You are on page 1of 9

SAL Foundation College

Making, Parang, Maguindanao


_________________________________________________________________________________

COURSE NO:FILIPINO I
DESCRIPTIVE TITLE: SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN (BSCRIM 1 & BSED 1)
INSTRUCTOR: ALBERTO P. SAMSON III

MIDTERM MODULE

Unang Linggo

LEKSYON I: PONOLOHIYA

Mga Layunin:
1. Maipaliwanag ang mga konsepto at kahulugan ng ponolohiya
2. Mailahad ang mga bahaging ginagamit sa pagsasalita.
3. Makabuo ng mga halimbawa ng ponemang suprasegmental, klaster,diptonggo at pares minimal.
4. Masagot ang mga inihandang gawain sa bawat aralin.
5.
KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN
Sa katawagang panglingwistika, ang pag-aaral at pag-uuui-uri sa iba’t-ibang makahulugang tunog na ginagamit sa
pagsasalita ay tinatawag na ponolohiya. Ang “pono” ay galling sa salitang Ingles na “phone” na Nangangahulugang
“tunog”. Ang “lohiya” ay nangangahulugan “pag-aaral”.
Mahalaga ang pag-aaral ng palatunugan upang maging madali at malinaw ang pag-aaral sa alinmang bahagi o antas ng
asignaturang Filipino.
Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema(tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng mga
pintig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog( prolonging/lengthening).
Ponema ang tawag sa pikakamaliit nay unit ng tunog.
May dalawang uri ng ponema:
1. Ang segmental
2. Ang suprasegmental

PONEMANG SEGMENTAL
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.
a. Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop (?)
sapagkat at ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng isang salita. Ang
dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
b. /p,t,k,?,b,d,g,m,n.ŋ, s, h, f,v,z,l,r,j,w,y/ ang bumubuo sa ponemang katinig
Halimbawa
Ba:tah- housedress tu:bo-pipe
Ba:ta?-child tub:bo?-profit
c. Ang ponemang patinig ay lima: a,e,I,o,u.

d. May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/ , gayundin ang /l / at /e/ ngunit hindi nagbabago ang
kahulugan ng salita.
Halimbawa
Lalake-lalaki kalapati-kalapate noon-nuon
e. Mayroon din naming mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/,/o/, /i/ at /e/ dahil nagbibigay ito ng
magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa
Uso-modern oso-bear mesa- table misa- mass

TATLONG SALIK SA PAGSASALITA


1. Enerhiya(energy)- nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galling sa baga.
2. Artikulador(articulator)- nagpapakatal sa mga babagtingan ng pantinig
3. Resonador(resonator)- nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador.

Ang ponema ay isang makabuluhang tunog.

Ang Filipino ay may 20 ponema: 15 ang katinig at 5 ang patinig.


Mga katinig:
1. Panlabi- dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b.m/
2. Pangngipin- dumidiit sa loob ng mgaa ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/
3. Panlabi –pangngipin- dumidiit ang ibabang labi sa itaas na ngipin /f,v/
4. Panggilagid- ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/
5. Palatal – lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila/y/
6. Velar- dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /k,g,ŋ,w/
7. Panlalamunan- ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan. /j/
8. Glottal- lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng papalabas na
hiningang galling sa baga at pagkatapos ay pakaakawalan upang bumuo ng paimpit o pasutsot na tunog/?,h/.

Mga patinig
A.E.I,O,U

ANG PARAAN NG ARTIKULASYON


1. Pasara- ang daanan ng hangin ay harang na harang /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong- ang hangin na nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtulod ng dulong dila sa itaas ng mga
ngipin o kaya’y dahil sa pagbaba ng velum o malambot na ngalangala ay hindi sa bibig kundi sa ilong
lumalabas /m,n,ň,ll/
3. Pasutsot –ang hanging lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala o kaya’y ng mga
babagtingang pantinig, /f,s,v,z,h/
4. Pagilid- ang hangin ay lumalabas sa mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid.
5. Pakatal- ang hangin ay ilang ulit na hinaharangan at pinababayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na
pagpalag ng dulo ng nakaarkong dila /R/.
6. Malapatinig- kaiba sa mga katinig, dito’y nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa
ibang posisyon. Sa /w/ ay nagkakaroon ng glayd o pagkakambyo mula sa puntong panlabi-papasok: samantala
ang /y/ ay ang kabalikan nito-palabas. Ito ang dahilan kung bakit hindi isinama ang mga ito sa paglalarawan ng
punto ng artikulasyon ng mga katinig.

