
nilalaman nito ay si Charly iyon. Hahanap na lang ako ng tamang tiyempo para
maiabot ito sa kanya.
"Bea! Parating na ang mga pinuno ng Raven clan! Pinapatawag tayo sa gate upang
salubungin sila!" Sigaw sa akin ng isang kasamahan ko sa Committee at nagmamadali
itong tumakbo.
Sobrang hectic para sa amin ang araw na ito dahil ang daming event na magaganap,
tulad na lamang ng muling pagbubukas ng klase, pag-merge ng dalawang division, at
pagdating nina pinunong Xandro at pinunong Cesar. Hindi ko lang sigurado kung
kasama na rin babalik si Klein o baka naman nag-e-enjoy pa sa family bonding nila.
***
Pagkadating ko sa gate ay ang daming tao ang nagsisiksikan. Yung iba curious, yung
iba epal pang, yung iba nakikitsismis lang.
"Bakit papapasukin sa Altheria ang mga taga-Raven cpan eh masasamang tao iyon"
Hindi ko na naatim ang aking mga napapakinggan ko at hinarap ang mga estudyante,
"Hoy kayo! May pruweba ba kayo na masasamang tao ang Raven clan?"
Mabilis naman silang umiling sa akin. "Mga Marsham students palang kayo pero kung
makapamalita kayo ng maling tsismis eh daig niyo pa ang mga propesyunal na
alchemist. Bumalik kayo sa classroom!" Maraming Marsham student ang nagsitakbuhan
paalis.
"Kalma lang babe" Biglang umakbay sa balikat ko si Jacob. Tignan mo nga naman,
sinabayan pa ako ng isang gunggong.
"Umayos ka nga. Babe mo mukha mo" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin at
tahimik na naghintay sa gate para sa paparating na bisita.
"Ayaw mo ba ng babes? Eh sweetie na lang kaya! O kaya naman My loves. 'Diba mas
sweet 'yon? My loves!" Nakangiti niyang sabi at dahil sa lakas ng bunganga ng
gunggong na ito ay dinig na dinig ito ng ibang estudyante at natatawa na sila.
"Ano 'yon my loves?" Napangiwi naman ako at kinilabutan sa gawa-gawa niyang call
sign. Akala niya tatawagin ko siya no'n? Manigas siya!
"Tahimik na buhay Jacob. Tahimik na buhay ang gusto ko" Inis kong sabi sa kanya.
"Maglaho ka muna kahit mga 30 minutes lang"
"Nandiyan na sila!" Sigaw ngbisang estudyante kaya napatahimik ako at hindi ko muna
pinakinggan ang mga rant sa buhay ni Jacob. Bakit ko nga ba pinatulan ang gunggong
na 'to? Ah oo, pinressure niya ako. Bwisit.
Malayo palang ay natatanaw ko na ang mga Raven clan dahil nakasakay sila sa mga
malalaking mammoth. Isa itong parang elepanteng hayo na may apat na mahabang
sungay. Kulay itim ang sinasakyan nilang mammoth ngunit puti talaga ang
panglaraniwang kulay ng mga creatures na ito.
Ako na ang sumalubong sa kanila dahil ako lang naman ang pamilyadong mukha sa
kanila na sasalubong. "Maligayang pagdadating po sa aming paaralan" Nakangiti kong
sabi.
Bumaba sa mammoth si Klein at napairap ako sa ere. Badtrip monggoloid pa ang
sumalubong sa akin. "Na-miss mo ko 'no Bea? hehe"
"Asa ka"
"Alam mo ikaw napaka-tsismoso mo, nasa ibang dako ka na ng magical world pero
nakakasagap ka pa rin ng mga tsismis" Inis kong sabi.
"Siyempre. Ayiiie si Bea nagdadalaga na, bilog na ang utot mo" Kiniliti niya ako sa
bewang ngunit mabilis kong tinampal ang kanyang kamay.
Kung wala lang talaga yung ibang mga pinuno rito ay baka kanina ko pa binalot sa
yelo ang monggoloid na ito. Koning tiis pa Bea. "Nasaan si tanda? Bakit hindi siya
kasama sa mga sasalubong sa akin? Hindi niya ba ako na-miss?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Kung gusto mong malaman, ade puntahan mo si Mrs.
Evelyn sa office niya doob ka magreklamo, pa-kickout ka na rin kung gusto mo"
"Kick out? Ano yung salita na iyon? Ano sa tagalog iyon Bea?" Inosente niyang
tanong. Siyempre may mga english words pa rin naman na hindi masyadobg familiarize
si pambansang monggi.
"Ah ganoon ba? Oh sige pupunta ako kay Tanda ngayon at magpapa-kickout ako!"
Tumakbo na paalis si Klein at nung nawala na siya sa paningin ko ay doon na ako
napatawa ng malakas.
Ngunit nawala ang aking tawa nung bumaba si pinunong Xandro sa mammoth na kanilang
sinasakyan. Nakatingin ako sa kanya at ang una niyang tinignan ay ang maiikling
palda na suot ng babaeng estudyante, nakangisi pa! Manyakis talaga.
"Pinunong Xandro, ipapaalala ko lang sa inyo na nasa paaralan kayo at wala sa isang
bar" Panimula ko. "Pinunong Xandro, tuluyan na pong may ilaw ang kwintas ni Jasmin
at sa ngayon ay nakakulong siya sa isang silid sa Magic laboratory building.
Kailangan na po namin ng tulong niyo"
Sumeryoso ang kanyang mukha, "Kung umilaw na nga ang kanyang kwintas, masama ito
kung hindi niya agad iyon makokontrol dahil baka ang magi ang kumontrol sa kanyang
katawan. Nasaan siya? Dalhin mo ako agad upang masimulan na ang pagsasanay"
Sana nga ay makatulong sina Pinunong Xandro at sana nga ay tuluyan ng makontrol ni
Jasmin ang kanyang kapangyarihan.
***---***
Update done guys! So sisimulan natin itong season 3 ng very light dahil maraming
magagandang mangyayari sa mga next chapters.
Hinawakan ko siya sa kamay, "Ano ka ba. Ayos lang iyon dahil may klase ka pang
dapat na attend-an. Ayos lang ako rito" Nakangiti kong bigkas sa kanya at pinisil
ang kanyang kamay.
Kinuha na ni Red ang kanyang mga gamit ngunit nag-aalangan pa rin siya kung papasok
ba siya o hindi dahil sa pag-aalala. "Okay lang ako" Pagkumpirma ko sa kanya.
Nagbitaw muna siya ng isang malalim na buntong hininga na para bang ayaw niya akong
iwanan pero sa huli ay umalis din siya.
