You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA E.P.P.

Ikaanim na Baitang

I. LAYUNIN
 Natatalakay ang mga paraan nang pangangalaga ng mga sisiw.

II. PAKSA
“Mga Paraan ng Pangangalaga ng mga Sisiw”
RBEC: EPP V 5.3 p63

III. SANGGUNIAN AT KAGAMITAN


Umunlad sa Paggawa pp. 135-136
Tsarts, istrip

IV. PAMARAAN
A. Paghahanda
1. Awit
2. Balik-aral
Ano ang leksiyon natalakay natin kahapon? ( Ang leksiyon natin ay tungkol sa manok.) Ano ang
dalawang uri ng manok? (Layer at Broiler) Anong uri ng manok ang layer? Broiler? ( Ang layer ay uri
ng manok inalagaan upang magdulot ng itlog at ang broiler inalagaan para gawing pagkain.) Paano
inaalagaan ang mga manok? (Kailangan malaki at maluwag ang kulungan upang maginhawang maayos
ang mga manok at medaling linisin ito.) Yari sa anong materyales ang kulungan ng manok? ( Yari sa
katutubong materyales gaya ng nipa para sa bubong at sawali , kanya at tabla sa dingding at sahig.)
Anong gagawin para lalaking malusog ang iyong manok? (Tiyakin palaging may patukaan at painumin
ang mga manok.).
B. Paglalahad
1. Pagganyak
Sa puntong ito may aayusin kayong palaisipan. Ang nilalaman ng palaisipan na ito ay ang
leksiyon na tatalakayin natin ngayon.
a. Pag-aayos ng palaisipan ng mga bata
b. Pagsagot ng Palaisipan
Anong salita ang nabuo ninyo? ( sisiw) Kaya anong leksiyon ang tatalakayin natin ngayon?
(tungkol sa sisiw).
2. Pagbabasa ng batayang tanong
Ngayon, babasahin ninyo ang mga batayang tanong para madali ninyong maunawaan ang
nilalaman ng leksiyon natin.

Mga tanong:
1. Paano inaalagaan ang sisiw?
_________________________________________________________
2. Ano ang artipisyal na paraan ng pagpapainit sa katawan ng sisiw?
_________________________________________________________
3. Ano ang ginagamit sa brooding?
_________________________________________________________
4. Kailan nagsisimula ang pagpapainit ng katawan ng sisiw o brooding?
_________________________________________________________
5. Ano ang dapat panatilihin sa kulungan ng sisiw? At bakit?
_________________________________________________________
6. Bakit naglalagay ng gamot sa tubig o inumin ng sisiw?
_________________________________________________________

1|Page
7. Ano ang pagkain ipapakain sa sisiw sa unang apat na linggo o isang buwang?
_________________________________________________________
8. Pagkalipas ng apat na linggo, anong pagkain ang ipapakain sa mga sisiw?
_________________________________________________________
9. Anu-ano pang pagkain ang maaaring ipakain sa mga sisiw ?
_________________________________________________________
10. Bakit kailangan lagyan ng sapat na pagkain ang lalagyan ng patuka?
_________________________________________________________

3. Strips (Brainstorming)
a. Sa pamamagitan ng mga strips na ito ay masasagot ninyo ang mga tanong na ito. Kaya
kailangan basahin , unawain at isaulo ang nilalaman ng strips na ito.

b. Pamantayan
Anu-ano ang mga dapat gawin kung nagbabasa ang nilalaman ng strip? ( Basahin gamit lamang
ang mata.) ….. iba pa….

