You are on page 1of 24

ISSN 1655-2814

Questions
SERIES No. 18

and Answers
Oktubre 2010 FILIPINO VERSION

ORGANIC FERTILIZER

Philippine Rice Research Institute


July 2010

Q&A Series

1 Hybrid Rice
2 Varieties and Seeds
3 Integrated Pest Management
4 Integrated Nutrient Management
5 Rice Biotechnology
6 Rice Postproduction Technology
7 Economics of Rice
8 Golden Rice
9 Organic Fertilizer
10 Location-specific Technology Development
11 Hybrid Rice (Filipino version)
12 Varieties and Seeds (Filipino version)
13 Integrated Pest Management (Filipino version)
14 Integrated Nutrient Management (Filipino version)
15 Rice Biotechnology (Filipino version)
16 Rice Postproduction Technology (Filipino version)
17 Economics of Rice (Filipino version)
18 Golden Rice (Filipino version)
19 Organic Fertilizer (Filipino version)

Inilathala Oktubre 2010 ng Philippine Rice Research Institute


Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

Nilalaman
Sa Organikong Pataba
1. Ano ang organikong pataba? p. 1
2. Ano ang likas at fortified na organikong pataba? Ano ang
kanilang pagkakaiba? p. 1
3. Paano nakakukuha ang halaman ng sustansiya mula sa
organikong pataba? p. 2
4. Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa paggamit ng
organikong pataba? p. 2
5. Lagi bang ligtas ang paggamit ng organikong pataba? p. 3

Sa komersyal na organikong pataba


6. Ang komersyal na organikong pataba ba ay iba-iba ang
nilalaman? p. 3
7. Paano malalaman ang tiyak na sustansiya sa komersyal na
organikong pataba? p. 3
8. Paano malalaman na ang komersyal na organikong pataba ay
mayroong magandang kalidad? p. 4

Sa paggawa ng sariling organikong pataba


9. Anu-ano ang iba’t ibang organikong materyal na maaaring
gamitin sa paggawa ng organikong pataba? p. 4
10. Anu-ano ang mga paraan sa pagpapalit-anyo ng dayami
hanggang maging isang mapagkukunan ng organikong
pataba? p. 5

Sa organikong pataba at ang epekto nito sa lupa


11. Ano ang mas mainam na gamitin: purong organiko, purong
inorganiko, o pareho? p. 7
12. Ang paglalagay ba ng organikong pataba ay nakaaapekto ng
kulay ng lupa? p. 8
13. Bakit maraming damong tumutubo kapag ginamitan ng
organikong pataba? p. 8
14. Bakit ang putik ay lumalalim pagkatapos gumamit ng
organikong pataba? p. 9
July 2010

Nilalaman
Sa organikong pataba at sa kapaligiran ng palayan
15. Ang pag-aplay ba ng organikong pataba ay nakababawas sa
pananalasa ng peste at sakit? p. 9
16. Ang paggamit ba ng organikong pataba ay magreresulta sa
likas-kayang produksyong pang-agrikultura? p. 10
17. Bakit mabaho ang organikong pataba? p. 11
18. Kung mag-aaplay ba ng 100 bag ng organikong pataba sa
palayan, nangangahulugan bang organikong palay na ang
aking ani? p. 11

Sa paggamit ng organikong pataba


19. Gaano karaming bag ng organikong pataba ang kailangan
para sa isang ektarya? p. 12
20. Posible bang maging sobra ang inilagay na organikong
pataba? p. 13
21. Ano ang mangyayari kung nakapag-aplay sa palayan ng
sobrang organikong pataba? p. 13
22. Babawasan ko ba ang dami ng inorganikong pataba kung
magdadagdag ako ng organikong pataba? p. 13
23. Kailan ang tamang panahon ng paglalagay ng organikong
pataba? p. 14
24. Gaano katagal ang dapat na paggamit ng organikong
pataba? p. 15
25. May mga pag-iingat bang kailangang gawin bago gumamit ng
organikong pataba? Anu-ano ang mga ito? p. 15
26. Papaano natin masisiguro na walang patoheno sa organikong
pataba? p. 15

Sa ekonomiks ng paggamit ng organikong pataba


27. Totoo bang nababawasan ang gastos sa input kung gagamit
ng organikong pataba? p. 17
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