Naiwan na naman akong muling mag-isa at ang daming thoughts na naman ang biglang
papasok sa aking isipan o kaya naman ay maaalala. Hindi ko na naman maiwasan na
hindi sisihin ang aking sarili dahil sa mga nangyari. Kahit pa ilang beses na
sabihin ng mga taong nakapaligid sa akin na wala akong kinapaman sa mga nangyari...
Nandoon ako sa mismonh pinangyarihan at hindi ko maiiwasan iyon.
Ilang minuti akong nagpapahinga sa silid na ito ng bigkang may kumatok sa may pinto
at bahagyang umuwang ito at iniluwa ang ulo ni Bea na sumilip. "Hi Jasmin!"
Nakangiti niyang sabi sa akin at sinuklian ko rin naman ito ng matamis na ngiti.
"May mga kasama ako ngayong maaaring makatulong sa iyo. Maaari bang pumasok?"
Pagtatanong pa niya.
Saglit akong nag-isip o nagtaka kung sino ang mga kasama ni Bea at dahil sa
kuryosidad ay pinapasok ko siya. May kasama siyang dalawang matandang lalaki at may
katutubong kasuotan ito. "Eto si Pinunong Xandro at pinunong Cesar. Sila ang isa sa
pinakamagagaling na guro pagdating sa paggamit ng magi at nagbabakasakali kaming
matulungan ka nila"
"Opo" Matipid na sagot ni Bea. Nalilito naman ako sa mga nangyayari dahil wala
akong maintindihan o ano ang pakay nila sa akin. "Sa ngayon ay patay ang kulay ng
kanyang kwintas ngunit may mga pagkakataong umiilaw ito" Dugtong ni Bea.
"Maaari niyo ba muna kaming iwan dalawa upang makita ko ang kapasidad ng kanyang
kakayahan" Sagot ng isang matanda na si pinunong Cesar. Mas matanda ito kay
pinunong Xandro dahil sa matingkad na pagkaputi ng kanyang buhok at mahabang puting
balbas na parang ermitanyo.
"Sige po. Sana ay matulungan niyo si Jasmin" Seryosong sabi ni Bea at hindi ko
naman maiwasan na mapait na mangiti dahil lahat ng tao rito sa Altheria ay nag-
aalala sa kalagayan ko. Gusto nila akong tulungan lahat at iyon ang dahilan kung
bakit hindi ako sumusuko.
May mga tao rito sa Altheria Academy na isang panilya ang tingin sa akin, hindi ko
silang gustong biguin at gusto kong ipakita na malakas ako.
Lumabas na sina Pinunong Xandro at Bea. Pinagmamasdan nila ako sa malaking glass
wall sa kanang bahagi ng silid. Napalagok ako ng paway ng bigla akong titigan ni
pinunong Cesar mula ulo hanggang paa na para bang inuusisa ang bawat parte ng aking
katawan.
"Marupok kang babae. Mahina. Ang kabaitan mo ang dahilan kung bakit ka minamahal ng
ibang tao. Ang pagiging inosente mo sa lahat ng bagay ang nagdadala sa iyo sa
kapahamakan. Takot kang manakit ng ibang tao..."
Napakuyom ako ng aking palad. "Hindi ko rin naman po ginusto ang kapangyarihan na
ito. Kung ang kapangyarihan na ito ang magpapahamak sa mga mahal ko sa buhay...
Malugod kong tatanggihan ito. Ayoko ng ganitong klaseng kapangyarihan" Seryoso kong
bigkas habang parang nagpa-flashback sa utak ko ang pagkamatay nina tatay Larry,
Charmaine, at pagkabulag ni Harly.
"Iyon ang totoo, Mahina ka. Maraming naghahangad ng kapangyarihan mo kaya madalas
na nalalagay sa peligro ang iyong buhay. Isa kang mahinang babae, lampa. Sa tuwing
may masasaktan ba sa iyong mga kaibigan ay tanging pag-iyak na lamang ang iyong
gagawin?" Napatakip ako sa magkabilang tenga ko at parang hindi ko na gustong
pakinggan ang mga susunod na salita na sasabihin ni pinunong Cesar. "Hindi mo
matanggap ang katotohanan? Mahina ka! Mahina"
Mahina. Mahina. Mahina. Sa patuloy niyang pag-ulit ng mga salitang iyon ay may
galit na unti-unting umuusbong sa aking dibdib.
"Hindi totoo iyan!" Malakas kong sigaw at biglang nagliwanag ang aking kwintas at
nagkaroon ng malaking bitak ang sahig ng Silid na aking pinaroroonan. Mula sa
kinauupuan ko papunta sa dulong dingding.
Malakas na tumalon si Pinunong Cesar upang iwasan iyon at tumayo sa aking gilid.
"Iyan lang ba ang kakayahan mo? Walang magagawa iyan para protektahan ang mga
kaibigan mo kasi... Mahina ka"
Unti-unti akong napatigil sa paggawa ng fireball at napadako ang tingin kay Bea sa
may glass wall na nag-aalalang nakatingin sa akin. Sa pagtigil ko sa pag-atake ay
kasabay nito ang paglaho ng ilaw sa aking kwintas. Lumapit sa akin si pinunong
Cesar, "Ang masyadong maraming emosyon ang nagbibigay kakayahan sa iyo na mapailaw
ang kwintas mo. Sa ngayon ay ang masyadong maraming galit na naiipon sa puso mo ang
nagbibigay sa iyo ng kakayahan upang mapailaw iyan... Ngunit hindi mo ito kayang
kontrolin"
"Kayang-kaya kitang tulungan upang mailabas ang buong potensyal ng iyong
kapangyarihan. Pero bata, tulungan mo muna ang sarili mo bago mo hingin ang tulong
ko. Huwag mong hayaan na galit sa iyong sarili o pagkamuhi sa mga De Lorgans ang
manaig sa iyong puso" Sa muli kong pagkarinig sa pangalan ng grupong De Lorgans ay
hindi ko maiwasan na mapakagat sa ibabang labi ko dahil sa galit.
"Gusto mo bang lumakas?" Umupo si Pinunong Cesar at ngumiti ng matamis sa akin ang
matanda. "Simulan mo iyon sa pagtanggap kung ano ang mga bagay na kaya mong gawin o
pagtanggap sa kung sino ka ngayon... Isa na iyong hakbang upang ipakita na malakas
ka. Matuto kang mahalin ang iyong sarili. Kung mahina ka, tanggapin mo iyon sa
ngayon, tutulungan kita kung mangangako kang tutulungan mo ang iyong sarili"
Napatingin ako sa kanya at hindi pa rin naaalis ang matamis na ngiti sa kanyang
labi. "Paano mo ako matutulungan?"