c. Pagpasa ng mga strips sa mga bata

d. Pagbasa ng mga bata ang nilalaman ng strip

C. PAGTATALAKAY
Handa na ba kayo? ( Handa na po kami.) Sagutin natin ang mga tanong, paano inaalagaan ang
sisiw? ( Alagain ito ng maayos o mabuti.) Bakit? ( Upang lalaking malusog at hindi sakitin.) Ang mga
sisiw ay kailangan panatilihin mainit ang katawan , kaya, ano ang tawag sa artipisyal na pagpainit sa
katawan ng sisiw? ( Brooding) magaling. Ano ang ginagamit sa brooding? ( Lampara o bombilya) kailan
nagsisimula ang pagpapainit sa katawan ng sisiw o brooding ? ( Mula pagkapisa hanggang apat na
linggo o isang buwan.)Bakit kailangan panatilihin tuyo at malinis ang kulungan ng sisiw? ( Para hindi
giginaw at magkasakit ang sisiw.) Bakit naman naglalagay ng gamot sa tubig o inumin ng sisiw? ( para
lalaking malusog at hindi sakitin ang sisiw.) magaling. Sa unang apat na linggo, anong pagkain ang
ipapakain sa mga sisiw? ( starter mash) at pagkalipas ng apat na linggo o isang buwan, ano naman
pagkain ang ipapakain sa mga sisiw? ( growing mash) Kung walang growing mash, ano ang iba pang
pagkain ang maaaring ipakain sa mga sisiw? ( durog na isda, durog na balatong, giniling na mais, dahon
ng ipil-ipil, darag, durog na talaba)Gaano karaming pagkain ang ipapakain sa mga sisiw?( sapat lamang)
Bakit?( Para hindi sayang). Yan ang mga paraan ng pag-aalaga ng mga sisiw, may mga tanong ba kayo?
(….)

D. PAGSASANAY ( GRUPO)
Gawain I PANUTO: Punan ng wastong sagot ang patlang.
1. Ang artipisyal na pagpapainit sa katawan ng sisiw ay ______________.
2. ____________________ ang ginagamit sa brooding.
3. Nagsisimula ang pagpapainit sa katawan ng sisiw mula ___________
hanggang_____________.

Gawain II PANUTO: Punan ng wastong sagot ang patlang.


PAGKAIN NG SISIW
1. Unang apat na Linggo o isang buwan _________________
2. Pagkalipas ng unang apat na linggo o isang buwan ____________
3. Iba pang pagkain maaring ipakain sa sisiw bukod sa growing mash ay ______.

2|Page
Gawain III PANUTO : Isulat ang mga katutubong materyales sa paggawa ng kulungan ng sisiw
1. 2. 3.
4. 5.

Gawain IV. PANUTO: Basahin at unawain. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Bakit kailangan bigyan ng sapat na pagkain ang mga sisiw?
_________________________________________________
2. Bakit kailangan iwasan ang pag-aaway ng mga sisiw?
_________________________________________________
3. Bakit kailangan lagyan ng gamot ang tubig o inumin ng sisiw?
_________________________________________________

V. PAGBIBIGAY-HALAGA
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel.
1. ( Brooding, Araw, kalan ) ay artipisyal na pagpapainit sa katawan ng sisiw.
2. Karaniwan ginagamit ang ( kandila, sulo , bombilya ) sa brooding.
3. Pinaiinit ang katawan ng sisiw mula ( ito’y itlog pa, pagkapisa ng itlog , nasa tiyan ng inahin )
hanggang apat na linggo o isang buwan.
4. Lagyan ng ( gamot, asukal, asin ) mayaman sa bitamina at antibiotic ang inumin ng sisiw.
5. Pakainin ng ( mais, growing mash, starter mash ) sa unang apat na linggo o isang buwang .
6. Lagyan ng sapin na diyaryo ang ( pinto , sahig, bubong ) ng kulungan at dito ibuhos ang pagkain o
starter mash.
7. Bigyan ng ( gatas, growing mash, kape ) pagkalipas ng apat na linggo o isang buwan na ang sisiw.
8.Lagyan ng sapat na ( kulungan, diyaryo, pagkain ) upang hindi ma-aaway ang mga sisiw.
9. Gumamit ng ( katutubo, aluminum, bakal ) na materyales sa paggawa ng kulungan ng sisiw.
10. Panatilihin ( tuyo at malinis, mahangin at mabango, makintab at madulas ) ang kulungan ng sisiw.

VI. TAKDANG- ARALIN


Alamin kung paano inaalagaan ang layer na manok.

3|Page

You might also like