You are on page 1of 24

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Birtud ng Pasasalamat: Balik ay
Lugod at Mabuting Ugnayan sa
Kapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – – Modyul 2: Birtud ng Pasasalamat: Balik ay Lugod at Mabuting
Ugnayan sa Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Awtor : Veronica R. Juanta


Ko-Awtor - Editor : Iris Louise S. Lopez
Ko-Awtor - Tagasuri : Cyrill S. Manalo
Ko-Awtor - Tagaguhit : Kristine Joie S. Gatbonton
Ko-Awtor - Tagalapat : Kristine Joie S. Gatbonton
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Anna May F. Ventura

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Birtud ng Pasasalamat: Balik ay
Lugod at Mabuting Ugnayan sa
Kapwa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matukoy ang wastong paraan ng pasasalamat, kailan ito
nababalewala at kung ano ang mga benepisyong natatamo ng
pagiging mapagpasalamat.
Alamin

Ikaw ba ay marunong magpasalamat sa mga biyayang iyong natatanggap.


Bagama’t tayo ay nakararanas ng pandemya na COVID-19. Nananatili tayong
matatag sa pagharap sa mga pagsubok at mga hamon ng ating buhay. May mga tao
na nanatiling nakasubaybay at suporta sa atin at handang tumulong sa oras ng
ating pangangailangan.

Sinasambit mo ba ang salitang “salamat”? Paano mo maipapakita at


maipapadama sa kanila na pinasasalamatan mo ang kanilang mabubuting gawa sa
iyo at sa iyong kapwa?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng:

• Aralin 1 -Pasasalamat sa ginawang Kabutihan ng Kapwa


Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan at
pag-unawa sa sumusunod:
1. Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Kabaligtaran ito
ng Entitlement Mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anomang inaasam
mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin. Hindi naglalayong
bayaran o palitan ang kabutihan ng kapwa kundi gawin sa iba ang
kabutihang ginawa sa iyo. (EsP8PBIIIb-9.3)
2. Naisasagawa ang mga angkop na kilos at pasasalamat. (EsP9IIIb-9.4)

1
Subukin

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi tanda ng taong mapagpasalamat?


a. Marunong makuntento sa mga biyaya ng Diyos sa kanya.
b. Marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.
c. Marunong magpasalamat sa mga taong tumutulong at sumusuporta
sa kanya.
d. Namimili lamang ng pakikitunguhan at gagawan ng kabutihan.

2. Ano ang entitlement mentality?


a. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo na dapat
na bigyan ng dagliang pansin.
b. Ito ay kabutihan ng pag-iisip.
c. Ito ay kalinisan ng puso.
d. Ito pag-aabuso sa kapwa.

3. Alin ang hindi tamang paraan ng pagpapasalamat?


a. Magbigay ng liham-pasasalamat sa taong nagbigay ng tulong sa iyo.
b. Suklian ng kabutihan ang ginawang mabuti sa iyo ng kapwa.
c. Gawan lamang ng mabuti ang taong tumulong sa iyo noong ikaw ay
nasa kagipitan.
d. Matutong magpasalamat sa Diyos sa kanyang kadakilaan.

4. Ang mga sumusunod ay mabuting maidudulot ng taong mapagpasalamat


maliban sa
a. Dumarami ang kaibigan at kapwa.
b. Nakakagaan ng kalooban dahil pinahalagahan ang mabuting gawa.
c. Nagiging mayabang dahil marami ang humahanga.
d. Nakapagdudulot ng kasiyahan.

2
5. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kawalan ng
pasasalamat?
a. Hindi pinahahalagahan ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa
kanya.
b. Binabalewala lamang ang mga bagay na mayroon siya.
c. Sinasayang ang mga biyaya na ipinagkaloob sa kanya.
d. Ibinabahagi ang mga Biyaya na tinatanggap mula sa Diyos.

II. Panuto: Tama o Mali.Isulat ang T kung tama ang isinasaad ng


pangungusap na patungkol sa pasasalamat at M naman kung mali.