"Gusto ko maging malakas. Gusto kong makaganti sa mga De Lorgans dahil sa kan--"
Hindi na natapos ang aking sinasabi ng bigla akong batukan ni Pinunong Cesar.
"Hindi tama na pagganti ang maging dahilan mo upang lumakas ka. Gawin mo iyon para
sa sarili mo, para sa mga kaibigan mo at sa mga taong nais mong protektahan. Huwag
mong hayaan na galit sa mga De Lorgans ang mamuno sa iyong damdamin"
Dahil sa sinabing iyon ni pinunong Cesar ay parang bumalik sa akin ang mga alaala o
imahe ng mga kaibigan kong nakangiti sa akin, ang pagpapakita nila ng mabuting
puso, ang pagtulong at pagtatanggol nila sa akin. Hindi ko na namalayan na may luha
na palang tumulo galing sa aking mata, mga luhang sinasabi na kalimutan ko na ang
mapait na karanasan.
Ngumiti sa akin si pinunong Cesar at ginulo ang aking buhok bago tuluyang lumabas.
***
3rd person
"Ayos lang ang iyong kaibigan, ipinaintindi ko lang na hindi dapat poot ang maghari
sa kanyang puso bagkus ay ang pagkawala ng kanyang mga kaibigan ay gawin niyang
inspirasyon upang mas lalong tumatag" Wika ni pinunong Cesar.
Napasigaw si Bea nung biglang kurutin ni pinuning Xandro ang kanyang pwet. 'Bwisit
na manyakis 'to'. "Isa pang hawak ng kamay niyo sa pribadong parte ng aking katawan
ay hindi ako magda-dalawang isip na patamain itong aking kamao sa inyong kulubot na
mukha" Wika ni Bea.
"Pero matutulungan niyo naman si Jasmin hindi ba? Kaya niyong palabasin ang buong
kakayahan ng aming kaibigan?"
"Kaya naming tulungan si Jasmin, ngunit nasa kanyang determinasyon kung makokontrol
nga niya ang kanyang magi" wika ni pinunong Xandro. "Ihatid mo na kami sa aming
silid, masyadong naging mahaba ang aming paglalakbay at kinakailangan na naming
magpahinga" Dugtong pa nito.
***
Napatahimik si Klein habang hinarap naman ni Mrs. Evelyn ang ilang mga estudyanteng
kanyang pinatawag. "Batid kong nakarating na sa inyo ang balita patungkol sa
pagbabalik ng mga De Lorgans"
"Ang mga De Lorgans ay ang masamang organisasyon noong nakaraang sampung taon
ngunit may labing dalawang tao ang pumipilit buhayin ang grupo. Isang misyon ang
ibibigay ko sa inyo" Seryosong sabi ni Mrs. Evelyn at inabutan niya ng isang mapa
ang grupo ng kabataan kabilang na si Hades. "Tuntunin niyo kung saan ang
pinagtataguan ng mga De Lorgans"
"Pero bakit naman po namin itong kinakailangan gawin eh hindi naman sila nanggugulo
sa magical world--"
"Sa ngayon. Hindi pa sila nanggugulo sa ngayon," pagputol ni Mrs. Evelyn. "Ngunit
nakakasigurado kong nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang maliliit na masamang
organisasyon upang makipagsanib-puwersa. Hindi lang ang Altheria Academy ang
nakataya rito... Ang buong magical world, maging ang mundo ng mga tao"
Sa pagbigkas no'n ni Mrs. Evelyn ay doon lang naging seryoso ang mukha ng bawat
isang estudyante. "Gusto niyo bang masira ang paaralan na bumubuo ng inyong
pangarap? Ang pagkasira ng bawat sa buong Magical world? Ang pagkawala ng mga taong
mahal niyo sa buhay na naninirahan sa mundo ng mga tao? Gugustuhin niyo bang
humantong sa ganoong senaryo bago tayo gumawa ng hakbang?"
Nakatahimik lamang ang mga estudyante habang unti-unti nilang nari-realize kung
gaano kalaking misyon ang inilalagay sa kanilang mga balikat. "Handa ba kayong
tumulong? Pwede kayong umatras hangga't maaga pa. Pero walang isang Alchemist na
nagmula sa Altheria Academy ang isang duwag. Tatanggapin niyo ba ang misyon?"
"Yes ma'am!"
***---***
Update done guys! Comment your thoughts? Mas nobela, mas nakaka-inspire mag-type
for the next update.
Nakadungaw ako ngayon sa malawak na school field namin at pinapanuod ang mga ilang
wanester students na nagpapagalingan sa paggamit ng kanilang kapangyarihan. May
apoy, iyelo, nature, tubig, maging ang mga subclass magic ay mayroon din.
Pinagmasdan ko ang kwintas ko na patay pa rin ang kulay. Pero bukod sa mga powers
ng Taga-Wanester division, isa sa mga highlights na parating inaabangan ko ay ang
paghubad ng damit ng mga lalaking second year. Ulalam mga bes! Mamaya pa ang
hapunan pero nauuna na ang ulam ke'sa sa kanina.
Hulmadong-hulmado ang mga abs nila at halatang bugbog sa training para mapalakas
ang mga magi nila. Kung allowed lang talaga ang kamera rito da
"Hoy Kimmy ano na namang ginagawa mo d'yan?" Biglang may tumulak sa likod ko kaya
naman natalisod ako sa malaking ugat ng puno na pinagtataguan ko at nasubsob sa
ground.
"Ay abs na masarap!" Malakas kong nasigaw dahil sa pagkagulat. Masama kong tinignan
ang tumulak sa akin at walang iba kun'di ang kaibigan kong si Kiko. "Bwisit ka
talagang bakla ka, ang hilig mong manakit"
"Yung second year na gwapo, yung masungit--" Hindi ko pa tapos i-describe ang
lalaking tinutukoy ko ay napatango-tango na si Kiko na parang kilala niya na agad
ang aking tinutukoy.
"Wala sa lahi namin ang sumusuko" Naglakad ako paalis upang tumungo sa isang lugar
kung saan makakakita ako ng isang damakmak na abs. Walang makakapigil sa akin, abs
is life.
"Sa shower room ng mga lalaki sa likod ng gym" Wika ko at itinuloy ang aking
paglalakad, biglang sumabay sa akin si Kiko na gusto akong pigilan sa aking
binabalak.