Sa organikong pataba

1. Ano ang organikong pataba?

Ang organikong pataba


ay gawa sa binulok na
dumi ng hayop o halaman
na ang itsura ay parang
lupa, ngunit ligtas sa mga
organismong nagdudulot ng
sakit. Dagdag pa rito, ang
organikong pataba, likas man
o pinalakas (fortified), ay
nagtataglay ng hindi bababa
sa 20% organikong bagay o
organic matter (OM) kung
pinatuyo sa oven at ito ay
may kakayahang magbigay ng mga sustansiya sa halaman.
Tinatawag namang pampakondisyon ng lupa o sangkap
ang iba pang mga bagay sa lupa na hindi nakaabot sa
pamantayan bilang organikong pataba.

2. Ano ang likas at fortified na organikong pataba? Ano ang


kanilang pagkakaiba?

Ang likas na organikong pataba ay halaman o dumi


ng hayop (meron man o walang likas na pampabulok) na
nabulok sa natural na paraan. Ang mga ito ay isinasalansan
at kalaunan`y inihahalo sa lupa bilang karagdagang pataba.
Ang mga ito ay nagtataglay ng 1-3% na pagkain ng halaman.
Sa kabilang banda, ang pinalakas na organikong pataba
naman ay ang likas na organikong pataba na hinaluan ng mga
organismong mikrobyo, karagdagang kemikal, o inorganikong
pataba para mapataas ang sustansiyang taglay o lalong
pabilisin ang pagbulok ng mga ito. Ito ay may taglay na higit
sa 7% kabuuang pagkain ng halaman.

1
Oktubre 2010

3. Paano nakakukuha ang halaman ng sustansiya mula sa


organikong pataba?

Ang mga
sustansiyang mula sa
organikong pataba
ay magpapalit-
anyo muna, mula
organiko patungong
inorganiko, bago
mapakinabangan ng
halaman. Ang mga
organikong bagay
ay nagkakapira-
piraso o naghihiwa-
hiwalay muna sa mas maliliit na bahagi (physical breakdown)
at pagkatapos ay daraan sa prosesong kemikal (chemical
breakdown) upang maging mga mineral na siyang magagamit
ng mga halaman.

4. Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa paggamit ng


organikong pataba?

Ang paggamit ng organikong pataba ay may mga


benepisyong taglay katulad ng mga sumusunod:

o Sa mahahangin o sa matataas na lupa, partikular


sa mga mabuhanging lupa, ito ay nagpapataas sa
kakayahan ng lupa na manatiling mahalumigmig o
basa na siyang nagiging dahilan para maging madali sa
mga ugat na makakuha ng sustansiya. Subali’t, sa mga
bahaing lupa, hindi ito nangyayari.
o Nagpapataas ng populasyon at pagkakaiba-iba ng mga
organismong tumutulong sa mahusay na pagpapalit-
anyo ng pataba sa lupa, mula anyong organiko
hanggang maging anyong maaari nang magamit ng
halaman.

2
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

o Kung sa mga kamang punlaan ginamit, mas madali ang


pagbunot sa mga punlang halaman.
o Pinananatili nito ang pagiging matatag na istraktura
ng lupa.

5. Lagi bang ligtas ang paggamit ng organikong pataba?

Oo. Laging ligtas gamitin ang organikong pataba


lalo na kung husto ang pagkabulok nito. Mas ligtas ang
organikong pataba na sariling gawa kaysa sa mga komersyal
na organikong pataba dahil sigurado ka sa pinanggalingan
at nilalaman ng pataba gayundin kung paano ito naproseso.
Sa ganitong paraan, mababawasan ang pag-aalinlangan sa
mga komersyal na organikong pataba na gagamitin.

Sa komersyal na organikong pataba

6. Ang komersyal na organikong pataba ba ay iba-iba ang


nilalaman?

Oo. Ang nilalaman ng komersyal na organikong pataba


o commercial organic fertilizer (COF) ay depende sa
mga materyales na ginamit ng gumagawa ng organikong
pataba. Marami sa mga komersyal na organikong pataba ay
purong organiko lamang habang ang iba ay may dagdag na
sangkap, ang iba ay ginamitan ng pampabulok, samantalang
ang iba pa ay likas namang pinabulok.