1. Nakakatulong sa kalusugan ang pagtanggap sa mabuting nagagawa


sa iyo ng iyong kapwa.

2. Ang pagiging mapagpasalamat ay hindi pagkukumpara ng sarili sa


ibang tao, bagkus ito ay lubos na pasasalamat sa mga biyaya na kaloob sa
iyo ng Diyos.

3. Ang entitlement mentality ay pagpapahalaga sa mga sakripisyo at


serbisyo ng iba.

4. Ang pagsisikap ng iyong mga magulang na maitaguyod at mapag-aral


ka hanggang sa kolehiyo ay kanilang obligasyon na dapat gampanan.

5. Ang paghinga sa umaga at pagdilat ng mata pagkagising mo ay


malaking biyaya mula sa Diyos na dapat mong pasalamatan.

3
Aralin Birtud ng Pasasalamat: Balik
1 ay Lugod at Mabuting
Ugnayan sa Kapwa
Noong nakaraang aralin ay iyong natutunan ang tungkol sa mga biyayang
natatanggap mula sa kabutihang loob ng kapuwa at mga paraan ng pagpapakita ng
pasasalamat. Sinuri din ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat o kawalan nito. Ngayon subukan natin kung ano ang iyong natutunan.

Balikan

Gawain 1

Panuto: Isulat sa loob ng puso ang mga biyayang natanggap at sa labas nito
ang paraan ng pasasalamat mo.

Mga gabay na tanong:

a. Sa pagsulat mo ng mga biyayang natanggap at kung paano mo ito


pinasalamatan, masasabi mo ba na sapat na ang paraan ng
pagpapakita ng iyong pasalamat? Ipaliwanag ang iyong sagot.

b. Kung magkakaroon ka ng pagkakataon, may iba ka pa bang paraan na


naisip na maaari mong gawin upang maipahayag ang iyong
pasasalamat sa mga naisulat mo sa gawain? Ano ito at bakit

4
Tuklasin

Gawain 2
Basahin ang kuwento ng “Ang Aral ng Damo” at subukang sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng
nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y
maligaya sa iyong paligid?”

“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon.
Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang masasabi
mo sa iyong halimuyak?”

“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y natatanaw
ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “Ginoong Saging,


kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang
hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!”

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?”

“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga
ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”

“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw
ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi nananaghili kaninuman pagkat
maligaya!”

Mga gabay na tanong:

1. Anu-ano ang napansin mo sa pahayag ng bawat nilapitan ng anghel?

2. Anong ugali ang ipinakita ng damo kumpara sa ibang halaman o puno?

Sa araling ito ay tuklasin natin ang kagandahan ng pagiging mapagpasalamat


at kung anu-ano ba ang maaaring idulot nito para sa iyo.

5
Suriin

Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang


pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula
sa kapwa. Mahalaga na marunong kang magpakumbaba at kilalanin mo na sa
tulong ng ibang tao ikaw ay naging matagumpay.

Ang taong may pasasalamat ay marunong din tumingin sa positibong bahagi


ng buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos na
patuloy na gumagabay sa kaniya. Nagiging daan upang maging malakas at
magkaroon ng pag-asa sa buhay at malampasan ang anumang pagsubok.

Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat


1. Magkaroon ng Ritwal na Pasasalamat.
2. Magpadala ng liham -pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan
o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat.
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan.
4. Magpasalamat sa bawat araw.
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong
pakiramdam.
6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng
kapalit.
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo.

Kung mayroong mga taong mapagpasalamat ay mayroon din namang mga tao
na iba ang pagtingin patungkol sa pagkuha o pagtanggap ng mga kabutihan mula
sa kapwa. Ang kawalan ng pasasalamat na ito ay tinatawag na entitlement mentality,
ito ay ang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat
bigyan ng dagliang pansin. Kabilang dito ang pag-iisip gaya ng “obligasyon ng ating
magulang na ibigay ang ating hinihingi” at “trabaho naman nila yan”.