ANG MGA DIPTONGGO, KLASTER AT PARES MINIMAL

 https://docs.google.com/document/d/1iJOqyBzbTY_tHHF-_1-5lYU2FxyfxnpCULLdbKyNytM/edit?usp=sharingAng
mga diptonggo ay binubuo ng isang patinig na sinusundan ng /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig.

TSART NG DIPTONGGO
HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS Iw,iy uy
GITNA ey oy
MABABA Ay,aw

Halimbawa giliw sabaw kasuy kami’y


Reyna nanay tuloy aray

KLASTER
 Ang mga klaster o kambal-katinig ay magkasunod na dalawang magkaibang katinig sa loob ng isang pantig.
Parami nang parami ang klaster sa Filipino bunga ng panghihiram natin ng mga salita sa Ingles. Ang klaster ay
maaring makikita sa unahan, sa gitna o hulihan ng salita.
Halimbawa: Unahan Gitna Hulihan
Pr-prito tr-kontrata rd-kard
Pl- plato gr-programa ks-relaks

ANG MGA PARES MINIMAL


 Ang mga pares minimal ay mga pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang
ponema na siyang ipinagkaiba ng kanilang kahulugan.
Halimbawa pala (spade)- bala(bullet)
Lawa(lake)- laya(free)
Basag(broken)- bahag( g-string)

PANGALAWANG LINGGO
LEKSYON 1: MORPOLOHIYA

Mga Layunin:

1. Mailahad ang konsepto at kahulugan ng morpolohiya.


2. Maaipaliwag ang anyo ng morpema.
3. Mabigyan linaw ang iba’t-ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko ayon sa gamit nito.
4. Masusuri at maipapaliwanag ang kayarian ng mga salita.

MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay isang pag-aaral o pagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at pagsama-sama
nito upang makabuo ng isang salita.

Morpema –sa payak na kahulugan, ay ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ito
ay maaring isang salitang-ugat o isang panlapi.

1. MGA ANYO NG MORPEMA


a.) Salitang-ugat- ito ay matatawag ding malayang morpema dahil ito’y nakatatayong mag-isa.
Halimbawa bata bahay gawa aral
b.) Panlapi- ay nagtataglay ng kahulugan na matatawag ding di-malayang morpema dahil hindi
nakakatayong mag-isa.
Halimbawa um-gawi o ginagawa
Tumatakbo, umalis,sumigaw
Ma-pagkamayroon
Masipag, matapang, maganda
Mala- may hawig katangian
Mala-prisesa mala-aso mala-agila

c. ponema- ay may kahulugang taglay na nagsasaad ng kasarian ang o at a.


halimbawa: tindero-tindera biyahero-biyahera
doctor-doktora labandero-labandero

2. ANG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


 Ang pagbabagongmorpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa
impluwensya ng mga katabing ponema.

MGA URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO


a. Asimilasyon- ay pagkakatulad sa katabing tunog ng isang salita.
Mga uri ng asimilasyon

Parsyal- may pagbabagong nagaganap sa isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.
Halimbawa pang+tali=pantali pang+palo= pampalo

Ganap- may ganap na pagbabago sa ponemang n at m dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa


sinundang ponema.
Halimbawa pang+tali=pangtali=panali
b. Pagkakaltas - nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay
nawawala sa paghuhulapi dito.
Halimbawa takip+an=takipan=takpan

c. Pagpapalit- nababago o napapalitan ang ponema sa pagbubuo ng salita.


