You are on page 1of 2

(Basahin muna ng magtuturo ang bahaging ito sa mga sumasamba bago pasimulan ang bahaging tanong at sagot.

Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan


Mayo 16, 2021

KASAYSAYAN NG BIBLIA

Ang Pagtawag Ng Diyos Kay Abraham


(Batay sa Genesis 9-17)

Pagkatapos ng baha, si Noe at ang kaniyang mga anak ay pinagpala ng Diyos.


“Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa,” ang sabi
sa kanila ng Diyos.
Hindi nagtagal at muling dumami ang tao sa mundo. Nagmula ang lahat sa
lahi ni Noe. Ang mga tao ay sama-samang naglakbay at nagpalipat-lipat sa iba’t
ibang lugar.
Sa kanilang paglalakbay, nagawi sila sa isang lugar na patag sa lupain ng
Sinar. Nagpasiya silang doon na manirahan. Nag-isip din sila ng isang paraan
upang doon na lang sila matipon. Ang sabi nila, “Ngayo’y magtayo tayo ng isang
lungsod na may moog o toreng aabot sa langit upang matanyag tayo at huwag
nang magkawatak-watak.”
Nakita ng Diyos ang ginagawa nilang tore. Hindi Siya nasiyahan sa ginawa
ng mga tao sapagkat sa halip na sundin ang utos Niya na mangalat sila sa buong
daigdig ay sumuway sila at nagkasundong manatili sa iisang lugar. Ang ginawang
ito ng lahi ni Noe ay itinuring ng Diyos na pagtalikod o pagtataksil sa Kaniya.
Kaya ipinasiya ng Diyos na guluhin ang wika ng mga tao upang hindi na sila
magkaintindihan pa. Ikinalat ng Panginoon ang mga tao sa buong daigdig at hindi
na nila natapos ang ginagawa nilang lungsod. Mula noon, ang lungsod at tore na
pinasimulan nilang gawin ay tinawag na Babel o “magulo,” sapagkat doon ginulo
o pinag-iba-iba ng Diyos ang wika ng mga tao.
Ang mga ninuno ni Abraham ay kabilang sa nakarating at nanirahan sa isang
dako sa lupain ng Mesopotamia. Isang araw, tinawag ng Diyos si Abraham at
nakipagtipan sa kaniya. “Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong mga kamag-anak,
at sa bahay ng iyong ama, na ikaw ay pasa lupaing ituturo Ko sa iyo. Pararamihin
Ko ang iyong mga anak at apo at gagawin Kong isang malaking bansa.
Pagpapalain kita,” pangako sa kaniya ng Diyos.
Pumunta si Abraham sa dakong itinuro ng Diyos, kasama ang kaniyang
asawang si Sara, ang pamangkin niyang si Lot, at ang kaniyang mga alipin.
Magkakasama silang naglakbay hanggang sa marating nila ang Canaan—ang
lupaing ipinangako ng Diyos kay Abraham. Doon ay muling kinausap ng Diyos si
Abraham at pinagtibay sa kaniya ang karapatang dumiyos sa Diyos. “Tutuparin
Ko ang Aking tipan sa iyo, at sa iyong binhi pagkamatay mo. Ako’y magiging iyong
Diyos, at ng iyong binhi, pagkamatay mo,” sabi ng Diyos.
Tinupad ng Diyos ang pangako Niya. Hindi Niya pinabayaan ang binhi ni
Abraham sa laman. Siya ay naging Diyos ng anak ni Abraham na si Isaac, ng apo
nito na si Jacob, at maging ng buong bayang Israel. Siya rin ang Diyos ng
Panginoong Jesucristo at ng mga taong kay Cristo. Ang mga umanib sa Iglesia Ni
Cristo o ginawang isang taong bago kasama ni Cristo ang siya ngayong
kinikilalang binhi o anak ni Abraham sa pangako.
Leksiyon ukol sa Pagsamba Ng Kabataan
Mayo 16, 2021

KASAYSAYAN NG BIBLIA

Ang Pagtawag Ng Diyos Kay Abraham

1. T. Pagkatapos ng maraming taon na wala na si Noe, ano ang naging kasalanan sa


Diyos ng kaniyang lahi?
S. Sumuway sila sa Diyos at nagtayo ng mataas na tore .............. Gen. 11:1-4, 9 MB

2. T. Ano ang layon ng mga tao noon at sila’y nagtayo ng tore?


S. Nais nilang paabutin ang tore hanggang sa langit
dahil ayaw nilang mangalat sa lupa ......................................... Gen. 11:4 at MB

3. T. Aling utos ng Diyos ang sinuway ng lahi ni Noe?


S. Ang sinabi ng Diyos na ang tao ay magpalaanakin
at kalatan ang lupa .................................................................... Gen. 9:1

4. T. Ano ang ginawa ng Diyos dahil sa pagsalangsang ng lahi ni Noe?


S. Ginulo Niya ang kanilang wika
at ikinalat ang mga tao sa buong daigdig .................................. Gen. 11:5-9 ABAB

5. T. Sino ang ibinukod ng Diyos pagkatapos na tumalikod ang lahi ni Noe?


S. Tinawag ng Diyos si Abraham at pinangakuan ....................... Gen. 12:1-2

6. T. Anu-ano ang mga pangako ng Diyos kay Abraham?


S. Si Abraham ay gagawing isang malaking bansa
at pagpapalain ........................................................................... Gen. 12:2-3

7. T. Ano ang pinakamahalagang tipan na ipinagkaloob ng Diyos kay Abraham?


S. Kay Abraham ipinagkaloob ang karapatang dumiyos
sa Diyos ...................................................................................... Gen. 17:7

8. T. Sino ang tagapagmana ng tipan ng Diyos kay Abraham?


S. Ang binhi ni Abraham ............................................................... Gen. 17:7-8

9. T. Alin ang lupaing ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kaniyang binhi?


S. Ang lupain ng Canaan ............................................................... Gen. 17:8

10. T. Sino ang binhi ni Abraham sa laman na naging tagapagmana ng tipan?


S. Si Isaac, si Jacob, at ang bayang Israel .................................... Awit 105:9-10

11. T. Matapos tumalikod ang Israel, sino ang iisang binhi ni Abraham
na ipinakikilala ng Biblia?
S. Si Cristo ...................................................................................... Dan. 9:11; Gal. 3:16

12. T. Papaano makakabahagi ng karapatan sa pagmamana ang mga tao


sa panahong Cristiano?
S. Ang mga kay Cristo ay kinikilalang binhi
ni Abraham at mga tagapagmana ............................................ Gal. 3:29

13. T. Hindi ba’t si Cristo lamang ang binhi ni Abraham? Bakit naging binhi rin
ni Abraham ang mga kay Cristo?
S. Sapagkat ang mga kay Cristo na tinutukoy ay ang mga Iglesia Ni Cristo
na ginawang isang taong bago kasama ni Cristo ..................... Efe. 2:15; Col. 1:18
Roma 16:16 NPV

14. T. Ayon kay Apostol Pablo, anong uring binhi ni Abraham ang mga Iglesia Ni Cristo?
S. Sila’y mga anak sa pangako ...................................................... Roma 9:6-8

BY: ERAÑO G. MANALO

You might also like