"Hoy Kimmy mamboboso ka?! Naririnig mo ba ang sarili mo?" Biglang hinatak ni Kiko
ang kanang kamay. "Halika na, aral muna bago landi. Pailawin mo muna yung kwintas
mo"
"Bakla hindi ako mamboboso, ia-appreciate ko lang ang mga hulmadong katawan na
biniyaya ni God. Hindi talaga ko mamboboso promise!" Itinaas ko ang isang kamay ko
na parang nangangako pero yamot lang akong tinignan nitong kaibigan kong ito. Hindi
man lang maging supportive sa akin ang gaga.
"Pinaganda mo pa, boso pa rin tawag doon. Paano ang gagawin mo kapag may nakahuli
sa iyo aber?" Pinag-cross niya ang magkabilang kamay niya at tinaasan ako ng kilay.
"Ako ng bahala! Maiwan na kita, malapit ma ang shower time nila" Tumakbo na ako
paalis, ilang makaulit kong narinig ang sigaw ni Kiko ngunit hindi ko siya
pinansin, late na ako sa special appointment ko.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil mukhang tapos ng maligo ang taong
nandoon. Badtrip! Bad timing, nasira yung chance ko na makakita ng maraming abs.
Dahil sa pagmamadali ko ay isiniksik ko ang sarili ko sa isang locker na kasing
laki ng tao. Nag-sign of the cross pa ako dahil sa kaba. "Iligtas niyo po ako sa
kapahamakan lord, promise magbabagong buhay na ako"
Paulit-ulit akong nagdarasal hanggang sa may narinig na akong mga yabag ng paa.
Confirm! May tao nga! Jusko, Kimmy, ano ba itong pinasok mong gulo? Para talaga sa
abs eh pumasok ka sa Shower room ng mga lalaki. Baliw ka Kimmy.
Sumilip ako sa maliliit na butas ng locker at nakita ko ang isang hulmadong katawan
ng isang lalaki na nakatapis lamang ng tuwalya. Hindi ko makita ang kanyang mukha
dahil maliit lamang ang mga butas. Abs is life!
'Lord 'diba sinabi ko magbabagong buhay na ko, please hayaan niyo ko gumawa ng
kasalanan for the last time' iyan ang tumatakbo sa aking isipan, umusog akong
kaunti upang ma-zoom in ang aking mata sa kanyang mga abs. Kung sino man 'tong
lalaki na 'to, bless his abs!
Mabuti na lamang at wala pang pumapasok na ibang tao rito. Bigla na lamang siyang
naglakad sa direksyon kung nasaan ang locker at doon na naman naging tambol ang
dibdib ko.
Huwag ka ritong pupunta! Huwag itong locker na 'to ang bubuksan mo. Huwag--
"Waaah!" Naputol ang pagdadasal ko ng marinig ko siyang sumigaw at nasilaw ako sa
liwanag na nagmumula sa ilaw. Jusko! Ang hina ko talaga kay Lord.
Nagkatinginan kaming dalawa at muli na naman siyang sumigaw. "Sino ka?! I-re-report
kita!"
Isip Kimmy! Kailangang malusutan mo itong gusot na ito. Isinaboy ko ang buhok ko sa
aking mukha at naglakad na parang may epilepsy. Bahala na si Batman! Kalasanan
talaga 'to ng mga abs.
Pinagmukha kong tanga ang sarili ko habang naglalakad na parang may epilepsy.
"Multo ako. Papatayin kita" Sabi ko sa malaking boses, yung mga parang sa horror
movie na napapanuod ko habang nasa mundo pa ako ng tao.
Naglakad ako papalapit sa kanya at unti-unti naman siyang umatras. "Huwag kang
lalapit!" Malakas niyang sigaw.
Mukhang nag-e-enjoy na ako dahil halata sa mukha niya ang takot. May kayumangging
kulay ng balat ang lalaking ito, mapungay na mata at maayos na tindig ng katawan at
higit sa lahat plakak na plakak na abs! Pero hindi ito ang right time para i-
appreciate ang bagay na iyon dahil kailangan kong malusutan ang problemang ito.
Hindi naman siya si Charly na crush na crush ko at mukhang bagong mukha lang uto sa
Altheria dahil ngayon ko lamang siya nakita, hindi ko lang sigurado kunh taga-
Wanester siya o transfer galing sa ibang paaralan.
"T-tao ka?"
"Malamang! Laking damulag na neto naniniwala pa rin sa multo, tse!" Naglakad na ako
palabas at nakahinga ng maluwag. Nice Kimmy! Nakatakas ka doon, next time talaga
iiwasan ko na ang paggawa ng kagagahan.
***
Jasmin
Dinala ako ni Pinunong Cesar sa malawak na field ng Altheria. Dapat ay sasama sina
Bea sa akin ngunit may klase sila sa ngayon at ayoko namang istorbohin ang kanilang
pag-aaral para lamang pagmasdan lamang ang improvements ko pagdating sa paggawa ng
mahika.
Kaming dalawa lang ni pinunong Cesar ang nandito. "Ano po ba ang gagawin natin
ngayon?" Curious kong tanong sa kanya habang hinawi ko ang hibla ng aking buhok at
inipit sa aking tenga dahil sa lakas ng hangin na sumasampal sa akin ngayon.
"Subukan mo akong saktan Jasmin" Wika sa akin ni Pinunong Cesar at tumayo lamang
siya sa gitna. "Hindi ako aalis dito basta't subukan mo lang akong saktan"
Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi at hindi ako umalis sa aking kinatatayuan.
"Ngunit wala naman po kayong ginagawang masama sa akin kaya wala akong dahilan para
saktan kayo pinunong Cesar" Wika ko. Hindi naman ako tinuruan ng tatay ko na
manakit ng ibang tao ng walang dahilan.
"Jasmin ang una mong tatandaan kung gusto mong protektahan ang iyong mga kaibigan,
hindi marunong maawa ang mga kalaban. Kung ikaw ay kaya mong magbigay ng simpatya
pagdating sa kanila... Ganoon din ba ang mga kalaban mo sa iyo?" Doon ako natigil
dahil sa eksplenasyon sa akin ni Pinunong Cesar. "Naawa ba ang mga De Lorgans nung
pinatay nila ang mga kaibigan at pamilya mo?"
"Isa sa unang hakbang upang maging malakas ka ay ang kakayahan mong ipagtanggol ang
sarili mo. Pwede kang manakit gamit ang mahika, pero hangga't maaari ay huwag mong
gamitin ang mahika upang kumitil ng isang buhay" Sa dami ng aral na parating
sinasabi sa akin ni pinunong Cesar ay parati ko itong tinatandaan. Ang mga salita
niyang nagpapa-engganyo sa akin na mas lalo pang pagbutihan.