Halimbawa ma=dapat=madapat=marapat

d. Paglilipat- nagaganap ang pagbabago kapag may mga ponemang magkakalapitan ng lugar o posisyon.
Halimbawa tanim+an =taniman =tamnan
e.paglilipat-diin- may pagbabago ang diin ng salita kapag nilalapian.
Halimbawa uwi+an =uwian

KAYARIAN NG MGA SALITA


1. PAYAK
- Ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi at walang katambal na ibang salita.
Halimbawa ina bata anak ama kapatid sulat
2. MAYLAPI- sa pagkakapit ng iba’t-ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t-ibang salita
na may kai-kaniyang kahulugan.
-ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa
unahan,sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May iba’t-ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at
Hulapi.
Halimbawa
Ma+tubig=matubig (maraming tubig)
Pa+tubig= patubig (padaloy ng tubig)
Tubig+an= tubigan (lagyan ng tubig)
Tubig+in=tubigin ( pinarusahn sa tubig)
Lakad+um= lumakad
Sagot+in= ssinagot
3. INUULIT
-Ay maaring ganap.parsyal o magkahalong parsyal at ganap.
-Inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito.
-may dalawang uri ang pag-uulit na ganap at di-ganap.
a. pag-uulit na ganap
-inuulit ang salitang-ugat.
Halimbawa taon taon-taon
Bahay bahay-bahay
Araw araw-araw
b. pag-uulit na parsyal o di- ganap
- ang isang salita ay nasa pag-uulit na PARSYAL kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat.
Halimbawa usok- uusok balita- bali-balita tahimik- tahi-tahimik
c. magkahalong parsyal at ganap
- kapagito ay nilalapian at inuulit nang buo ang salitang –ugat.
Halimbawa sigla- masigla-sigla saya-masa-saya
4. TAMBALAN
- Ang pagbuo ng salitang-ugat
- Dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
- May dalawang uri ng tambalan ang tambalang ganap at di-ganap.
a. Tambalang di-ganap
Ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang salitang pinagtambal ay hindi mawawala.
-tambalang salitang nananatili ang kahulugan
Halimbawa asal-hayop kulay-dugo pamatid-uhaw
b. Tambalang ganap
- Ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabub uo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga
salitang pinagsama.
- Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Halimbawa bahaghari hampaslupa anakpawis

PANGATLONG LINGGO

LEKSYON: PANGANGALAN
Mga Layunin:
 Mabigyang kahulugan ang Pangngalan.
 Matutunan ang uri ng pangngalan, ang ayon sa tungkulin, ang kasarian , kayarian at kaukulan.

PANGNGALAN
-salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at pangyayari.

URI NG PANGNGALAN
1. Pantangi- tumutukoy sa partikular o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, kathang-isip o pangyayari.
Halimbawa
Jose Rizal Luneta Bathala
2. Pambalana- tumutukoy sa pangkaraniwan o pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop at
pangyayari.
Halimbawa
Bayani aso katamisan pagdiriwang
AYON SA TUNGKULIN
1. Tahas- naranasan ng isa sa limang pandamdam at may katangiang pisikal.
Halimbawa: tubig pagkain
2. Basal- kaisipan o konsepto na hindi nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian.
Halimbawa: wika yaman buhay
3. Hango- nilapian
Halimbawa: kaisipan salawikain katapangan
4. Lansak- tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan. Maaring maylapi o wala.
Halimbawa: madla sangkatauhan kapuluan
5. Patalinghaga- ang salita ay may iba pang kahulugan / hindi tuwirang patungkol sa bagay.
Halimbawa: buwaya ( imbis na kurakot) langit (imbis na ligaya)

AYON SA KASARIAN
1. Panlalaki - tumutukpoy sa kasariang panlalaki.
Halimbawa pari hari kuya manong
2. Pambabae- tumutukoy sa kasarian pambabae.
Halimbawa madre reyna ate
3. Di-tiyak- tumutukoy sa ngalang maaaring babae o lalaki.
Halimbawa guro estudyante
4. Walang kasarian-ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay.
Halimbawa upuan
AYON SA KAYARIAN
1. Payak- hindi inuulit, walang panlapi o katambal.
Halimbawa talumpati watawat ligalig
2. Maylapi- binubuo ng salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, hulihan o magkabila.
Halimbawa sinigang inihaw tindahan palakasan
3. Inuulit- inuulit na maaring may panlapi o salitang-ugat lamang.
Halimbawa tau-tauhan bagay-bagay bali-balita\
4. Tambalan- binubuo ng dalawang salita magkaiba na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa
pagitan nito.
Halimbawa kisap-mata bahay-kubo bantay-salakay
AYON SA KAUKULAN
1. Palagyo- ang isang pangngalang ginagamit na simuno sa pangungusap ay nasa kaukulang palagyo.
Halimbawa
a. Ang pag-aaral ay pagpapalawak ng kaisipan. (pag-aaral ang simuno)
b. Si Lydia ay pumapasok na. (Lydia ang simuno)
2. Palayon- ang isang pangngalang ginagamit na tuwirang –layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol ay nasa
kaukulang palayon.
Halimbawa
a. Siya ay nagbayad ng buwis. ( buwis)
b. Ang ama’y tumatawag ng manggagamot. ( manggagamot)

