You are on page 1of 12

2

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan- Modyul 4
Kakayahang Diskorsal

1
Pangalan: _________________________
Taon at Seksyon:__________________ Petsa:___________

Kakayahang Diskorsal
Mahalagang Paalala: Gamitin ang sanayang papel nang may pag- iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o susulatan ang anumang bahagi ng sanayang papel.
Gumamit ng hiwalay na palel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Ibalik ang sanayang
papel na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Alamin!
Sa sanayang papel na ito ay matutulungan ka upang higit mong matukoy ang
kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika. Pagkatapos ng aralin ay
inaasahan kang mapaunlad ang iyong nabasa nang may pang-unawa upang
maiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong
pangkomunikasyon sa radio, talumpati at mga panayam.

Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita telebisyon (F11WG- IIf – 88)
2. Nakabubuo ng mga kritikal na sanaysay ukol sa iba’t ibang paraan ng
paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
(F11EP – IIf – 34)

Subukin
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tama o
Mali. Ipaliwanag sa isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit
ito ang iyong kasagutan. Isulat ang iyong kasagutan sa hiwalay na
papel, o notbuk.

_____ 1. Nakakahawang sakit ang ebola virus.

_____ 2. Maaaring mahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng may
sintomas nito.

_____ 3. Ang mga sintomas ng Ebola gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo ng


ilong ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito kalahating buwan
matapos makasalamuha ang maysakit.

_____ 4. Talamak ang Ebola sa kontinente ng Asya.

_____ 5. Wala pang lunas sa Ebola bagama’t makatutulong ang pagpapanatiling


malinis sa katawan.

_____ 6. Kung nakararamdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa apektadong


bansa, agad na makipag-ugnayan sa mga airport quarantine officer.

_____ 7. Mahalagang maibigay ang helath information checklist ng mga pasaherong


bumiyahe sa loob ng Pilipinas.

_____ 8. Nararapat na kaagad maibukod sa ibang tao ang sinumang kakikitaan ng


sintomas ng Ebola.

_____ 9. Susi sa paggaling sa Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit.

_____ 10. Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng


Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs) upang maiwasan ang
Ebola.

Panuto: Tukuyin ang pamantayang ipinahihiwatig sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
¼ piraso ng papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
2
Pamamahala sa Pag- Pamamahala sa Pag-
Bisa
uusap uusap

Pagkapukaw-damdamin Pakikibagay Pagkapukaw-damdamin


1. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.
2. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao.
3. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang
pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
4. Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng
pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
5. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin
ang kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

Simulan Natin
Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalasatasan ay nangangahulugan ng pagsasama-
sama at pag-uugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang
pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipamalas sa ugnayan ng dalawa o higit
pang taong nag-uusap. Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga
interbyu, talumpati o pagkukuwento. Samakatuwid, ang matas na kasanayan ng
isang tao sa wika ay pinatunayan din sa kaniyang kapasidad na makilahok sa mga
kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo. Ang Kakayahang Diskorsal ay
nakatuon koneksiyon ng magkakasunod na pangungusap tungo sa isang
makabuluhang kabuuan (Savignon,2007) at hindi sa interpretasyon ng mga
indibidwal na pangungusap. Pagtiyak sa kahulugang ipinahahayag ng mga teksto o
sitwasyon ayon sa konsteksto. Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita
o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang

1.Cohesion o pagkakaisa

2.Coherence o pagkakaugnay-ugnay

Halimbawa:

Ang kaugnayan ay tumutukoy sa kung napagdidikit ang kahulugan ng mga


pangungusap o pahayag sa paraang pasalita o pasulat.

A: Sobrang kalat naman dito!

B: Huhugasan ko na lang ang mga plato.

Mapapansin sa senaryo na walang pang-ugnay na gramatikal o leksikal ang mga


pahayag. Gayunpaman, ang palitan ng pahayag ay may kaugnayan dahil naunawaan
ni B ang pagkadismaya ni A at mula rito ay tumugon nang nararapat.