Ilang makaulit kong sinubukan na pailawin ang aking kwintas sa pagkakataong ito
ngunit bigo ako, tama nga si Pinunong Cesar, bugso ng damdamin ang nagbibigay sa
akin ng kakayahan upang magamit ko ito. "Hindi naman puro galit ang dapat pairalin
mo upang mapailaw ang iyong kwintas. Bakit hindi mo isipin ang pinakamasasayang
alaala na nangyari sa iyong buhay? Tignan natin kung magagawa mo siyang pailawin"
Ilang mga bagay na naalala ko ay ang mga panahon na kasama ko ang aking ama sa
mundo ng mga tao. Sa kung paano niya ako tinuturuan mag-bike sa isang parke, sa
kung paano niya ako laging kinakarga, ang mga yakap at halik ng isang ama. Lahat
iyon ay bigla kong naalaa, nakakatuwa alalahanin pero hindi rin maiwasan na may
pumatak na luha galing sa aking mata dahil wala na ang aking ama at wala ng pag-asa
na muli pang mangyari iyon.
Inisip ko rin ang mga panahon kung saan kumpleto kaming magkakaibigan na tatambay
sa cafeteria, mag-aasaran, maglolokohan. Mga panahon na gusto kong balikan ng
paulit-ulit, iyon ang mga alaala na pinakanatatandaan ko sa pananatili ko sa
Altheria. Kaso'y imposibpe ng mangyari dahil nawala na si Charmaine at nawalan
naman si Harly ng kakayahan na makakita.
Yung mga panahong kasama ko sina Nanay Lena at tatay Larry habang nakikipaglaro sa
mga bata. Ang sarap balikan ng mga alaala na iyon.
"Jasmin dumilat ka" Narinig kong tinig galing kay pinunong Cesar. Unti-unti kong
minulat ang aking mata, nung una ay blurred pa ito ngunit nung nakapag-adjust na
ang mata ko ay luminaw na ang lahat ng nasa paligid. "Nagawa mong pailawin" Wika
niya.
Napatingin ako sa aking kwintas, ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na napailaw
ko iyo ng hindi nawawala sa kontrol. Inisip ko lang lahat ng masasayang alaala na
nangyari sa buhay ko... It was all bittersweet dahil alam ko na ang karamihan dito
ay imposibpe ng mangyari muli.
"Maraming salamat po" Kung hindi dahil kay pinunong Cesar ay baka nagmumukmok pa
rin ako at hindi ko magagawa ang mga bagay na ito.
"Maiwan na kita"
"Jasmin nandiyan ka lang pala" Isang tinig ang aking narinig at namataan ko si
Trixie na naglalakad patungo sa aking direksyon.
"Good news, dahil nandito na raw sina Pinunong Xandro na aagapay sa iyo. Maaari mo
na raw ituloy ang pag-aaral mo, maaari ka ng pumasok sa mga klase" Napangiti naman
ako sa balitang sinabi sa akin ni Trixie. "By the way, next week ipo-post na ang
ranking sa naganap na exam nung nakaraan, huwag mong kalimutan na pumunta sa
Vaefonia hall"
Tumango naman ako sa sinabi ni Trixie. Sa wakas, unti-unti ng bumabalik ang lahat
sa normal.
***
Third Person
Nasa loob lamang sina Mrs. Evelyn at Klein sa loob ng office. Si mrs. Evelyn na may
pinipirmahang mga papeles habang si Klein naman ay may inaayos na dokumento. "Tanda
hindi ka ba nagtataka kung paano nalaman ng mga De Lorgans ang patungkol sa misyon
naming ginawa?"
Napatigil si Mrs. Evelyn sa kanyang ginagawa. "Iyan nga din ang bagay na gumugulo
sa aking isipan nitong mga nakaraang araw. Imposibleng malaman nila ang patungkol
sa misyon niyo at patungjol sa pag-alis nina Jasmin sa loob ng Altheria. Hindi
naman pwedeng aksidente ang lahat ng nangyari dahil halatang pinagplanuhan nila
ito"
"Ade isa lang ang ibig sabihin no'n tanda, mayroon sa loob ng paaralan mo ang
miyembro ng De Lorgans" Wika ni Klein at hindi naman na nagulat si Mrs. Evelyn
dahil inaasahan niya na rin iyon. "Huwag kang mag-alala tanda, ako ang tutuklas
kung sino iyon. Babantayan ko rin si Jasmin"
"Salamat"
***---***
Kimmy was the new side character of the story alongside with Kiko, Alter, Daylight,
Pinunong Cesar and Xandro :)
May facebook GC na po tayo guys! Just post in your FB Account with the hashtag
#penguin20 para aking makita at mai-add ko kayo sa GC :) Iyon lang ciao!
***
Jasmin
"Jasmin kaya mo 'yan!" Pagbati sa akin ni Bea na kakatapos lang maligo, mukhang
naabutan niya ako na sinusubukan na pailawin ang kwintas ko.
Pinabalik na rin ako sa dorm at hindi na ako naka-isolate sa iba dahil mukhang
nagagawa ko na raw kontrolin ang aking kakayahan. May ilang natuwa sa pagbabalik ko
especially yung mga naging kaibigan ko ngunit mas marami ang hanggang ngayon ay
ilap sa akin dahil natatakot sila sa maaari kong magawa. Hindi ko naman sila
masisisi sa bagay na iyon, sa laki ng pinsala na aking nagawa ay kahit ako ay
nasindak sa sarili ko.
"Na-miss kitang katabi rito sa dorm!" Biglang yumakap si Bea sa akin kaya napatigil
ako sa pagsasanay ko. Kahit kailan talaga ay clingy itong si Bea.
"Maligo ka na, oras na para muli kang bumalik sa pag-aaral" Paalala niya sa akin.
"Mauuna na ako sa iyo dahil may gagawin pa kami sa school committee" Dugtong niya
pa at tumango naman ako sa kanya bilang tugon.
Naiwan muli akong mag-isa, ilang subok pa ang aking ginawa sa pagpapailaw ng aking
kwintas bago ako naligo. Sa pagkakataon ngayon ay makakabalik na ako sa normal kong
buhay. Inayos ko ang pagkakasuot ko sa uniporme bago lumabas.
"Trixie pahiram ng notes" Pagpapaalan ko sa kanya at inabot niya naman agad sa akin
ito. Kung ano-ano na palang mahihirap na bagau ang kanilang sini-synthesize kaya
wala akong masyadong naintindihan, lalo na yung mga items na ginagamit, hindi rin
ako pamilyar. Sigyro ay kakailanganin kong mag-research sa library para maka-cope
up sa lessons.