IKAAPAT NA LINGGO

LEKSYON: PANGHALIP
Mga Layunin:
 Mabigyang katuturan ano ang Panghalip.
 Matutunan ang mga uri ng panghalip, gamit at kaukulan.,

Ano ang Panghalip?


 Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay ang salitang humahalili o pamalit sa ngalan o
pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap.

Mga Halimbawa ng Panghalip sa Pangungusap


Narito ang sampung halimbawa ng panghalip sa pangungusap.
1. Ako ay Pilipino.
2. Saan ka pupunta?
3. Akin ang saranggolang ito.
4. Ang iyong damit ay bago.
5. Sa kanya ang payong na ‘to.
6. Ilan ang itlog sa basket?
7. Iyon ang nawawalang aso ni Ramil.
8. Sinu-sino ang tauhan sa kwento?
9. Lumapit ka dito.
10. Ligtas diyan ang alaga mong ibon.

Uri ng Panghalip
May pitong (7) uri ng panghalip: ang panghalip panao, pamatlig, panaklaw, pananong, paari,
pamanggit, at patulad.

1. Panao
 Ang panghalip panao ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay mula sa salitang ‘tao’, kaya
nagpapahiwatig ito na ‘para sa tao’ o ‘pangtao’. Ipinapalit ito sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap, o
sa taong pinag-uusapan. Ilan sa mga halimbawa ng panghalip panao ay ang mga salitang ako, ko, akin, amin,
kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, at kanya.

Mga Halimbawa ng Panghalip Panao sa Pangungusap


 Sa akin ang tuwalyang pula.
 Ako ay kumain ng sopas.
 Sa inyo kami kakain ng hapunan.
 Binili koang sumbrero sa mall.
 Sa akin ang laruang kotse.
 Doon kayo magbakasyon sa Tagaytay.
 Sa kanila ay maraming manggang hinog.
 Tingnan mo ang hawak kong lobo.
 Siya ang kumuha sa bata.
 Sa ating bansa ay maraming magagandang tanawin.

Kailanan ng Panghalip Panao

Narito ang tatlong kailanan ng panghalip panao.


A. Isahan
Ang mga halimbawa nito ang mga salitang ako, ko, akin, kita, ka, iyo, mo, siya, kanya, at niya.
B. Dalawahan
Ang mga halimbawa nito ang mga salitang atin, at natin.
C. Maramihan
Ang mga halimbawa nito ang mga salitang inyo, kayo, ninyo, sila, kanila, at nila.

2. Pamatlig
 Ang panghalip pamatlig o demonstrative pronoun sa wikang Ingles ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar
na kinalalagyan ng pangngalan. Ito ay inihahalili rin sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita,
kinakausap, o nag-uusap.

Uri ng Panghalip Pamatlig

May apat na uri ang panghalip pamatlig. Ito ay ang mga sumusunod:
A. Pronominal
Ang mga halimbawa nito ay ang ito, nito, dito, iyan, niyan, diyan, iyon, roon, at doon.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Prominal)


 Ang payong naito ay kay Sandara.
 Iyon ang mga saging.
 Doon nakatira si Perla.
B. Panawag Pansin

Ang mga halimbawa nito ay ang eto, heto, ayan o hayan, at ayun o hayun.
Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Panawag Pansin)
 Etoang hinahanap kong laso.
 Ayan ang regalo ko sa iyo.
 Ayun ang asawa mo.

C. Patulad
Ang mga halimbawa nito ay ang ganito, ganiyan o ganyan, at ganoon o gayon.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Patulad)


 Ganyan ang aklat na nais kong basahin.
 Ganito ang gagawin natin mamaya.
 Ganoon mo ilagay ang mga plato.