7. Paano malalaman ang tiyak na sustansiya sa komersyal


na organikong pataba?

Ang dapat, ang sako na pinaglagyan ng pataba


ay kakikitaan ng talaan ng mga sustansiyang taglay ng
komersyal na organikong pataba. Nguni’t, karamihan,
maliban sa mga may dagdag na urea o organismong

3
Oktubre 2010

pampabulok, ang mga komersyal na organikong pataba ay


may NPK na mula 1% hanggang 3%.

8. Paano malalaman na ang komersyal na organikong


pataba ay mayroong magandang kalidad?

Hindi tayo makasisiguro sa kalidad ng komersyal na
organikong pataba. Ang mapanghahawakan lang natin ay
kung ano ang analisis ng NPK na nakasaad sa sako. Ang
Fertilizer and Pesticide Authority (FPA), ang ahensiyang
pampatakaran ukol sa pataba, ay hindi rin nakatitiyak na
ang kalidad ng organikong pataba na isinumite sa ahensiya,
kahit may tatak na ang sako na FOR REGISTRATION, ay
napananatili habang ginagawa ang produkto ng maramihan.
Kalimitan, base sa aming pag-analisa, kung ano ang
nakasaad sa sako ay hindi ang aktwal na nilalaman na NPK.
Kaya, mas mabuti kung sariling-gawang organikong pataba
na lamang ang gagawin gamit ang mga nabubulok na bagay
sa bukid at sa kusina. Sa ganitong paraan, alam natin
ang kalidad ng organikong pataba na ating gagamitin at
makatitipid pa tayo sa gastos.

Sa paggawa ng sariling organikong pataba

9. Anu-ano ang iba’t ibang organikong materyal na


maaaring gamitin sa paggawa ng organikong pataba?

Dayami ang pinakamadalas gamiting patapong
bagay sa bukid sa paggawa ng organikong pataba. Subali’t
marami pang mga ibang patapong bagay na maaaring
gamitin. Makikita sa sumusunod na talataan ang ibang mga
organikong materyal o bagay pati ang dami ng posporo
(phosphorus) at potasyo (potassium) na kanilang maibibigay
sa bawat 1,000 kilogramo.

4
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

Phosphorus Potassium
Organikong Materyal
(kg) (kg)

Sariwang azolla 25 1
Dayami at hindi na sariwang dumi ng baka 5 5
Sariwang dahon ng ipil-ipil 6 10
Hindi na sariwang dumi ng manok 15 10
Hindi na sariwang dumi ng baboy 10 15
Sariwang Sesbania rostata 1.5 4

10. Anu-ano ang mga paraan sa pagpapalit-anyo ng dayami


hanggang maging isang mapagkukunan ng organikong
pataba?

Maraming paraan upang maging organikong pataba


ang mga dayami. Ang mga sumusunod ay mga mungkahing
pamamaraan:

Pamamaraan 1:
Direktang paghalo
sa lupa ng walang
organismong
pampabulok

Tadtarin at ikalat
agad ang mga
dayami sa bukid
pagkatapos umani.
Sa unang pag-
aararo o 30 araw
bago ang lipat-
tanim, ihalo ang
dayami sa lupa.

5
Oktubre 2010

Pamamaraan 2: Direktang
paghalo sa lupa na may
organismong pampabulok

Tadtarin at ikalat agad ang


dayami sa palayan pagkatapos
umani. Sa unang pag-aararo o 30
araw bago ang lipat-tanim, ihalo
ang dayami sa lupa. Sa ika-14
na araw bago ang lipat-tanim
o sa unang pagsuyod, lagyan
ng EM-based na organismong
pampabulok (EMBI) ang lupang
sinabugan ng dayami sa
timpladang 1 litrong EMBI sa
bawat 10 kg na dayami upang mas
mapabilis ang pagbubulok.


Pamamaraan 3: Gamitin muna sa pagpapatubo/pagpaparami
ng kabute, bago ihalo sa lupa

Gamitin muna ang dayami bilang materyal sa pagpapatubo/


pagpaparami ng kabute. Pagkatapos anihin ang mga kabute,
diretsong ihalo ang bahagya nang nabubulok na mga dayami
sa lupa.

