You are on page 1of 16

1

2
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan– Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Agrikultura – Modyul 4: Mga kabutihang Dulot ng Pag-aalaga ng Hayop Unang
Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon lll Kalihim :


Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat : John Paul B. Violago


Editor : Elmar S. Legaspi
Tagasuri : Julieta D. Gonzales
Tagaguhit : Maricel M. Ubaldo Tagalapat : Reymon S. Santos

Tagapamahala:

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Joel I. Vasallo, PhD


EPS – EPP/TLE/TVE/TVL

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II

Joannarie C. Garcia
Librarian II

3
Ang modyul na ito ay ginawa sa ikatututo ng mag-aaral na malaman ang mga
kabutihang dulot ng mga alagang hayop sa ating sarili, pamilya at bansa. Sa modyul
na ito ay pag-aaralan mo ang iba’t-ibang uri ng hayop na maaaring alagaan na
magbibigay ng pakinabang sa pamilya.

Layunin:
1.1 Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na
may dalawang paa at pakpak o isda.

Gawain 1
Panuto: Magbigay ng 5 halimbawa ng hayop na may dalawang paa at pakpak o
isda na maaaring alagaan sa bakuran na mapakikinabangan ng pamilya.

1.______________________
2.______________________
3.______________________
4.______________________
5.______________________

Gawain 2
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagpapakita ng kabutihang dulot ng
pagaalaga ng hayop at Mali kung hindi.
_________1. Ang pag-aalaga ng hayop ay magbibigay ng dagdag na kita sa mag-
anak.
_________2. Ang pag-aalaga ng hayop sa bakuran ay tinuturuan ang buong pamilya
na maging responsable.
_________3. Ang pag-aalaga ng isda katulad ng tilapya ay nakatatamad.
_________4. Ang pag-aalaga ng hayop ay magandang gawain at libangan.
_________5. Ang gastos ng mag-anak ay lalaki.

Mga Kabutihang Dulot ng


Pag-aalaga ng Hayop
Ang pag-aalaga ng hayop sa bakuran ay nagbibigay ng dagdag na kita sa
pamilya at isang magandang libangan na nagbibigay-kasiyahan. Ang hayop na may
dalawang paa’t may pakpak at isda ang mga pangkaraniwang inaalagaan. Ang mga
ito ay madaling alagaan at paramihin.

4
Noong nakaraang aralin ay natutunan mo ang masistemang pagsugpo ng peste at
kulisap.

Panuto: Kumpletuhin ang dayagram, magtala ng uri ng peste o kulisap sa pananim


at mga halaman na maaaring gamiting pantaboy sa mga ito

A. Uri ng peste at kulisap

1.__________

URI NG
3. __________ PESTE AT 2. __________
KULISAP

4. __________

B. Halaman na pantaboy sa mga peste at kulisap

Basahin ang maikling kwento.

Ang Maya, Manok At Tilapya


Ni: John Paul B. Violago

5
Isang umaga habang ang isang ibong Maya ay lumilipad, napansin nya na
ang mga alagang hayop ni aling Marta ay nag uusap-usap na tila ba ang mga ito
ay nagtatalo kaya naman ibinaling nya ang kanyang paglipad at pinuntahan ang
mga ito.

Maya: Mga kaibigan mukhang mayroon kayong mahalagang pinag-uusapan diyan.

Manok : Wala naman ito kaibigang Maya, naiinis lang ako sa kaibigan kong si
Tilapya.

Maya: Oh bakit ka naman naiinis?

Tilapya: Kaibigang Maya, ito kasing si manok kay aga-agang tilaok nang tilaok,
kaya ayon pinagsabihan ko sya na kung maaaari ay huwag munang tumilaok sa
umaga.

Manok: Hay naku! Tilapya, ganyan talaga ang gawain naming mga manok,
sapagkat kami ay nagbibigay ng palatandaan sa ating amo na umaga na kaya
kami tumitilaok, palibhasa’y hindi mo kayang tumilaok at gisingin si aling Marta.

Maya: Naku Tilapya! tama naman si Manok sa mga sinabi nya.