3 Antas ng Kawalan ng Pasasalamat

1. Ang hindi pagbabalik ng pasasalamat


2. Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapuwa
3. Ang hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapuwa

6
Bukod sa magandang pakiramdam na naidudulot ng pagpapasalamat sa
taong gumawa ng kabutihan sa iyo ay mayroon pang mga benepisyo na maaaring
makuha sa pagiging mapagpasalamat.

Ayon sa pag-aaral ng Institute for Research on Unlimited Love (IRUL), may


magandang dulot sa kalusugan ang pagiging mapagpasalamat.

1. Ang paglalaan ng 15 minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na


pinasasalamatan ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies na responsable
sa pagsugpo sa mga baktirya sa katawan.
2. Ang mga likas na mapagpasalamat na tao ay mas pokus ang kaisipan at
may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
3. Ang pagiging mapagpasalamat ay naghihikayat upang maging maayos ang
sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na
presyon ng dugo at pulse rate.
4. Nagiging mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain
ang mga mapagpasalamat na tao kaysa sa mga hindi.
5. Ang mga benepaktor ng mga donated organ na may saloobing pasasalamat
ay mas mabilis gumaling.

Walong dahilan kung bakit nagdudulot ng kaligayahan ang pasasalamat ayon


kay Sonja Lyumbommirsky na isang sikolo (psychologist) sa Pamantasan ng
California.
1. Nagtataguyod ito sa tao upang namnamin ang mga positibong
karanasan sa buhay.
2. Nakatutulong upang malampasan ang paghihirap at masamang karanasan.
3. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.
4. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng
kapuwa, pinapalakas ang mga kasalukuyang
ugnayan at hinuhubog ang mga bagong
ugnayan.
5. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa
iba.
6. Hindi sumasang-ayon sa negatibong
emosyon.
7. Tumutulong upang hindi masanay sa
pagkahilig sa mga materyal na bagay o sa kasiyahan.

7
Tunay ngang nakapagpapabago sa ugali at pananaw sa buhay ng taong
marunong tumanaw ng utang na loob o mapagpasalamat sa biyaya o tulong na
natatanggap. Nagpagtutuunan niya ng pansin ang mga magagandang nararanasan
na nagiging dahilan upang magpatuloy siya sa buhay.

Ayon sa survey ng mga kabataan, marami silang nais pasalamatan sa kanilang


buhay ngunit ang mas binbigyan nila ng pasasalamat ay: una, ang Diyos bilang
maylalang ng sanlibutan; pangalawa, ang pamilya dahil sila ang nag-aaruga at
nagmamahal sa kanila; at ikatlo, ang buhay bilang pinakadakilang kaloob ng Diyos
sa tao. Ikaw, ano ang tatlong biyaya na pinasasalamatan mo?

Mahalaga pa rin na ikaw ay marunong magpasalamat sa mga mumunting


biyayang natatanggap, tulad ng pagmamahal mula sa pamilya, kaibigan at lalung-
lalo na sa Diyos. Nararapat lamang na
pasalamatan ang mga magulang na walang-
sawang nagpapakita ng kalinga sa iyo, ang mga
kaibigan na nagbibigay sa iyo ng saya sa hirap at
ginhawa, mga taong nagbibigay ng serbisyo
tulad ng mga guro, mga alagad ng Diyos, doktor,
pulis at iba pa. At ang karapat-dapat na bigyan
ng pasasalamat ay ang Diyos na tunay na
nagmamahal sa bawat isa. Anuman ang
mayroon ka sa buhay mo ngayon ay biyaya
mula sa kanya. Hindi ikalulugod ng Diyos na
manatiling hindi maging kapaki-pakiabang ang
anumang biyaya mula sa Kanya. At mas higit na ikalulugod ng Diyos kung hindi
natin pahahalagahan ang mga ito.

“Magbigay ng pasasalamat sa Panginoon, Siya ay mabuti, ang pag-ibig Niya ay


walang hanggan.” Epeso 1:6

8
Pagyamanin

Gawain 3 Patunayan Mo Kung Nagagawa Mo!

Marunong ka bang magpasalamat o binabalewala mo lang ang mga biyaya at


tulong na ibinibigay sa iyo?