Pamamaraan 4: Muling paggamit ng dayami para sa


pagpaparami ng bulate (vermiculture), bago ang paghalo sa
lupa

Ang mga dayaming ginamit sa pagpaparami ng kabute ay


gawing pagkain muna ng mga bulate. Kaya, sa halip na
mga dayaming bahagyang nabulok, ang mga dumi/tae ng
mga bulate ang gamitin bilang organikong pataba sa mga
halamang palay.

6
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)


Pamamaraan 5:
Pasalansang Pagbubulok

Isalansan ng masinsin ang


mga dayami. Ihalo ito
sa mga dumi ng hayop.
Diligan at haluin araw-
araw upang mapalabas
ang init na nasa ilalim.
Pagkalipas ng isang
buwan, ang dayami ay
husto na ang pagkabulok
at puwede nang gamitin.

Sa organikong pataba at ang epekto nito sa lupa

11. Ano ang mas mainam gamitin: purong organiko, purong


inorganiko, o pareho?

Base sa dalawang pag-aaral ng Philrice na sumiyasat


sa epekto ng pataba sa katabaan at pagiging produktibo
ng lupa, at sa paglaki at ani ng palay, ang paggamit ng
kombinasyong organiko at inorganikong pataba pa rin ang
pinakamainam.
Hanggang noong anihang 2006, napatunayan sa pag-
aaral na hindi sapat ang paggamit ng organikong pataba
lamang sa pagkamit ng mataas na ani ng palay. Una,
napakababa ng taglay na NPK ng organikong pataba (1-
3%). Dagdag pa rito, ang nitrohenong taglay ng organikong
pataba ay naobserbahang bumaba sa ika-28 araw pagkatapos
magtanim (DAT) na siyang yugtong kailangang-kailangan ng
palay ang sustansiyang nitroheno. At ang huli, ang paunang
mga sustansiyang galing sa organikong mga bagay na nasa
lupa ay 50% lamang ng kabuuang pangangailangan ng palay.

7
Oktubre 2010

12. Ang paglalagay ba ng organikong pataba ay nakaaapekto


sa kulay ng lupa?

Oo. Sa katagalan, ang paglalagay ng organikong pataba


ay nagreresulta sa pagiging kulay itim o itim-kayumanggi ng
lupa, na nagsasaad ng pagiging mataas sa organikong bagay
ng lupa.

13. Bakit maraming damong tumutubo kapag ginamitan ng


organikong pataba?

Karaniwan, ang buto ng damo ay hindi namamatay


habang nabubulok ang organikong materyal, lalo na kung
ang pinanggalingan ng organikong pataba ay pinaghalong
bulok na halaman at dumi ng hayop. Dagdag pa rito, ang
damo ay hindi namamatay kahit makain ng mga hayop
na nanginginain ng damo dahil sa ang mga buto ng damo
ay nasa tulog na yugto lamang. Kapag ang abono na
maaaring nagtataglay ng mga butong na ito ay inihalo na
sa lupa at naging maganda ang kondisyon sa lupa, tulad ng
pagkakaroon ng tubig, hormon ng mga maykroorganismo,
tamang init, at tamang liwanag ng araw, ang mga buto ng
damo ay madaling tumubo.

8
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

14. Bakit ang putik ay lumalalim pagkatapos gumamit ng


organikong pataba?

Sa paglalagay ng
organikong pataba,
nagiging buhaghag
at tumataas ang
kakayahan ng lupa na
maging mahalumigmig
o basa dahil sa
tumataas na mga
organikong bagay.
Bunga nito,kung sobra
ang pagbubungkal
ng lupa, ang putik
ay tuluyang lalalim
habang nababasag ang
mga tigang na lupa.

Sa organikong pataba at sa kapaligiran ng


palayan

15. Ang pag-aplay ba ng organikong pataba ay nakababawas


sa pananalasa ng peste at sakit?

Wala pang mga datos sa ngayon kung nakapagpapababa


sa pananalasa ng sakit at peste ang paggamit lamang
ng organikong pataba. Subali’t may isang pag-aaral na
isinagawa ng isang mag-aaral ng Central Luzon State
University (CLSU) na nagsaad na ang populasyon ng lamok
na nagdadala ng dengue ay mas mababa sa mga lugar na
nilagyan ng organikong pataba kesa sa mga lugar na nilagyan
ng inorganikong NPK na pataba.

