You are on page 1of 2

Claudio R.

Tuante III BSHM3 A

Pagsasanay 1 (Indibidwal)

Panuto:Sagutin ang sumusunod gamit ang sariling pananalita.

1.Bakit itinanghal na salita ng taon ang CANVASS ?


Naging salita ng taon ang Canvass noong taong 2004 dahil sa itinakbo ng halalan noong mga
panahong iyon. Inilahad ni David na maaari kang manalo sa botohan at matalo sa canvassing o
siyang pakilatis nang mabuti sa mga dokumento o resluta ng tumatakbong opisyal. Noong taon
ding ito and naganap ang pinakakontrobersiyal na halalan sa kasaysayan ng Pilipinas kung
saan tinalo sa pagkapresidente ni Gloria Macapagal- Arroyo si Fernando Poe Jr. sa halos isang
milyong boto na lamang.

2.Ibigay Ang tatlong pagpapakahulugan ni David ng salitang canvass?


Ayon kay David, may tatlong pagpapakahulugan sa salitang Canvass. Una, ito ay tumutukoy sa
telang ginagamit sa pagpipinta o trapal na pantapal. Pangalawa, pangangalap ng
pinakamahusay sa kalidad ng isang produkto o serbisyo sa mababang presyo sa usaping
komersiyo. Pangatlo, isang mapagpabagong gawain sa eleksiyon na nangangailangan ng
isang masusing pagkilatis ng mga dokumentong naglalaman ng resulta na siyang namayani sa
lahat ng pagpapakahulugan dahil sa mga kaganapan sa taong iyon na may kinalaman sa pulitika.

3.Ano ang problemang dapat harapin ng HUWETENG ?


Ito ay isang realidad sa ating lipunan na kumukuwestiyon sa kasalukuyang lagay ng politika sa
Pilipinas. Nag-uugat ito sa mas malalim na katiwalian dahil ang mga aktibidad ay pinakikilos ng
limpak-limpak na salapi mula sa isang ilegal na sugal na siyang sakit sa lipunang Pilipino sa
pangkalahatan.

4.Bakit itinuturing ang salitang LOBAT na pinakaunang paramdam ng epekto sa wika ng


umuunlad na industriya ng teknolohiya sa bansa?
Ito ay dahil sa isang penomenon na tinatawag na "technological dehumanization" o ang di
namamalayang epekto ng makina sa buhay ng isang tao ayon kay Capilos. Noong taon ring iyon
ay tinaguriang "Text Capital of the World" ang Pilipinas. Dahil sa mga kaganapang ito,
nagkaroon ng bagong pagpapakahulugan sa salitang lobat na siyang namula sa ingles na “low
battery”.

5.Paano nagkaroon ng bahid ng sikolohiyang Pilipino ang kahulugan ng salitang MISKOL?


Ayon kay Romulo Baquiran, ito may bahid na sikolohiyang Pilipino nagagamit ang miskol bilang
paraan ng pagpaparamdam at pagmamayabang. Kalaunan, ginagamit din ang miskol bilang
isang makabagong pamamaraan ng pagpaparamdam dahil ito ay mura, at hindi nasasaklaw ng
oras at distansya pero may kaakibat na panganib sapagkat hindi malaman laman kung tama ba
ang taong iyong kinakausap sa kabilang linya.
6.Anong kultura ang ipinapakita ng SELFIE ?
Ang salita ay sumasalin sa litaw na kultura ng mga gitnang-uri o nakaririwasa o sa madaling
salita, mga may kaya. Ito ay sa kadahilanang sila ay may kakayahang bumili ng mga
kasangkapan sa pagkuha ng litrato at sa kanilang akses sa tinatawag na Internet. Iba pang
maaring pinapakita nito ay ang kultura ng konsumerismo, labis na pagtutok sa sarili, at
narsisismo na konektado sa salitang “self” o sarili sa Filipino.

7.Ano naman ang itinataguyod ng pagsasa-Pilipino ng baybay na FOTOBAM?


Ang pagbaybay nito bilang fotobam sa pagtataguyod ng pangangalaga sa mga simbolong
pangkasaysayan at pangkultura ng ating bansa. Ang salitang “Fotobam” ay hindi lamang isang
salita na nauso dahil sa panahon, ito rin ang salita na nagdala sa bayan, at sa maraming
talakayin nito tulad ng media at legalidad, sa isang mas mataas na lebel ng usapan ukol sa
kasaysayan at pamanang pangkalinangan.

8.Anong kultura ang kinakatawan ng JEJEMON?


Ang jejemon ay kumakatawan sa isang uri ng kulturang nabuo dahil sa epekto ng teknolohiya ng
cellphone. Ito ay dahil sa nabuomng linyang at sa tunggalian sa pagitan ng mga nasa gitnang-uri
at nasa mababang-uri.

9.Paano naging popular ang salitang WANGWANG?


Bukod sa pagpapakahulugan sa salitang ito ay mas nagging popular ang salitang Wangwang
taong 2012. Nagsimula ito nang binigyan ng bagong kahulugan ni presidente Aquino ang
salitasa kanyang sona na kanyang ginamit bilang sagisag sa mga pang aabuso ng mga opisyal sa
pamamahalaann at siyang naging dahilan upang ito ay mapasama sa mga salitang nominado at
nagwagi bilang salita ng taon noong 2012.

You might also like