Narinig ko ang pagkaluskos ng upuan sa katabi kong desk ngunit hindi ko muna ito
pinansin dahil abala ako sa pagkopya ng ilang mga Alchemy ingredients. "Pssst"
Ilang beses ko pang narinig ang pagtawag sa akin at napalingon na ako ng tuluyan
dahil sa inis, ngunit agad napawi ang aking inis ng makita ko ang mukha ni Red na
nakapangalumbaba sa kanyang desk at nakangiting nakatitig sa akin. "Good morning"
Ngumiti sa akin si Red napabuntong hininga na lamang ako. Bakit ba kasi hindi ko
kayang magalit sa lalaking ito.
"Eto medyo nae-excite ako dahil matagal-tagal din akong hindi nakapasok. Ikaw
kamusta ka?"
"Eto hindi pa man gabi buo na araw ko dahil nakita kita" Mahina ko siyang tinulak
sa balikat at napayuko ako dahil sa pag-angat ng dugo ko sa aking pisngi.
"Nasaan si Charly?" Curious kong pagtatanong kay Red. "Malapit ng magsimula ang
klase ah"
Mapait akong ngumiti dahil alam ko naman na ako ang dahilan ni Charly kung bakit
siya nagpalipat ng section, ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Charmaine, wala
akong magagawa sa bagay na iyon. "Hindi naman pwedeng wala akong gawin, sana ay
maayos ko agad ang gusot na ito sa lalong madaling panahon"
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok sa loob ng room namin si sir Hafami at
inilapag ang patong-patong na libro sa teacher's table. "Ito na ang huling anim na
buwan niyo bilang isang Wanester student at malapit na kayong tumuntong ng Exemena.
Hindi ganoon kadali ipasa ang semestreng ito dahil mas mahihirap na misyon ang
ibibigay sa inyo. Kailangan niyong patunayan ang inyong mga sarili na karapat-dat
kayong pumasa at makatuntong sa Exemena Division"
Sa sinabing iyon ni Sir Hafami ay naging maingay ang pangalan ni Red dahil siya ang
pinakamalakas sa section namin. "Isang buwan kong i-e-evaluate ang bawat isa sa
inyo upang makapamili ng tatlong estudyante na karapat-dapat ipadala sa patimpalak"
Malabo pang makasali ako sa contest na iyon dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin kayang kontrolin ang kapangyarihan ko. Habang nakikinig ako kay sir Hafami ay
may kamay na biglang humawak sa kaliwang kamay. "Sali tayo" Sabi ni Red at
ipinagsalikop ang aming mga kamay
"Paano naman ako sasali ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naman kayang
kontrolin ang kapangyarihan ko" Pag-amin ko sa kanya. "Tsaka natatakot din ako na
baka ma-out of control na naman sa aking magi kapag sinubukan kong gamitin ito sa
seryosong labanan.
Matapis ang klase ay agad akong lumabas upang simulan ang aking pagsasanay. "Saan
ka pupunta?" Pagtatanong sa akin ni Red.
"Sa may field" Maikli kong tugon dahil inaayos ko pa ang aking mga gamit.
"Hatid na kita" Kinuha ni Red ang aking bag at siya ang nagdala nito. "Ayokong
nahihirapan ang Queen ko"
Kinilig naman ako pero tinawanan ko na lamang siya, "Habang tumatagal Red nagiging
corny ka. Halika na nga"
The good thing simula nung nagkaaminan kami ni Red eh mas expressive na siya kung
ano talaga ang nararamdaman niya and parati siyang may free time na nilalaan sa
akin.
"Red mag-iba na lang tayo ng ruta" Kinakabahan kong bigkas kay Red. Tumingin lang
sa akin si Red at muli niyang hinawakan ang aking kamay.
"Hayaan mo siya, nasa iisang school lang kayo kaya't paniguradong magkikita at
magkikita kayo. Para sa kanya ay hindi ka nag-e-exist, ganoon din na treatment ang
gawin mo" Wika niya sa akin.
Naglakad kami ni Red ng magkahawak ang kamay, hindi ko alam kung aware si Charly sa
prisensya namin o baka talagang umiiwas lang siya. Dinaanan kami ni Charly na
parang isang hangin, walang 'Hi' o maski isang tingin... Wala.
Humarap sa akin si Red at ngumiti, "That's okay. Masakit kasi talaga ang nangyari
sa kanya, it takes time to heal. Halika na"
Hinatid lang ako ni Red sa field at agad din naman siyang umalis dahil tuturuan
niya ang ilang mga Marsham students. Nasa isang seminar kasi si sir Ernie at siya
ang nagsa-substitute dito dahil siya lang daw ang estudyanteng may kapasidad na
magturo sa ibang nakakabatang estudyante.
Pero sa hindi ko malamang dahilan, pakiramdam ko ay may pares ng mata ang ang
nakatitig sa akin habang nag-e-ensayo ako.
***
KIMMY
Hiyang-hiya ako kay Kiko habang ikinukwento ko sa kanya ang nangyari ngunit ang
baklang ito ay tinawanan lang ako. "Kagagahan mo kasi, abs is life ka pang nalalaan
ah" malakas na naman na tawa ang muli niyang binitawan.
"Malay ko bang ganoon ang mangyayari, kasalanan ng lalaking iyon eh! Nasira ang
magandang plano ko" Inis kong pagkukwento at humigop ng juice na aking iniinom.
"Nung isang araw pa! Ikaw lang naman 'tong hindi pumapasok para sa abs" Pagsermon
niya sa akin. Sorry naman, may mas natutunan pa ko sa abs ng mga taga-Wanester
ke'sa sa mga tinuturo ng mga professors namin dito. Sana may abs observation na nga
lang kaming klase naku! Paniguradong plakak na plakak ang grade ko no'n.
Habang kumakain kami ni Kiko sa may cafeteria ay may isang estudyante ang tumawag
sa akin. "Kayo po ba si Kimmy?" pagtatanong niya at tumango naman ako bilang tugon.
"Pinapatawag ka sa faculty ni sir Rocky" si sir Rocky ang adviser teacher ng
klasenamin.
Nagkatinginan kami ni Kiko at kumunot ang noo ng bakla na para tinatanong kung ano
naman ang kagagahan kong ginawa. Umilinh ako dahil hindi ko alam. "Saglit lang,
pagdasal mo ko kay Lord"
"Mag-ipon ka muna kasi ng points para lumakas ka kay Lord" Wika niya sa akin
Nagtungo ako sa Faculty room at agad kong hinanap ang table ni sir Rocky, nung
makuta ko na ito ay lumapit ako dito, "Sir bakit po?"