D. Panlunan
Ang mga halimbawa nito ay ang narini, nadini, narito, nandiyan, nariyan, naroon, at nandoon.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig sa Pangungusap (Panlunan)


 Narini ang sulat ni Lita.
 Ang pitaka ni Paula ay narito.
 Nandiyan sa silid ang hinahanap mong baro.

3. Panaklaw
 Ang panghalip panaklaw na tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles ay salitang panghalili o pamalit sa
pangngalan na sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang, o kalahatan. Mula ito sa salitang ‘saklaw’ kaya’t may
pahiwatig na ‘pangsaklaw’ o ‘pangsakop’. Tumutukoy ito sa isang pangngalan na di tiyak o walang katiyakan
kung sino o ano ito.

Ilan sa mga halimbawa ng panghalip na panaklaw ang mga salitang lahat, madla, sinuman,bawat isa, alinman, anuman,
saanman, at ilan.

Mga Halimbawa ng Panghalip Panaklaw sa Pangungusap


 Ang sinumang hindi sumunod sa utos ng hari ay parurusahan.
 Bawat isa ay may tatanggaping tulong mula sa gobyerno.
 Ang ilan sa inyo ay sumama sa akin.
 Alinman sa mga prutas ay maaari mong kainin.
 Lahat ng tao at hayop ay binigyang buhay ng Diyos.
 Matigas ang ulo ng madla.
 Saanman kayo magpunta ay mahahanap pa rin kayo.
 Hindi lahat ng matalino ay mayaman.
 Ilan lang ang nakatapos ng pag-aaral.
 Anumang gawin ninyo ay ipagsusulit ninyo sa Diyos.

4. Pananong
 Ang panghalip pananong na kilala sa Ingles bilang interrogative pronoun ay mula sa salitang ‘tanong’, kaya’t may
pakahulugan itong ‘pantanong’. Maari itong isahan o maramihan na ginagamit sa pagtatanong tungkol sa bagay,
tao, hayop, pook, gawain, katangian, panahon at iba pa.

 Ang mga halimbawa ng salitang pananong sa isahan ay ang ano, sino, nino, alin, ilan, magkano, gaano, at
kanino. Sa maramihan naman ay ang mga salitang anu-ano, sinu-sino, ninu-nino, alin-alin, ilan-ilan, magka-
magkano, gaa-gaano, at kani-kanino.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong sa Pangungusap (Isahan)


 Saan galing si Marga?
 Sino ang kumuha ng pera?
 Ano ang pangalan mo?
 Ilan ang anak ni Berta?
 Magkano ang kilo ng manok?
 Mga Halimbawa ng Panghalip Pananong sa Pangungusap (Maramihan)
 Anu-ano ang kinain mo kanina?
 Sinu-sino ang kasama mo sa Luneta?
 Alin-alin ang maaari pang gamitin?
 Magka-magkano ang ipapamili mong damit sa Divisoria?
 Kani-kanino mo ibibigay ang mga regalo?

5. Paari
 Ang panghalip na paari o possessive pronoun sa Ingles ay mga salitang ipinapalit sa pangngalan ng taong
nagmamay-ari ng bagay. Ang mga salitang halimbawa nito sa isahan ay ang akin, iyo, at kanya. Sa maramihan
naman ay ang atin, amin, inyo, at kanila.

Mga Dapat Tandaan:


Wala dapat itong “sa” sa unahan. Dapat ay hindi ito sinusundan ng pangngalan. Ito ay laging nakikita sa bahaging
panaguri o pagkatapos ng panandang “ay“ at sa unahan ng pangungusap kung walang “ay“.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Paari sa Pangungusap (Isahan)


 Ang lumang aklat ay akin.
 Iyo ang plumang ito.
 Kanya ang bestidang pula.
 Akin ang basong puno ng tubig.
 Kanya ang nakita mong baunan ng pagkain.
 Mga Halimbawa ng Panghalip na Paari sa Pangungusap (Maramihan)
 Kanila ang lupaing natatanaw mo.
 Ang inyong proyekto ay maganda.
 Amin ang bahay na ‘yan.
 Atin ang bansang Pilipinas.
 Ang malawak na bukirin ay kanila.