May mga taong marunong magpasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap mula


sa Diyos at kapwa. Laging kaakibat nito ang pagsasabi ng Salamat o “Thank You”.

Mayroon din namang kahit anong biyaya ang nakakamit o naibibigay ng Diyos at
kapwa ay parang walang halaga sa kanya. Hindi niya mabigkas sa kanyang labi
ang salitang “Salamat”.

Gabay na Tanong:
1. Paano mo ipinapakita ang iyong pasasalamat?
2. Ano naman ang kabaligtaran ng marunong magpasalamat?

Gawain 4 Mabuting halimbawa ko, ibabahagi ko!


Panuto: Magbigay ng tig -dalawa o higit pa na halimbawa ng pagpapakita ng
pasasalamat at kawalan ng pasasalamat. Isulat ang sagot sa talahanayan

HALIMBAWA NG PAGPAPAKITA HALIMBAWA NG KAWALAN


NG PASASALAMAT NG PASASALAMAT

9
Gawain 5

Ibigay ang kabutihang dulot ng pagpapasalamat.

Kabutihang
maidudulot ng
paggiging
mapagpasalamat

Gawain 6 Pinasasalamatan sa buhay mo, bigyan mo ng simbolo!

Panuto: Isulat ang 5 bagay o tao na pinasasalamatan mo sa iyong buhay. Lagyan


mo ng simbolo ang bawat isa mula una (pinakahigit mong pinasasalamatan)
hanggang ika-lima (pinasasalamatan ang simpleng bagay na nagawa sa iyo).
Bigyan ng patunay kung bakit mo sila pinasasalamatan.

Tao/Bagay na
Simbolo Patunay
Pinasasalamatan
1.
2.
3.
4.
5.

Gabay na tanong

1. May naging pamantayan ka ba sa pagpili ng simbolo na ibinigay mo


sa bawat bagay o tao na iyong pinasasalamatan? Ano ito?

2. Naging madali ba ang ginawang pag-uuri o pag-reyt sa mga bagay na


iyong isinama sa talahanayan? Oo o hindi at bakit?

10
Isaisip

Gawain 7

Panuto: Kumpletuhin ng wasto ang sumusunod na mga pangungusap upang


makabuo ng pahayag na naaayon sa iyong pinag-aralan.

Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong


mapagpasalamat, ito ang pagiging handa sa
. (2 puntos)

Ang pasasalamat din ay ang pagkakaroon ng


na pakiramdam tungo sa taong
. (2 puntos)

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may tatlong antas


ng pasasalamat:
. (3 puntos)

Mayroon ding tatlong antas ang kawalan ng


pasasalamat:
. (3 puntos)

Ang , isang paniniwala o pag-iisip sa


anumang inaasam mo ay mo na
dapat bigyan ng dagliang pansin. (2puntos)

11
Isagawa

Gawain 8 Pagkakawang-gawa at pagtulong sa pamilya at kapwa!

Ngayong panahon ng pandemya, ang bawat isa ay nakakaranas ng mga


pagsubok at hamon sa ating buhay. Isa si Mang Ben sa nakaranas ng ibang
pagsubok. Siya ay isang negosyante at ang kanyang asawang si Aling Nena ay
katuwang ng niya sa pagnenegosyo. Nagkaroon ng sakit si Aling Nena, nagkataon
may maliit pa siyang anak na lalaki na nasa pitong buwan pa lamang. Ang panganay
ay bata pa rin at ganundin ang kuya ng bata. Ipinapagamot ni Mang Ben ang asawa
niya sa Maynila. Ang tatlong anak nila ay pinaalaga muna sa kaniyang ina. Bagama’t
isang sakripisyo ang pinagdadaanan ng pamilya ni Mang Ben. Kinakaya nila ito sa
pamamagitan ng matinding pananalig sa Diyos. Nakakaraos din sa tulong ng ina ni
Mang Ben. Siya muna ang tumitingin sa kanyang mga apo, kahit pagod kinakaya
niya dahil mahal niya ang mga ito.