Tumutukoy ang kaisahan sa kung paano napagdidikit ang dalawang ideya sa


lingguwistikong paraan. Ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at
magkaugnay ay masasabing may kakayahang diskorsal

3
Gawain 1

Panuto: Ayusin ang mga pahayag sa ibaba batay sa wastong pagkakasunod-sunod nito
upang makabuo ng isang kuwento. Talakayin sa klase ang naging batayan sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. May mga salita bang
nagpapahiwatig ng sunuran?

_____ Kinuha nina Pagong at Matsing ang puno ng saging at pinaghatian ito.
_____ Isang araw, namamasyal sa tabing –ilog si Pagong at si Matsing.
_____ Umiyak si Pagong at nakiusap kay Matsing na huwag siyang itapon sa ilog pero
itinapon pa rin siya ni Pagong.
_____ Hinuli ni Matsing si Pagong at sinabi niya rito na iluluto niya ang huli.
_____ Dahil hindi maakyat ni Pagong ang kaniyang saging, nakipagkasundo siya kay
Matsing na siya ang aakyat at maghahati sila sa mapipitas na bunga.
_____ Kinuha ni Matsing ang bahaging may dahoon at itinamin ito sa kakahuyan.
_____ Natuwa si Pagong dahil kapag iniluto siya ay gaganda ang kaniyang balat.
_____ Nakakita si Pagong ng isang nakalutang na puno ng saging.
_____ Inubos ni Matsing ang lahat ng bunga kaya nagalit si Pagong.
_____ Dahil sa pagkatuwa ni Pagong, naisip ni Matsing na tadtarin si Pagong na ikinatuwa
naman niya dahil dadami siya at magkaroon ng kasama.
_____ Kinuhan naman ni Pagong ang bahaging may ugat at itinanim ito sa tabing-ilog.
_____ Kinalaunan, namatay ang itinanim ni Matsing at nagkabunga ang kay Pagong.
_____ Dahil natuwa na namang muli si Pagong, napagdesisyunan ni Matsing na itapon na
lang si Pagong sa ilog upang malunod.
_____ Nilagyan ni Pagong ng mga tinik ang bababaan ni matsing kaya natinik ito at
nasaktan.
_____ Hindi nalunod si Pagong dahil marunong siyang lumangoy. Naisahan niya si
Matsing.

Pagpapahaba ng Pangungusap

1. Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga—napahahaba ang pangungusap sa


pamamagitan ng mga katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala at iba pa.
Halimbawa: May ulam pa? May ulam ba?

2. Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring---- napapahaba ang pangungusap sa


tulong ng mga panuring na na at ng.
Halimbawa: Siya ay anak. Siya ay anak na babae. Siya ay anak na bunsong
babae.

a. Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento--- napapahaba ang


pangungusap sa pamamagitan ng komplemento o ang Bahagi ng panaguri na
nagbibigay ng Kahulugan sa pandiwa. Ang iba’t ibang uri ng komplemento ng

4
pandiwa ay tagaganap, tagatanggap, ganapan, dahilan o sanhi, layon at
kagamitan.

b. Komplementong tagaganap--- isinasaad ang gumagawa ng kilos.


Pinangungunahan ng panandang ng, ni, at panghalip.
Halimbawa: Ibinalot ni Jay ang mga tiring pagkain.

c. Komplementong tagatanggap—isinasaad kung sino ang nakinabang sa kilos,


Pinangunahan ng mga pang-ukol na para sa, para kay, at para kina.
Halimbawa: Naghahanda ng regalo si Thea para sa kaniyang kapatid.

d. Komplementong ganapan--- isinasaad ang pinangyarihan ng kilos.


Pinangunahan ng panandang sa at mga panghalili nito.
Halimbawa: Namalagi sila sa evacuation area.

e. Komplementomg sanhi—isinasaad ang dahilan ng pangyayari o ng kilos.


Pinangunahan ng panandang dahil sa o kay at mga panghalili niyo.
Halimbawa: Nabaon sa utang si Delia dahil sa pagkakalulong sa sugal.

f. Komplementong layon--- isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa.