9
Oktubre 2010

Para maging ligtas, sanaying gamitin ang pinagsama-samang


pamamaraan sa pamamahala ng peste. Ito ay natural na
pumipigil ng mga peste sa halamang ginamitan ng organikong
pataba o maging ng inorganikong pataba.

16. Ang paggamit ba ng organikong pataba ay magreresulta


sa likas-kayang produksyong pang-agrikultura?

Hindi gaano; pero may maitutulong ito. Ito ay sa


kadahilanang ang organikong pataba ay isa lamang sa mga
usaping isinasaalang-alang kung ang usapin ay tungkol
sa likas-kayang produksyong pang-agrikultura. Ang likas-
kayang agrikultura ay naka-pokus sa mga usapin sa
kapakinabangan ng sakahan, pamamahala ng kapaligiran,
at mauunlad na mga pamayanan. Ang ibig sabihin, habang
sinusubukan nating isagawa ang lahat ng hakbangin upang
mapataas ang produksyon ng mga lupang sakahan, dapat
din nating hanapan ng paraan ang kasiguraduhan na ang
mga susunod na salinlahi ay may mapagkukunan pa ng
pangangailangan upang mabuhay at dumami. Makatutulong
ang pagpapanibagong-gamit ng mga patapong mga bagay
para maging organikong pataba. Ngunit dapat ding isaalang-
alang ito kung magiging sapat ito para magresulta sa isang
likas-kayang produksyong pang-agrikultura.

10
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

17. Bakit mabaho ang organikong pataba?

Ang organikong pataba na may mainam na kalidad ay


walang mabahong
amoy. Kung ang
organikong pataba
o kompost ay amoy
maasim, nabubulok,
maanta, o may
mabahong amoy, ang
ibig sabihin nito ay
hindi pa kumpleto
ang pagkabulok
kaya huwag munang
gamitin ang
organikong pataba.
Muli itong bulukin
hanggang mawala ang
mabahong amoy.

18. Kung mag-aaplay ba ng 100 bag ng organikong pataba sa


palayan, nangangahulugan bang organikong palay na ang
aking ani?

Hindi. Ang palay ay hindi magiging ‘organikong palay’


nang ganoon lang. Batay sa Organic Product Standarization,
ang produkto ay mapagtitibay na organiko kung walang
inilagay o ginamit na kahit anong sintetiko o kemikal gaya
ng pestisidyo at pataba. Ang palayang bibigyan ng katibayan
na ito ay organiko ay dapat malayo sa ibang palayan na
gumagamit ng hindi organikong pataba o pestisidyo. Ang
panghuli, ang tubig na ginagamit sa palayan ay hindi
dapat dumadaan sa katabing palayan na gumagamit ng
inorganikong pataba o nag-iispray ng mga pestisidyo. Ibig
sabihin, ang lugar na bibigyang-katibayan bilang organikong
bukirin ay dapat nakahiwalay sa ibang bukirin at ang patubig

11
Oktubre 2010

ay nakahiwalay sa mga kanal ng


irigasyon. Imposible para sa mga
lupang bana o mabababang lupain
na makaani ng tinatawag na
organikong palay.
Dagdag pa rito, hindi
matatawag na organiko o
inorganiko ang palay kung ang
pataba ang kunsiderasyon. Bakit?
Dahil bago masipsip o magamit
ng palay ang mga sustansiya
o mineral mula sa organikong
pataba, ang mga organikong
pataba ay dapat munang dumaan
sa proseso ng pagpapalit-anyo,
mula organiko hanggang maging
inorganiko.

Sa paggamit ng organikong pataba

19. Gaano karaming bag ng organikong pataba ang kailangan


para sa isang ektarya?
Walang eksaktong dami
ng organikong pataba ang
rekomendadong gamitin para
sa isang ektarya dahil ang
dami ng organikong pataba
na iaaplay ay nakadepende
sa dami ng organikong
bagay na nasa lupa. Upang
malaman ito, dapat munang
magkaroon ng pag-aanalisa
ang lupa.

12
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

20. Posible bang makapag-aplay ng sobrang organikong


pataba?