Sagutin ang mga tanong:

1. Anong uri ng pasasalamat ang dapat ibigay ni Mang Ben sa kanyang ina?

2. Paano ipinakita ng ina ni Mang Ben ang kanyang pagtulong sa kanyang anak at
mga apo?

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Mang Ben, ano ang iyong gagawin?

4. Kung ikaw naman ang ina ni Mang Ben gagawin mo din ba ang ginawa niya?

5. Bukod sa nabanggit na pagtulong ano pa ang maaari mong maitulong sa iyong


kapamilya at kapwa? Paano mo gagawin ito?

Magaling!

12
Gawain 9 Liham Pasasalamat
Panuto: Gumawa o sumulat ng liham para sa mga tao na iyong pinasasalamatan
na nakatulong sa iyo sa panahong ito ng pandemya o mga taong naging bahagi ng
buhay mo para maging matatag ka sa hamong ito ng iyong buhay.

Gabay na tanong:

1. Naging madali ba ang pagpili ng mga taong bibigyan mo ng liham


pasasalamat? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay gumagawa ng liham


pasasalamat para sa mga napilimong pasalamatan?

3. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng taong ginawan ng liham


pasasalamat kung mabasa nila ang iyong ginawa?

Mahusay!

13
Gawain 10 Tula o Slogan

Panuto: Gumawa ng isang tula o slogan ukol sa pagpapasalamat sa iyong mga


magulang, guro, o kaibigan.

Pamantayan sa Pagmamarka

Mahusay ang pagkakagawa; malikhain;


10 puntos
angkop sa tema

5 puntos Angkop sa tema; malikhain

2 puntos Malinis ang pagkakasulat

Gawain 11 Awiting May Pasasalamat

Gumawa ng Jingle sa mga taong nais mapasalamatan upang buhayin ang birtud
ng pasasalamat.

Pamantayan sa Pagmamarka

Mahusay ang pagkalikha ng nilalaman;


10 puntos angkop sa tema; malikhain; maayos at malinis
ang pagkagawa; orihinal
Mahusay ang pagkalikha ng nilalaman;
7 puntos angkop sa tema; malikhain; maayos at malinis
ang pagkagawa
Angkop sa tema; malikhain; maayos at malinis
5 puntos ang pagkagawa

Angkop sa tema; malikhain; malinis ang


3 puntos
pagkagawa

1 puntos Malinis ang pagkakagawa

14
Tayahin

I. Panuto: Isulat ang Tama kung tama o totoo ang pahayag at Mali naman
kung hindi totoo o hindi tama ang pahayag.

1. Matuto kang makuntento sa mga bagay na mayroon ka.

2. Matutong laging magpasalamat sa buhay na ipinahiram at


ipinagkakaloob sa atin ng Diyos.

3. Hindi pinasasalamatan ang mga frontliners na nagbubuwis ng


buhay para gampanan ang serbisyo nila sa bayan dahil
obligasyon nilang gamapanan ang trabaho nila.

4. Ayon kay Blessed Mother Theresa ng Calcutta, “Kalimutan man


nila ang kabutihang ginawa mo ngayon, gawin mo pa rin ang
mabuti.”

5. Matutong pahalagahan ang mga simpleng bagay o biyaya na


iyong natatanggap mula sa Diyos at kapwa.

II. Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Pinabili ka ng nanay mo ng mantika may sukli ka pang 25 pesos. Hindi mo


na ito ibinalik nakalimutan ni nanay mo na kunin sa iyo.
a. Ibibigay ang sukli sa binili.
b. Ibibili ko na ng pagkain.
c. Ihuhulog sa alkansiya.
d. Hindi ko na ipapaalala.

2. Sabay kayong bumili ng kalaro mo sa tindahan, dahil maraming bumibili kaya


namali ng sukli ang tindera. Naibigay niya ang sukli mo sa iyong kalaro pero
ibinalik sa niya ito sa iyo. Alin dito ang nagpapakita ng pagwawalang-bahala
sa kabutihang ginawa ng iyo ng kapwa?
a. Bibigyan ko ng limang piso ang kalaro ko para wala akong utang na
loob sa kanya.
b. Pagkakatiwalaan ko siya dahil siya ay mabuting tao.