Manok: Alam mo bang natutuwa sa akin si aling Marta dahil ako ay nangingitlog
tuwing umaga. Napakikinabangan niya ang aking mga itlog.

Tilapya: Ako din naman ay napakikinabangan ni aling Marta Manok! Pinapakain


nya kami upang mabilis ang aming paglaki. Kadalasan kami ay ibinebenta ni aling
Marta kaya sya ay laging madaming pera. Kung minsan naman kami ay hinuhuli
niya para may maulam ang kanyang buong mag-anak.

Manok: Wow! Ang galing mo naman Tilapya. Kami din ay hinuhuli ni aling Marta at
dinadala sa palengke. Madalas ang mga itlog namin ay kinukuha niya at ang aming
karne ay madalas ihain sa buong pamilya.

Maya: Oh ayan Manok at Tilapya, parehas naman kayong may pakinabang sa


buong mag-anak ni aling Marta, kaya naman huwag na kayong magtalo. Tandaaan
nyo na kayong dalawa ay nagbibigay ng dagdag na kita kay aling Marta at
nagbibigay ng sariwang karne. Huwag na kayong magtalo ha?!

Manok: Salamat Maya sa pagpapa-alaala sa amin ni Tilapya. Pasensya kana


Tilapya at nainsulto kita.

Tilapya: Pasensya ka na rin sa mga nasabi ko tungkol sa pagtilaok mo. Salamat


Manok at Maya.

Sagutin ang mga katanungan batay sa kwentong binasa.

1. Sino ang tatlong pangunahing tauhan sa kwento?

6
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Ano ang pinagtatalunan ni Manok at Tilapya sa kwento?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano-ano ang pakinabang ni Manok at ni Tilapya?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

________________________________________________________________
Marami sa atin ang kinaaaliwan ang pagaalaga ng hayop. Tunay na maraming
kapakinabangan at kasiya-siya ang gawaing ito sa buong pamilya. Ang pag-
aalaga ng hayop na may dalawang paa’t pakpak at mga isda sa ating mga
bakuran ay maraming kabutihang naidudulot sa buong maganak. Higit na
mainam na ang mga ito ay alagaan sa ating
bakuran o bakanteng lugar na medyo malayo sa mga tao upang maiwasan ang
pagkabulabog ng mga hayop. Ang pag-aalaga ng hayop ay mahalaga sapagkat ito
ay nagdudulot ng dagdag na kita at nagbibigay ng kalidad na karne para makain ng
pamilya. Natutugunan din ng gawaing ito ang problema ng ating bansa sa pagkain at
nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming tao. Ang pamilyang nag-aalaga ng mga
hayop ay nagiging responsable na isang magandang katangian at nakatitipid sa
gastusin ng pamilya.

7
Ang manok na pangkaraniwang inaalagaan ay nagbibigay
ng sariwang itlog at karne na sagana sa protina na kailangan ng
katawan sa mabilis na paglaki. Maaari rin na pakinabangan ang
mga lamang-loob ng manok para makain katulad ng puso,
balunbalunan, atay at bituka. Ang ulo at paa rin ng manok ay
maaaring kainin siguraduhin lang na matanggal ang balat at
kuko sa paa at ang tuka sa ulo ng manok. Ang mga balahibo naman ng manok ay
hindi kailangan itapon, maaari pa rin itong mapakinabangan katulad sa paggawa ng
unan at magamit na dekorasyon. Ang ganitong mga gawain ay maaaring maipagbili
upang maging dagdag na kita ng pamilya. Ang dumi naman ng manok ay maaaring
gamitin bilang pataba sa ating mga pananim na halaman kung makukuha ang
tamang bilang o dami ng ilalagay sa mga pananim.
Ang pato ay mainam ding alagaan sa ating mga bakuran. May
dalawang uri ng pato: ang itik at bibe. Ang bibe ay may
balahibong kulay puti na pangkaraniwang nakikita sa ating
bakuran. Ang itlog at karne nito ay masustansya kagaya ng
manok. Ang itlog ng bibe ang ginagawang balut na paboritong
kainin ng mga Pilipino. Ang itik naman ay pangkaraniwang
inaalagaan sa mga poultry. Ang alagang ito ay magandang pagkunan ng itlog na
ginagawang itlog na maaalat o itlog na pula. Masarap din kainin ang karne nito lalo’t
malinis ang pagkakaluto.