Oo. Pero sa mga aerobic na ekosistema ng palayan


o doon sa matataas na lugar, at mga lupang sahod-ulan
na kung saan napakabilis maubos ang mga sustansiya sa
lupa dahil sa mabilis na mineralisasyon, ang paglalagay ng
organikong pataba ay walang limitasyon. Ang ibig sabihin
nito, maaaring maglagay ng organikong pataba kahit gaano
karami o kadalas at mananatiling walang negatibong epekto
ito.

21. Ano ang mangyayari kung nakapag-aplay sa palayan ng


sobrang organikong pataba?

Sa bahaing lupain o sa patuloy na binabahang


kalagayan ng lupa, ang sobrang paglagay ng organikong
pataba ay magpapataas sa Iron (Fe) at Manganes (Mn) na
nasa lupa, at Phosphorus (P) na nagreresulta ng kakulangan
sa Zinc na isa sa pinakamahalagang sustansiyang kailangan
ng halamang palay. Ang sobrang paglalagay naman sa mga
lupang laging binubungkal ng may tubig, nagre-resulta sa
pagiging burak nito at mahirap nang pamahalaan.

22. Babawasan ko ba ang dami ng inorganikong pataba kung


magdadagdag ako ng organikong pataba?

Para sa mas
mataas at likas-
kayang pag-ani,
hustong dami ng
rekomendadong
NPK na pataba para
sa palay ang dapat
ilagay kasama ng
kung anong mayroon
na organikong pataba
na nasa bukid. Dapat

13
Oktubre 2010

isaalang-alang na mababa lamang ang porsyento ng NPK


sa mga organikong pataba. Ang pangunahing benepisyong
makukuha sa paggamit ng organikong mga bagay ay para
sa pagsustento ng pang-istrakturang katatatagan ng lupa
at bilang pagkain ng populasyon ng mikrobyo at hindi
bilang pangunahing mapagkukunan ng sustansiya ng palay.
Datapwa’t ang dami ng rekomendadong inorganikong pataba
sa luwag o lagkiting lupa ay maaaring bawasan ng hanggang
50% pagkatapos ng tatlong taon ng patuloy na paglalagay ng
mga organikong pataba maliban sa nitrohenong pataba.

23. Kailan ang tamang panahon ng paglagay ng organikong


pataba?

Ang hindi pa nabulok at hindi pa naprosesong mga


organikong materyal, katulad ng dayami, ay kailangang ihalo
sa palayan 3 hanggang 4 na linggo bago maglipat-tanim.
Ang ganuong haba ng panahon ay sapat na upang mabulok
ng husto ang dayami at mabigyan ng sapat na panahon
na maalis ang mga mapanirang mga organikong asido. Sa
kabilang banda, ang naprosesong organikong pataba ay
maaaring ihalo sa lupa sa panahon ng huling pagsuyod ng
lupa o isang linggo bago ang lipat-tanim o bago isabog ang
mga pinatubong buto ng palay. Ang sumusunod na talaan
ay nagpapakita ng isang mas detalyadongg iskedyul ng
paglalagay ng iba`t ibang organikong pataba.

Organikong Pataba Kailan ilalagay*

Hindi pa bulok na dayami 28-30 araw bago maglipat-tanim


Makatas na berdeng dumi 1-2 araw bago maglipat-tanim
Komersyal na organikong pataba 7-10 araw bago maglipat-tanim
Dayami na may EM1** 21-30 araw bago maglipat-tanim
Bulok na dayami 7-10 araw bago maglipat-tanim

*Batay sa pag-aaral sa pattern ng pagsingaw ng nitroheno sa pagkakakulob


(Javier et al, 1999)
** EM1 o Effective Microorganism 1.

14
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

24. Gaano katagal ang dapat na paggamit ng organikong


pataba?

Maaaring gumamit ng organikong pataba hanggang ang


palayan ay may mga patapong bagay pa rin na magagamit,
dahil mas mainam na ibalik ang mga ito sa palayan bilang
organikong pataba kaysa hindi mapakinabangan. Ang muling
paggamit ng mga patapong bagay bilang mapagkukunan
ng mga sustansiya ay magpapanatili sa likas na suplay ng
sustansiya sa lupa na hindi kailangang gumastos ng malaki.

25. May mga pag-iingat bang kailangang gawin bago gumamit


ng organikong pataba? Anu-ano ang mga ito?

