You are on page 1of 33

ANG

PANANALIKSIK
Kahulugan
Good (1963)
Ang pananaliksik ay isang
maingat, kritikal, displinadong
inquiry sa pamamagitan ng iba’t
ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan ng natukoy na suliranin
tungo sa resolusyon.
Aquino (1974)
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong paghahanap sa
mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang
tiyak na paksa o suliranin.
Manuel at Medel (1976)
Ang pananaliksik ay isang
proseso ng pangangalap ng mga
datos o impormasyon upang
malutas ang isang partikular na
suliranin sa isang syentipikong
pamamaraan.
Parel (1966)
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o
imbestigasyon ng isang bagay sa
layuning masagot ang
katanungan ng isang
mananaliksik.
Layunin
Good at Scates (1972)
Ang layunin ng pananaliksik ay
ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng
pamumuhay ng tao.
Calderon at Gonzales
(1993)

Nagtala ng tiyak na layunin ng


pananaliksik
a. Upang makadiskubre ng
mga bagong kaalaman hinggil
sa mga batid nang penomena
b. Upang makakita ng mga
sagot sa mga suliraning hindi pa
ganap na nalulutas ng mga
umiiral na metodo at
impormasyon.
c. Mapagbuti ang mga umiiral
na teknik at makadebelop ng
mga bagong instrument o
produkto
d. Makatuklas ng hindi pa
nakikilalang substances at
elementents.
e. Higit na maunawaan ang
kalikasan ng mga dati nang
kilalang substances at
elements.
f. Makalikha ng mga batayan
ng pagpapasya sa kalakan,
industriya, edukasyon,
pamahalaan at iba pang
larangan.
g. Ma-satisfy ang kuryosidad ng
mananalisik
h. Mapalawak o ma-verify ang
mga umiiral na kaalaman.
ANG PAMANAHONG
PAPEL
ANG PAMANAHONG PAPEL AY
ISANG URI NG
PAPEL-PAMPANANALIKSIK NA
KARANIWANG IPINAPAGAWA
SA MGA ESTUDYANTE.
MGA PAHINANG PRELIMINARI O FRONT MATTERS

A. FLY LEAF 1 – ang pinkaunang pahina ng pamanahong


papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito.

B. PAMAGATING PAHINA – ANG TAWAG SA PAHINANG


NAGPAPAKILALA SA PAMAGAT NG PAMANAHONG
PAPEL. SA PARAANG INVERTED PYRAMID.
C. DAHON NG PAGPAPATIBAY – ang tawag sa pahinang
kumukumpirma sa pagkakakpasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.

D. PASASALAMAT O PAGKILALA – tinutukoy ng


mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng
pamanahong papel at kung gayo’y nararapat
pasalamatan o kilalanin.
E. TALAAN NG NILALAMAN – nakaayos na pagbabalangkas
ng mga bahagi at nalalaman ng pamanahong papel at
nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan
matatagpuan ang bawat isa.

F. FLY LEAF 2 – ay is na namang blangkong pahina bago


ang katawan nga pamanahong papel.
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

A. PANIMULA O INTRODUKSYON – isang maikling talatang


kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa
ng pananaliksik.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL – inilalahad ang


pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit
isinagawa ang pag-aaral.
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL – inilalahad ang
signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng
pag-aaral.

D. SAKLAW AT LIMITASYON – tinutukoy ang simula o


hangganan ng pananaliksik.

E. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA – ang mga


katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang
bawat isa’y binigyan ng kahulugan.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA

Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o


literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
Kailangan din matukoy kung sinu-sino ang may-akda ng
naunang pag-aaral o literatura, disensyo ng pananaliksik
na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pag-aaral.
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG
PANANALIKSIK
A. DISENYO NG PANANALIKSIK – nililinaw kung anong uri
ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.

B. RESPONDENTE – kung ilan, paano at bakit sila ang


napili
C. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK – inilalarawan ang
paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon.

D. TRITMENT NG MGA DATOS – inilalarawan kung


anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang
mga numerical na datos ay mailarawan.
KABANATA IV: PRESENTASYO AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na


nakalap ng mananliksik sa pamamagitan ng
tekstwal at tabular o grapik na presentasyon.
Sa teksto inilalahad ng mananliksik ang
kaniyang analisis o pagsusuri.
KABANATA V: LAGOM, KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON

A. LAGOM – binubuod ang mga datos at


impormasyong nakalap ng mga
mananaliksik na komrehensibong
tinalakay sa Kabanata III.
B. KONGKLUSYON – ay ang inferences,
abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag at/o paglalahad batay sa
mga datos at impormasyong nakalap ng
mananaliksik.

C. REKOMENDASYON – ay mga mungkahing solusyon


para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.
MGA PANGHULING PAHINA
A. LISTAHAN NG SANGGUNIAN – isang kumpletong tala
ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng
mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.

B. APENDIKS O DAHONG-DAGDAG – maaaring ilagay


o ipaloob dito ang mga liham, pormularyo ng
ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng
sarbey-kwestyuneyr, bio-data ng mananaliksik, mga
larawan, kliping, at kung ano-ano pa.

You might also like