Ang pugo ay maaari ring alagaan ng mag-anak. Ang uri ng


ibon na ito ay mayroong bilog na katawan, maikling leeg at paa .
Ang pangunahing pakinabang sa hayop na ito ay ang kanyang
itlog na batik-batik at ang karne nito na mayaman sa protina na
kailangan ng ating katawan.

Ang isda ay maganda ring alagaan sa ating mga


bakuran. Ang ati -ibang anyong
ng bansa ay mayaman sa iba’t
tubig. Dahil dito, ang pangingisda ay isa sa mga pangunahing
hanapbuhay ng mga Pilipino. Ang pag-aalaga ng isda ay
malaking tulong sa mag-anak. Natutugunan ng gawaing ito ang pang araw-araw na
pangangailangan ng pamilya. Mapagkukunan din ito ng dagdag kita lalo’t maraming
isda ang inalagaan. Ang ganitong gawain ay nagbibigay ng aliw at nagtatanggal ng

8
stress. Ang tilapya ay isang uri ng isda na madaling paramihin. Maaaring ipagbili ang
isdang ito upang maging dagdag sa kita ng mag-anak.

Ang hito naman ay isang uri ng isdang nabubuhay


sa tubig tabang. Ang uri ng isdang ito ay madaling
alagaan at maaaring patagalin ang buhay nito
habang hindi pa niluluto.

Gawain 1
Panuto: Piliin sa hanay B ang angkop na hayop na tinutukoy sa hanay A.

A
B
________1. Ang hayop na ito ay may bilog na a. Bibe
katawan at nangingitlog ng batik-batik.
________2. Isa itong uri ng pato na kulay puti ang
b. Manok
balahibo.
________3. Ang uri ng isdang ito ay naipagbibili sa
c. Hito
palengke, maaari rin na pahabain ang
buhay nito habang hindi pa naluluto.
________4. Ito ay isang uri ng pato na pangunahing
pinagkukunan ng itlog na ginagawang itlog
d. Itik
na maalat o itlog na pula
________5. Ito ay ang hayop na pangunahing
inaalagaan ng mag-anak. Ang itlog at
karne nito ang pangunahing pakinabang
e. Pugo
sa hayop na ito.

Gawain 2

9
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung ang mga salita sa bawat
hanay ay nagpapakita ng kapakinabangan ng mga hayop.

Hayop Itlog Karne/Laman Balahibo

Manok

Pugo

Itik

Bibe

Isda

Panuto: Punan ang mga patlang ng angkop na salita sa loob ng kahon upang
mabuo ang mga ideya na isinasaad ng mga talata.

Hito kakulangan ng pagkain libangan stress katawan

Kita itik bibe tilapia sariwang karne

Trabaho responsible protina pugo bakuran

Ang pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa’t mga pakpak at isda ay


mahalaga sapagkat ang mga ito ay nagbibigay ng dagdag na 1. ________________
sa isang maganak dagdag pa rito ang 2. ________________________ na
mapagsasaluhan ng buong pamilya. Ang gawaing ito ay natutugunan din ang
suliranin ng ating bansa sa 3._______________________________ at kawalan ng
4._________________________ng mga mamamayan. Ang pag-aalaga ng hayop ay
tinuturuan ang buong mag-anak na maging 5. ___________________,
nakakatulong din ito sa pagtanggal ng 6. ________________ sapagkat ito ay
lubhang kawili-wiling 7._________________.
May mga hayop tayo na maaaring alagaan sa ating 8. ________________
katulad ng manok na pangunahing mapakikinabangan ang mga itlog nito at ang
karne na mataas sa 9. _________________ na kailangan ng ating katawan. Ang
pato naman ay may dalawang uri: ang 10. ___________ at 11. ____________, ang
dalawang ito ay mainam sapagkat nagbibigay din ito ng maraming itlog at sariwang
1
0
karne, madali ring alagaan ang mga hayop na ito. Ang 12. ____________ na
mayroong maliliit na katawan ay napapakinabangan dahil sa itlog at karne nito, ang
itlog nito ay batik-batik na nagtataglay ng maraming sustansya na maganda sa ating
13. ____________________. Ang pag-aalaga ng isda katulad ng 14. ___________,
15. _______________ at bangus at iba pang uri nito ay nagbibigay ng sariwa at
masustansyang karne. Nagbibigay din ito ng dagdag na kita sa mag-anak kung
maipagbibili lalo na at marami ang inalagaang isda.