Oo. Sa karaniwan, ang organikong pataba ay


nakapagpapalala ng kondisyon ng bahaing lupa. Kaya, bago
gumamit nito, siguraduhin muna na ang lupa ay may taglay
na organikong pataba na mas mababa sa 3%. Kapag piniling
gumamit ng organikong pataba, siguraduhin na wala itong
mga buto ng damo na maaaring tumubo, organismong
nagdudulot ng sakit, at mga parasitiko na maaaring manalasa
sa palayan pagkatapos mailagay.

26. Papaano natin masisiguro na walang patoheno sa


organikong pataba?

Kung posibleng may sakit ang pananim na ang patapong


bahagi ang gagamitin na organikong pataba, maaari muna
itong sunugin o hayaang mababad sa tubig bago ihalo sa
lupa upang maiwasan ang organismong patoheno bagamat
ito ay magreresulta sa pagkawala ng mga sustansya ng mga
organikong mga bagay. Para sa mga komersyal na organikong
pataba, ang FPA ang siyang dapat magpapatotoo na walang
makikitang patoheno dito. Subali’t ito ay magiging totoo
lamang kung ang sampol na ipinasuri ay mula sa organikong
pataba na ginawa ng maramihan.

15
Oktubre 2010

Sa ekonomiks ng paggamit ng organikong pataba

27. Totoo bang nababawasan ang gastos sa input kung


gagamit ng organikong pataba?

Kung ang hangad mo ay makamit ang pinakamataas na ani


ng iyong pananim, hindi. Dahil ang nakasaad sa tanong at
sagot bilang 11,ang organikong pataba ay dapat na gamitin
kasama ng rekomendadong NPK na pataba upang makamit
ang pinakamataas na ani. Kaya nga, maaaring tumaas pa nga
ang gastusin sa input maliban na lang kung ang gagamitin
ay ang mga patapong bagay sa bukid na hinayaang kusang
mabulok sa bukid (in situ composting) o kaya naman ay
inihanda bilang organikong pataba. Kung organikong pataba
lamang ang gagamitin o bibilhin, magiging mas magastos
dahil mangangailangan ang halaman ng napakaraming sako
ng organikong pataba upang matugunan ang kinakailangang
sustansiya ng halaman.

16
Q&A on Organic Fertlizer (Filipino version)

Subali’t kung sapat na sa magsasaka ang katamtamang


ani (dahil kakaunti lamang ang kayang ibigay na sustansiya
ng organikong pataba bilang pang-suporta sa paglaki at
pag-ani ng palay), at siya ay desididong gumamit lamang
ng organikong pataba, ang paggamit ng sariling-gawang
organikong pataba ay mas mura kaysa bumili ng komersyal
na inorganikong pataba. Nguni’t kung tutuusin, sa mababang
gastos sa input nguni’t mababa lang ang ani, ang gastos para
sa isang kilo ng palay ay maaaring pareho o mas mababa
Kaya, kung ang mga magsasaka ay gustong makamit
ang pinakamataas na potensyal na ani ng kanilang pananim
na palay nguni’t tipid sa gastos sa input sa pamamagitan
ng pagbabawas sa gagamiting NPK na pataba, maaaring
gumamit sila ng mga kagamitan sa pamamahala ng
sustansiya gaya ng Minus-One Element Technique (MOET),
Nutrient Omission Plot (NOPT), o Leaf Color Chart(LCC) at
Soil Test Kit (STK).

17
Oktubre 2010

Sanggunian
Dobermann A and T Fairhurst. 2000. Rice: Nutrient Disorders & Nutrient
Management. Potash & Phosphate Institute (PPI), Potash and
Phosphate Institute of Canada (PPIC), and International Rice Research
Institute (IRRI).

IRRI. 2003. Rice Fact sheets: Organic Materials and Manures. http://
www.knowledgebank.irri.org/factsheets/Nutrient_Management/
Nutrient_Management_Practices/fs_orgMatMaure.pdf.

Javier EF and RE Tabien. 2003. NITROGEN DYNAMICS IN SOILS AMENDED


WITH DIFFERENT ORGANIC FERTLIZERS. The Phil J of Crop Science.
vol 3:49-55.

Javier EF and JM Rivera. 2007. Efficacy Test of Popular Foliar Fertilizers.