6. Pamanggit
 Ang panghalip pamanggit o relative pronoun sa Ingles ay mula sa salitang ‘banggit’ na may pakahulugang
‘pambanggit’ o ‘pangsabi’. Ito ay parirala o kataga na tagapag-ugnay ng dalawang kaisipan o pananalita. Ang ilan
sa mga halimbawa nito ay daw, raw, umano, diumano, ani, at sa ganang akin o iyo.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Pamanggit sa Pangungusap


 Ang bata raw ay kinurot mo.
 Sa ilog daw ang piknik sa Sabado.
 Kinuha umano ni Rey ang payong mo.
 Ang sanggol diumano ay tinangay ng babaeng mahaba ang buhok.
 Ako raw ay ipinatatawag ni Binibining Malabanan.

7. Patulad
 Ang panghalip na patulad ay ginagamit sa pagkukumpara, paghahambing, at pagtukoy ng bagay, salita, gawain,
o kaisipan. Ito ay nagpapakilala ng pagkakawangis ng dalawang bagay. Ang mga halimbawa nito ay ganito o
ganire, ganyan, at ganoon.

Mga Halimbawa ng Panghalip na Patulad sa Pangungusap


 Ganito ang dapat nating gawin bukas.
 Ganyan ang gusto kong kulay ng buhok.
 Ganoon ang sinasabi kong nais na matanggap sa pasko.
 Ganito kami sa Makati.
 Ganyan ang larawan ng masayang pamilya.

GAMIT NG PANGHALIP

May pitong (7) gamit ng Panghalip: bilang simuno, bilang panaguri, bilang panaguring, pangngalan, bilang pantawag,
bilang kaganapang pansimuno, bilang layon ng pang-ukol, at bilang tagaganap ng pandiwa sa balintiyak na ayos.

1. Ginagamit Bilang Simuno o Paksa ng Pangungusap


Mga Halimbawa:
 Ako ay Pilipino.
 Ikaw ay mabait at matalino.

2. Ginagamit Bilang Panaguri ng Pangungusap


Mga Halimbawa:
 Ang kotse ay kanya.
 Ang bukid ay kanila.

3. Ginagamit Bilang Panuring Pangngalan


Mga Halimbawa:
 Ang ganitong prutas ay masarap.
 Ang ganiyang damit ay maganda.

4. Ginagamit Bilang Pantawag


Mga Halimbawa:
 Kayo, hindi ba kayo papasok?
 Ikaw, hindi ka pa ba maliligo?
5. Ginagamit Bilang Kaganapang Pansimuno
Mga Halimbawa:
 Tayo ay lalakad na.
 Iyan ang kakainin mo.

6. Ginagamit Bilang Layon ng Pang-ukol


Mga Halimbawa:
 Bumili ako ng sapatos para saiyo.
 Para saakin ang tinapay na ito.

7. Ginagamit Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos


Mga Halimbawa:
 Ang prutas na kinain ko ay matamis.
 Binigyan namin sila ng bigas.

KAUKULAN NG PANGHALIP

May tatlong (3) kaukulan ang panghalip: ang palagyo, paari, at palayon.
1. Kaukulang Palagyo
 Kung ang panghalip ay ginagamit bilang paksa o simuno ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
 Tayo ang nagwagi sa patimpalak.
 Siya ay mahusay umawit.
 Tayo ay magtipid ng tubig.
 Sila ay pumunta sa bayan
 Siya ang huwarang guro ng taon.

2. Kaukulang Paari
 Nagsasaad ito ng pang-aangkin ng isang bagay sa loob ng pangungusap. Halimbawa nito ang mga
salitang akin, ko, amin, atin, namin, natin, mo, iyo, ninyo, inyo, niya, kaniya, nila, at kanila.
Mga Halimbawa:
 Ang bag na asul ay kaniya.
 Puntahan ninyo si Alex.
 Akin ang sinturong itim sa kabinet.
 Samahan natin si Larry.
 Ang kurtina namin ay makulay.

3. Kaukulang Palayon o Paukol


 Ginagamit ito bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa tinig ng balintiyak. Kung
minsan ay ginagamitan ito ng palatandaang ‘sa’.
Mga Halimbawa:
 Ang batas na ito ay makakabuti sa lahat.
 Si Elaine ay papuntahin mo saamin.
 Ang bahay ni Magda ay malapit sa inyo.
 Ang makapal na libro ay kunin mo sa kanya.
 Si Lyka ay magpupunta sakanila.

You might also like