Pinangungunahan ng panandang ng.
Halimbawa: Regular na umiinom ng gamot ang aking lola.

g. Komplementong Kagamitan—isinasaad nito ang instrumentong ginamit upang


maisakatuparan ang kilos. Pinangungunahan ng pariralang sa pamamagitan ng
at mga panghalili nito.
Halimbawa: Sa pamamagitan ng Internet, napapabilis ang pagkuha ng
impormasyon.

3. Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal--- napagtatambal ang dalawang


payak na pangungusap sapamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat,
subalit, saka, at iba pa. Ang mabubuong pangungusap ay Tinatawag na tambalang
pangungusap.
Halimbawa: Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at nagtitinda sa
palengke ang kaniyang nanay.

Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo


Ang kakayahang komunikatibo ay sinusukat nang sama-sama at hindi isa-isa.
Hindi maaaring sabihing ikaw ay may kakayahang pragmatic ngunit walang
kakayahang sosyolingguwistiko o kaya naman may kakayahang diskorsal pero walang
kakayahang lingguwistiko. Dapat tandaan na ang isang taong may kakayahan sa wika
ay dapat magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan,
kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo (Bagari, et. al. 2007).
Anim na pamantayan ayon kina Canary at Cody (2000)

5
1. Pakikibagay (Adaptability)

Kakayahang mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang


pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang interaksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipakita ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)

Kakayahan ng isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang paksa


sa pakikisalamuha sa iba.

Makikita ito kung taglay ang sumusunod:


a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayahang making at mag-pokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)

Kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap, nakokontrol nito ang


daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy)

Pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang


tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan
ng isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness)

Kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay epektibo at


nauunawan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)

Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng


pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Magtulungan tayo!
Panuto: Pahabain ang sumusunod na pahayag gamit ang mga paraan sa
pagpapahaba ng pangungusap ayon sa mga nakalahad at mga halimbawa.

6
1. Maganda ang Pilipinas……
2. Ihanda mo ang iyong sarili…..
3. Nakikita na ang kaunlaran sa timog Silangang Asya…
4. Dumating ang Pangulo….
5. Mahuhusay ang mga Pilipino….
6. Suportahan ang isapang pangkapayapaan….
7. Paglingkuran ang sambayanan…..
8. Bumili ang pamahalaan….
9. Mamumuhunan ang mga dayuhang negosyante…..
10. Ipaglaban ang kalayaan…..

Magagawa mo!

Panuto: Pumili ng isang paksa sa ibaba at sumulat ng isang talumpati. Sa loob ng


dalawampong (20) minuto, ipahayag ito sa klase sa pamamgitan ng isang
pagbibidyu sa sarili. Dapat na may angkop na tono at kumpas ito. Ipasa rin
sa guro ang isinulat na talumpati.

1. Paglalaan ng maraming oras ng mga estudyante sa online games


2. Pakikipagrelasyon ng kabataan
3. Nightlife o paglilibang sa gabi

Narito ang rubriks sa pagtatasa:


Kategorya Nagsisimula Nagtatangka Mahusay Napakahusay Puntos

0-4 5-8 9-12 13-15

Hindi Bahagyang Naiaangkop Ganap na


naiaangkop naiaangkop ang talumpati naiaangkop
ang ang sa tagapakinig; ang talumpati
Kahandaan talumpati sa talumpati sa nakakukuha sa tagapakinig
tagapakinig tagapakinig ng atensiyon at nakatutok
at hindi at ang mga
nakakukuha nakakukuha tagapakinig at
ng atensiyon ng kaunting litaw ang
atensiyon interes sa
talumpati

Kaalaman
sa paksa
Hindi maayos May Nakapagpaliwa Maaayos na
ang tangkang nag ng mga naipaliwanag
pagpapaliwa maipaliwana ideya; ang mga
7
nag; halos g ang ideya; nakapagbabah ideya;
walang may agi ng bagong maraming
naibabahagin naibabahagin kaalaman at naibahaging
g bagong g ilang kumukilala sa bagong
kaalaman at bagong sanggunian kaalaman at
sanggunian kaalaman at mahusay ang
kaunting pagkilala sa
sanggunian sanggunian.