"Sorry po, bakit niyo po ako pinatawag?" Bagkus na sagutin ako ni sir Rocky ay
inilapag niya ang mga test papers ko sa desk.
"30 over 100? Saan banda pasado diyan Kimmy?" Pagtatanong sa akin ni sir.
"Eh sir 'diba ibababa niyo naman ang passing rate para makapasa--"
"Kimmy!"
"Joke lang sir!" Eh anong magagawa ko, eto lang naman ang naarok ng utak ko.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa iyong bata ka. Bagsak ka sa test, hindi
pumapasok, maluwag ang turnilyo sa utak" Sige sir lait pa. Ang perfect niyo eh.
Hindi na ako nagtangkang magsalita para mapalabas niya agad ako. "Kumuha ako ng
magtutyro sa iyo, and kung hindi mo mai-improve ang grades mo this semester. Uulit
ka ulit bilang isang Marsham student"
Biglang may pumasok na isang lalaking estudyante sa loob ng faculty. Napakapit ako
sa panty ko dahil baka mahulog. Jusko mga bes! Si Charly mga bes nandito.
"Sir I'm sorry I'm late" Wika niya, tinignan ko siya sa kanyang mukha ngunit wala
itong kahit anong ekspresyon, bakit parang ang bato naman ng puso ng lalaking ito?
Wala ba sa vocabulary niya ang salitang 'emosyon'?
"It's okay," tignan mo 'tong si Sir Rocky, kay Charly mabait sa akin ang sungit-
sungit. Tsk, favoritism. "Charly will be in charge para turuan ka in Predictology,
combat, and Alchemy class" sir nahiya ka pang sabihin lahat ng subject.
Pinaka-ayoko pa naman ang nag-aaral pero kapag napapalingon ako kay Charly, eto ma
ang grasya? Tatanggi pa ba ako. May mga ipinaliwanag pa si sir Rocky pero hindi ko
na ito pinakinggan, daig pa ang magulang ko sa dami ng paalala. "...is it clear
Kimmy?"
"For what?!"
"I mean para sa grades sir. Ayoko rin naman na magkabagsak tsaka gustong-gusto ko
kayang mag-aral, hobby ko kaya ang magbasa" Of course puro kacharingan lang ang
sinabi ko. Maghanao kaya ng abs ang pinakagusto ko.
Tinignan niya lamang ako ngunit agad niya rin itong inalis at naglakad paalis. Ay!
Shy type ang koya niyo. Crush din siguro ako neto? 'Diba ganoon daw yun? Kapag
hindi makatingin sa iyo it means may crush din siya sa iyo? Ohmaygahd! Lumalaki ang
chance ko!
***---***
This chapter was dedicated para sa kanya dahil sa napakagandang Fanart na kanyang
ginawa :)
***
3rd person
"May malakas na pagsabog ang naganap sa bayan iyon at hindi bababa sa animnapu ang
bilang ng nasawi" Pagbabalita ni sir Steven.
"Hindi ngunit malakas ang kutob ko na isa sa mga De Lorgans ang may gawa ng bagay
na iyon. Sila lang ang may kakayahan ng bagay na iyon," Wika ni sir Steven.
"Kinakabahan ako para sa mga estudyante ng Altheria dahil hindi malayo na baka
itong paaralan natin ang sunod nilang atakihin lalo na't nandito ang kanilang
pakay"
"Kumalma ka sir Steven" Biglang umepal si Klein, "Sa tingin ko rin naman ay handa
na tayo kung sakaling mangyari iyon. Mas lalong handa na si Jasmin kung mangyari
iyon"
"Dahil nakikita ko ang pagsisikap ni Jasmin. Alam kong simpleng bagay lang iyon
pero malaki ang nagagawa no'n dahil kapag nakikita naming nagsisikap si Jasmin ay
nag-e-ensayo rin kami upang lumakas" Pagtutuloy ni Klein.
Napangiti si Mrs. Evelyn sa winika ni Klein, "Tama si Klein. Hindi tayo aatras sa
labanang ito, hindi natin hahayaan na makuha nila si Jasmin. Iisang pamilya tayo
rito sa Altheria"
***
Jasmin
Nasa malawak na field ako ngayon kasama si pinunong Cesar upang makita ang
nangyaring improvements sa akin. Nandito rin ngayon sina Red, Bea, Trixie, maging
si Harly at Daylight upang manuod dahil wala raw silang mga klase.
"Go Jasmin!" Pagsigaw ni Bea habang nakaupo sila sa 'di kalayuang bench upang
panuorin ako. Ngumiti naman ako bilang tugon.
Nagbuntong hininga ako upang ikalma ang aking sarili at hindi mawala sa focus. Stay
focus Jasmin upan magawa mo 'to. "Mag-iisip lang ako ng Happy thoughts. Happy
memories" Paulit-ulit ko 'yang sinasabi.
Pumikit ako at nag-pokus, hindi ko muna pinansin ang mga tao sa paligid. Sa muli
kong pagdilat ng aking mata ay nagliliwanag na ang aking kwintas. Ngunit hindi doon
nagtatapo iyon dahil kinakailangan kong panatilihin ang ilaw nito for a long time,
at isa pa, kaya ko lang itong pailawin ngunit hindi ko pa kayang gumamit ng mahika
gamit ito. I'm a slow learner, hindi naman ako katulad nila Red na sobrang galing
pagdating sa magic.
Tahimik lamang silang nanunuod habang ako ay hindi ko muna iniintindi ang mga tao
sa paligid ko upang hindi ako mawala sa focus, baka kapag nawala ako sa focus may
tendency na mawalan ako ng kontrop sa aking magi.
"Ngayon Jasmin, ipunin mo ang magi mo sa kamay mo," Wika ni pinunong Cesar. "I-
pokus mo ang iyong magi sa iyong kamay imbes na magpokus ka kung paano ito
makokontrol"
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni pinunong Cesar dahil hindi ko mawari
kung paano ko iipunin ang magi ko sa aking kamay. Hindi ko naman alam na ganito
pala kahirap ang proseso para makapagpawala ng isang offensive type ng magic.
"Hindi ko po kaya" Pag-amin ko.
Ilang beses ko pang sinubukan ngunit wala talagang kahit anong magic ang lumabas
dito.
"Uy nandito pala kayong lahat! Na-miss niyo ko 'no? Hehe" Biglang dumating si Klein
kaya siya ang itinuro nila. "Oh ako na naman! Ano na naman 'yan!"