15
c. Makikipagkaibigan ako sa kanya.
d. Pasasalamatan ko siya sa kanyang katapatan at kabutihan.

3. Bakit may pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa


katapatan? Alin ang tamang gawin?
a. Dala ng kahirapan kaya nagagawa ang kumuha ng hindi sa kanya.
b. Dahil kailangan ang pera kaya nagawang mang-umit sa bulsa ng tatay.
c. Matindi ang pangangailangan kaya hindi na ibinalik ang napulot na
pera.
d. Kahit mahirap ang buhay may dangal at hindi inaangkin ang hindi
pag -aari.

4. Sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Salamat” naipapahayag ang pasasalamat


sa kabutihan ng kapwa. Alin ang hindi totoo ukol dito?
a. Tama na ugaliin ang laging magpasalamat kahit simple lang ang
nagawa ng kapwa mo sa iyo.
b. Tama ito dahil nakakataba ng puso kapag pinapahalagahan ang
mabuting ginawa.
c. Mali ito dahil hindi dapat basta-basta nagpapasalamat.
d. Mali ang balewalain ang kabutihang loob na ginawa ng iyong kapwa.

10. Alin ang hindi kabilang sa paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kapwa?


a. Sa kabila ng pandemya na ating nararanasan may mga tao pa ring
nagkakaloob ng tulong sa nangangailangan.
b. May mga taong handang magbahagi ng biyaya sa iba.
c. Bahagi na ng buhay nila ang pagtulong sa mahihirap.
d. Iniisip lamang nila ang sarili nilang kapakanan, ayaw mabawasan
ang yaman.

Magaling! Nagawa mo!

16
Karagdagang Gawain

1. Gumawa ng Bookmark at ibigay sa mga itinuturing mong kapwa na iyong


pasasalamatan at sa mga hindi napasalamatan. Lagyan ng Quotation. (10 puntos).
Halimbawa:

2. Sumulat sa Journal o Notebook, isulat ang nagawa mo na sarili mo lang ang


inisip mo. Ano ang gagawin mo para baguhin mo ito?

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian
Bognot, Regina Mignon, Romualdes Comia, Sheryll Gayola, Marie Aiellen Lagarde, Marivic
Leaño, Eugenia Martin, Marie Ann Ong, and Rheamay Paras. 2014. Edukasyon Sa
Pagpapakatao 8. Pasig City, Philippines: FEP Printing Corporation.

"Ang Aral Ng Damo (Maikling Kwento Na May Aral)". 2021. Pinoy Collection.
https://pinoycollection.com/aral-ng-
damo/?fbclid=IwAR2q2zoGTDXyHu27T37eHiAC873ndVGEx-
zbCCC8s1FbSip2u5V8zOBEvAs.

Mga Larawan
"Disconnect And Reconnect: The Impact Of Gratitude Journaling And Breathing For Good
Physical And Mental Health | Bodyshot Performance". 2021. Bodyshot Performance.
https://www.bodyshotperformance.com/disconnect-and-reconnect-the-impact-of-
gratitude-journaling-and-breathing-for-good-physical-and-mental-health/.
2021. 123RF Stock Photos. https://www.123rf.com/clipart-
vector/gratitude.html?sti=llsc6d4edpzhgnhu17|.
"Fancy Border Frame Clipart Png Clipartxtras Clipart - Free Clipart Png For Free Download
| DLPNG". 2021. Dlpng.Com. https://dlpng.com/png/6475602.
"Frames Clipart Decorative, Picture #1155547 Frames Clipart Decorative".
2021. Webstockreview.Net. https://webstockreview.net/image/clipart-frames-
decorative/1155547.html.
"Watercolor Paper Bookmark, Abstract Leaves Watercolor With Positive Life Calligraphy
Quote In 2021 | Bookmarks Handmade, Bookmark Craft, Creative Bookmarks".
2021. Pinterest. https://www.pinterest.ph/pin/49539664643317555/.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

20

You might also like