Philippine Rice R&D Highlights. pp86-87.

Javier, EF, Pascua SR, Birginias, MCB, Rivera, JM, Liboon, SP, Santin,
CA and Grospe, FS. 2007. Organic -based Diversified Rice Cropping
Systems ( Optimizing Rice Yield Under Pure Organic Farming in
Rainfed Lowland Area. Philippine Rice R&D Highlights. pp186-188.

Mamaril, CP. 2004. Organic Fertilizer In Rice: Myths And Facts. All
About Rice. A public education series of the Asia Rice Foundation.
Vol. 1(1). http://www.asiarice.org/ sections/chapters/philippines/
AllAboutRiceIssueNo1.pdf.

Mamaril, CP, Castillo, MB, Sebastian, LS. 2009. Facts and Myths about
Organic Fertilizer. Philippine Rice Research Institute. Maligaya, Science
City of Muñoz, Nueva Ecija. pp.117.

18
Mga Espesyalista sa Paksain
Evelyn F. Javier ***
Corazon A. Santin ***
Constancio A. Asis, Jr., PhD **

(* Filipino version ** English version *** English at Filipino version)

Tagapamahalang Patnugot
Ev Parac


Tagapayong Pangpatnugutan
Ronilo A. Beronio
Andrei B. Lanuza

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

Philippine Rice Research Institute


Maligaya, Science City of Muñoz, 3119 Nueva Ecija
Tel: (044) 456-0285; -0258 local 212, 217, or 512
Farmers’ Text Center: (+63) 920-911-1398

Hinihiling na magbigay ng kaukulang pagkilala kung ninanais na kopyahin


ang anumang nilalaman ng babasahing ito.
July 2010

PhilRice®
We are a government corporate entity attached to the Department of Agriculture. We were
created through Executive Order 1061 on 5 November 1985 (as amended) to help develop
high-yielding and cost-reducing technologies so farmers can produce enough rice for all Filipi-
nos.
We accomplish this mission through research and development work in our central and six
branch stations, coordinating with a network that comprises 57 agencies and 70 seed centers
strategically located nationwide.
To help farmers achieve holistic development, we will pursue the following goals in 2010-
2020: attaining and sustaining rice self-sufficiency; reducing poverty and malnutrition; and
achieving competitiveness through agricultural science and technology.
We have the following certifications: ISO 9001:2008 (Quality Management), ISO
14001:2004 (Environmental Management), and OHSAS 18001:2007 (Occupational Health and
Safety Assessment Series).

For more information, write, visit or call: PhilRice Isabela


San Mateo, 3318 Isabela
Tel/Fax: (78) 664-2280, -2954
PhilRice Central Experiment Station E-mail: san_mateo@email.philrice.gov.ph
Science City of Muñoz
3119 Nueva Ecija PhilRice Los Baños
Trunklines: (44) 456-0277, -0258, UPLB Campus, College
-0649, -0426, -0433 4031 Laguna
Telefax: (44) 456-0651 to 52 loc 218, Tel: (49) 536-3631 to 33
261, 309, 413, 512, 515, and 529 Fax: 536-3515; -0484
Text Center: 0920-911-1398 E-mail: los_banos@email.philrice.gov.ph
E-mail: prri@email.philrice.gov.ph
Website: http://www.philrice.gov.ph PhilRice Midsayap
Bual Norte, Midsayap
PhilRice Agusan 9410 North Cotabato
Basilisa, RTRomualdez Tel: (64) 229-8178
8611 Agusan del Norte Tel/Fax: 229-7242
Tel: (85) 818-4477; 343-0778 E-mail: midsayap@email.philrice.gov.ph
Tel/Fax: 343-0768
E-mail: agusan@email.philrice.gov.ph PhilRice Negros
Cansilayan, Murcia
PhilRice Batac 6129 Negros Occidental
17 Tabug, Batac City Tel/Fax: (34) 446-0835
2906 Ilocos Norte E-mail: negros@email.philrice.gov.ph
Tel/Fax: (77) 792-2545, -4702
E-mail: batac@email.philrice.gov.ph PhilRice Field Office
CMU Campus, Musuan
8710 Bukidnon
Tel: (088) 222-5744
Department of Agriculture
®

Philippine Rice Research Institute

You might also like