Panuto: Gawin ang mga sumusunod

1. Magkaroon ng maikling pananaliksik sa inyong bakuran, humingi ng gabay at


tulong sa magulang upang maisagawa ang gawain. Isulat kung anong hayop na
may dalawang paa’t pakpak o isda ang inyong inaalagaan sa inyong bakuran.
Kung mayroon na kayong alagang hayop, isulat ang mga pakinabang ng mga ito
sa inyong pamilya. Kung sakaling wala pa ay kapanayamin ang magulang kung
anong hayop ang nais alagaan ng pamilya. Isulat din ang bilang o dami ng
alagang hayop na inaalagaan o aalagaan pa lang.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Gumuhit ng isang hayop na may dalawang paa’t pakpak o isda na inaalagaan ng


pamilya o aalagaan pa lang.

1
1
Panuto: Sagutin ang mga katanungan tungkol sa mga kabutihang dulot ng
pagaalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isa. Gawing batayan ang
rubrik sa pagsagot. (5 puntos bawat bilang )

Rubrik sa pagbibigay ng iskor sa pagpapaliwanag.

Deskripsyon 5 3 1
Malaki ang
Hindi gaanong Walang kaugnayan
Kaugnayan ng kaugnayan ng
ugnay ang sagot ang sagot sa
sagot sagot sa
sa tanong tanong
tanong

1
2
Hindi gaanong
Nagpamalas ng
malinaw at medyo
Malinaw o tumpak malinaw at Malabo at magulo
paligoy-ligoy ang
ang sagot direktang sagot sa ang sagot
sagot
tanong

1. Sa iyong sariling opinyon, paano nakatutulong sa isang mag-anak o pamilya ang


pagaalaga ng hayop?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Magbigay ng isang gawain na sumusuporta sa ideyang ang pag-aalaga ng hayop


ay nakakatanggal ng stress at ipaliwanag ito.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan na ang pag-aalaga ng hayop ay nakatutulong sa suliranin ng


bansa o pamayanan?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng kabutihang dulot ng pag-


aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda. Gamitin ang rubrik sa
paggawa ng slogan.

Halimbawa:
“Ang pag-aalaga ng hayop ay may kapakinabangan
Kagutuman’y maiibsan solusyon sa ating kahirapan”

1
3
Rubrik sa Paggawa ng Islogan

10 7 4 1 Puntos
Naipabatid ang
Di gaanong na Walang na
mensahe Medyo magulo
Nilalaman ipabatid ang ipabatid na
sa mabisang ang mensahe
mensahe mensahe
paraan

1
4
Medyo malabo
Napakalinaw at Malinaw at at hindi Malabo at hindi
napakagandang maganda ang gaanong maganda ang
Pagkamalikhain
pagkakasulat ng pagkakasulat maganda ang pagkakasulat
mga titik ng mga titik pagkakasulat ng mga titik
ng mga titik
Malaki ang May May kaunting Walang
Kaugnayan sa kaugnayan ng kaugnayan kaugnayan kaugnayan
paksa islogan sa ang islogan sa ang islogan sa ang islogan sa
paksa paksa paksa paksa

Lubhang Di gaaanong
Malinis ang Marumi ang
Kalinisan malinis ang malinis ang
pagkakasulat pagkakasulat
pagkakasulat pagkakasulat

Kabuuang Puntos

Batayan:

10 = napakahusay; 7 - 9 = mas mahusay; 4 - 6 = mahusay; 1–3 = pagtuunan ng pansin

1
5
1
6

You might also like