Mahina sa May ilang Angkop ang Mahusay ang


gramatika at pagkakamali gramatika at gramatika at
sa pagpili ng sa gramatika ang mga ang mga
angkop na at sa pagpili salitang salitang
Kahusayan salita; hindi ng angkop na Ginagamit; Ginagamit ;
sa maayos ang salita; maayos ang maayos na
Pagsasalita pagbigkas ng maayos-ayos pagbigkas; maayos ang
salita; ang hindi bigkas ng mga
halatang pagbigkas ng kinakabahan salita; litaw
kinakabahan mga salita;; ang
tila kumpiyansa
kinakabahan sa pagsasalita

KABUUAN

Táyahin

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay Tama o Mali. Ipaliwanag
sa isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit ito ang iyong kasagutan.
Parehong suggestion po sa paunang pagtataya

_____ 1. Nakakahawng sakit ang ebola virus.

_____ 2. Maaaring mahawa ng Ebola kung gagamitin ang unan na ginamit ng may
sintomas nito.

_____ 3. Ang mga sintomas ng Ebola gaya ng pamumula ng mata at pagdurugo ng ilong
ay posibleng maranasan ng isang taong nahawa nito kalahating buwan matapos
makasalamuha ang maysakit.

_____ 4. Talamak ang Ebola sa kontinente ng Asya.

_____ 5. Wala pang lunas sa Ebola bagama’t makatutulong n panatilihing malinis ang
katawan.

8
_____ 6. Kung nakaramdam ng pagkahilo matapos ang paglalakbay sa apektadong bansa,
agad na makipag-ugnayan sa mga airport quarantine officer.

_____ 7. Mahalagang maibigay ang helath information checklist ng mga pasaherong


bumiyahe sa loob ng Pilipinas.

_____ 8. Nararapat na kaagad maibukod sa ibang tao ang sinumang kakikitaan ng


sintomas ng Ebola.

_____ 9. Susi sa paggaling sa Ebola ang pagsasalin ng dugo sa maysakit.

_____10. Nakikipag-ugnayan ang Kagawaran ng Kalusugan sa Kagawaran ng Ugnayang


Panlabas (Department of Foreign Affairs) upang maiwasan ang Ebola.

Panuto: Tukuyin ang pamantayang ipinahihiwatig sa bawat bilang at isulat ang sagot sa
¼ piraso ng papel. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol
nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

2. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mailagay ang


damdamin sa katauhan ng ibang tao.

3. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan ng isang taong mabago ang pag-
uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.

4. Kakayahan ng isang taong maiangkop ang wika sa sitwasyon, sa lugar ng


pinagyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

5. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan ang isang taong gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.

Pamamahala sa Bisa Pamamahala sa Pag-


Pag-uusap uusap
Pagkapukaw- Pakikibagay Pagkapukaw-
damdamin damdamin

9
 
SUSI NG PAGWAWASTO

Panimulang Pagtataya

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama

Gawain 1:
1. 4
2. 1
3. 13
4. 2
5. 8
6. 5
7. .11
8. 3
9. 9
10. 12.
11. 6
12. 7
13. 14
14. 10
15. 15

Gawain 2: Nasa guro ang pagpapasiya


Gawain 3: Nasa guro ang pagpapasya
Isagawa: Nasa guro ang pagpapasiya
Tayahin:

1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Mali
5. Tama
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama

10
Ang bumubuo sa paglikha ng sanayang papel na ito :

Tagasulat: Fhil M. Ngoho


Tagasuri:
Learning areas EPS: Mylane V. Barquera
Ed.D
Sangunian:

A. Mga Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 1253
Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016
Marquez, Servillano, T. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Ave.., Quezon City: SIBS Publishing House, INC. 2016
Quexbook Hub ( PERCDC Learnhub) Komunikasyon at Pananaliksik

B. Websites

https://www.google.com/search?
q=kakayahang+diskorsal&rlz=1C1RLNS_enPH901PH902&sxsrf=ALeKk020AVzrEigxtlahnx9i
7p1XSIbHfg:1590763696011&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjusJbIqNnpAh
UN_GEKHWrTBK0Q_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=q1jIjAn-tdTe_M

https://sites.google.com/site/merlen1603/mga-kwentong-pang-bata/si-pagong-at-si-
matsing

11
12

You might also like