Naikwento na rin sa akin ni Bea na isang prinsipe si Klein, nasabi niya na rin sa
akin na hindi contest ang pinuntahan nila bagkus ay ang kuta ng Raven clan, ginawa
raw nila iyon lahat para sa akin. Masaya ako dahil tinutulungan nila and at the
same time ay nalungkot kasi ako ang dahilan kung bakit sila nalagasan ng isang
miyembro-- si Patty.
"A-ayoko nga pinunong Cesar! Baka ikamatay ko pa ang pakikipaglaban kay Jasmin"
Pagtanggi ni Klein at napabuntong hininga na lang ako.
Bumuntong hininga ako at muling nagpokus sa aking kamay gaya ng sabi ni Pinunong
Cesar. Wala naman akong ideya kung paano padadaluyin ang magi ko papunta sa kamay
ko.
"Hindi ko po talaga magawa Pinunong Cesar" Pagsuko ko. Napapailaw ko nga ang
kwintas ko, hindi ko naman kayang gamitin ang magi ko... Nonsense din.
Dahil nga parang kumpleto ang mga kaibigan ko rito ay para lamang kaming
nagkukulitan sa practice na ito. Hindi lang suporta ang naibibigay nila sa akin,
nabibigyan din nila ako ng confidence. Kahit ang dalas kong magkamali ay nandiyan
lang sila para sa akin. Isa rin sa mga good things ay ang pagiging mabait sa amin
ni pinunong Cesar at hinahayaan lang kaming magkulitan.
Parati niyang pinapaalala sa akin na bilang isang kabataan daw ay dapat i-enjoy ko
lang and huwag ko daw pakaisipin ang malaking pressure na dala-dala ko.
Medyo lumayo si Klein at nagliwanag ang kanyang kwintas. Ngumisi muna sa akin si
Klein at mabilis niyang ikinilos ang kanyang kamay, itinutok niya ito sa akin.
Masyadong mabilis ang nangyari, namilog na lamanh anh mata ko nung mapansin na may
bilog na apoy ang bumubulusok patungo sa aking direksyon.
Ipokus ang magi sa kamay. Ipokus ang magi sa kamay. Paulit-ulit 'yang tumatakbo sa
aking isipan habang nakatingin sa bumubulusok na fireball sa akin. Iniharang ko ang
aking kamay at napapikit dahil sa kaba. Jusko masusunog pa yata ako huhu.
Nung idilat ko ang aking mata ay agad kong tinignan ang sarili ko. Buhay pa naman
ako sa kabutihang palad at wala akong kahit anong sugat o lapnos na natamo. "Nagawa
mo Jasmin," Pagbati sa akin ni pinunong Cesar. "Hahayaan muna kitang magpahinga sa
ngayon ngunit bukas ay susubukan nating muli na palabasin ang kapangyarihan mo"
Nung natapos ang praktis ay agad naman akong nilapitan nina Bea. Inabutan ako ni
Red ng tubig dahil alam niyang napago ako. "Nice" wika niya sa akin.
"Ayan na naman ang magkasintahan. Ang sweet na naman po nila" Mapang-asar na sabi
ni Bea at yumakap sa akin. "Pero Jasmin puwera biro, masaya ako para sa iyo dahil
unti-unti ay nasasanay ka ng kontrolin ang iyong kapangyarihan"
I mouthed 'thank you' to her. Hindi ko ala kung gaano ba ako kabuting tao at
biniyayaan ang ko ng ganito ka-supportive at mapagmahal na kaibigan.
"Hindi man kita nakikta Jasmin ngunit nararamdaman ko ang iyong determinasyon"
Nakangiting sabi sa akin ni Harly habang inaakay siya ni Daylight.
"Salamat Harly"
"Ay may ibabalita nga pala ako kaya ako pumunta rito" Wika ni Klein na parang may
naalala.
"Eh sino ba yung magaling na unggoy na pagdating ko palang eh itinuro ako para
sumabak sa pagsasanay" Pagbabalik ni Klein.
"Wala akong pangalan na sinabi pero nag-react ka, totoo nga na unggoy ka"
"Hoy Klein sabihin mo muna yung ibabalita mo" Wika ni Red kaya napatigil silang
dalawa.
"Ah lumabas na ang resulta ng pananaliksik nina Ms. Melanie at sir Hafami patungkol
sa kundisyon ni Harly" Nung narinig ni Harly ang kanyang pangalan ay bigla naman
siyang na-curious.
"Ano raw? Kamusta ang kalagayan ko? Makakakita pa raw ba ako?" Nakikita ko sa
ekspresyon ng mukha ni Harly na umaasa pa rin siya na muli siyang makakakita.
"Hindi ka bulag Harly," Panimula ni Klein. "May isang spell lang na ginawa sa iyo
ang De Lorgans na iyong nakasagupa na hinahadlangan kanv makakita. Hindi ka bulag,
magic spell lamang iyan"
Natywa kaming lahat at napayakap kay Harly. Napangiti si Harly at may luhang tumulo
sa kanyang mata dahil sa galak. "Ngunit Harly, tanging si Sais lamang din ang
makakapagpaalis ng magic spell sa iyo"
"E-ewan ko" Kinakabahan kong bigkas ngunit napansin namin ang pagtakbo ng mga
estudyante palabas ng mga rooms.
Agad na tumakbo si Red at sumunod si Klein. Tumakbo rin ako ngunit nung lumingon
ako ay hindi sumunod si Bea, Trixie, Daylight, at Harly.
"Mauna na kayo, susunod kami. Ihahatid lamang namin si Harly sa kanyang silid. Baka
ma-stampede siya sa dami ng tao na tumatakbo" Wika ni Bea.
Tumakbo ako upang makahabol kanila Red at pumasok kami sa gate na nagbubukod sa
Wanester At Marsham division. Kung magulo na ang kalagayan sa Marsham kanina ay mas
magulo rito.
"Napasok tayo" Wika ni Red. Nakatingin lamang ako sa nagbabagang apoy na unti-
unting lumalakas sa Wanester division.
"Napasok nga ba tayo o matagal ng nandito ang ilang miyembro ng De Lorgans ngunit
hindi lang natin sila kilala" Bulong ni Klein ngunit sapat na iyon upang marinig
ko.
"Wala. Ipapaalam ko kay tanda itong nangyari, tulungan niyo ang mga manggagawa na
buhay pa" Sabi niya at tumakbo paalis.
Ano bang nangyayari? Bakit kailangan pang gawin ng mga De Lorgans ang bagay na ito?
***---***